Share

Chase and Love
Chase and Love
Author: xxLauxx

Prologue

Author: xxLauxx
last update Last Updated: 2022-11-28 15:15:52

TININGALA ko ang mga nagliliparang ibon sa langit. Malayang-malaya nilang nilalakbay ang mundo na tila walang kahit anong pinoproblema. I smiled genuinely—feeling so fascinated once again. Seeing a group of them flew at the same direction looked and felt so satisfying. Their chirpings sounded like a sweet melody to my ears.

I always think that birds are one of the luckiest creatures on earth. They are free to go wherever they want to. They are free to do whatever they want. They can always be themselves without feeling scared and they can definitely accept things that the world gives.

Sana'y lahat ng tao, katulad nila. Sana noon pa lang, ganoon na rin ako.

"Kylie!" pagtawag sa akin ni Mama.

Bumuntonghininga ako at muling pumasok sa loob ng bahay. Naabutan ko si Mama na tsine-check ang mga gamit ko. Kunot noo siyang nag-angat ng tingin sa akin nang maramdaman niya ang paglapit ko.

"Ayos na ba ang lahat ng gamit mo? Ano bang itinutunga-tunganga mo pa sa labas?"

I scratched my head and controlled myself not to roll eyes. I watched her as she examined every bag that I would bring. My mom had always been looked so strict and too uptight. She also had this "you-cant-sit-with-me" vibes. Ang parati na lang tuloy tingin ng mga tao sa kaniya ay mapagmataas siya at akala mo'y kung sino. Madalas na nakakunot ang noo at malamig kung makipag-usap sa tao.

Mabuti't hindi ko namana iyon sa kaniya. Mas approachable akong tingnan kumpara sa kaniya. Minsan ay nakakapagsungit ako pero hindi katulad niya na kulang na lang ay husgahan ang buong pagkatao ng isang tao.

Ang tanging namana ko lang yata sa kaniya ay ang itsura. Pareho kaming maputi at mahahaba ang biyas. Maliit ang mukha at medyo wavy ang itim na itim na buhok. Sa kilay, medyo hindi kami magkapareho. Mas manipis ang sa kaniya habang ang sa akin ay may kakapalan ngunit maganda ang hubog. Sa mata, halos wala rin kaming pinagkaiba. Both of our eyes were upturned and a bit intense. Though I got my eye color from my dad which was hazel brown. Mama had a set of pitch black eyes. Mahaba at makakapal din ang pilikmata ko katulad ng kay Mama. Ang ilong ko ay kombinasyon ng sa kanila ni Papa—it was small and the tip of it was upturned. My lips were a little pouty and full.

Sometimes, people mistaken us as sisters. Paano, ang bata pa ring tingnan ni Mama kahit fifty na siya. She liked taking care of her looks and that was one of the things I acquired from her.

"Mom, all of my things are already there," sabi ko nang hindi pa rin siya tumigil ng kasusuri sa mga gamit ko.

"Tinitingnan ko lang! Ang ticket mo, narito na ba?"

Lihim akong napairap. "Opo."

Imbes na makipagtalo pa sa kaniya ay pinili ko na lamang lapitan ang stroller kung saan naroon si Niño. A sweet smile immediately plastered on my lips as I saw my son reaching and playing with his little feet.

"What are you doing, baby Niño?" I asked in a tiny voice as I pinched his red, chubby cheeks.

He made a sound when he saw me. His hands rose up to my direction as if he wanted me to carry him "Hmm? What is it?" I teased and lightly tickle his stomach.

He laughed as he made a high pitch sound. His hands extended more to reach me. I chuckled and gently lift him up off the stroller. His head immediately fell on my clavicle as his little hand started to crumple the upper part of my blouse.

Ilang sandali'y kinuha ko ang kamay niyang nakakuyom sa blouse ko at nilaro-laro ito. Umangat ang ulo niya mula sa pagkakahimlay sa leeg ko at inosente akong tiningnan. I smiled and kissed his closed tiny hand.

