Share

Chapter 52

Penulis: eleb_heart
last update Terakhir Diperbarui: 2025-01-25 12:01:50

“Ano sa tingin mo?” tanong ni Melinda pagkatapos niyang maglapag ng ilang milyon sa ibabaw ng mesa. Nakita niya naman kung paano nagliwanag ang mga mata ng kaharap niya kaya sa loob loob niya ay hindi niya maiwasang hindi maging masaya.

Pera lang talaga ang makakapagpasaya sa lahat. “Mukhang napalaki ng atraso sa inyo ng bagong CEO ng kumpanya.” komento nito sa kaniya.

Agad niya namang pinulot ang tasa na nasa harap niya at pagkatapos ay humigop doon ng kape. “Malaki talaga. Yung kumpanyang pinaghirapan ko ay basta-basta na lang mapupunta sa kaniya. Sa tingin niya ba talaga ay ganun ko lang kadali na matatanggap ang lahat? Handa akong gawin ang lahat para maibalik sa akin kung ano ang nararapat.” sabi niya at pagkatapos ay muling tumitig sa mga mata nito. “Kaya, kailangan ko ang tulong mo.” ibinaba niya ang tasa sa mesa. “Hindi lang yan ang makukuha mong pera kung sakali dahil makakakuha ka pa ng ibang danyos kung sakali.”

Hindi naman ito nagsalita at tila ba nag-isip muna sandali hab
Lanjutkan membaca buku ini secara gratis
Pindai kode untuk mengunduh Aplikasi
Bab Terkunci
Komen (3)
goodnovel comment avatar
Analyn Arañez Reyes
NXT pls author update po tnx u
goodnovel comment avatar
eleb_heart
on going papo kasi ito.
goodnovel comment avatar
JaeMae Dytioco
bakit halos mga binabasa ko n story laging walang kasunod at npaka tagal?
LIHAT SEMUA KOMENTAR

Bab terkait

  • Carrying The Zillionaire Triplets   Chapter 53

    Pagdating na pagdating palang ni Kath sa may kumpanya ay kaagad na niyang napansin ang tila ba komusyon. May ilang mga tao na pilit na pumpasok sa loob ngunit pinipigilan naman ito guard. May nakita din siyangmga empleyadoniya ang pilit na nakkikipag-usap sa mga tao ngunit patuloy na sumisigaw ang mga ito.“Ilabas niyo siya!” sigaw ng isa.“Kailangan namin siyang makausap, dahil kasalanan niya ang nangyari! Kasalanan niya! Kailangan niyang bayaran ang danyos dahil sa palpak na pagpapatayo niya ng building ko!” sigaw pa ng isa.Kaagad naman na nagsalubong ang kilay ni Kath nang marinig niya ang sinabi nito. Malinaw niyang narinig na palpak daw diumano ang pagtatayo ng building nito ngunit kung tutuusin ay ilan pa lang ang nakuha nilang project simula nang dumating siya sa kumpanya kaya wala siyang kaalam-alam sa sinasabi nito.Hindi nga nagtagal ay nagulat na lang siya nang bigla na lang may humila sa kaniya sa isang tabi. Nang lingunin niya ito ay nakita niya si Shaira na palingon-li

    Terakhir Diperbarui : 2025-01-28
  • Carrying The Zillionaire Triplets   Chapter 54

    PALAKAD-LAKAD si Lindy sa harap ng sofa habang hinihintay si Melinda. Ilang sandali pa nga ay narinig na niya ang pababang mga yabag at nang itiningala niya ang kanyang ulo ay nakita niya ang sambakol na mukha nito habang naglalakad.“Mukhang nabalitaan mo na rin kaya ka nandito.” sabi nito sa kaniya.“Akala ko ba ay ang D.A Builders ang nagtayo ng building? Bakit ngayon ay lumalabas na hindi naman pala kundi sa asawa ko?” hindi niya maiwasang mapataas ang boses dahil sa kanyang inis. Paano ba naman na hindi siya susugod doon ay nalaman niya na ang bagsak ngayon ng ginawa nila ay kay Noah.Alam niya na hindi lang ito ang apektado kundi maging ang reputasyon ng kumpanya. Ang isa pang ikinababahala niya ay tiyak na hindi ito agad-agad na maniniwala na basta na lang nag-collapse ang building na ginawa nito. Hindi ito ganun kadaling maniwala lalo na at alam nito ang quality ng ginagawa nito.“Iyon na nga rin ang iniisip ko. Hindi ko na-check ng mabuti dahil ang akala ko ay ang D.A Builder

