Dahan-dahan kong tinungo ang pinto at nagdarasal na sana'y hindi iyon nakakandado sa labas.
Nagsisimula na namang lamunin ng mga karumaldumal na eksena ang isipan ko.
Paano kung na-kidnap ako? Tapos tinurukan nila ako ng drugs kaya wala akong maalala.
Baka 'yong puting van na nangunguha ng bata at mga magagandang dalaga ang nagdala sa'kin dito. Ibig sabihin, kukunin nila ang ilang internal organs ko pagkatapos ay ibebenta. O 'di kaya'y puputulan nila ako ng paa o kamay at araw-araw na ihahatid sa mga kalsada upang mamalimos.
Nakahinga ako ng maluwag nang mabuksan ko ang pinto ngunit andoon pa din ang malakas na kabog ng dibdib ko.
Sumilip ako at nang mapagtantong walang tao ay nakatingkayad akong lumabas.
Isang katapat na kwarto ang bumungad sa'kin.
Kung nakidnap ako, dapat si Tere ay nandito din dahil magkasama kaming natulog kagabi sa waiting shed. Baka nasa loob siya ng kwartong ito.
Lumapit ako at inilapat ang tainga sa may pinto pero wala akong naririnig na ingay mula sa loob.
Sinubukan kong pihitin ang seradura ng pinto at tagumpay na nabuksan iyon. Dahan-dahan akong sumilip pero bakanteng kama lamang ang nasa loob.
Lumabas na ako at naglakad sa maikling pasilyo kung saan makikita ang isa pang pinto sa dulo. Napatigil ako nang marinig ang tawanan mula sa ibaba. Mukhang mga boses lalaki iyon.
Parang bigla ay gusto ko nang bumalik sa kwarto at magtago. 'Di hamak na mas malakas sila sa'kin, hindi ko sila kaya.
Pero walang mangyayari kung papanghinaan ako ng loob.
Patay kung patay ang importante ay naging matapang ako para ipaglaban ang buhay ko.
Huminga ako nang malalim at naglakad. Habang palapit nang palapit sa hagdan pababa ay lalong lumalakas ang halakhakan at kant'yawan ng mga lalaki.
Sumilip ako sa sala. Nang makitang wala doon ang pinanggagalingan ng boses na naririnig ko ay binilisan ko nang bumaba.
Nabuhayan ako ng loob ng makita ang bukas na pinto palabas ng bahay. Ngunit bago ko pa man mailapat ang paa ko sa huling baitang ng hagdanan ay may lalaki nang pumasok sa loob at isinara ang pinto.
Dali-dali akong tumalikod at tumakbo paakyat kahit alam kong makikita niya na ako.
"Oy, gising ka na pala," masayang tinig nito kaya napahinto ako sa paghakbang at mahigpit na kumapit sa railings. Nanghihina na kasi ang tuhod ko sa nerbyos at kapag hindi ako kumapit doon ay baka bumagsak ako.
"Zid, gising na ang babae mo!" tawag 'nong lalaki dahilan upang matigil ang tawanan.
Teka, Zid?
Isang Zid lang naman ang kilala ko, 'yong kabit na epal na CEO kuno'!
Kung totoong siya iyon, paano niya ako nadala dito?
Narinig ko ang magkakasunod na yabag ng mga paa sa ibaba ng hagdan kaya unti-unti akong lumingon dahil baka may nakatutok na pala silang baril sa'kin, atleast alam ko kung sino ang mumultuhin 'pag nagkataon.
Paglingon ko'y hindi baril ang nakatutok sa'kin kun'di ang kanilang mga mata. Ang mata ng mga nagwagwapuhang lalaki sa aking harap.
Limang lalaki ang nasa ibaba ng hagdan anim na baitang ang layo mula sa kinatatayuan ko.
Ang lakas ng presensya nilang lima dahilan upang mablanko ang isip ko.
Sino nga ulit ako?
"Ivan, handa na ba ang operating room?" seryosong tanong ni Zid sa lalaking nasa kan'yang tabi na seryoso din tumango.
"How about the apparatus needed for the operation? Tayo na lang ba ang mag-o-opera or should we call a professional to do it?" muli niyang tanong habang seryosong nakatitig sa'kin.
"Nah, tayo na lang," sagot muli ng lalaki sa tabi niya.
