Share

Chapter 1

Author: xxLauxx
last update Last Updated: 2022-11-28 15:24:38

BUMALIK ako sa suite namin at agad na hinanap si Niño. Naabutan ko itong pinagpapapalo ang isa sa mga laruan niyang dinala namin habang nakasalampak sa lupa. Si Ate Angge ay nasa gilid nito at tahimik na nagbabantay.

I sighed and walked to my son and immediately lifted him up. My heart was still beating so fast because of the encounter I just had with Jake at the elevator! 

Akala niya ba ay nakalimutan ko na ang itinago niya sa akin? Pinagmukha niya akong tanga noon at hindi ko pa rin iyon nakakalimutan hanggang ngayon. Alam kong may atraso ako sa kaniya katulad na lang ng hindi ko pagpapaalam sa kaniya na nabuntis niya ako, pero mas malaki pa rin ang kasalanan niya sa akin.

"Naligo na ba ang baby na 'yan?" I asked Niño in a small voice.

Hindi ko naman na dapat itanong 'yon dahil unang-una, hindi naman siya sasagot at pangalawa, alam ko na ang sagot. He smelled like a baby bath soap mixed with baby powder. He looked so adorably fresh with his new, little clothes. Mas lalo lang akong nangigigil sa ka-cute-an niya dahil ang linis-linis na naman niyang tingnan.

Pinupog ko siya ng halik sa pisngi hanggang sa magsalita siya ng kung ano-anong hindi ko maintindihan. He then dropped his head on my face that earned an immediate laugh from me. His little finger repeatedly tapped my cheek until he suddenly pinched it a bit hard.

"Aw!" mahina kong d***g at pabiro siyang sinimangutan.

He giggled at my reaction. Ilang sandali ko pa siyang nilaro-laro bago ko tinawagan si Mama upang ibalita sa kaniya ang napag-usapan namin ni Attorney Navarro. Mabuti't hindi naman siya nag-overreact at kalmado lang na nakipag-usap sa akin.

Magtatanghalian nang naisipan ko namang tawagan ang manager kong si Tita Deborah. As expected, she was a bit hysterical when she answered my call. I haven't called her in a week since I was busy with my supposed come back in Costa del Fuego. Malamang ay pagagalitan na naman ako nito.

"Diyos ko naman, Kylie! Bakit ngayon ka lang tumawag? Alam mo bang ilang araw na akong ginugulo ng mga lintek na reporters na 'yan tungkol sa 'yo?"

Bumuntonghininga ako at nagbaba ng tingin sa pool area na tanaw rito mula sa balkonahe ng suite.

"Sorry, Tita. Inasikaso ko lang ang pagbalik ko rito sa Costa del Fuego."

"O, nasa Isla ka na? Kailan ka pa umalis ng Palawan?"

"Kahapon lang." Muli akong bumuntonghininga. "Anyway, I'm not updated anymore with what's happening. I haven't checked my social media accounts and even the news."

"E pa'no, kung saan-saan ka nagsususuot! Hindi ka pa makontak!"

Napahilot na lamang ako sa aking sentido sa tinis ng boses niya. Tita Deborah was already in her mid 40s and has been my manager since I entered modeling industry. I was scouted when I was 16 by the agency where Tita was working at. She was handling different artists—be it a model, actor, actresses, etcetera.

So far, isa ako sa mga mabenta sa endorsement na na-handle niya kaya naiintindihan ko kung mas higit ang atensyon na ibinibigay niya sa akin kumpara sa iba niya pang hinahawakan. Also, the issues and rumors about me made by the stupid journalists and paparazzi over the past years just made her more concern about me.

"Busy lang, Tita. 'Tsaka alam mo naman 'yong tungkol sa mga pinagkautangan ni Mama, 'di ba? Kaya hanggang ngayon ay narito kami sa Costa del Fuego."

"O e kailan ang balik mo niyan dito sa Maynila? An owner of a famous beauty product just emailed me. Tinatanong kung interesado ka raw bang maging bago nilang ambassador."

Napabuga ako ng malalim na hininga at pumangalumbaba sa railings. I wanted to say yes to it because I haven't been into work for the past 2 years already. I had rejected countless offers and fashion shows because I was pregnant. Hindi naman puwedeng sumulpot ako sa mga photoshoot at shows na nagdadalang-tao.

No one knew that I got pregnant except from my parents, my best friend, and Tita Deborah. The media still didn't know that I already have Niño. Ayaw ko ring ipaalam pa dahil ayokong ma-stress sa mga posibleng kuwento na gagawin ng media tungkol sa akin. Isa pa, si Jake muna ang dapat na makaalam na may anak kami bago ang buong mundo.

I still have money and I didn't think that I would run out of it anytime soon, but I also couldn't just feel confident that it would last until the upcoming years. Of course, I needed to work, especially that I already have Niño. Kaso, natatakot kasi ako at saka parang hindi ko pa kayang iwan si Niño araw-araw para lang magtrabaho.

"I'm not up for big endorsements right now, Tita. Kung may nag-aalok ng photoshoot lang, puwede. Pero sana dito lang sa Costa del Fuego."

