UNTI-unti ay nagmulat ang mata ni Alexander. Nakahiga siya ngayon sa ksang kama na hindi niya kilala maging ang paligid niyon. Pero isa lang ang nasisiguro niya, katulad iyon ng mga silid na pinaglagyan sa kaniya ni Ysa noong bata pa siya’t kinuha nito.Bumalik na sa kaniya lahat ng ala-ala niya. Marahil dahil sa pag hampas sa kaniya ni Ysa upang siya’y makatulog kaya bumalik ang memories niya.Dinukot lang siya ni Ysa at gustong gawing mortal armor laban mismo sa sarili nymiyang pamilya.Napakuyom siya ng kamao dahil sa isipin na iyon. Ilang taon na siyang nawalay sa pamilya, ang huling ala-ala niya sa mga ito ay noong nagkagulo sa party at nagkahiwalay hiwalay sila.Pagkatapos ay si Ysa na siyang kumuha sa kaniya at si Conrad na siyang magliligtas sana sa kaniya.Natigilan siya ng mayroong maalala, Conrad ang pangalan ng lalaking pinagselosan niya kay Xandra. Conrad ‘din ang pangalan ng batang nahuli katulad niya at nangako na babalikan siya.Hindi kaya iisa sila?Napailing si Alexa
“Tumigil ka na! Walang nakakatawa!”“Meron, ikaw.” Diin na sabi ng lalaki at tinignan ng deretsyo si Ysa.“Nakaka awa ka Ysa o tama bang tawagin kitang Hanna?”“Shut up!” sigaw nito sa kaniya na ikinangisi ni Alexander.“Pilit mo akong hinahabol samantalang ilang taon at dekada na ang lumipas malamang na ang nalalaman ko ay luma na. Advance na ngayon ang organization namin at wala akong alam doon.”Natigilan si Ysa sa sinabi ni Alexander at hindi nakasagot.“Oo sabihin na nating mayroon silang sinabi sakin na mga bagay na sa future nila magagamit pero anong patunay natin na ginagawa nila ito ngayon?”Napaisip si Ysa sa sinabi ng lalaki at maya maya ay napangisi.“Of course may tauhan ako sa loob ng organization niyo. Syempre naplano ko na tong lahat bago mo pa man sabihin,”Pagkasabi ni Ysa niyon ay humarap siya muli sa computer at mayroong tinipa doon.“Take a look at this,”Nag pop sa screen na malalaki sa itaas nag mga datas ng plano ng organization ng pamilya niya. Natigilan si Al
NAGAWANG makuha ni Tara ang susi ng kinalalagyan ni Alexander kung kaya malaki ang ngisi ng lalaki ngayon. Hindi niya akalain na magagamit niya ang babae, may katuturan din pala ang pagiging àdik nito sa kaniya.Dahil hindi pa rin napapansin ng dalawa na kayang kaya na niyang lumabas ay hinayaan niya muna ang mga ito.“Thank you love, hayaan mo kapag nakatakas ako dito mas mamahalin pa kita.”Gustong masuka ni Alexander sa mga sinasabi niya lalo na at nakikita niya ang reaction ni Tara. Namumula ito habang hindi nakatingin sa kaniya, in short kinikilig!Si Xandra lang ang laman ng puso’t isipan niya hindi na mag babago iyon.Napatingin si Alexander kay Ysa at Angeline, tila magkasundo ang dalawa pero ang totoo ang isa ay sinasaksak na sa likuran niya.“Wow, magkasundong magkasundo kayong dalawa ah?”Natigilan ang dalawa at napatingin dito.“Wag mo ng pansinin ‘yan Alexander, walang kwenta lang ang sasabihin niya.”Natawa ng marahan si Alexander sa sinabi ni Ysa.“Walang kwenta huh? Fo
NOONG gabing sinama ni Ysa ang batang si Conrad palabas katulad ng pangako niyang pauuwiin na niya ito.Sa high way dinala ni Ysa si Conrad at doon ay pinapauwi na niya ito ng mag-isa.“Ayan, deretsyohin mo lang yang daan na yan at makikita mo ang city tyaka ka umuwi sa inyo.”Agad na napatingin si Conrad kay Ysa dahil sa sinabi nito.“W-wala po bang maghahatid saakin pauwi? Halos wala pong dumadaan na sasakyan at madilim.” Takot na sabi ng bata kay Ysa na ikinangisi nito.“Natatakot ka ba? Pwede ka namang mag stay dito at wag ng umuwi.”Sunod sunod na umiling si Conrad sa sinabi ni Ysa at nagskmula ng maglakad. Kahit takot siya sa madilim at walang ibang nadaan doon ay nag tyaga siya.“Mag-iingat ka bata!” tawang sabi ni Ysa bago ito tuluyang umalis doon.Nang makita ni Conrad na wala na si Ysa at tumahimik ang paligid, mas nilakasan nalang niya ang loob niya upang makauwi lang.Mabuti nalang at maliwanag ang buwan kaya kahit papaano ay mayroon siyang nakikita sa daan. Matarik pa na
