NOONG gabing sinama ni Ysa ang batang si Conrad palabas katulad ng pangako niyang pauuwiin na niya ito.Sa high way dinala ni Ysa si Conrad at doon ay pinapauwi na niya ito ng mag-isa.“Ayan, deretsyohin mo lang yang daan na yan at makikita mo ang city tyaka ka umuwi sa inyo.”Agad na napatingin si Conrad kay Ysa dahil sa sinabi nito.“W-wala po bang maghahatid saakin pauwi? Halos wala pong dumadaan na sasakyan at madilim.” Takot na sabi ng bata kay Ysa na ikinangisi nito.“Natatakot ka ba? Pwede ka namang mag stay dito at wag ng umuwi.”Sunod sunod na umiling si Conrad sa sinabi ni Ysa at nagskmula ng maglakad. Kahit takot siya sa madilim at walang ibang nadaan doon ay nag tyaga siya.“Mag-iingat ka bata!” tawang sabi ni Ysa bago ito tuluyang umalis doon.Nang makita ni Conrad na wala na si Ysa at tumahimik ang paligid, mas nilakasan nalang niya ang loob niya upang makauwi lang.Mabuti nalang at maliwanag ang buwan kaya kahit papaano ay mayroon siyang nakikita sa daan. Matarik pa na
“Simula noon dala ko ang konsensya sa pagkawala ng batang Alexander sa nakaraan ko. Nang makita ko si Alexander akala ko kapangalan lang, pero nung makita ko na ‘rin si Ysa na kasama niya at tinatawag pa itong mommy doon ko na napatunayan na siya ngayon.Masaya ako na ligtas si Alexander pero mayroong mali. Wala siyang maalala tungkol saakin o sa nakaraan namin. Sigurado ako na may ginawa si Ysa para doon. Kaya hindi ko na inalis ang mata ko sa kanila.”Napanganga ang mga ito sa mahaba ngunit maiksing kwento ni Conrad. Ngayon lang nila nalaman na nawalan ng ala-ala si Alexander. Tunay na napakasama ng ugali ni Ysa dahil sa mga ginawa nito kay Conrad at Alexander noon.“Grabe hindi ko alam ang sasabihin ko,” mahinang sabi ni Stanlee ng marinig ang kwento ni Conrad.“Okay lang na wag niyo munanh intindihin ang sinabi ko. Ang mahalaga ay mailigtas natin si Alexander ngayon. Hindi siya ligtas sa kamay ni Ysa at Jerome.”Tumango ang mga ito at nagsimula ng mag plano sa pag ligtas kay Alexa
ABALA si Ysa at Jerome sa pag asikaso sa kanilang computer. Tila mayroon silang sinusubukang gawin upang magamit ang files na nakuha nila sa spy ng magulang ni Alexander.Habang busy pa ang dalawa, nilapitan niya si Angeline at kinausap.“Anong pakiramdam na mangyari sayo lahat ng ginawa mo sa pamilya ni Xandra?”Hindi siya pinansin ng babae bagkus nakatingin lang ito ng straight sa kung saan at malalim ang iniisip.“Noon pa man sinabi ko na sayo na hindi magwawagi ang kasamaan. Pinalampas ko lang kayo ni Tara. Hindi man namin kayo mahuli may ibang taong gagawa nun at si Ysa ‘yun.”Dahil sa sinabi niya ay napalingon si Angeline kay Alexander.“’Wag kang mag malinis na parang wala kang ginawang mali noong mga nakaraang taon. Naging mabuti ka bang asawa kay Xandra? Hindi diba? Pwes kakarmahin ka rin katulad ko!”Nanlalaki ang matang sabi ni Angeline dito na ikinailing ng lalaki.“Kinarma na ako. Kayo ang karma ko. Kayo ang karma ko dahil sa pangalawang pagkakataon hinayaan ko kayo na lo
