Kinuha ko kaagad ang perang ipinadala ng kampo ni Chloe. Bukas ay sisimulan ko nang asikasuhin ang pagkuha ng flight patungong New York. Hindi ko pa sigurado kung magtatagal ako doon pero bahala na.
Tumayo ako at iniharang ang mesa at upuan sa pinto ng aking kwarto. Tinabingan ko din ng makapal na kumot ang bintana. Mahirap na baka bigla na lamang akong pasukin ng Zid na iyon.
Sabi pa naman niya kanina bago umalis, he will keep an eye on me. Hindi ba't iyon ang ginagamit na linya ng mga kontrabidang lalaki sa pelikula? Kaya't kailangan kong magdoble ingat.
Binuksan ko ang aking laptop at binura ang video ng ChloTan. Binura ko na din ang dummy account ko sa IG. Ni-reformat ko din ang aking cellphone at tinapon ang ilang wigs at bagay na ginagamit ko sa pag-disguise. Mahirap na baka kinabukasan paggising ko ay marami nang parak sa labas ng kwarto ko. Mas mabuti nang wala silang ebidensya na makukuha laban sa akin.
Nagsimula na din akong mag-empake ng mga damit. Kaunti lamang iyon upang hindi mahirap dalhin. Ipamimigay ko na lamang ang matitira kay Fredo at sa mga kapatid niya. Kahit naman naiinis ako sa pangbubuking ng baklang iyon sa'kin ay naiintindihan ko pa din naman siya.
Bukas na bukas din ay maghahanap ako ng malilipatan hanggang sa araw ng flight ko.
Kung hindi ba naman napakademonyo at pakialamero ng lalaki na iyon para pagbantaan ako, 'di sana'y wala akong inaalala ngayon.
Ano ba naman kasi ang mapapala niya kung ipagkakalat niya ang video na iyon?
Baka naman gustong ipagyabang na pumatol sa kan'ya si Chloe kahit may boyfriend na ito. Para saan? Para patunayan na gwapo siya at malakas ang appeal?
Gwapo naman talaga siya.
Pero masama ang ugali niya. Kabit pa din siya kahit gwapo pa siya. Mas angat pa din ang taong may magandang pagkatao kaysa sa mala-greek god na pangangatawan at makalaglag pangang itsura ngunit masama naman ang pag-uugali.
Hindi pa sumisikat ang araw kinabukasan ay umalis na ako ng kwartong inuupahan ko. Nag-iwan na lamang ako ng note sa pinto ng bahay ni Madam Ome. Wala naman akong utang na renta sa kan'ya kaya maaari na akong umalis.
Dumaan muna ako sa bahay ni Fredo. Tinawag ko nang malakas ang kan'yang pangalan. Maagang magising ang baklang iyon dahil may pasok pa sa eskwela ang kan'yang mga kapatid.
Nang makita niya ako sa may gate ay hindi niya alam kung lalapit ba siya o isasara muli ang pinto ng bahay nila, ngunit binigyan ko siya ng matamis na ngiti. Alanganin siyang lumapit sa akin at binuksan ang gate.
Pinagmasdan niya ang mga dala kong gamit at natatakot na tiningnan ako. Akala siguro'y makikitira ako sa kanila.
"Mga damit 'yan, baka may kasya na d'yan kay Fiela," sabi ko sabay abot sa kan'ya ng isang bag. "Saka ito, pambili mo ng pangkilay hindi sa'yo bagay ang kulay itim para kang angry birds," sabay abot sa kan'ya ng dalawang libong pera.
Kung kanina ay natatakot ang ekspresyon na nakikita ko sa kan'yang mga mata ngayon naman ay nagniningning ito sa kasiyahan. Sino ba naman ang hindi sasaya kapag naabutan ng pera nang ganito kaaga?
"Salamat talaga Kai. Saka sorry din sa ginawa ko," sinserong sabi niya.
"Wala 'yon, naiintindihan kita. Huwag na tayo magdramahan, aalis na ako," sabi ko.
"Saan ka na ngayon pupunta niyan?" tanong niya sabay tingin sa isang maleta na hawak ko at bagpack sa aking likod.
