Blair Castro
MATALIM ang tingin ko kay Lukas nang pumasok siya sa kwarto ko matapos ko siyang pagbuksan ng pinto at iwan sa sala. Nagkamot siya ng batok habang patingin-tingin sa akin.
Tinaasan ko siya ng kilay habang pinagmamasdan ko ang ayos ng buhok niya.
“Uh…baby—”
Tinuro ko ang buhok niya. “Gusto ko ipa-red mo 'yang buhok mo.”
“What?”
Nangunot ang noo ko. “Ayaw mo?”
Napangiwi siya. “Hindi naman sa ayaw. It's just that nagtataka lang ako. Bakit? Bakit ang sungit at ang weird mo?”
Natigilan ako. Weird nga ako ngayon. Hindi ko alam kung bakit. Kahapon ang init-init ng katawan ko kaya nga hanggang sa parking ay may nangyari sa amin ni Lukas. Ngayon naman ay masyado akong iritable.
“Wala ka bang sakit?” na
Blair CastroANG lakas ng halakhak ni Ryu nang makalabas kami sa prosecutor's office. Nakasimangot ko siyang tiningnan. Tawa pa rin siya ng tawa at natigilan lang nang makitang hindi maganda ang timpla ng mukha ko.Tumikhim siya. “Ang angas mo sa loob, Blair,” aniya saka nilingon si Lukas. “Pero mas maangas pa rin ang buhok mo, Luke,” dugtong niya sabay halakhak.Hindi ko na pinansin si Ryu. Tinalikuran ko silang dalawa pero nahuli ni Lukas ang braso ko. “Where are you going?”Hinarap ko siya. “Hindi na ako sasabay sa inyo. May bibilhin pa ako e.”Nangunot ang niya. “Blair—”Tinaasan ko siya ng kilay. “May meeting ka diba?”Bumagsak ang balikat niya. Wala siyang nagawa kundi hayaan ako. Inutusan pa nga niya si Ryu na ihatid ako pero tinanggihan k
Blair CastroPABILING-BILING ako sa kama. Hindi talaga ako makatulog. Kung anu-anong naiisipan kong gawin na hindi naman pwede. Isa na doon ang puntahan ang mga bata saka papuntahin dito si Lukas para tingnan ang buhok niya. Bukas ay gusto kong pula naman ang kulay ng buhok niya, nagsasawa na ako sa rainbow at nababahala ako dahil baka magmukhang unggoy ang anak namin ni Lukas dahil tiyak na balbon ang bata paglabas. Bakit ba kasi buhok ni Lukas ang napapaglihian ko?Iritado akong bumangon pero agad ring napahiga at bumuntong-hininga. Inaantok na ako pero hindi ako makatulog. Ayaw pumikit ng mata ko at sobrang pasaway ng utak ko dahil kung anu-anong pumapasok dito.Ilang sandali pa ay nakarinig ako ng kalabog mula sa kwarto ni Cloud. Kunot ang noo na bumangon akong muli at lumabas ng kwarto. Hindi na ako kumatok. Diretso akong pumasok sa kwarto ni Cloud. Wala siya sa kama kaya inilibot ko
Blair CastroUMIIRAL ang pagkabugnutin ko ngayong araw dahil sa pagbubuntis ko. Hindi ko alam kung bakit ganito ako sa pagkakataong ito. Hindi naman kasi ako ganito kaselan noon. Sa sobrang selan ko nga ay pinababa ko si Ryu kanina sa sarili niyang kotse dahil ang tapang ng amoy ng pabango niya.Lihim nalang akong napailing habang katabi si Ryu. Inutusan siya ni Lukas na magpalit ng damit pero naaamoy ko pa rin ang pabango niya kanina. Hindi na lang ako nagrereklamo dahil baka may makapansin at makadagdag pa sa pwedeng ibato sa amin ni Alicia.Nandito kami sa trial court, hinihintay lang namin ang judge. Nang magsimula ang trial ay nakatitig sa akin si Alicia na para bang siyang-siya siya na nakikita niya ako ngayon.Unang tinawag si Alicia sa unahan. Nang makaupo siya ay tiningnan niya ako na para bang sigurado siya sa kalalabasan ng trial. Inirapan ko siya sa sobrang pag
