CHAPTER 43CALL ME, KUYA!“We have a meeting this afternoon together with architects and engineers, you are going to stay here in a villa. May site kami na pupuntahan. Is that okay with you? Or are you going to go with me?” Tanong ni kuya habang kumakain kami ng agahan, paggising ko ay saka pa lang siya nag-order ng pagkain at dito na lang namin naisipan na kumain sa loob kaysa lumabas pa at baka raw hindi ko pa kayang maglakad dahil kakagising ko lang at pagod dahil sa nangyari kagabi.Gusto ko sanang itanong sa kanya kung bakit niya pa ako binihisan at hindi na lang ginising, pero bigla naman akong nahiya at hindi yata ako handa sa sagot niya at baka mamula lamang itong mukha ko. Sana… sana nakapikit siya habang binibihisan ako or pwede naman na ako ang nagbihis sa sarili ko pero hindi ko lang maalala. Ewan. Ayon naman sa pakiramdam ko na wala namang nangyari sa aming dalawa habang wala akong malay dahil walang masakit sa katawan ko bukod sa paa dahil sa pagsasayaw kagabi. “Pwe
CHAPTER 44CALL ME, KUYA!“Ku-kuya, ikaw pala… I mean kayo pala.” shit! Bakit ba ako nauutal, siya lang naman ang kaharap ko at ang tumawag sa kanya na babe niya raw. Nakayakap pa rin ang babae sa braso ni Izaak. Binalewala ko na lang. “Hindi ka pa natutulog? Anong oras na?" Hilaw akong ngumiti sa tanong ni kuya. Ano ba ang irarason ko? Hmmm. “Uhmm, ano? Gusto ko sanang lumabas." pagsisinungaling ko. "Ganitong oras?" Sos, ayaw niya ba? Bakit gusto niya ba talaga na nakikita ko silang dalawa na naglalampungan sa loob ng kwarto habang narito ako sa loob. Baliw ba.“Oo sana… naiinip na kasi ako at saka pa, hindi pa naman ako inaantok dahil natulog ako buong maghapon, kaya lalabas lo sana ako kahit saglit lang.” Tanging rason ko."Hayaan mo na siya babe, let's talk about us inside. Hmm.” Malandi na sabi ng babae. Halos irapan ko na ang babae na ito pero pinigilan ko na lang ang sarili ko. Bahala sila sa buhay nila kung ano ang gagawin nila sa loob, basta ako, lalabas ako at para mag-
CHAPTER 45CALL ME, KUYA!“Damn it! Wake up! Wake up please."Naririnig ko na may pilit na ginigising ako. Sinubukan kong imulat ang mga mata pero sobrang bigat ng mga talukap ko.“Enough pare, magigising din ang kapatid mo!" Boses lalaki. “But when?"“Maybe later or tomorrow. Hayaan na lang muna natin na makarecover ang katawan niya. Sige alis na muna ako at babalikan ko siya for another check-up.”"Sige, thank you dude." Paalam niya at nagsara na ang pinto. “Wake up, please! Baby, wake up.” Izaak?Tama! Boses ni sir Izaak ang narinig ko ngayon. Hindi ko alam kung ilang oras niya akong tinangka na gisingin pero hindi ko pa rin magawa, pakiramdam ko ay mas lalo lamang bumigat ang katawan ko kahit pagdiat ng mga mata ko ay sobrang bigat na sa pakiramdam. Bakit? May nangyari ba sa akin? Patay na ba ako kaya ginigising ako ni kuya pero hindi ko ginawa? Hala! Paano ang mga magulang ko? Sinong mag-aalaga sa kanila kung nasa kabaong na ako ngayon? Ano ba talaga ang nangyayari? Bakit ang b
