NAPANGIWI siya habang nakatitig sa kisame. Kagat niya ang labi upang pigilan ang malakas na tawa. Hindi niya alam kung sisigaw siya sa inis o tatawa ng malakas.
"Tumayo ka na, kanina ikaw ang pilit ng pilit," seryosong nakatingin sa kanya si Syete. Nasa paanan niya ito, nakapamewang.Inirapan niya ito. "Oo, kanina n'ong hindi ko pa alam na nilumpo ko ako.""I didn't do anything." Binato niya ito ng unan dahil ngising ngisi ito habang nakatingin sa pagitan ng mga hita niya."Sana nagwarning ka nawawarakin mo pagkababae ko para napaghandaan ko na humilata nalang dito sa kama."Matapos niya itong pagbigyan sa halos hindi na niya mabilang na beses mula kagabi ay nakaramdam siya ng pamamanhid ng kanyang balakang at ngayon ay hindi na siya mapatayo. Nangangalay pa rin ang kanyang mga hita. Napapaigik siya kapag sinusubukan niyang gumalaw."Then, let's stay here." Akmang tatabi na naman ito sa kanya."Wait lang, bigyan mo"KAMPAY, para sa pag-ibig ni bunso," sigaw ni Singko. Lahat sila ay nagtawanan dahil sa kapilyohan nito. Malapit na ang umaga ngunit patuloy pa rin ang kanilang kasiyahan. Pamilya Castillion na lamang ang nagdidiwang kasama siya.Nawala agad ang intimidation na nararamdaman dahil sa pagiging welcoming ng mga ito. Hawak niya rin ang kopita at itinaas iyon para makipagcheers sa mga kasama. Walang katahimikan dahil puro tawanan at sigawan ang ginagawa nila. Lalo ng magkakapatid at magpipinsang Castillion, sa laking mga tao ng mga ito ay parang mga bata kung magbangayan at mag-asaran."Para sa magiging apo ko," sigaw ng nanay ng mga ito. Halos mabulunan siya, hindi niya akalain na iyon ang isisigaw nito. "Pustahan, sampo magiging anak nila," hirit ni Singko. "Panig ako sa'yo Singko, basta kalahi mo kilala mo," natatawang sabi ni Cerio at nagbigay ng limang piso sa pinsan. Pigil ang tawa niya, akala niya ay napakala
Parehong mugto ang kanilang mga mata. Nakatulugan nila ang pag-iyak, pero kahit papaano ay naging magaan ang kanyang kalooban. Nasabi na niya ang lahat kay Syete at walang nagbago sa pakikitungo nito sa kanya. Mas lalo itong naging sweet at maalaga sa kanya. Wala na siyang ibang lalaking hihilingin sa kanyang buhay. She's wearing a plain white Gucci shirt paired with silky black jeans and her Balenciaga heels. Ngayon ang plano nilang pumunta sa apartment niya. Gusto iyong makita ni Syete. "I thought we will have our shopping today." Malungkot na sabi ng ina ni Syete. Nasa hapag silang buong pamilya.Ngumiti siya. Mabuti nalang at nagawa niyang itago sa likod ng concealer ang eyebags niya kung hindi alam niyang magtatanong ang mga ito. "Yes po, mamaya po pagbalik na'min.""Hindi kami magtatagal, mom. Don't worry about it." Tulad ng lagi nitong ginagawa ay nilagyan siya nito ng pagkain sa pinggan. Kahit pigilan niya ay hindi ito nagpapigil. R
NANLULUMONG napaupo siya sa kanyang kutson pagkatapos halughugin ang mga envelop na pinaglagyaan noon ng pera. Muli niyang binalikan ang mga mensahing naroon, paulit ulit na sinasabing poprotektahan siya. Sumasagot ang ulo niya kakaisip kung sino nga ba ang taong 'to."Wag mong pilitin ang sarili mo, baka magkasakit ka." Tumabi ng upo sa kanya ang nobyo. Isinandal niya ang ulo sa braso nito. "Hindi na ako makapaghintay na malaman kung kaninong fingerprints ang nandito.""I will call my brother Sais, he have connections."Iniyakap niya ang mga braso sa bewang nito. "Maraming salamat dahil lagi kang nandiyan para sa'kin.""Palagi akong nandito."Humiwalay siya at idinipa ang buong paligid. "Dito ako nakatira noon n'ong hindi pa tayo magkakilala. Dapat pala akong magpasalamat sa mga taong humahabol sa'kin ng araw na 'yon dahil sila ang rason kung bakit ako napilitan magtago sa kotse mo.""Kilala mo ba ang mga hum