Muli kong napagmasdan ang cute na cute niyang mukha. Niño just turned 13 months old last week. He was still a baby, but his features already resembled his father's. They had the same eyebrow shape, same hooded and dark eyes, though he acquired his long lashes from me. They also had the same pointed nose and thin lips.

"Mmm-my!" he uttered some gibberish words while I was busy squeezing his chubby arms this time.

Nakakagigil kasi ang katabaan nito, e. 'Yong braso niya, parang pinagdugtong-dugtong na longganisa. Ang sarap panggigilan talaga.

"Kylie," tawag ni Mama sa isang striktong tono.

Nilingon ko siya at nakapamaywang na siya ngayon at nakataas ang kilay sa akin. Bumalik ang kamay ni Niño sa pagkusot sa damit ko.

"Siguraduhin mong ipakikilala mo 'yang apo ko sa tatay niyan, ha."

Napabuntonghininga ako at nag-iwas ng tingin. "Oo nga, Ma."

"E bakit parang napipilitan ka lang? Ano, gusto mo ba talagang lumaki 'yang si Niño na walang kikilalaning tatay?"

Napapalatak ako at hindi naiwasang kunutan siya ng noo. "Ma, it's not like that. Syempre, hindi naman ganoong kadaling sabihin sa kaniya na may anak kami. Lalo pa't baka isipin niya na itinago ko sa kaniya 'to. Well, actually, I really did hide and Niño had no choice but to hide with me—with us. Right?" I fired back sarcastically.

Kasalanan naman 'to ni Mama, e. 'Tapos bakit parang ako pa ang may kasalanan ngayon? Aware sana ang tatay ni Niño ngayon na nagkaanak siya sa akin kung hindi dahil kay Mama. Wala sana kaming problemang ganito.

Umismid si Mama at nakuha pang humalukipkip at mas lalong tumaas ang kilay.

"O, e, basta siguraduhin mong pananagutan niya ang bata. Niño's father is a Cornejo, that's why you will both have a good life with him, for sure. Panagutin mo ang tatay niyan."

"Ma, I honestly don't care if Niño's father is a Cornejo. I don't care about their money and influence. I have my own money and I have a the means to provide for Niño," katwiran ko.

Nalukot ang mukha niya at inis na nagkamot ng ulo. "Hay naku, huwag ka nang sumagot! Basta't ipakilala mo si Niño sa tatay niya!"

Hindi na nga ako sumagot pa dahil hahaba lang ang diskusyon. Hindi pa man din mahilig magpatalo 'tong si Mama. Nang maayos na ang lahat ng dadalhin ko ay ipinasok na ng driver kong si Kuya Cardo ang mga maleta at bag sa kotse, pati na ang mga gamit ni Niño.

Pinupog pa ng halik ni Mama si Niño bago kami tuluyang nakapagpaalam. Hindi sasama sa amin si Mama pabalik ng Isla Cornejo dahil hanggang ngayon ay natatakot pa rin siya kahit na siniguro na sa amin ng abogado namin na naayos na nito ang pakikipag-negotiate sa mga malalaking taong pinagkautangan ni Mama roon.

Pakiramdam niya ay hahabulin pa rin siya at pagbabantaan. E kasi naman, kung ano-anong ginagawa niyang kabalastugan. Pati tuloy kami ni Niño ay nadamay at napunta rito sa Palawan.

Nang makalapag sa airport ay sinalubong ako ng isa sa mga tauhan ni Papa na pinapunta niya roon upang sunduin kami ni Niño at ang Yaya nito. He drove us to Costa del Fuego. Niño was asleep on my chest while I, on the other hand, chose to watch every place and establishment we were passing by.

Halos dalawang taon lang naman akong nawala kaya hindi na ako nagulat kung walang ipinagbago ang Costa del Fuego. Matatayog pa rin ang mga puno at napakalinis at maaliwalas ng buong palagid. Kahit nakasara ang lahat ng bintana ng sinasakyan naming SUV ay ramdam ko pa rin ang natural at sariwang hangin ng isla.