CHAPTER 46CALL ME, KUYA!“Huwag kang lumayo sa mga kaibigan mo, hindi na yan swimming pool na kung saan pwede ka agad makita kung nalulunod ka, alalahanin mo na, sa dagat ka maliligo, Miss Mahinhin.” Mahina at halos pabulong na wika ni sir Izaak malapit sa tenga ko, kaya halos nagsisitayuan ang mga balahibo ko.Dahan-dahan akong tumango sa kanya.“Yes boss, hindi ako pupunta sa malayo, sa malapit lang." Wika ko na halos pabulong na rin.Nagkatinginan kami at napunta ang mga mata ko sa mapupulang labi niya. Agad akong umiwas dahil naalala ko na naman ang sinabi ni Beverly and Nathalia noong nalunod ako sa pool. Hindi yata ako pinatulog kagabi dahil ang tinutukoy nila ay nasa tabi ko lang natutulog.“Kumain ka muna, how about yong bulalo?" Tanong ni boss Izaak.Bukas ng hapon ay uuwi na kami ng Maynila kaya naisipan nila na maligo sa isa sa mga sikat na beach na pinupuntahan ng mga turista. Kakilala ni sir Valentino ang may-ari kaya libre daw ito sa amin.Kaya ito, medyo nagtatampo ako
CHAPTER 47CALL ME, KUYA!Marahan akong lumapit sa kanya habang nakapamewang naman siya. At sa kanyang mga kamay ay naroon ang tuwalya at ang rashguard ko na hinubad kanina? Hala! Paano kaya niya nalaman na binigay ko muna ang rashguard sa nagbabantay na tagalinis doon na babae sa loob ng shower room. Paano niya nalaman or don't say bagong bili iyan?At nang tumigil na ako sa harapan niya ay tumingala ako sa kanya habang malapad ang aking ngiti ngunit nakita ko kung paano umigting ang kanyang mga panga na nakatingin sa akin. Parang anytime ay sisigawan n'ya na ako dahil sa ginawa ko na kasalanan. “Hi!" Ani ko paglapit sa kanya. "What did I say?” aniya sa malalim na boses. "Huh? Ano ba ang sinabi mo?” "O come on! Huwag kang mag maang-maangan na hindi mo alam Miss Mahinhin, may pinag- usapan tayo kanina sa kwarto pa lang bago kita hinayaan na maligo sa dagat,” aniya habang nakatingin sa mukha ko at pabalik sa katawan ko."Tinutukoy mo ba ang hindi ko pagsuot ng rashguard?” tanon
CHAPTER 48CALL ME, KUYA!“Cherry! Watch out!" Narinig ko na sigaw ni Nathalia sa akin.Kamuntikan pala akong matamaan ng bola galing sa kabila. Agad akong bumalik sa area ko at handa na para sa pagpalo ng bola. Mabuti na lang kahit matagal na akong hindi masyadong naglalaro ng volleyball ay kahit papano marunong pa naman ako, ang last kasi na laro ko ay naaalala ko ay noong nag-aaral pa lang ako ng highschool habang may intrams kami. Iyon lang at hindi na nasundan. Napansin kong nakatingin lang si kuya Izaak na nasa gilid, nakasquat tulad ng ibang mga lalaki na kanina pa nagche- cheer pero siya ay may hawak ng can ng beer at ang rashguard ko na hindi pa rin niya iniwan sa cottage kaya kahit anong iwas ko ay nakikita ko siya na matalim ang tingin sa akin kahit nakaharang sa kanyang mata ang sunglasses.Nanalo kami at dahil ako na ang susunod na magserve ng bola kaya pinagdasal ko na sana magawa ko ng tama dahil ayokong mapahiya sa kabila lalo at nariyan ang babae na naging dahilan
CHAPTER 49CALL ME, KUYA!“Kuya! Kuya! Kuya mo siya Unique Mahinhin. Huwag ka na dapat na lumampas pa diyan. Kung may something ka man na nararamdaman sa kanya ay ilayo mo, alisin mo na o itapon mo na palayo sa puso mo, dahil pagkatapos ng pagpapanggap niyo ay lalayo kana sa kanya at hindi ka na minsan magpapakita pa sa pamilya ng mga Legaspi. Ilagay ko iyan sa kukuti mo!” kausap ko sa sarili ko habang naliligo sa ilalim ng shower. Naligo ako dahil mayroon kaming dinner mamaya for the last time dito sa Batangas. Tinanong pa ako ni kuya Izaak kung sasama ba ako at baka pagod ako sa activities namin kaninang umaga pero hindi ako nakinig at naligo para makasama. “Are you done?" Bigla akong nagulat dahil sa biglang pagkatok sa pinto at sigaw ni sir Izaak sa akin. Napatabon pa ako sa dibdib ko dahil akala ko nasa likuran ko lang siyanagsasalita. “Wa-wait, ano uhmm, malapit na akong matapos, diyan ka lang! Huwag kang papasok!" Shit! Bakit mo naman naisip Unique na papasok siya? Uuwi n
