Napasubo na naman po sa isang pagsisinungaling ang ating bida HAHAHAHA
KABANATA 25 “Isang beses nga ay pumunta iyan sa bahay, napaka walang galang at arte. Imbes na makipagkwentuhan man lang ay wala ng ginawa kundi kumabit sa braso ng anak ko. Kahit sa pakikipag-usap sa mga ka-business partner ni Colton, kulang na lang ay itali niya ang sarili niya para hindi makawala si Colton.” Tumango tango lang ako sa kanya habang binabantayan yung laundry na matapos. Nang matapos siya kumain ay sakto namang may nag-doorbell sa pintuan. Pupuntahan ko na sana kaso binuksan na ni Ma’am. “Good afternoon, Ma’am. Pinapakuha po ni sir Colton ang mga labahin niya.” Nanlaki ang mata ko at hindi makatingin sa mga mata ni Ma’am. Gusto kong magtago kasi wala akong mukha maihaharap. Sobrang bilis naman ng karma, hindi pa ginawang bukas. “No need, may nag-volunteer na ditong taga laba ng anak ko. Turns out wala naman palang katotohanan ang pinagsasabi niya.” Mabilis na umalis ang staff ng hotel pagkatapos akong sulyapan. Alam kong walang sasagip sa ‘kin sa kapangahasan
KABANATA 26: Nakatitig ako sa cheke na hawak ko ngayon. Dahil sa binigay ni Ma’am ay pupwede ko ng layuan si Colton at umalis sa lugar na ito. “Nais kong sirain mo ang relasyon ng anak ko at ng demonyitang babaeng Devia na iyon. Mas gusto kita duon hija, simple, maganda at masipag.”Napangiwi pa ako ng ibulong sa akin ni Ma’am ang mga katagang iyon. Halatang walang tabas ang bunganga niya pero mabait naman. “P-pero ma’am paano po ‘yan? Alam ko pong hindi maiwan iwan ni Sir colton si Miss Devia.”“Nakita ko na kung paano nabaliw ang anak ko at hindi ganyan. Sayang lang talaga at hindi ko nakilala ang girlfriend dati ni Colton,” saad nito. Napahinga na lang ako ng malalim dahil parang hindi ko kaya ang pinapagawa niya. Pero ng maalala kung gaano kalaki ang pwede kong isulat sa cheke na binigay niya. Alam kong malaki ang maitutulong nito sa pamilya namin. Dahan-dahan ay tumango ako sa ginang kaya inabot niya sa ‘kin ang blankong cheke at niyakap ako. “Aasahan kita ha! Wag ka mag-ala
CHAPTER 27:Kahit naguguluhan ako sa mga sinasabi niya ay umuo na lang ulit ako kasi utos daw ni Colton. At mas lalong ayoko ng lumabag kay Colton dahil sa napagkasunduan namin ni Ma’am Lorraine. “P-pwede bang tanungin mo siya kung anong oras siya uuwi? Or kung uuwi ba siya?” nahihiyang tanong ko kay Vernon. Naningkit ang mata nito kaya kinabahan ako. “Ah, okay lang naman kung nakakaabala ako. G-gusto ko lang malaman kung uuwi siya, hindi pa kase siya umuuwi simula nung isang araw,” nahimigan nito ang pag-aalala sa boses ko kaya tumango ito bago umalis. Hinatid ko pa siya sa pintuan, akala ko ay magdidire diretso na ito pero muli akong nilingon. “Don’t associate yourself again with Colton. Ayoko ng magbantay ng taong ayaw naman mabuhay.”Napapailing pa ito habang paalis kaya naguguluhan ako habang papasok sa condo ni Colton. Hindi ko alam ang ipinapahiwatig ni Vernon pero pakiramdam ko ay banta iyon at hindi simpleng paalala lamang. Pagkatapos sa mga labahin ay nag-ayos ako para p
