JULLIAN POV Isang napakagandang umaga para sa akin. Ang ganda ng gising ko lalo na sa mga balitang pumasok sa akin. Nakaupo ako sa pinakadulong mesa sa isang sikat na restaurant , masayang pinapanood sa cellphone ang video ng pag-ambush kay Joseph Rodrigo. Paulit-ulit kong tinititigan ang pagsabog ng convoy na maghahatid sana sa kaniya sa malaking piitan, ang walang direksyong sigawan ng mga taong nakakuha ng pagsabog, at ang duguang mga katawan sa lupa. Hindi ko mapigilan ang ngiti ko habang hinihigop ang malamig kong red wine. “Perfect,” sabi ko sa sarili ko, ramdam ang sarap ng tagumpay. Sa wakas, wala nang sagabal. Napasandal ako at napangiti sa sarili ko. Ilang minuto lang ang lumipas pagkadating ko sa restaurant ay dumating na din si Don Antonio. Nakita ko pa lang siya mula sa entrance, alam kong hindi na maganda ang mood niya. Diretso siyang naglakad papunta sa mesa ko, mabigat ang bawat pag hakbang niya, at sa simpleng tingin pa lang niya, parang pinipiga na ang sikmura ko
HANZ POV 2 Hours Earlier Kagaya ng pinag utos sa akin ni Boss Jacob, sinimulan kong sundan si Jullian mula sa bahay niya. Mula pa lang sa labas, kitang-kita ko na ang ngiti niya pagktapos pumutok ng balita tungkol sa pagkakasabog ng convoy ni Joseph Rodrigo. Parang abot hanggang langit ang saya niya habang naglalakad papunta sa sasakyan niya. Bago pa siya sumakay, napansin kong tumigil siya saglit. May kausap siya sa telepono. Malakas siyang tumawa, rinig ko iyon dahil naka park ang sasakyan ko sa tapat lang ng bahay niya sa di kalayuan. Sinadya kong buksan ang kabilang side ng bintana para mas marinig ko ang paligid. “Oo, Don Antonio. Walang sablay ang ginawa ko. Siguradong walang makakakuha ng ebidensya,” sabi niya bago pumasok sa sasakyan. Ramdam ko agad ang tensyon. Ang pangalan ni Don Antonio, ang kumpiyansang iyon lahat ng sinasabi niya, alam kong may kinalaman sila. Ang nakakapagtaka panong hindi ito nalalaman ng mga kapulisan gayung sobrang obvious na siya ang isa sa mg
JACOB POVBago umalis ng bahay, tumigil muna ako sa may pintuan. Napansin kong tahimik si Marielle habang abala siya sa kusina. Lumapit ako at hinawakan ang kamay niya. “Marielle, may meeting lang ako sa Cavite. Baka abutin ako ng umaga sa biyahe pauwi,” sabi ko nang marahan. Tinatantya ko ang mood niya dahil masyado na siyang stress para dagdagan ko pa iyon lalo na at nakikita kong naghahanda siya ng pagkain namin.Ngumiti siya, pero bakas ang lungkot sa mukha niya. “ It's okay. Mag-iingat ka, Jacob. Baunin niyo na lang tong sandwich para may makain ka sa byahe." sagot niya sa akinParang kinurot naman ang puso ko. Hinaplos ko ang pisngi niya. “Baby ngayong gabi , huwag mo na akong hintaying kumain mamaya, ha? Matulog ka nang maaga. Kapag ginutom ka kumain ka na lang din kagad mamaya. Pero susubukan kong makauwi as soon as matapos ang meeting ko” sagot ko sa kaniya. Sa loob loob ko hindi ko talaga alam ang oras matatapos ang paghaharap naming iyon ni Sarhento. Kanina pa ako tinatawag