"Yeah right. I also think we don't need an anesthesia. Hindi niya nga naramdaman na ibyinahe na siya patungo dito," pagpapatuloy ni Zid.
Hindi ko maalis ang tingin sa kan'yang mga mata kaya hindi ko makita ang ekspresyon ng mukha ng mga kasama niya basta ang alam ko'y seryoso si Zid sa mga sinasabi niya.
Dumoble ang kaba sa dibdib ko. Nagsisimula na rin manikip ang paghinga ko. Natatakot ako.
Minsan ko na din naman pinangarap na makita sa tv pero hindi ko gustong sa soco o imbestigador ako lumabas.
Mas masahol pa si Zid sa mga kontrabidang lalaki na nababasa ko sa mga nobela. Napakasama niya para pagplanuhan ang pagkatay sa'kin na para bang wala ako sa harap niya.
Hindi ko alam na ganito pala matatapos ang buhay ko. Sana'y binangungot na lang pala ako kung gano'n. Mas mabuti iyon dahil wala akong sakit na matatamasa.
Naramdaman kong nabasa ang aking pisngi kasabay nang mahinang paghikbi. Napaupo ako sa hagdan dala nang takot at panghihina. Naging malabo ang paningin ko dahil sa mga luhang nag-uunahan sa pagpatak.
"Anong ginawa niyo? Naku mga bata ito!" Pinahid ko ang luha ko nang marinig ang boses ng isang matandang babae.
Nakasuot siya ng apron at pinagpupokpok ng hawak niyang sandok ang ulo ng limang lalaki na nasa harap ko. Panay ang sangga nila at turuan sa kung sino ang pasimuno.
Nabawasan na ang kabang nararamdaman ko pero patuloy pa din ang pagluha ko hanggang sa nilapitan ako ng babaeng kasama ng matanda.
"Hala miss, nagbibiro lang po sila. Sorry po," malambing na tinig niya at inalalayan akong tumayo.
Ngumiti siya sa'kin kaya kahit nag-aalangan ay sumama ako sa kan'ya pababa ng hagdan. Umiwas sa'min ang limang lalaki ngunit bakas sa kanilang mukha ang pagkabigla mula sa pag-iyak ko.
Iginiya niya ako sa kusina. Pinainom ako ng tubig ng matandang babae na ang pagpapakilala sa akin ay Manang Delia. Ang kasama niya naman na dalaga na si Heaven ay hinaharang ang limang lalaki na pumasok ng kusina.
Nang kumalma na ako ay saka lang nag-sink in sa'kin na pinag-trip-an ako kanina ni Zid. I-kwenento na sa'kin ni Manang Delia na dinala raw ako dito kaninang madaling araw ni Zid at 'nong Ivan, ang sabi daw ay nawalan ako ng malay sa daan.
Sinungaling! Hindi ko na lang iyon sinabi dahil baka isipin pa nilang gumagawa ako ng kwento. Paniguradong mas maniniwala sila kay Zid at baka kapag dumaldal pa ako dito ay totohanin talaga ng lalaking iyon ang mga sinabi niya kanina.
Maya-maya pa'y tinawag na ni Manang Delia ang limang lalaki para kumain ng pananghalian.
Katabi ko si Heaven na inaasikaso ang lalaking nasa kan'yang gilid. Ako nama'y nilalagyan ng pagkain sa plato ni Manang Delia. Nakayuko lamang ako dahil kahit papaano'y nakaramdam ako ng pagkapahiya kanina. Naniwala ako sa pang-uuto ng kurimaw na nasa harapan ko.
Tahimik lamang ang lahat nang magsalita ang lalaking nasa gitna ng pahabang mesa.
"I think we owe Miss... Zid's girl an apology," sabi nito dahilan upang mapatingin ako sa kan'ya.
Isa-isa niyang tiningnan ang tatlong lalaking nasa harap ko at ang isa na nasa tabi ni Heaven.
"I didn't do anything... aw! Heaven ano ba?" Napatingin ako sa lalaking katabi ni Heaven na hinahaplos ang braso niya. Ramdam ko din ang pagtitig ni Heaven sa lalaki na para bang pinagsasabihan niya ito.
