Share

Chapter 12

Author: Rina
last update Huling Na-update: 2021-07-02 15:36:20

Kahit nasa ibang bansa ay malakas pa din ang dating ni Zid. Hindi ko maikakailang mas lalo siyang naging gwapo sa kan'yang winter attire. Kung sana'y maganda din ang kan'yang pag-uugali ay baka siya ang unang lalaking magiging crush ko kaso lang ay nasa listahan na siya ng mga lalaking kinamumuhian ko.

Hindi ko na sinagot ang kan'yang tanong bagkus ay bigla kong hinablot ang aking wallet na nasa kan'yang kamay subalit mabilis niya itong naiilag sa akin.

Hindi ako tumigil at pilit na inagaw ang wallet ko hanggang sa itinaas niya na iyon at hindi ko na maabot.

Masamang tingin ang ipinukol ko sa kan'ya samantalang parang nag-eenjoy pa siya sa ginagawa.

Isip bata!

Siguro'y bully siya 'nong bata pa at palaging napapatawag sa guidance office ang kan'yang mga magulang. Kawawa naman sila dahil nadagdagan lang ang edad ni Zid pero nananatiling immature ang pag-uugali niya.

"Akin na sabi 'yan!" bulyaw ko. Wala akong pakialam kung pagtinginan kam

Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

  • Capturing The Bachelor   Chapter 13

    Nakakatawang isipin na sa mga nagdaang linggo ay si Zid ang naghahabol sa'kin ngayo'y ako naman. Kung paano ko siya talikuran at iwasan noon ay ganoon din ang ginagawa niya sa akin ngayon. Sinundan ko si Zid hanggang lobby ng hotel na kan'yang tinutuluyan. Ilang ulit ko siyang tinawag ngunit hindi man lang siya lumingon at dire-diretsong sumakay ng elevator. Hinarang ako ng mga guards bago pa man ako makapasok doon marahil ay nahalata nilang hindi ako isa sa mga guests. "Miss, can you please call Mr. Zid Sena?" tanong ko sa receptionist. Pasimple akong tinitigan ng babae mula ulo hanggang paa. "What's your name?" tanong niya. "Tell him that his friend Kai is waiting for him at the lobby," sabi ko. Bakas sa mukha niya ang pagdadalawang-isip kung pagbibigyan ako o hindi. "If he's your friend I suggest to personally message him about it," sabi niya. "My phone is... lost. Yes I don't have my phone with me," pagsisinun

    Huling Na-update : 2021-07-03
  • Capturing The Bachelor   Chapter 14

    Noong bata pa ako'y madalas akong mainggit sa mga kaklase kong inihahatid ng kanilang ama papasok ng eskwela. Minsan nga'y nagkaroon pa ako ng kaaway dahil nagselos ang aking kalaro nang gawan ako ng saranggola ng kan'yang ama."Wala ka kasing daddy, kaya gusto mong agawin ang daddy ko!" natatandaan ko pang bulyaw niya sa'kin.Simula noo'y nagtanong na ako kay lola tungkol sa tunay kong ama subalit palagian niyang iniiba ang usapan. Hanggang sa dapuan siya ng malubhang karamdaman. Bago siya mamatay ay isiniwalat niya ang kan'yang nalalaman sa'king tunay na pagkatao.Ngayon nga'y nasa harap ko na ang lalaking matagal ko nang inaasam na makita."Mr. Sena has requested me to do you a favor and give you even a few minutes of my time. So what is it?" tanong ni Mr. Davis.Iniwan kami ni Zid sa pribadong parte ng restaurant. Maging ang sekretarya ni Mr. Davis ay lumipat din ng ibang upuan.Pinagmasdan ko ang kapeng sinerve ng waitress s

    Huling Na-update : 2021-07-04
  • Capturing The Bachelor   Chapter 15

    "I'm sorry Mr. Sena but our hotel is fully booked," sabi ng receptionist ng hotel na tinutuluyan ni Zid.Nang magkita kami kanina sa Central Park ay hindi na ako nagsinungaling pa nang magtanong siya kung bakit bitbit ko ang aking mga gamit.Sinabi ko din sa kan'yang wala na akong sapat na pera. Hindi ko alam kung bakit nagpapakita akong kaawa-awa sa harap niya, marahil ay defense mechanism ko na iyon upang hindi niya ako makompronta tungkol sa nangyari kanina.Akala ko'y aalis na siya pagkatapos namin mag-usap ngunit sa aking pagkabigla ay nag-offer siya ng tulong.Gusto kong tumanggi dahil pakiramdam ko'y may hidden agenda siya. Subalit nang maalala kong nasa ibang bansa ako at sa kasawiang palad ay siya lamang ang kakilala ko ay pumayag na din ako."Okay lang Zid. Maghahanap na lang ako ng ibang matutuluyan," sabi ko sa kan'ya.Nakapamewang siyang tumingin sa'kin. Ako nama'y abalang punasan ang malagkit na sarsa na tumilapon sa dami