Napalakas ang mura ko. “Kaya pala iniwan ako ni Jullian! Tapos na ang misyon niya, at dahil wala na siyang pakinabang. Put*ng ina... bakit hindi ko natunugan ang mga plano niya”“Dahil sa kanya, nalaman ni Don Antonio ang lahat, mga plano mo, transaksyon mo. Siya rin ang dahilan kung bakit natunton nila si Marielle.”Halos sumabog ang ulo ko sa galit. “Ano? Anong kinalaman ni Marielle dito?” tanong ko, halos pasigaw.“Ang mama ni Marielle ay nakababatang kapatid ni Don Antonio. Matagal na siyang hinahanap ng pamilya nila. Tumakas siya noong pinili niyang pakasalan ang ama ni Marielle. Pero natakot si Don Antonio na bumalik siya sa pamilya nila at bawiin ang yaman, kaya pinatahimik niya ito.”Halos mawalan ako ng hininga sa narinig ko. “Ibig mong sabihin… ang mama ni Marielle ay kapatid ng kalaban ko? At dahil sa akin, natunton nila si Marielle? at ang mama nito”“Oo,” sagot niya at umiiyak na sa sakit ng katawan. “Ngayon, plano nilang patahimikin na din si Marielle para masolo ni Don
JACOB POV Pagbalik ko sa opisina, hindi ako mapakali. Parang lason sa isip ko ang mga sinabi ni Sergeant, kanina pa ako nababalisa sa mga tumatakbo sa iniisip ko, hindi ko matanggap na si Marielle, ang babaeng mahal ko, ay may dugong konektado sa kalaban ko. Pero hindi ito ang panahon para magduda sa kanya. Ang kailangan ko ngayon ay protektahan siya at tapusin ang problema at ugat ng lahat ng ito. Tinawagan ko si Harry habang nasa opisina ako. “Harry,” sabi ko nang sagutin niya ang tawag. “Anong status ni Sergeant?” “Ganun pa din, boss, “sagot niya. “Mahigpit ang pagbabantay namin. Pero sa tingin ko, totoo ang lahat ng sinasabi niya dahil kahit paikot ikutin namin siya ay iisa lang ang sinasabi niya. Mukhang miyembro talaga si Mam Marielle ng Pamilya nila. Pero boss sa tinutumbok niya ay walang alam si Mam sa totoong katauhan niya” sagot pa niya sa akin. “Siguraduhin mong hindi siya makakatakas,” sagot ko. “Dahil ang buhay niya ang magiging daan ko para sa putang inang katotohan
“Jacob…” bungad ni Don Antonio, hindi maikubli ang takot sa mukha niya. “Akala mo ba, matatapos ito nang hindi kita kakaharapin?” sagot ko, ang boses ko’y malamig at puno ng galit. Isang matalim na tingin ang binigay ko kay Jullian na minsan kong minahal pero nag traydor lang din sa akin. “Hindi mo alam kung sino ang kinalaban mo, bata,” sagot niya, pilit na nagpapakitang matatag. “Alam ko kung sino ka, Don Antonio. Isang matandang hayop na walang ginawa kundi kayan-kayanin lang ang mga taong walang laban at inosente, pero ngayon sinisigurado ko sayong tapos na ang paghahari-harian mo!." Biglang sumingit si Jullian, pilit na nagpapaliwanag. “Jacob, hindi ko ginusto ito! Napilitan lang ako! maniwala ka sakin. Pinilit lang ako ni Don Antonio!” natatawa naman si Don Antonio sa inakto ng kaniyang anak-anakan “Huwag mo akong gawing tanga, Jullian,” sigaw ko. “Ginamit mo ako! Ginamit mo ang tiwala ko para ipahamak si Marielle!” “Jacob, hayaan mo akong ipaliwanag!” sigaw niya ulit, ha
“Bakit niyo ‘yun ginawa?!” sigaw ni General, habang ako ay nanunuod na lang sa salamin na tanaw at rinig ang lahat ng sinasabi at ngyayari sa loob ng interrogation room. “Bakit niyo pinatay ang mama ni Marielle?!” Malamig siyang ngumiti. “Dahil sagabal siya sa akin. Hindi siya pwedeng bumalik sa amin. Bibisitahin ko lang naman talaga dapat siya at binigyan ng 10 milyon para lumayo na ng tuluyan sa pamilya namin. At ng makita ko ang anak niyang si Marielle, wohhh" napapasipol niyang sabi, matandang maniyak ang walanghiya " sinabihan ko lang naman siyang kukuhain ko ang anak niya para gawin kong babae, tutal ay wala itong alam sa koneksyon niya sa akin pero mailap din ang anak niya kaya patatahimikin ko na lang din. Mga inutil, sagabal lang sa lahat ng plano ko!" mayabang na sabi nito. Hindi niya alintana an glahat ng kaniyang kakaharaping kaso sa lahat ng sinabi niya. Nag file na kami ng iba't ibang kaso laban kay Don Antonio. Pagdating sa pag interrogate kay Jullian ay agad niyan
