Blair Castro
MASAYA akong nagluluto ng handa ng mga bata. Nandito rin si Jeanette na katulong ko sa pagluluto. Nasa sala naman sina Ryu at Lukas kasama ang triplets. Naglalagay sila ng mga dekorasyon. Pinili naming gabi icelebrate ang birthday ng mga bata para wala nang trabaho sina Lukas. Masaya naman ang mga bata kahit kami-kami lang at pajama party ang tema. Tuwang-tuwa nga ang triplets lalong-lalo na si Lira dahil tatlo silang may birthday ngayon.
“Darating ba ang foster parents nina Owen at Onyx?” tanong ni Jeanette habang naghahalo siya ng pasta.
Tumango ako. “Tinawagan ko sila kanina. Darating raw.”
“Eh 'yung step-brother mo? Darating?”
Tiningnan ko si Jeanette na may pagdududa. Nanlaki naman ang mga mata niya dahil sa tingin ko. “Hoy, Blair. 'Wag kang advance mag-isip, ha! Kasi diba close ang mga bata kay C
Blair CastroUMILING ako habang lumuluha na nakatingin kay mama. Umiiyak rin siya habang nakatingin sa akin. Umiling akong muli at sinubukang abutin ang kamay niya. Sobrang lapit niya sa akin pero hindi ko siya maabot. Bakit ganoon?“Ma!” humikbi ako.“Blair!”Umiling ako. “Ma, h-humawak ka sa 'kin.”“Blair! Blair, wake up!”No! Kailangan kong abutin si mama. Namimiss ko na siya. Gusto ko siyang makasama.“Mama!” muli ko siyang sinubukang abutin.“Blair! Mi amor, you're having a bad dream.”No! This is not a freaking bad dream!“Mama!”Napabangon ako at nasapo ang mukha ko. Napailing-iling ako saka umiyak sa palad ko. Naamoy ko si Lukas na niyakap ako at sunod-sunod na hina
Blair CastroSA HOSPITAL ako nagising kinabukasan. Si Lukas ang una kong nakita nang magmulat ako ng mata dahil talagang nakaabang siya sa paggising ko. Bakas ang pag-aalala sa kaniyang mukha nang titigan ko siya.Hindi ako nagsalita. Unti-unting bumalik sa alaala ko ang mga sinabi ni Doktor Marasigan. Ang mga katarantaduhang ginawa sa akin ni Alicia. Ang sinapit ni mama. Hindi ko alam kung sapat ba ang galit at muhi para ilarawan ang nararamdaman ko ngayon. Para akong namamanhid. Walang ibang laman ang isip ko kundi ang puntahan sa kulungan si Alicia at patayin siya.“Mi amore…”Hindi ko siya pinansin. Umiwas ako ng tingin saka dahan-dahang bumangon. Tiningnan ko ang IV na nakatusok sa kamay ko. Hinaklit ko ito.“Blair!” Gulat na hinawakan ako ni Lukas.Umiling ako sa kaniya. “Umuwi na tayo. Baka hinah
Blair CastroHAWAK ko ang isang papel habang nakaupo na nag-iisa. Ito ang kopya ng divorce decree na ipinakita sa akin ni Lukas. Tuwang-tuwa siya nang ipagmalaki niya sa akin na mabilis na nagawan ni Ryu ng paraan ang legal separation nila ni Alicia. Masaya rin ako at sobrang saya ko ay dumalaw ako kay Alicia.I will show this freaking divorce decree to Alicia. Ipamumukha ko sa kaniya na sa lahat ng aspeto ay panalo ako.“What are you doing here, you bitch?!”Tila mabangis na hayop si Alicia nang dumating siya. Tumayo ako at ngumisi. Pinagmasdan ko ang mga kamay niyang nakaposas. Bakas rin ang kamiserablehan sa mukha niya. May sugat siya sa gilid ng labi at namumugto ang mga mata. Tiyak na pinagpipyestahan siya ng mga kasama niya sa kulungan dahil sa biglaang pagbulusok niya pababa.Tumalim ang tingin niya sa akin. “MASAYA KA NA? MASAYA K
Blair CastroTINUPAD ni Lukas ang sinabi niya. Dumating siya ng alas diez ng gabi at nagising nalang ako na nasa tabi ko na siya at hinahalikan ang pisngi ko. Umakyat raw siya sa balkonahe at totoo nga naman dahil hindi naman siya makakapasok sa main door dahil nakalock 'yon.“Atlast, you're awake, sleepyhead!”Natawa ako at bumangon. “Bakit ngayon ka lang? Tulog na ang mga bata.”“Mi amor, I love spending time with our kids but tonight, I'm yours,” aniya saka bumangon at naglahad ng kamay sa akin. “Let's go?”Nangunot ang noo ko. “Saan?” tanong ko pero tinanggap pa rin ang kamay niya.Nang makatayo ako ay hinapit niya ang baywang ko saka hinalikan ang panga ko. “To the garden. I prepared something for you.”Napatango-tango nalang ako at hinayaan siyan