    Huling Na-update : 2021-07-05
  • Capturing The Bachelor   Chapter 16

    Naranasan mo na bang dumalo sa isang networking seminar? 'Yong tipong may isang gwapong nilalang ang nag-aya saiyo na magkape sa isang coffee shop, kinikilig ka na dahil akala mo ay date, iyon pala ay aalukin ka lang na mag-invest. Ganitong-ganito ang nararamdaman ko ngayon habang kaharap si Zid. Nakaupo ako sa couch samantalang siya naman ay sa single sofa, dito sa kan'yang unit. Sa center table ay nandoon ang isang nakatuping d'yaryo na pamilyar ang itsura sa'kin. "This is The Veracity's tabloid, it exposes businessmen and politicians na gumagawa ng iligal na bagay, such as corruption, drugs, any illegal activities. Hangga't may larawang kuha bilang ebidensya ay mailalathala sa tabloid na ito. That will be your job. You will be an undercover photographer of our organization," panimula ni Zid. "Wait. Wait lang. Time first," hindi ko masundan ang mga sinasabi niya. "Ibig mo bang sabihin ay pa-sekreto kong kukuhanan ng larawan ang mga politiko o negosyante na

    Huling Na-update : 2021-07-06
  • Capturing The Bachelor   Chapter 17

    "Can I just train her instead?" tanong ni Zid kay Duke nang pinigilan siya nitong sumama sa akin patungo sa isang pinto. Matagal na tinitigan ni Duke si Zid, pakiramdam ko'y nag-uusap sila sa pamamagitan ng mga mata. Dumako sa akin ang tingin ni Duke bago ngumiti. "Okay. How can I say no to the most promising interrogator of our organization?" Hindi ko alam kung nanunuya ba ang tono ng pananalita ni Duke dahil nakangisi ito samantalang nanatiling seryoso si Zid. Tumikhim ako upang kunin ang atensyon nilang dalawa. Gusto ko nang matapos ang training na ito. Kami na lang ni Zid ang pumasok sa loob, bumungad sa amin ang may kalakihang gymnasium. Kaliwa't kanan ang nag-e-ehersisyo at nag-eensayo ng karate, boxing at self-defense. Iba't ibang kulay ng balat ang nakikita ko at pananalita ang naririnig ko. Ibig sabihin ay katulad ko din sila na bagong recruit para maging parte ng organisasyon sa kanilang bansa. Mayroon ng nakahandang pamalit ng

    Huling Na-update : 2021-07-07
  • Capturing The Bachelor   Chapter 18

    Habang nasa byahe kami patungo sa hideout o bahay na pinagdalhan sa akin noon ni Zid nang kidnap-in niya ako, ay inisa-isa na nila sa akin ang trabaho ng bawat myembro ng grupo. Ang protektor ng grupo na madalas kong makakasama sa mga misyon ay sina Ivan o Hail at Sylvester o Sun. Si Blue naman na may codename na Rain ay ang I.T specialist. Siya ang nakatalaga sa pagproseso ng mga larawan at video na makukuhanan ko at higit sa lahat ang pag-hack ng ilang accounts ng mga politiko at negosyante upang makakuha ng ebidensya at impormasyon. "I am Cloud, your leader," maikling pagpapakilala ni Knight sa kan'yang sarili. Siya ang nagmamaneho ng sasakyan at sa kan'yang tabi ay si Zid. "I am the interrogator of the team," sabi naman ni Zid. Naalala ko bigla ang sinabi ni Duke na si Zid ang 'most promising interrogator' ng The Veracity. Hindi na nakakapagtaka kung bakit napakagaling niyang manghikayat ng tao. Pero bakit namin kailangan ng interrog