“Ayun, curious siya.” Natatawang sabi ni Alexander.Inis at galit na naglakad si Ysa papalapit kay Alexander at kinuwelyuhan ito.“Tigilan mo na ako sa mga kasinungalingan mo!”Gigil na sabi nito na ikinangisi lang ni Alexander at buong tapang na nakatingin dito.“Gusto mo ng patunay? Tignan mo ang cam 8,”Pagkasabi ni Alexander niyon ay lumingon doon si Ysa at nakita niya si Conrad, ang lalaking nagpanggap na boyfriend ni Xandra. Andoon ito kasama nila Xandra at nakikipaglaban.“Ibang iba na kami noon Ysa. Kung akala mo makakaya mo kaming kontrolin katulad noon na batang paslit palang kaming dalawa ngayon hindi na.”Pagkasabi ni Alexander niyon ay napatingin si Conrad sa CCTV na mayroong red dot at alam niyang may nanonood sa kaniya. Ngumisi siya doon at sumigaw.“Mag babayad ka na sa pagdukot saamin ni Alexander noon Ysa!”Pagkasabi ni Conrad niyon ay binaril nito ang CCTV dahilan pars mag blur nalang iyon.Dahil rinig nila ang sinabi ni Conrad nanghihina na napahawak si Ysa sa mala
MAGKAHARAP na ngayon si Conrad at Jerome. Habang nakikipaglaban ang mga ito nasaktuhan na nagtagpo ang landas nila.Pabor na pabor naman iyon kay Conrad lalo na’t gusto niyang harapin ang lalaki ngayon na mayroon na siyang kakayanan na labanan ito.“Bakit ganiyan ka makatingin?” Tanong ni Jerome sa kaniya na ikinangisi ni Conrad.“I see, hindi niyo nga ako nakikilalang dalawa.”Sabagay, hindi masisisi ni Conrad ang mga ito, bata pa siya nun at malaki ang pagkakaiba ng itsura niya noong maliit pa siya at ngayon.Noong panahon nga na nakita niya muli si Ysa, buong akala niya ay nakilala siya nito. Mabuti nalang at hindi kung kaya malaya siyang nakakagalaw at nakakapunta sa kung saan saan noong nasa hotel nila ito nanunuluyan.“Anong sinsabi mo bata.” Seryosong sabi ni Jerome na alerto sa ano mang maaaring gawin nito.“Sige ipapa-alala ko. Hmmm… yung batang si Conrad. Yung akala mo nahulog sa bangin pero hindi talaga, at ako ‘yun. Ako si Conrad na minsan mo ng pinagtangkaang patàyin.”Na
NANG makaakyat si Jerome sa silid kung saan sila nagtatago agad niyaniting ni-lock dahil alam niyang susunod sa kaniya ang mga ito.“Ysa tara na! Kailangan na nating umalis dahil natatalo na tayo!”Tawag nya sa babae ngunit salang sumasagot sa kaniya kaya ang ginawa niya ay tumingin siya sa likuran niya. Natugilan ito ng makita si Ysa na mayroong tali sa upuan at nasa likuran nito si Alexander.“Surprise! Do you like my surprise Jerome?” Ngiting tanong niya dito na ikiseryoso labg ni Jerome.“Bakit hindi mo tulungan ang asawa mo? Hindi mo magawa?” tanong niya dito ngunit hindi suya nito sinagot muli.“Huhulaan ko. Dahil para sayo wala ng silbi ang isang tao sa oras na wala na itong pakinabang sayo.”Sa naririnig ni Ysa ay umiiyak na siya. Sunod sunod ang pag-iling niya lalo nat kita niya na nakatingin sa kaniya si Jerome.“Akala mo hindi ko nababasa ang kilos mo. Lalaki ‘din ako Jerome, alam ko ang gusto mo ag hindi mo gusto. Madali kang amuyin lalo na ang mga tulad mo na balimbing.”