Kahit panay ang request ko ng kung ano-ano, pinapaburan naman ako ni Tita Dehorah kahit noon pa. Ako ang isa sa mga madalas kumikita sa lahat ng talents na hawak niya kaya parang lahat ng gustuhin ko ay pinagbibigyan niya. Ngunit kung sobrang importante talaga at hindi madadaan sa request at pag-iinarte, hindi ko na ipinipilit ang gusto. Marunong pa rin naman akong sumunod sa utos kahit papaano.

"O sige, sige. Itse-check ko ulit ang email ko. Meron yata ritong offer galing sa kilalang magazine. Kakausapin ko mamaya at babalitaan kita, okay?"

"Okay po. Thank you, Tita!"

"Siya, sige. Say me hi to baby Niño!"

Nang matapos ang pag-uusap namin ay muli kong binalikan si Niño sa kaniyang crib. Kasalukuyang nagluluto ng tanghalian si Ate Angge. I opened the television and decided to watch something while Niño was comfortably sitting on my lap. He found a way again to entertain himself by lightly pinching my arms with his soft, tiny hands.

Naglipat-lipat ako ng channel para maghanap ng mapapanood hanggang sa mahinto ako sa isang news channel.

"Nilinaw ng aktor na si Michael Phillips na kailanman ay walang namagitan sa kanila ng modelo na si Kylie Villarama at na hindi ito ang dahilan ng paghihiwalay nila ng dating kasintahan na si Vivian Agustin. Kamakailan lang ay mga kumakalat na larawan na may kahalikang ibang lalaki si Vivian. Ayon kay Michael ay iyon ang totoong dahilan ng paghihiwalay nila ng aktres. Narito ang kaniyang pahayag."

Napairap ako at napailing-iling. Stupid. They're all stupid! The media were only using my name for publicity. Malamang ay pakana iyon ng manager nina Michael at Loisa. Tatahi-tahimik 'tong si Maximus dati no'ng masangkot ako sa issue 'tapos ngayong nagloko si Vivian, saka lang nagsalita. Obviously, he didn't want to get too much hate from the people anymore. He was now passing it to Vivian.

"Vivian was the one who cheated, not me. I never had any romantic relationship with Kylie as what the media has been trying to feed us."

Napailing-iling ako at pinatay na lamang ang TV. "Hay naku, stupid."

Napaangat ng tingin sa akin si Niño nang marinig akong magsalita. I smiled at him and poked his nose.

Hapon nang magdesisyon akong bumaba upang makapaglakad-lakad. Hindi naman ako sobrang sikat dahil first of all, hindi ako artista—I'm a model. Minsan lang ako magdala ng bodyguards, usually kapag pupunta ng mall. Buti na lang din ay hindi masyadong matao rito sa hotel ngayon dahil hindi pa naman kasi panahon ng bakasyon. Mukhang kakaunti lang din ang nakakakilala sa akin which was good.

I decided to look for the spa or body massage, so I could inquire. While going there, a few workers of the hotel were looking at me as if they recognized me. I was just smiling a little. I never wanted to be called suplada or mayabang. I wasn't my mom.

Papalapit ako kung nasaan ang spa nang may maramdaman akong parang sumusunod sa akin. Agad akong lumingon at mabilis na bumalatay ang simangot sa mukha nang makita ko si Jake. Mabilis ding nabahiran ng pagkairita ang mukha niya nang balingan ko siya ng tingin.

I stopped walking to face him. I crossed my arms and raised a brow.

"Are you following me?" diretsahan kong tanong.

He almost cringed at my question. He even pointed at himself as if he was making sure that I was talking to him.

"You might be thinking so highly of yourself," sagot niya.

Halos kumuyom ang mga kamao ko dahil sa inis. Namumuo na naman ang iritasyon sa dibdib ko kaya medyo bumibilis ang paghinga ko. 

"Kung hindi mo 'ko sinusundan, saan ka pupunta, kung gano'n?"

"Look, Kylie, I don't have time for this." Inis niya akong nilagpasan na parang wala kaming pinagsamahan.

Napatunganga ako sa likod niya habang naglalakad siya paalis. Galit pa rin siya sa akin. Galit pa rin siya sa kasalan na hindi ko naman ginawa at magagawa sa kanya. Paano ko sisimulan sabihin sa kanya na may anak kami? Maniwala kaya siya?