    Terakhir Diperbarui : 2025-02-01
  • Carrying The Zillionaire Triplets   Chapter 55

    TATLUMPONG MINUTO pa ang lumipas ngunit hindi pa rin napatahan ni Noah ang si ALexa kaya nagpasya na siyang dalhin na ito sa ospital. Kung kanina pa ito iyak ng iyak ay sigurado siya na may problema na ito at pagdating nga sa ospital ay nalaman nila na may kabag lang ito kaya iyak ito ng iyak.Habang pinapaunod niya si Alexa na nakahiga sa kama ay hindi niya maiwasang hindi isipin ang sinabi sa kaniya ni Auring tungkol nga kay Lindy. Napabuntung-hininga siya at pagkatapos ay lumabas ng silid nito. Eksakto namang paglabas na paglabas niya ay nakita niya ang humahangos na si Lindy papunta sa kaniya. Puno ng pag-aalala ang mukha nito. “Nasaan ang anak natin? Kamusta siya? Okay lang ba siya?” sunod-sunod na tanong nito at sa mga mata nito ay nakita niya ang pangingilid ng mga luha nito.Dahil sa itsura nito ay hindi niya napigilan ang sarili niya na yakapin ito ng mahigpit. Sa puntong iyon ay humagulgol na ito habang yakap-yakap niya. Bigla siyang napabuntong-hininga ng wala sa oras at na

    Terakhir Diperbarui : 2025-02-03
  • Carrying The Zillionaire Triplets   Chapter 55

    PAGDATING PA LANG ni Noah sa kanyang opisina ay agad nang pumasok doon si Alec. dahil doon ay awtomatikong nagsalubong ang kanyang mga kilay habang nakatingin dito. “What? Ang aga-aga.” bungad niya kaagad dito.Masyado pang maagad para ma-stress siya sa ano mang sasabihin nito. “Kanina pa kita hinihintay sir.” mabilis na sabi nito at umupo na sa upuan na nasa harap ng kanyang mesa. Agad niyang naman tinanggal ang suot niyang suit at isinabit ito sa sabitan na nasa gilid.“Ano naman ba kasi ang ibabalita mo? Kamusta na pala yung pinapa-imbestigahan ko sayo?” tanong niya at naupo na rin sa upuan niya.“Well, kaya nga kanina pa kita inaantay dahil tungkol doon ang ibabalita ko.” sabi nito at base sa ekspresyon ng mukha nito ay para bang masaya ito kaya hindi niya maiwasang magtaka at mapakunot ang noo.“Anong tungkol doon?” tanong niya na may interes.“Tama nga ang hinala mo. umamin na ang may ari ng building na sinadya niyang mag-collapse ang building para humingi ng danyos sa kumpanya.

    Terakhir Diperbarui : 2025-02-03
  • Carrying The Zillionaire Triplets   Chapter 56

    NAGMAMADALI NAMANG lumabas ng opisina niya si Shaira na nang hindi na nagpapaalam sa kaniya. Binati lang nito sandali si Noah at kumaripas ng lumabas. Marahil ay natakot ito sa itsura nito dahil maging siya ay hindi niya maiwasang bumilis ang tibok ng puso niya. Ni ibuka niya ang bibig ay hindi niya magawa at nakatitig lang dito. Pinanuod niya lang ito na naglakad patungo sa kaniya na may mabangis na ekspresyon habang nakatingin sa kaniya na para bang lalamunin siya nito ng buhay. Napalunok na lang siya bigla. “A-anong ginagawa mo rito?” halos nauutal na tanong niya. Hindi niya nga akalain na sa paglipas ng ilang taon ay mauutal pa siya sa harap nito idagdag pa na hindi naman ito ang unang pagkikita nila pagkalipas ng mga taon. Pero kasi pakiramdam niya simula nang pumasok ito sa loob ng opisina niya ay para bang sumikip bigla ang paligid at hindi siya makahinga.“Ano sa tingin mo ha?” malamig na tanong nito dahilan para magtayuan ang mga balahibo ni Kath. sa tono pa lang ng boses ni

