CLAIRE "HEY Venice wake up," Naalimpungatan ako nang mayroong tumatawag sa aking pangalan. Maaga akong nakatulog kagabi dahil antok na antok na ako. Iminulat ko ang aking mata at nakita ko si Zekeil pero madilim pa sa paligid ibigsabihin gabi pa? "S-Sir, kadarating mo lang?" pagkasabi ko nu'n ay naghikab pa ako. "No, kagabi pa ako madaling araw na ngayon may pupuntahan tayo kaya ginigising kita ng maaga," dahil sa sinabi niya ay tumagilid nalang ako, ayokong sumama. "Sige kayo nalang, tutulog lang ako dito," "What? Hindi pwede. Kasama kayo ni Zayne," napaisip ako sandali dahil doon. Kung kasama ang anak ko ibigsabihin hindi ko yun ma-eenjoy. "Hindi na ayos lang ako dito marami namang bantay sige na ingat kayo," kinawayan ko pa siya habang nakaharap patalikod sa kaniya at muling niyakap ang unan ko. "Kyah!" ngunit napatili ako nang bigla akong umangat sa pagkakahiga ko at buhat-buhat na nga ako ni Zekiel. "Zekiel ano ba?! Matutulog pa ako!" inis kong sabi sa kaniya habang
"Bakit ba talaga tayo nandito?" sabi ko habang naka cross arms at nakaupo sa isang solo sofa habang yung mag-ama ay nasa mahabang sofa. "For vacation," simpleng sabi ni Zekiel na ikinataas nang aking kilay. "Vacation ka jan paano ang trabaho mo?" "Si Hero na muna ang bahala doon," mas lalong napataas ang kilay ko dahil doon. "Kawawa naman yung tao tinambakan mo ng trabaho," "Bakit tita-mommy ayaw mo ba kaming makasama?" napakurap ako dahil sa sinabi nang anak ko. Nakakapanibago din siya ngayon, napansin ko na pinapansin na niya ako at kinakausap hindi katulad noong mga nakaraang araw. "Syempre gusto pero kasi—" "Wala ng pero, pero. Andito na kaya mag-enjoy nalang tayo," nakangiting sabi ni Zekiel na ikinasimangot ko. "Palagi naman akong inaantok paano ako mag-eenjoy?" nawala ang ngiti nito dahil sa sinabi ko. "Kasalanan mo to! You impregnat me ayan tuloy hindi ako makakilos ng maayos," naiiyak ko sabi sa kaniya kaya agad naman itong tumayo at hinawakan ang kamay ko pagk
HINDI makakilos si Claire sa kaniyang kinatatayuan at hindi rin siya makapagsalita o kahit huminga lamang dahil sa kaniyang nalaman. Tila ba isang bangungot ang nangyayari sa kaniya ngayon. Bangungot na ayaw na ayaw niyang mangyari sa totoong buhay. "Huy! Magsalita ka naman jan Venice, o tamang sabihin na Claire Sanchez?" Ngising sabi ni Camille sa kaniya na ikinaatras ni Claire. "P-P-paano mo nalaman?" Nahihirapang sabi ni Claire na tila wala siyang hangin na malanghap. Nanginginig ang kaniyang mga kamay at pinagpapawisan siya ng malamig. "Paano? Syempre ano ako tang* para sabihin sayo?! I know you Venice so stop acting around!" Sigaw na sagot nito na siyang kinagitla ni Claire. Ang daming pumapasok sa isip niyang katanungan at isipin ngunit mas lamang ang takot doon. Naiisip niya paano kung nalaman ni Zekiel, kapag nalaman ni Zayne. Ano nalang ang sasabihin nang mga ito sa kaniya and worst magalit ito at layuan siya. Sa lumipas na mga araw ay napalapit na si Claire kay Zeke
(Flashback) Nagising ang mag-ama na wala si Claire sa higaan. Tatakbo na sana palabas si Zekiel upang hanapin ang babae ngunit napatigil siya nang magsalita si Zayne. "Daddy, tita-mommy went for a walk!" Nakita nila ang sticky note na inilagay nito sa table na siyang ikinatango ni Zekeil. "Ganon pala, hayaan na muna natin siya. Ngayon nalang siya makakalabas ng mag-isa alam ko namang safe dito sa resort," Tumango si Zayne dahil sa sinabi nang kaniyang ama at nag-ayos sila ng higaan. Hanggang si Zayne ay biglang naisip si Zoey. "Daddy, i-is there any chance na—I mean kung sakali mang mayroon pang isang batang mapapabilang sa pamilya natin ayos lang ba sayo? Lalo na kung batang babae?" Napatigil si Zekiel sa pag-aayos ng higaan dahil sa sinabi nang anak at napatingin dito. Si Zayne naman ay lumakas ang kabog nang dibdib dahil sa reaction nang ama lalo na at nakatingin lamang ito sa kaniya at hindi nagsasalita. "What do you mean?—oh! You're talking about Venice daughter. Of
