Blair Castro
MATAMAN akong pinagmamasdan ni Lukas habang nasa unahan ako. Katatapos lang mga tanong sa akin ni Ryu at nasagot ko 'yon lahat ayon sa plano namin. Ngayon ay nasa harapan ko ang prosecutor para kausapin ako.
Nagsimula siyang magtanong at ramdam kong ingat na ingat siya sa bawat salitang binibitawan niya.
“Miss Gonzales filed a case against the two of you for committing adultery because she caught the two of you,” tumigil sa pagsasalita ang Prosecutor saka tiningnan kaming dalawa ni Lukas. “She caught the two of you having an affair.”
Naglapag ng mga litrato ang prosecutor. Mga litrato kung saan magkausap kami ni Lukas. Litrato kung saan hinawakan niya ang kamay ko, niyakap at hinalikan ako. Iyon 'yung mga panahong naghihinala na si Lukas tungkol sa pagkatao ko at mga panahong hindi ko na napipigilan ang nararamdaman ko para sa kaniya. I
Blair CastroTAHIMIK kami nina Ryu at Lukas habang nasa isang coffee shop kami. Pagkatapos ng trial ay tahimik na kami. Alam kong iniisip nila ang nangyaring pagsabog ko sa galit kanina.Humugot ako ng malalim na buntong-hininga saka tiningnan si Ryu. “Tingin mo anong mangyayari pagkatapos ng ginawa ko?”Napakamot ng pisngi si Ryu. “Hindi ko alam. Nakuha mo ang simpatya ng judge pero maaaring isipin ng judge na nagkaroon nga kayo ng affair ni Luke habang kasal sila dahil sa nangyari six years ago. Maaaring dahil sa nangyari sa inyo ay nahulog ang loob mo sa kaniya kaya ginusto mong makuha si Luke.”Nasapo ko ang noo ko. “Sorry. Hindi ko napigilan ang galit ko kanina. Napuno ako dahil sa ginagawa ni Alicia e.”“It's okay, Blair. Malaki rin ang chance na manalo tayo dahil sa mga ibinulgar mo kanina. Nilabas mo lang n
Blair CastroKATATAPOS lang ng check-up ni Cloud at nagmamaneho na ako pauwi sa condo nang tumawag si Jeanette. Agad kong sinagot ang tawag siya saka inilagay sa speaker. “Jeanette, napatawag ka?”[Blair, si Onyx kasi nilalagnat siya.]Natigilan ako. “Ano? Bakit?”[Hindi ko alam, Blair. Okay naman siya kanina. May sinat lang kaya pinainom ko an ng gamot pero mas lalo lang tumataas ang lagnat niya e. Dadalhin ko na nga siya sa hospital ngayon.]Tumango ako. “S-Sige. Itext mo sa akin ang hospital at pupunta ako.”[Uhm, Blair, pwede ko naman iwan saglit sina Owen diba? Sabi naman nila hindi nila susuwayin ang utos ko habang hindi pa ako bumabalik.]Tumango akong muli. “Hindi susuway ang dalawa, Jean. Sige na, susunod nalang ako sa hospital.”Nang matapos ang taw
Blair CastroHATI ang oras ko para kay Cloud at Onyx pero mas madalas na pinupuntahan ko ang anak ko. Sinisigurado naman sa akin ni Cloud na kaya na niyang mag-isa sa condo pero para mas sigurado ay pinakiusapan ko si Jeanette na lumipat sa condo ni Cloud tutal ay malaki naman iyon. Pinagamit ko sa kaniya ang kwarto ko at kahapon nga sila lumipat. Ayos naman daw sila sabi ni Jeanette nang mag-usap kami kanina.“Ma,”Napatingin ako kay Onyx nang tawagin niya ako. Nginitian ko siya. “Nagugutom ka na ba?”Umiling siya. “Uuwi na ko, ma.”Bumuntong-hininga ako saka kinagat ang pang-ibaba kong labi. Ikatlong araw palang niya dito sa hospital at hindi ko pa nasasabi sa kaniya ang sakit niya. Gusto ko nang sabihin pero natatakot ako sa magiging reaksyon niya. Kailangan niya kasing malaman dahil nakaschedul