Related chapters

  • Chase and Love   Chapter 2

    NIYAKAP ko si Niño pagkabalik na pagkabalik ko sa suite at parang batang nagsumbong sa kaniya. He was just looking at me innocently with his soft, hooded eyes that were full of curiosity and wonders."I just saw your father again, baby. He's still mad... Hindi ko alam kung kailan niya ako mapapatawag o kung mapapatawad pa ba niya ako," sumbong ko na para bang maiintindihan niya ako.Mukhang sa inaraw-araw ng paglalagi ko rito sa hotel ay magtatagpo ang landas namin ni Jake at ipaparamdam niya sa akin ang galit niya."I'm sorry, anak," reklamo ko pa sa walang kamuwang-muwang na anak ko. "Sa susunod na kita ipakikilala sa kaniya, ha? Kapag... kapag ayos na ang lahat."I smiled at him and he just kept looking at me. Maya-maya ay dinutdot niya ang pang-ibabang labi ko gamit ang maliit niyang hintuturo at nilapirot.Kinabukasan, I received a call from Papa. He asked me if we landed safely and he also got to talk to Niño. He also asked me about Mama and I just told him that we just talked y

    Last Updated : 2022-11-28
  • Chase and Love   Prologue

    TININGALA ko ang mga nagliliparang ibon sa langit. Malayang-malaya nilang nilalakbay ang mundo na tila walang kahit anong pinoproblema. I smiled genuinely—feeling so fascinated once again. Seeing a group of them flew at the same direction looked and felt so satisfying. Their chirpings sounded like a sweet melody to my ears.I always think that birds are one of the luckiest creatures on earth. They are free to go wherever they want to. They are free to do whatever they want. They can always be themselves without feeling scared and they can definitely accept things that the world gives.Sana'y lahat ng tao, katulad nila. Sana noon pa lang, ganoon na rin ako."Kylie!" pagtawag sa akin ni Mama.Bumuntonghininga ako at muling pumasok sa loob ng bahay. Naabutan ko si Mama na tsine-check ang mga gamit ko. Kunot noo siyang nag-angat ng tingin sa akin nang maramdaman niya ang paglapit ko."Ayos na ba ang lahat ng gamit mo? Ano bang itinutunga-tunganga mo pa sa labas?"I scratched my head and c

    Last Updated : 2022-11-28

Latest chapter

  • Chase and Love   Chapter 2

    NIYAKAP ko si Niño pagkabalik na pagkabalik ko sa suite at parang batang nagsumbong sa kaniya. He was just looking at me innocently with his soft, hooded eyes that were full of curiosity and wonders."I just saw your father again, baby. He's still mad... Hindi ko alam kung kailan niya ako mapapatawag o kung mapapatawad pa ba niya ako," sumbong ko na para bang maiintindihan niya ako.Mukhang sa inaraw-araw ng paglalagi ko rito sa hotel ay magtatagpo ang landas namin ni Jake at ipaparamdam niya sa akin ang galit niya."I'm sorry, anak," reklamo ko pa sa walang kamuwang-muwang na anak ko. "Sa susunod na kita ipakikilala sa kaniya, ha? Kapag... kapag ayos na ang lahat."I smiled at him and he just kept looking at me. Maya-maya ay dinutdot niya ang pang-ibabang labi ko gamit ang maliit niyang hintuturo at nilapirot.Kinabukasan, I received a call from Papa. He asked me if we landed safely and he also got to talk to Niño. He also asked me about Mama and I just told him that we just talked y

  • Chase and Love   Chapter 1

    BUMALIK ako sa suite namin at agad na hinanap si Niño. Naabutan ko itong pinagpapapalo ang isa sa mga laruan niyang dinala namin habang nakasalampak sa lupa. Si Ate Angge ay nasa gilid nito at tahimik na nagbabantay.I sighed and walked to my son and immediately lifted him up. My heart was still beating so fast because of the encounter I just had with Jake at the elevator! Akala niya ba ay nakalimutan ko na ang itinago niya sa akin? Pinagmukha niya akong tanga noon at hindi ko pa rin iyon nakakalimutan hanggang ngayon. Alam kong may atraso ako sa kaniya katulad na lang ng hindi ko pagpapaalam sa kaniya na nabuntis niya ako, pero mas malaki pa rin ang kasalanan niya sa akin."Naligo na ba ang baby na 'yan?" I asked Niño in a small voice.Hindi ko naman na dapat itanong 'yon dahil unang-una, hindi naman siya sasagot at pangalawa, alam ko na ang sagot. He smelled like a baby bath soap mixed with baby powder. He looked so adorably fresh with his new, little clothes. Mas lalo lang akong n

  • Chase and Love   Prologue

    TININGALA ko ang mga nagliliparang ibon sa langit. Malayang-malaya nilang nilalakbay ang mundo na tila walang kahit anong pinoproblema. I smiled genuinely—feeling so fascinated once again. Seeing a group of them flew at the same direction looked and felt so satisfying. Their chirpings sounded like a sweet melody to my ears.I always think that birds are one of the luckiest creatures on earth. They are free to go wherever they want to. They are free to do whatever they want. They can always be themselves without feeling scared and they can definitely accept things that the world gives.Sana'y lahat ng tao, katulad nila. Sana noon pa lang, ganoon na rin ako."Kylie!" pagtawag sa akin ni Mama.Bumuntonghininga ako at muling pumasok sa loob ng bahay. Naabutan ko si Mama na tsine-check ang mga gamit ko. Kunot noo siyang nag-angat ng tingin sa akin nang maramdaman niya ang paglapit ko."Ayos na ba ang lahat ng gamit mo? Ano bang itinutunga-tunganga mo pa sa labas?"I scratched my head and c

DMCA.com Protection Status