*** "Z-Zekeil pwede ba kitang makausap?" Napahinto ako sa pakikipagusap kay mommy nang magsalita si Claire kaya napatingin ako dito. Katabi nanaman niya yung kuya niyang ewan at pareho silang nakatingin saakin kaya tumango ako. "Kami lang po sana tita, tito," napatingin ako kila mommy at daddy dahil doon at agad naman silang tumango at binuhat ni mommy si Zayne at naglakad palabas. "It's just a talk don't be nervous," nagulat ako sa binulong ni daddy dahil paano niya nalaman na kinakabahan ako. "I'm watching you." Bulong saakin ni Clark ng dumaan siya sa gawi ko na ikinasama ko ng tingin sa kaniya. "Edi manood ka pake ko sayo," bulong ko pabalik dito at tyka siya nawala sa paningin ko. Kala mo naman kung sino kainis! "Zekiel," natauhan ako ng magsalita si Claire at nakita kong wala na palang ibang tao bukod saamin kaya lumapit ako sa kaniya. Nakaupo na siya ngayon sa higaan niya. "What do you wanna talk about?" tanong ko dito na ikinabuntong hininga niya. "Gusto ko lan
CLAIRE"N-NASAAN ang anak ko?" hirap kong tanong kay Bea nang malaman ko ang nangyari. Parang gumuho ang mundo ko dahil sa aking narinig, hindi pwedeng may masamang mangyari sa anak ko. Hindi pwede!"Halikayo sumunod kayo saakin," tumakbo siya papunta sa kung saan kaya sumama kami sa kaniya at ni isa ay walang nagsasalita saamin. "Bakit sarado?!" Tanong ko habang kinakalampag ang pintuan ng makarating kami doon. "C-Claire hindi tayo pwede sa loob," sagot ni Bea na ikinailing ko. "H-Hindi pwede! Hindi pwede, gusto kong makita ang kalagayan ng anak ko!" naramdaman ko na mayroong yumakap saakin mula sa aking likuran. "Life, tama na please. Magiging ayos lang si Zoey," nagpumiglas ako kay Zekiel dahil doon. Ayoko hindi ako papayag na hindi ako papasok sa loob. "P-Please papasukin niyo ako! Gusto kong pumasok!" nagsisiunahan na ang aking luha sa mga mata dahil sa sakit na nararamdaman ko. Saglit ko lamang iniwanan ang aking anak ngunit ngayon eto na siya sa OR. "M-My Life please kum
Napahiwalay ako sa pagkakayakap ko kay Kuya dahil doon at napatingin sa kaniya. Mayroon itong mga ngiti sa labi at pinunasan ang luha na nasa pisnge ko. "Kung nandito ang mama yan din ang sasabihin niya, let them be Claire." Dahil sa sinabi ni Kuya ay napalingon ako sa doctor at tumango dito. "Gawin niyo na doc and please, pagalingin niyo ang anak namin," Pagkasabi ko niyon ay naramdaman ko ang paghawak saakin ni Zekiel sa kamay ko at ngumiti saakin pagkatapos ay tumingin sa doctor."Operahan niyo na ang anak namin," sabi ni Zekiel at tumingin saaking muli at pinisil ang aking kamay. Ganito pala ang pakiramdam na mayroon kang kasama sa oras ng kalungkutan, ang sarap sa pakiramdam. ***"Successful ang operation," Agad akong napayakap kay Zekiel at Zayne dahil sa ibinalita ng doctor nang lumabas ito mula sa operating room. "M-Mommy, d-daddy ligtas na ang kambal ko!" masayang sabi ni Zayne na siyang ikinangiti ko at hindi ko na napigilan ang pagtulo nang aking mga luha. Masaya ako
"NASAAN ang kuya mo?" Napatingin si Claire kay Bea dahil sa tinanong nito na siyang naging dahilan na 'rin upang mapatingin sila sa kaniya. "Ah umalis na, uuwi na saamin." "Sa Paris?" Biglang sabat ni Zekiel na ikinatingin ni Claire dito. "A-Ah oo," Napakunot ang noo nila dahil sa sinabi Claire na kaagad lumapit kay Zoey at inasikaso ito. Nagkatinginan sila Bea, Dylan at Hero dahil sa ginawa ng dalaga at nagkibit balikat nalamang. Ayaw nilang magkagulo pang muli. *** "NASAAN ang apo ko?!" Naalimpungatan si Claire dahil nakarinig siya ng malakas na boses at doon ay nakita niya si nanay Lucing kasama sila Quinn, Kaithy, at Timothy. "Nanay lucing!" Agad siyang tumayo at sinalubong ito ng yakap. "Maayos na po si Zoey, naoperahan na siya at sabi ng doctor babalik na ulit siya sa dati," "Jusko mabuti naman kung ganon, nag-alala kami ng sobra!" Sabi nang ina ni Timothy at lumapit kay Zoey upang mas matignan ito ng malapitan. "Bakit hindi ka nagsabi Claire? Maiintindihan