Blair Castro“THE baby is four weeks old, miss Castro. Malakas naman ang kapit niya at wala kang magiging problema. Magrereseta nalang ako sayo ng vitamins para sa inyo ni baby, okay.”Tumango ako at ngumiti. “Thank you, doc.”“You're welcome. Here. Make sure to buy and take it everyday, okay?”Tinanggap ko ang reseta saka inilagay sa bag ko. Mamaya ko nalang ito bibilhin. Pagkatapos ko magpachek-up ay dumiretso ako sa kwarto ni Onyx. Naabutan ko ang mag-ama na nagtatawanan habang parehas silang nakaupo sa kama. Nakatop knot na naman ang buhok nila. Palagi bang may baon na panali si Lukas? Napailing nalang ako saka dumiretso papasok.“Hey, baby!” agad na tumayo si Lukas at nilapitan ako. Hinalikan niya ako sa pisngi saka kinuha ang dala kong pizza.“Tamang-tam
Blair CastroAYAW bitawan ni Onxy ang kamay ni Lukas. Kanina pa siya ganiyan pagdating ni Lukas matapos kong tawagan at pabalikin dito sa hospital. Kasama siya si Mr. Kim na inihatid siya hanggang dito sa kwarto.“Sir, thank you so much for saving me.”Tumango si Mr. Kim. “It's nothing, sir. I'm leaving now.”Sinulyapan ako ni Mr. Kim. Ngumiti ako sa kaniya saka tumango. Nang tingnan ko si Lukas ay bumuntong-hininga siya. Naupo ako sa tabi niya at hinawakan ang kabilang kamay niya. “Okay ka lang ba?”Tumango siya. “Yeah. Pasalamat nalang ako doon sa lalaking 'yon. Iniligtas niya ako kanina. Sabi ko nga baka may pwede akong itulong sa kaniya kapalit ng pagliligtas sa 'kin pero sabi niya ay wala naman.”Ngumiti ako at tiningnan si Onyx. Nakatingin siya sa akin.
Blair CastroLUMABAS nga sa imbestigasyon na fan ni Alicia ang nagsunog sa bahay ni Lukas. Ito rin ang nagtangkang humampas kay Lukas ng baseball bat at nakakulong na ito ngayon. Pakiramdam ko ay magiging maayos na ang lahat lalo na't kumpirmado ngang panalo kami sa kaso dahil narinig na namin ang desisyon ng korte kanina.Pumanig sa amin ni Lukas ang batas. Bukod kasi sa nag-iba ang statement ni Alicia sa nahuling trial ay mayroon daw mga butas sa kaso at tanging pahayag ko lang ang kongkreto at may sapat na katibayan.Ngayon ay tuloy tuloy na ang induction theraphy ni Onyx. Sabi ng doktor ay maayos ang naging response ng katawan niya sa theraphy niya. Malakas rin ang katawan ni Onyx at ang immune system niya kaya hindi raw kami dapat gaanong nag-aalala dahil palaban raw ang patient.Naging tahimik ang buhay namin pagkatapos ng nangyaring pagkasunog ng
Blair CastroPANAY ang haplos ni Lukas sa tiyan ko. Hindi pa siya nakuntento at inililis pa ang damit ko saka hinalik-halikan ang baby bump doon. Natatawa ako sa ginagawa niya kaya hinila ko ang tainga niya at pinahiga siya sa tabi ko. Hindi siya pinayagang umuwi ng mga bata lalo na si Onyx. Bukod kasi sa wala talaga siyang uuwiang bahay ay malalim na ang gabi. Kahit nga si Ryu ay doon natutulog sa sofa sa sala at nasa kwarto ni Lira si Jeanette. Ngayon ay umuuwi si Lukas sa bahay ni Ryu.“Tumahimik ka, nakikiliti ako sa ginagawa mo.” saway ko sa kaniya nang tangkain niyang bumalik sa may tiyan ko.Ngumuso siya. “Naglalambing lang e.”Napailing ako at tumagilid paharap sa kaniya. “Nasaan na ang mga bata? Akala ko ay pupunta sila dito?”Ngumisi siya. “Pinatulog ko na. Sabi ko may gagawin tayo.
Blair CastroHINDI ako nakatiis. Hindi pa ako nakakasubo ay tumayo ako para hanapin si Lukas. Natigilan ako nang hawakan ni Onyx ang kamay ko. Nakatingala siya sa akin. “Saan ka pupunta, ma?”“Hahanapin ko lang ang papa mo.”Tumango siya at binitawan ako. Agad akong lumabas habang paling-linga. Pumunta ako sa kwarto ko pero wala siya doon. Wala rin sa kwarto ni Lira at Onyx. Bumalik ako sa ibaba na bitbit ang cellphone ko. Idinial ko ang numero niya.Hindi siya sumasagot kaya dire-diretso akong lumabas ng bahay at natigilan ako nang makita ko siyang nakaupo sa hood ng kotse niya. May sigarilyo siya sa pagitan ng mga labi habang nakatingin sa cellphone niyang hawak niya.Dahan-dahang bumaba ang kamay ko saka naglakad palapit sa kaniya. Nakaramdam ako ng kung anong kirot habang nakikita siya dito sa labas.