JACOB SOBEL POV Kasama ko sina Hanz sa sala. Tahimik lang kaming nag-uusap, pero nararamdaman kong may tensyon sa paligid. Habang si Marielle ay abalang naghahanda ng hapunan namin sa kusina. Tila wala siyang pakialam sa mundo, tahimik na ginagawa ang nakasanayan niya. Sa kabila ng lahat ng gulo, parang normal ang araw na ito para sa lahat. Pero hindi. Kung sabagay ako lang ang nakakaalam ng tensyon na ngyayari sa pagitan namin at ni Don Antonio. Walang ka ide-ideya si Marielle sa totoong ugat ng kaniyang angkan. Biglang tumunog ang telepono ko, at nang makita kong ospital ang tumatawag, kumabog ang dibdib ko. Sinagot ko ito kaagad dahil alam kong tungkol na ito sa DNA na pinasagawa ko. “Hello?” “Sir Jacob, may update na po kami sa DNA test,” sabi ng boses sa kabilang linya. May bigat sa tono niya, na parang alam na niya ang magiging reaksyon ko. Tahimik akong nakinig at binatuhan ko ng isang tingin si Marielle, matamis siyang ngumiti sa akin kaya naman nginitian ko din siya
Napangiti si Evony, mukhang gumaan ang pakiramdam niya. "Salamat, Jacob. Ayoko lang na ma-misinterpret." Habang kumakain kami, bumalik ang natural na kulitan. Pero sa kabila ng mga ngiti, naramdaman kong mas maingat na si Evony. At si Jacob, bagamat nakangiti, parang may hinahanap na hindi niya masabi. Pagkaalis ni Evony, napabuntong-hininga si Jacob habang nakaupo sa sofa. "Okay naman siya," sabi niya, pero parang nag-iisip. "Bakit? Ano'ng iniisip mo?" tanong ko, naupo sa tabi niya. "Wala naman," sagot niya, tumingin sa akin. "Pero sana nga, tuluyan nang maayos ang lahat. Ayoko lang na magkaroon ng problema. "Promise, wala nang magiging problema," sagot ko saka ko siya niyakap. Pero sa loob ko, hindi ko maiwasang magtanong. Totoo na ba talagang maayos ang lahat? O may mga bagay pa ring nananatiling nakatago? Kinabukasan abala na naman sa trabaho buong araw. Walang kalagyan ang pagod ko ngayong mga panahon na to. Ang daming meetings at mga pinapagawa ng aming mga boss. Ma
MARIELLE POV “Girl nasa gate na ko!” Sabi ni Evony ng sagutin ko ang tawag mula sa kaniya. “Sige pasok ka na binuksan ko na yan.” Sagot ko naman sa kaniya. Maikling kamustahan lang kami at dumiretso na kami kaagad sa aming hapag. Nauna na samin si Jacob doon. Habang kumakain kami, biglang nagtanong si Evony ng diretsahan. "Jacob, if you dont mind may ex ka ba na taga Makati ?” Napatingin si Jacob sa kanya, mukhang nagulat sa tanong. "Oo, pero matagal na 'yun. Bakit mo naman natanong?" “Wala lang," sagot ni Evony, ngumiti nang bahagya. "Gusto ko lang malaman kung naalala mo pa yung nakaraan mo! Para kasing napaka perfect mo batay sa kwento sakin ni Marielle" Napatingin ako kay Evony, hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko. Bakit parang ang lalim ng interes niya kay Jacob? Tama nga ba ang hinala sa kaniya ng asawa ko? "Evony," sabat ko, pilit na tinatawag ang tensyon, "it was all in the past kaya hindi ko na dapat balikan." Sagot ni Jacob “isa pa sa tagal na nun hindi
