"NASAAN ang kuya mo?" Napatingin si Claire kay Bea dahil sa tinanong nito na siyang naging dahilan na 'rin upang mapatingin sila sa kaniya. "Ah umalis na, uuwi na saamin." "Sa Paris?" Biglang sabat ni Zekiel na ikinatingin ni Claire dito. "A-Ah oo," Napakunot ang noo nila dahil sa sinabi Claire na kaagad lumapit kay Zoey at inasikaso ito. Nagkatinginan sila Bea, Dylan at Hero dahil sa ginawa ng dalaga at nagkibit balikat nalamang. Ayaw nilang magkagulo pang muli. *** "NASAAN ang apo ko?!" Naalimpungatan si Claire dahil nakarinig siya ng malakas na boses at doon ay nakita niya si nanay Lucing kasama sila Quinn, Kaithy, at Timothy. "Nanay lucing!" Agad siyang tumayo at sinalubong ito ng yakap. "Maayos na po si Zoey, naoperahan na siya at sabi ng doctor babalik na ulit siya sa dati," "Jusko mabuti naman kung ganon, nag-alala kami ng sobra!" Sabi nang ina ni Timothy at lumapit kay Zoey upang mas matignan ito ng malapitan. "Bakit hindi ka nagsabi Claire? Maiintindihan
Napatingin si Kaithy dahil sa sinabi ng anak at nakita niya ang isang gwapong lalaki na kamukang kamuka ng kambal. "Nay, tita, kuya si Zekiel po. Ang ama ng mga anak namin at ang boyfriend ko," Nagulat si Zekiel dahil sa sinabi ni Claire lalo na ng ilahad nito ang kamay sa kaniya kaya wala sa sarili niya iyong tinanggap sa hinila siya palapit dito. Samantalang si nanay Lucing naman ay napahiwalay sa yakap sa apo niya at napatingin kay Zekiel. "Ikaw pala si Zekiel," seryosong sabi nito na ikinangiti ni Zekiel. Kahit pa na nagulat siya dahil hindi niya inaasahan ang pagpakilala nito sa kaniya ay mas nabalutan ng saya ang kaniyang puso. "Hello po, I'm sorry at hindi ko naalagaan ang anak niyo pero kung ano man ang nangyari sa nakaraan ay kalimutan na natin dahil mas mahalaga ang kasalukuyan," nakangiting sabi ni Zekiel ngunit ang hindi alam nang lahat ay mayroong nakikinig sa kanila mula sa pintuan. "Kalimutan ang nakaraan? In your dreams Gray," madiin na sabi nito habang nakaku
"Nakikinig ka ba saakin Claire?!" "Oo kuya ano ka ba! Nag-iisip ako, kung totoo ang sinasabi mo sa tingin ko ito na ang tamang oras para kumilos ako," Napakunot ang noo ni Timothy dahil sa sinabi ni Claire. "Anong kumilos? Hindi ko sinabi sayo yun para kumilos ka ano ka ba naman Claire!" napatingin ang dalaga sa lalaki. "Kung hindi ako kikilos ano hahayaan kong mapahamak ang pamilya ko? Kuya ako ang habol nila kaya kailangan ako din ang tatapos niyon," Hindi makapaniwalang nakatingin si Timothy sa kaibigan at kitang kita niya ang kaseryosohan nang muka nito. Hindi niya inaasahan na kasabay ng pagbalik nang ala-ala nito ay babalik din ang pagkamatigas ng ulo niya. "Hindi ko hahayaan yan, sasabihin ko 'to sa kuya mo," nanlaki ang mata ni Claire dahil sa sinabi ni Timothy dahil doon. "H-Hindi na! Ito naman joke lang! Hindi ko gagawin yun kuya!" "Hindi mo ako mauuto," tumalikod na si Timothy kaya agad itong hinawakan ni Claire upang pigilan. "Kuya naman eh! Ang sabi saakin
"Wala! Ang sabi ni Zekiel gagala daw kayo kapag gumaling na si Zoey," biglang sabi ni Bea na siyang nagsalba sa kanilang lahat kaya nakahinga sila ng maluwag dahil doon. "Ganoon ba? Sana nga magising na ang anak natin," malungkot na sabi ni Claire habang nakatingin kay Zekiel. "M-Mommy," Nagulat sila dahil sa mahinang boses na iyon ngunit sapat na para marinig nila at paglingon nila sa pinanggalingan ng boses ay nakita nilang gising na si Zoey. "Zoey!" Agad na lumapit si Claire sa bata at tinanong ito kung ano ang nararamdaman. "Z-Zoey! You're awake! Kamusta ang pakiramdam mo? Kamusta ka anak?" sunod-sunod na sabi ni Claire sa bata. "A-Ayos naman po mommy nauuhaw ako," "Tubig daw! Tumawag na 'rin kayo nang doctor bilis!" natatarantang sabi ni Claire. Naging mabilis ang kilos ni Zekiel at siya ang nag-abot ng tubig kay Claire. "My life calm down okay? Masyado kang taranta," sabi ng lalaki sa dalaga at hinawakan ang kamay ni Claire na may hawak nang baso ng tubig. Do
