SCARLETT POV "KAILAN? Aba Kuya, linawin mo baka ang soon na tinutukoy mo ay may rayuma ka na! Bilis-bilisan mo at medyo malakas ang kumpetensiya!" natatawang wika ni Luke sabay sulyap sa tahimik lang na si Gino na naninigarilyo sa hindi kalayuan sa amin! Sa kanilang anim na magkakapatid si Gino lang ang hindi nakikihalubilo! Hindi ko nga alam kung bakit kailangan niya pang umattend ng binyag gayung halata naman na wala siyang balak ma maki-join sa mga kapatid niya! Actually, kanina ko pa sana siya gustong makausap pero hindi ko alam kung paano magpaalam kay Draku! Knowing Draku alam kong wala siyang tiwala kay Gino kahit na magkadugo sila lalo na at alam niyang bago niya ako naangkin si Gino talaga ang boyfriend ko! "No! Hindi ko mapapayagan iyan! Alam niyo kung anong ugali meron ako and of course, ngayun pa lang, itatali ko na sa akin si Scarlett!" seryosong bigkas ni Draku sabay bitaw sa akin! Hindi ko na lang sana papansinin ang susunod niyang gagawin pero ganoon na lang an
SCARLETT POV "DON'T mind Gino! Ayaw na ayaw kong kinakausap mo siya!" seryosong sagot niya sa akin! Buong paglalambing na hinawakan ko naman siya sa kanyang kamay habang hindi ko inaalis ang pagkakatitig sa mga mata niya! "Why? Nagseselos ka ba? Draku, ikaw na ang mahal ko at hindi na mababago pa iyun kahit na kausapin ko si Gino ngayun! Don't worry, papayuhan ko lang siya as a friend or as a kapamilya and then tapos na!" nakangiti kong sagot sa kanya! "Bakit mo ito ginagawa? I mean, kung gusto mo, itatakwil ko si Gino! Hindi ko siya kikillaning kapatid kung may plano siyang guluhin ang pagsasama natin!" seryosong sagot niya! Hindi ko naman mapigilan ang matawa! "Ano ka ba? Alam mo, napaka-advance mong mag-isip." bigkas ko! "Hindi ko mapigilang mag-isip ng hindi maganda lalo na at alam kong hangang ngyun malaki pa rin ang pagkakagusto sa iyo ni Gino!" seryoso niyang sagot sa akin! "Pero wala na kong gusto sa kanya kaya wala na siyang choice kundi ang kalimutan ang kung an
SCARLETT POV MABILIS na lumipas ang mga buwan! SA sobrang abala sa paghahanda naming dalawa ni Draku sa nalalapit naming kasal feeling ko bigla na lang dumadaan at lumilipas ang mga araw! Mabuti na lang talaga at ready si Anyana na tulungan kami sa mga preparations. Kahit naman may mga wedding organizers kaming kinuha, hindi pa rin talaga biro ang oras na dapat kong ibuhos para masiguradong perfect ang lahat! "Imainge, may mas ikakaganda pa pala ang hitsura mo pagkatapos kang maayusan at maisuot iyang wedding gown mo?" nakangiting bigkas ni Anyana sa akin! Kasalukuyan akong nakatayo sa full body mirror at hindi ko din naman maiwasan na humanga sa sarili kong reflexion sa salamin! Bumagay sa akin ang wedding gown na suot ko na napapalamutian ng libo-libong swarovski crystals! Pinasadya pa talaga naming dalawa ni Draku ang susuutin kong wedding gown na ipagawa sa isang kilalang International designer! Well, ayos lang naman dahil sobrang willing gumastos ng bongga si Draku mat
SCARLETT POV Habang naglalakad nga ako sa gitna ng aisle hindi ko malaman kung ngingiti or iiyak ba ako! Lalo na nang mapansin ko na tumutulo na din ang luha sa mga mata ni Draku habang naglalakad ako palapit sa kanya! Kitang kita ko sa mga mata niya ang matinding pagmamahal at nang makalapit ako sa kanya napansin ko na kaagad na din naman siyang nakipagkamay kay Daddy at humalik sa pisngi ni Mommy! Ibayung saya ang nararamdaman ng puso ko lalo na at naging closed na din siya kahit papaano sa mga magulang ko! "Ipagkakatiwala namin sa iyo si Scarlett! Ingatan mo siya at mahalin!" narinig ko pang sambit ni Daddy Daniel! Nakangiti naman tumango si Draku sabay yukod! "I wil! Siya ang buhay ko and I will love and cherish her forever!" sagot niya kay Daddy na para bang musika sa pandinig ko! Isang pangako na lumabas sa bibig ni Draku na alam kong galing sa puso niya! Nag-umpisa at natapos ang seremonya ng kasal na punong puno ng tuwa at ligaya ang puso ko! Sa lahat ng oras pakiram