    Terakhir Diperbarui : 2025-02-04
  • Carrying The Zillionaire Triplets   Chapter 57

    BIGLANG KUMUNOT ang noo ni Kath at hindi makapaniwala sa mga pinagsasasabi sa kaniya ni Noah ng mga oras na iyon. “Pwede ba Noah. Umalis ka na ngayon din kung ayaw mong ipakaladkad kita palabas dito sa kumpanya ko.” mabilis na sabi niya rito.Napatawa naman ito habang nakatingin sa kaniya. “Ang tapang mo na talaga ngayon.” malamig na sabi nito habang nakatingin sa kaniya. Hindi naman siya nagpatalo rito at sinalubong niya nang walang takot ang mga mata nito. Wala siyang dahilan para matakot dito lalo pa at nasa teritoryo niya ito. Kung ang dating siya ang kaharap nito ng mga oras na iyon ay tiyak na nagsusumiksik na siya sa gilid sa labis na takot ngunit ibang-iba na siya ngayon kaya hinding-hindi na siya matatakot dito ngayon.“Dahil ba ikaw na ang CEO ngayon nitong kumpanya na itinayo ng lolo mo at pinaghirapan ng Tita mo?” tanong nito sa kaniya at base sa tono ng boses nito ay punong-puno iyon ng pangungutya na mas lalo pang nagpakuyom sa mga kamay niya. “O dahil naakit mo na si Th

    Terakhir Diperbarui : 2025-02-06
  • Carrying The Zillionaire Triplets   Chapter 58

    “YO-HOO!” sabi ni Alec at iwinagayway pa ang kamay nito sa harap niya dahilan para mahila siya mula sa kanyang pag-iisip. Wala sa sariling napatingin siya rito.“Ano nga ulit yung sinasabi mo?” tanong niya rito.Napabuntong-hininga naman ito. “Alam mo, siguro ay pagod ka lang. Why don’t you go home and rest?” tanong nito sa kaniya.Sa puntong iyon ay ibinaba naman niya ang kanyang mga hawak na papel at napasandal sa kanyang kinauupuan. “Tutal ay alas tres na ng hapon, maaga man pero okay na iyon. Umuwi ka na at magpahinga.” sabi nito sa kaniya.Kinusot niya naman ang kanyang mga kilay at tiningnan ang kanyang suot na relo. Alas tres na nga ng hapon. Hindi niya akalain na napakabilis ng paglipas ng oras at hanggang sa mga oras na iyon ay hindi pa rin siyang kumakain. Nalipasan na siya ng gutom o mas tamang sabihin na sa dami ng kanyang iniisip ay hindi na siya nakaramdam pa ng gutom.Napabuntong-hininga na lamang siya. “Siguro nga tama ka. Uuwi na muna ako.” sabi na lamang niya lalo pa

    Terakhir Diperbarui : 2025-02-06
  • Carrying The Zillionaire Triplets   Chapter 60

    LINGGO NG gabi, katatapos lang ni Kath na makipag-usap sa mga anak niya at patulog na sana nang biglang tumunog ang kanyang cellphone at may nag-notif doon. Nang tingnan niya ito ay may nag-add friend sa kaniya sa kanyang social media account at nang tingnan niya ang pangalan ay tila ba pamilyar ito sa kaniya. Hindi siya basta-basta nag-aaccept ng mga request kaya ang ginawa niya ay inistalk niya muna ito at nakita niya na ang account pala na iyon ay kay Auring, ang kasambahay nila Noah.Dahil medyo naging mabait naman ito sa kaniya noong mga panahong nasa bahay pa siya nila Noah ay hindi siya nagdalawang isip na pindutin ang accept button bago tuluyang matulog.KINABUKASAN, maagad siyang bumangon para gumayak sa pagpasok niya sa kanyang opisina. Idagdag pa na sa araw na iyon ay iyon na ang groundbreaking para sa project nila na building ni Mr. Montemayor at bilang CEO ng D.A Builders ay kailangan niyang magpakita doon dahil kasali siya sa seremonya. Para maging komportable siya sa ka

