Please like, leave a comment, gem vote, and rate this book. Thank you!
Sabrina’s POV Ang init ng kape ay bumalot sa aking mga kamay habang hawak ko ang tasa. Umuusok pa ito, ngunit hindi ko maipaliwanag kung bakit parang mas malamig ang paligid. Nasa harapan ko si Ryan—o si Roscoe, gaya ng pagtawag niya sa sarili niya ngayon—at tila hindi siya interesado sa kape sa harap niya. Ang mga mata niya, matalim at nagmamasid, ay nakatutok sa akin, parang may sinisiyasat. Hindi ko magawang tumingin nang diretso sa kanya. Ang bawat sulyap ko sa kanyang mukha ay nagpapabalik ng mga alaala—ang mga tawanan namin, ang mga yakap, ang mga pangakong akala ko ay walang hanggan. Ngunit ngayon, ang lalaking kaharap ko ay parang estranghero. “Ang tahimik mo,” biglang sabi niya, basag sa katahimikan na bumalot sa pagitan namin. Napatingin ako sa kanya, pilit na ngumiti. “Pasensya na. Marami lang akong iniisip.” Bahagya siyang tumango, ngunit hindi niya inalis ang tingin niya sa akin. “I noticed that last night, too. Parang… may bumabagabag sa ‘yo. Are you sure you’re
Sabrina’s POV “Mommy, bakit umaalis si Daddy? Ayaw ko siyang umalis!” Napalakas ang boses ni Evara habang pilit niyang hinahabol ang anino ni Roscoe na naglalaho na sa labas ng pintuan ng opisina. Nakita ko ang mga luha sa mata niya, at parang sinaksak ang puso ko ng paulit-ulit. Agad akong yumuko para hawakan siya sa balikat, ngunit nagpumiglas siya, pilit na tumatakbo papalabas. “Evara, no!” sigaw ko at mabilis siyang hinila pabalik. “Bitawan mo ako, Mommy!” sigaw niya, humahagulgol na, habang sinusubukan niyang kumawala sa mga kamay ko. “Gusto ko kay Daddy! Gusto ko siyang sundan!” “Hindi, sweetheart,” sagot ko, pilit na pinapakalma ang boses ko kahit ang puso ko ay nagugulohan na rin. “Hindi mo siya pwedeng sundan ngayon.” “Pero bakit, Mommy? Bakit siya umaalis? Ayaw niya ba sa atin?” tanong ni Evara, ang boses niya ay naglalaman ng kawalang-malay, ngunit punung-puno ng sakit. Halos hindi ko magawang sagutin siya. Hinila ko siya papunta sa couch sa loob ng opisina, naup
Sabrina’s POV Pagtingin ko sa orasan, 5:30 PM na. Napalunok ako, ang kaba sa dibdib ko ay lalong lumalakas habang papalapit ang itinakdang oras ng pagkikita namin ni Roscoe. Tumayo ako mula sa desk at dumiretso sa banyo ng opisina. Tiningnan ko ang sarili ko sa salamin. Halatang pagod ang mukha ko, ang mga mata ko ay may bahid pa rin ng lungkot mula sa nangyari kanina. Pinahid ko ang kaunting eyeliner na kumalat sa ilalim ng mata ko. “Sabrina Jacobs,” sabi ko sa repleksyon ko, pilit na pinapakalma ang sarili. “You are the CEO of this company. You’ve handled worse situations. You can do this.” Ngunit sa likod ng malakas kong panlabas na anyo, hindi ko maitago ang takot at kaba. Hindi lang ito isang ordinaryong meet up namin ni Roscoe. Muli akong huminga nang malalim at inayos ang buhok ko. Pinili kong panatilihing simple ang hitsura ko—isang itim na blazer at blusa, na may pares ng pearl earrings. Ayoko namang magmukhang masyadong pinaghandaan ang pagkikita naming ito, pero gust
