"Huh? Ano ba'ng sinasabi mo? Anong video? Saka sino ka ba?" Pinilit kong huwag mautal at tinapangan ang boses upang hindi niya makitang natatakot ako.
Nakakakilabot ang kan'yang presensya. Dumagdag pa na hindi maalis sa isip ko ang nakakatakot na eksena na nababasa ko sa mga nobela, baka ganoon din ang sapitin ko.
"Really? Then what is this?" Ipinakita niya sa akin ang cellphone ko kung nasaan ang usapan namin ni Chloe. Hindi pa ako nakakapag-reply doon nang kumatok sila.
Kaagad akong lumapit sa kan'ya at hinablot ang aking cellphone.
Bakit ba kasi parang nahihipnotismo ako sa paraan ng pagtitig niya? Hindi ko tuloy namalayan na nakuha niya na ang cellphone ko.
"Bakit ba nakikialam ka? Lumabas ka na nga! Kung hindi ay tatawag ako ng pulis. Sasabihin kong trespassing ka tapos hina-harass mo ako," buong tapang na sabi ko.
Napangisi lamang si Zid at prenteng umupo sa aking kama. Itinukod pa niya ang dalawang kamay sa likod.
Bakit ba pakiramdam ko'y nag-e-enjoy siya sa nangyayari? Parang may tama yata sa utak ang lalaking ito. Hindi naaangkop sa sitwasyon ang emosyon niya.
"I thought police only catch those person who violates the law. Sa pagitan nating dalawa mukhang hindi ako 'yon," kaswal na sabi nito kaya mas lalo akong nakaramdam ng pagkainis.
"Huwag ka mag-alala hindi ko naman ilalabas ang video na ito. Sa katunayan i-de-delete ko na nga kung hindi ka lang dumating," pag-amin ko upang matapos na ang usapan namin at umalis na siya.
"And you're going to do that for just a hundred thousand pesos? I'll triple it. Three hundred thousand pesos," sabi niya na tila ba nasa isang business deal kami.
Hindi ko maiwasang isipin na baliw na talaga ang lalaking ito. Sinabi ko nang buburahin ko na ang video kahit wala siyang ilabas na pera dahil babayaran naman na ako ni Chloe.
Parang mali ang sinabi sa akin ni Fredo na kuripot ang isang ito. Mukhang napakagalante.
"Sige deal na ako sa'yo. Akin na ang pera." Inilahad ko ang aking kamay sa harap niya.
Kailangan kong maging praktikal, syempre doon ako sa mataas ang offer.
"Post the video first," sabi niya na siya namang ikinabigla ko.
"Huh? Akala ko ba buburahin?" nagtatakang tanong ko sa kan'ya.
"Why would I do that? I need you to post the video not to delete it."
Sandali akong napatigil upang mag-isip. Hindi naman ako ganoon kasama upang ipagkalat sa mga tao ang baho ng mga artista. Iyon ang ibinabanta ko sa mga biktima ko upang bayaran nila ako pero kailanman ay hindi ko naisip na gawin iyon.
Iyon na nga lang ang kabutihan na mayroon ako tapos ay ibebenta ko pa sa demonyong lalaki na nasa harap ko.
"Hindi. Hindi ko gagawin iyon. Sa'yo na yang pera mo," saad ko.
Napangiti naman si Zid bago tumayo at naglakad lakad sa loob ng maliit kong kwarto. Pinagmasdan niya ang mga nagkalat sa paligid bago bumaling sa'kin.
"Fine, half a million," mayabang siyang tumayo sa aking harap.
Sa totoo lang ay nakakaakit ang halaga ng pera na lumabas sa bibig niya. Subalit parang hindi kakayanin ng konsyensya ko na may masisirang imahe dahil sa'kin.
Isang daang libo lang naman ang kailangan ko. Hindi na dapat ako maghangad ng mas mataas pa doon.
Umiling ako bilang tugon sa kan'ya.
Huminga siya ng malalim. Tila nauubusan na ng pasensya sa akin. Naglakad siya palapit sa laptop ko. Kinuha niya ang isang bagay na nakapatong doon.
