Share

CHAPTER 22 "JEALOUS 2"

"TUMAHAN ka na, bahala ka mahahalata ka niyang umiyak kapag nakita niyang namamaga ang mga mata mo mamaya," si Ara iyon habang pandalaas ang hagod sa likuran niya.

Nakabalik na sila sa kanilang classroom, nag-alisan nga lang ang mga kaklase nila dahil hindi sa absent ang teacher nila para sana sa subject nilang iyon.

"Napakasalbahe niya, biruin mo ang saya-saya niyang makipaglandian sa mga babae niya tapos ako iniiwan lang niya ng ganoon nalang? Hayop talaga siya, hindi ko siya papansinin, manigas siyang lintik siya!" si Jenny sa galit nitong tono saka pinilit na kontrolin ang patuloy na pag-agos ng kaniyang mga luha.

"Gusto mo bang kausapin ko na siya? Alam mo kasi ayokong nakikita kang nagkakaganyan, nasasaktan ako."

Naramdaman niya sa tono ng pananalita ni Ara ang sinseridad sa sinabi nito. Dahilan kaya hindi na nga niya napigilan ang sarili niyang tuluyang mapangiti. Pagkatapos noon ay tuluyan na niyang tinuyo ang kaniyang mga luha saka suminghot.

"Di hamak naman na mas maganda ka sa dine-date niya ngayon, hindi ba nga kung pumayag ka lang dapat ikaw ang pambato ng college department natin nung nakaraang Search for Mr. and Miss University?" nasa tono ng pananalita ni Ara ang labis na pagmamalaki para sa kaniya kaya lalong lumakas ang loob niya at sa huli ay naging okay narin ang pakiramdam niya.

"Dahil iyon sa kaniya, hindi niya ako pinayagan," pagtatapat niya kay Ara.

Nanlaki ang magaganda at asul na mata ni Ara sa kaniyang inamin. "Ano? Totoo ba iyang sinasabi mo?" anitong halatang hindi makapaniwala sa kaniyang rebelasyon.

Tumango siya. "Oo, masyado kasing protective si Jason. Sabi ko naman sa'yo hindi ba? Ayaw niyang nakikipag-usap ako kung kani-kanino lalo na kay Leo. Tapos iyon sa pageant naman, pinayagan ako ni Mama doon, excited nga siya eh, kaya lang ang sabi ni Jason baka daw mapaaway lang siya kapag sumali ako doon," pagbibigay alam pa niya sa kaibigan.

"Mapapaaway? Bakit naman siya mapapaaway?" nagsasalubong ang mga kilay na tanong ni Ara sa kaniya.

Nagbuntong hininga muna si Jenny bago ito nagbuka ng bibig para magsalita. "Kasi daw kapag ganoon magsusuot daw ako ng swim suit or two-piece, ayaw daw niyang mabilad ang katawan ko sa harapan ng maraming lalaki, baka daw iyon pa ang maging mitsa para bastusin ako ng iba," salaysay niya.

Parang walang anuman na napalabi si Ara sa narinig. "Talaga? Alam mo nagdududa na talaga ako sa lalaking iyan ah. Feeling ko talaga may something eh, bakit naman pati iyon iniiisip niya? Baka kamo ang sabihin niya, natatakot siya na bigla kang pilahan ng maraming gwapong manliligaw, at lalo siyang mamamatay sa selos," bulong ni Ara saka humagikhik.

Umikot ang mga mata ni Jenny sa narinig. "Bahala siya, basta hindi ko talaga siya kakausapin. Para naman matikman niya kung paano ako magalit. Hindi rin talaga maganda ang sobrang mabait, aabusuhin ka," aniyang mapait na ngumiti pagkatapos.

Noon siya nakakaunawang niyakap ni Ara. "Gusto mo bang sumama sa library? Tutal wala narin naman tayong klase after dito?" tanong sa kaniya ng kaibigan niya.

Magkakasunod siyang umiling. "Magkikita kasi kami ni Leo sa canteen. Nag-promise ako sa kaniya kanina na sabay kaming kakain ng meryenda. At isa pa, masama pa talaga ang loob ko kay Jason, ayoko muna siyang makita sa ngayon," pagtatapat niya sa huling sinabi.

Nakakaunawa namang tumango muna si Ara bago nagbuka ng bibig para magsalita. "Ganoon ba? O di halika na?" yakag nito sa kaniya saka tumayo.

Tumayo narin siya pagkatapos. Pababa na sila ng hagdan nang makasalubong niya si Leo na agad silang binati ni Ara.

"Oh, susunduin sana kita sa classroom eh," anito sa kanya saka nginitian si Ara.

"Wala nang tao doon eh, kaya naisip kong i-meet ka nalang sa canteen," sagot niya.

Noon nagkamot ng ulo nito si Leo. "Wala kasi akong cellphone number mo, ibigay mo sakin para mas madali ang communication nating dalawa. Okay lang ba? Hindi ba magagalit iyong kuya, I mean, kaibigan mo?"  pagtutuwid pa nito sa huling sinabi.