Sabrina’s POV Sa mga sumunod na araw, sinubukan kong hindi pansinin ang lahat ng iniisip ko tungkol kay Roscoe—o si Ryan, o kung sino man siya ngayon. Inabala ko na naman ang sarili ko sa trabaho, sa walang katapusang mga papeles, meetings, at pagresolba ng mga problema sa Jacobs Group. Para bang doon ko lang nadarama ang kontrol sa buhay ko, kahit sa loob ng ilang oras. Ngayon, kakatapos lang ng isa na namang mahaba at masalimuot na meeting. Ang sales team ay puno ng reklamo tungkol sa budget cuts, habang ang marketing team naman ay naghahanap ng paraan para maibalik ang kliyenteng muntik nang umalis. Pagod na pagod ako, pero hindi ko iyon pinahalata. Bilang CEO, kailangan kong magmukhang matatag, kahit pa sa loob ay unti-unti na akong nadudurog. Pagpasok ko sa opisina pagkatapos ng meeting, gusto ko sanang maupo at magpahinga nang kahit saglit, ngunit kaagad akong sinalubong ni Irene, ang aking sekretarya. Bitbit niya ang isang bouquet ng mga tulip na kulay pink at puti. “M
Sabrina’s POV Pagpasok ko ng bahay, sumalubong sa akin ang tahimik na paligid. Napatingin ako sa relo—alas diyes na pala ng gabi. Nakaramdam ako ng matinding pagod mula sa mahabang araw sa trabaho, pero alam kong kailangan kong manatiling matatag. Dumiretso ako sa kwarto ni Evara, dahan-dahang binuksan ang pinto. Nakita ko siyang mahimbing na natutulog, yakap-yakap ang paborito niyang stuffed toy. Lumapit ako at hinaplos ang kanyang buhok, habang bumubulong sa sarili, “Lahat ng ginagawa ko, para sa’yo.” Nang makalabas ako ng kwarto niya, nagulat ako nang makita si Irene na naghihintay sa living room. Suot pa rin niya ang corporate attire niya, pero halatang pagod na rin siya. Hindi normal na nandito siya ng ganitong oras. “Irene? Anong ginagawa mo rito?” tanong ko, bahagyang nababahala. Tumayo siya at lumapit sa akin, halatang may iniisip na mabigat. “Ma’am, pasensya na kung pumunta pa ako rito. Alam kong pagod ka na, pero kailangan mo itong malaman.” Napakunot-noo ako, p
Sabrina’s POV Pagdating ko sa labas ng building ng Jacobs Group, agad kong napansin ang kakaibang kasiglahan ng paligid. Maraming tao ang nakatambay sa harap ng entrance, ngunit hindi sila ang karaniwang empleyado o bisita na pumapasok sa opisina. Karamihan sa kanila ay may hawak na kamera, mikropono, at notepad. Mga reporters. Napakunot ang noo ko, agad na nakaramdam ng kaba sa loob ng dibdib ko. Wala akong press conference na naka-schedule ngayong araw, kaya’t imposibleng tungkol ito sa kumpanya. Alam ko na kaagad kung ano ang dahilan. Bago pa ako makapasok, sumugod ang ilan sa kanila patungo sa akin. Tila mga buwitre silang sabik makakuha ng impormasyon. “Ms. Jacobs, anong masasabi niyo tungkol sa kumakalat na balita tungkol kina Roscoe Mendoza at Shaira Generoso?” tanong ng isang babaeng reporter, halos i*****k ang mikropono sa mukha ko. “Ms. Jacobs, totoo bang si Roscoe Mendoza ay si Ryan Jacobs?” sabat naman ng isa pang lalaki, ang boses niya halos sumigaw. Nap
Sabrina’s POV Nakaupo ako sa dulo ng mahabang conference table ng opisina. Tahimik ang buong kwarto, pero ramdam ang tensyon sa paligid. Ang bawat empleyado, mula sa mga department heads hanggang sa mga communication officers, ay nakatingin sa akin, naghihintay ng anumang sasabihin ko. Ang aircon ay tila walang epekto sa bigat ng atmospera. “Thank you for coming,” panimula ko, ang boses ko ay mas malamig kaysa sa nararamdaman ko. Pilit kong pinapanatili ang composure ko, pero sa loob-loob ko, parang sasabog na ako sa halo-halong emosyon—galit, lungkot, at pagkabigo. Isa-isa kong tiningnan ang bawat tao sa loob ng silid. Karamihan sa kanila ay may halong takot at pag-aalala sa mukha. Alam kong lahat sila ay nag-aabang ng paliwanag tungkol sa mga kumakalat na larawan nina Ryan—ang lalaking iniisip ng lahat na patay na—at si Shaira Generoso, ang asawa niya ngayon bilang si Roscoe Mendoza. “Alam kong ang kumakalat na mga balita at larawan sa internet ay nagdulot ng malaking ingay,”