Sa hindi kalayuan ay natatanaw ko ang iilang public beach at malalawak na fields. Nadaanan din namin ang Hacienda Cornejo. Memories from almost two years ago made me smile, but it was also enough to make my heart ache. The Island never failed to amaze me and make me fall in love over and over again with its majestic places and breathtaking scenery. It was a loss on my part to leave this place almost two years ago, but I really had no choice.

I needed to leave. I needed to leave him.

"Miss Kylie, narito na po tayo."

Sa sobrang invested ko sa mga tanawin sa labas ay hindi ko nalamayan na nakahinto na pala ang kotse sa tapat ng The Cornejo Hotel na tutuluyan namin ng isang buwan. Gising na rin pala si Niño na nagta-thumb suck na at malambot na nakatingin sa akin. I smiled and lightly pinched his cheek.

Nang makarating sa suite na b-in-ook ko ay pinadede ko na muna si Niñoo habang si Ate Angge na siyang Yaya ni Niño ay nagpresintang mag-ayos ng mga gamit namin.

Malaki ang suite at unang tingin pa lang ay halatang mamahalin. The walls were painted with white and some posts and corners were painted with golden yellow. The couches looked royal as it was coated with gold designs. Even the tables, curtains, and some displays were gold. The big chandelier hanging in the very middle of the suite almost looked like expensive diamonds.

"Ang ganda rito, Ma'am, 'no? Triple pa yata ang laki nito sa bahay namin sa Maynila," ani Ate Angge habang nag-aayos ng mga gamit namin.

Si Ate Angge ang ipinadala sa akin ni Papa bilang tagapangalaga ni Niño. Isa ito sa mga kasambay niya sa Maynila kaya tiwala na siya rito.

Ngumiti ako kay Ate Angge bilang pagsang-ayon sa sinabi niya at ipinagpatuloy na ang pagpapadede kay Niño.

Kinabukasan, alas nuebe pa lang ay nag-ayos na ako dahil ngayon kami mag-uusap ng abogado ni Mama. I wore a long, white summer dress with a plunging neckline. I fixed my hair into a high ponytail before I wore a my flip flops. Cellphone at wallet lang ang dadalhin ko dahil doon lang naman kami sa buffet sa baba magkikita ni Attorney Navarro.

Ibinilin ko si Niño kay Ate Angge at sinabing babalik din naman ako agad. Napadede ko na rin naman ito kaya okay na sigurong umalis na ako.

Pagbaba ko sa buffet ay natanaw ko na agad si Bago pa ako makalapit sa lamesa niya ay may humabol sa aking isang dalagita na may hawak na cellphone.

"Hi, Miss Kylie! I'm a fan! Puwede pong magpa-picture?" Her eyes were hopeful and embarrassed at the same time.

Palakaibigan akong ngumiti at tumango. "Sure."

Dahil hanggang balikat ko lang siya ay todo taas pa ang kamay niya para makuha ako ng front cam ng cellphone niya. Maikli akong natawa na sinundan din niya.

"Grabe, ang tangkad n'yo po, e."

"Let me," I said as I lightly pulled her phone from her hand.

Ako na ang nag-selfie sa aming dalawa. Pagkatapos ng pangalawang click ay ibinalik ko na sa kaniya ang cellphone niya at nagpasalamat. Mangiyak-ngiyak siyang nagpaalam sa akin.

"Good morning, Attorney." Nakipagkamay ako kay Attorney Navarro nang tuluyan kong marating ang table niya.

Nagsimula siyang ikuwento sa akin ang napag-usapan nila ng mga inatungan at tinaguan ni Mama. Sinabi ko rin na baka hindi na muna makabalik dito si Mama. Ayos lang naman daw iyon basta't siguraduhing magbabayad sa tamang oras. Kapag lumagpas sa palugit ay tuluyan na talagang magsasampa ng kaso ang mga ito.