"Fine, I'm sorry," sabi nito. Tumango na lang ako dahil hindi naman siya ang may atraso sa'kin.
"I'm sorry too. My name is Blue by the way," nakangiting sabi ng lalaking nasa kaliwa ni Zid.
Siya 'yong lalaking tumawag kanina kay Zid nang makita niya akong paakyat muli sa hagdan.
Tipid akong ngumiti sa kan'ya dahil mukha naman siyang mabait.
"Ako din sorry," sabi naman ng lalaking nasa kanan ni Zid. Tumingin muna ito kay Zid bago bumulong sa'kin na naririnig din naman naming lahat. "It was his idea. Matampuhin kasi yan lalo na kapag hindi napagbibigyan ang gusto. Alam mo 'yung batang may tantrums parang..."
Hindi niya na naituloy pa ang sasabihin nang mabilis niyang naiharang ang braso sa kamay ni Zid na tatampalin sana ang kan'yang noo.
Hindi ko maiwasang mapaawang ang bibig dahil sa nangyari. Ang bilis ng reflexes niya gayong nasa akin ang atensyon niya.
Sandaling natahimik ang lahat at naghihintay ng sasabihin ni Zid. Hindi ako umaasang mag-so-sorry siya. Hindi rin naman sapat iyon para maibsan ang inis na nararamdaman ko sa kan'ya. Baka kapag ibinalik niya na ako terminal at hindi na ginulo ay mapatawad ko pa siya.
"Sorry. It was fun though. But I'm sorry. I didn't mean to make you cry. Akala ko kasi kapag pusong lalaki ay matapang, hindi ko naman akalain na iyakin ka pala." Ramdam kong gusto niyang pagtawanan ang inasta ko kanina.
Nag-so-sorry ba siya o ipinapamukha sa'kin na iyakin ako?
Matalim akong nakatingin sa leeg niya. Hindi ako pwedeng lumagpas hanggang sa kan'yang mata baka mawala nanaman ako sa sariling ulirat.
Humigpit ang kapit ko sa tinidor parang gusto ko na lang tuhugin nito ang mata niya. Ewan ko ba palagi na lang akong nahihipnotismo kapag tumitingin ako sa parteng iyon ng mukha niya.
"What are we gonna call you miss?" Lumuwag ang pagkakakapit ko sa tinidor nang magsalita ang lalaking nasa gitna ng mesa.
Lumingon ako sa kan'ya. Seryoso ang kan'yang mukha ngunit hindi naman iyon nakakatakot, hindi katulad ng nakita ko kanina kay Zid habang tinatakot niya ako.
"Kai," tipid kong sagot.
"My name is Knight, this is Ivan, Zid and Blue. The one beside Heaven is Sylvester," pagpapakilala niya ng magkakasunod sa mga lalaking nasa hapag.
Hindi ko alam kung bakit niya pa ipinapakilala sa'kin ang mga lalaking ito. Hindi naman ako magtatagal dito. Kakain lang ako pagkatapos ay aalis na. Sayang din naman ng mga pagkain. Sabi ni lola h'wag daw tatanggi sa grasya.
Nagsimula na kaming kumain. May kan'ya kanyang usapan ang mga kasama ko, si Heaven at 'yong Sylvester ay nagbubulungan at panay naman ang mahinhin na tawa ni Heaven lalo na kapag nakikisawsaw sa kanilang usapan si Blue. Si Knight ang mukhang matino sa kanilang lima. May pinag-uusapan sila ni Manang Delia na hindi ko naman maintindihan kung ano. Si Ivan ay panay ang pakikipagtalo kay Zid na ilang ulit kong nahuli na matalim akong tinitingnan.
At ako, wala. Tamang kain lang.
Matapos ang kainan ay naiwan kaming mga babae upang magligpit. Nakakahiya naman kung aalis na lang ako basta pagkatapos kumain. Maakusahan pa akong 'eat and run' ni Manang Delia.
"Ate boyfriend mo ba si Kuya Zid?" tanong sa'kin ni Heaven habang inaayos ang laptop niya. Manonood daw kami ng k-drama. Tumanggi ako kaya lang ay makulit siya. Isang episode lang ay aalis na ako.
Nanlaki ang mata ko sa tinanong niya.
"Hindi! Never! Hinding-hindi," eksaheradang sabi ko.