Sabrina’s POV Pagkatapos ng press conference, diretso na sana ako sa opisina ko. Pakiramdam ko ay naubos ang lakas ko sa bawat salitang binitiwan ko kanina. Ang bawat paghinga ay parang mabigat, at ang bigat ng mga tanong mula sa mga reporter ay patuloy na nakadagan sa akin. Habang papalapit ako sa pinto ng opisina, naramdaman kong tumunog ang telepono ko. Isang mensahe. Nang makita ko ang pangalan ng nagpadala, nanlamig ang mga daliri ko sa screen. Si Shaira Generoso. [Sabrina, I regret to inform you that I’m no longer interested in investing in Jacobs Group. Good luck with your future endeavors.] Parang kumukulong tubig ang dugo ko habang binabasa ang mensahe. Kaya niya akong iniwan nang ganito lang? Matapos ang lahat ng panahon, pagkatapos ng lahat ng effort ko para kumbinsihin siya kahit labag naman talaga sa loob ko ang kagustohan niya, ganito lang? Huminga ako nang malalim, pinilit kong kalmahin ang sarili bago binuksan ang pinto ng opisina. Ngunit ang sumalubong sa aki
Limang taon na ang nakalipas, pero ang bawat araw ay parang panibagong pahina ng isang magandang kwento. Kasama ko si Ryan at ang aming mga anak, si Shawn na limang taong gulang na, at si Evara na ganap nang dalaga sa edad na labing-siyam. Sa bawat sandali na magkasama kami, ramdam ko ang biyaya ng bagong simula na ipinagkaloob sa amin ng buhay.Nasa hardin kami ng aming bahay ngayon. Isang malawak na lugar na puno ng mga bulaklak, malalaking puno, at isang swing na siyang paboritong lugar ni Shawn. Nakaupo ako sa isang bench, pinapanood silang mag-ama habang naglalaro ng bola. Si Ryan, na parang hindi tumatanda, ay patuloy na tumatawa habang tinutulungan si Shawn na mag-shoot. Si Evara naman, na hawak ang kanyang sketchpad, ay tahimik na gumuguhit sa lilim ng puno ng mangga.“Mom, tingnan mo!” sigaw ni Shawn habang tumakbo siya papunta sa akin, hawak ang bola na mas malaki pa sa ulo niya. “Nakakailang shoot na ako, mas magaling na ako kay Daddy!”Napatawa ako at niyakap siya. “Talaga
Sabrina’s POVLast Chapter Nasa ospital kami ngayon, at habang pinagmamasdan ko ang maliit na anghel sa aking mga bisig, nararamdaman ko ang isang napakagandang uri ng kaligayahan. Ang puso ko ay puno ng pagmamahal na hindi ko kayang ilarawan sa mga salita. Andito si Ryan, hawak ang aking kamay, at tinitingnan ang aming anak, at wala nang hihigit pa sa saya ko ngayon.Hindi ko akalain na ganito magiging ka saya ang mga sandali namin bilang magulang. Na kami ni Ryan ay magkasama sa bawat hakbang ng aming buhay, hindi na kami maghihiwalay pa. Minsan, naiisip ko kung paano nangyari ang lahat—mula sa aming magulong simula hanggang sa pagkakaroon namin ng anak. Ang mga pag-subok na dumaan sa buhay namin, bawat luha, bawat tawa—lahat iyon ay nagbigay sa amin ng lakas at pagpapahalaga sa isa’t isa.“Ikaw na ba ‘yan, little one?” wika ni Ryan habang pinagmamasdan ang baby namin na mahimbing na natutulog sa aking mga bisig. “Ang saya ko na may anak tayong ganito. Ang guwapo. Mana sa akin.”Hi