ABOT LANGIT ang ngiti nila pareho ng kanyang future mother in law. Natupad din ang gusto nitong na magshopping sila. Matapos nilang magdate ni Syete, na sobrang naging masaya siya ay ang ina naman nito ang nakasama niya kinahapunan. Malapit na ang gabi ng makauwi sila. Nalula siya sa presyo ng mga pinamili nila. Para silang mga batang nagpilitan bago siya nito napapayag na bilhan ng mga mamahaling damit. Sa totoo lang ay hindi niya iyon kailangan dahil kahit sa tyangge lang siya bumili ng mga kasuotan ay ayos na ayos na.But, Mrs. Castillion is always a Castillion. Pabiro pa siya nitong sinabihan na magtatampo ito kapag hindi siya pumayag. She wants to please her mother-in-law like her own mother, she has no choice but to agree. "Pagpasensyahan mo na ang anak ko, ganyan talaga ang mga 'yan mga mana sa ama, mga paranoid pagdating sa mga babaeng mahal nila," natatawang sambit nito bago inilapag ang mga paperbag sa couch. "Ayos lang po, masasanay rin po siguro ako." Kanina ay napansin
ILANG araw matapos ang proposal ni Syete ay napagpasyahan nilang bumalik sa Baguio. Tinapos nito ang trabaho sa Maynila ng mga isang linggo, nagpasalamat pa ito dahil pinakawalan siya ng mommy nito. Dalawang buwan na ang lumipas mula n'ong naging fiance niya ito. Hanggang ngayon hindi pa rin siya makapaniwala na malapit na silang ikasal. Napag-usapan na rin ng pamilya kung kailan at saan gaganapin ang pinakamasayang parte ng kanilang buhay. Hindi niya ang pagiging mabilis ng mga pangyayari dahil sigurado siyang mahal niya ng labis ang nobyo kaya't handa siyang makasama ito habang buhay. "Ga, breakfast is ready," rinig niyang tawag ni Syete. Nakaharap siya sa kanyang vanity mirror habang tinititigan ang napakagandang singsing sa kanyang daliri, hindi pa rin makapaniwala na nagpropose na nga ito sa kanya. Walang humpay na ligaya ang ipinaparanas nito sa kanya. Parang napakagandang fairytale matapos ang malungkot na buhay. Nakangiti siyang
AKMANG lalapit ito sa kanya pero sumigaw siya. Ayaw niyang makita ito, ayaw niyang muling mapalapit sa balat nito. "Layuan mo ako, layuan mo ako." Halos magwala na siya. Nakita niya ang pagguhit ng sakit sa mga mata nito, pero wala iyon sa sakit na nararamdaman niya ngayon. Halos mamilipit siya sa paghagulhol. Pakiramdam niya ay lumulutang ang kanyang isip, wala siyang matinong maisip. Para siyang paulit ulit na pinapatay habang humihinga. Mariin niyang kinagat ang labi, kuyom ang mga kamao. Mas lalo siyang napapahikbi kapag nakikita ang mga larawang nagkalat sa sahig. Siguro'y itinapon iyon ng kung sino sa dalawa habang nagtatalo. "La-Langga," sambit ni Syete. Nagtangka ulit itong lumapit sa kanya pero umatras siya upang mapalayo dito. Kung noon ay ayaw niyang makita ang mga luha nito, ang nasasaktan nitong ekspresyon ngayon ay nasasabi niyang dapat lang iyon sa lalaki. "Wag mo akong tawaging langga," umiling siya habang pinagsisisihan a
