MATAPOS marinig ng mga ito ang kwento ni Liam, katahimikan ang bumalit sa kanila dahil sa kaniya kaniyang iniisip. Pero kahit ganon, iisang tao lang naman ang aabangan nila na nag desisyon.Si Xandra.Pag angat ng tingin ni Xandra sa mga ito ay nakatingin sa kaniya silang lahat.“Kailangan nating hanapin ang mommy ni Alexander.”Tumango ang mga ito sa sinabi ni Xandra. Ang balak niya ay iwan ang triplets doon sa bahay ngunit hindi pumayag ang mga ito lalo na’t si Alexander ang nawawala. Hindi ‘rin sila mapapakali ngayon na nawawala ito.Iyon ang unang pagkakataon na pupunta si Xandra sa hideout ng mga ito. Noong una nag dadalawang isip pa siya kung sasama sa mga ito dahil delekadong lugar iyon. Pero ng sabihin ng mga anak niya na safe doon at mababait ang mga tao ay pumayag siya.Bakit nga ba nakalimutan niya na may alam ang mga ito sa ganoong katauhan ng ama nila.Namangha ang mga ito ng makita ang loob ng hide out nila Alexander. Sila Iara at Ginrose ay lumilibot ang mata sa paligid
WALANG sinayang na oras ang mga ito. Deretsyo sila agad sa bahay ni Ysa kung saan ito tumutuloy sa tuwang hindi siya nananatili kila Alexander.Dahil kilala na sila Liam sa bahay nito ay pinapason sila ng guard. Ngunit nasa paligid lang ang mga tauhan nila, hindi nila ito kasama sa pinakang loob mismo.Silang tatlo lang ni Xandra, Liam at Stanlee ang pumasok.Mayroong kausap na maid si Ysa ng makita niyang naglalakad ang tatlo papalapit sa kaniya.“Liam! Stanlee! Xandra? Anong ginagawa niyo dito?” Gulat at takang tanong ni Ysa sa mga ito.Lalo lang nainis si Xandra dahil doon. Mayroon pa itong ganang magpanggap habang buhay ng isang tao ang kinuha at tinago nito. Paano kaya ito nakakatulog sa gabi na alam niyang may pinapahirapan siyang tao o niloloko.“’Wag na tayong mag lokohan. Nasaan si Alexander?” seryosong tanong ni Xandra na lalong ikinakunot ng noo ni Ysa.“Ang anak ko? Hindi ba kasama niyo siya?”Mas lalong napakuyom ng kamao si Xandra sa narinig mula sa babae. Mayroon pa ito
MAY mga bagay na nangyari na at hindi na mababago pa. May mga bagay ‘din na mababago pa pero hindi na binago pa. May mga bagay na bago pa pero walang choice kundi kalimutan na.Ganiyan ang nangyari kay Alexander. Bata pa siya ng mga panahon na iyon, sino ba ang mag-aakala na ang isang okasyon ay mapupunta sa trahedyang magpapabago sa buonh buhay niya?“Bata! Bakit ka nanjan?! Hindi ka safe sa lugar na to!”Magulo ang paligid, lahat ng tao nagkakagulo at nagsisitakbuhan upang iligtas ang kanilang sarili. Si Alexander naman ay yakap ang kaniyang dalawang hita sa tabi dahil sa takot.Nang mga panahong iyon ay wala pa siyang lakas ng loob, lakas ng katawan para ipaglaban ang sarili niya. In short mahina pa siya.Umiling lang si Alexander ng panahon na iyon kay Ysa dahil kabilin bilinan ng kaniyanh ina na ‘wag siyang makikipag-usap sa hindi niya kilala.“Haiyst!” tila inis na sabi ng babae at sa gitna ng gulo ay lumuhod ito sa harap ni Alexander at hinawakan ang magkabilang braso niya.“Ku