ANYANA POV "Ano ang nangyari? Bakit sila umiiyak?" nagtataka kong tanong sa isa sa mga Yaya's na nag-aalaga sa triplets! Ngayun ang unang araw na wala sila Daddy at hindi nila kasama ang Triplets dahil sa honeymoon nila sa Switzerland at pagkababa ko galing sa kwarto para icheck ang triplets ito kaagad ang nabungaran ko! SAbay-sabay silang umiiyak na akala mo may masakit sa kanila! "Ahmmm, Mam parang hinahanap yata nila ang Daddy at Mommy nila!" kaagad din namang sagot sa akin ni Yaya Menggay habang ang dalawa sa mga kasamahan niya ay walang tigil sa kakahele sa mga hawak nilang babies para lang tumahan sa pag-iyak! "Akin na si Baby Deven!" tukoy ko sa nag-iisang lalaki ng triplets! Napansin ko kasing siya iyung malakas kung umiiyak kaya siya na lang muna ang kakargahin ko! Kaagad naman siyang iniabot sa akin ni Yaya Menggay kaya isinayaw-sayaw ko na kaagad! Sa hindi malaman na dahilan bigla itong tumigiil sa pag-iyak! Bigla na din itong sumubsob sa may dibdib ko na labis kong
ANYANA POV Pagkatapos kong kumain nagpasya akong maglaka-lakad na muna sa garden. Sakto naman na pagdating ko ng garden biglang tumunog ang aking cellphone. Si Daddy Draku ang tumatawag at kinukumusta niya ang triplets '"YES Dad, ayos naman ang triplets...don't worry enjoy niyo lang ang honeymoon niyo at ako ang bahala sa kanila!" katagang binitiwan ko bago ko tinapos ang pag-uusap naming dalawa ni Daddy sa phone! Hangat maaari ayaw kong mag alala sila sa kalagayan ng triplets. Gusto kong i-enjoy nila ang honeymoon nila. Mukhang kahit nasa Switzerland silang dalawa at nag-eenjoy sa kanilang honeymoon wala pa rin silang iniisip kundi ang mga anak nila ah? Hyaasst, siguro ganito talaga ang mga magulang..kahit saan magpunta palaging isinaalang-alang ang kapakanan ng mga anak nila! Mabuti na lang at medyo makulimlim ang kalangitan kaya kahit papaano masarap tumambay dito sa garden para magpalipas ng oras. Wala akong balak na lumabas at maglamiyerda ngayun! Gagamapanan ko kasi
ANYANA POV Sa naging tanong na iyun sa akin ni Stephen muli akong napahakbang palapit sa kanya! Seryoso ko siyang tinitigan at pilit na ngumiti "Hindi! Hindi na! Kalimutan na natin ang mga nangyari noon! Parte na lang ng nakaraan ang lahat-lahat at napatawad na kita." seryoso kong sagot sa kanya! Hindi naman siya nakaimik pero kitang kita ko sa mga mata niya ang pagkalito! Napansin ko pa ngang akma niya sana akong hahawakan sa aking kamay pero mabilis akong nakaiwas! "Sana makatagpo ka na ng babaeng para sa iyo! Tapos na ang kabanata ng relasyon natin at naka-moved- on na ako! Masaya ako sa kung ano mang buhay mero ako ngayun Stephen!" pilit ang ngiting bigkas ko kahit na ang totoo sobrang lakas ng kabog ng dibdib ko! Hindi ko alam kung tama ba itong sinasabi ko ngayun dahil lahat ng lumalabas sa bibig ko ay taliwas sa kung ano man ang laman ng puso ko! Ang gulo diba pero kailangan ko itong gawin para iparamdam sa kanya na ayos na! Na wala na talagang kami at hindi na kami m