Nasa kalagitnaan siya nga pagdi-discuss sa akin ng kung ano nang mapaangat ako ng tingin sa isang lalaking sobrang pamilyar sa akin at hinding-hindi ko makakalimutan ang itsura.

His intense and brooding gaze was directed at me as he made his way to a two seater table just a few steps away from where I was sitting. Nakatalikod sa gawi ko ang lalaking kasama at kaharap niya sa table kaya ang inupuan niya ay nakaharap sa direksyon ko.

Ang bilis ng takbo ng tibok ng puso ko ay maikukumpara na yata sa isang taong hinahabol ng kabayo. I tried to calm my nerves and my emotions, but it seemed like the sight of him was enough to make me catch my breath. That's when I realized that I couldn't calm myself this time no matter how much I tried.

Jake Ezekiel Cornejo, the father of my son, was just a few steps away from me! How the fuck would I be able to calm down?

"Kylie, are you listening?"

Napakurap-kurap ako at napaangat ng kilay kay Attorney Navarro.

"I-I'm sorry, Attorney. Yes, yes, I'm listening."

Bumuntonghininga siya at muling ipinaliwanag sa akin ang kasasabi lang. Muli namang lumipad ang tingin ko kay Jake na mukhang hindi rin nakikinig sa sinasabi ng kausap niya. His eyes were looking at me sharply while his face was void of any emotions. The way he looked at me felt like he wanted to punish me or be harsh to me any moment by now.

Nang matapos kami ni Attorney sa pag-uusap ay mabibilis ang mga hakbang ko para lang makaalis na agad sa buffet restaurant. Nang makalabas ako ay mabilis akong sumakay ng elevator. May isang pamilyang nakasakay roon. Sasara na sana ang elevator ngunit may humabol pa.

Nahigit ko ang hininga ko nang walang kahirap-hirap na pumasok si Jake. Sa akin agad pumukol ang mga mata niya. Napalunok ako nang sa mismong tabi ko siya tumayo. Agad na nanuot sa ilong ko ang mabango at lalaking-lalaki niyang amoy. Ramdam ko rin na nakabaling sa akin ang mukha niya at kahit hindi ako nakatingin ay ramdam ko ang tila pagtagos nito sa kaluluwa ko.

Related chapters

  • Chase and Love   Chapter 1

    BUMALIK ako sa suite namin at agad na hinanap si Niño. Naabutan ko itong pinagpapapalo ang isa sa mga laruan niyang dinala namin habang nakasalampak sa lupa. Si Ate Angge ay nasa gilid nito at tahimik na nagbabantay.I sighed and walked to my son and immediately lifted him up. My heart was still beating so fast because of the encounter I just had with Jake at the elevator! Akala niya ba ay nakalimutan ko na ang itinago niya sa akin? Pinagmukha niya akong tanga noon at hindi ko pa rin iyon nakakalimutan hanggang ngayon. Alam kong may atraso ako sa kaniya katulad na lang ng hindi ko pagpapaalam sa kaniya na nabuntis niya ako, pero mas malaki pa rin ang kasalanan niya sa akin."Naligo na ba ang baby na 'yan?" I asked Niño in a small voice.Hindi ko naman na dapat itanong 'yon dahil unang-una, hindi naman siya sasagot at pangalawa, alam ko na ang sagot. He smelled like a baby bath soap mixed with baby powder. He looked so adorably fresh with his new, little clothes. Mas lalo lang akong n

    Last Updated : 2022-11-28
  • Chase and Love   Chapter 2

    NIYAKAP ko si Niño pagkabalik na pagkabalik ko sa suite at parang batang nagsumbong sa kaniya. He was just looking at me innocently with his soft, hooded eyes that were full of curiosity and wonders."I just saw your father again, baby. He's still mad... Hindi ko alam kung kailan niya ako mapapatawag o kung mapapatawad pa ba niya ako," sumbong ko na para bang maiintindihan niya ako.Mukhang sa inaraw-araw ng paglalagi ko rito sa hotel ay magtatagpo ang landas namin ni Jake at ipaparamdam niya sa akin ang galit niya."I'm sorry, anak," reklamo ko pa sa walang kamuwang-muwang na anak ko. "Sa susunod na kita ipakikilala sa kaniya, ha? Kapag... kapag ayos na ang lahat."I smiled at him and he just kept looking at me. Maya-maya ay dinutdot niya ang pang-ibabang labi ko gamit ang maliit niyang hintuturo at nilapirot.Kinabukasan, I received a call from Papa. He asked me if we landed safely and he also got to talk to Niño. He also asked me about Mama and I just told him that we just talked y