Bago pa man ako makapagpatuloy ng pag-iisip, naramdaman kong may mga mata sa aking likuran. Tumigil ako sandali at muling tinanaw si Marielle. Hinahanap ko ang mga mata niya, ngunit nakayuko siya, tila abala sa pagkain. Tinutok ko ang aking pansin kay Harry. “Babalik na ako. Huwag mong pabayaan ’yan, ha?” mahigpit kong sinabi, sabay patay ng telepono. Habang papalapit ako kay Marielle, napansin ko ang kakaibang ekspresyon sa mukha niya. May kabuntot na katanungan sa mga mata niya, at bago ko pa man matanong, nagsalita siya. “Jacob, may nangyayari ba na hindi ko alam?” Dahil sa tanong niyang iyon, sumagi sa isip ko ang mga bagay na hindi ko pa kayang isiwalat. Iba ang nararamdaman ko kay Evony; ayokong madamay si Marielle sa anumang kaguluhan na dadating sa buhay ko. “Wala naman love , tungkol lang sa pinag utos ko kay Harry. Hindi pa rin kasi nila makuha kuha ang dapat nilang gawin sa isang project namin kaya tumawag ulit siya.” Pagsisinungaling kong sabi kay Marielle. Ayoko
MARIELLE POV At the office Hindi ko mapigilang mapansin ang pagiging mausisa ni Evony tungkol kay Jacob. Sa tuwing magkasama kami sa opisina, laging napupunta ang usapan sa kanya kahit na malayo ang nasimulan naming topic. “Marielle, curious lang ako girl. Paano kayo nagkakilala ni Jacob?" tanong niya isang hapon habang nasa pantry kami. “Actually matatawa ka kung saan kami nagsimula. Diba nga yung rumors about sa pagiging stripper ko ?! Totoo naman yun. At hindi ko yun kinakahiya. Pero hindi ako yung tipong bayarang babae. Entertainer lang ako. Dun kami unang nagkita ni Jacob sa bar na pinagtatrabahuhan ko.," sagot ko sa kaniya. Naging sariwa sa aking isip ang mga kaganapan sa unang pagkikita namin ni Jacob. Naalala ko sa isip ko ang unang maglapiat ang mga labi. Bahagya akong kinilig kaya napangiti ako kay Evony "actually hindi kami talaga nag click kagad sa isa’t isa. Hindi ko talaga siya gusto hanggang sa dumating ang panahon parang bigla na lang akong nahulog sa kaniya.
Kinabukasan Pagpasok ko sa opisina, agad akong sinalubong ni Evony. Masaya siyang nakangiti at seryoso, halatang may gusto siyang sabihin. "Marielle, salamat kagabi, ha. Kahit ayaw ko talaga noong una, naging okay naman," sabi niya sa akin, pero parang may iba sa tono niya. "Of course! Alam kong mag-eenjoy ka. Si Jacob nga, natuwa rin na makilala ka," sagot ko, pero ramdam kong parang may bigat ang usapan. Ngumiti siya nang bahagya pero hindi sumagot agad. "Alam mo, Marielle, may gusto lang sana akong itanong sa'yo. Huwag kang magalit, ha?" "Oo naman, ano 'yun?" sagot ko, bahagyang kinakabahan. Nagbuntong-hininga siya bago magsalita. "Sigurado ka bang okay si Jacob para sa'yo? Alam mo na... parang hindi ko lang siya narraamdaman na genuine." Parang tinamaan ako ng kung ano sa sinabi niya. "Evony, seryoso ka ba? Si Jacob ang pinaka-supportive na tao sa buhay ko. Bakit mo naman nasabi 'yan?" "Pasensya na," sabi niya, medyo tumingin sa malayo. "Pero noong gabing 'yun, par
Kinabukasan pagpasok ko sa opisina ay agad kong nilapitan si Evony sa kaniyang desk. "Good morning Evony, may sasabihin sana ako," bungad ko sa kaniya, kinakabahan ako pero excited din at the same time. "hindi ka ba busy?" "Hindi naman, bakit Marielle?" tanong niya sa akin habang nakakunot ang kaniyang noo, pero bakas ang interes sa kanyang mukha. "Gusto sana kitang imbitahan na mag dinner sa bahay," sagot ko sa kaniya. "Para sana magpasalamat sa lahat ng tulong mo sa akin. “ Napataas ang kilay niya. "Ha? Bakit? Hindi na kailangan, Marielle. Natural lang 'yun bilang kaibigan mo. Hindi naman big deal sakin yun! I just help because you needed help” sabi pa niya sakin "Hindi, seryoso ako," pagpupumilit ko sa kaniya “Gusto ko talagang magpasalamat nang maayos. Tsaka, gusto ko ring magkakilala kayo ni Jacob." "Si Jacob?" tanong niya, mukhang nag-aalangan. "Hindi kaya awkward 'yan? Marielle, promise hindi na kailangan. Okay na ako kahit wala ng ganyan. Saka nakakahiya naman sa asawa