ANYANA POV TWO YEARS LATER Kay bilis ng taon! Dalawang taon na pala! Dalawang taon ang mabilis na lumipas na feeling ko wala akong ibang ginawa sa buhay kundi ang bumiyahe nang bumiyahe! Halos naikot ko na ang buong mundo! Marami na din akong nakilalang mga kapwa ko travellers mapa-Filipino man or ibang lahi! Kahit papaano, aminado ako sa sarili ko na sobrang nag-enjoy ako! Sandaling nakalimot pero nandoon pa rin ang kagustuhan na umuwi na muna ng Pinas para makasama ang mga mahal sa buhay! Mahirap din pala ang ganitong wala akong ibang iniisip kung saan-saan pupunta! Walang permanenteng address at ilang beses na din akong kinulit ni Daddy na umuwi na daw muna ng Pinas lalo na at manganganak na naman daw si Scarlett! Yes...manganganak na naman si Scarlett. Masasabi ko na ganoon lang kabilis ang panahon! Umalis ako ng bansa na kakatapos lang ng honeymoon nila tapos mukhang babalik ako ng Pinas para tulungan siyang alagaan ang new born baby niya! Dalawang taon! Ganoon kab
ANYANA POV "I AM SORRY, Mr Atienza pero sa sitwasyon niya ngayun hindi namin maipapangako kung kaya niya bang mag-undergo ng another operation! May history na siya ng surgery noong bata pa siya dahil ipinanganak siyang may congenital heart disease." narinig kong bigkas nang kung sino! Ang alam ko si Daddy ang kausap niya kaya naman mas pinili kong matulug-tulugan! "Ano ang pwedeng gawin para madugtungan nang buhay niya? Willing akong gumastos ng kahit na magkano para maging maayos ulit ang puso niya, Doc!" narinig kong sambit ni Daddy! Hindi ko mapigilan ang mapakunot noo dahil sa narinig ko! "I am sorry, Mr. Atienza! Isa ito sa malaking side effect ng mga batang nagkaroon ng history ng congenital heart disease! Although, succesful ang surgery niya noon pero hindi ibig sabihin noon na kaya niya nang mabuhay hangang sa kanyang pagtanda! After so many years, dumadating talaga ang ganitong problema at hindi namin sigurado kung kakayanin pa ba ng pasyente ang mag-undergo ng another
ANYANA POV Ang kagustuhan ko pa rin ang nasunod kaya walang nagawa si Gino kundi pagbigyan ako! May kinausap lang siya na kung sino dito sa hospital pagkatapos noon pinayagan na akong makaalis sa kondisyon na kailangan kong makabalik para daw maobserbahan ako! Maraming test pa daw ang dapat gawin sa akin which is hindi ko na din pinagtoonan ng pansin! Hindi ko alam kung ano ang dahilan at kung bakit dalawang araw akong walang malay sa hospital pero dahil mas focus ang isipan ko sa mga nangyari kay Stephen, hindi na ako nagtanong pa kay Gino! Habang nasa biyahe kami, mas pinili ko na lang ang manahimik! Bago naman kami umalis ng hospital, nangako si Gino sa akin na didirecho daw kami sa kinaroroonan ni Stephen which is labis kong ipinagpasalamat! Hangang ngayun kasi pinilit kong kinukumbinsi ang sarili koo na hindi totoong wala na siya! Pero ang pangungumbinsi kong iyun sa sarili ko ay biglang naglaho lalo na nang mapansin ko na sa isang memorial chapel kami dumirecho! "Ano ang
ANYANA POV Hindi ko alam kung ilang oras akong nawalan ng malay pero sa muling pagmulat ng aking mga mata ibayong katahimikan ang kaagad na sumalubong sa akin! Sumalubong sa paningin ko ang puting kulay ng paligid at nang ibaling ko ang aking tingin hindi ko mapigilan ang magtaka dahil sa mga nakakabit ng kung ano sa katawan ko! May nakakabit din sa akin na oxygen which is nakakapagtaka! HIndi ko alam kung ano ang nangyari sa akin pero hindi ko mapigilan ang muling pagpatak ng luha mula sa aking mga mata nang maalala ko ang nangyari kay Stephen! Sa kabila ng mga masasakit na nangyari sa amin, hindi ko alam kung kaya ko bang tangapin ang lahat pero isa lang ang sigurado ako, sobrang sakit sa puso na makita siyang isa nang malamig na bangkay. Pero totoo ba talaga iyun? Hindi kaya isang panaginip lang? Sana panaginip lang ang lahat! Kahit na gaano pa siya kasama hindi pa rin naman magbabago ang katotohanan na siya pa rin ang tinitibok ng puso ko! Sa naisip kong iyun dahan-dah