Ang aking bra!
Hinawakan niya iyon sa mismong foam at iniabot sa akin. Pakiramdam ko ay umakyat lahat ng dugo papunta sa aking mukha. Mabilis kong hinablot iyon sa kan'ya at itinago sa aking likod.
Hindi nakatakas sa aking paningin ang pasimpleng pagsulyap niya sa aking dibdib. Makapal naman ang suot kong malaking tshirt kaya hindi nababakat ang aking dibdib kahit wala akong suot na bra.
"Bakit may foam? Akala ko ba ayaw ng mga 'les' na malaki ang dibdib nila?" nang-aasar na tanong nito na mas lalong ikinapula ng aking mukha.
Sinasabi niya bang tomboy ako?
Hindi ko na napigilan ang aking sarili na hampasin siya.
Tumama ang aking bra sa kan'yang mukha. Hindi ko naisip na iyon pala ang hawak ko.
Pigil akong napatili sa sobrang inis. Napangisi naman siya sa inakto ko at binalewala ang panghahampas ko sa kan'ya.
"Password?" bigla ay tanong niya sa akin.
Sinulyapan ko ang aking laptop sa mesa na hindi ko namalayang nabuksan niya na. Kailangan ng password upang ma-access niya ang desktop ko.
Pakiramdam ko tuloy pinapapungay niya talaga ang kan'yang mga mata upang maakit ako at hindi mahalata ang ginagawa niya sa laptop ko.
Hinawakan ko ang laylayan ng kany'ang damit at hinila palayo doon upang maiharang ko ang sarili sa aking laptop.
"Umalis ka na. Hindi ko gagawin 'yang gusto mo," sabi ko sa kan'ya.
Pinagmasdan ko siya mula ulo hanggang paa upang masiguro na wala siyang nakuha na kahit ano mula sa kwarto ko. Pero mukhang mali ang ginawa ko dahil mas lalo lang akong humanga sa hubog ng katawan niya. Bumabakat ang biceps niya sa suot niyang plain white shirt. Ilan kaya ang abs niya?
"Are you sure? One million," sabi niya na tila ba hindi malaking halaga ang isang milyon.
Mula sa pagkatulala ko sa kan'yang katawan ay nabaling sa mukha niya ang tingin ko. Ngumisi siya nang makita ang gulat sa mukha ko.
Isang milyon, marami na akong magagawa sa ganoon kalaking pera. Maaari na akong magtayo ng negosyo at makapag-aral ng photography.
'Tandaan mo apo, huwag kang papasilaw sa yaman at kasikatan lalo na kung may maaapakan kang tao sa gagawin mong iyon. Magpakabait ka'
Sandali akong natahimik nang maalala ang huling habilin sa akin ni lola bago siya mamatay. Si lola ang nag-iisang tao na nagparamdam ng pagmamahal sa'kin. Paniguradong mas lalo siyang ma-di-disappoint kapag tinanggap ko ang offer ng masamang lalaki na nasa harap ko.
"Sorry pero nakapag-decide na talaga ako." Nakayuko ako nang sinabi ko iyon. Natatakot akong tumingin sa kan'ya dahil baka kapag tumingin ako sa mga mata niya ay pumayag ako.
Naramdaman kung umatras si Zid. Tila nag-iisip. Pinagkrus nito ang braso sa ibabaw ng dibdib at mataman akong tinitigan. Napako ang mata nito sa bra na hawak ko pa din. Nailang ako kaya itinago ko ito sa ilalim ng aking unan na nasa kama sa aking gilid.
"Fine, I'll just call my uncle Superintendent Sena, anyway all the evidences are here, including those wigs." Itinuro niya ang iba't ibang kulay ng wigs ko na nagkalat sa sahig. "Besides, I can also invite Gwen, Brianna, Ivine, BS91, The Angelic Faces, and Jester to testify against you."