"Secret! Matapos mo akong ipagkanulo sa masamang lalaki na 'yon. Huwag mo nang alamin oy! Basta kapag hinanap niya ulit ako sa'yo sabihin mo nasa Bicol o di kaya'y sa Davao ako pumunta. Bahala ka na." Mas mabuti nang wala siyang alam para kapag nagkagipitan ay hindi ako mapapahamak.
Dumaan muna ako sa terminal upang iwan kay Tere ang aking mga gamit bago asikasuhin ang ilang mga papeles na kailangan ko upang makapag-book ng flight patungong New York.
Ang gastos pala. Sana man lang nilakihan ko ang perang hiningi kay Chloe.
Ginabi na ako sa paglalakad ng mga papeles. Ipinagpasalamat kong nakapagpa-book ako ng pinakamaagang flight sa susunod na linggo.
Isang linggo na lang makikita ko na siya. Na-e-excite ako at natatakot din. Masaya dahil kaytagal kong hinintay ang pagkakataon na makita siya sa personal pero nakakatakot din na baka katulad ng nanay ko, itakwil niya din ako.
Marahas akong bumuga ng hangin mula sa bibig upang alisin ang mga negatibong bagay na pumapasok sa aking isipan. Inabala ko ang sarili sa pagtingin sa mga store na dinaraanan ko patungong terminal.
Katulad ng dati, palaging napapahinto ang mga paa ko tuwing napapadaan sa tindahan ng mga camera. Ang sarap sigurong makahawak nang pinakamahal at latest na version ng camera.
Kahit simpleng camera lang naman ay ayos na sa'kin, ang mahalaga'y makakuha ako nang napakagandang larawan at makilala din sa buong mundo katulad ng iniidolo kong si Theodore Davis.
"It seems that prey takes her own way to the predator." Tumindig ang balahibo ko nang makaramdam ng kiliti sa aking kanang tainga mula sa bulong ng isang lalaki.
Lumingon ako ngunit mabilisan din napaatras nang makitang kaunting pulgada na lamang ang agwat ng mga mukha namin.
"Mukha ka yatang nakakita ng multo, Miss? Mister?" sabi ni Zid. Tila nalilito pa din kung ano ang itatawag sa'kin.
Dapat ay tumatakbo na ako paalis kaya lang ito na naman 'yong mga titig niyang nakakaparalisa ng mga paa.
"Pumunta ako sa inuupahan mo, umalis ka na daw sabi ng landlady mo." Tumingin siya sa paligid dahilan upang makahinga ako nang maluwag, kanina ko pa pala iyon pinipigilan.
Subalit muling nabitin sa ere ang paghinga ko nang yumukod siya upang magkatapat muli ang aming mga mukha. Sa sobrang lapit niya ay naamoy ko na ang mabango niyang hininga.
"Para 'atang ginagawa mong biro ang mga sinabi ko sa'yo kahapon." Sinabi niya iyon nang hindi bumibitaw ng tingin sa akin.
"Where's the video?" tanong niya.
Hindi niya maaaring malaman na nabura ko na ang video dahil baka hindi na ako abutin pa ng bukas. Halos wala ng tao ang naglalakad sa paligid dahil malalim na ang gabi kaya madali niya akong maisasakay sa kan'yang kotse. Baka itapon niya ako sa ilog o di kaya'y ipakulong, parehong ayaw kong mangyari iyon.
Pero sa paraan ng pagtitig niya sa'kin ngayon, pakiramdam ko'y kailangan kong magsabi ng totoo. Para bang kapag nagsinungaling ako ay mas matindi pa ang sasapitin ko sa kan'ya.
"Kuya Zid? What are you doing?" Napaayos siya ng tayo nang may tumawag sa kan'ya mula sa likod.
Doon lamang ako bumalik sa sariling ulirat. Kinuha ko ang pagkakataon nang lumingon siya upang kumaripas ng takbo palayo.
Nagtago ako sa likod ng nakaparadang kotse sa tapat ng Ayala Mall upang masigurong hindi niya ako nasundan.
Kailangan ko munang manatili dito nang ilang minuto bago maglakad muli, mahirap na baka sumulpot na naman ang epal na lalaking iyon.