KABANATA 28:Hindi na nakakapagtaka dahil lagi naman niya akong iniiwasan bukod na lang kung makaramdam siya ng libog sa katawan. Kapag lumalapit siya at kung saan-saan napapadpad ang kamay, alam ko na agad kung anong gusto niya. Pagpunta ko sa kwarto ay nakita ko ang isang itim na maleta, halatang bago pa iyon kasi may tag pang nakasabit. Meron ding mga beach outfit kaya tinignan ko iyon isa-isa, napangiwi na lang ako ng makita kung gaano ka revealing ang mga damit. “Siya kaya ang pumili nito?” bulong ko habang hawak ang two piece na kulay dilaw at may bulaklak sa gitna ng bra at bulaklak sa tagiliran ng panty. Literal na may bulaklak kapag hinubad itong swimsuit. “T-shirt at shorts nga lang ay ayos na,” bulong ko ulit pero ipinasak ko na rin sa loob ng maleta ang mga swimsuit. Nung hapunan ay wala kaming imikan ni Colton habang kumakain, nagulat na lang ako ng kumuha ito ng pitsel ng malamig na tubig at sinalinan ang aming baso.“Ako na ang maghuhugas, magpahinga ka na pagkatapo
KABANATA 29: Napakahimbing ng tulog ko kaya ng marinig ko ang announcement ng piloto ay tsaka lang ako tuluyang nagising. Nakasandal na pala ako sa balikat ni Colton, mabuti na lang ay hindi ito nagalit at tinulak ang ulo ko. “Nakakagulat ba na hindi kita tinulak? At gulat na gulat ka ngayon, Fily.” Napangiwi na lang ako ng bumalik sa realidad ang pag-iisip ko. Akala ko pa naman ay magiging mabait na siya ngunit kapag bumuka na ang bibig niya ay malalaman mong walang kabaitan sa katawan to e. “Hindi, Colton. A-ano nakakagulat lang kasi,” wika ko habang tumatawa sa gilid niya. Inismiran lang ako ni Colton at umayos ng upo sa kanyang upuan. Tumunghay na lang ako sa bintana sa aking gilid at pinagmasdan ang kabuuan ng boracay habang nasa himpapawid. Saglit lang naman ang naging byahe namin kaya hindi masyadong nakakapagpod. Pero hindi ko lang alam kung hahaba ba ang buhay ko kapag siya ang kasama ko. “Get our things, Fily,” habilin niya at nauna ng maglakad pababa ng eroplano
KABANATA 30 Tumitig siya ng matagal sa ‘kin kaya ngumiti ako sa kanyang harapan. Napabuga siya ng hininga at marahang umiling bago niya pinutol ang pagtitig sa ‘kin. Alam kong pinaghihinalaan niya pa rin ako kaya kailangan kong makuha ang tiwala niya. Pero hindi ko alam kung saan ko sisimulan iyon. Bahala na nga, sasabay na lang siguro ako sa agos ng buhay. Basta ay mapaghiwalay ko naman sila ni Devia ay may pera pa rin ako. May isang magaling na naisip ako, at balak ko na agad simulan iyon mamayang gabi. Alan kong hindi siya makakatanggi sa ibibigay ko mamaya. “Mukhang masaya ka, Fily. Kanina ko pa napapansin na panay ang ngiti mo.” Nagulat ako ng sumulpot sa likod ko si Colton habang may hawak na wine glass at pinapaikot ang laman nito. “Ha? Ako ba? Sino bang hindi sasaya kung nasa boracay?” “Ako? Ang dami-dami kong trabaho sa Maynila tapos pipilitin lang akong magpunta dito para ano? Mag-relax?” natatawang saad ni Colton. “Mas naiistress pa ako rito kesa makipagbarila