Dali dali siyang humingi ng paumanhin dito at umalis na doon. Ayaw niyang mapagalitan pa at baka hindi siya makauwi sa kanila.Ngunit muli, hindi nanaman siya nakauwi sa kanilang bahay. Hindi naman siya kinukulong ng babae o pinahihirapan. Pinapakain pa nga siya nito kaya wala siyang naiisip na ibang bagay dito bukod sa masungit talaga ito.Pero hindi nagtagal iyon, kalaunan ay nalaman niya ang totoo isang gabi na sinubukan niyang tumakas at umuwi mag-isa. Bahala na siya sa sarili niya basta uuwi na siya, mukang nakalimutan na siyang ihatid pauwi ni Ysa.“Tulong!”Mahina lang ang boses na iyon ngunit narinig ni Alexander. Napatingin siya sa ilalim ng hagdanan ng bahay na iyon. Naalala niya na bilin ni Ysa na wag na wag siyang pupunta doon.Natakot pa nga siya nung una na baka multo pero ng makitang bukas ito ay lakas loob siya na pumasok lalo na at paulit ulit niyang naririnig ang sigaw na iyon.Meron namang ilaw sa paligid kaya walang problema kay Alexander.Ang bilis ng tibok ng pus
DAHIL masyadong naging okupado ang isip ni Alexander hindi na niya napansin kung saan siya dinala ni Conrad. Maya maya ay natigilan siya ng makitang nasa harapan na nila ngayon si Ysa.“C-conrad… kailangan nating tumakbo!” Paatras na sabi nito habang nakatingin kay Ysa na masama ang tingin sa kanila.Pero nagulat siya ng bitawan ni Conrad ang kamay niya. Napahinto siya at nanlalaki ang matang napatingin kay Conrad.“S-sorry Alexander! Pero gusto ko ng umuwi!” Umiiyak na sabi nito at tumingin kay Ysa.“Pauuwiin mo na ako! Yan ang promise mo saakin sa oras na maibalik ko siya sayo pag sumubok siyang tumakas!”Ngumiti ng malaki si Ysa sa sinabi ni Conrad at tumango.“Of course, of course, may isang salita ako Conrad.”Hindi makapaniwalang nakatingin si Alexander kay Conrad. Iyon ang unang beses na tinalikuran at niloko siya ng kaibigan. Maaaring totoo ang mga sinabi nito pero ipinagkalulon siya nito sa taong kumuha sa kanila.“Halika na Conrad!” sigaw na tawag ni Ysa na papalabas ng sili
Tama, hindi kaya ni Alexander na lumaban o ang pumaslang. Hindi kinakaya ng batang siya ang ganoong mga tagpo. Pero pinagpala siya ng lakas at kakayanan lalo na katalinuhan. Sadyang hindi pa siya handa para sa bagay na iyon.“At ikaw!” hinawakan ni Ysa ang pisnge niya. “Ikaw ang magiging utak ko. Gagamitin kita para masakop lahat ng organization na meron ang mafia world!”Napakuyom ng kamao si Alexander sa kaniyang narinig. Ngayon nagsisisi na siya at hindi siya pumayag na mag ensayo. Nagsisisi na siya at hindi siya naging matigas tulad ng ama niya, masyado siyang malambot! Malambot ang puso para sa iba!“Mas gugustuhin ko pang màmàtày keysa maging utak nang sinasabi mo!”Nagbabaga ang mata ni Alexander ng sabihin niya iyon. Pinapangano niya s sarili niya na sa oras na makatakas lang siya doon ay magsasanay siya at palalakasin ang sarili. Hinding hindi niya gagawin kung ano man ang ninanais nito.As in hindi!Pero hindi nagustuhan ni Ysa ang sagot sa kaniya ng bata.“Kung hindi mo gag
UNTI-unti ay nagmulat ang mata ni Alexander. Nakahiga siya ngayon sa ksang kama na hindi niya kilala maging ang paligid niyon. Pero isa lang ang nasisiguro niya, katulad iyon ng mga silid na pinaglagyan sa kaniya ni Ysa noong bata pa siya’t kinuha nito.Bumalik na sa kaniya lahat ng ala-ala niya. Marahil dahil sa pag hampas sa kaniya ni Ysa upang siya’y makatulog kaya bumalik ang memories niya.Dinukot lang siya ni Ysa at gustong gawing mortal armor laban mismo sa sarili nymiyang pamilya.Napakuyom siya ng kamao dahil sa isipin na iyon. Ilang taon na siyang nawalay sa pamilya, ang huling ala-ala niya sa mga ito ay noong nagkagulo sa party at nagkahiwalay hiwalay sila.Pagkatapos ay si Ysa na siyang kumuha sa kaniya at si Conrad na siyang magliligtas sana sa kaniya.Natigilan siya ng mayroong maalala, Conrad ang pangalan ng lalaking pinagselosan niya kay Xandra. Conrad ‘din ang pangalan ng batang nahuli katulad niya at nangako na babalikan siya.Hindi kaya iisa sila?Napailing si Alexa
