ILANG araw matapos ang proposal ni Syete ay napagpasyahan nilang bumalik sa Baguio. Tinapos nito ang trabaho sa Maynila ng mga isang linggo, nagpasalamat pa ito dahil pinakawalan siya ng mommy nito. Dalawang buwan na ang lumipas mula n'ong naging fiance niya ito. Hanggang ngayon hindi pa rin siya makapaniwala na malapit na silang ikasal. Napag-usapan na rin ng pamilya kung kailan at saan gaganapin ang pinakamasayang parte ng kanilang buhay. Hindi niya ang pagiging mabilis ng mga pangyayari dahil sigurado siyang mahal niya ng labis ang nobyo kaya't handa siyang makasama ito habang buhay. "Ga, breakfast is ready," rinig niyang tawag ni Syete. Nakaharap siya sa kanyang vanity mirror habang tinititigan ang napakagandang singsing sa kanyang daliri, hindi pa rin makapaniwala na nagpropose na nga ito sa kanya. Walang humpay na ligaya ang ipinaparanas nito sa kanya. Parang napakagandang fairytale matapos ang malungkot na buhay. Nakangiti siyang
AKMANG lalapit ito sa kanya pero sumigaw siya. Ayaw niyang makita ito, ayaw niyang muling mapalapit sa balat nito. "Layuan mo ako, layuan mo ako." Halos magwala na siya. Nakita niya ang pagguhit ng sakit sa mga mata nito, pero wala iyon sa sakit na nararamdaman niya ngayon. Halos mamilipit siya sa paghagulhol. Pakiramdam niya ay lumulutang ang kanyang isip, wala siyang matinong maisip. Para siyang paulit ulit na pinapatay habang humihinga. Mariin niyang kinagat ang labi, kuyom ang mga kamao. Mas lalo siyang napapahikbi kapag nakikita ang mga larawang nagkalat sa sahig. Siguro'y itinapon iyon ng kung sino sa dalawa habang nagtatalo. "La-Langga," sambit ni Syete. Nagtangka ulit itong lumapit sa kanya pero umatras siya upang mapalayo dito. Kung noon ay ayaw niyang makita ang mga luha nito, ang nasasaktan nitong ekspresyon ngayon ay nasasabi niyang dapat lang iyon sa lalaki. "Wag mo akong tawaging langga," umiling siya habang pinagsisisihan a
NANGINGINIG ang kanyang tuhod ngunit pinilit niyang tumayo. Malalaki ang naging hakbang niya upang lapitan si Syete bago pa man ito tuluyang makapunta sa veranda. Mahigpit niya itong niyakap. Hindi niya alam kung kaya niya itong patawarin ngayon pero ayaw niyang makita itong masaktan. Mariin niyang ipinikit ang mga mata at isinandal ang luhaang mukha sa likod nito. Sabay bulong. "Ma-May babalikan ka." Natigilan ito. Nanlaki ang mga matang humarap sa kanya. Nagsisinungaling siya, pero mas pipiliin niyang magsinungaling dito kaysa ang saktan nito ang sarili. "Sumuko ka, wag mong saktan ang sarili mo."Mahigpit siya nitong niyakap. Hindi makapaniwala sa kanyang sinabi. Iniiwas niya ang mukha ng akmang hahalikan siya nito. Hindi siya makatingin diretso sa mukha nito. Nakakalungkot na ang dating halik nito na hinahanap hanap niya ay pinandidirian na niya. "Pangako? Magpapakabait ako, pagbabayaran ko ang lahat ng kasalanan ko sa'yo." Bago pa man