KABANATA 31Akala ko ay umuulan kaya napatingin ako sa itaas, pero nanlumo lang ako ng makitang may bubong nga pala ang bar. “Ha! Bakit ko ba siya iniiyakan!” inis na bulong ko sa sarili ko. Marahas kong pinunasan ang luha ko at tinungga ang binalikan kong inumin namin ni Colton. Kung kanina ay masaya pa akong pumunta rito kasi nagbabakasakali akong may matipuhan man lang siya.Ngunit ang nangyari pa tuloy ay nagalit siya at nalaman ko pang mas malalim na relasyon pala ang kailangan kong sirain. Habang mag-isang tumutunga ng beer dito sa counter ay may mga lalaking biglang lumapit sa ‘kin. Nung una ay hindi ko pa pinapansin kaso ang lakas ng boses nila kaya napapalingon ako sa kanilang direksyon.“Siya ba yun?”“Ang ganda nga pre no!”“Payag kaya siya isang gabi? Tatlo tayong magpapaligaya?”Naisip ko na lang na napakalibog ng mga lalaking ito. Naawa na lang ako sa babaeng katabi ko na kanina pa nila sinusulyapan. Kahit pa gaano ka-revealing ang damit niya ay harap harapan pa rin
KABANATA 32Nagpumilit akong wag ng magpadala sa ospital dahil dagdag gastos lang iyon. Tsaka isa pa ay hindi naman nakakamatay yung suntok ng lalaki.Nandito kami ngayon sa living area ng hotel room, nakatingin lang ako sa sahig habang nagpalakad lakad si Colton sa harapan ko.“H-hindi ka ba nahihilo, C-col-” hindi ko na natuloy ang sasabihin ko kase huminto nga siya. Pero ang sama naman ng tingin sa pwesto ko.“Bakit ang lapitin mo ng kamalasan, Fily?!” inis na bulyaw niya. Napapikit ako at may gumuhit na sakit sa puso ko. “H-hindi ko alam na n-nandun sila,” pagpapaliwanag ko pero napahilot na lang siya sa kanyang noo. “At hindi ka umiwas? O naghahanap ka talaga ng gulo? Katulad ng pinasok mong gulo kasama ni Mom?” tanong ni Colton. Napamaang ako dahil paanong nasali ang nanay niya rito. “Teka, gulo? Tingin mo ba ay pumunta lang ako doon para maghanap ng gulo?” Hindi ko na napigilang tumawa sa sobrang inis, idagdag pa na sinisisi niya ako sa pagiging malibog ng dalawang iyon. “
KABANATA 129Nung gabing iyon ay iniyak na namin lahat ng sakit, hindi ko man buong alam kung anong nangyari sa pagitan nila ni Kassius. Ramdam ko kung gaano kabigat iyon para sa aking sekretaryana itinuring ko na ring mahalagang parte ng aking buhay. Alam ko sa sarili kong ibubuwis ko rin ang buhay ko para kay Pam. Isa siya sa mga taong walang pagdadalawang isip na pagbibigyan ko nga buhay ko basta kapalit nun ay ligtas at masaya siya. Galit na galit ako kay Kassius pero sinabi na ng babae na ayaw niya ng makialam pa kami sa buhay ng lalaki. Sapat na raw ang pagiging tanga at bulag niya sa nakalipas na panahon para pag-aksayahan pa ito ng panahon. “Are you still sleeping, Fily? Mauuna na ako sa company,” pagpapaalam ni Pam. Napabalikwas ako sa higaan ng marinig ang kaswal na boses niya na nagpapaalam. Bumuntong hininga muna ako bago ko binuksan ang pintuan para sana paghingahin muna siya. “Pam! I told you, wag ka ng pumasok ngayon. Ako na ang bahala muna sa kumpanya okay? Just re
KABANATA 128“You’re clearly angry to me, Ms. CEO?” mapanuyang saad niya kaya nilingon ko ito gamit ang nanlilisik kong mata. Kanina pa siya sunod ng sunod kahit sinabi kong wag siyang sumunod. Alam kong napakababaw ng dahilan kung bakit naiirita ako sa kanya. Pero hindi ko rin naman maiwasang magpantig ang tenga lalo na sa tuwing tinatawag ako nito sa pangalan ko. Mas naaalala ko lang siya!Kaya mas gusto kong hindi niya ako tinatatawag kasi mas lalo lang akong nangungulila. Pero alam ko ring wala na akong Colton na babalikan, lalo na at inamin niya na rin naman na mahal niya talaga si Devia. “Kailangan mo ng abogado para sa Dad mo diba?” tanong nito kaya napahinto ako sa pagmamadaling makaalis sa harapan niya. Ito naman talaga ang dahilan kung bakit ginusto kong pumunta ng Manila. Ang humanap ng magaling na abogado para kay itay. Hindi lang basta abogado na ipipresinta siya sa korte subalit ilalathala rin ang katotohanan sa buong korte at medya. Sirang sira ang imahe ni itay da