“Tumigil ka na! Walang nakakatawa!”“Meron, ikaw.” Diin na sabi ng lalaki at tinignan ng deretsyo si Ysa.“Nakaka awa ka Ysa o tama bang tawagin kitang Hanna?”“Shut up!” sigaw nito sa kaniya na ikinangisi ni Alexander.“Pilit mo akong hinahabol samantalang ilang taon at dekada na ang lumipas malamang na ang nalalaman ko ay luma na. Advance na ngayon ang organization namin at wala akong alam doon.”Natigilan si Ysa sa sinabi ni Alexander at hindi nakasagot.“Oo sabihin na nating mayroon silang sinabi sakin na mga bagay na sa future nila magagamit pero anong patunay natin na ginagawa nila ito ngayon?”Napaisip si Ysa sa sinabi ng lalaki at maya maya ay napangisi.“Of course may tauhan ako sa loob ng organization niyo. Syempre naplano ko na tong lahat bago mo pa man sabihin,”Pagkasabi ni Ysa niyon ay humarap siya muli sa computer at mayroong tinipa doon.“Take a look at this,”Nag pop sa screen na malalaki sa itaas nag mga datas ng plano ng organization ng pamilya niya. Natigilan si Al
Maraming maraming salamat kung naka-bot ka sa chapter na ito! Salamat sa walang sawang suporta at pagbabasa ng aking kwento! Sobrang na appreciate ko po kayong lahat kahit minsan matagal akong mag update. Btw magkakaroon na po tayo ng bagong kwento at yun ay ang "The Billionaires Quintuplets" waiting nalang sa kontrata at pwede na pong mabasa! Basahin po natin ang description; Si Freya ay niloko ng kaniyang unang asawa, nang makipag divorced ay naikasal naman siya sa bagong lalaki na hindi niya kilala at naka one-night-stand niya! Doon niya rin malalaman na mayamang tao pala si Eamon o tamang sabihin na isang billionaire! Ngunit sa hindi inaasahang pagkakataon ay nawala si Freya at sa pagbabalik niya ay wala siyang maalala na kahit na ano. Makikita ng Quintuplets ang kanilang ama at lolokohin ito sa pag aakala na may balak itong masama sa kanilang ina. Ano kaya ang mangyayari kapag nalaman nila na isang malaking misunderstanding ang lahat at pilit lang nilang pinakukumplika? Halina
NAGISING si Julio na nakatali sa upuan na siyang kinauupuan ng triplets kanina. Sinubukan niyang makawala pero hindi niya magawa.“Wag mo ng subukan kasi hinigpitan ko talaga yan,”Napalingon siya sa nagsalita at nakita niya si Victoria na ikinakaba nito kaagad.“B-boss, patawarin mo ako! Ang gusto ko lang naman ay ipalit ka sa triplets! Kinuha ka nila! Dinukot!”Dahil sa sinabi nito ay naalala niya ang palaging mga sinasabi nito sa kaniya kung baga magaling itong mag paikot ng tao. Siguro kung hindi siya natauhan ay malamang na naloko na ulit siya nito.Pero bakit nga ba siya nagpakatanga ng sobra sa lalaki? Sabagay, si Julio ang nagpalaki sa kaniya kaya lahat ng sabihin nito ay pinaniniwalaan niya. Hindi namn niya akalain na mayroon pa itong ibang balak sa kaniya.“Stop it will you? Alam ko na ang totoo,”Natahimik si Julio sa sinabi ni Victoria at naglakad papunta sa harapan niya.“Nakikinig ako sayo dahil ikaw ang nagpalaki saakin. Kahit buhay ng anak ko ang nakataya sinabak ko si
