Blair Castro
MABILIS kong pinatay ang TV nang bumaba sa hagdan sina Lira kasunod ang mga kuya niya. Naghaharutan sila sa itaas kanina habang nandito ako sa sala at nanuod ng news sa umaga. Lumabas na ang totoo tungkol kay Alicia at pinipiga ngayon ng media ang pamilya Gonzales. Pati si Lukas ay hinahabol ngayon ng media dahil sa pagkabulgar ng katotohanan kaya hindi ito makapunta dito sa amin. Kagabi nga ay sa office na raw siya natulog dahil tiyak raw na susundan siya ng mga reporters.
“Mama, bakit di po napunta dito si papa?” tanong ni Owen na kumalong sa akin.
Kinagat ko ang pang-ibaba kong labi. Sinuklay ko ang buhok niya gamit ang daliri ko. “Marami kasing trabaho si papa.”
Tumango siya. Muli kong binuksan ang TV at inilagay sa cartoons. “Manuod muna kayo, ha. Dito lang ako sa labas,” paalam ko sa mga bata saka ako lumabas ng bahay.
Blair CastroMASAYA akong nagluluto ng handa ng mga bata. Nandito rin si Jeanette na katulong ko sa pagluluto. Nasa sala naman sina Ryu at Lukas kasama ang triplets. Naglalagay sila ng mga dekorasyon. Pinili naming gabi icelebrate ang birthday ng mga bata para wala nang trabaho sina Lukas. Masaya naman ang mga bata kahit kami-kami lang at pajama party ang tema. Tuwang-tuwa nga ang triplets lalong-lalo na si Lira dahil tatlo silang may birthday ngayon.“Darating ba ang foster parents nina Owen at Onyx?” tanong ni Jeanette habang naghahalo siya ng pasta.Tumango ako. “Tinawagan ko sila kanina. Darating raw.”“Eh 'yung step-brother mo? Darating?”Tiningnan ko si Jeanette na may pagdududa. Nanlaki naman ang mga mata niya dahil sa tingin ko. “Hoy, Blair. 'Wag kang advance mag-isip, ha! Kasi diba close ang mga bata kay C
Blair CastroUMILING ako habang lumuluha na nakatingin kay mama. Umiiyak rin siya habang nakatingin sa akin. Umiling akong muli at sinubukang abutin ang kamay niya. Sobrang lapit niya sa akin pero hindi ko siya maabot. Bakit ganoon?“Ma!” humikbi ako.“Blair!”Umiling ako. “Ma, h-humawak ka sa 'kin.”“Blair! Blair, wake up!”No! Kailangan kong abutin si mama. Namimiss ko na siya. Gusto ko siyang makasama.“Mama!” muli ko siyang sinubukang abutin.“Blair! Mi amor, you're having a bad dream.”No! This is not a freaking bad dream!“Mama!”Napabangon ako at nasapo ang mukha ko. Napailing-iling ako saka umiyak sa palad ko. Naamoy ko si Lukas na niyakap ako at sunod-sunod na hina
Blair CastroSA HOSPITAL ako nagising kinabukasan. Si Lukas ang una kong nakita nang magmulat ako ng mata dahil talagang nakaabang siya sa paggising ko. Bakas ang pag-aalala sa kaniyang mukha nang titigan ko siya.Hindi ako nagsalita. Unti-unting bumalik sa alaala ko ang mga sinabi ni Doktor Marasigan. Ang mga katarantaduhang ginawa sa akin ni Alicia. Ang sinapit ni mama. Hindi ko alam kung sapat ba ang galit at muhi para ilarawan ang nararamdaman ko ngayon. Para akong namamanhid. Walang ibang laman ang isip ko kundi ang puntahan sa kulungan si Alicia at patayin siya.“Mi amore…”Hindi ko siya pinansin. Umiwas ako ng tingin saka dahan-dahang bumangon. Tiningnan ko ang IV na nakatusok sa kamay ko. Hinaklit ko ito.“Blair!” Gulat na hinawakan ako ni Lukas.Umiling ako sa kaniya. “Umuwi na tayo. Baka hinah
Blair CastroHAWAK ko ang isang papel habang nakaupo na nag-iisa. Ito ang kopya ng divorce decree na ipinakita sa akin ni Lukas. Tuwang-tuwa siya nang ipagmalaki niya sa akin na mabilis na nagawan ni Ryu ng paraan ang legal separation nila ni Alicia. Masaya rin ako at sobrang saya ko ay dumalaw ako kay Alicia.I will show this freaking divorce decree to Alicia. Ipamumukha ko sa kaniya na sa lahat ng aspeto ay panalo ako.“What are you doing here, you bitch?!”Tila mabangis na hayop si Alicia nang dumating siya. Tumayo ako at ngumisi. Pinagmasdan ko ang mga kamay niyang nakaposas. Bakas rin ang kamiserablehan sa mukha niya. May sugat siya sa gilid ng labi at namumugto ang mga mata. Tiyak na pinagpipyestahan siya ng mga kasama niya sa kulungan dahil sa biglaang pagbulusok niya pababa.Tumalim ang tingin niya sa akin. “MASAYA KA NA? MASAYA K