Natawa si Heaven sa reaksyon ko. Nagtakip pa ito ng bibig. Mahinhin ang kan'yang itsura at kilos. Ang sabi niya'y kaka-debut niya pa lamang daw nang nakaraang buwan.
Hindi na kami nakanood dahil nauwi na iyon sa kwento tungkol sa kan'yang debut. Isang bagay na hindi ko naranasanan.
Marami siyang kwento, naaaliw naman ako kaya lang ay gusto ko na talagang makaalis habang nasa isang kwarto pa dito sa sala ang mga lalaki kabilang si Zid.
Sarado na ang pinto ng kwartong iyon kaya hindi na maririnig ang boses mula sa loob hindi katulad kanina na naririnig hanggang second floor ang tawanan nila.
Ano kayang pinagkakaabalahan nila?
Bakit ko ba iniisip iyon? Ano bang pakialam ko?
"Nagtatrabaho sila dyan ate. Bawal daw pumasok sa loob," sabi ni Heaven. Nahalata niya sigurong kanina pa ako nakatingin sa pinto ng kwartong iyon.
Trabaho? Ang saya naman ng trabaho nila nasa bahay lang.
Baka nag-o-online selling sila. Online selling ng ano?
Saka parang wala naman sa itsura nila ang mag-online selling. Mag-model pwede pa. Sabi din ni Fredo CEO daw ang Zid na 'yon.
Hala!
Baka katawan ang binebenta nila kaya closed door at dito sa bahay sa ginagawa. Mukhang marami pa namang mga pandesal ang mga lalaking iyon for sure marami ang magiging customer nila.
"Okay ka lang ate? Parang namumula ka po?" tanong sa'kin ni Heaven.
Napaka-concern naman niya sa'kin simula pa kanina. Pakiramdam ko tuloy mas matanda siya sa'kin kung asikasuhin niya ako.
Bago pa man ako makasagot sa kan'ya ay sabay na kaming napalingon sa pinto ng lumabas si Zid.
Napadako ang tingin niya sa'kin at hindi na inalis iyon hanggang makalapit sa inuupuan naming sofa.
"Let's talk," maotoridad niyang sabi.
Si Zid ay parang terror na guro sa paaralan. 'Yong tipong isang sabi at tingin niya lang ay hindi na makakapalag ang mga estudyante at susundin na siya, katulad ngayon.Hindi dapat ang isasagot ko nang inaya niya akong mag-usap, pero andito ako ngayon sa kan'yang harapan sa likod ng bahay. Mataman siyang nakatitig sa aking mukha at nakakunot pa ang noo. Pakiramdam ko tuloy ay may one-on-one recitation kami. Hindi pa naman ako nakapag-review. Ano ba ang coverage?Umiwas ako ng tingin sa kan'ya bago pa man ako matulala sa pungay ng kan'yang mga mata."Gusto mo na ba'ng umuwi?" mahinahon niyang tanong.Nagulat ako kaya napatingin ako sa mukha niya upang makita kung pinagtritripan niya ba ulit ako.Tumango ako kahit nagdadalawang isip kung totoong seryoso ba talaga siya.Baka naman nakonsyensya siya sa ginawa niya sa'kin kanina kaya papauwiin niya na lang ako."Okay. I'll send you to your place," nakangiti niyang sabi.
