HALOS pangapusan na ng kaniyang hininga si Jenny dahil sa labis na kapusukan ng kaniyang nobyo nang mga sandaling iyon.Pero sa kabila ng lahat alam ng dalaga na hindi niya gustong itigil ni Jason ang ginagawa nito dahil gusto rin naman niya iyon.
"Jenny, mahal na mahal kita," anas ng binata sa kaniya nang pakawalan nito ang kaniyang mga labi kaya siya nagkaroon ng pagkakataong humihinga at sumagap ng kahit.
"Mahal na mahal kita at baliw na baliw ako sa'yo," anitong hinagod ng tingin ang kaniyang mukha bago siya muling siniil ng isang na namang mariin at maalab na halik.
At katulad kanina ay ganoon na naman ang naging reaksyon niya. Mabilis siyang nawala sa sarili niyang katinuan. Pero sa pagkakataong ito ay tila ba nagkaroon na siya ng sapat na lakas ng loob para tugunin sa paraan na alam niya ang ginagawang malalim na paghalik sa kaniya ni Jason.
Alam niyang naramdaman ni Jason ang ginawa niyang iy
NAGING napakasaya at makulay ng mundo at buhay ni Jenny simula nang araw na iyon. Dama niya ang labis na pagmamahal sa kaniya ni Jason at ganoon rin naman siya dito. At ang lahat ng iyon ang nagbigay sa kaniya ng dahilan para maging mas inspired sa pag-aaral niya. Alam naman kasi niya na kahit sabihing magkasintahan na silang dalawa ay marami paring mga babae sa eskwelahan nila ang naghahangad na katulad ng ibang mga naging nobya noon ni Jason ay mauuwi rin sa hiwalayan ang lahat sa kanila. Bagay na ilang beses rin namang sinabi ang ipinangako sa kaniya ng nobyo na hindi mangyayari sa kanila. First monthsary nila nang regaluhan siya ni Jason ng isang maganda pero simpleng pares ng white gold na hikaw. Habang siya naman ay stainless Parker Rollerball Pen ang binili niya at pina-engrave-an pa niya iyon ng pangalan ng kaniyang nobyo para hindi iyon mawala. At dahil Sabado at walang pasok sa school hindi siya tumanggi nang yay
SI Jason ang unang nobyo niya kaya ito ang unang lalaking nagpaparanas sa kaniya ng ganito. Pero sa kabila niyon aware din naman siya na ang pagpayag niyang iyon ang tanging hinihintay ng binata mula sa kaniya upang magkaroon ito ng sapat na lakas ng loob na gawin ang kung anumang naisin nito kung sakali. Muli siyang hinalikan ng binata. Pero gaano man iyon kapusok ay pinilit parin ni Jenny na gawin ang lahat ng kaniyang magagawa upang kahit papaano ay matugunan ang maiinit na halik sa kaniya ng kasintahan. Hindi nagtagal at naramdaman na niyang bumaba ang maiinit na labi ni Jason sa kaniyang leeg at nagpatuloy sa kaniyang balikat na sa kalaunan ay naramdaman narin niyang dumampi sa kaniyang punong dibdib. Noon hindi napigilan ni Jenny ang mapaungol dahil sa matinding init na naramdaman niyang gumuhit sa kaniyang katawan. Pakiramdam niya nang mga sandaling iyon ay nilalamon ng malaking sunog ang kabuuan ng silid kaya siya
DAHILnga sa katotohanang half naked siya ay inasahan na niya ang pagbaba ng mga halik ni Jason sa kaniyang leeg na nagtuloy sa kaniyang balikat. Mabilis na nagtaas-baba ang dibdib ng dalaga dahil sa malakas na boltahe ng kuryenteng mabilis niyang naramdaman dahil sa ginawang iyon ng kaniyang nobyo. Pinigil niya ang huwag magpakawala ng ungol pero nabigo siya. Hindi naman iyon sa katotohanan na iyon ang unang beses na naranasan niya ang ganoon klase ng pagpapadama ni Jason sa kaniya ng pagmamahal pero talagang tila ba may baga ang mga labi nito na nagiging dahilan ng bawat singhap at ungol na kumakawala sa mga labi niya. "Jason," anas niya habang pikit ang mga matang itinaas ang kaniyang ulo dahil sa matinding alab ng damdamin at masarap na klase ng sensasyon na nararamaman niya nang mga sandaling iyon. Hindi nagsalita ang binata at sa halip ay ipinagpatuloy nito ang pa