NANGINGINIG ang kanyang tuhod ngunit pinilit niyang tumayo. Malalaki ang naging hakbang niya upang lapitan si Syete bago pa man ito tuluyang makapunta sa veranda. Mahigpit niya itong niyakap. Hindi niya alam kung kaya niya itong patawarin ngayon pero ayaw niyang makita itong masaktan. Mariin niyang ipinikit ang mga mata at isinandal ang luhaang mukha sa likod nito. Sabay bulong. "Ma-May babalikan ka." Natigilan ito. Nanlaki ang mga matang humarap sa kanya. Nagsisinungaling siya, pero mas pipiliin niyang magsinungaling dito kaysa ang saktan nito ang sarili. "Sumuko ka, wag mong saktan ang sarili mo."Mahigpit siya nitong niyakap. Hindi makapaniwala sa kanyang sinabi. Iniiwas niya ang mukha ng akmang hahalikan siya nito. Hindi siya makatingin diretso sa mukha nito. Nakakalungkot na ang dating halik nito na hinahanap hanap niya ay pinandidirian na niya. "Pangako? Magpapakabait ako, pagbabayaran ko ang lahat ng kasalanan ko sa'yo." Bago pa man
NAG-IWAS ito ng tingin. "Pero, nahuli ako. Hindi ko siya napigilan."Humigpit ang pagkakahawak niya sa envelop na inaabot nito. "Siya lang diba? N'ong mga panahon na 'yon alam kong hindi lang iisang tao ang pumasok sa kwartong pinagdalhan sa'kin."Kinabahan siya dahil hindi pa rin ito makatingin deritso sa kanyang mga mata. "Marami sila pero pakiramdam ko iisang tao lang ang gumalaw sa'kin. Diba?" Pilit niyang kinukumbense ang sarili. Nandoon pa rin ang pakiramdam ng mga pangyayaring 'yon, maraming boses ang narinig niya kaya't naguguluhan siya kung tama ba ang pakiramdam. Seryosong ibinalik nito ang tingin sa kanya. "Bakit parang hindi ka sigurado?""Sigurado ako," diin niya. "Pero gusto kong makumpirma mula sa'yo. Si Syete lang diba?" Natatakot siya sa magiging sagot nito. Nagkibit balikat ito. Napamura siya, nagulat rin siya sa lutong ng mga salitang lumabas sa kanyang bibig. "Bakit ayaw mong sabihin? Gusto kong kasohan ang iba
Tuluyang nagpantig ang kanyang tenga at hindi na napigilan ang galit. Masama ang tingin na humarap siya dito at itinaas ang kanyang mga kamao. "Kanina ka pa, ano suntukan nalang tayo? Para kalas kalas na 'to." Magkahiwalay ang kanyang mga paa at nauuna ang kanan, nakapwesto na para makipagbasag ulo.Lumapit siya dito habang ito ay nakatayo lamang at nakatingin sa kanya. Hinding hindi ako papayag na hindi makagante sa kanya, bulong niya sa sarili.Hindi ito lumaban pero inis na inis pa rin siya. Sa labis na galit ay naging mabilis ang kanyang galaw at hindi nito napaghandaan ang sunod niyang hakbang. Dahil tanging Hawaiian short lang ang suot nito ay madali niyang nadakpa ang umbok ng pagkalalaki nito.Napahiyaw ang lalaki samantalang siya ay nagkikiskisan pa rin ang mga ngipin sa sobrang galit. Malulutong na mga mura at hiyaw ang pinakawalan nito at malakas siyang itinulak ngunit sa pagtulak nito ay mas lalong dumidiin ang pisil niya."Ito na ang
ANG LUGAR ay puno ng mga taong pasaway sa lipunan. Mga taong lumabag sa batas. Mga taong biktima ng mapoot na katotohanan ng mundo. Mga taong inosente pero dahil sa kahirapan ay naghirap sa loob at pinagbayaran ang kasalanang hindi ginawa. Mga taong nawalan ng pag-asang makalabas. Mga taong ayaw nang lumabas dahil wala ng babalikang pamilya.Ngayon ay nagdiriwang ang mga preso dahil sa paglaya ng kapwa nila bilanggo.Naghihiyawan sa bawat seldang dinadaanan niya at nagbibigay pagbati ang lahat. Ilang taon niyang naging tahanan ang magulo at masikip na kulungan. Ngayon ay haharapin na naman niya ang hindi patas na mundo sa labas."Magpakabait ka na 'pre," masayang bilin ng isang presong naging kaibigan."Oo 'pre, kayo din dito," sagot niya."Pagkaalis mo dito kumuha ka agad ng babae at magpakarami," hiyaw ng isa. Naghalakhakan ang lahat.Tumango siya. "Mahirap ang buhay sa labas.""Mas mahirap ang buhay dito," S