    Terakhir Diperbarui : 2025-02-07

Bab terbaru

  • Carrying The Zillionaire Triplets   Chapter 70

    NAPAHAWAK SI KATH sa kanyang ulo nang magkaroon siya nang malay. Masakit ang ulo niya. Ilang sandali pa ay bigla na lamang siyang napabangon bigla nang maalala niya ang huling tagpo bago siya tuluyang mawalan ng malay. Halos mapasabanot siya sa kanyang buhok at nang imulat niya ang kanyang mga mata ay nakita niya si Noah na nakasandal sa pader at madilim ang mukha na nakatingin sa kaniya.Bigla niyang niyuko ang sarili niya at tiningnan ang suot niya at suot pa rin naman niya ang kanyang gown. Hindi niya alam kung ano ang nangyari. Nang ilibot niya ang kanyang tingin sa loob ay agad niyang nalaman na nasa hotel siya. “A-anong nangyari?” nauutal na tanong niya at pagkatapos ay napahawak sa kanyang leeg dahil pakiramdam niya ay natuyuan ito bigla.Nakita niya ang paggalaw ng panga nito at doon pa lang ay alam na niyang galit ito ng mga oras na iyon. Pero bakit naman sana ito magagalit sa kaniya? Wala naman siyang ginagawa rito?Napaatras na lamang siya at napasandal sa kama nang makita

  • Carrying The Zillionaire Triplets   Chapter 69

    MABUTI NA LANG at hindi na nahirapan pa si Noah na pagsalitain ang lalaking nakita niya kanina. Sinabi nito kaagad kung saan dadalhin si Kath. pagdating niya sa Hotel room kung saan ito dinala ay agad niyang binuksan ang pinto gamit ang susi na nakuha niya mula sa staff ng hotel mismo.Pagpasok niya sa loob ng silid ay nakita niya si Kath na nakahiga at wala pa ring malay na nakahiga sa kama habang ang matandang lalaki ay wala ng damit pang-itaas kung saan ay nakalabas na ang malaki nitong tiyan. Sa kanyang galit ay mabilis niyang hinila ito at pinagsusuntok hanggang sa halos magmakaawa na ito sa kaniya.Kaagad niyang nakilala ang matanda na isa sa mga walang kwentang tao para sa kaniya. “Hindi mo ba alam kung sino ako para gawin mo ito sa akin?” pagbabanta pa nito sa kaniya pagkatapos niyang paulanan ito ng suntok.Kahit na may dugo na ang sulok ng mga labi nito ay nagagawa pa rin nitong magyabang sa kaniya na mas lalo pang ikinagalit niya. “Sa tingin niyo matatakasan niyo itong gina

  • Carrying The Zillionaire Triplets   Chapter 68

    “Thank you…” sabi ni Kath kay Clyde pagkalipas ng ilang sandali.Awtomatiko namang napataas ang kilay ni Clyde nang marinig niya ang pagpapasalamat nito. “Thank you for what?” “For accompanying me.” sabi ni Kath at ngumiti rito. “I really enjoyed chatting with you.” dagdag pa niya. Ilang sandali pa ay bigla na lang tumunog ang cellphone ni Kath at nang tingnan niya kung sino ang tumatawag ay nakita niyang si Nina iyon. Dahil dito ay hindi niya maiwasang hindi mag-alala dahil dito kaya nagpaalam na muna siya kay Clyde at tumango lang naman ito.Wala siyang iniwang gamit niya sa mesa at dinala na rin niya ang kanyang purse dahil wala na siyang balak pang bumalik sana. Pagkalayo niya ay nagpunta siya sa garden at doon niya sinagot ang tawag ni Nina. “nina…” bungad niya kaagad.“Kamusta ka na diyan ma’am Kath?” puno ng pag-aalalang tanong nito.“Okay lang ako ano ka ba. Isa pa ay pauwi na rin ako.” sabi niya rito.“Ah sige po.” sabi naman nito. “Mag-ingat kayo. Hihintayin ko na kayo.” sa