Pinagmasdan ko ang aking repleksyon sa bintana ng kotse nang maalalang tinawag akong mister ng Zid na 'yon. Inayos ko ang aking buhok na bahagyang nagulo dahil sa pagtakbo. Tiningnan ko din ang side profile ko.
Mukha ba talaga akong lalaki?
Tumingin ako sa dibdib ko. Nag-chest out ako at muling pinasadahan ng tingin ang sariling repleksyon nang biglang bumukas ang bintana ng kotse at iniluwa ang mukha ng isang gwapong lalaki na tila pigil ang ngiting tumingin sa akin.
Nanlaki ang mga mata ko at napaayos ng tayo.
Nakakahiya!
"I'm sorry miss. Nagmamadali kasi ako. Anyway maganda ka na, you don't need my car's window for verification." Tinanggal ng lalaki ang shades niya at kumindat sa'kin.
Kikiligin na sana ako kaya lang ay bumalik ang kabang naramdaman ko kanina nang mapagtantong si Tristan ang lalaking kaharap ko ngayon.
Hindi niya naman ako makikilala kaya dapat ay kumalma lamang ako.
"Are you okay?" tanong niya nang mapansin ang panlalaki ng aking mga mata.
Wala sa sariling tumango ako at paatras na lumayo. Lakad takbo ang ginawa ko hanggang makarating sa terminal ng jeep.
Kakaalis lang ng huling byahe ng jeep para sa araw na ito. Wala nang ibang tao doon. Lumapit ako kay Tere na naglalatag ng karton sa may waiting shed, mukhang handa ng matulog.
Kinuha ko ang mga gamit ko na itinago niya sa loob ng banyo at umupo sa kabilang bahagi ng waiting shed.
"Tere, pwede ba ako dito matulog?" tanong ko sa kan'ya na nakahiga na at nakangiting nakatingin sa kan'yang cellphone.
Gabing-gabi na para maghanap pa ako ng mauupahan. Isa pa wala na akong lakas para maglakad ulit.
"Sige lang, may karton pa d'yan." Itinuro niya ang mga nakatuping karton sa may paanan niya.
Rinig ko ang tawa nitong kinikilig habang nagtitipa sa kan'yang cellphone. Marahil ay kausap na naman ang 'kano na nakilala niya sa f******k.
Minsan naiisip kong makipag-chat na lang din sa mga foreigner sa f******k sabi kasi ni Tere minsan daw ay pinapadalhan siya ng dollars.
"Kai, anong ibig sabihin ng, you... are... ha-hardworking that's why I admired you... the most," mahinang bigkas ni Tere.
Hindi ako magaling mag-english pero sinusubukan ko kasi hindi naman pwedeng magtagalog kapag nasa New York na ako. Paano niya ako maiintindihan kung ganoon?
"Ang sabi niya, masipag ka daw kaya humahanga siya sa'yo," pagpapaliwanag ko kay Tere na kaagad din naman napangiti.
Humiga na ako sa karton na inilatag ko sa sahig ng waiting shed. May kaunting espasyo sa pagitan namin ni Tere pero ramdam ko pa din ang mahinang paghagikhik niya.
Ang weird pala tingnan ng tao kapag kinikilig. Hindi ko pa naranasan kiligin dahil abala ako sa pagkita ng pera simula ng mawala si lola.
Si tiya Chona ang kumupkop sa'kin. Kapalit ng pagkain at pag-aaral ko noon ay tutulungan ko siya sa pagtatrabaho sa palengke. Kaya wala akong naging oras sa barkada at 'crush-crush' na 'yan.
Mas pipiliin ko pang magtrabaho kaysa kiligin. Hindi naman ako mabubusog ng mga ngiting maidudulot sa'kin ng matatamis na salita mula sa mga lalaki.
Pinagmasdan ko ang mga bituin sa kalangitan na tanaw mula sa kinahihigaan ko. Ito ang pinakagusto kong parte ng bawat araw kapag lumalabas na ang mga bituin sa langit, ibig sabihin ay maaari na akong matulog. Saglit kong hindi mararamdaman ang mga problema ko.