“Simula noon dala ko ang konsensya sa pagkawala ng batang Alexander sa nakaraan ko. Nang makita ko si Alexander akala ko kapangalan lang, pero nung makita ko na ‘rin si Ysa na kasama niya at tinatawag pa itong mommy doon ko na napatunayan na siya ngayon.Masaya ako na ligtas si Alexander pero mayroong mali. Wala siyang maalala tungkol saakin o sa nakaraan namin. Sigurado ako na may ginawa si Ysa para doon. Kaya hindi ko na inalis ang mata ko sa kanila.”Napanganga ang mga ito sa mahaba ngunit maiksing kwento ni Conrad. Ngayon lang nila nalaman na nawalan ng ala-ala si Alexander. Tunay na napakasama ng ugali ni Ysa dahil sa mga ginawa nito kay Conrad at Alexander noon.“Grabe hindi ko alam ang sasabihin ko,” mahinang sabi ni Stanlee ng marinig ang kwento ni Conrad.“Okay lang na wag niyo munanh intindihin ang sinabi ko. Ang mahalaga ay mailigtas natin si Alexander ngayon. Hindi siya ligtas sa kamay ni Ysa at Jerome.”Tumango ang mga ito at nagsimula ng mag plano sa pag ligtas kay Alexa
ABALA si Ysa at Jerome sa pag asikaso sa kanilang computer. Tila mayroon silang sinusubukang gawin upang magamit ang files na nakuha nila sa spy ng magulang ni Alexander.Habang busy pa ang dalawa, nilapitan niya si Angeline at kinausap.“Anong pakiramdam na mangyari sayo lahat ng ginawa mo sa pamilya ni Xandra?”Hindi siya pinansin ng babae bagkus nakatingin lang ito ng straight sa kung saan at malalim ang iniisip.“Noon pa man sinabi ko na sayo na hindi magwawagi ang kasamaan. Pinalampas ko lang kayo ni Tara. Hindi man namin kayo mahuli may ibang taong gagawa nun at si Ysa ‘yun.”Dahil sa sinabi niya ay napalingon si Angeline kay Alexander.“’Wag kang mag malinis na parang wala kang ginawang mali noong mga nakaraang taon. Naging mabuti ka bang asawa kay Xandra? Hindi diba? Pwes kakarmahin ka rin katulad ko!”Nanlalaki ang matang sabi ni Angeline dito na ikinailing ng lalaki.“Kinarma na ako. Kayo ang karma ko. Kayo ang karma ko dahil sa pangalawang pagkakataon hinayaan ko kayo na lo
“Ayun, curious siya.” Natatawang sabi ni Alexander.Inis at galit na naglakad si Ysa papalapit kay Alexander at kinuwelyuhan ito.“Tigilan mo na ako sa mga kasinungalingan mo!”Gigil na sabi nito na ikinangisi lang ni Alexander at buong tapang na nakatingin dito.“Gusto mo ng patunay? Tignan mo ang cam 8,”Pagkasabi ni Alexander niyon ay lumingon doon si Ysa at nakita niya si Conrad, ang lalaking nagpanggap na boyfriend ni Xandra. Andoon ito kasama nila Xandra at nakikipaglaban.“Ibang iba na kami noon Ysa. Kung akala mo makakaya mo kaming kontrolin katulad noon na batang paslit palang kaming dalawa ngayon hindi na.”Pagkasabi ni Alexander niyon ay napatingin si Conrad sa CCTV na mayroong red dot at alam niyang may nanonood sa kaniya. Ngumisi siya doon at sumigaw.“Mag babayad ka na sa pagdukot saamin ni Alexander noon Ysa!”Pagkasabi ni Conrad niyon ay binaril nito ang CCTV dahilan pars mag blur nalang iyon.Dahil rinig nila ang sinabi ni Conrad nanghihina na napahawak si Ysa sa mala
MAGKAHARAP na ngayon si Conrad at Jerome. Habang nakikipaglaban ang mga ito nasaktuhan na nagtagpo ang landas nila.Pabor na pabor naman iyon kay Conrad lalo na’t gusto niyang harapin ang lalaki ngayon na mayroon na siyang kakayanan na labanan ito.“Bakit ganiyan ka makatingin?” Tanong ni Jerome sa kaniya na ikinangisi ni Conrad.“I see, hindi niyo nga ako nakikilalang dalawa.”Sabagay, hindi masisisi ni Conrad ang mga ito, bata pa siya nun at malaki ang pagkakaiba ng itsura niya noong maliit pa siya at ngayon.Noong panahon nga na nakita niya muli si Ysa, buong akala niya ay nakilala siya nito. Mabuti nalang at hindi kung kaya malaya siyang nakakagalaw at nakakapunta sa kung saan saan noong nasa hotel nila ito nanunuluyan.“Anong sinsabi mo bata.” Seryosong sabi ni Jerome na alerto sa ano mang maaaring gawin nito.“Sige ipapa-alala ko. Hmmm… yung batang si Conrad. Yung akala mo nahulog sa bangin pero hindi talaga, at ako ‘yun. Ako si Conrad na minsan mo ng pinagtangkaang patàyin.”Na