  • Carrying The Zillionaire Triplets   Chapter 67

    DALI-DALING binawi ni Kath ang kanyang kamay mula rito ng wala sa oras at dahil na rin sa matinding gulat. Buong akala niya kasi ay makikipagkamay lamang ito sa kaniya ngunit laking gulat niya nang halikan nito ang kamay niya. “I’m sorry…” dali rin naman nitong paghingi ng paumanhin sa kaniya.Sa totoo lang, noong unang magkakilala rin sila ni Thirdy ay hinalikan din nito ang kamay niya ngunit hindi naman naging ganun kalala ang reaksyon niya. Masyado kasing estranghero si Clyde para sa kaniya. “Okay lang, medyo nagulat lang ako.” sabi na lamang niya.Mabuti na lamang at dumating na ang mga nagse-serve ng mga pagkain kaya hindi na sila nakapag-usap pa na labis na ipinagpapasalamat niya. Ang plano niya ay kakain lang siya ng kaunti at magpapakita sa may birthday para pagkatapos nun ay tatakas na siya. Wala din naman siyang kakilala sa mga taong naroon. Bigla niya tuloy naisip na sana pala ay pumayag na lamang siyang samahan siya ni Nina e di sana ay hindi siya parang kawawa ng mga oras

  • Carrying The Zillionaire Triplets   Chapter 66

    Pagdatiing na pagdating ni Kath sa Venue ng party ay kaagad na bumungad sa kaniya ang napakarangyang set up sa paligid. Ginanap ang party sa isang private resort na ay pool area. Ang punction hall ay napapalamutian ng napakagandang mga design na angkop na angkop sa edad ng may birthday.May live band din doon at marami na ring tao ng mga oras na iyon nguinit kahit na napakarami nang tao ay wala ni isa siyang kilala doon kaya hindi niya alam kung paano siya makikipagkilala sa mga ito. idagdag pa na ang mga nakikita niya ay mga pares at parang siya lang ang walang kapartner. Bigla niya tuloy naisip si Thirdy ng wala sa oras. Tiyak n kung nandito lang ito ay paniguradong hindi ito papayaga na pumunta siya doong mag-isa.Ilang sandali pa nga ay nag-umpisa na ang birthday party, naghanap na lang siya ng mauupuan niya sa pinakagilid at medyo malayo sa stage kung saan ay maraming tao. Sa na-pwestuhan niya ay wala siyang kasama sa isang mesa na para bang napaka-loner niya ngunit wala siyang p

  • Carrying The Zillionaire Triplets   Chapter 65

    ILANG ARAW NA naging tahimik ang buhay ni Kath. trabaho bahay lang siya at nauubos ang kanyang oras sa mga paperworks sa kanyang opisina at pakikipag-usap sa mga anak niya ngunit isang hapon ay nakatanggap siya ng isang imbitasyon. Isa iyong birthday party ng isa sa mga kilalang tao sa lipunan. Dahil nga isa siya sa inimbitahan ay alam niya na mapapahiya siya kapag hindi siya dumalo doon kaya wala siyang pagpipilian. Ayaw man niya na dumalo ay wala siyang magagawa. Kung ang pagdalo sa party na iyon ang magiging daan para magkaroon siya ng mga koneksyon sa mundo ng negosyo ay handa niyang gawin para sa ikalalago pa ng kumpanya ng lolo niya.Mabilis nga na lumipas ang isang araw at nang mga oras na iyon ay dumating na ang oras para maghanda siya. Nasa harap siya ng salamin at nakatitig sa kanyang sarili. Nakapaglagay na siya ng light makeup sa kanyang mukha at maging ng kanyang mga alahas. Nakasuot nga lang pala siya ng isang kulay silver na gown na may slit sa kanyang mga hita at medyo