MALAKI nag naitulong ni Victoria sa kanila para matunton kung nasaan ang kinalalagyan ni Julio ngayon. Naabutan nila na maraming bantay sa paligid kung kaya hindi sila nag aksaya ng panahon para sugudin ang mga ito.“Boss! Sinusugod tayo!” Agad na napalingon si Julio sa nagsalita at napamura.“Pigilan niyo sila! Hindi dapat sila makapunta dito!”Tumango ang tauhan nila at umalis na.“I told you darating sila,” sabi ni Xander na lalong kinainis ni Julio.Okay na sana ang plano niya pero nasira pa!“Wag mo akong ginagalit na bata ka!” Inis na sabi nito at sinabunutan ang bata.“Hey!” biglang may nagsalita sa gilid niya kaya napatingin siya dito. “Don’t touch my twin,”Pagkasabi ni Axel niyon ay sinuntok niya ito agad na ikinadaing ng lalaki.“Tanya help Xander!”Tumango si Xandra at inalalayan ang kaniyang kuya. Nakatali kasi sila sa upuan pero ang hindi nito alam ay ang bracelet ng mga ito’y pwedeng maging maliit na kutsilyo kaya kaagad silang nakawala doon.Hinayaan lang nilang kumuda
“I know this will happen, mabuti nalang at handa ako.”Pagkasabi ni Nadine niyon ay nagsi bagsakan ang ibang tauhan ni Victoria at doon na nagsimula ang barilan.Si Nadine naman ay agad na tumakbo paakyat para iligtas si Victoria. Sakto na nakita niya na kukunin na sana siya ng ilang kalalakihan ng agad niyang binaril ang mga ito.“Pull yourself together Victoria! Ayokong biguin si Vanessa sa pangako kong bantayan kita!”Tumango ng dahan dahan si Victoria at nag paalalay kay Nadine. Dumating din si Conrad na agad tinulungan ang nobya na mag alalay kay Victoria.Habang pababa sila ay patuloy ang pag papaputok nila ng baril sa humaharang sa ksnila. Kita ni Nadine sila Xandra na nakikipag laban sa isang tabi.“Hawak na namin si Victoria! Tara na!” sigaw ni Conrad.Wala silang balak na patàyin ang lahat ng naroroon basta makuha lang nila si Victoria. Kaya ng marinig iyon ay kaagad na nagsi atrasan ang mga ito at sumakay sa kaniya kaniyang kotse.“Drive!” Agad na sabi ni Alexander na ikina
MADILIM at tahimik na naglalakad si Nadine papunta sa abandunadonh building kung saan siya pinapapunta ni Victoria. Katulad ng inaasahan ramdam niya ang dami ng tauhan nito sa paligid kaya mas naging alerto siya.Mayroon namannsiyang dalang armas pero in case na hindi niya kayanin kailangan niyang tumakbo.“Finally dumating ka rin!”Napatingin siya sa second floor kung saan kitang kita sa baba dahil nga abandunado na ang lugar na iyon. At isa pa nasa gitna ng kagubatan ang building kaya wala talagang ibang tao doon.“Sana hindi ka nagdala ng kasama tulad ng nasa sulat kasi ayaw kong may madamay na tao since ikaw lang naman ang pumaslang sa anak ko,”Napahigpit ang kapit ni Nadine sa baril na nasa kamay niya at itinutok iyon kay Victoria.Dahil doon ay kaagad na nagsilabasan ang tauhan ni Victoria at lahat ng laser ng mga ito ay tumutok sa kaniya. Kinabahan siya dahil doon pero mas tinatagan niya at itinutok ang baril dito.“Alam kong alam mo na maaaring mawala ang anak mo sa labanan p
“SINO ba si Victoria?” Tanong ni Xandra sa asawa ng mapag isa sila sa silid nito.“Si Victoria ay isa sa mga mafia Lord. Ang anak niya, si Vanessa, namatay ng matalo siya ni ate Nadine. Alam mo naman sa mafia world basta laban buhay ang kapalit. Hindi siguro matanggap ni Victoria na wala na ang anak kaya binabalikan niya si ate.”Mahabang paliwanag ni Alexander na nag aayos ng gamit nila.“Hindi ba unfair yun?”Napahinto si Alexander sa ginagawa at tumingin dito.“Sa mundo natin ngayon lahat unfair,”Natahimik si Xandra dahil tama ito. Naalala niya tuloy noong unang kasal sila, siya lang ang nagmamahal sa lalaki at di siya mahal nito, unfair kung baga. Isa pa ang pag trato sa kaniya ng step mother at step sister niya, unfair din.Sadyang nasasayo lang kung paano mo ma-hahandle ang pagsubok ng mundong binibigay sayo.“Ang mundo ng mafia world ay parang politika wife, maraming abusado. Pero ang kaibahan lantaran ang masamang gawain sa mafis world, mas delekado keysa sa mundo na nakagisn