Sana bukas paggising ko nasa New York na ako nang matakasan ang pangit na buhay na ito.
Kinabukasan ay mukhang nagkatotoo ang aking hiling. Nararamdaman ko na tila isang malambot na kama na ang hinihigaan ko at malamig ang temperatura sa loob ng kwarto.
Pagmulat ko ng aking mata ay bumungad sa akin ang puting kisame. Umupo ako at pinagmasdan ang paligid. Kombinasyon ng dark blue at puti ang kulay ng buong kwarto. Mayroong cabinet sa kanang parte at ilang lakad mula roon ay may isang pinto na sa wari ko'y banyo.
Ang alam ko'y sa waiting shed ako natulog kagabi at tanging karton lamang ang nagsilbing sapin ko.
Nasa New York na ba ako?
Tinapik ko nang paulit-ulit ang aking pisngi at kinurot ang aking kamay, at masakit iyon. Ibig sabihin ay totoo ito.
Anong ginagawa ko dito? Paano ako napunta dito? May amnesia na ba ako?
Tumayo ako at naglakad patungo sa bintana at tinabig ang kurtina. May kataasan na ang sikat ng araw. Kitang-kita mula sa kinatatayuan ko ang bubong ng ilang katabing bahay.
Bumalik ako sa kama at binuksan ang aking cellphone na nasa side table. Alas-onse na ng umaga, Philippine time.
Nasa Pilipinas pa din ako, pero kaninong kwarto ito? Bakit ako andito?
Dahan-dahan kong tinungo ang pinto at nagdarasal na sana'y hindi iyon nakakandado sa labas.Nagsisimula na namang lamunin ng mga karumaldumal na eksena ang isipan ko.Paano kung na-kidnap ako? Tapos tinurukan nila ako ng drugs kaya wala akong maalala.Baka 'yong puting van na nangunguha ng bata at mga magagandang dalaga ang nagdala sa'kin dito. Ibig sabihin, kukunin nila ang ilang internal organs ko pagkatapos ay ibebenta. O 'di kaya'y puputulan nila ako ng paa o kamay at araw-araw na ihahatid sa mga kalsada upang mamalimos.Nakahinga ako ng maluwag nang mabuksan ko ang pinto ngunit andoon pa din ang malakas na kabog ng dibdib ko.Sumilip ako at nang mapagtantong walang tao ay nakatingkayad akong lumabas.Isang katapat na kwarto ang bumungad sa'kin.Kung nakidnap ako, dapat si Tere ay nandito din dahil magkasama kaming natulog kagabi sa waiting shed. Baka nasa loob siya ng kwartong ito.Lumapit ako at inilapat ang tainga
Si Zid ay parang terror na guro sa paaralan. 'Yong tipong isang sabi at tingin niya lang ay hindi na makakapalag ang mga estudyante at susundin na siya, katulad ngayon.Hindi dapat ang isasagot ko nang inaya niya akong mag-usap, pero andito ako ngayon sa kan'yang harapan sa likod ng bahay. Mataman siyang nakatitig sa aking mukha at nakakunot pa ang noo. Pakiramdam ko tuloy ay may one-on-one recitation kami. Hindi pa naman ako nakapag-review. Ano ba ang coverage?Umiwas ako ng tingin sa kan'ya bago pa man ako matulala sa pungay ng kan'yang mga mata."Gusto mo na ba'ng umuwi?" mahinahon niyang tanong.Nagulat ako kaya napatingin ako sa mukha niya upang makita kung pinagtritripan niya ba ulit ako.Tumango ako kahit nagdadalawang isip kung totoong seryoso ba talaga siya.Baka naman nakonsyensya siya sa ginawa niya sa'kin kanina kaya papauwiin niya na lang ako."Okay. I'll send you to your place," nakangiti niyang sabi.