CHAPTER 50CALL ME, KUYA!“Ayos ka lang? Kagabi ka pa na wala sa mood. Did I do something wrong?” Napanganga ako sa tanong ni Kuya Izaak I mean boss. Pabalik-balik ang tingin niya sa akin at sa kalsada. Alas otso na at pauwi na kami ngayon sa Maynila. Hilaw akong ngumiti, “oo naman po. Ayos lang ako."“Na miss mo na agad ang Batangas? Pwede tayong bumalik? I can do that…for you, if you want." Agad naman akong umiling sa suhestyon niya.“Namimiss ko ang lugar na iyon boss pero iba na ang pakiramdam kung bumalik tayo kasi di ba, nakauwi na rin ang mga kaibigan mo po, it will never be the same kaya tama na muna ang gala ko, kailangan na nating umuwi sa realidad ng mundo at magtrabaho lalo na ako, ikaw kasi nagtatrabaho ka naman doon pero ako? Parang tumatanggap lang ako ng suhol pero hindi ko naman ginagampanan ang obligasyon ko sa mga magulang mo, kay mommy, at saka namimiss ko na ang mga magulang ko. Pwede bang dumaan na muna tayo sa kanila?” “Sure!" Tipid niya na sabi.Pero actual
EPILOGUE PART 02CALL ME, KUYA!“Anong nangyayari sa iyo? Parang wala kanang ganang mabuhay pa sa mundo ah," busangot ang mukha ko na nakatitig kay Montenegro. Isang salita pa at ihampas ko talaga itong bote sa bungo niya at ng manahimik.“Kalma mo lang iyan dude, wala na tayong magagawa, magkapatid nga kayo. Grabe, akalain mo iyon, sa daming nangyari ay akalain mo iyon, magkadugo nga pala talaga kayo." giit naman ni Ryker. Hindi ko alam kung bakit pa ba ako narito sa bar at sumama sa kanila, ako naman pala ang topic ng mga gago na ito. Tumayo na ako na hindi sila pinapansin at naglagay ng bill sa ibabaw ng lamesa. Marahil, tulog na siya ngayon at pagdating ko, hindi na magkasalubong ang mga landas namin. “Mauna na ako…”" Hala, killjoy oh, may chicks, ayaw mong patulan?" Hindi na ako nakatiis at binatukan ko na talaga si Edziel Montenegro. “Kung gusto mo, ikaw na at uuwi na ako. Makita ko lang ang mukha mo, nasusuka na ako.” saad ko at hindi na nakinig pa sa kung ano man ang mga
EPILOGUE part 1CALL ME, KUYA! “Thank you!" I said in a cold voice. Thirty minutes left and I am almost done with my project. Pwede itong ipabukas para makauwi ng maaga but I remember that I have a business meeting tomorrow from morning to afternoon. It's almost ten in the evening and I feel like I'm dead while looking at the blueprint and my laptop. More projects, more pennies on your bank account. That's life, you work hard, you earn and vice versa. Narinig ko na tumunog ang cellphone, kinuha ko ito sa ibabaw ng lamesa at sinilip kung sino ang tumawag. “Si daddy." I whispered and answered his call. “Dad…” "Where are you, son?” malungkot nitong tanong sa akin. "In my office dad.” "Go home now, your mommy is looking for you. After what happened to your sister, hindi na s'ya mapakali na wala pa tayo sa bahay.” aniya at napabuntong hininga na lamang ako.“Okay dad, thank you for calling me." Tama si dad, hindi ko dapat pinag-alala si mommy, she's still not okay until now dahil