SAWAKAS tapos na ‘rin ang labanan. Kahit nakatakas si Jerome ay masasabi nila na tapos na ang labanan. Hindi naman ito basta basta susugod ng walang kakampi dahil alam nilang wala na itong kakampi.Makakauwi na ‘rin sila ngayon at magkakasama.na sila ng triplets. Pero mayroong balitang nag aabang sa kanila na hindi maganda.“Nawawala ang triplets!”Sa kabilang banda, dinala ang tatlo sa isang silid na marangya at puro laruan. Hindi normal ang ganoong bagay kapag kidnapping kung kaya inutusan ni Axel ang mga kapatid niya na wag gagalaw ng kahit na ano sa paligid.Kailangan nilang malaman kung nasaan sila at anong pakay sa kanila ng dumukot sa kanila.Maya maya pa ay nag bukas ang pinto at pumasok doon ang isang babae na may katandaan na.Nakita ng matanda na nasa isang sulok ang tatlo. Prinoprotektahan ng dalawang lalaki si Tanya, hindi sila papayag na mapahamak ito.“Oh no, natakot ba kayo? I told them to get you guys smoothly and easily!” alalang sabi ng matandanat agad na lumapit s
Naghawal hawak sila ng kamay at sabay sabay na pumasok sa loob. Katulad sa dinaanan nila ay maaliwalas ang paligid dahil sa theme ng kanilang bahay na white at light brown na color.Ang gaan sa mata, ang gandang tignan. Samahan mo pa ng mga structure nang bahay na halatang mamahalin na.Dining area pala iyon dahil naroroon ang napakahabang mesa na tila kakasya ang isang Barangay sa kainan.“This is our dining, ginagamit namin to kapag may bisita. Alam namin na mamaya darating na ang parents niyo kaya dito namin pinahanda ang mga pagkain.”Pahabol pa na sabi ni Aliah ngunit ang tatlo ay natuon ang mata sa dalawang tao na agad tumayo ng makita sila. Nasa hapagkainan ang mga ito at nag cellphone habang nag-iintay.“Sila ang tinutukoy ko, si tita Nadine niyo ang nasa kanan at ang lolo Nico niyo naman ang matanda na ‘yun,” natawa pa si Aliah sa pagpapakilala niya sa asawa kaya maging ang triplets ay natawa na.“Lapitan niyo na sila,”Tumango ang mga ito sa sinabi ni Aliah at naglakad sila
Maraming maraming salamat kung naka-bot ka sa chapter na ito! Salamat sa walang sawang suporta at pagbabasa ng aking kwento! Sobrang na appreciate ko po kayong lahat kahit minsan matagal akong mag update. Btw magkakaroon na po tayo ng bagong kwento at yun ay ang "The Billionaires Quintuplets" waiting nalang sa kontrata at pwede na pong mabasa! Basahin po natin ang description; Si Freya ay niloko ng kaniyang unang asawa, nang makipag divorced ay naikasal naman siya sa bagong lalaki na hindi niya kilala at naka one-night-stand niya! Doon niya rin malalaman na mayamang tao pala si Eamon o tamang sabihin na isang billionaire! Ngunit sa hindi inaasahang pagkakataon ay nawala si Freya at sa pagbabalik niya ay wala siyang maalala na kahit na ano. Makikita ng Quintuplets ang kanilang ama at lolokohin ito sa pag aakala na may balak itong masama sa kanilang ina. Ano kaya ang mangyayari kapag nalaman nila na isang malaking misunderstanding ang lahat at pilit lang nilang pinakukumplika? Halina
NAGISING si Julio na nakatali sa upuan na siyang kinauupuan ng triplets kanina. Sinubukan niyang makawala pero hindi niya magawa.“Wag mo ng subukan kasi hinigpitan ko talaga yan,”Napalingon siya sa nagsalita at nakita niya si Victoria na ikinakaba nito kaagad.“B-boss, patawarin mo ako! Ang gusto ko lang naman ay ipalit ka sa triplets! Kinuha ka nila! Dinukot!”Dahil sa sinabi nito ay naalala niya ang palaging mga sinasabi nito sa kaniya kung baga magaling itong mag paikot ng tao. Siguro kung hindi siya natauhan ay malamang na naloko na ulit siya nito.Pero bakit nga ba siya nagpakatanga ng sobra sa lalaki? Sabagay, si Julio ang nagpalaki sa kaniya kaya lahat ng sabihin nito ay pinaniniwalaan niya. Hindi namn niya akalain na mayroon pa itong ibang balak sa kaniya.“Stop it will you? Alam ko na ang totoo,”Natahimik si Julio sa sinabi ni Victoria at naglakad papunta sa harapan niya.“Nakikinig ako sayo dahil ikaw ang nagpalaki saakin. Kahit buhay ng anak ko ang nakataya sinabak ko si