Blair CastroSA TENT kami natulog ni Lukas pero sa kwarto na ako nagising kinaumagahan. Nagising ako sa mabangong amoy na nagmumula sa labas kaya sumilip ako sa balkonahe at natagpuan doon ang mag-aama ko. Nagbabarbecue sina Onyx at Lukas at naglalaro naman sa tent sina Owen at Lira.Nawili akong pagmasdan sila kaya nangalumbaba ako sa railing. Nakatop knot na naman ang buhok ni Onyx at ganoon rin si Lukas. Sa ayos nila ay parang bata at matandang Lukas ang nakikita ko ngayon.“Pa, bakit iba ang asawa mo? Bakit 'di si mama?”Natuon ang atensyon ko kay Onyx dahil sa tanong niya sa ama. Tama ang hinala ko. Curios siya sa lahat ng mga nangyari sa buhay namin.Nakita kong bahagyang natigilan si Lukas. Bumuntong-hininga siya. “Mahabang kwento, buddy. Pero pag laki mo, sasabihin ko sa 'yo ang lahat.”“Malaki na 'ko,
Blair CastroHINDI ako nagsayang ng panahon, agad akong tumayo para sundan si Cloud na agad tumalikod sa amin. Akmang tatakbo na ako para sundan siya nang hawakan ni Lukas ang kamay ko. Napatitig ako sa mga mata niya na para bang nakikiusap na manatili ako sa tabi niya pero hindi naman pwede 'yon.“Lukas, si Cloud. Nakita niya tayo.”Tumayo siya at nagkaharap kaming dalawa. “Bakit kailangan mong magpaliwanag sa kaniya tungkol sa mga ginagawa natin?”“Lukas, ano ka ba!” Napakagat ako ng labi. “Nasaktan natin siya. Nagulat siya sa nadatnan niya, Lukas.”“E ako?” madamdaming tanong niya. “Hindi mo ba naisip na baka masaktan rin ako kasi hahabulin mo ang ibang lalaki para ipaliwanag kung bakit hinalikan mo ako? Ako na boyfriend mo?”Natigilan ako. Naiintindihan ko ang punt
Blair CastroNAPAHILAMOS ako ng mukha gamit ang mga palad ko habang naghihintay pa rin ng update tungkol sa kondisyon ni Cloud. Gustong-gusto ko nang tawagan ang mga magulang niya para ipaalam ang mga nangyari pero gusto ko munang masiguro na ligtas na si Cloud dahil ayokong pati ang parents niya ay mapahamak. Baka atakehin si dad sa puso kapag nalaman niyang naaksidente ang anak niya.Habang tahimik akong nakaupo ay mahigpit na hinawakan muli ni Lukas ang kamay ko. Ilang sandali pa ay lumabas ang isang doktor mula sa emergency room.Agad akong tumayo at lumapit sa kaniya. “Dok, kapatid ko ho ang pasyente. Kumusta ho siya?”Natigilan ako nang lumabas ang mga nurses at tulak-tulak nila ang stretcher kung saan naroon si Cloud. Halos manlumo ako sa hitsura niya.“Miss, dadalhin namin sa operating room ang kapatid mo. Kailangang maoperahan an
Blair CastroDALAWANG araw nang walang malay si Cloud. Pasaglit-saglit ako ng uwi sa bahay para tingnan ang mga bata at ngayon nga ay saglit akong umuwi para maligo at syempre para makita ulit ang mga bata. Agad rin akong bumalik sa hospital at nagulat ako dahil sinalubong ako ni Lukas sa labas at sinabing nagising na si Cloud. Dali-dali kaming pumunta ni Lukas sa ICU pero wala na doon si Cloud. Nailipat na raw ito sa private room.Nang makapasok ako sa kwarto ni Cloud ay nakagat ko ang pang-ibaba kong labi. Nakabenda pa kasi ang mga mata niya dahil sa operasyon na ginawa sa kaniya.Napalingon siya sa direksyon ko nang marinig niya ang yabag ko.“Who's that?”Napakagat ko ng pang-ibabang labi. “Uhm! Cloud, si Blair 'to.”Gumuhit ang ngiti sa mga labi niya. “Blair, halika,” aniya habang nakalahad ang kama