KABANATA 127Tatawagan ko na sana si Pam ng mauna na itong tumawag sa akin. Magsasalita pa sana ako ng mauna na itong mag-panic sa kabilang linya. “Shit Fily, alam kong papunta ka ngayon sa kumpanya. At God knows na gusto kitang samahan pero kailangan ako ni Kassius ngayon e. Pwede bang ikaw na muna ang tumapos kahit yung sa interview lang?” nagmamadaling tanong nito. At dahil wala naman akong magagawa ay umuo na lang ako, mukhang may malaking problema si Kassius kaya tarantang taranta ang gaga. “Alright, alright. Just calm down Pamela! You better drive sane! Kumalma ka dahil baka ikaw pa ang problemahin ni Kassius,” sigaw ko kaya naman unti-unti kong narinig ang pagkalma nito. Goodjob Pam!Pagkatapos niyang ibaba ang telepono ay mabilis na akong pumasok ng kumpanya at dumiretso na sa function hall kung saan ginaganap ang interview. Huli akong pumasok kaya nagulat ang mga recruiter, isang head ng marketing, head ng human resources at si Pam dapat. Palagi naman ay walang palya ang
KABANATA 126Buong akala ko ay isang malungkot at madrama na naman ako buong byahe pero dahil sa katabi ko. Hindi ko alam kung nandito ba ito para bwisitin ako o sandali niyang tinatanggal lahat ng hinanaing at sakit na tinatamasa ko.Gayunpaman, kapatid pa rin ito ng lalaking nanakit at nagpakulong kay itay. Kaya hindi ko siya lubos na mapagkatiwalaan, pero heto pa rin ako at nagpipigil ng tawa dahil sa mga sinasabi niya.“May interview ako ngayon, pero hindi pa ako nakakapag-ensayo dahil sayo,” sumbat bigla nito kaya naman napasimangot ako. “Aba! Sino bang nagdadadaldal sa tabi ko ha?” masungit na tanong ko sa kanya. Siya itong kanina pa nagsasalita sa tabi ko. Ngayong kinakausap ko na rin siya ay bigla niya akong pupunahin kaya hindi siya makapag-practice dahil sa ‘kin.“Joke lang, masyado na akong magaling para mag-practice no! Baka makita pa lang nila ako pasado na agad to!” pagyayabang nito kaya hindi ko mapigilang humagalpak ng tawa.Dahil sa lakas ng tawa ko ay napapatingin
KABANATA 125Nakatayo lang ako dun habang walang magawa kundi umiyak at magmakaawang huwag nilang kunin ang itay. Pero kahit anong iyak at hagulgol ko ay ni isa ay walang makarinig ng boses ko. Maging sarili ko ay hindi ko na rin marinig dahil sa paulit-ulit na tunog ng police car, sigawan ng mga tao, maging ang ingay sa daan. Nang tumahimik na lahat ay nakita ko na lang ang sarili kong napaupo sa bakuran namin. Ang dating bahay na puno ng saya ay parang kusang nawalan ng ligaya. Maging ang mga halaman sa paligid ay mukhang malungkot dahil mga nakatungo ang mga dahon nito. Hindi ko alam kung malungkot rin ba sila dahil kinuha ng mga pulis ang matiyagang tumutulong kay inay upang diligan sila o sadyang malalanta na sila. “Wala ng magdidilig ng isang timba sa inyo,” pabirong bulong ko pero naalala ko lang ang masasayang kwentuhan at asaran habang nagdidilig sa bakuran na ito. “A-anak, a….anong gagawin natin? H…hindi kayang pumatay ng itay ninyo. B-bakit ayaw maniwala ng mga pulis?