Kung kanina ay umakyat lahat ng dugo ko sa mukha ngayon naman ay tila pumunta itong lahat sa aking mga paa. Pinanlamigan ako. Paano niya nalaman lahat ng artistang nabiktima ko? Kailangan ko makapag-isip kaagad ng palusot.
"Please sir ,huwag naman pong ganoon," pagmamakaawa ko kahit tila wala naman puso ang lalaking kaharap ko.
"Then exposed the video now!"
Napapitlag ako sa lakas ng boses niya dahilan upang hindi na ako makapagsalita. Hatalang nauubusan na siya ng pasensya sa'kin.
Kinuha nito ang cellphone at may kung anong pinindot bago iniharap sa akin.
"Just give me your account number para ma-transfer ko na ang one million pesos," sabi niya.
Nakita ko doon na account number ko na lamang ang kailangan pagkatapos ay sa akin na ang isang milyon.
"Sandali! Pwede bang mag-isip-isip muna ako?" giit ko.
"Come on it's one million pesos. Do you want me to make it two million? Fine! I don't have enough time for this."
Pakiramdam ko ay nasa deal or no deal game show ako ngayon. Si banker na ba itong kaharap ko? Napakamot ako ng ulo, ang hirap naman mag-decide.
"Sh*t!" naiinis na sabi ni Zid nang mag-ring ang cellphone niya.
"Hello dad. Yes I'm on my way there. I am just settling things here. Yeah, 5 minutes I'll be there," matinong sabi nito sa kausap bago ako ituro gamit ang daliri.
"Think about it. Babalikan kita bukas. I'll keep an eye on you miss... mister. Which one do you prefer?" seryosong sabi niya.
Mister? Babae ako sa puso't isip!
"Nevermind, I have to go." Pagkaraan ay sabi niya nang hindi ako sumagot.
Iyon lang at mabilis na siyang naglaho sa aking harapan. Doon lamang ako nakahinga ng maluwag.
Kanina pa ako nakaupo sa harap ng karinderia ni aling Berna. Panay din ang send ni Chloe ng mensahe sa akin, tinatanong ako kung saan daw i-ta-transfer ang pera.
Maghintay siya, pinaghintay niya din naman ako ng reply kahapon. Kailangan kong maging matalino sa magiging desisyon ko, kahit alam kong wala naman ako 'non.
Epal naman kasi ng lalaking iyon. Ano nang gagawin ko ngayon?
Tulala akong nakatitig sa kawalan ng makita ko si Fredo na patungo sa aking pwesto. Nginitian ko siya at kinawayan. Tamang-tama kailangan ko ng makakausap. Ngunit bumalik ito at tila hindi narinig ang pagtawag ko.
Tumayo ako at nilapitan siya. Bakas sa mukha niya ang pagkabigla at tila kinakabahan.
"Ayos ka lang ba?" tanong ko. Hinila ko siya paupo sa harap ng karinderia kahit na mukhang ayaw niyang sumama sa'kin.
Tumango lamang siya.
"Pinuntahan ako ni Zid sa tinutuluyan ko kaninang umaga," panimula ko.
Lumingon siya sa akin gamit ang natatakot na mga mata. Binalewala ko iyon at nagpatuloy lamang sa pagkwento.
"Nagtataka nga ako kung paano niya nalaman na ako 'yong babae saka kung saan ako nakatira." May parte sa isip ko na pinupuri siya sa galing niya mag-imbestiga ngunit mas naiinis pa din ako dahil naging sagabal siya.
Bumaling ako kay Fredo nang hindi siya umimik. Nakadaop ang dalawang palad niya at nakapikit na bumaling sa'kin.
"Sorry na Kai! Kasi naman pinagbantaan ako ni sir Mago na kung hindi daw ako aamin ay tatanggalin niya ako sa trabaho. Alam mo naman na ako lang ang bumubuhay sa mga kapatid ko 'di ba?"
Saglit akong natulala sa kan'ya. Bakit hindi ko naisip na siya nga lang pala ang nakakaalam ng bagay na iyon?