HIndi ko inaasahang pupunta din talaga kagad si Evony sa HR Manager para kausapin ito. Pagkatapos niya ay agad siyang nagpunta sa pantry para kausapin ako Kitang-kita sa mukha niya ang inis at pagod. “Marielle, kinausap ko na ang HR tungkol dito,” sabi niya, diretso ang tono. “At ano ang sabi nila?” tanong ko, umaasang may mabuting balita. Umiling siya, halatang dismayado. “Final na raw ang desisyon. Hindi na nila babawiin ang warning na binigay sa’yo. Mas pinaniniwalaan nila ang mga ‘testigo’ ni Alyssa. Yung mga taong sunod-sunuran sa kanya.” Napabuntong-hininga ako. “Hayaan na lang natin, Evony. Mas lalaki lang ang gulo kung ipipilit pa natin.” “Pero mali ito, Marielle! Wala kang ginawang masama,” pilit niyang sagot. “Alam ko,” sagot ko, pilit na pinapakalma siya. “Pero hindi na natin mababago ang desisyon nila. Ang mahalaga, nandito pa rin ako. Ayoko ding gumawa pa ng ingay sa kompanya dahil mas matagal sila sa akin kaya sigurado akong kayang kaya nilang paikutin ang mga tao s
MARIELLE POV Nagdaan ang mga araw parang mas lalong tumitindi ang eksenang nangyayari sa opisina, mas matitindi ang ginagawang pagpapahirap sa akin nila Alyssa. Hindi ko alam kung bakit ganun ang reaksyon nila towards me. Hindi na lang ito panlalait—ginagawa na nila akong alipin. Pero dahil ayokong masira sa trabaho ay hinayaan ko lang silang mag utos pero hindi to the point na sasaktan nila ako dahil lalaban talaga ako. “Marielle, i want Starbucks. Ngayon na. Gusto ko ng dalawang caramel macchiato. Siguraduhin mong malamig pa ’yan pagbalik mo!” Pag -uutos ni Alyssa, halos sumigaw mula sa cubicle niya. Tiningnan ko siya, pero hindi ako nagsalita. Tumango na lang ako at sumunod dahil ayaw ko ng gulo. Ayoko ding makarating pa ito kay Jacob dahil kilala ko siya. Alam kong hindi siya papayag pag nalaman niyang ginagawa lang akong alipin ng mga bruhang to. Pagbalik ko sa opisina, bitbit ang tray ng mga in-order nila, nakasalubong ko si Evony sa hallway. “Marielle?” tanong niya, ti
Tahimik na ang pantry nang tumalikod si Evony sa akin. Ngumiti siya, pero matigas pa rin ang boses. “Okay ka lang ba? pagpasensyahan mo na, matagal na din sila nasa line for termination dahil sa mga alligations sa kanila, ang hirap kasi walang proof na makuha sa kanila dahil tinutuon nilang mambully sa mga blind spot ng CCTV” sabi niya sa akin. Napangiti din ako sa kaniya “Oo, salamat. Okay lang ako, i'm sorry about that scene, nadamay pa po tuloy kayo dahil sa akin.” sagot ko sa kaniya. “actually pinipigilan ko dina ng sarili ko dahil mga seniors ko sila pero minsan kasi sumosobra na sila. SO hindi lang pala ako ang kauna unahang binully nila.” “Natural lang ’yung may mga ganiyang emplerado pero sumosobra na sila. Hindi namin tinotolerate ang bullying dito. Hindi ako papayag na ganyanin nila ang kapwa empleyado ko. By the way, im Evony.” Iniabot niya ang kamay niya. “Marielle. Salamat po ulit. Mam” “Small thing and don't call me Mam, just Evony,” sagot niya, pero halata sa tono