Share

Chapter 35: Shattered Expectations

"Athena .."

"Hmm?"

Kaagad akong lumingon, si Von lang pala ang tumawag sa akin. Nakasandal siya sa pinto at may hawak na puting folder. Inangat niya ito para makita ko. 'Yan na 'ata 'yong financial report na hinihingi ko. Kakailanganin ko 'yan para sa proposal na gagawin ko.

"Here, pinapaabot ni Miss Christine. May meeting kasi siya kaya hindi niya maiabot sa 'yo ng personal," aniya habang naglalakad papunta sa direksyon ko.

Si Miss Christine, ang head supervisor ng finance department at isa rin siya sa mga naging ninang ni Aaron. Mabait siya pero medyo strikta pagdating sa trabaho.

"Salamat, Von," sabi ko at maliit na ngumiti sa kaniya.

"Walang anuman. Umm, iniisip mo pa rin ba ang mga nangyari kahapon?" Tanong niya, bigla akong nag-iwas ng tingin at sabay na inayos ang mga gamit ko sa mesa.

Pero tama siya, iniisip ko nga ngayon ang mga nangyari kahapon. Hindi ko lang inaasahan na dahil sa isang pagkakamali, mawawalan ako ng mga kasamahan sa trabaho. Hindi ko naman masisi si sir Zach
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status