Maria Sonata's POVAMONG all the Castillons, I am the least favorite. Kuya Seve is my Nanay's favorite, and Soledad is my Tatay's favorite. I'm the middle child, technically because I'm older than Soledad, even if we're twins. I always feel that no matter what I do, I'm always the least. I'm no one's favorite. I'm no one's favorite friend. I'm no one's favorite daughter. I'm no one's favorite sister. I'm no one's favorite niece. And because I'm no one's favorite I need to be pretty. I need to be intelligent. I need to be nice. I need to be classy. I need to be tough. I need to excel at everything I do for me to fit in.Most of the time, they say that I think older than my age. I think too much and I know so much. I need to be this and that because I know that I can only depend on myself. Maybe I'm more mature than my age because my experiences have made me grow faster than the average teenager. Well, I believe that maturity is not about age; it's about ho
Patios' POV"ANONG akala niya siya ang pinakamagaling na basketball player sa buong school? Porket dala niya ang pangalan ng pamilya niya? The nerve of that Castillion guy," asik ko. Hindi ko mapigilan na mairita dahil sa klase ng pagtanggi niya sa alok ko na maging player ng basketball team ng school. Padabog kung idinit ang flyer sa bulletin board kung saan nakalagay na may basketball try out na gaganapin para sa bagong mga member ng basketball team ng UED. UED stands for University of Elite and Dreamers, 'yon ang pangalan ng university namin. Habang naman ang assistant coach na naka-assign para sa recruitment. I'm Patrizia Tiona De Alcaraza, known as Patios in this university. I'm first year college taking Bachelor of Fine Arts but I planned to shift course to Bachelor of Fine Arts in Ceramics next semester."Balita ko magaling naman talaga siya," sabi ni Eli.Elinia Peachy Samaniego is my best friend. Kasama ko siya ngayon sa pagdid
TWENTY YEARS na silang mag-asawa ngunit 'yong pakiramdam na maglakad sa aisle ay parang unang beses niyang ikakasal. She never imagined being married multiple times with the same man. Mas lalong yumabong ang kanilang pagmamahalan sa bawat paglipas ng panahon. Ito na ang ikatlong beses na ikakasal siya kay Syete. N'ong pangalawa ito naman ang nagsurprise wedding sa kanya at siya naman ang hindi handa. Ten years ago ay ikinasal sila sa hill top ng Baguio kung saan sila unang trekking at mountain climbing. Ngayong ikatlo ay pareho nilang pinaghandaan. Noong una nagdalawang isip siya dahil sa gastos, tutal ganap na naman silang mag-asawa. Ngunit nagpumilit si Syete. Gusto nito kung maaari bawat paglipas ng dekada magpakasal sila. Gusto nitong sa bawat wedding anniversary nila magkakaroon ng vow. Rason nito, isa 'yon sa paraan ng kanyang asawa na ipangalandakang ni minsan hindi nawala ang pagmamahal nito sa kanya. Marami silang natutunan sa maraming taong lu