NAG-IWAS ito ng tingin. "Pero, nahuli ako. Hindi ko siya napigilan."Humigpit ang pagkakahawak niya sa envelop na inaabot nito. "Siya lang diba? N'ong mga panahon na 'yon alam kong hindi lang iisang tao ang pumasok sa kwartong pinagdalhan sa'kin."Kinabahan siya dahil hindi pa rin ito makatingin deritso sa kanyang mga mata. "Marami sila pero pakiramdam ko iisang tao lang ang gumalaw sa'kin. Diba?" Pilit niyang kinukumbense ang sarili. Nandoon pa rin ang pakiramdam ng mga pangyayaring 'yon, maraming boses ang narinig niya kaya't naguguluhan siya kung tama ba ang pakiramdam. Seryosong ibinalik nito ang tingin sa kanya. "Bakit parang hindi ka sigurado?""Sigurado ako," diin niya. "Pero gusto kong makumpirma mula sa'yo. Si Syete lang diba?" Natatakot siya sa magiging sagot nito. Nagkibit balikat ito. Napamura siya, nagulat rin siya sa lutong ng mga salitang lumabas sa kanyang bibig. "Bakit ayaw mong sabihin? Gusto kong kasohan ang iba
NAKAYUKO si Syete habang nakatulala sa pader. Napakainit ng lugar, walang kain, walang ligo, at walang pahinga. Pagod na pagod ang buong pagkatao niya. Di niya mapigilan ang mapaluha habang iniisip niya si Mari at ang anak nila. Kung normal na araw kayakap niya sana ngayon ang fiancee, pinagsisilbihan ito sa abot ng kanyang makakaya at oras oras na pinaparamdam dito kung gaano niya ito kamahal. Masaya sana sila ngayon habang nag-uusap tungkol sa pagkakaroon nila ng anak. Pinunasan niya ang luha gamit at kwelyo ng damit. Lubos niyang pinagsisisihan ang nagawa noon, kung maibabalik lang niya ang mga araw hinding hindi niya gagawin 'yon. Pati sa kanyang ina ay nahihiya siya, hindi ito nagkulang ng paggabay sa kanya pero naligaw pa rin siya ng landas. Napakawalang kwenta mong tao. Hayop ka. Mas masahol pa sa demonyo ang kasamaan mo. Mapait siyang napangiti habang pinapakinggan ang mga boses sa kanyang isipan. Sa sobrang da
HINAHAPLOS ni Maria ang kanyang tiyan habang nakatanaw sa bintana ng hospital. Kagigising niya lang at nag-iisa siya sa kanyang kwarto, taimtim siyang nagdarasal at nagpapasalamat sa Diyos na ligtas ang kanyang anak. Wala siyang sakit na nararamdaman sa sinapupunan kaya't alam niyang mabuti ang lagay nito. Narinig niya ang pagbukas ng pinto ngunit hindi niya iyon nilingon. Naluluha siya, ramdam niya ang mga bisig ni Syete na nakayakap sa kanya bago siya tuluyang mawalan ng malay. Kailan kaya darating ang araw na magagawa niyang makalimutan ang mga haplos nito? Gusto niya nga bang kalimutan?"Mari," pamilyar na boses ni Tari. Pinahid niya ang mga luha at humarap dito. Kasama nito ang doktor. Lumapit ito sa kanya na may ngiti sa labi. "Glad you are awake, Mrs. Castillion."Natigilan siya sa sinabi nito, may kirot na dumaan sa kanyang dibdib. "Ba-Bayubay po." Hindi siya nagtaka kung bakit iyon ang itinawag nito sa kanya, naging laman sila
NAKAYUKO si Maria, nakakuyom ang mga kamao na nakatago sa ilalim ng mesa. Walang ideyang pumapasok sa isip niya kung ano ang dapat sabihin kay Syete. Napagpasyahan niyang dalawin ito bago siya umuwi sa kanilang probinsya. Tutol ang isipan niya sa desisyong ito ngunit hindi niya matiis ang puso. Gulat na gulat ito ng makita siya. Mag-isa siyang dumalaw, ni hindi niya sinabihan ang kanyang abogado pati na si Tari kung saan ang punta niya. Hindi niya magawang matitigan sa mata ang binata, samantalang ramdam niya ang titig nito mula n'ong makita siya nito. "Ku-Kumusta si baby?" Tumikhim pa ito ng ilang ulit, binasag ang katahimikan. Nasa loob sila ng isang silid, nakaupo sa magkaharap na silya na pinapagitnaan ng lamesa. Huminga siya ng malalim bago tinatagan ang kalooban, tumingin sa mga mata nito. Hinaplos niya ang tiyan. "Ayos lang siya, malusog at walang problema.""Hindi ka ba niya pinapahirapan?" Nangangalumata ito, itim a