Blair CastroMATAMAN akong pinagmamasdan ni Lukas habang nasa unahan ako. Katatapos lang mga tanong sa akin ni Ryu at nasagot ko 'yon lahat ayon sa plano namin. Ngayon ay nasa harapan ko ang prosecutor para kausapin ako.Nagsimula siyang magtanong at ramdam kong ingat na ingat siya sa bawat salitang binibitawan niya.“Miss Gonzales filed a case against the two of you for committing adultery because she caught the two of you,” tumigil sa pagsasalita ang Prosecutor saka tiningnan kaming dalawa ni Lukas. “She caught the two of you having an affair.”Naglapag ng mga litrato ang prosecutor. Mga litrato kung saan magkausap kami ni Lukas. Litrato kung saan hinawakan niya ang kamay ko, niyakap at hinalikan ako. Iyon 'yung mga panahong naghihinala na si Lukas tungkol sa pagkatao ko at mga panahong hindi ko na napipigilan ang nararamdaman ko para sa kaniya. I
Blair CastroTAHIMIK kami nina Ryu at Lukas habang nasa isang coffee shop kami. Pagkatapos ng trial ay tahimik na kami. Alam kong iniisip nila ang nangyaring pagsabog ko sa galit kanina.Humugot ako ng malalim na buntong-hininga saka tiningnan si Ryu. “Tingin mo anong mangyayari pagkatapos ng ginawa ko?”Napakamot ng pisngi si Ryu. “Hindi ko alam. Nakuha mo ang simpatya ng judge pero maaaring isipin ng judge na nagkaroon nga kayo ng affair ni Luke habang kasal sila dahil sa nangyari six years ago. Maaaring dahil sa nangyari sa inyo ay nahulog ang loob mo sa kaniya kaya ginusto mong makuha si Luke.”Nasapo ko ang noo ko. “Sorry. Hindi ko napigilan ang galit ko kanina. Napuno ako dahil sa ginagawa ni Alicia e.”“It's okay, Blair. Malaki rin ang chance na manalo tayo dahil sa mga ibinulgar mo kanina. Nilabas mo lang n
Blair CastroKATATAPOS lang ng check-up ni Cloud at nagmamaneho na ako pauwi sa condo nang tumawag si Jeanette. Agad kong sinagot ang tawag siya saka inilagay sa speaker. “Jeanette, napatawag ka?”[Blair, si Onyx kasi nilalagnat siya.]Natigilan ako. “Ano? Bakit?”[Hindi ko alam, Blair. Okay naman siya kanina. May sinat lang kaya pinainom ko an ng gamot pero mas lalo lang tumataas ang lagnat niya e. Dadalhin ko na nga siya sa hospital ngayon.]Tumango ako. “S-Sige. Itext mo sa akin ang hospital at pupunta ako.”[Uhm, Blair, pwede ko naman iwan saglit sina Owen diba? Sabi naman nila hindi nila susuwayin ang utos ko habang hindi pa ako bumabalik.]Tumango akong muli. “Hindi susuway ang dalawa, Jean. Sige na, susunod nalang ako sa hospital.”Nang matapos ang taw
Blair CastroHATI ang oras ko para kay Cloud at Onyx pero mas madalas na pinupuntahan ko ang anak ko. Sinisigurado naman sa akin ni Cloud na kaya na niyang mag-isa sa condo pero para mas sigurado ay pinakiusapan ko si Jeanette na lumipat sa condo ni Cloud tutal ay malaki naman iyon. Pinagamit ko sa kaniya ang kwarto ko at kahapon nga sila lumipat. Ayos naman daw sila sabi ni Jeanette nang mag-usap kami kanina.“Ma,”Napatingin ako kay Onyx nang tawagin niya ako. Nginitian ko siya. “Nagugutom ka na ba?”Umiling siya. “Uuwi na ko, ma.”Bumuntong-hininga ako saka kinagat ang pang-ibaba kong labi. Ikatlong araw palang niya dito sa hospital at hindi ko pa nasasabi sa kaniya ang sakit niya. Gusto ko nang sabihin pero natatakot ako sa magiging reaksyon niya. Kailangan niya kasing malaman dahil nakaschedul
Blair Castro“THE baby is four weeks old, miss Castro. Malakas naman ang kapit niya at wala kang magiging problema. Magrereseta nalang ako sayo ng vitamins para sa inyo ni baby, okay.”Tumango ako at ngumiti. “Thank you, doc.”“You're welcome. Here. Make sure to buy and take it everyday, okay?”Tinanggap ko ang reseta saka inilagay sa bag ko. Mamaya ko nalang ito bibilhin. Pagkatapos ko magpachek-up ay dumiretso ako sa kwarto ni Onyx. Naabutan ko ang mag-ama na nagtatawanan habang parehas silang nakaupo sa kama. Nakatop knot na naman ang buhok nila. Palagi bang may baon na panali si Lukas? Napailing nalang ako saka dumiretso papasok.“Hey, baby!” agad na tumayo si Lukas at nilapitan ako. Hinalikan niya ako sa pisngi saka kinuha ang dala kong pizza.“Tamang-tam