Sa pagkakaalam ko ay kay Zid lang ako may atraso pero bakit maging si Sylvester ay masamang tingin ang ipinupukol sa'kin?"Akala ko si Blue na ang pinakamagaling mong makakaribal kay Heaven, I didn't expect na maging sa isang babae ay magseselos ka ng ganito," sabi ni Ivan kay Sylvester. Si Blue naman ay abala sa kan'yang laptop.Nasa hapag kainan kami ngayon at hinihintay na maluto ang ulam.Abala sa kusina si Manang Delia at Heaven. Si Ivan, Sylvester at Blue ang kasama ko ngayon sa lamesa. Wala si Knight at umalis naman si Zid na siyang ipinagpasalamat ko."Valid ang jealousy mo kung tomboy talaga si Kai," patuloy na kantiyaw ni Ivan.Bumaling siya sa'kin at nagtanong. "No offense Kai, are you a bi? Type mo ba si Heaven?"Naramdaman kong napatigil si Blue sa pagtipa sa kan'yang laptop at si Sylvester naman ay mataman akong tinitigan. Tila nag-aabang ng isasagot ko."Tinatakot n'yo na naman ba si Kai?" Mabuti na lamang a
Posible ba na malagyan ka ng tracker sa loob ng katawan mo nang hindi mo nalalaman? O sa mga pelikula lang iyon nangyayari?Pilit kong inaalala kong may naramdaman ba akong masakit o may kakaiba ba sa katawan ko nang magising ako sa bahay ni Zid at ng mga kaibigan niya. Pero wala akong maalala.Pasimple kong kinapa ang aking tiyan, batok at likod pero wala naman akong napansin na tahi mula doon.Napasulyap sa'kin si Zid na abalang magmaneho ng sasakyan. Wala akong nagawa nang pilitin niya akong sumakay. Kung walang mga pulis na nasa paligid kanina ay nagsisisigaw na ako doon para kunin ang atensyon ng mga tao at makatakas ako sa lalaking ito. Natakot kasi akong baka isuplong niya ako sa pulis kung gagawin ko iyon.Pinagmasdan ko ang dinaraanan namin at napagtantong hindi iyon ang daan patungo sa bahay.Pinalo ko ang kan'yang braso kaya nabigla siya at saglit na gumewang ang sasakyan."Ano ba Kai! Maaaksidente tayo sa ginagawa mo," naii
'What is one big mistake you've made in your life and what did you do to make it right?'Paulit-ulit na nag-pi-play sa utak ko ang tanong na iyan kay Venus Raj nang sumali siya sa Miss Universe. Dahil kung ako ang sasagot ay sasabihin kong, 'ang pagpapairal ng aking prinsipyo sa gitna ng nakakatakot na sitwasyon ang pinakapinagsisihan ko'.Kung tinanggap ko na noon pa ang offer niyang isang milyon, sana'y milyonaryo at malaya na ako ngayon. Hindi katulad nito na tila ako isang gamit kung bitbitin ni Zid kung saan niya gusto.Nang makatanggap siya ng tawag mula kay Blue ay basta-basta niya na lamang ako hinila palabas ng condo. Hindi ko man lang natapos ang kinakain ko at higit sa lahat ay hindi ko nagawa ang plano kong mag-eskandalo sa labas ng condo.Mabilis siyang nagmaneho kaya mahigpit ang kapit ko sa aking seatbelt.Nang makarating sa tapat ng bahay ay dali-dali siyang pumasok sa loob. Iniwanan niya ako sa labas, ako na kidnap niya. Hind
Pakiramdam ko'y nasa isang mystery crime movie ako. 'Yong tipong naghahanap ako ng ebidensya sa isang madilim na kwarto na tanging liwanag ng aking cellphone ang nagsisilbing ilaw. Idagdag pang nasa labas lamang ang kontrabida sa pelikulang ito, si Zid.Napatigil ako sa pag-i-imagine nang makita ang isang whiteboard kung saan nandoon ang larawan ng ilang kilalang politiko. Ang ilan sa kanila ay hindi na makilala dahil mayroong guhit na kulay pulang ekis ang mukha.Bakit mayroon silang ganito?Kahit na kinukutuban ako ng masama ay inilibot ko pa din ang aking paningin hanggang sa mapahinto ako sa tapat ng isang lamesa kung nasaan ang isang malaking dyaryo. 'The Veracity. We bring your shady dealings to light.'Iyon ang nakasulat sa pinakaunang pahina. Kulay pula ang mga letra at itim naman ang background. Para itong isang cover ng libro na ang tema ay horror o mystery.Hindi ako mahilig magbasa ng mga balita dahil wala nama