HABANG nasa dinner si Xandra at Alexander ay nakatanggap sila ng tawag mula kay Nadine. Malungkot na binaba ni Alexander ang telepono at hindi alam kung sasabihin ba sa asawa ang nabalitaan o hindi.“Sino ang tumawag? Bakit daw?” Tanong ni Xandra sa kaniya.Ngunit hindi siya agad sinagot ni Alexander kaya lalong nagtaka si Xandra. Tila nakaramdam siya ng kakaiba kung kaya agad siyang kinabahan.“Hubby?” Tawag pansin niya dito na ikinahinga ng malalim ni Alexander.“P-pinapauwi na tayo wife... Si dad nasa ospital,”***“NASAAN si daddy?!”Agad na tanong ni Xandra ng makapasok siya sa room ng ama na ikinalingon ng mga ito sa kanila.Kita niya na umiiyak na ang mga ito at ang daddy niya ay ganon din pero nanghihina na.“N-no, no daddy!”Agad siyang lumapit dito at hinawakan ang kamay ng ama.“Daddy naman! Aalis ka ba ng di mo ako nakikita at nakakausap huh?!”Ngumiti ng pilit si Johnny at umiling kay Xandra.“Alam ko na darating ka anak,”Umiling si Xandra sa ama at niyakap ito ng mahigpi
MATAPOS ang kasal ni Xandra at Alexander, naka schedule kaagad ang kanilang honeymoon sa ibang bansa. Dahil na ‘rin ngayon lang magkakasama ng solo ang dalawa ay hindi na pinasama ng mga magulang nila ang triplets.Sa katunayan ay dapat kasama nila ito dahil iyon ‘din naman ang gusto ni Xandra at Alexander ngunit pinigilan lang nila. Wala namang problema sa kanila kung kasama ang tatlo, katunayan nga niyan ay mas matutuwa pa sila.Ang kaso mayroong dahilan kung bakit gusto nilang pag solohin ang mga ito.Ganito ang pagkakasabi nila; ‘Bigyan niyo kaagad kami ng bagong apo!’Hiyang hiya nga si Xandra ng sabihin iyon ng mga ito. Tila isang normal na conversation lamang, sabagay matatanda naman na sila ang kaso may kasama silang bata ng panahon na iyon kaya nga nahihiya siya sa mga anak hindi sa mga kasama nilang matatanda.Pero wala naman siyang magagawa, okay na ‘rin iyon sa kaniya dahil may usapan sila ng mommy niya.“Bakit ka tumatawa jan?”Napahinto si Xandra sa kaniyang pag tawa ng
Tumango siya sa sinabi ng wedding coordinator at hinanda ang sarili.Maya maya pa ay nagbukas na ng dahan dahan ang pinto kasabay ng paglabas ng usok sa sahig.Maliwanag sa likuran ni Xandra kung kaya hindi agad siya nakIlayan ng mga ito. Tila isa siyng anghel na bumaba sa langit.Rinig na rinig ni Xandra ang tugtog na siya mismo ang pumili. ‘A thousands year’s’ meaning she’s wising for her and Alexander for their love to last long even for a thousands years later.Nang makita siya ng mga tao ay ang siyang simula ng paglalakad siya. Hindi muna siya tumingin sa mga ito para makakuha ng lakas. Mahigpit na ang kapit niya sa bulaklak.Ayon na coordinator sasamahan lang siya ng magulang sa paglalakad sa may simula ng mga upuan sa simbahan.Inangat na niya ang kaniyang mata at namangha ang mga tao sa ganda nito. Ngunit si Xandra ay kaagad na nag lock ang mata kay Alexander. Nang sumandaling iyon ay tila silang dalawa lang ang nakikita niya.Nawala ang malumanay na tunog ng piano sa paglalak