MALAKI nag naitulong ni Victoria sa kanila para matunton kung nasaan ang kinalalagyan ni Julio ngayon. Naabutan nila na maraming bantay sa paligid kung kaya hindi sila nag aksaya ng panahon para sugudin ang mga ito.“Boss! Sinusugod tayo!” Agad na napalingon si Julio sa nagsalita at napamura.“Pigilan niyo sila! Hindi dapat sila makapunta dito!”Tumango ang tauhan nila at umalis na.“I told you darating sila,” sabi ni Xander na lalong kinainis ni Julio.Okay na sana ang plano niya pero nasira pa!“Wag mo akong ginagalit na bata ka!” Inis na sabi nito at sinabunutan ang bata.“Hey!” biglang may nagsalita sa gilid niya kaya napatingin siya dito. “Don’t touch my twin,”Pagkasabi ni Axel niyon ay sinuntok niya ito agad na ikinadaing ng lalaki.“Tanya help Xander!”Tumango si Xandra at inalalayan ang kaniyang kuya. Nakatali kasi sila sa upuan pero ang hindi nito alam ay ang bracelet ng mga ito’y pwedeng maging maliit na kutsilyo kaya kaagad silang nakawala doon.Hinayaan lang nilang kumuda
“I know this will happen, mabuti nalang at handa ako.”Pagkasabi ni Nadine niyon ay nagsi bagsakan ang ibang tauhan ni Victoria at doon na nagsimula ang barilan.Si Nadine naman ay agad na tumakbo paakyat para iligtas si Victoria. Sakto na nakita niya na kukunin na sana siya ng ilang kalalakihan ng agad niyang binaril ang mga ito.“Pull yourself together Victoria! Ayokong biguin si Vanessa sa pangako kong bantayan kita!”Tumango ng dahan dahan si Victoria at nag paalalay kay Nadine. Dumating din si Conrad na agad tinulungan ang nobya na mag alalay kay Victoria.Habang pababa sila ay patuloy ang pag papaputok nila ng baril sa humaharang sa ksnila. Kita ni Nadine sila Xandra na nakikipag laban sa isang tabi.“Hawak na namin si Victoria! Tara na!” sigaw ni Conrad.Wala silang balak na patàyin ang lahat ng naroroon basta makuha lang nila si Victoria. Kaya ng marinig iyon ay kaagad na nagsi atrasan ang mga ito at sumakay sa kaniya kaniyang kotse.“Drive!” Agad na sabi ni Alexander na ikina
MADILIM at tahimik na naglalakad si Nadine papunta sa abandunadonh building kung saan siya pinapapunta ni Victoria. Katulad ng inaasahan ramdam niya ang dami ng tauhan nito sa paligid kaya mas naging alerto siya.Mayroon namannsiyang dalang armas pero in case na hindi niya kayanin kailangan niyang tumakbo.“Finally dumating ka rin!”Napatingin siya sa second floor kung saan kitang kita sa baba dahil nga abandunado na ang lugar na iyon. At isa pa nasa gitna ng kagubatan ang building kaya wala talagang ibang tao doon.“Sana hindi ka nagdala ng kasama tulad ng nasa sulat kasi ayaw kong may madamay na tao since ikaw lang naman ang pumaslang sa anak ko,”Napahigpit ang kapit ni Nadine sa baril na nasa kamay niya at itinutok iyon kay Victoria.Dahil doon ay kaagad na nagsilabasan ang tauhan ni Victoria at lahat ng laser ng mga ito ay tumutok sa kaniya. Kinabahan siya dahil doon pero mas tinatagan niya at itinutok ang baril dito.“Alam kong alam mo na maaaring mawala ang anak mo sa labanan p