Napatingin si Kaithy dahil sa sinabi ng anak at nakita niya ang isang gwapong lalaki na kamukang kamuka ng kambal. "Nay, tita, kuya si Zekiel po. Ang ama ng mga anak namin at ang boyfriend ko," Nagulat si Zekiel dahil sa sinabi ni Claire lalo na ng ilahad nito ang kamay sa kaniya kaya wala sa sarili niya iyong tinanggap sa hinila siya palapit dito. Samantalang si nanay Lucing naman ay napahiwalay sa yakap sa apo niya at napatingin kay Zekiel. "Ikaw pala si Zekiel," seryosong sabi nito na ikinangiti ni Zekiel. Kahit pa na nagulat siya dahil hindi niya inaasahan ang pagpakilala nito sa kaniya ay mas nabalutan ng saya ang kaniyang puso. "Hello po, I'm sorry at hindi ko naalagaan ang anak niyo pero kung ano man ang nangyari sa nakaraan ay kalimutan na natin dahil mas mahalaga ang kasalukuyan," nakangiting sabi ni Zekiel ngunit ang hindi alam nang lahat ay mayroong nakikinig sa kanila mula sa pintuan. "Kalimutan ang nakaraan? In your dreams Gray," madiin na sabi nito habang nakaku
"Nakikinig ka ba saakin Claire?!" "Oo kuya ano ka ba! Nag-iisip ako, kung totoo ang sinasabi mo sa tingin ko ito na ang tamang oras para kumilos ako," Napakunot ang noo ni Timothy dahil sa sinabi ni Claire. "Anong kumilos? Hindi ko sinabi sayo yun para kumilos ka ano ka ba naman Claire!" napatingin ang dalaga sa lalaki. "Kung hindi ako kikilos ano hahayaan kong mapahamak ang pamilya ko? Kuya ako ang habol nila kaya kailangan ako din ang tatapos niyon," Hindi makapaniwalang nakatingin si Timothy sa kaibigan at kitang kita niya ang kaseryosohan nang muka nito. Hindi niya inaasahan na kasabay ng pagbalik nang ala-ala nito ay babalik din ang pagkamatigas ng ulo niya. "Hindi ko hahayaan yan, sasabihin ko 'to sa kuya mo," nanlaki ang mata ni Claire dahil sa sinabi ni Timothy dahil doon. "H-Hindi na! Ito naman joke lang! Hindi ko gagawin yun kuya!" "Hindi mo ako mauuto," tumalikod na si Timothy kaya agad itong hinawakan ni Claire upang pigilan. "Kuya naman eh! Ang sabi saakin
"Wala! Ang sabi ni Zekiel gagala daw kayo kapag gumaling na si Zoey," biglang sabi ni Bea na siyang nagsalba sa kanilang lahat kaya nakahinga sila ng maluwag dahil doon. "Ganoon ba? Sana nga magising na ang anak natin," malungkot na sabi ni Claire habang nakatingin kay Zekiel. "M-Mommy," Nagulat sila dahil sa mahinang boses na iyon ngunit sapat na para marinig nila at paglingon nila sa pinanggalingan ng boses ay nakita nilang gising na si Zoey. "Zoey!" Agad na lumapit si Claire sa bata at tinanong ito kung ano ang nararamdaman. "Z-Zoey! You're awake! Kamusta ang pakiramdam mo? Kamusta ka anak?" sunod-sunod na sabi ni Claire sa bata. "A-Ayos naman po mommy nauuhaw ako," "Tubig daw! Tumawag na 'rin kayo nang doctor bilis!" natatarantang sabi ni Claire. Naging mabilis ang kilos ni Zekiel at siya ang nag-abot ng tubig kay Claire. "My life calm down okay? Masyado kang taranta," sabi ng lalaki sa dalaga at hinawakan ang kamay ni Claire na may hawak nang baso ng tubig. Do
CLAIRE HINDI ako makakilos sa aking kinatatayuan dahil sa aking narinig. Biglang pumasok sa aking ala-ala ang mga sinabi saakin ni Kuya Clark at Timothy. "Paanong nakapasok ang taong yan dito? Hindi ba't may security kayo?!" Napataas na ang boses ni Zekiel na hindi ko pinigilan dahil kahit ako ay nagagalit tungkol sa naging kapabayaan nila. "I'm really sorry Mr.Gray pero ospital po ito, kahit sino ay pwedeng pumasok at hindi naman namin inaasahan na may mangyayaring ganito," Tama si Doc, hindi dapat kami manisi dahil unang-una ay walang may gusto nito. Sino bang mag aakala na mapapahamak ang anak namin? "Z-Zekiel tama na, tama si Doc. Ang kailangan nalang nating gawin ay alamin kung sino ang may gawa nito," Sabi ko at hinigpitan ang kapit sa kamay niya na ikinabuntong hininga nito. Tinitigan pa niya ako ng matagal bago tuluyang ngumiti ng pilit saakin. Isa ito sa pagbabago niya na nagustuhan ko, nag papakumbaba na siya para saakin hindi tulad noon na ang taas ng pride niya