ANYANA POV "Ano ang nangyari? Bakit ka namumutla?" seryosong tanong ni Doc Alvin nang maabutan niya ako dito sa labas ng restaurant! Kakatapos lang namin mag-usap ni Amanda at nag-aabang na lang ako ng taxi para masakyan ko patungo sa hospital kung saan daw dinala si Stephen! "Sorry, kailangan kong makaalis! Si Stephen...naaksidente!" diretsahan kong sagot kay Doc Alvin! Napansin kong saglit siyang natigilan bago tumango-tango! "Okay...sa kotse ko! Sasama ako ng hospital!" seryosong sagot niya sabay hawak niya sa akin at inakay niya ako patungo sa kanyang kotse! Naging sunod-sunuran naman ako kay Doc Alvin! Pagkasakay namin pareho sa sasakyan, kaagad siyang nagmaneho! Sinabi ko pa nga sa kanya kung saang hospital dinala si Stephen at pagkatapos noon, naging tahimik na ako buong biyahe! Ramdam ko ang takot ko sa puso ko pero umaasa ako na sana ayos lang si Stephen! Kahit naman sinaktan niya ako ng paulit-ulit, hindi ko naman pinangarap na mapahamak siya lalo na at alam kong w
ANYANA POV Dahil sa ginawa ni Stephen kanina sa simbahan, nagpasya na lang kaming dalawa ni Doc Alvin na kumain sa restaurant! Lagpas na sa oras ng pagkain ng tanghalian at nag-aalburuto na ang tiyan ko sa gutom! Wala na din akong balak na pumunta ng reception party dahil mukhang nababaliw na si Stephen! Para bang wala na siyang kahihiyan at hayagan niya nang ipinapakita sa lahat kung gaano na kasama ang ugali niya! Kahit ako, nagulat din talaga sa ginawa niya kanina! Harap-harapan ba naman kung mangumprunta! Ano ba ang pakialam niya kung may kausap akong lalaki? Naikasal na siya lahat-lahat ang hilig niya pa ring makialam sa buhay ng may buhay! "Ano ang gusto mong kainin?" nakangiting tanong sa akin ni Doc Alvin! HIndi ko naman mapigilan ang mapatitig sa kanya! Sa halos isang buwan na nakilala ko siya wala man lang akong nakitang kahit na isang kapintasan sa ugali niya! Kapag magkasama kaming dalawa talagang ipinaparamdam niya sa akin kung gaano ako ka-special na malayong mal
STEPHEN POV Kasalukuyan akong nakatayo dito sa harap ng altar habang hinihintay ko ang aking bride na si Agatha pero imbes na sa kanya ko itoon ang buo kong attention, hindi ko mapigilan ang mapako ang paningin ko kay Anyana na isa sa mga bridesmaid! Kakatapos lang nilang mag-martsa at hinihintay na lang na matapos na mag-martsa ang aking bride para maumpisahan na ang seremonya ng kasal! HIndi ko alam kung tama ba itong naging desisyon ko na ituloy ang kasal naming dalawa ni Agatha gayung alam ko sa sarili ko na si Anyana pa rin ang nagmamay-ari ng puso ko! Kaya lang, masakit isipin na sa kabila ng mga effort na ginawa ko, paulit-ulit niya akong tinatangihan! Oo, kay lapit niya lang sa akin pero napakahirap niya nang abutin! Ang laki na nga talaga ng ipinagbago niya! Kagaya ngayun, ni hindi ko man lang nakikita sa mga mata niya na nasasaktan siya na ikakasal na ako sa iba! Para bang normal na lang sa kanya ang lahat na siyang lalong nagpakulo sa dugo ko! "Stpehen...stephen!"