“SINO ba si Victoria?” Tanong ni Xandra sa asawa ng mapag isa sila sa silid nito.“Si Victoria ay isa sa mga mafia Lord. Ang anak niya, si Vanessa, namatay ng matalo siya ni ate Nadine. Alam mo naman sa mafia world basta laban buhay ang kapalit. Hindi siguro matanggap ni Victoria na wala na ang anak kaya binabalikan niya si ate.”Mahabang paliwanag ni Alexander na nag aayos ng gamit nila.“Hindi ba unfair yun?”Napahinto si Alexander sa ginagawa at tumingin dito.“Sa mundo natin ngayon lahat unfair,”Natahimik si Xandra dahil tama ito. Naalala niya tuloy noong unang kasal sila, siya lang ang nagmamahal sa lalaki at di siya mahal nito, unfair kung baga. Isa pa ang pag trato sa kaniya ng step mother at step sister niya, unfair din.Sadyang nasasayo lang kung paano mo ma-hahandle ang pagsubok ng mundong binibigay sayo.“Ang mundo ng mafia world ay parang politika wife, maraming abusado. Pero ang kaibahan lantaran ang masamang gawain sa mafis world, mas delekado keysa sa mundo na nakagisn
HABANG nasa dinner si Xandra at Alexander ay nakatanggap sila ng tawag mula kay Nadine. Malungkot na binaba ni Alexander ang telepono at hindi alam kung sasabihin ba sa asawa ang nabalitaan o hindi.“Sino ang tumawag? Bakit daw?” Tanong ni Xandra sa kaniya.Ngunit hindi siya agad sinagot ni Alexander kaya lalong nagtaka si Xandra. Tila nakaramdam siya ng kakaiba kung kaya agad siyang kinabahan.“Hubby?” Tawag pansin niya dito na ikinahinga ng malalim ni Alexander.“P-pinapauwi na tayo wife... Si dad nasa ospital,”***“NASAAN si daddy?!”Agad na tanong ni Xandra ng makapasok siya sa room ng ama na ikinalingon ng mga ito sa kanila.Kita niya na umiiyak na ang mga ito at ang daddy niya ay ganon din pero nanghihina na.“N-no, no daddy!”Agad siyang lumapit dito at hinawakan ang kamay ng ama.“Daddy naman! Aalis ka ba ng di mo ako nakikita at nakakausap huh?!”Ngumiti ng pilit si Johnny at umiling kay Xandra.“Alam ko na darating ka anak,”Umiling si Xandra sa ama at niyakap ito ng mahigpi
MATAPOS ang kasal ni Xandra at Alexander, naka schedule kaagad ang kanilang honeymoon sa ibang bansa. Dahil na ‘rin ngayon lang magkakasama ng solo ang dalawa ay hindi na pinasama ng mga magulang nila ang triplets.Sa katunayan ay dapat kasama nila ito dahil iyon ‘din naman ang gusto ni Xandra at Alexander ngunit pinigilan lang nila. Wala namang problema sa kanila kung kasama ang tatlo, katunayan nga niyan ay mas matutuwa pa sila.Ang kaso mayroong dahilan kung bakit gusto nilang pag solohin ang mga ito.Ganito ang pagkakasabi nila; ‘Bigyan niyo kaagad kami ng bagong apo!’Hiyang hiya nga si Xandra ng sabihin iyon ng mga ito. Tila isang normal na conversation lamang, sabagay matatanda naman na sila ang kaso may kasama silang bata ng panahon na iyon kaya nga nahihiya siya sa mga anak hindi sa mga kasama nilang matatanda.Pero wala naman siyang magagawa, okay na ‘rin iyon sa kaniya dahil may usapan sila ng mommy niya.“Bakit ka tumatawa jan?”Napahinto si Xandra sa kaniyang pag tawa ng
Tumango siya sa sinabi ng wedding coordinator at hinanda ang sarili.Maya maya pa ay nagbukas na ng dahan dahan ang pinto kasabay ng paglabas ng usok sa sahig.Maliwanag sa likuran ni Xandra kung kaya hindi agad siya nakIlayan ng mga ito. Tila isa siyng anghel na bumaba sa langit.Rinig na rinig ni Xandra ang tugtog na siya mismo ang pumili. ‘A thousands year’s’ meaning she’s wising for her and Alexander for their love to last long even for a thousands years later.Nang makita siya ng mga tao ay ang siyang simula ng paglalakad siya. Hindi muna siya tumingin sa mga ito para makakuha ng lakas. Mahigpit na ang kapit niya sa bulaklak.Ayon na coordinator sasamahan lang siya ng magulang sa paglalakad sa may simula ng mga upuan sa simbahan.Inangat na niya ang kaniyang mata at namangha ang mga tao sa ganda nito. Ngunit si Xandra ay kaagad na nag lock ang mata kay Alexander. Nang sumandaling iyon ay tila silang dalawa lang ang nakikita niya.Nawala ang malumanay na tunog ng piano sa paglalak