KAHIT NA BUNTIS ay nagawa pa rin niyang tumakbo papasok sa morgue kung nasaan ang bangkay ni Doktora Elena. Pagkarating na pagkarating sa Baguio ay agad silang tumuloy doon. Naabutan niya ang mga papalabas na pulis. Hindi niya pinansin ang mga ito at tumuloy sa kung nasaan ang labi. "Calm down," bulong ni Tari sa tabi niya. Dahan dahan siyang lumapit, nanginginig na itinaas ang kamay upang alisin ang kumot sa mukha nito. Gusto niyang masiguro na si Doktora Elena nga iyon.Napatakip siya sa bibig nang bumungad sa kanya ang mukha nito, nakapikit ang mga mata. Dumako ang tingin niya sa leeg nito. Bakas doon kung saan nakatali ang lubid. Halos matumba siya sa sobrang emosyon. Napasandal siya kay Tari, habang ito ay hinahaplos ang likod niya. Umiyak siya ng umiyak. Kahit sandali lamang niya itong nakilala ay malaki ang utang na loob niya dito. "Maricris Bayubay?" Humiwalay siya kay Tari at lumingon sa lalaking tumawag sa pangalan niya. "I'm Esquivel
Tuluyang nagpantig ang kanyang tenga at hindi na napigilan ang galit. Masama ang tingin na humarap siya dito at itinaas ang kanyang mga kamao. "Kanina ka pa, ano suntukan nalang tayo? Para kalas kalas na 'to." Magkahiwalay ang kanyang mga paa at nauuna ang kanan, nakapwesto na para makipagbasag ulo.Lumapit siya dito habang ito ay nakatayo lamang at nakatingin sa kanya. Hinding hindi ako papayag na hindi makagante sa kanya, bulong niya sa sarili.Hindi ito lumaban pero inis na inis pa rin siya. Sa labis na galit ay naging mabilis ang kanyang galaw at hindi nito napaghandaan ang sunod niyang hakbang. Dahil tanging Hawaiian short lang ang suot nito ay madali niyang nadakpa ang umbok ng pagkalalaki nito.Napahiyaw ang lalaki samantalang siya ay nagkikiskisan pa rin ang mga ngipin sa sobrang galit. Malulutong na mga mura at hiyaw ang pinakawalan nito at malakas siyang itinulak ngunit sa pagtulak nito ay mas lalong dumidiin ang pisil niya."Ito na ang
ANG LUGAR ay puno ng mga taong pasaway sa lipunan. Mga taong lumabag sa batas. Mga taong biktima ng mapoot na katotohanan ng mundo. Mga taong inosente pero dahil sa kahirapan ay naghirap sa loob at pinagbayaran ang kasalanang hindi ginawa. Mga taong nawalan ng pag-asang makalabas. Mga taong ayaw nang lumabas dahil wala ng babalikang pamilya.Ngayon ay nagdiriwang ang mga preso dahil sa paglaya ng kapwa nila bilanggo.Naghihiyawan sa bawat seldang dinadaanan niya at nagbibigay pagbati ang lahat. Ilang taon niyang naging tahanan ang magulo at masikip na kulungan. Ngayon ay haharapin na naman niya ang hindi patas na mundo sa labas."Magpakabait ka na 'pre," masayang bilin ng isang presong naging kaibigan."Oo 'pre, kayo din dito," sagot niya."Pagkaalis mo dito kumuha ka agad ng babae at magpakarami," hiyaw ng isa. Naghalakhakan ang lahat.Tumango siya. "Mahirap ang buhay sa labas.""Mas mahirap ang buhay dito," S