    Huling Na-update : 2021-07-08
  • Capturing The Bachelor   Chapter 19

    "Mr. Alejar, a Caelus Aviation stockholder, is believed of being the mastermind behind the human trafficking discovered by police in Manila two months ago." Hawak-hawak ang isang pulang marker ay binilugan ni Cloud ang litrato ni Mr. Alejar na nakadikit sa white board habang ipinapaliwanag sa amin ang susunod na misyon. "I ran a background check on him. He grew up in the province. Mayroon silang mga lupain doon na iligal raw na tinitirhan ng mga tao. Pilit na binawi ng kanilang pamilya ang mga lupain subalit nagmatigas ang mga taga-roon. Dahil dito, Mr. Alejar's father decided to use violence. May mga sibilyan na namatay. Ang mga kapamilya nito ay naudyok na maghiganti, causing his parent's death. He became an orphan at a very young age. Bukod pa doon, ang lupang pinag-aawayan ay napag-alaman na matagal nang nailipat sa pangalan ng mga mamamayan na nakatira doon," mahabang kwento ni Cloud. Mataman akong nakikinig sa kan'ya. Bigla ay naging interesado ako sa u

    Huling Na-update : 2021-07-09
  • Capturing The Bachelor   Chapter 20

    Isa sa magandang dahilan kung bakit masarap manirahan sa probinsya kaysa sa lungsod ay dahil sa sariwang hangin na mayroon dito. Tila ba bawat ihip ay kasabay na tinatangay ang anumang problemang dinadala mo.Ibinaba ako ng tricycle driver sa tapat ng basketball court malapit sa barangay hall ng Sta. Monica. Nilakad ko na lamang ang lubak-lubak na daan patungo sa munting kubo, na pilit ipina-memorize ang itsura sa akin ni Cloud kahapon.Sa aking likod ay ramdam na ramdam ko ang presensya ni Ice. Akala ko ba'y sina Hail at Sun ang magbabantay sa akin? Nasaan ba sila?Marahil ay magaling lang talaga silang magtago kaya hindi ko mahagilap ni hibla ng kanilang buhok sa paligid.Tinanggal ko ang aking blazer at sinubukang maglakad ng sexy katulad ng karakter ni Dona sa script na ibinigay sa akin.Hindi ako si Kai ngayon, ako si Dona at kailangan kong umakto bilang siya.Tumigil ako sa tapat ng isang kubo na napapaligiran ng kawayang-b

    Huling Na-update : 2021-07-10

Pinakabagong kabanata

  • Capturing The Bachelor   Special Chapter

    Dear Beautiful and Handsome Readers, Hello! Kung nakarating ka hanggang dito sobrang thank you! I just wanted to say na, sobra akong nagpapasalamat sa mga nagbigay ng gems at nagbayad para sa novel na ito. I hope na nagustuhan n'yo ang kwento. Magpapatuloy po ako sa pagsusulat at sana suportahan n'yo pa rin ang mga darating kong nobela. Nawa'y nasa mabuti kayong kalagayan ngayon. Don't forget to smile, pray and always choose to be kind. Mahal ko kayo! As a token of appreciation, here's a special chapter for you guys. Enjoy! "Harrieth sit down, hindi ka kasama sa sasalo ng bouquet." Kanina ko pa pinapaupo si Harrieth subalit irap lamang ang natanggap ko mula sa kan'ya. Nasa unahan pa nga siya at handang saluhin ang bulaklak na itatapon ng aking asawa. Asawa. My wife, Kaileen. Akala ko hanggang imagination na lamang ako na ikakasal kami ni Kai at bubuo ng pamilya. Na

  • Capturing The Bachelor   Epilogue

    I was once an orphan. Mag-isa at sarili lamang ang inaasahan. Bawat desisyon ko sa buhay ay walang ibang basehan kun'di ang aking nararamdaman.Masayang mamuhay mag-isa dahil hindi ka magigising sa away at gulo sa loob ng pamilya. Subalit hindi sa lahat ng panahon.Mas gusto kong magising sa umaga sa ingay ng aking kapatid at sa sermon ng aking mga magulang, dahil kahit gan'on alam kung mayroong mag-aalala sa akin kapag wala pa ako sa gabi.Hindi ko iyon naranasan simula nang mawala si lola. Naging miserable ang aking buhay subalit dumating si Zid. Hindi na ako kailanman naging mag-isa.Ang sarap sa pakiramdam na bawat galaw mo ngayon ay may kasama ka na. Mayroon nang mag-aalala para sa'yo. Kapag nawala ka ay may maghahanap na sa'yo.Zid spare me from the fear and hatred.Naipakulong niya ang aking tiyuhin. Malaya na ako. Wala na ang bangungot na matagal ko nang kinikimkim noon pa man.Hindi man kami nagkaroon ng maayos na relas

