"SLEEP, alam kong pagod ka," si Jason na hinalikan pa siya sa noo matapos siya nitong iunan sa mismong braso nito saka kinabig at mahigpit na niyakap.
Hindi nagsalita si Jenny at sa halip ay mas higit pa niyang isiniksik ang sarili sa tagiliran ni Jason saka katulad nito ay gumati rin ng mahihigpit na yakap sa binata.
Kahit hindi niya aminin, alam niyang namiss niya ang lugar niyang ito sa tabi ng binata. Noon inisip niya na sana hanggang sa pagtanda nila ay siya lamang ang nag-iisang babaeng hahayaan ni Jason na humiga sa tabi nito at ang nag-iisang babae na magsumiksik sa tagiliran nito. Pero marami ang nagbago at hindi na niya iyon gustong balikan pa.
"Baka hanapin ka ng nanay mo," sa kabila ng nararamdaman ni Jenny na pamimigat ng talukap ng kaniyang mga mata dahil sa pagod gawa ng mainit na pinagsaluhan nila ni Jason ay nagawa pa niyang ipaalala iyon ng binata.
"Hindi ako hahanapin noon, umalis siya kasama si Aling Malou, may p
ANG sumunod na pananalakay ni Jason sa katawan niya ay naging dahilan ng tuluyan na ngang pagkawala ni Jenny sa kaniyang huwisyo. Kasama naring tila tinangay ng agos ng tubig palayo ang alalahanin na kanina ay gumugulo sa isipan niya.Hindi niya alam kung kailan matatapos ang ganito, kung hanggang kailan magiging mainit sa kaniya ang binata. Pero sa kabila ng lahat ng ito, alam niyang gusto niya ang lahat ng nangyayari dahil kahit sandali, nakakalimot siya."Sweetheart," si Jason habang patuloy ito sa ginagawang pag-angkin sa kaniya sa patayong posisyon.Hindi siya nagsalita, sa halip ay sandali lang niyang sinalubong ang maiitim na mata ng binata saka pagkatapos ay muli niyang itinaas ang kaniyang ulo kasabay ng pagpikit muli ng kaniyang mga mata.Gusto niyang lasapin ng husto ang ginagawa ng binata. Gusto niyang isipin na parang walang hindi magandang nangyari sa kanila noon kaya ganito kainit ang paraan ng pagpapadama nito ng pag
AS usual dahil nga student assistant si Jason sa library ay doon sila dumiretso ng binata pagkatapos nilang kumain. Si Ara ang inabutan nilang naka-duty sa librarian's desk kasama ni Daniel."Kumain na ba kayo?" tanong niya kay Ara nang malapitan niya ito."Oo, sa canteen lang, kayo?" tanong-sagot sagot sa kaniya ng matalik niyang kaibigan.Tumango siya. "Sige ah, hihintayin ko pa kasi dito si---," hindi na niya naituloy ang iba pa niyang gustong sabihin nang marinig niya ang magkakasunod na pagtawag sa kaniya ni Jason na nang mga sandaling iyon ay nakaupo na sa isa sa maraming bakanteng mesa ngayon sa loob ng aklatan.Nagsalubong ang mga kilay niyang nilapitan ang binata."Wala ka bang duty?" tanong niyang pinaglipat-lipat ang tingin kay Jason at Daniel."Mamaya pa, anong oras bang darating iyon kaklase mo? Dito kayo umupo gusto kong marinig ang pag-uusap
"BAKIT ba ang tagal mong bumaba?" kunot ang noo na tanong sa kaniya ni Jason nang abutan niya itong naghihintay sa may bench sa tapat mismo ng building nila."Nagligpit pa kasi kami ni Leo nung mga ginamit namin kanina sa report namin," sagot niya saka ngumiti. "Sina Ara at Daniel, hindi ba sila sasabay sa atin?" tanong niya pagkuwan saka tiningala ang binata.Umiling si Jason. "Nanliligaw ba sa'yo iyong lalaking iyon? Iyong totoo, ayokong nagsisinungaling ka sa akin," sa tono ng pananalita ng binata ay halatang totoo sa loob nito ang sinabi at iyon ang dahilan kaya mabilis na nagsalubong ang mga kilay ni Jenny."Bakit ba ganyan ang tono mo?" ang sa halip ay isinagot niya dito.Nangalatak si Jason. "Ang tinatanong ko nalang kasi ang sagutin mo, sino ba kasi ang lalaking iyon sa buhay mo at simula nung isang linggo na nagsimula ang report na iyan eh palagi mo na siyang kasama? Pati ba naman sa paglal