CHAPTER 114CALL ME, KUYA!“Wala akong kasalanan, siya ang nagpakidnap sa sarili niya!” Galit na sigaw ni Samantha sa amin. Nasa kulungan siya ngayon dahil sa salang accessory to the crime. Siya ang nag-utos sa kilala niya na may sindikato na kidnapin si Cherry para hindi magsumbong kay Izaak na may ibang boyfriend siya bukod kay Izaak. Si Nova ang lesbian na kaibigan at may lihim na nagkagusto kay Cherry ang naging testigo sa ginawang plano ni Samantha, una, hindi magawang magsumbong ni Nova sa mga magulang ko dahil hindi n'ya rin alam kung talagang si Samantha ang may gawa at natatakot din siya na baka anong gawin ni Samantha sa kanya at sa kanyang pamilya nito kapag nagsumbong. Napatunayan na siya nga ang may sala dahil sa mga conversation sa kanyang phone na kahit na delete na ito ay nagawan ng paraan.“I thought you're real, I disgusted you! She trusted you, she loves you being a sister tapos ito lang ang gagawin mo sa kanya. Hinding-hindi kita mapapatawad, tandaan mo iyan, I'l
CHAPTER 113CALL ME, KUYA!"What? Omg, anong gagawin ko?” natatarantang tanong ni Vannielyn. Si Manong ay hindi rin alam kung ano ang gagawin dahil maya-maya dumadaing ako sa sakit ng tiyan ko. Gusto niyaang tumulong pero nagmamaneho ito ng kotse at panay sabi niya na relax lang ma'am kaya medyo nakakatulong sa akin unlike Vannielyn na pakiramdam ko, sa aming dalawa, siya ang manganganak."Pakihinto muna ng sasakyan kuya sa gilid ng kalsada,” sabay sabi ko kay Kuya, magtatanong pa sana pero sinunod naman niya. “What are we gonna do here? Hindi pa ito hospital, Unique?” Kinakabahan niya na tanong. Pinalabas ko muna si Manong para makasiguro sa safety namin. "Vannielyn, be my assistant nurse tonight, okay?”"What? You mean…I'm going to catch your baby from your-” namilog ang mata niya na makita akong humiga sa backseat para mas maka ere ako at maging komportable. Gusto kong matawa sa hitsura niya pero hindi ito ang tamang oras para magwalang-bahala lalo at first time baby ko ito. “Y
CHAPTER 112CALL ME, KUYA! Habang pinagbubuntis ko ang aming anak na babae ni Izaak ay nag-aaral ako kung paano maging interior designer, ganito siguro na almost everyday nakikita mo ang mga magulang at asawa mo na busy sa kanilang trabaho na pagiging engineer kaya kahit ako ay parang gusto ko na rin silang gayahin, mahilig ako sa mga design lately kaya nagfocus ako rito kaysa naman sa ibang bagay. Nagresign na rin ako sa trabaho ko bilang assistant nurse sa Hong Kong sa kadahilanan na ayaw na talaga ng asawa ko na lumayo pa ako, okay lang kung pumunta para magbakasyon basta kasama ko siya pero kung trabaho ay mas mabuti na dito na lang sa Pilipinas, samantala ang kaibigan ko na Zirvianna ay hindi na rin nakabalik dahil pag-uwi niya ay may umaaligid yata sa kanya kaya ayon hindi na makaalis. Ang sarap daw kaya ayaw niya ng hiwalayan, loka-loka talaga na babae na iyon. Ayaw pa ng mga magulang namin na magbukod kami kung malayo lang naman at baka matagal na naman kaming magkikita ka
CHAPTER 111CALL ME, KUYA!“Congratulations Mr. and Mrs Martinez!" sabay na pagbati ng mga nakakila sa amin. Hindi ko akalain na marami akong makilala sa araw ng kasal namin ng asawa ko na si Izaak. Madami pala siyang circle of friends. Ang iba sa kanila ay classmates or di kaya schoolmates, ang iba naman ay nagkakilala lang dahil sa business. Akala ko nga nasa ibang mundo ako dahil sa mga kaibigan niya na out of nowhere ang mga kagwapuhan, pero mas gwapo parin ang asawa ko kaysa sa kanila. Kahit ang iba sa kanila ang may lahi pa talaga kaya nakakatuwa na makita sila pero ang napapansin ko ay may seryoso, meron ding alaskador sa grupo nila, may iba ay may mga asawa na, ang iba naman ay wala pa raw sa isip nila ang mag-asawa. Mas lalo yata akong nahiya no’ng nalaman ko na halos sa kanila ay engineer, architect, may mga business owners, at dahil engineer si Izaak kaya mas marami ang kaibigan niya na nasa field na. “Thank you! Thank you." wika namin sa kanila habang magkahawak kamay