Sa pagkakaalam ko ay kay Zid lang ako may atraso pero bakit maging si Sylvester ay masamang tingin ang ipinupukol sa'kin?"Akala ko si Blue na ang pinakamagaling mong makakaribal kay Heaven, I didn't expect na maging sa isang babae ay magseselos ka ng ganito," sabi ni Ivan kay Sylvester. Si Blue naman ay abala sa kan'yang laptop.Nasa hapag kainan kami ngayon at hinihintay na maluto ang ulam.Abala sa kusina si Manang Delia at Heaven. Si Ivan, Sylvester at Blue ang kasama ko ngayon sa lamesa. Wala si Knight at umalis naman si Zid na siyang ipinagpasalamat ko."Valid ang jealousy mo kung tomboy talaga si Kai," patuloy na kantiyaw ni Ivan.Bumaling siya sa'kin at nagtanong. "No offense Kai, are you a bi? Type mo ba si Heaven?"Naramdaman kong napatigil si Blue sa pagtipa sa kan'yang laptop at si Sylvester naman ay mataman akong tinitigan. Tila nag-aabang ng isasagot ko."Tinatakot n'yo na naman ba si Kai?" Mabuti na lamang a
Posible ba na malagyan ka ng tracker sa loob ng katawan mo nang hindi mo nalalaman? O sa mga pelikula lang iyon nangyayari?Pilit kong inaalala kong may naramdaman ba akong masakit o may kakaiba ba sa katawan ko nang magising ako sa bahay ni Zid at ng mga kaibigan niya. Pero wala akong maalala.Pasimple kong kinapa ang aking tiyan, batok at likod pero wala naman akong napansin na tahi mula doon.Napasulyap sa'kin si Zid na abalang magmaneho ng sasakyan. Wala akong nagawa nang pilitin niya akong sumakay. Kung walang mga pulis na nasa paligid kanina ay nagsisisigaw na ako doon para kunin ang atensyon ng mga tao at makatakas ako sa lalaking ito. Natakot kasi akong baka isuplong niya ako sa pulis kung gagawin ko iyon.Pinagmasdan ko ang dinaraanan namin at napagtantong hindi iyon ang daan patungo sa bahay.Pinalo ko ang kan'yang braso kaya nabigla siya at saglit na gumewang ang sasakyan."Ano ba Kai! Maaaksidente tayo sa ginagawa mo," naii
'What is one big mistake you've made in your life and what did you do to make it right?'Paulit-ulit na nag-pi-play sa utak ko ang tanong na iyan kay Venus Raj nang sumali siya sa Miss Universe. Dahil kung ako ang sasagot ay sasabihin kong, 'ang pagpapairal ng aking prinsipyo sa gitna ng nakakatakot na sitwasyon ang pinakapinagsisihan ko'.Kung tinanggap ko na noon pa ang offer niyang isang milyon, sana'y milyonaryo at malaya na ako ngayon. Hindi katulad nito na tila ako isang gamit kung bitbitin ni Zid kung saan niya gusto.Nang makatanggap siya ng tawag mula kay Blue ay basta-basta niya na lamang ako hinila palabas ng condo. Hindi ko man lang natapos ang kinakain ko at higit sa lahat ay hindi ko nagawa ang plano kong mag-eskandalo sa labas ng condo.Mabilis siyang nagmaneho kaya mahigpit ang kapit ko sa aking seatbelt.Nang makarating sa tapat ng bahay ay dali-dali siyang pumasok sa loob. Iniwanan niya ako sa labas, ako na kidnap niya. Hind
Pakiramdam ko'y nasa isang mystery crime movie ako. 'Yong tipong naghahanap ako ng ebidensya sa isang madilim na kwarto na tanging liwanag ng aking cellphone ang nagsisilbing ilaw. Idagdag pang nasa labas lamang ang kontrabida sa pelikulang ito, si Zid.Napatigil ako sa pag-i-imagine nang makita ang isang whiteboard kung saan nandoon ang larawan ng ilang kilalang politiko. Ang ilan sa kanila ay hindi na makilala dahil mayroong guhit na kulay pulang ekis ang mukha.Bakit mayroon silang ganito?Kahit na kinukutuban ako ng masama ay inilibot ko pa din ang aking paningin hanggang sa mapahinto ako sa tapat ng isang lamesa kung nasaan ang isang malaking dyaryo. 'The Veracity. We bring your shady dealings to light.'Iyon ang nakasulat sa pinakaunang pahina. Kulay pula ang mga letra at itim naman ang background. Para itong isang cover ng libro na ang tema ay horror o mystery.Hindi ako mahilig magbasa ng mga balita dahil wala nama