IBA ang Jason na nakikita niya ngayon sa nobyo niyang masasabi niyang palaging malambing at mabait sa kaniya mula nang magsimula silang mag-date. Hindi rin naman niya tiyak kung dahil ba iyon sa katotohanan na iyon ang unang beses na gagawin niya iyon at naranasan niya ang lahat ng ginagawa ng kaniyang nobyo pero may palagay siyang hindi na iyon mahalaga. Hindi man mahalaga o mas tamang sabihin na tila ba nawawalan na ng kakayang mag-function ng tama ang utak niya dahil sa maalab na pakiramdam na ibinibigay sa kaniya ng katalik. Nang muling kumilos ang kaniyang nobyo pati narin ang mga labi nito pababa sa kaniyang tiyan ay mabilis na naalarma si Jenny. Hindi iyon dahil sa gusto niyang patigilin ang binata sa ginagawa nito sa kaniya kundi dahil iyon sa matinding sensasyon na biglang gumuhit sa katawan niya nang dahil sa ikinilos ng kaniyang nobyo. "J-Jason, a-anong gagawin mo?" ang kinakabahan niyang
HABANG pinagmamasdan ni Jason ang maamo at napakagandang mukha na ngayon ay mahimbing na natutulog sa kaniyang tabi, hindi niya mapigilan ang kakaibang klase ng haplos ng kaligayahan sa kaniyang puso. Mahal na mahal niya si Jenny. Higit kanino man, higit kay Ara na totoong binalak talaga niyang ligawan unang beses pa lang niyang nakita. Pero si Jenny, iba ang nangyari sa kaniya. Iba ang ginawa nito sa puso niya at ang lahat ng iyon hindi niya kayang ipaliwanag. Basta ang alam lang niya mahal niya ito at walang kahit sino ang pwedeng humigit sa dalaga dito sa kaniyang puso. Sa puntong iyon kumilos ang kamay niya saka ito masuyong hinaplos sa pisngi. Pagkatapos nang hindi makuntento ay saka niya ito niyuko at dinampian ng masuyong halik sa ulo saka sinamyo ang mabango nitong buhok. "Mahal na mahal kita," bulong pa niya bago ulit hinalikan ang dalaga pero sa pagkakataong iyon ay sa noo na nit
LUMIPAS ang mga araw naging lubusan na nga ang kaligayahan ni Jenny sa piling ni Jason. At katulad na nga ng inasahan na niya simula pa lamang nang maging nobyo na niya ang binata, ang nangyari sa kanila ay naulit na nang naulit, sa hindi na niya halos mabilang na beses. Hanggang sa kung tutuusin nga para na silang mag-asawa, kulang nalang sa kanila kasal. Madalas mangyari iyon sa bahay nina Jason. Dahil nga wala naman itong kasama doon at isa pa doon sila madalas mag-stay. Ang totoo ang lahat ng nangyayari sa kaniya ay purely unintentional. Although sumasagi sa isipan niya na kapag nagpunta siya sa bahay ni Jason ay posibleng may mangyari na naman. Pero hindi iyon ang tipo na nagpupunta sila doon para gawin ang bagay na iyon. Siguro talagang mapusok lang si Jason. At siya naman ay mahina, kaya mabilis siya nitong napapabigay sa kahit anong gustuhin nito. Pero sa kabila ng lahat ng iyon, hindi parin nagbabago ang pagtingin niya
AGAD na nagsalubong ang mga kilay ni Jason nang nasa gate pa lamang siya ay nakita niyang bukas ang malaking pinto sa harapan ng kanilang bahay. Hindi rin niya alam kung saan nanggaling ang matinding takot at malakas na kabog sa kaniyang dibdib na bigla niyang naramdaman. Kanina bago siya lumabas para bumili ng meryenda ay tiniyak niyang nakakandado iyon. Nasa kaniya pa nga ang susi. Ayaw niyang isipin na pinasok ng kung sinong masaman loob ang bahay nila habang nasa kwarto at natutulog ang kaniyang nobyo. Noon malalaki ang mga hakbang niyang binagtas ang batuhang pathway matapos niyang wala sa loob na inihagis pasara ang gate na lumikha naman ng malakas na ingay. "Jenny? Jen?" nasa entrada pa lamang siya ng kabahayan ay iyon na ang magkakasunod at naging malakas na pagtawag niya sa pangalan ng nobya. Nang walang sumagot ay patakbo niyang tinungo ang silid kung saan niya ito iniwan na natutulog
PRESENT DAY..."I-I'M sorry," ang tanging nasambit ni Jenny saka maingat na binawi ang sarili niyang braso mula kay Jason."Papayag ka ba na kausapin ako ngayon?" ang mahinahon na tanong sa kaniya ng binata ilang sandali pagkatapos.Tumango siya. "Pero over dinner dapat at hindi dito sa kwarto mo," aniyang inayos ang sarili saka na lumabas ng kwarto.Pareho silang tahimik ng binata habang kumakain. Naiilang si Jenny pero ayaw niyang ipahalata. Natapos ang hapunan at hindi sila nakapag-usap. Iyon ang dahilan na nakita niya kaya siya niyaya ni Jason na mag-stay muna sa terrace at doon magpahangin. Hindi naman siya tumanggi."Jen?" ang binata nang manatili siyang tahimik at nakatanaw lang sa madilim na kalangitan."Yes?" aniyang hindi tiningnan ang binata."Wala na si Ara," anito.Sa sinabing iyon ni Jason ay mabilis siyang napalingon sa katabi."Anong ibig mong sabihin na wala na si