Naiinis ko siyang hinampas at kinurot sa tagiliran dahilan upang mapatayo siya. Nagtawanan naman ang ilang kumakain at tambay sa lugar. Akala siguro ay nagbibiruan kami.
"Mag bold star kana lang kasi Fredo, tingnan mo 'yang si Orca Lapuz dating bold star 'yan pero tingnan mo ngayon... bold star pa din," kant'yaw ng ilang lalaki na kumakain sa loob habang pinapanood ang palabas na teleserye sa telebisyon.
Natahimik ako at pinagmasdan ang babaeng umaarte sa panghapong drama sa tv. Wala pa din kupas ang ganda niya at ka-sexy-han. Walang sinuman ang mag-aakala na mayroon na siyang dalawampu't isang taong gulang na anak.
Kinuha ko kaagad ang perang ipinadala ng kampo ni Chloe. Bukas ay sisimulan ko nang asikasuhin ang pagkuha ng flight patungong New York. Hindi ko pa sigurado kung magtatagal ako doon pero bahala na.Tumayo ako at iniharang ang mesa at upuan sa pinto ng aking kwarto. Tinabingan ko din ng makapal na kumot ang bintana. Mahirap na baka bigla na lamang akong pasukin ng Zid na iyon.Sabi pa naman niya kanina bago umalis, he will keep an eye on me. Hindi ba't iyon ang ginagamit na linya ng mga kontrabidang lalaki sa pelikula? Kaya't kailangan kong magdoble ingat.Binuksan ko ang aking laptop at binura ang video ng ChloTan. Binura ko na din ang dummy account ko sa IG. Ni-reformat ko din ang aking cellphone at tinapon ang ilang wigs at bagay na ginagamit ko sa pag-disguise. Mahirap na baka kinabukasan paggising ko ay marami nang parak sa labas ng kwarto ko. Mas mabuti nang wala silang ebidensya na makukuha laban sa akin.Nagsimula na din akong ma
Dahan-dahan kong tinungo ang pinto at nagdarasal na sana'y hindi iyon nakakandado sa labas.Nagsisimula na namang lamunin ng mga karumaldumal na eksena ang isipan ko.Paano kung na-kidnap ako? Tapos tinurukan nila ako ng drugs kaya wala akong maalala.Baka 'yong puting van na nangunguha ng bata at mga magagandang dalaga ang nagdala sa'kin dito. Ibig sabihin, kukunin nila ang ilang internal organs ko pagkatapos ay ibebenta. O 'di kaya'y puputulan nila ako ng paa o kamay at araw-araw na ihahatid sa mga kalsada upang mamalimos.Nakahinga ako ng maluwag nang mabuksan ko ang pinto ngunit andoon pa din ang malakas na kabog ng dibdib ko.Sumilip ako at nang mapagtantong walang tao ay nakatingkayad akong lumabas.Isang katapat na kwarto ang bumungad sa'kin.Kung nakidnap ako, dapat si Tere ay nandito din dahil magkasama kaming natulog kagabi sa waiting shed. Baka nasa loob siya ng kwartong ito.Lumapit ako at inilapat ang tainga
Si Zid ay parang terror na guro sa paaralan. 'Yong tipong isang sabi at tingin niya lang ay hindi na makakapalag ang mga estudyante at susundin na siya, katulad ngayon.Hindi dapat ang isasagot ko nang inaya niya akong mag-usap, pero andito ako ngayon sa kan'yang harapan sa likod ng bahay. Mataman siyang nakatitig sa aking mukha at nakakunot pa ang noo. Pakiramdam ko tuloy ay may one-on-one recitation kami. Hindi pa naman ako nakapag-review. Ano ba ang coverage?Umiwas ako ng tingin sa kan'ya bago pa man ako matulala sa pungay ng kan'yang mga mata."Gusto mo na ba'ng umuwi?" mahinahon niyang tanong.Nagulat ako kaya napatingin ako sa mukha niya upang makita kung pinagtritripan niya ba ulit ako.Tumango ako kahit nagdadalawang isip kung totoong seryoso ba talaga siya.Baka naman nakonsyensya siya sa ginawa niya sa'kin kanina kaya papauwiin niya na lang ako."Okay. I'll send you to your place," nakangiti niyang sabi.