Kailanman ay hindi ako nagbigay ng buong tiwala sa isang lalaki maliban kay Fredo, na lalaki pa din kahit isa siyang binabae. Subalit andito ako ngayon sa isang sitwasyon na tanging si Blue na lamang ang makakatulong sa'kin. Mabilis siyang pumayag sa pabor na hiningi ko. Akala ko'y mahihirapan kaming makalabas ng bahay ngunit hindi ko inaasahang magaling mag-isip ng paraan si Blue. Natagpuan ko na lamang ang sarili ko sa shotgun seat ng kan'yang magarang sasakyan. Papalubog na ang sikat ng araw nang tinahak namin ang daan patungong airport. Nakapahinga sa bintana ang isa niyang kamay habang ang isa naman ay nasa manibela. Napaka-relax niyang magmaneho samantalang ako ay hindi pa lubos na napapanatag ang kalooban hanggang hindi nakakarating ng airport. "You know what, I'm surprised that Zid didn't able to get what she wants from you. Zid was good in persuading people. Kaya nga siya ang pinapaharap ko minsan sa mga investors ng company ko because
"It's you, once again! Mr. Davis does not accept visitors who do not have an appointment with him, how many times do I have to tell you that?" pagtataray ng may edad ng babae na nasa front desk ng building kung nasaan ang opisina ng aking ama.Pang-apat na araw ko na itong nagbabakasaling makakausap siya, subalit hindi nila ako pinapayagan na makapasok sa loob."Please, tell me how can I book an appointment with him?" Makailang ulit ko na din na kinukulit ang babae sa kung paano ko makakausap si Theodore Davis, ngunit paulit ulit din niyang sinasabi na mga importanteng tao lang ang pinapapasok sa loob.Hindi ba importanteng tao ang anak? Kung malalaman lang sana ng babaeng ito na anak ako ng boss niya ay baka bigyan niya pa ako ng special treatment.Hindi niya ako sinagot at ipinagpatuloy lamang ang ginagawa sa tapat ng kan'yang laptop."Mrs. Anderson, I really need to see him, I need to discuss an important matter to him."Mabuti na l
Kahit nasa ibang bansa ay malakas pa din ang dating ni Zid. Hindi ko maikakailang mas lalo siyang naging gwapo sa kan'yang winter attire. Kung sana'y maganda din ang kan'yang pag-uugali ay baka siya ang unang lalaking magiging crush ko kaso lang ay nasa listahan na siya ng mga lalaking kinamumuhian ko. Hindi ko na sinagot ang kan'yang tanong bagkus ay bigla kong hinablot ang aking wallet na nasa kan'yang kamay subalit mabilis niya itong naiilag sa akin. Hindi ako tumigil at pilit na inagaw ang wallet ko hanggang sa itinaas niya na iyon at hindi ko na maabot. Masamang tingin ang ipinukol ko sa kan'ya samantalang parang nag-eenjoy pa siya sa ginagawa. Isip bata! Siguro'y bully siya 'nong bata pa at palaging napapatawag sa guidance office ang kan'yang mga magulang. Kawawa naman sila dahil nadagdagan lang ang edad ni Zid pero nananatiling immature ang pag-uugali niya. "Akin na sabi 'yan!" bulyaw ko. Wala akong pakialam kung pagtinginan kam
Dear Beautiful and Handsome Readers, Hello! Kung nakarating ka hanggang dito sobrang thank you! I just wanted to say na, sobra akong nagpapasalamat sa mga nagbigay ng gems at nagbayad para sa novel na ito. I hope na nagustuhan n'yo ang kwento. Magpapatuloy po ako sa pagsusulat at sana suportahan n'yo pa rin ang mga darating kong nobela. Nawa'y nasa mabuti kayong kalagayan ngayon. Don't forget to smile, pray and always choose to be kind. Mahal ko kayo! As a token of appreciation, here's a special chapter for you guys. Enjoy! "Harrieth sit down, hindi ka kasama sa sasalo ng bouquet." Kanina ko pa pinapaupo si Harrieth subalit irap lamang ang natanggap ko mula sa kan'ya. Nasa unahan pa nga siya at handang saluhin ang bulaklak na itatapon ng aking asawa. Asawa. My wife, Kaileen. Akala ko hanggang imagination na lamang ako na ikakasal kami ni Kai at bubuo ng pamilya. Na