Kailanman ay hindi ako nagbigay ng buong tiwala sa isang lalaki maliban kay Fredo, na lalaki pa din kahit isa siyang binabae. Subalit andito ako ngayon sa isang sitwasyon na tanging si Blue na lamang ang makakatulong sa'kin. Mabilis siyang pumayag sa pabor na hiningi ko. Akala ko'y mahihirapan kaming makalabas ng bahay ngunit hindi ko inaasahang magaling mag-isip ng paraan si Blue. Natagpuan ko na lamang ang sarili ko sa shotgun seat ng kan'yang magarang sasakyan. Papalubog na ang sikat ng araw nang tinahak namin ang daan patungong airport. Nakapahinga sa bintana ang isa niyang kamay habang ang isa naman ay nasa manibela. Napaka-relax niyang magmaneho samantalang ako ay hindi pa lubos na napapanatag ang kalooban hanggang hindi nakakarating ng airport. "You know what, I'm surprised that Zid didn't able to get what she wants from you. Zid was good in persuading people. Kaya nga siya ang pinapaharap ko minsan sa mga investors ng company ko because
"It's you, once again! Mr. Davis does not accept visitors who do not have an appointment with him, how many times do I have to tell you that?" pagtataray ng may edad ng babae na nasa front desk ng building kung nasaan ang opisina ng aking ama.Pang-apat na araw ko na itong nagbabakasaling makakausap siya, subalit hindi nila ako pinapayagan na makapasok sa loob."Please, tell me how can I book an appointment with him?" Makailang ulit ko na din na kinukulit ang babae sa kung paano ko makakausap si Theodore Davis, ngunit paulit ulit din niyang sinasabi na mga importanteng tao lang ang pinapapasok sa loob.Hindi ba importanteng tao ang anak? Kung malalaman lang sana ng babaeng ito na anak ako ng boss niya ay baka bigyan niya pa ako ng special treatment.Hindi niya ako sinagot at ipinagpatuloy lamang ang ginagawa sa tapat ng kan'yang laptop."Mrs. Anderson, I really need to see him, I need to discuss an important matter to him."Mabuti na l
Dear Beautiful and Handsome Readers, Hello! Kung nakarating ka hanggang dito sobrang thank you! I just wanted to say na, sobra akong nagpapasalamat sa mga nagbigay ng gems at nagbayad para sa novel na ito. I hope na nagustuhan n'yo ang kwento. Magpapatuloy po ako sa pagsusulat at sana suportahan n'yo pa rin ang mga darating kong nobela. Nawa'y nasa mabuti kayong kalagayan ngayon. Don't forget to smile, pray and always choose to be kind. Mahal ko kayo! As a token of appreciation, here's a special chapter for you guys. Enjoy! "Harrieth sit down, hindi ka kasama sa sasalo ng bouquet." Kanina ko pa pinapaupo si Harrieth subalit irap lamang ang natanggap ko mula sa kan'ya. Nasa unahan pa nga siya at handang saluhin ang bulaklak na itatapon ng aking asawa. Asawa. My wife, Kaileen. Akala ko hanggang imagination na lamang ako na ikakasal kami ni Kai at bubuo ng pamilya. Na
I was once an orphan. Mag-isa at sarili lamang ang inaasahan. Bawat desisyon ko sa buhay ay walang ibang basehan kun'di ang aking nararamdaman.Masayang mamuhay mag-isa dahil hindi ka magigising sa away at gulo sa loob ng pamilya. Subalit hindi sa lahat ng panahon.Mas gusto kong magising sa umaga sa ingay ng aking kapatid at sa sermon ng aking mga magulang, dahil kahit gan'on alam kung mayroong mag-aalala sa akin kapag wala pa ako sa gabi.Hindi ko iyon naranasan simula nang mawala si lola. Naging miserable ang aking buhay subalit dumating si Zid. Hindi na ako kailanman naging mag-isa.Ang sarap sa pakiramdam na bawat galaw mo ngayon ay may kasama ka na. Mayroon nang mag-aalala para sa'yo. Kapag nawala ka ay may maghahanap na sa'yo.Zid spare me from the fear and hatred.Naipakulong niya ang aking tiyuhin. Malaya na ako. Wala na ang bangungot na matagal ko nang kinikimkim noon pa man.Hindi man kami nagkaroon ng maayos na relas