    Last Updated : 2022-11-28

Latest chapter

  • Chase and Love   Chapter 2

    NIYAKAP ko si Niño pagkabalik na pagkabalik ko sa suite at parang batang nagsumbong sa kaniya. He was just looking at me innocently with his soft, hooded eyes that were full of curiosity and wonders."I just saw your father again, baby. He's still mad... Hindi ko alam kung kailan niya ako mapapatawag o kung mapapatawad pa ba niya ako," sumbong ko na para bang maiintindihan niya ako.Mukhang sa inaraw-araw ng paglalagi ko rito sa hotel ay magtatagpo ang landas namin ni Jake at ipaparamdam niya sa akin ang galit niya."I'm sorry, anak," reklamo ko pa sa walang kamuwang-muwang na anak ko. "Sa susunod na kita ipakikilala sa kaniya, ha? Kapag... kapag ayos na ang lahat."I smiled at him and he just kept looking at me. Maya-maya ay dinutdot niya ang pang-ibabang labi ko gamit ang maliit niyang hintuturo at nilapirot.Kinabukasan, I received a call from Papa. He asked me if we landed safely and he also got to talk to Niño. He also asked me about Mama and I just told him that we just talked y

  • Chase and Love   Chapter 1

    BUMALIK ako sa suite namin at agad na hinanap si Niño. Naabutan ko itong pinagpapapalo ang isa sa mga laruan niyang dinala namin habang nakasalampak sa lupa. Si Ate Angge ay nasa gilid nito at tahimik na nagbabantay.I sighed and walked to my son and immediately lifted him up. My heart was still beating so fast because of the encounter I just had with Jake at the elevator! Akala niya ba ay nakalimutan ko na ang itinago niya sa akin? Pinagmukha niya akong tanga noon at hindi ko pa rin iyon nakakalimutan hanggang ngayon. Alam kong may atraso ako sa kaniya katulad na lang ng hindi ko pagpapaalam sa kaniya na nabuntis niya ako, pero mas malaki pa rin ang kasalanan niya sa akin."Naligo na ba ang baby na 'yan?" I asked Niño in a small voice.Hindi ko naman na dapat itanong 'yon dahil unang-una, hindi naman siya sasagot at pangalawa, alam ko na ang sagot. He smelled like a baby bath soap mixed with baby powder. He looked so adorably fresh with his new, little clothes. Mas lalo lang akong n

  • Chase and Love   Prologue

    TININGALA ko ang mga nagliliparang ibon sa langit. Malayang-malaya nilang nilalakbay ang mundo na tila walang kahit anong pinoproblema. I smiled genuinely—feeling so fascinated once again. Seeing a group of them flew at the same direction looked and felt so satisfying. Their chirpings sounded like a sweet melody to my ears.I always think that birds are one of the luckiest creatures on earth. They are free to go wherever they want to. They are free to do whatever they want. They can always be themselves without feeling scared and they can definitely accept things that the world gives.Sana'y lahat ng tao, katulad nila. Sana noon pa lang, ganoon na rin ako."Kylie!" pagtawag sa akin ni Mama.Bumuntonghininga ako at muling pumasok sa loob ng bahay. Naabutan ko si Mama na tsine-check ang mga gamit ko. Kunot noo siyang nag-angat ng tingin sa akin nang maramdaman niya ang paglapit ko."Ayos na ba ang lahat ng gamit mo? Ano bang itinutunga-tunganga mo pa sa labas?"I scratched my head and c

DMCA.com Protection Status