Blair Castro-de MarcoPINAGMAMASDAN ko si Owen na tinuturuang tumugtog ng gitara si Lira. Abalang-abala sila sa sarili nilang mundo. Ganoon rin si Onyx na nakahiga sa sofa at nanunuod ng basketball. Nasa kabilang sofa naman si Brielle na hawak ang iPad niya at may kung anong ginagawa.Napangiti ako. It's been ten years since I gave birth to Brielle at ngayon ang tenth birthday niya.Hindi na nasundan si Brielle, ayaw na ni Lukas na magbuntis ako dahil baka himatayin na raw siya sa susunod. Ayoko na rin naman talagang sundan pa si Brielle, tama na ang apat na anak.“My,” ani Brielle na napansin ako. “Si dada, nasaan na po?”Bilang request kasi niya ay kakain lang kami sa labas ngayong 10th birthday niya. Pumayag naman si Lukas na may meeting lang sandali sa opisina.Tuluyan akong bumaba ng
Blair Castro-de MarcoNAKANGITI kong pinagmamasdan ang mag-aama habang kumakain sila ng cake. Pagkatapos naming hiwain ni Lukas ang wedding cake ay sinubuan namin ang isa't-isa saka niya nilapitan ang triplets at pinakain. Karga-karga naman ng dad ni Lukas si baby Brielle.“Dad,” nilapitan ko ang ama ni Lukas. Ngumiti siya sa akin habang giliw na giliw sa bunso ng mga de Marco.“She's so beautiful, Blair,” aniya habang hinahalikan ang pisngi ni Brielle.Hinawakan ko ang kamay nito saka muling tiningnan ang ama ni Lukas. “Kumain ka na po muna, dad. Ako na muna kay Brielle.”Umiling siya at ngumiti. “Nope. I like carrying her. Doon ka na sa asawa mo. Enjoy your wedding.”Tumango nalang ako at iniwan silang maglolo matapos kong halikan ang noo ni Brielle. Nang bu
Lukas de MarcoWHO would've thought that I'll marry twice when I presumed then that no one will ever like me because I'm a rugged and snob man? I don't even have an ex-girlfriend. I drowned myself in studying and proving my worth to my father who hates me then after my mother died giving birth to me. Thinking about my previous life made me sigh. When I married Alicia, I was happy because at last, I found a woman who will love me but when I learned about her lies, my dreams shattered.Nakakapanghinayang lang na marami akong pangarap para sa aming tatlo nina Lira pero it turns out na mali palang nangarap ako kaagad dahil hindi pala totoo ang mga nakita at ipinakita niya sa akin. Although our love was real, it doesn't give her the rights to lie about my kids and made a fool out of me. I loved the wrong woman.“Dude!”&
Blair CastroISA sa pinakamagandang nangyari sa buhay ko ay noong nasilayan ko ang triplets nang isilang ko sila. Kasunod niyon ay ang mga pangit na pangyayaring maituturing ko nalang na masamang panaginip. Isang panaginip na hindi maaaring iwasan at hindi ko inasahan.After everything that happened, hindi ko na alam kung tama bang sabihin ko na worth ang lahat ng paglaban at hirap ko gayong marami akong nasaktan at nasagasaang tao. Firsly, Alicia, na naghangad ng mas higit sa naabot niya. Ang kaniyang ama na nasaktan ng husto sa pagkawala ng kaisa-isang anak niya. Si Cloud na naghangad ng pagmamahal na hindi maaring masuklian at labis na nasaktan sa bandang huli at ang iba pang mga taong nadamay sa gulo namin ni Alicia. Gayunpaman, wala akong pinagsisisihan dahil naitama ko naman ang lahat at nabawi ang una palang ay akin na.Ngayon