Blair CastroTINUPAD ni Lukas ang sinabi niya. Dumating siya ng alas diez ng gabi at nagising nalang ako na nasa tabi ko na siya at hinahalikan ang pisngi ko. Umakyat raw siya sa balkonahe at totoo nga naman dahil hindi naman siya makakapasok sa main door dahil nakalock 'yon.“Atlast, you're awake, sleepyhead!”Natawa ako at bumangon. “Bakit ngayon ka lang? Tulog na ang mga bata.”“Mi amor, I love spending time with our kids but tonight, I'm yours,” aniya saka bumangon at naglahad ng kamay sa akin. “Let's go?”Nangunot ang noo ko. “Saan?” tanong ko pero tinanggap pa rin ang kamay niya.Nang makatayo ako ay hinapit niya ang baywang ko saka hinalikan ang panga ko. “To the garden. I prepared something for you.”Napatango-tango nalang ako at hinayaan siyan
Blair CastroSA TENT kami natulog ni Lukas pero sa kwarto na ako nagising kinaumagahan. Nagising ako sa mabangong amoy na nagmumula sa labas kaya sumilip ako sa balkonahe at natagpuan doon ang mag-aama ko. Nagbabarbecue sina Onyx at Lukas at naglalaro naman sa tent sina Owen at Lira.Nawili akong pagmasdan sila kaya nangalumbaba ako sa railing. Nakatop knot na naman ang buhok ni Onyx at ganoon rin si Lukas. Sa ayos nila ay parang bata at matandang Lukas ang nakikita ko ngayon.“Pa, bakit iba ang asawa mo? Bakit 'di si mama?”Natuon ang atensyon ko kay Onyx dahil sa tanong niya sa ama. Tama ang hinala ko. Curios siya sa lahat ng mga nangyari sa buhay namin.Nakita kong bahagyang natigilan si Lukas. Bumuntong-hininga siya. “Mahabang kwento, buddy. Pero pag laki mo, sasabihin ko sa 'yo ang lahat.”“Malaki na 'ko,
Blair CastroHINDI ako nagsayang ng panahon, agad akong tumayo para sundan si Cloud na agad tumalikod sa amin. Akmang tatakbo na ako para sundan siya nang hawakan ni Lukas ang kamay ko. Napatitig ako sa mga mata niya na para bang nakikiusap na manatili ako sa tabi niya pero hindi naman pwede 'yon.“Lukas, si Cloud. Nakita niya tayo.”Tumayo siya at nagkaharap kaming dalawa. “Bakit kailangan mong magpaliwanag sa kaniya tungkol sa mga ginagawa natin?”“Lukas, ano ka ba!” Napakagat ako ng labi. “Nasaktan natin siya. Nagulat siya sa nadatnan niya, Lukas.”“E ako?” madamdaming tanong niya. “Hindi mo ba naisip na baka masaktan rin ako kasi hahabulin mo ang ibang lalaki para ipaliwanag kung bakit hinalikan mo ako? Ako na boyfriend mo?”Natigilan ako. Naiintindihan ko ang punt
Blair CastroNAPAHILAMOS ako ng mukha gamit ang mga palad ko habang naghihintay pa rin ng update tungkol sa kondisyon ni Cloud. Gustong-gusto ko nang tawagan ang mga magulang niya para ipaalam ang mga nangyari pero gusto ko munang masiguro na ligtas na si Cloud dahil ayokong pati ang parents niya ay mapahamak. Baka atakehin si dad sa puso kapag nalaman niyang naaksidente ang anak niya.Habang tahimik akong nakaupo ay mahigpit na hinawakan muli ni Lukas ang kamay ko. Ilang sandali pa ay lumabas ang isang doktor mula sa emergency room.Agad akong tumayo at lumapit sa kaniya. “Dok, kapatid ko ho ang pasyente. Kumusta ho siya?”Natigilan ako nang lumabas ang mga nurses at tulak-tulak nila ang stretcher kung saan naroon si Cloud. Halos manlumo ako sa hitsura niya.“Miss, dadalhin namin sa operating room ang kapatid mo. Kailangang maoperahan an