Blair Castro-de MarcoPINAGMAMASDAN ko si Owen na tinuturuang tumugtog ng gitara si Lira. Abalang-abala sila sa sarili nilang mundo. Ganoon rin si Onyx na nakahiga sa sofa at nanunuod ng basketball. Nasa kabilang sofa naman si Brielle na hawak ang iPad niya at may kung anong ginagawa.Napangiti ako. It's been ten years since I gave birth to Brielle at ngayon ang tenth birthday niya.Hindi na nasundan si Brielle, ayaw na ni Lukas na magbuntis ako dahil baka himatayin na raw siya sa susunod. Ayoko na rin naman talagang sundan pa si Brielle, tama na ang apat na anak.“My,” ani Brielle na napansin ako. “Si dada, nasaan na po?”Bilang request kasi niya ay kakain lang kami sa labas ngayong 10th birthday niya. Pumayag naman si Lukas na may meeting lang sandali sa opisina.Tuluyan akong bumaba ng
Blair Castro-de MarcoNAKANGITI kong pinagmamasdan ang mag-aama habang kumakain sila ng cake. Pagkatapos naming hiwain ni Lukas ang wedding cake ay sinubuan namin ang isa't-isa saka niya nilapitan ang triplets at pinakain. Karga-karga naman ng dad ni Lukas si baby Brielle.“Dad,” nilapitan ko ang ama ni Lukas. Ngumiti siya sa akin habang giliw na giliw sa bunso ng mga de Marco.“She's so beautiful, Blair,” aniya habang hinahalikan ang pisngi ni Brielle.Hinawakan ko ang kamay nito saka muling tiningnan ang ama ni Lukas. “Kumain ka na po muna, dad. Ako na muna kay Brielle.”Umiling siya at ngumiti. “Nope. I like carrying her. Doon ka na sa asawa mo. Enjoy your wedding.”Tumango nalang ako at iniwan silang maglolo matapos kong halikan ang noo ni Brielle. Nang bu
Lukas de MarcoWHO would've thought that I'll marry twice when I presumed then that no one will ever like me because I'm a rugged and snob man? I don't even have an ex-girlfriend. I drowned myself in studying and proving my worth to my father who hates me then after my mother died giving birth to me. Thinking about my previous life made me sigh. When I married Alicia, I was happy because at last, I found a woman who will love me but when I learned about her lies, my dreams shattered.Nakakapanghinayang lang na marami akong pangarap para sa aming tatlo nina Lira pero it turns out na mali palang nangarap ako kaagad dahil hindi pala totoo ang mga nakita at ipinakita niya sa akin. Although our love was real, it doesn't give her the rights to lie about my kids and made a fool out of me. I loved the wrong woman.“Dude!”&
Blair CastroISA sa pinakamagandang nangyari sa buhay ko ay noong nasilayan ko ang triplets nang isilang ko sila. Kasunod niyon ay ang mga pangit na pangyayaring maituturing ko nalang na masamang panaginip. Isang panaginip na hindi maaaring iwasan at hindi ko inasahan.After everything that happened, hindi ko na alam kung tama bang sabihin ko na worth ang lahat ng paglaban at hirap ko gayong marami akong nasaktan at nasagasaang tao. Firsly, Alicia, na naghangad ng mas higit sa naabot niya. Ang kaniyang ama na nasaktan ng husto sa pagkawala ng kaisa-isang anak niya. Si Cloud na naghangad ng pagmamahal na hindi maaring masuklian at labis na nasaktan sa bandang huli at ang iba pang mga taong nadamay sa gulo namin ni Alicia. Gayunpaman, wala akong pinagsisisihan dahil naitama ko naman ang lahat at nabawi ang una palang ay akin na.Ngayon