"Yes nandito ako sa location. I'll send you the pictures. Ipakita mo sa client kung gusto nilang dito gawin ang photoshoot."Ibinaba ko ang cellphone matapos magbigay ng instruction sa aking secretary. Isang linggo na akong nasa Pilipinas at hindi ko inaasahan na magiging abala ako sa kompanya ni Mr. Davis.Golden hour. Ginto rin ang kalangitan nang araw na nagtanong sa akin si Zid kung gusto niya akong ligawan. Parehong lugar at parehong oras.Sa tuwing mayroong kliyente na naghihingi ng romantikong lokasyon para sa kanilang photoshoot ay palagi kong sinasagot na mas magandang sa taas ng burol kung saan nakikita ang paglubog ng araw.Isa iyon sa pinakamasayang tagpo sa aking buhay na gusto kong paulit-ulit na alalahanin.Kumusta na kaya siya? May asawa na kaya siya? Ang isiping iyon ang nagpalungkot sa akin. Isa sa mga dahilan kung bakit natatakot akong magpakita sa kan'ya ay dahil ayokong malaman na may asawa't anak na siya.Hi
Hindi ko kailanman pinangarap na mamatay sa ibang bansa. Ayos na nga sa akin na basta na lang ihulog sa ilog basta sa Pilipinas, atleast mga Pilipinong isda ang makikinabang sa akin.Bigo kami ni Blue na tumakas. Pagkabukas pa lamang namin ng pintuan ng aking kwarto sa ospital ay bumungad na sa amin ang naglalakihang katawan ng mga foreigner na lalaki.Mabilis ang mga sumunod na pangyayari nang araw na iyon. Naisakay nila ako sa kotse nang walang pumipigil bukod kay Blue na nagpumilit na humabol subalit hindi niya kami naabutan.Nang araw din na iyon ay maluwag ko nang tinanggap ang kaparusahan na nag-aabang sa akin. Dinala nila ako sa New York taliwas sa iniisip kong itatapon nila ako sa tulay na dinaraanan namin patungong airport.Pagdating sa New York ay dumiretso kami sa main headquarters. Doon ay nakita kong muli si Duke. Gwapo pa din siya, pero mas gusto kong makita sa huling sandali si Zid.Makakaya niya naman sigurong mabuhay na wala ako 'd
Zid Kai's blood stain on my hands stabs my heart a million times. Paano ko hinayaan na mapahamak ang babaeng pinakamamahal ko? Bakit hindi ko siya pinaniwalaan? How can I doubt her? Siya na handang itaya ang buhay para sa akin. Ano'ng sumagi sa isip ko para pagdudahan siya? I should be the first one to believe her, dahil iyon ang ipinangako ko sa sarili nang mga panahon na mag-isa siya. I promised myself to be the person who will stand up for her. Ang taong hindi siya lilisanin kahit iwanan na siya ng mundo. Pero ano'ng ginawa ko? Kung sana'y hindi ko siya iniwan. Kung sana kahit nalilito ang isip ko'y pinanatili ko lang siya sa aking tabi ay hindi ganito ang sasapitin niya. Alam kong hindi na mababago ng 'sorry' ko ang mga nangyari pero sana ay huwag ilagay sa panganib ang kan'yang buhay dahil hindi ko kakayanin. "Zid, maupo ka muna." Kanina pa ako pabalik-balik ng lakad sa labas ng emergency room at kanina pa din ako pinapaka