ANYANA POV Alas diyes daw ng umaga ang kasal nila Stpehen kaya alas otso pa lang nakapag-ayos na ako! Kailangan ko kasing ikondesyon ang sarili ko lalo na at hindi ko alam kung ano ang mararamdaman ko na makita ang lalaking iniibig ko na ikakasal na pala sa iba As usual, si Andrea nga ang maid of honor! Isa ako sa mga bridesmaids kasama si Amanda kaya kahit papano magaan ang loob ko na umattend sa kasal na ito! Kakatapos ko lang maglagay ng make-up nang marinig ko ang mahinang pagkatok ng pintuan ng aking silid! Dahil tapos naman na akong mag-ayos dali-dali akong naglakad patungo doon at hindi na ako nagulat pa nang bumungad sa harapan ko si Ate Divina "Senyorita..nasa ibaba po si Sir Stephen! Gusto daw po kayong makausap!" diretsahang bigkas niya! Hindi ko naman mapigilan ang magulat! Ano na naman kaya ang kailangan ni Stpehen? Himala yata...bakit ngayun lang siya nagpakita gayung halos isang buwan na noong iniwan niya ako sa isang hindi familiar na lugar at ni sorry wala m
ANYANA POV '"Doc Alvin! Ikaw nga...naku sorry hindi kaagad kita nakikilala!" nahihiya kong sagot sa kanya! "Ayos lang. Hindi naman required na maalala mo ako eh! So, kumusta....ang tagal ko ding walang naging balita sa iyo ah? Ano nga pala ng nangyari?" nakangiti niyang tanong sa akin! "Mahabang istorya eh!" nahihiya ko namang sagot sa kanya! Malaki pala ng utang na loob ko kay Doc Alvin dahil kung hindi sa kanya baka napahamak na ako! Walang hiyang Stephen na iyun! Hindi talaga mapagkakatiwalaan! Hindi talaga maganda na didikit-dikit ako sa kanya eh! Wala talagang magandang kahihinatnan kong patuloy akong magtitiwala sa kanya! "Okay....don't worrry, nasa maayos ka nang kalagayan! Kaunting pahinga lang at muli ding manumbalik ang lakas mo! By the way, alam na ng Daddy mo na nasa poder kita kaya wala kang dapat na ipag-aalala!" nakangiting sagot niya sa akin! Hindi ko naman mapigilan ang magulat "Alam ni Dad ang nangyari sa akin?" kinakabahan kong tanong "No! Sinabi ko la
ANYANA POV Halos tatlumpong minuto na akong naglalakad pero hindi pa rin ako nakakarating sa main road kung saan pwedeng makasakay ng taxi! Isang malayo at hindi pa tapos na subdivision ang pinagdalhan ni Stephen sa akin at parang gusto ko na tuloy siyang isumpa ngayun dahil sa ginawa niyang ito! Hindi ko alam kung ano ang tumakbo sa utak ni Stephen at kung bakit niya ako natiis na iwan! Pagod na ako at napansin ko pa ang pagdilim ng buong paligid! Nagbabadya na ang malakas na ulan kaya wala sa sariling napayakap ako sa sarili ko! Huminto ako sa paghakbang at nagpalinga-linga at hindi ko mapigilan ang makaramdam ng pagkadismya nang tuluyan na ngang pumatak ang malalaking butil ng ulan! '"Stephen, I hate you!:" galit kong sigaw! Hopeless, tumigil ako sa paghakbang at hinayaan ko ang sarili ko na mabasa ng tuluyan sa ulan! Hindi ko na din napigilan ang pagpatak ng luha sa aking mga mata! Bigla akong nakaramdam ng awa sa sarili ko dahil alam kong hindi ko ito deserve! Hindi ko n