CLAIRE HINDI ako makakilos sa aking kinatatayuan dahil sa aking narinig. Biglang pumasok sa aking ala-ala ang mga sinabi saakin ni Kuya Clark at Timothy. "Paanong nakapasok ang taong yan dito? Hindi ba't may security kayo?!" Napataas na ang boses ni Zekiel na hindi ko pinigilan dahil kahit ako ay nagagalit tungkol sa naging kapabayaan nila. "I'm really sorry Mr.Gray pero ospital po ito, kahit sino ay pwedeng pumasok at hindi naman namin inaasahan na may mangyayaring ganito," Tama si Doc, hindi dapat kami manisi dahil unang-una ay walang may gusto nito. Sino bang mag aakala na mapapahamak ang anak namin? "Z-Zekiel tama na, tama si Doc. Ang kailangan nalang nating gawin ay alamin kung sino ang may gawa nito," Sabi ko at hinigpitan ang kapit sa kamay niya na ikinabuntong hininga nito. Tinitigan pa niya ako ng matagal bago tuluyang ngumiti ng pilit saakin. Isa ito sa pagbabago niya na nagustuhan ko, nag papakumbaba na siya para saakin hindi tulad noon na ang taas ng pride niya
*** "SAAN kayo nanggaling?" "May problema ba?" Yan agad ang sumalubong kila Claire at Zekiel mula kay Bea at Quinn ng makabalik sila sa kwarto ni Zoey. "Walang problema, sinabi lang ni doc ang mga bawal pa sa kaniya since kaka opera palang niya," napatango ang dalawa dahil sa sinabi ni Claire. "Kamusta ang kambal?" tanong ni Zekiel at tumingin sa mga anak niya ngunit nagulat ito nang andoon na ang magulang niya. "Mom? Dad?" nabaling ang attention ng mag-asawa na kinakausap si Zoey kay Zekiel dahil sa pagtawag niya. "Kiel andito na pala kayo," nakangiting sabi nang mama niya. "Kailan pa kayo mommy?" tanong niya agad dito. "Kanina pa kami son, ang sabi nila kalalabas niyo lang nang dumating kami at nakilala na namin si Zoey. Napakaganda niyang bata at matalino't mabait pa," nakangiting sabi ng papa ni Zekiel na ikinangiti ni Claire dahil kahit papaano ay nagustuhan ng mag-asawa ang isa pa sa mga anak nila. "Nagulat din kami nang dumating sila kanina, kami na ang nagpaki
"BAKIT niyo sinabi?!" nanlalaking mata na sabi ni Claire sa mga kaibigan sa pabulong na paraan. "S-Sorry Claire wala na kaming choice nang panahon na iyon," sabi ni Quinn dito. "Tiyaka kuya mo ang nakaisip ng plano na yun hindi ako!" napabuntong hininga nalamang si Claire dahil sa sinabi ni Bea at hindi na magawang makatingin kay Zekiel. "Wait Kuya? Hindi ba si Timothy yun pero wala siyang sinabi noong oras na yun," Napatingin si Bea sa kaibigan at mukang pati ito ay walang alam sa kung anong totoong pagkato ni Claire. "Bat dimo tanungin si Timothy, alam kong may alam yan since magkakakilala sila ng kuya ni Claire na si Clark," napatingin si Quinn sa boyfriend niya at sinamaan anng tingin. "A-Ahh eh mahabang kwento," natatawang awkward ni Timothy sa kasintahan. "Hey my life," natigilan si Claire ng tawagin siya ni Zekiel at maging ang mag-kakaibigan dahil doon. "Sa tingin ko kailangan na nating pumunta doon, tara na guys," sabi ni Bea at hinila ang mga ito. "Sandali m
"T-Tama ka, sige sige! Salamat Louise! Hindi ko alam ang gagawin kapag nangyari ang lahat ng sinabi mo," "Wag mong kakalimutan na andito lang ako Claire. Kaibigan mo ako, handa akong damayan ka. Sige na bye na Claire mag-sisimula na ang meeting ko in five munites," "Sige Louise thank you. Mag-iingat ka jan!" Pagkatapos nang tawag na iyon ay dumeretsyo siya sa kwarto ni Zoey at nakita niyang tulog na ang kambal at si Zekiel ay naghihintay sa kaniya. "Bat ang tagal mo?" salubong ng binata sa kaniya. "Tumawag kasi si Louise kinamusta ako," napakunot ang noo ni Zekiel dahil sa sinabi nito. "Louise? Blinocked ko na yung lalaking yun natawagan ka pa 'rin?" biglang napantig nag tenga ni Claire dahil sa sinabi ni Zekiel sa kaniya at naalala ang sinabi ni Louise na hindi siya nito makontak. "Ikaw! Ikaw ang dahilan kug bakit hindi ako agad natawagan ni Louise!" mahinang bulong ngunit pasigaw na sabi ni Claire sa lalaki na ikinahinto nito. "A-Anong ako?" utal na sabi nito dahil nak