Maria Sonata's POVAMONG all the Castillons, I am the least favorite. Kuya Seve is my Nanay's favorite, and Soledad is my Tatay's favorite. I'm the middle child, technically because I'm older than Soledad, even if we're twins. I always feel that no matter what I do, I'm always the least. I'm no one's favorite. I'm no one's favorite friend. I'm no one's favorite daughter. I'm no one's favorite sister. I'm no one's favorite niece. And because I'm no one's favorite I need to be pretty. I need to be intelligent. I need to be nice. I need to be classy. I need to be tough. I need to excel at everything I do for me to fit in.Most of the time, they say that I think older than my age. I think too much and I know so much. I need to be this and that because I know that I can only depend on myself. Maybe I'm more mature than my age because my experiences have made me grow faster than the average teenager. Well, I believe that maturity is not about age; it's about ho
Patios' POV"ANONG akala niya siya ang pinakamagaling na basketball player sa buong school? Porket dala niya ang pangalan ng pamilya niya? The nerve of that Castillion guy," asik ko. Hindi ko mapigilan na mairita dahil sa klase ng pagtanggi niya sa alok ko na maging player ng basketball team ng school. Padabog kung idinit ang flyer sa bulletin board kung saan nakalagay na may basketball try out na gaganapin para sa bagong mga member ng basketball team ng UED. UED stands for University of Elite and Dreamers, 'yon ang pangalan ng university namin. Habang naman ang assistant coach na naka-assign para sa recruitment. I'm Patrizia Tiona De Alcaraza, known as Patios in this university. I'm first year college taking Bachelor of Fine Arts but I planned to shift course to Bachelor of Fine Arts in Ceramics next semester."Balita ko magaling naman talaga siya," sabi ni Eli.Elinia Peachy Samaniego is my best friend. Kasama ko siya ngayon sa pagdid
TWENTY YEARS na silang mag-asawa ngunit 'yong pakiramdam na maglakad sa aisle ay parang unang beses niyang ikakasal. She never imagined being married multiple times with the same man. Mas lalong yumabong ang kanilang pagmamahalan sa bawat paglipas ng panahon. Ito na ang ikatlong beses na ikakasal siya kay Syete. N'ong pangalawa ito naman ang nagsurprise wedding sa kanya at siya naman ang hindi handa. Ten years ago ay ikinasal sila sa hill top ng Baguio kung saan sila unang trekking at mountain climbing. Ngayong ikatlo ay pareho nilang pinaghandaan. Noong una nagdalawang isip siya dahil sa gastos, tutal ganap na naman silang mag-asawa. Ngunit nagpumilit si Syete. Gusto nito kung maaari bawat paglipas ng dekada magpakasal sila. Gusto nitong sa bawat wedding anniversary nila magkakaroon ng vow. Rason nito, isa 'yon sa paraan ng kanyang asawa na ipangalandakang ni minsan hindi nawala ang pagmamahal nito sa kanya. Marami silang natutunan sa maraming taong lu
HINDI MAPIGILAN ni Mari ang kanyang mga luha habang naglalakad sa aisle. Gusto niyang matawa sa ayos ni Syete ngunit mas nangibabaw sa kanya ang samo't saring emosyon. Lahat ng kanilang pinagdaanan ay isa isa bumalik sa kanyang alaala. Sinong mag-aakala na ang labis na kaligayahan ay nasa dulo ng mga pagkasawi at paghihirap nila? Muntik na siyang sumuko, muntik na niyang bitawan ang kanyang pag-ibig para sa kanyang magiging asawa. Ngunit dahil sa gabay ng Panginoon mas pinili niyang lumaban, hindi niya pinagsisisihan ang pagpapatuloy sa laban. Dahil kung sumuko siya wala siya ngayon sa gitna ng swimming pool. Naglalakad sa aisle habang naghihintay sa dulo ang lalaking pinakamamahal niya. Nakangiti siya habang ang mga luha patuloy sa pag-agos. Wala nang puwang sa puso nila ang lungkot at sakit, tapos na sila sa pahinang iyon ng kanilang buhay. At sa pagsisimula nila bilang mag-asawa, alam niyang may panibagong pagsubok pero maipapangako niyang malalagpas