"What do you want to eat?" Kanina pa ako tinatanong ni Zid kung ano ang gusto kong kainin. Sinabi kong wala pero mukhang hindi niya narinig sa dami ng pagkain na in-order niya. Sumagi ang mata ko sa pulang rosas na nasa flower vase sa gilid ng aking kama. Isang araw niya na akong binabantayan at sa tingin ko'y wala pa din siyang tulog. Pinagmasdan ko siyang kunin ang isang bowl na mayroong sopas. Base sa pagngiwi ng kan'yang labi ay alam kong napaso siya sa init nito. Ipinatong niya ito sa isang tuwalya sa kan'yang kamay bago umupo sa aking tabi. Kumuha siya ng isang kutsarang sopas at hinipan ito. Tinikpan niya nang kaunti bago inilapit sa aking mga labi. Tahimik niya akong sinubuan ng pagkain. Naniniwala na kaya siyang hindi ako ang nagpakalat ng video? Alam niya na kayang ang mommy niya ang nasa likod ng kaguluhan ngayon? Alam na kaya ng buong bansa na isa ako sa mga undercover agent ng The Veracity? Sa dam
Unti-unti kong iminulat ang aking mata nang masilaw mula sa liwanag na nanggagaling sa labas. Sinubukan kong ilibot ang paningin sa apat na sulok ng kwarto at nakitang walang ibang tao bukod sa akin. Kinapa ko ang aking cellphone subalit wala ito sa aking bulsa o saan man sa paligid. Huli kong naalala ang pagsagot ko sa tawag ni Zid hanggang sa mayroong bagay na itinusok sa aking balikat dahilan upang mawalan ako nang malay. Sinubukan kong bumangon mula sa pagkakahiga sa malamig na semento upang makapaghanap ng malalabasan. Wala akong ideya kung bakit ako nandito at kung sino ang nagdala sa akin dito pero alam kong kailangan ko nang tumakas habang wala pang tao. Ngunit bigo akong makahanap ng pinto o bintana. Gawa sa pinagtagpi-tagping mga kahoy ang kwarto at kailangan ko ng pamukpok upang makagawa ng butas. Naghanap ako ng matigas na bagay sa loob pero walang ibang gamit doon. Sumilip ako sa mga butas upang makita kung mayroong
Zid's POV If there's one thing I'm regretful for, it's kissing and having sex with several women. Kung alam ko lang na darating si Kai sa buhay ko ay mas pipiliin kong sa kan'ya ko rin gawin lahat ng una ko. I am her first boyfriend, first hug, first dance, first holding hands, first kiss and I want to be the last. At first, I was upset when she declined my offer in exchange of the video that will ruin Chloe's carreer, the celebrity that destroyed my beloved sister's reputation in her school. Lahat ng tao na hinihingian ko ng pabor, mabilis kong napapa-oo, pero iba siya. Kinailangan ko pa'ng dumating sa punto na mang-kidnap. I was challenged by her toughness but seeing her sleeping on the cold pavement next to Tere, whom I thought her girlfriend that time, I was touched with sympathy. Para ba'ng ayoko na siyang ibalik sa lugar na iyon. Aaminin ko, sa bawat araw na kasama ko siya sa hideout ay nawalan na ako ng gana na ipaghiganti a
Isang gabi pa lang na hindi kami okay ni Zid ay hirap na hirap na akong matulog. Sinabayan pa ito nang labis kong pag-aalala para sa kapatid. Tama si Zid pinuntirya nga ng mga tao si Harrieth. Tinawag na kabit si Orca Lapuz at hindi rin daw malabo na maging ganoon siya. Marami nga ang nagsabi na mabuti raw na walang kapatid na babae sina Zid dahil baka agawin rin ni Harrieth ang nobyo nito. Napagpasyahan ko siyang bisitahin sa ospital kinaumagahan. Bumili ako ng prutas at paborito niyang milk tea at cookies. Sana lang ay hindi ko maabutan si Orca Lapuz doon. Mas lalong titindi ang kan’yang galit kapag nalaman niyang ako ang nasa likod ng pagkuha sa mainit nilang eksena ni Senator Newis. Lumapit ako sa nurse station at binasa ag pangalan ng nurse sa nameplate. “Nurse Mabel, saan po dito ang room ni Harrieth Sena?” “Room 27 po,” aniya bago itinuro ang hallway kung nasaan ang kwarto. Tumango ako at nagpasalamat dito. Hindi pa man ako naka