KABANATA 124Mukhang nakikiayon rin ang kalangitan sa tinatamasa kong pighati, malakas ang bawat patak ng ulan pero hindi nun napapawi ang sakit ng mga salita ni Colton. Muli, siya lang ay may kayang dumurog sa ‘kin ng ganito bukod sa mga mahal ko sa buhay. Habang naglalakad sa gitna ng galit na galit na ulan, walang ibang pumapasok sa utak ko kundi paano ko palalakihin mag-isa ang anak ko. Pero isa lang ang sigurado ako, mamahalin at lalaking puno ng pagmamahal ang batang nasa sinapupunan ko. Hinintay kong habulin niya ako, pigilan na wag siyang iwanan pero hanggang sa makarating ako sa sakayan ay walang Colton ang tumawag at pumigil sa ‘kin. Happy Anniversary! Mas lalo akong nanghina at nanlumo ng makita ang naka-schedule sa calendar ko. Simula ng makaalala ako ay nga-notes ako ng mga special dates. At isa na roon ay ang anibersaryo namin ni Colton, excited pa akong i-surpresa siya ngayong araw pero hindi nangyari dahil na-hospital ako. Nakalagay sa notes na bibili sana ako ng
KABANATA 123“May importante ka bang sasabihin sa kapatid ko Miss?” nakangising tanong nito bago pinasadahan ng tingin ang kabuuan ko. Kung wala lang akong kailangan sa kanya ay baka sinapak ko na ‘to sa paraan ng pagtitig niya! Hanggang makaabot kami sa tenth floor ay puro tanong ang binabato nito sa akin kaya naman dahil sa inis ko ay napasigaw na ako. “Girlfriend ako ng kapatid mo, okay na? Kung wala ka ng ibang gustong tanungin pwede bang lubayan mo na ako? Kasi gustong gusto ko ng makita si Colton,” sigaw ko kaya naman napahinto ito. “Chill, if that’s what you want iiwan na kita rito.” Nakangisi pa rin ito habang paalis kaya napakalaki ng pagkakaiba nila ng kapatid niyang bugnutin at masungit. Nang iwanan niya ako ay mabilis na akong pumunta sa opisina ni Colton at walang katok-katok akong pumasok. “Love, I miss yo-” naputol sa ere ang sasabihin ko ng makita si Colton na may kahalikang babae. Para akong tinusok ng libo libong patalim sa nakita ko. Kaya ba hindi niya ako mabi
KABANATA 122Sobrang saya ko ng malaman ko na buntis ako, mas ginanahan akong kumain at maglakad-lakad para makalabas kaagad ng hospital. Nakakita rin ako ng mga batang naglalaro kaya naman pinanuod ko itong maglaro, sa susunod na taon ay baka ako naman ang naghahabol sa ganyan kalaking bata. “Are you girl or boy kaya baby? Pero kahit anong gender mo, mahal na mahal na agad kita,” naluluhang sambit ko habang haplos ang aking tiyan na wala pang senyales ng pagbubuntis. Wala man sa plano ang bata ay alam kong magugustuhan at mamahalin rin ito ng tatay niya. Palagi kong nakikita si Colton na palaging tumitingin sa mga bata at minsan ay nakikipaglaro pa sa mga ito. May isang beses pa nga na halos ayaw na siyang bitawan nung bata dahil wala siyang kapaguran sa pakikipaglaro sa mga ito.“Medyo malungkot lang si mommy anak, sabay sana naming nalaman ng daddy mo na ipinagbubuntis kita,” patuloy na haplos ko sa aking tiyan. Wala man siya ngayon ay ipinangako ko naman na siya ang pinakaunan
KABANATA 1213 days have passed at hindi ko na ulit nakita si Colton. Hinihintay ko siyang bumisita pero kahit anino niya ay hindi ko man lang naramdaman. I texted and calld him pero kung hindi available ang numero niya ay pinapatayan niya ako ng tawag. Which is very malayo sa Colton na gusto palaging naririnig at nakikita ako. FLASHBACK“Love, when I happen to be unreachable please be patient with me,” saad ni Colton habang nakayakap sa likod. Nanunuod kami ng movie kung saan bigla na lang siyang naglambing at pumunta sa likod ko. Nakayakap habang nakasandal ang baba sa aking balikat. “Will it happen, love?” tanong ko habang nasa telebisyon pa rin ang tingin pero ang atensyon ko ay nasa lalaking nakayakap sa likod ko. “Hindi ko kayang baliwalain ka Fily. Pero kung sakaling mangyari iyon ay sana alam mong mahal na mahal kita,” bulong nito na nagbigay ng kakaibang pakiramdam sa kaibuturan ko. This night was suppossed to be a happy one, we were happy not until he came back from the