  • Carrying The Zillionaire Triplets   Chapter 64

    MABILIS NA LUMIPAS ang araw at libing na nga ni Auring. Dahil galing pa siya sa kanyang opisina ay sa simbahan na lamang siya dumiretso lalo pa at may misa pa namang ginaganap doon ngunit nagulat siya nang akmang papasok na sana siya sa loob ng simbahan ay may humawak bigla sa kamay niya.Nang lumingon siya sa kanyang likuran ay nakita niya doon ang nakatayong asawa ni Noah na nag-aapoy ang mga mata. “Ang lakas talaga ng loob mo na magpakita rito kahit na alam mong hindi ako komportable na makita ka!” sigaw nito bigla. Dahil sa lakas ng tinig nito, maging ang ibang nasa loob na ng simbahan ay napalingon na sa kanila.“Bitawan mo ako.” mahinahon pa rin niyang sabi rito sa kabila ng paghihisterya nito. “Wala akong alam sa sinasabi mo at isa pa, narito ako para makipaglibing at hindi ng katulad ng nasa isip mo.” malamig na dagdag niya pa rito.Tumaas lamang ang sulok ng mga labi nito habang nakatingin sa kaniya. “Sa tingin mo ba ay maniniwala ako sayo na wala kang binabalak na masama?” n

  • Carrying The Zillionaire Triplets   Chapter 63

    HUMAHANGOS na tumakbo si Kath patungo sa ospital at doon na nga niya nakita ang umiiyak na kapatid pala ni Auring sa labas ng morgue. Nang makita niya ito ay dali-dali niya itong nilapitan at sinubukang aluhin mula sa pag-iyak nito sa pamamagitan ng paghaplos niya sa likod nito.Napakarami niyang tanong na gustong tanungin ngunit nagdadalawang isip siya kung magtatanong ba siya rito o ano pero sa huli ay ibinuka niya rin naman ang kanyang bibig dahil gusto niyang malaman kung ano nga ba talaga ang nangyari. “Kung hindi mo mamasamain, pwede ko bang malaman kung ano ang nangyari?” maingat na tanong niya rito. Kailangan niyang mag-ingat dahil alam niya na nagluluksa pa rin ito dahil sa pagkawala ng kapatid nito.Suminghot ito. “Noong isang araw ay aksidente raw siyang nadulas sa may hagdan dahilan para mabagok ang ulo niya at nahulog nga siya sa coma. Akala ko ay okay na ngunit hindi pa rin pala. Nagulat na lang ako kanina paglabas ko dahil tinawagan ako ni Ma’am Lindy na kuhanin ang mg

  • Carrying The Zillionaire Triplets   Chapter 62

    TINANGGAP na lamang ni Kath ang bulaklak na inabot sa kaniya ni Thirdy. “Salamat.” sabi na lamang niya at hindi na pinansin pa ang sinabi nito. “Siya nga pala, anong ginagawa mo rito?” tanong niya pagkalapag ng bulaklak sa kanyang mesa.Napasimangot naman ito at humawak sa dibdib nito na para bang nasaktan ito ng sobra dahil sa sinabi niya. “Para namang ayaw mo na akong makita. Hindi mo ba alam na nakakasakit ka.” sabi nito at umarte pa.Napailing-iling na lamang siya at napangiti. Inaasar na naman siya nito alam niya. “Hindi nga kase? Bakit nga?” ulit niyang tanong dito. Ang alam niya kasi ay nagpapagaling pa ito kaya hindi pa ito nagpupunta sa kung saan-saan kaya laking pagtataka niya nang bigla na lang itong sumulpot doon.Sumeryoso naman ang mukha nito at pagkatapos ay napabuntong-hininga. “Well, nag-aalala lang ako sayo dahil sa mga nangyari.” sabi nito at tumingin sa kaniya. “Ayos ka lang ba?”Nagulat naman siya sa tanong nito at pagkatapos ay ngumiti. “Oo naman, ano ka ba. Huwa

Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status