Sa pagkakaalam ko ay kay Zid lang ako may atraso pero bakit maging si Sylvester ay masamang tingin ang ipinupukol sa'kin?"Akala ko si Blue na ang pinakamagaling mong makakaribal kay Heaven, I didn't expect na maging sa isang babae ay magseselos ka ng ganito," sabi ni Ivan kay Sylvester. Si Blue naman ay abala sa kan'yang laptop.Nasa hapag kainan kami ngayon at hinihintay na maluto ang ulam.Abala sa kusina si Manang Delia at Heaven. Si Ivan, Sylvester at Blue ang kasama ko ngayon sa lamesa. Wala si Knight at umalis naman si Zid na siyang ipinagpasalamat ko."Valid ang jealousy mo kung tomboy talaga si Kai," patuloy na kantiyaw ni Ivan.Bumaling siya sa'kin at nagtanong. "No offense Kai, are you a bi? Type mo ba si Heaven?"Naramdaman kong napatigil si Blue sa pagtipa sa kan'yang laptop at si Sylvester naman ay mataman akong tinitigan. Tila nag-aabang ng isasagot ko."Tinatakot n'yo na naman ba si Kai?" Mabuti na lamang a
Posible ba na malagyan ka ng tracker sa loob ng katawan mo nang hindi mo nalalaman? O sa mga pelikula lang iyon nangyayari?Pilit kong inaalala kong may naramdaman ba akong masakit o may kakaiba ba sa katawan ko nang magising ako sa bahay ni Zid at ng mga kaibigan niya. Pero wala akong maalala.Pasimple kong kinapa ang aking tiyan, batok at likod pero wala naman akong napansin na tahi mula doon.Napasulyap sa'kin si Zid na abalang magmaneho ng sasakyan. Wala akong nagawa nang pilitin niya akong sumakay. Kung walang mga pulis na nasa paligid kanina ay nagsisisigaw na ako doon para kunin ang atensyon ng mga tao at makatakas ako sa lalaking ito. Natakot kasi akong baka isuplong niya ako sa pulis kung gagawin ko iyon.Pinagmasdan ko ang dinaraanan namin at napagtantong hindi iyon ang daan patungo sa bahay.Pinalo ko ang kan'yang braso kaya nabigla siya at saglit na gumewang ang sasakyan."Ano ba Kai! Maaaksidente tayo sa ginagawa mo," naii
'What is one big mistake you've made in your life and what did you do to make it right?'Paulit-ulit na nag-pi-play sa utak ko ang tanong na iyan kay Venus Raj nang sumali siya sa Miss Universe. Dahil kung ako ang sasagot ay sasabihin kong, 'ang pagpapairal ng aking prinsipyo sa gitna ng nakakatakot na sitwasyon ang pinakapinagsisihan ko'.Kung tinanggap ko na noon pa ang offer niyang isang milyon, sana'y milyonaryo at malaya na ako ngayon. Hindi katulad nito na tila ako isang gamit kung bitbitin ni Zid kung saan niya gusto.Nang makatanggap siya ng tawag mula kay Blue ay basta-basta niya na lamang ako hinila palabas ng condo. Hindi ko man lang natapos ang kinakain ko at higit sa lahat ay hindi ko nagawa ang plano kong mag-eskandalo sa labas ng condo.Mabilis siyang nagmaneho kaya mahigpit ang kapit ko sa aking seatbelt.Nang makarating sa tapat ng bahay ay dali-dali siyang pumasok sa loob. Iniwanan niya ako sa labas, ako na kidnap niya. Hind