"So naisip namin na magiging masaya ka kapag nakita mo ang anak mo kaya aalis na tayo ngayon mismo!" Nanlaki ang mata ni Claire dahil sa sinabi ni Zekiel. "Ngayon mismo?!" "Ah oo? Five days lang ang vacation ko my life I'm sorry kasi we're running out of time," napakamot sa batok na sabi ni Zekiel samantalang si Claire ay napaisip. Kung pupunta sila sa Paris ay maiiwasan nila si Camille at mas lalong magagawan naman niya ng paraan para hindi muna magkita ang mag-aama niya. Nabuhayan siya dahil sa naisip. "Okay! Tara na!" Masaya niyang sabi na ikina ‘yes’ ng mag-ama at nag empake na sila. Nang matapos sila ay agad ding umalis ang mga ito at nag drive si Zekiel papunta sa airport. Kinabahan pa si Claire nang lumabas sila ng hotel room dahil maaaring magtagpo ang landas ni Camille at ni Zekiel ngunit laking pasasalamat niya nang hindi ito nangyari. Nang makarating sila sa airport ay nalaman niyang gagamit sila ng private plane ni Zekiel na hindi niya inaasahan. Naalala niyan
MABILIS lamang na nakaalis sila Claire sa mall na ikinahinga ng maluwag ni Claire at Zayne. "Ano ba ang nangyayari sa inyong dalawa?" Biglang sabi ni Zekiel habang nagmamaneho na ikinatingin nila dito. "Wala naman," sagot ni Claire upang hindi siya mapansin ng lalaki. "Ako daddy nag-aalala lang ako kay tita-mommy," kibit balikat na sabi ni Zayne upang hindi din siya mahalata ni Zekiel. Napailing nalamang siya dahil sa dalawa, hindi niya maintindihan ang mga ito. Lumipat sila ng mall nang araw na iyon at umuwi din sa hotel room. Tinawagan ni Zayne ang kaniyang kakambal nung nasa mall palang sila na hindi iyon matutuloy dahil may biglaang nangyari. Nag-alala pa nga si Zoey dahil akala niya may nangyari sa kaniyang daddy pero hindi naman. Napagod sila sa naging gala nang mga ito kaya nakatulog sila agad-agad. KINABUKASAN ay nagising si Zekiel dahil sa malakas na boses ni Claire. "Ano?! Pero hindi ko alam yun!" Pagtingin niya sa gawi ng dalaga ay nasa may bintana ito habang ma
"Zoey, magkita tayo sa mall ngayon papunta na ako," seryosong sabi ni Zayne at umalis nang hotel room. Tinakasan niya lang si Zekiel at Claire na natutulog sa kwarto nito dahil tanghali palamang. Marunong bumyahe ang bata lalo na at mayroon itong pera. Pagkarating niya sa mall na sinabi niya sa kambal ay nakita niya ito agad sa may entrance. "Kuya!" Napatingin sa kanila ang mga tao dahil sa pagtili ni Zoey pero hindi iyon pinansin ni Zayne at ngumiti sa kambal pagkatapos ay ibinuka ang kaniyang braso upang mayakap siya nito. "I miss you kuya! Miss na miss kita!" Sabi ni Zoey sa kaniya na mas ikinahigpit ni Zayne ng yakap sa kapatid. Ang dami niyang kasalanan dito, sobrang dami. "I miss you too Zoey, na miss ka ni kuya," Pagkatapos nang yakapan nila ay pumasok sila sa loob ng mall at sinabi ni Zayne na saglit lamang siya doon na ikinatango naman nang kapatid kaya kumain nalamang sila ng ice cream. "Zoey gusto kong makilala si Mommy, gusto ko siyang makita nasaan siya?" Sab
MAGDAMAG na hindi nakatulog nang maayos si Claire dahil sa kaka-isip sa nangyaring pag-uusap sa pagitan nila ni Zayne. Nang mag-umaga ay naging busy si Zekiel at Zayne na mas naging pabor kay Claire dahil na 'rin lutang siya. Sa tingin niya ay hindi siya makakausap ng mga ito. Lumipas pa ang maghapon at nasa kwarto lang si Claire dahil dinadalhan nalamang siya ng pagkain doon. Nainip siya ng gumabi dahil nakapag-isip isip na siya. Bumalik ang desisyon niyang hindi niya sasabihin sa kanila ang katotohanan. Handa siya noon pero biglang umatras ng marinig niya ang sinabi nang anak, ayaw niyang magalit ito sa kaniya. Mas gugustuhin niyang kilalanin siya nito ibang tao kesa ang magalit sa kaniya. "Mommy!" Narinig niya ang boses ni Zayne at pumasok ito sa loob. Simula din ng pumayag siya ay mommy na ang itinawag sa kaniya ng anak na ikinatuwa naman ni Zekiel. "Bakit Zayne?" Hindi niya alam kung matutuwa ba siya at mommy na ang tawag sa kaniya o makokonsensya lamang siya. "Aalis ta