Lukas de MarcoI KEPT on walking back and forth. Paulit-ulit kong ginugulo ang buhok ko habang naghihintay sa delivery room. Sumilip ako at napalunok nang makita ang asawa ko na nakahiga at napapalibutan ng mga nurses. Sa paanan niya ay nakatayo ang babaeng doktor. Napatingin siya sa akin saka ngumiti. Alanganin naman akong gumanti ng ngiti saka nilingon ang mga bata.Mali si Blair, hindi magpapanic ang mga bata kapag narinig ang sigaw niya. Ako ang magpapanic at hihimatayin pa yata dahil ninenerbyos ako habang kalmado ang triplets na kausap sa telepono ang tito Adrian nila. They're calling everyone, telling them about the news.I took a deep sigh, and looked at Blair again. She was nodding whilst talking to the doctor. God, she looked so scared.I remember the article I've read. Hindi ko makalimutan kong paano ipinaliwanag ng article kung gaano kasakit
Blair CastroMABILIS na lumipas ang mga araw at buwan. Natapos ang theraphy ni Onyx at mayroon siyang regular monthly check-up. Maayos ang kalagayan niya at sinigurado sa amin ng doktor na magaling na siya. Ipagdasal nalang raw namin na 'wag magkaroon ng relapse kaya ganoon nga ang ginagawa namin.Napahawak ako sa tiyan ko at ngumiwi nang bigla itong humilab. Umawang ang labi ko nang sumipa rin ang munting de Marco sa tiyan ko.May na ngayon at kabuwanan ko na. Nag-advice ang doktor ko na palagi akong maglakad-lakad at gawin raw namin ni Lukas ang bagay na 'yon tuwing gabi lalo ngayong kabuwanan ko para daw hindi ako gaanong mahirapan sa pagluwal sa bata. Ang lalaking abusado naman, palaging idinadahilan ang bagay na 'yon sa akin.“DADDY!!!”Napatingin ako sa may pintuan nang magsisigaw si Lira. Pumasok siya sa bahay at n
Blair CastroKATATAPOS lang namin ni Lukas kumausap ng wedding planner. Talagang excited na excited siyang ikasal kami. Panay ang halik niya kamay ko bawat sagot niya sa tanong ng wedding planner na kinuha niya, hindi ko naman maiwasang mahiya at pamulahan ng mukha dahil panay ang ngiti sa amin ng babae.“Bakit ka ba halik ng halik?” Siniko ko si Lukas nang makaalis ang wedding planner.Binitawan niya ako at sumandal sa sofa. “Titig na titig kasi sa 'kin. Di ka ba nagselos?”Tumawa ako. Talaga ngang titig na titig sa kaniya ang babae kanina. Hindi ko nalang pinapansin dahil mabait at maayos naman siyang kausap.“Hoy!” Kinalabit ako ni Lukas. Nakasimangot siya. “Hindi ka ba talaga nagseselos?”Tinitigan ko siya. “Sino sa amin ang mas maganda?”
Blair CastroNATATAWA ako habang pinagmamasdan sina Adrian at Ryu na binubully si Owen. Nalaman kasi nila mula kay Lukas ang nangyari at sumama nga sila pag-uwi ni Lukas para tingnan ang makulit na bata. Ayon at inaasar nila.Medyo bumabalik naman na sa normal ang mukha at katawan ni Owen pero may pantal pa rin.“Mukha kang tinapay na umalsa, pareng Owen.” Tawang-tawa pa na sabi ni Ryu.Lumingon sa akin ang anak ko, humihingi ng tulong pero hindi ko rin napigilang matawa kaya lalong natawa ang mga tito niya.“Owen, sana sinabi mong gusto mong magpataba. Bukas pag okay ka na, hanap tayo ng basil,” pang-aasar naman ni Adrian.Bumaba mula sa itaas si Lukas na basa ang buhok at nakasuot nalang ng pambahay. Pag-uwi niya ay agad siyang naligo at hindi ko alam kung bakit excited na excited siya.
Blair CastroINAAYOS ko ang mga bulaklak na naipon na sa vase sa kwarto ko dahil hanggang ngayon ay hindi pumapalya si Lukas sa pagbibigay sa akin ng bulaklak.“Mommy!!!!”Gulat akong napatingin sa pinto ng kwarto ko nang marahas itong bumukas. Pumasok si Lira na hingal na hingal at nanlalaki ang mga mata. Agad ko siyang nilapitan. Pawis na pawis siya. “Anong nangyari? Bakit ka sumisigaw?”“Si kuya Owen po, mataba na!”Natigilan ako. Ano raw? Tumayo ako ng tuwid at namaywang. “Niloloko mo yata ako e. Anong mataba? Kumakain ba si kuya Owen mo? Anong kinakain niya?”Ngumuso siya. “Mommy, tunay po! Nasa likod po kami kanina tapos nag-akyat po siya sa puno tapos bigla po siyang kinati tapos tumaba na siya. Malaki na pisngi ni kuya.”Nami