I was once an orphan. Mag-isa at sarili lamang ang inaasahan. Bawat desisyon ko sa buhay ay walang ibang basehan kun'di ang aking nararamdaman.Masayang mamuhay mag-isa dahil hindi ka magigising sa away at gulo sa loob ng pamilya. Subalit hindi sa lahat ng panahon.Mas gusto kong magising sa umaga sa ingay ng aking kapatid at sa sermon ng aking mga magulang, dahil kahit gan'on alam kung mayroong mag-aalala sa akin kapag wala pa ako sa gabi.Hindi ko iyon naranasan simula nang mawala si lola. Naging miserable ang aking buhay subalit dumating si Zid. Hindi na ako kailanman naging mag-isa.Ang sarap sa pakiramdam na bawat galaw mo ngayon ay may kasama ka na. Mayroon nang mag-aalala para sa'yo. Kapag nawala ka ay may maghahanap na sa'yo.Zid spare me from the fear and hatred.Naipakulong niya ang aking tiyuhin. Malaya na ako. Wala na ang bangungot na matagal ko nang kinikimkim noon pa man.Hindi man kami nagkaroon ng maayos na relas
"Yes nandito ako sa location. I'll send you the pictures. Ipakita mo sa client kung gusto nilang dito gawin ang photoshoot."Ibinaba ko ang cellphone matapos magbigay ng instruction sa aking secretary. Isang linggo na akong nasa Pilipinas at hindi ko inaasahan na magiging abala ako sa kompanya ni Mr. Davis.Golden hour. Ginto rin ang kalangitan nang araw na nagtanong sa akin si Zid kung gusto niya akong ligawan. Parehong lugar at parehong oras.Sa tuwing mayroong kliyente na naghihingi ng romantikong lokasyon para sa kanilang photoshoot ay palagi kong sinasagot na mas magandang sa taas ng burol kung saan nakikita ang paglubog ng araw.Isa iyon sa pinakamasayang tagpo sa aking buhay na gusto kong paulit-ulit na alalahanin.Kumusta na kaya siya? May asawa na kaya siya? Ang isiping iyon ang nagpalungkot sa akin. Isa sa mga dahilan kung bakit natatakot akong magpakita sa kan'ya ay dahil ayokong malaman na may asawa't anak na siya.Hi
Hindi ko kailanman pinangarap na mamatay sa ibang bansa. Ayos na nga sa akin na basta na lang ihulog sa ilog basta sa Pilipinas, atleast mga Pilipinong isda ang makikinabang sa akin.Bigo kami ni Blue na tumakas. Pagkabukas pa lamang namin ng pintuan ng aking kwarto sa ospital ay bumungad na sa amin ang naglalakihang katawan ng mga foreigner na lalaki.Mabilis ang mga sumunod na pangyayari nang araw na iyon. Naisakay nila ako sa kotse nang walang pumipigil bukod kay Blue na nagpumilit na humabol subalit hindi niya kami naabutan.Nang araw din na iyon ay maluwag ko nang tinanggap ang kaparusahan na nag-aabang sa akin. Dinala nila ako sa New York taliwas sa iniisip kong itatapon nila ako sa tulay na dinaraanan namin patungong airport.Pagdating sa New York ay dumiretso kami sa main headquarters. Doon ay nakita kong muli si Duke. Gwapo pa din siya, pero mas gusto kong makita sa huling sandali si Zid.Makakaya niya naman sigurong mabuhay na wala ako 'd
Zid Kai's blood stain on my hands stabs my heart a million times. Paano ko hinayaan na mapahamak ang babaeng pinakamamahal ko? Bakit hindi ko siya pinaniwalaan? How can I doubt her? Siya na handang itaya ang buhay para sa akin. Ano'ng sumagi sa isip ko para pagdudahan siya? I should be the first one to believe her, dahil iyon ang ipinangako ko sa sarili nang mga panahon na mag-isa siya. I promised myself to be the person who will stand up for her. Ang taong hindi siya lilisanin kahit iwanan na siya ng mundo. Pero ano'ng ginawa ko? Kung sana'y hindi ko siya iniwan. Kung sana kahit nalilito ang isip ko'y pinanatili ko lang siya sa aking tabi ay hindi ganito ang sasapitin niya. Alam kong hindi na mababago ng 'sorry' ko ang mga nangyari pero sana ay huwag ilagay sa panganib ang kan'yang buhay dahil hindi ko kakayanin. "Zid, maupo ka muna." Kanina pa ako pabalik-balik ng lakad sa labas ng emergency room at kanina pa din ako pinapaka