NAKA-DUTY na si Ara at siya naman ay naging busy na sa pagbabasa nang maramdaman niyang umupo sa silyang nasa kanyang harapan ang kung sino.Mabilis na dumamba ang kaba sa puso ni Jenny matapos niyang malanghap ang isang pamilyar na scent ng panlalaking cologne. Pero sa kabila ng pagnanais niyang mag-angat ng tingin upang ngitian ito ay mas pinili niyang huwag nalang. Hindi naman sa nagpapakipot siya pero masama parin talaga ang loob niya rito dahil sa ilang araw narin nitong paggagalit-galitan sa hindi naman nito ipinapaliwanag na dahilan."Sweetheart," untag nito sa kanya gamit ang pamilyar na endearment na iyon na aminin man niya o hindi pero talagang gustong-gusto niyang naririnig mula sa binata.Hindi siya kumibo. Hindi rin siya kumilos at sa halip ay nanatiling nakayuko sa libro na nasa kaniyang harapan. Pero nang mga sandaling iyon alam niya sa sarili niyang kinikilig siya. Kung minsan pala maganda rin ang m
MALALAKAS na katok sa pintuan ng kaniyang kwarto ang gumising kay Jenny kinabukasan. Pupungas-pungas pa siyang bumangon para pagbuksan kung sino ang kumakatok na alam naman niyang ang kaniyang ina na si Rowena. Bakit nga hindi gayong silang dalawa lamang ang magkasama sa bahay."Nay, bakit ang aga naman po? Sabado naman ngayon di ba?" ang inaantok at mahinahon niyang reklamo niya saka bumalik sa pagkakahiga sa kaniyang kama at niyakap ang dantay niyang unan."Bumangon ka na, nandiyan na si Jason sa baba, hinihintay ka!"Sukat sa sinabing iyon ng kaniyang ina ay parang binuhasan ng malamig na tubig si Jenny kaya mabilis na parang pumutok na bulang naglaho ang matinding antok na nararamdaman niya."Ano? Bakit ang aga niya?" ang nagpa-panic niyang tanong saka mabilis na bumalikwas ng bangon.Narinig niya ang mahinang tawa na pinakawalan ng kaniyang ina dahil sa nakita
ISANG magandang balita ang sumunod nilang nalaman mula kina Daniel at Ara. Officially dating na ang dalawa at bilang mga tunay na kaibigan ay tama lang na maging masaya silang dalawa ni Jason para sa mga ito. Lalo na siya, alam naman kasi niya kung ano ang totoong nararamdaman ni Ara para kay Daniel kahit kung tutuusin ay sa paggiging mortal na magkaaway ang naging simula ng kwento ng mga ito."Jenny, pwede ba kitang yayaing mag-meryenda mamaya?" si Leo iyon nang palabas na sila ng pintuan ng kanilang classroom para sa kanilang lunch break."A-Ah, a-ano kasi..." hindi na naituloy pa ni Jenny ang iba pa niyang gustong sabihin nang marinig niya ang biglang pagtunog ng kaniyang cellphone. "Wait lang ah," aniyang binasa muna ang text message.Galing iyon kay Jason at nagsasabing hindi raw ito makakasabay ng lunch sa kaniya dahil kasama raw nitong manananghalian sa canteen ang bago nitong girlfriend.&nb
"TUMAHAN ka na, bahala ka mahahalata ka niyang umiyak kapag nakita niyang namamaga ang mga mata mo mamaya," si Ara iyon habang pandalaas ang hagod sa likuran niya.Nakabalik na sila sa kanilang classroom, nag-alisan nga lang ang mga kaklase nila dahil hindi sa absent ang teacher nila para sana sa subject nilang iyon."Napakasalbahe niya, biruin mo ang saya-saya niyang makipaglandian sa mga babae niya tapos ako iniiwan lang niya ng ganoon nalang? Hayop talaga siya, hindi ko siya papansinin, manigas siyang lintik siya!" si Jenny sa galit nitong tono saka pinilit na kontrolin ang patuloy na pag-agos ng kaniyang mga luha."Gusto mo bang kausapin ko na siya? Alam mo kasi ayokong nakikita kang nagkakaganyan, nasasaktan ako."Naramdaman niya sa tono ng pananalita ni Ara ang sinseridad sa sinabi nito. Dahilan kaya hindi na nga niya napigilan ang sarili niyang tuluyang mapangiti. Pagkatapos noon ay tuluyan n
ILANG beses naring nagplano si Jason na tawagan o kahit i-text man lang si Jenny pero sa huli ay nawawalan parin siya ng lakas ng loob ituloy iyon. Alam naman kasi niyang kasalanan niya, aminado siya doon pero hindi niya maiwasan ang hindi mapikon lalo at parang ipinakikita sa kaniya ng dalaga na hindi ito apektado sa galit niya.Naka-duty siya noon sa baggage counter at sandali nalang ay magsisimula na ang last period nila kasama si Daniel. Kapag ganoong oras ay wala nang masyadong pumapasok sa library. Ang iba kasi sa mga estudyante ay nakauwi na at ang iba naman ay nasa kani-kanilang mga klase.Noon tumunog ang cellphone niya. Si Cathy iyon, ang babaeng kasalukuyan niyang idine-date. Tinatanong nito kung pwede ba niya itong isabay sa pag-uwi. Noon siya napailing.One week pa lang sila ni Cathy pero bakit ganito na ang nararamdaman niya? Parang sawa na siya agad? Dahil ang totoo mas gusto niyang ihatid si J