CHAPTER 110CALL ME, KUYA!“Ang hilig, hilig mo pala sa ganito…. kamuntikan na akong mawalan ng malay dahil sa ginawa mo.” naramdaman ko na tumawa siya dahil yumogyog ang kanyang balikat, nakahiga kami sa kama pero nakatagilid kami pareho at nasa likuran ko siya.“Para lang mapatunayan ko sa iyo na hindi pa ako matanda, na kaya ko pa kahit ilang rounds ang gusto mo babe….” Bulong nito malapit sa tenga ko at napadaing ako na kinagat niya ang gilid ng tenga ko kaya nakurot ko siya sa braso niya na kung saan ginawa kong unan.“Ewan ko sa iyo, sinabi ko lang naman na malaki ang age gap natin tapos napikon ka naman, mabuti na lang at masarap ang parusa dahil kung hindi….”"dahil kung hindi …." “Wala nang next time,” wika ko na hindi naman niya sinang-ayunan. "After mong manganak, mas gagalingan ko pa masyado para masarapan ka pa lalo-” "Ewan ko na talaga sa'yo, ang dami mo talagang alam, hindi porke’t nagpakasal tayo ng maaga sa civil wedding ay halos gami-gabi mo na akong niroromansa,
CHAPTER 109CALL ME, KUYA!“Excited na iyan, malapit mo na ngang matupad ang pangarap mo na maikasal ka sa kanya, ano? Sa mismong simbahan.” Napangiti ako sa sinabi ni Budang. “Tama ka, Budang. Parang kailan lang ay tinatawag ko pa siyang kuya, kaya pala parang naiilang ako na kuya ang tawag ko sa kanya, iyon pala….”"Mas bagay ang…ano ba ang tawagan niyo? Love? Honey, Sweet?" “Babe-, yan ang tinatawag niya sa akin." “And you?" Napatingin ako kay Budang at umiwas ng tingin. “Hindi ko alam, minsan pangalan niya lang, hindi kasi ako sanay na tinatawag ko siya ng ibang pampalambing na pangalan.” " Well, hindi rin naman masama, maganda rin kapag totoong pangalan niya. Ano na, excited na ba sa pangalawang honeymoon niyo,? Ayeeh-" “pangalawang honeymoon?" Nagtataka naman ako sa tanong niya. Tumawa siya ay ako naman ay napanguso dahil hindi ko maintindihan."Kasi di ba. Nauna na ang honeymoon niyo kaya ka nabuntis, so, huwag mong sabihin Unique…. noong nalaman mo na hindi nga kayo mag
CHAPTER 108CALL ME, KUYA Masama ang ipinukol kong tingin kay Vannielyn Martinez habang nasa sala kaming tatlo. Ang sabi ni mama ay ganito talaga kapag buntis na, may mga scenario na bigla na lang umiinit ang ulo o nagcacrave ng pagkain.“Why are you still here?" seryoso kong tanong sa kanya.Natatawa siyang nakatitig sa akin. “Why, natatakot ka bang agawin ko siya sa iyo? Eww, hindi ko siya type no, kahit malaman ko na hindi kami magkapatid.” maarte niyang sambit. Umirap ako at hindi naniniwala sa kanya.“Planado mo pala lahat. I hate you.” hindi niya na mapigilan na humahalakhak dahil sa inasta ko. Maagang umalis ang mga magulang namin dahil pumunta ng office at si mama at ako, ay hindi na namin itutuloy na umalis ng bansa gayong nalaman na ni Izaak na buntis ako, talagang hindi niya na ako pinayagan pa na magtrabaho lalo na sa ibang bansa pa at baka raw mapano ako lalo at first child namin ito at first time kong mabuntis sa unang anak namin. “Kasi….I wanted to test you kung