Noong magkapanabay na natawa sina Jenny at Ara. Pagkatapos ay nagtatanong ang mga mata niyang nilingon si Ara na tinanguan lang siya. 

"Ibigay mo na," anitong kumindat sa kaniya. "Mauuna na ako, sumunod nalang kayo doon kung gusto ninyo," pahabol pa nitong bilin.

*****

"TALAGANG nanadya ang babaeng ito eh," inis na bulong ni Jason habang tinatanaw ang bulto ni Jenny na naglalakad sa quadrangle patungo sa canteen kasama si Leo.

Noon niya narinig ang isang mabining tawa mula sa kaniyang likuran. "Guess what?" si Ara iyon na naglalambing pang yumakap kay Daniel na hinalikan naman ang dalaga sa noo.

Nagtataka siya sa sarili niya kung papaanong nangyaring bigla nalang naglaho na parang bula ang noon ay nararamdaman niyang panibugho na lihim niyang kinimkim sa dibdib niya dahil naging mas close si Ara kay Daniel. 

Totoo iyon, talaga naman in love siya noon kay Ara. Pero nagbago ang lahat nang makilala niya si Jenny. Parang nahati ang nararamdaman niya. 

Hanggang ngayon naman ay may feelings parin siya para kay Ara pero hindi na iyon katulad ng dati. At kahit hindi tama, hindi rin niya maiwasan ang magkumpara, dahil ang totoo walang sinabi ang selos na naramdaman niya noon dahil sa pagiging malapit ni Ara kay Daniel, kumpara sa nangyayari ngayon sa kaniya kay Jenny.

Siguro ganoon talaga kapag tanggap mo na ang lahat. Tinanggap na kasi niya na si Ara ay para kay Daniel at wala siyang plano ipaglaban ang nararamdaman niya para rito. Iyon ay kung may feelings pa nga siya para rito.

Iniisip kasi niya na baka ang love niya ngayon para kay Ara ay bilang kaibigan nalang? At baka tama si Daniel, baka nga nagseselos siya kaya kailangan na niyang kumilos. Baka mahal na niya si Jenny kaya nagkakaganito siya.

"Ano ba iyon?" tanong niya sa matalik na kaibigan.

"Hiningi ni Leo kanina ang cellphone number ni Jenny, tinanong pa nga ako ni Jenny kung ibibigay niya eh," pagkukwento ni Ara saka tinanaw narin ang tanawin ng dalawang taong naglalakad na kanina pa niya sinusundan ng tingin hanggang makapasok ang mga ito sa loob ng canteen at tuluyang naglaho.

"Anong sinabi mo?" hindi niya mapigilan ang hindi makaramdam ng kakatwang emosyon na hindi niya maipaliwanag habang hinihintay niya ang sagot mula kay Ara.

"Ang sabi ko ibigay na niya, tutal friends narin naman sila. At saka ano nga pala iyong nabanggit niya sa akin na ikaw ang pumigil sa kaniyang sumili sa Mr. and Miss University?" sa pagkakataong iyon ay biglang nagbago ang tono ng pananalita ni Ara.

"Ah, so nag-usap kayo? Talaga palang gusto niyang sumali doon? Gusto niyang pagpiyestahan siya nang maraming mata habang naka-two-piece siya? Tapos ngayon sumama na naman siya sa Leo na iyon. Matigas talaga ang ulo niyang best friend mo, nakakapikon na siya."

Talagang pikon na pikon siya. At naiinis rin siya na parang hindi ito apektado kahit nagalit na siya dito kanina.

Sukat sa sinabi niyang iyon ay makapanabay na natawa sina Daniel at Ara.

"Grabe ka Jason, ramdam namin ang selos mo!" buska sa kaniya ni Ara.

"Ligawan mo na kasi," susog naman ni Daniel.

"Ligawan eh may girlfriend nga ako," sagot niya.

"Sus, di hamak naman na mas maganda si Jenny doon sa babaeng iyon. Kung hindi mo lang pinigilan ang best friend ko, panigurado sa amin ang korona. Aba napakaganda ni Jenny, sexy at talaga namang matalino. Biruin mo full-scholar? Saan ka pa makakakita ng ganiyan? Kapag nagkataon at naunahan ka ni Leo, maswerte siya sa best friend ko, di ba, Love,?" 

"Oo naman, mabait si Jenny at bagay kayo. Sana lang gumawa ka ng paraan hindi puro selos ang pinapairal mo," ani Daniel.

Hindi kumibo si Jason hindi dahil wala siyang masabi kundi dahil alam niyang totoo ang sinasabi ng dalawa. At kung hindi siya kikilos tiyak na mauunahan siya. Pero paano? Ano ang gagawin niya gayong alam niyang galit sa kaniya si Jenny?

Paano niya nasabing galit ito?

Hindi gagawa si Jenny ng isang bagay na ikagagalit niya o labag sa mga sinasabi at advice niya rito kung hindi masama ang loob nito sa kaniya.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status