AFTER THREE YEARS.SUMILAY ANG masayang ngiti ni Syete. Pumikit siya at idinipa ang mga kamay habang hinahayaang tumama sa kanya ang hangin sa labas ng bilangguan. "This is freedom," he shouted. Ngayon ang araw ng kanyang paglaya. Nakatayo siya sa harap ng Bilibid prison. May dumaang sasakyan sa kanyang harapan, hindi pa man 'yon tuluyang pumaparada ay agad na bumukas at nagsilabasan ang mga barako niyang mga kapatid. Tumakbo ang mga ito papalapit sa kanya, sabay sabay siyang dinamba ng yakap ng kanyang mga kuya. "Bunso," mangiyak ngiyak na sambit ng kanyang Kuya Singko. Suminghot singhot pa ito. Nagtawanan sila, hindi rin niya napigilan ang pangingilid ng luha dahil pula ang mga mata ng mga ito at naiiyak din. "The long wait is over. Malaya ka na." Tinapik ng kanyang Kuya First ang balikat niya. "Oo nga kuya." Niyakap niya ito ng mahigpit. Kinuha naman ni Kwatro ang bag na dala niya at papeles na nagpapatunay na laya n
IPINAGAMOT nila ang tatlong magkakaibigan. At nang lumipas ang halos isang buwan ay hinabla nila sa korte ang mga ebidensyang hawak nila. Siniguro ng pamilya na mananalo sila sa kaso, alam nilang nasa katarungan sila ngunit nais nilang masiguro ang parusa sa tatlo. Wala silang narinig na paglaban sa kabilang panig dahil alam ng mga ito na mas lalong masisira ang pamilya ng mga ito kapag ipinagpatuloy ang paglaban sa kanila. Alam nilang kinikimkim ng mga ito ang galit ngunit hindi na iyon mahalaga, ang importante ay makulong ang mga ito at mapababa ang sentensya kay Syete. Hanggang sa sumapit ang huling hearing sa korte. Kahit na lumalaki na ang kanyang tiyan ay kailangan niya pa ring tunghayan ang kanilang laban. Tahimik silang nakaupo, katabi niya ang kanyang mga magulang, samantalang sa kaliwang bahagi nandoon ang pamilya Castillion at ang iba pang akusado. Kahit na alam na nila ang nangyari ay kasama pa rin sa mga akusado si Syete
NASA IISANG BUBONG sila kasama ang pamilya Castillion, kasama niya rin na lumipat ay si Attorney Allegron. Nasa theater room silang lahat, pinapanood ang latest balita. Nakangisi ang magkakapatid pati ang kanilang ina habang pinapanood ang pag-aresto sa ama ni Maquir Spañano. Halatang gustong gusto ng mga ito ang naging resulta. Siya ay tahimik sa huling parte ng mga upuan. Masama man pero nagbubunyi din ang kalooban niya dahil unti unting nababawasan ang alalahanin niya. "Former Vice President Marquez Spañano, arestado sa salang pagpatay sa dating Gobernador Renaldo Moya."Sa mga nakikita niya ngayon, napatunayan niyang tunay na makapangyarihan ang pamilya ni Syete. Ang sinumang babangga dito ay hinding hindi magtatagumpay. Hindi nagbago ang pakikitungo sa kanya ng pamilya. Kahit na nagkalamat ang samahan dahil sa mga nangyayari sa kanila ng bunso ng pamilya ay hindi siya pinakitaan ng mga ito ng masama. Isa sa mga bagay na hina