HINDI MAPIGILAN ni Mari ang kanyang mga luha habang naglalakad sa aisle. Gusto niyang matawa sa ayos ni Syete ngunit mas nangibabaw sa kanya ang samo't saring emosyon. Lahat ng kanilang pinagdaanan ay isa isa bumalik sa kanyang alaala. Sinong mag-aakala na ang labis na kaligayahan ay nasa dulo ng mga pagkasawi at paghihirap nila? Muntik na siyang sumuko, muntik na niyang bitawan ang kanyang pag-ibig para sa kanyang magiging asawa. Ngunit dahil sa gabay ng Panginoon mas pinili niyang lumaban, hindi niya pinagsisisihan ang pagpapatuloy sa laban. Dahil kung sumuko siya wala siya ngayon sa gitna ng swimming pool. Naglalakad sa aisle habang naghihintay sa dulo ang lalaking pinakamamahal niya. Nakangiti siya habang ang mga luha patuloy sa pag-agos. Wala nang puwang sa puso nila ang lungkot at sakit, tapos na sila sa pahinang iyon ng kanilang buhay. At sa pagsisimula nila bilang mag-asawa, alam niyang may panibagong pagsubok pero maipapangako niyang malalagpas
AFTER THREE YEARS.SUMILAY ANG masayang ngiti ni Syete. Pumikit siya at idinipa ang mga kamay habang hinahayaang tumama sa kanya ang hangin sa labas ng bilangguan. "This is freedom," he shouted. Ngayon ang araw ng kanyang paglaya. Nakatayo siya sa harap ng Bilibid prison. May dumaang sasakyan sa kanyang harapan, hindi pa man 'yon tuluyang pumaparada ay agad na bumukas at nagsilabasan ang mga barako niyang mga kapatid. Tumakbo ang mga ito papalapit sa kanya, sabay sabay siyang dinamba ng yakap ng kanyang mga kuya. "Bunso," mangiyak ngiyak na sambit ng kanyang Kuya Singko. Suminghot singhot pa ito. Nagtawanan sila, hindi rin niya napigilan ang pangingilid ng luha dahil pula ang mga mata ng mga ito at naiiyak din. "The long wait is over. Malaya ka na." Tinapik ng kanyang Kuya First ang balikat niya. "Oo nga kuya." Niyakap niya ito ng mahigpit. Kinuha naman ni Kwatro ang bag na dala niya at papeles na nagpapatunay na laya n
IPINAGAMOT nila ang tatlong magkakaibigan. At nang lumipas ang halos isang buwan ay hinabla nila sa korte ang mga ebidensyang hawak nila. Siniguro ng pamilya na mananalo sila sa kaso, alam nilang nasa katarungan sila ngunit nais nilang masiguro ang parusa sa tatlo. Wala silang narinig na paglaban sa kabilang panig dahil alam ng mga ito na mas lalong masisira ang pamilya ng mga ito kapag ipinagpatuloy ang paglaban sa kanila. Alam nilang kinikimkim ng mga ito ang galit ngunit hindi na iyon mahalaga, ang importante ay makulong ang mga ito at mapababa ang sentensya kay Syete. Hanggang sa sumapit ang huling hearing sa korte. Kahit na lumalaki na ang kanyang tiyan ay kailangan niya pa ring tunghayan ang kanilang laban. Tahimik silang nakaupo, katabi niya ang kanyang mga magulang, samantalang sa kaliwang bahagi nandoon ang pamilya Castillion at ang iba pang akusado. Kahit na alam na nila ang nangyari ay kasama pa rin sa mga akusado si Syete
NASA IISANG BUBONG sila kasama ang pamilya Castillion, kasama niya rin na lumipat ay si Attorney Allegron. Nasa theater room silang lahat, pinapanood ang latest balita. Nakangisi ang magkakapatid pati ang kanilang ina habang pinapanood ang pag-aresto sa ama ni Maquir Spañano. Halatang gustong gusto ng mga ito ang naging resulta. Siya ay tahimik sa huling parte ng mga upuan. Masama man pero nagbubunyi din ang kalooban niya dahil unti unting nababawasan ang alalahanin niya. "Former Vice President Marquez Spañano, arestado sa salang pagpatay sa dating Gobernador Renaldo Moya."Sa mga nakikita niya ngayon, napatunayan niyang tunay na makapangyarihan ang pamilya ni Syete. Ang sinumang babangga dito ay hinding hindi magtatagumpay. Hindi nagbago ang pakikitungo sa kanya ng pamilya. Kahit na nagkalamat ang samahan dahil sa mga nangyayari sa kanila ng bunso ng pamilya ay hindi siya pinakitaan ng mga ito ng masama. Isa sa mga bagay na hina