  • Capturing The Bachelor   Chapter 75

    "Yes nandito ako sa location. I'll send you the pictures. Ipakita mo sa client kung gusto nilang dito gawin ang photoshoot."Ibinaba ko ang cellphone matapos magbigay ng instruction sa aking secretary. Isang linggo na akong nasa Pilipinas at hindi ko inaasahan na magiging abala ako sa kompanya ni Mr. Davis.Golden hour. Ginto rin ang kalangitan nang araw na nagtanong sa akin si Zid kung gusto niya akong ligawan. Parehong lugar at parehong oras.Sa tuwing mayroong kliyente na naghihingi ng romantikong lokasyon para sa kanilang photoshoot ay palagi kong sinasagot na mas magandang sa taas ng burol kung saan nakikita ang paglubog ng araw.Isa iyon sa pinakamasayang tagpo sa aking buhay na gusto kong paulit-ulit na alalahanin.Kumusta na kaya siya? May asawa na kaya siya? Ang isiping iyon ang nagpalungkot sa akin. Isa sa mga dahilan kung bakit natatakot akong magpakita sa kan'ya ay dahil ayokong malaman na may asawa't anak na siya.Hi

  • Capturing The Bachelor   Chapter 74

    Hindi ko kailanman pinangarap na mamatay sa ibang bansa. Ayos na nga sa akin na basta na lang ihulog sa ilog basta sa Pilipinas, atleast mga Pilipinong isda ang makikinabang sa akin.Bigo kami ni Blue na tumakas. Pagkabukas pa lamang namin ng pintuan ng aking kwarto sa ospital ay bumungad na sa amin ang naglalakihang katawan ng mga foreigner na lalaki.Mabilis ang mga sumunod na pangyayari nang araw na iyon. Naisakay nila ako sa kotse nang walang pumipigil bukod kay Blue na nagpumilit na humabol subalit hindi niya kami naabutan.Nang araw din na iyon ay maluwag ko nang tinanggap ang kaparusahan na nag-aabang sa akin. Dinala nila ako sa New York taliwas sa iniisip kong itatapon nila ako sa tulay na dinaraanan namin patungong airport.Pagdating sa New York ay dumiretso kami sa main headquarters. Doon ay nakita kong muli si Duke. Gwapo pa din siya, pero mas gusto kong makita sa huling sandali si Zid.Makakaya niya naman sigurong mabuhay na wala ako 'd

  • Capturing The Bachelor   Chapter 73

    Zid Kai's blood stain on my hands stabs my heart a million times. Paano ko hinayaan na mapahamak ang babaeng pinakamamahal ko? Bakit hindi ko siya pinaniwalaan? How can I doubt her? Siya na handang itaya ang buhay para sa akin. Ano'ng sumagi sa isip ko para pagdudahan siya? I should be the first one to believe her, dahil iyon ang ipinangako ko sa sarili nang mga panahon na mag-isa siya. I promised myself to be the person who will stand up for her. Ang taong hindi siya lilisanin kahit iwanan na siya ng mundo. Pero ano'ng ginawa ko? Kung sana'y hindi ko siya iniwan. Kung sana kahit nalilito ang isip ko'y pinanatili ko lang siya sa aking tabi ay hindi ganito ang sasapitin niya. Alam kong hindi na mababago ng 'sorry' ko ang mga nangyari pero sana ay huwag ilagay sa panganib ang kan'yang buhay dahil hindi ko kakayanin. "Zid, maupo ka muna." Kanina pa ako pabalik-balik ng lakad sa labas ng emergency room at kanina pa din ako pinapaka