Lukas de MarcoI KEPT on walking back and forth. Paulit-ulit kong ginugulo ang buhok ko habang naghihintay sa delivery room. Sumilip ako at napalunok nang makita ang asawa ko na nakahiga at napapalibutan ng mga nurses. Sa paanan niya ay nakatayo ang babaeng doktor. Napatingin siya sa akin saka ngumiti. Alanganin naman akong gumanti ng ngiti saka nilingon ang mga bata.Mali si Blair, hindi magpapanic ang mga bata kapag narinig ang sigaw niya. Ako ang magpapanic at hihimatayin pa yata dahil ninenerbyos ako habang kalmado ang triplets na kausap sa telepono ang tito Adrian nila. They're calling everyone, telling them about the news.I took a deep sigh, and looked at Blair again. She was nodding whilst talking to the doctor. God, she looked so scared.I remember the article I've read. Hindi ko makalimutan kong paano ipinaliwanag ng article kung gaano kasakit
Blair CastroMABILIS na lumipas ang mga araw at buwan. Natapos ang theraphy ni Onyx at mayroon siyang regular monthly check-up. Maayos ang kalagayan niya at sinigurado sa amin ng doktor na magaling na siya. Ipagdasal nalang raw namin na 'wag magkaroon ng relapse kaya ganoon nga ang ginagawa namin.Napahawak ako sa tiyan ko at ngumiwi nang bigla itong humilab. Umawang ang labi ko nang sumipa rin ang munting de Marco sa tiyan ko.May na ngayon at kabuwanan ko na. Nag-advice ang doktor ko na palagi akong maglakad-lakad at gawin raw namin ni Lukas ang bagay na 'yon tuwing gabi lalo ngayong kabuwanan ko para daw hindi ako gaanong mahirapan sa pagluwal sa bata. Ang lalaking abusado naman, palaging idinadahilan ang bagay na 'yon sa akin.“DADDY!!!”Napatingin ako sa may pintuan nang magsisigaw si Lira. Pumasok siya sa bahay at n
Blair CastroKATATAPOS lang namin ni Lukas kumausap ng wedding planner. Talagang excited na excited siyang ikasal kami. Panay ang halik niya kamay ko bawat sagot niya sa tanong ng wedding planner na kinuha niya, hindi ko naman maiwasang mahiya at pamulahan ng mukha dahil panay ang ngiti sa amin ng babae.“Bakit ka ba halik ng halik?” Siniko ko si Lukas nang makaalis ang wedding planner.Binitawan niya ako at sumandal sa sofa. “Titig na titig kasi sa 'kin. Di ka ba nagselos?”Tumawa ako. Talaga ngang titig na titig sa kaniya ang babae kanina. Hindi ko nalang pinapansin dahil mabait at maayos naman siyang kausap.“Hoy!” Kinalabit ako ni Lukas. Nakasimangot siya. “Hindi ka ba talaga nagseselos?”Tinitigan ko siya. “Sino sa amin ang mas maganda?”
Blair CastroNATATAWA ako habang pinagmamasdan sina Adrian at Ryu na binubully si Owen. Nalaman kasi nila mula kay Lukas ang nangyari at sumama nga sila pag-uwi ni Lukas para tingnan ang makulit na bata. Ayon at inaasar nila.Medyo bumabalik naman na sa normal ang mukha at katawan ni Owen pero may pantal pa rin.“Mukha kang tinapay na umalsa, pareng Owen.” Tawang-tawa pa na sabi ni Ryu.Lumingon sa akin ang anak ko, humihingi ng tulong pero hindi ko rin napigilang matawa kaya lalong natawa ang mga tito niya.“Owen, sana sinabi mong gusto mong magpataba. Bukas pag okay ka na, hanap tayo ng basil,” pang-aasar naman ni Adrian.Bumaba mula sa itaas si Lukas na basa ang buhok at nakasuot nalang ng pambahay. Pag-uwi niya ay agad siyang naligo at hindi ko alam kung bakit excited na excited siya.
Blair CastroINAAYOS ko ang mga bulaklak na naipon na sa vase sa kwarto ko dahil hanggang ngayon ay hindi pumapalya si Lukas sa pagbibigay sa akin ng bulaklak.“Mommy!!!!”Gulat akong napatingin sa pinto ng kwarto ko nang marahas itong bumukas. Pumasok si Lira na hingal na hingal at nanlalaki ang mga mata. Agad ko siyang nilapitan. Pawis na pawis siya. “Anong nangyari? Bakit ka sumisigaw?”“Si kuya Owen po, mataba na!”Natigilan ako. Ano raw? Tumayo ako ng tuwid at namaywang. “Niloloko mo yata ako e. Anong mataba? Kumakain ba si kuya Owen mo? Anong kinakain niya?”Ngumuso siya. “Mommy, tunay po! Nasa likod po kami kanina tapos nag-akyat po siya sa puno tapos bigla po siyang kinati tapos tumaba na siya. Malaki na pisngi ni kuya.”Nami