"What do you want to eat?" Kanina pa ako tinatanong ni Zid kung ano ang gusto kong kainin. Sinabi kong wala pero mukhang hindi niya narinig sa dami ng pagkain na in-order niya. Sumagi ang mata ko sa pulang rosas na nasa flower vase sa gilid ng aking kama. Isang araw niya na akong binabantayan at sa tingin ko'y wala pa din siyang tulog. Pinagmasdan ko siyang kunin ang isang bowl na mayroong sopas. Base sa pagngiwi ng kan'yang labi ay alam kong napaso siya sa init nito. Ipinatong niya ito sa isang tuwalya sa kan'yang kamay bago umupo sa aking tabi. Kumuha siya ng isang kutsarang sopas at hinipan ito. Tinikpan niya nang kaunti bago inilapit sa aking mga labi. Tahimik niya akong sinubuan ng pagkain. Naniniwala na kaya siyang hindi ako ang nagpakalat ng video? Alam niya na kayang ang mommy niya ang nasa likod ng kaguluhan ngayon? Alam na kaya ng buong bansa na isa ako sa mga undercover agent ng The Veracity? Sa dam
Unti-unti kong iminulat ang aking mata nang masilaw mula sa liwanag na nanggagaling sa labas. Sinubukan kong ilibot ang paningin sa apat na sulok ng kwarto at nakitang walang ibang tao bukod sa akin. Kinapa ko ang aking cellphone subalit wala ito sa aking bulsa o saan man sa paligid. Huli kong naalala ang pagsagot ko sa tawag ni Zid hanggang sa mayroong bagay na itinusok sa aking balikat dahilan upang mawalan ako nang malay. Sinubukan kong bumangon mula sa pagkakahiga sa malamig na semento upang makapaghanap ng malalabasan. Wala akong ideya kung bakit ako nandito at kung sino ang nagdala sa akin dito pero alam kong kailangan ko nang tumakas habang wala pang tao. Ngunit bigo akong makahanap ng pinto o bintana. Gawa sa pinagtagpi-tagping mga kahoy ang kwarto at kailangan ko ng pamukpok upang makagawa ng butas. Naghanap ako ng matigas na bagay sa loob pero walang ibang gamit doon. Sumilip ako sa mga butas upang makita kung mayroong
Zid's POV If there's one thing I'm regretful for, it's kissing and having sex with several women. Kung alam ko lang na darating si Kai sa buhay ko ay mas pipiliin kong sa kan'ya ko rin gawin lahat ng una ko. I am her first boyfriend, first hug, first dance, first holding hands, first kiss and I want to be the last. At first, I was upset when she declined my offer in exchange of the video that will ruin Chloe's carreer, the celebrity that destroyed my beloved sister's reputation in her school. Lahat ng tao na hinihingian ko ng pabor, mabilis kong napapa-oo, pero iba siya. Kinailangan ko pa'ng dumating sa punto na mang-kidnap. I was challenged by her toughness but seeing her sleeping on the cold pavement next to Tere, whom I thought her girlfriend that time, I was touched with sympathy. Para ba'ng ayoko na siyang ibalik sa lugar na iyon. Aaminin ko, sa bawat araw na kasama ko siya sa hideout ay nawalan na ako ng gana na ipaghiganti a
Isang gabi pa lang na hindi kami okay ni Zid ay hirap na hirap na akong matulog. Sinabayan pa ito nang labis kong pag-aalala para sa kapatid. Tama si Zid pinuntirya nga ng mga tao si Harrieth. Tinawag na kabit si Orca Lapuz at hindi rin daw malabo na maging ganoon siya. Marami nga ang nagsabi na mabuti raw na walang kapatid na babae sina Zid dahil baka agawin rin ni Harrieth ang nobyo nito. Napagpasyahan ko siyang bisitahin sa ospital kinaumagahan. Bumili ako ng prutas at paborito niyang milk tea at cookies. Sana lang ay hindi ko maabutan si Orca Lapuz doon. Mas lalong titindi ang kan’yang galit kapag nalaman niyang ako ang nasa likod ng pagkuha sa mainit nilang eksena ni Senator Newis. Lumapit ako sa nurse station at binasa ag pangalan ng nurse sa nameplate. “Nurse Mabel, saan po dito ang room ni Harrieth Sena?” “Room 27 po,” aniya bago itinuro ang hallway kung nasaan ang kwarto. Tumango ako at nagpasalamat dito. Hindi pa man ako naka