Pakiramdam ko'y nasa isang mystery crime movie ako. 'Yong tipong naghahanap ako ng ebidensya sa isang madilim na kwarto na tanging liwanag ng aking cellphone ang nagsisilbing ilaw. Idagdag pang nasa labas lamang ang kontrabida sa pelikulang ito, si Zid.Napatigil ako sa pag-i-imagine nang makita ang isang whiteboard kung saan nandoon ang larawan ng ilang kilalang politiko. Ang ilan sa kanila ay hindi na makilala dahil mayroong guhit na kulay pulang ekis ang mukha.Bakit mayroon silang ganito?Kahit na kinukutuban ako ng masama ay inilibot ko pa din ang aking paningin hanggang sa mapahinto ako sa tapat ng isang lamesa kung nasaan ang isang malaking dyaryo. 'The Veracity. We bring your shady dealings to light.'Iyon ang nakasulat sa pinakaunang pahina. Kulay pula ang mga letra at itim naman ang background. Para itong isang cover ng libro na ang tema ay horror o mystery.Hindi ako mahilig magbasa ng mga balita dahil wala nama
Kailanman ay hindi ako nagbigay ng buong tiwala sa isang lalaki maliban kay Fredo, na lalaki pa din kahit isa siyang binabae. Subalit andito ako ngayon sa isang sitwasyon na tanging si Blue na lamang ang makakatulong sa'kin. Mabilis siyang pumayag sa pabor na hiningi ko. Akala ko'y mahihirapan kaming makalabas ng bahay ngunit hindi ko inaasahang magaling mag-isip ng paraan si Blue. Natagpuan ko na lamang ang sarili ko sa shotgun seat ng kan'yang magarang sasakyan. Papalubog na ang sikat ng araw nang tinahak namin ang daan patungong airport. Nakapahinga sa bintana ang isa niyang kamay habang ang isa naman ay nasa manibela. Napaka-relax niyang magmaneho samantalang ako ay hindi pa lubos na napapanatag ang kalooban hanggang hindi nakakarating ng airport. "You know what, I'm surprised that Zid didn't able to get what she wants from you. Zid was good in persuading people. Kaya nga siya ang pinapaharap ko minsan sa mga investors ng company ko because
Dear Beautiful and Handsome Readers, Hello! Kung nakarating ka hanggang dito sobrang thank you! I just wanted to say na, sobra akong nagpapasalamat sa mga nagbigay ng gems at nagbayad para sa novel na ito. I hope na nagustuhan n'yo ang kwento. Magpapatuloy po ako sa pagsusulat at sana suportahan n'yo pa rin ang mga darating kong nobela. Nawa'y nasa mabuti kayong kalagayan ngayon. Don't forget to smile, pray and always choose to be kind. Mahal ko kayo! As a token of appreciation, here's a special chapter for you guys. Enjoy! "Harrieth sit down, hindi ka kasama sa sasalo ng bouquet." Kanina ko pa pinapaupo si Harrieth subalit irap lamang ang natanggap ko mula sa kan'ya. Nasa unahan pa nga siya at handang saluhin ang bulaklak na itatapon ng aking asawa. Asawa. My wife, Kaileen. Akala ko hanggang imagination na lamang ako na ikakasal kami ni Kai at bubuo ng pamilya. Na
I was once an orphan. Mag-isa at sarili lamang ang inaasahan. Bawat desisyon ko sa buhay ay walang ibang basehan kun'di ang aking nararamdaman.Masayang mamuhay mag-isa dahil hindi ka magigising sa away at gulo sa loob ng pamilya. Subalit hindi sa lahat ng panahon.Mas gusto kong magising sa umaga sa ingay ng aking kapatid at sa sermon ng aking mga magulang, dahil kahit gan'on alam kung mayroong mag-aalala sa akin kapag wala pa ako sa gabi.Hindi ko iyon naranasan simula nang mawala si lola. Naging miserable ang aking buhay subalit dumating si Zid. Hindi na ako kailanman naging mag-isa.Ang sarap sa pakiramdam na bawat galaw mo ngayon ay may kasama ka na. Mayroon nang mag-aalala para sa'yo. Kapag nawala ka ay may maghahanap na sa'yo.Zid spare me from the fear and hatred.Naipakulong niya ang aking tiyuhin. Malaya na ako. Wala na ang bangungot na matagal ko nang kinikimkim noon pa man.Hindi man kami nagkaroon ng maayos na relas