  • Capturing The Bachelor   Chapter 72

    "What do you want to eat?" Kanina pa ako tinatanong ni Zid kung ano ang gusto kong kainin. Sinabi kong wala pero mukhang hindi niya narinig sa dami ng pagkain na in-order niya. Sumagi ang mata ko sa pulang rosas na nasa flower vase sa gilid ng aking kama. Isang araw niya na akong binabantayan at sa tingin ko'y wala pa din siyang tulog. Pinagmasdan ko siyang kunin ang isang bowl na mayroong sopas. Base sa pagngiwi ng kan'yang labi ay alam kong napaso siya sa init nito. Ipinatong niya ito sa isang tuwalya sa kan'yang kamay bago umupo sa aking tabi. Kumuha siya ng isang kutsarang sopas at hinipan ito. Tinikpan niya nang kaunti bago inilapit sa aking mga labi. Tahimik niya akong sinubuan ng pagkain. Naniniwala na kaya siyang hindi ako ang nagpakalat ng video? Alam niya na kayang ang mommy niya ang nasa likod ng kaguluhan ngayon? Alam na kaya ng buong bansa na isa ako sa mga undercover agent ng The Veracity? Sa dam

  • Capturing The Bachelor   Chapter 71

    Unti-unti kong iminulat ang aking mata nang masilaw mula sa liwanag na nanggagaling sa labas. Sinubukan kong ilibot ang paningin sa apat na sulok ng kwarto at nakitang walang ibang tao bukod sa akin. Kinapa ko ang aking cellphone subalit wala ito sa aking bulsa o saan man sa paligid. Huli kong naalala ang pagsagot ko sa tawag ni Zid hanggang sa mayroong bagay na itinusok sa aking balikat dahilan upang mawalan ako nang malay. Sinubukan kong bumangon mula sa pagkakahiga sa malamig na semento upang makapaghanap ng malalabasan. Wala akong ideya kung bakit ako nandito at kung sino ang nagdala sa akin dito pero alam kong kailangan ko nang tumakas habang wala pang tao. Ngunit bigo akong makahanap ng pinto o bintana. Gawa sa pinagtagpi-tagping mga kahoy ang kwarto at kailangan ko ng pamukpok upang makagawa ng butas. Naghanap ako ng matigas na bagay sa loob pero walang ibang gamit doon. Sumilip ako sa mga butas upang makita kung mayroong

  • Capturing The Bachelor   Chapter 70

    Zid's POV If there's one thing I'm regretful for, it's kissing and having sex with several women. Kung alam ko lang na darating si Kai sa buhay ko ay mas pipiliin kong sa kan'ya ko rin gawin lahat ng una ko. I am her first boyfriend, first hug, first dance, first holding hands, first kiss and I want to be the last. At first, I was upset when she declined my offer in exchange of the video that will ruin Chloe's carreer, the celebrity that destroyed my beloved sister's reputation in her school. Lahat ng tao na hinihingian ko ng pabor, mabilis kong napapa-oo, pero iba siya. Kinailangan ko pa'ng dumating sa punto na mang-kidnap. I was challenged by her toughness but seeing her sleeping on the cold pavement next to Tere, whom I thought her girlfriend that time, I was touched with sympathy. Para ba'ng ayoko na siyang ibalik sa lugar na iyon. Aaminin ko, sa bawat araw na kasama ko siya sa hideout ay nawalan na ako ng gana na ipaghiganti a

  • Capturing The Bachelor   Chapter 69

    Isang gabi pa lang na hindi kami okay ni Zid ay hirap na hirap na akong matulog. Sinabayan pa ito nang labis kong pag-aalala para sa kapatid. Tama si Zid pinuntirya nga ng mga tao si Harrieth. Tinawag na kabit si Orca Lapuz at hindi rin daw malabo na maging ganoon siya. Marami nga ang nagsabi na mabuti raw na walang kapatid na babae sina Zid dahil baka agawin rin ni Harrieth ang nobyo nito. Napagpasyahan ko siyang bisitahin sa ospital kinaumagahan. Bumili ako ng prutas at paborito niyang milk tea at cookies. Sana lang ay hindi ko maabutan si Orca Lapuz doon. Mas lalong titindi ang kan’yang galit kapag nalaman niyang ako ang nasa likod ng pagkuha sa mainit nilang eksena ni Senator Newis. Lumapit ako sa nurse station at binasa ag pangalan ng nurse sa nameplate. “Nurse Mabel, saan po dito ang room ni Harrieth Sena?” “Room 27 po,” aniya bago itinuro ang hallway kung nasaan ang kwarto. Tumango ako at nagpasalamat dito. Hindi pa man ako naka

DMCA.com Protection Status