Sabrina’s POVIlang buwan na ang lumipas, at ramdam ko ang bigat ng mga sandali habang palapit ng palapit ang araw ng aking panganganak. Hindi ko alam kung anong klaseng kaba ang nararamdaman ko—kasabay ng tuwa at excitement na lumalaki na ang pamilya namin ni Ryan. Hindi ko alam kung ano ang aasahan, ngunit ang sigurado lang ako, nagmamahalan kami at nagsisilbing lakas namin ang isa't isa.Ngunit sa mga gabing ito, hindi ko maiwasang makaramdam ng kaba. Ang bawat araw ay tila lumilipas nang mabilis, at sa bawat araw na lumilipas, mas nararamdaman ko ang pangangailangan na maging handa kami sa lahat ng aspeto ng aming buhay bilang magulang.Nasa opisina kami ni Ryan ngayon, nag-uusap ng mga detalye tungkol sa kumpanya at ang mga susunod na hakbang na gagawin namin. Ngunit sa bawat tanong niya sa akin tungkol sa trabaho, may panandaliang distansya sa aming usapan. Alam ko na pareho kami ng iniisip—ang susunod na hakbang sa aming pamilya.Ngunit naroon si Ryan, tumitingin sa akin ng may
Sabrina’s POVTahimik ang buong safe house ng mga oras na iyon, ngunit alam ko na ang araw na ito ang magtatapos sa isang bagong simula para sa amin ni Ryan. Habang kami ay magkasama sa maliit na kwarto, naghahanda sa mga susunod na hakbang, ramdam ko na ang mga alalahanin na kinikimkim ni Ryan."Ryan, ano na ang nangyari sa kaso?" tanong ko, ang mata ko nagmamasid sa kanya habang hawak niya ang mga dokumento.Tumingin siya sa akin, ang mga mata niya puno ng determinasyon at kaseryosohan. "Sabrina, malapit nang matapos ang lahat ng ito. Ang mga ebidensiya laban kay William ay malakas at sa mga susunod na araw, magbibigay na kami ng pahayag. Pero hindi pa tapos, kailangan natin maging alerto."Hinawakan ko ang kanyang kamay at pinisil ito. "Anumang mangyari, hindi tayo magpapatalo. Alam ko, magkakasama tayo sa laban na ito."Ang bawat salita ko ay may kasamang pag-asa at lakas na kahit ilang beses pang magkasunod-sunod ang mga pagsubok, kakayanin namin, basta’t magkasama kami.Habang p
Sabrina’s POVTahimik ang paligid ng mansion, pero ramdam ko ang bigat ng tensyon. Dalawang araw na mula nang dumating ang kakaibang package na iyon, at simula noon ay hindi na ako mapakali. Kahit doble ang seguridad sa paligid ng bahay, hindi ko maiwasang kabahan, lalo na kapag iniisip ko si William—at kung ano pa ang kaya niyang gawin.Si Ryan naman, kahit harap-harapang ipinapakita niyang kalmado siya, alam kong malalim ang iniisip niya. Ilang beses ko siyang nahuli na tahimik na nakatingin sa kawalan, ang panga niya naninigas habang hawak ang telepono, na para bang may hinihintay na tawag o mensahe.Nasa study siya ngayon, kausap ang mga tauhan niya tungkol sa mga susunod na hakbang. Ako naman, nasa sala at nakahiga sa sofa, iniisip ang baby namin. Pilit kong inaalis ang takot sa isip ko. Para sa baby namin, kailangan kong maging matatag.Biglang tumunog ang telepono ko. Pagkakita ko ng pangalan sa screen, mabilis ko itong sinagot.“Hello, Brandon?” tanong ko, ang kaba sa dibdib k
Sabrina’s POVTahimik ang gabi. Habang nakahiga kami ni Ryan sa kama, magkatabi at magkahawak-kamay, ramdam ko ang init ng pagmamahal niya. Sa pagitan ng mga paghinga namin, ang huni ng kuliglig sa labas ay parang musika sa tainga ko. Idinantay niya ang kamay niya sa tiyan ko, para bang naroon ang lahat ng mundo niya.“Love,” sabi niya, pabulong, habang iniikot-ikot ang hinlalaki niya sa tiyan ko, “naiisip ko, paano kaya kung kambal ang baby natin?”Napangiti ako. “Baka mas lalo kang hindi makatulog sa sobrang excitement,” sagot ko, kahit bigla akong kinabahan sa ideya.Tumawa siya, ang boses niya mababa at puno ng saya. “Seryoso, Sabrina. Hindi ko alam kung kakayanin ko. Isang baby pa lang ang iniisip ko, parang sasabog na ang puso ko sa tuwa. Paano pa kung dalawa?”“Then doble ang saya, love,” sagot ko, idinantay ang ulo ko sa dibdib niya.Tahimik kaming dalawa, hinahayaan ang sandaling iyon na magpatuloy, pero biglang tumunog ang telepono niya sa side table. Napakunot ang noo ko da