"Yes nandito ako sa location. I'll send you the pictures. Ipakita mo sa client kung gusto nilang dito gawin ang photoshoot."Ibinaba ko ang cellphone matapos magbigay ng instruction sa aking secretary. Isang linggo na akong nasa Pilipinas at hindi ko inaasahan na magiging abala ako sa kompanya ni Mr. Davis.Golden hour. Ginto rin ang kalangitan nang araw na nagtanong sa akin si Zid kung gusto niya akong ligawan. Parehong lugar at parehong oras.Sa tuwing mayroong kliyente na naghihingi ng romantikong lokasyon para sa kanilang photoshoot ay palagi kong sinasagot na mas magandang sa taas ng burol kung saan nakikita ang paglubog ng araw.Isa iyon sa pinakamasayang tagpo sa aking buhay na gusto kong paulit-ulit na alalahanin.Kumusta na kaya siya? May asawa na kaya siya? Ang isiping iyon ang nagpalungkot sa akin. Isa sa mga dahilan kung bakit natatakot akong magpakita sa kan'ya ay dahil ayokong malaman na may asawa't anak na siya.Hi
Hindi ko kailanman pinangarap na mamatay sa ibang bansa. Ayos na nga sa akin na basta na lang ihulog sa ilog basta sa Pilipinas, atleast mga Pilipinong isda ang makikinabang sa akin.Bigo kami ni Blue na tumakas. Pagkabukas pa lamang namin ng pintuan ng aking kwarto sa ospital ay bumungad na sa amin ang naglalakihang katawan ng mga foreigner na lalaki.Mabilis ang mga sumunod na pangyayari nang araw na iyon. Naisakay nila ako sa kotse nang walang pumipigil bukod kay Blue na nagpumilit na humabol subalit hindi niya kami naabutan.Nang araw din na iyon ay maluwag ko nang tinanggap ang kaparusahan na nag-aabang sa akin. Dinala nila ako sa New York taliwas sa iniisip kong itatapon nila ako sa tulay na dinaraanan namin patungong airport.Pagdating sa New York ay dumiretso kami sa main headquarters. Doon ay nakita kong muli si Duke. Gwapo pa din siya, pero mas gusto kong makita sa huling sandali si Zid.Makakaya niya naman sigurong mabuhay na wala ako 'd
Zid Kai's blood stain on my hands stabs my heart a million times. Paano ko hinayaan na mapahamak ang babaeng pinakamamahal ko? Bakit hindi ko siya pinaniwalaan? How can I doubt her? Siya na handang itaya ang buhay para sa akin. Ano'ng sumagi sa isip ko para pagdudahan siya? I should be the first one to believe her, dahil iyon ang ipinangako ko sa sarili nang mga panahon na mag-isa siya. I promised myself to be the person who will stand up for her. Ang taong hindi siya lilisanin kahit iwanan na siya ng mundo. Pero ano'ng ginawa ko? Kung sana'y hindi ko siya iniwan. Kung sana kahit nalilito ang isip ko'y pinanatili ko lang siya sa aking tabi ay hindi ganito ang sasapitin niya. Alam kong hindi na mababago ng 'sorry' ko ang mga nangyari pero sana ay huwag ilagay sa panganib ang kan'yang buhay dahil hindi ko kakayanin. "Zid, maupo ka muna." Kanina pa ako pabalik-balik ng lakad sa labas ng emergency room at kanina pa din ako pinapaka
"What do you want to eat?" Kanina pa ako tinatanong ni Zid kung ano ang gusto kong kainin. Sinabi kong wala pero mukhang hindi niya narinig sa dami ng pagkain na in-order niya. Sumagi ang mata ko sa pulang rosas na nasa flower vase sa gilid ng aking kama. Isang araw niya na akong binabantayan at sa tingin ko'y wala pa din siyang tulog. Pinagmasdan ko siyang kunin ang isang bowl na mayroong sopas. Base sa pagngiwi ng kan'yang labi ay alam kong napaso siya sa init nito. Ipinatong niya ito sa isang tuwalya sa kan'yang kamay bago umupo sa aking tabi. Kumuha siya ng isang kutsarang sopas at hinipan ito. Tinikpan niya nang kaunti bago inilapit sa aking mga labi. Tahimik niya akong sinubuan ng pagkain. Naniniwala na kaya siyang hindi ako ang nagpakalat ng video? Alam niya na kayang ang mommy niya ang nasa likod ng kaguluhan ngayon? Alam na kaya ng buong bansa na isa ako sa mga undercover agent ng The Veracity? Sa dam