Sabrina’s POVAng tunog ng makina ng kotse ay banayad habang patungo kami sa ospital. Si Ryan ang nagda-drive, pero ramdam ko ang tensyon sa bawat paghawak niya sa manibela. Ilang beses na siyang sumulyap sa akin, nag-aalala kahit wala namang dapat ikabahala.“Love, relax ka lang,” sabi ko, pinipilit na huwag matawa sa hitsura niya. “Hindi ito warzone.”“Paano ako mare-relax kung ang lahat ng mahalaga sa buhay ko ay nasa iisang katawan?” sagot niya, seryosong-seryoso habang panandaliang ibinaba ang tingin sa tiyan ko.Napailing ako habang napangiti. “Ryan, routine check-up lang ito. Okay lang kami ni baby, promise.”“Hindi sapat ang ‘okay’ para sa akin, Sabrina. Gusto kong marinig mula sa doktor na perfect kayong dalawa.”Ngumiti lang ako at hinayaan siyang mag-alala. Sa totoo lang, ang pagiging protective niya ang pinakagusto ko. Iba ang saya ng pakiramdam na para akong prinsesang binabantayan ng hari.Sa OspitalPagdating namin sa ospital, agad kaming sinalubong ng nurse at ng dokto
Sabrina’s POVAng sinag ng araw ay banayad na sumisilip mula sa bintana, dumadampi sa mga kurtina at sa mukha ni Ryan na nakahiga sa tabi ko. Mahimbing ang tulog niya, parang isang batang walang iniisip na problema. Hindi ko mapigilan ang mapangiti habang pinagmamasdan siya. Hindi ko inakala na darating ang araw na makakaramdam ako ng ganitong klaseng kapayapaan—kasama ang lalaking mahal na mahal ko, at ang bagong buhay na binuo namin.Marahan kong inilapat ang kamay ko sa tiyan ko. Hindi pa halatang buntis ako, pero ramdam ko na ang bagong simula sa bawat araw. Parang bawat galaw ko ngayon ay may kasamang kakaibang saya, at ang dahilan ay nasa tabi ko.Bigla niyang hinuli ang kamay ko gamit ang sarili niyang kamay, kahit nakapikit pa rin siya. “Kanina ka pa gising,” bulong niya, habang inaangat ang mga mata upang tumingin sa akin.Napangiti ako. “Paano mo nalaman?”“Ang lakas ng pagmamahal mo, love. Nararamdaman ko kahit tulog ako,” sabi niya, sabay hatak sa akin papalapit. Hinalikan
Sabrina’s POVHindi ko alam kung ilang minuto akong nakaupo sa gilid ng kama, hawak-hawak ang pregnancy test na nanginginig ang mga kamay. Dalawang malinaw na guhit. Dalawang guhit na kayang baguhin ang lahat.“Positibo…” bulong ko sa sarili ko, halos hindi makapaniwala. “Buntis ako…”Tumulo ang luha ko, pero hindi ko mawari kung ito ba ay dahil sa tuwa, kaba, o halo na ng lahat ng emosyon.Napatingin ako sa pinto ng kwarto, iniisip kung paano ko sasabihin kay Ryan. Alam kong magugulat siya, pero sa parehong paraan, alam kong magiging masaya rin siya. Napahawak ako sa tiyan ko, isang maliit na buhay ang nagkakaroon ng pag-asa sa loob ko.Bumaba ako ng hagdan, hinahanap si Ryan na kanina pa nagbasa ng mga dokumento sa study room. Hindi ko alam kung paano sisimulan ang usapan. Paano ko ba ipapaliwanag ang nararamdaman ko ngayon?Pagpasok ko sa study room, tumambad sa akin si Ryan, nakaupo sa swivel chair at seryosong nakatitig sa laptop niya. Pero nang maramdaman niya ang presensya ko,