Unti-unti kong iminulat ang aking mata nang masilaw mula sa liwanag na nanggagaling sa labas. Sinubukan kong ilibot ang paningin sa apat na sulok ng kwarto at nakitang walang ibang tao bukod sa akin. Kinapa ko ang aking cellphone subalit wala ito sa aking bulsa o saan man sa paligid. Huli kong naalala ang pagsagot ko sa tawag ni Zid hanggang sa mayroong bagay na itinusok sa aking balikat dahilan upang mawalan ako nang malay. Sinubukan kong bumangon mula sa pagkakahiga sa malamig na semento upang makapaghanap ng malalabasan. Wala akong ideya kung bakit ako nandito at kung sino ang nagdala sa akin dito pero alam kong kailangan ko nang tumakas habang wala pang tao. Ngunit bigo akong makahanap ng pinto o bintana. Gawa sa pinagtagpi-tagping mga kahoy ang kwarto at kailangan ko ng pamukpok upang makagawa ng butas. Naghanap ako ng matigas na bagay sa loob pero walang ibang gamit doon. Sumilip ako sa mga butas upang makita kung mayroong
Zid's POV If there's one thing I'm regretful for, it's kissing and having sex with several women. Kung alam ko lang na darating si Kai sa buhay ko ay mas pipiliin kong sa kan'ya ko rin gawin lahat ng una ko. I am her first boyfriend, first hug, first dance, first holding hands, first kiss and I want to be the last. At first, I was upset when she declined my offer in exchange of the video that will ruin Chloe's carreer, the celebrity that destroyed my beloved sister's reputation in her school. Lahat ng tao na hinihingian ko ng pabor, mabilis kong napapa-oo, pero iba siya. Kinailangan ko pa'ng dumating sa punto na mang-kidnap. I was challenged by her toughness but seeing her sleeping on the cold pavement next to Tere, whom I thought her girlfriend that time, I was touched with sympathy. Para ba'ng ayoko na siyang ibalik sa lugar na iyon. Aaminin ko, sa bawat araw na kasama ko siya sa hideout ay nawalan na ako ng gana na ipaghiganti a
Isang gabi pa lang na hindi kami okay ni Zid ay hirap na hirap na akong matulog. Sinabayan pa ito nang labis kong pag-aalala para sa kapatid. Tama si Zid pinuntirya nga ng mga tao si Harrieth. Tinawag na kabit si Orca Lapuz at hindi rin daw malabo na maging ganoon siya. Marami nga ang nagsabi na mabuti raw na walang kapatid na babae sina Zid dahil baka agawin rin ni Harrieth ang nobyo nito. Napagpasyahan ko siyang bisitahin sa ospital kinaumagahan. Bumili ako ng prutas at paborito niyang milk tea at cookies. Sana lang ay hindi ko maabutan si Orca Lapuz doon. Mas lalong titindi ang kan’yang galit kapag nalaman niyang ako ang nasa likod ng pagkuha sa mainit nilang eksena ni Senator Newis. Lumapit ako sa nurse station at binasa ag pangalan ng nurse sa nameplate. “Nurse Mabel, saan po dito ang room ni Harrieth Sena?” “Room 27 po,” aniya bago itinuro ang hallway kung nasaan ang kwarto. Tumango ako at nagpasalamat dito. Hindi pa man ako naka