SCARLETT POV "Mga anong oras ka makakauwi?" malambing na tanong ko kay Draku habang inaayos ko ang kanyang kurbata! Unang araw ng normal routine niya sa buhay! Kailangan niya nang magbalik opisina para asikasuhin ang mga negosyo! Ilang buwan din kasi siyang hindi pumapasok ng opisina dahil mas gusto nyang alagaan ang pagbubuntis ko at ngayung nakapanganak na ako, ito na din ang pagkakataon niya para personal na muling asikasuhin ang mga negosyo. "Before lunch nandito na ako! Kinausap ko na ang executive secretary ko at simula bukas, dito na nila dadalhin sa bahay ang mga papeles na kailngang kailangan ko nang pirmahan!" nakangiti niyang sagot sa akin! Nagtataka naman akong napatitig sa kanya. Parang alam ko na ang tumatakbo sa isipan niya ah? Parang may pinaplano na naman siya na hindi ko mawari! "Balak kong gamitin ang library ko para doon na lang mag-opisina! Hindi ko na feel na lumabas at parang hindi ko kayang mawalay kayo sa paningin ko ng mga anak natin kahit saglit
SCARLETT POV "A-ano ba ang sinasabi mo? Ba-bakit ka ba nagso-sorry sa akin?" mahina kong tanong sa kanya! Pigil ko ang sarili ko na maiyak dahil hindi ko talaga ito inaasahan! Akala ko talaga away na naman ang pakay niya sa akin kaya siya pumunta dito ngayun! Akala ko talaga gusto niya na namang ipaalala sa akin lahat ng mga pagkakamali na nagawa ko sa kanya kaya talagang sinadya niya akong puntahan dito sa bahay habang wala si Draku! "I admire you, Scarlett! Mabuti ka pa...never kang nagtanim ng sama ng loob sa lahat ng mga ginawa ni Daddy sa iyo! Napatawad mo pa rin siya at tinangap mo pa rin siya sa buhay mo!" muling bigkas ni Anyana kasabay ng pagpatak ng luha mula sa kanyang mga mata! Tulala naman akong napatitig sa kanya! Hindi ko din kasi talaga alam kung ano ang sasabihin ko! Sobrang naguguluhan ako sa sitwasyon ngayun! Feeling ko nga nananaginip ako eh! "Sobrang nahihirapan na ang ang kalooban ko! Hindi ko na kaya pang pilitin ang sarili ko na magalit pa sa iyo...s
SCARLETT POV '"GOD! Paanong nangyari ito sa atin? Bakit nagkaganito ang lahat? Naging magkaibigan pa nga tayo noong mga bata pa tayo pero bakit tayo humantong sa ganito, Scarlett?" umiiyak na tanong ni Anyana sa akin! Mula sa pagkakaupo, dahan-dahan akong tumayo at seryoso siyang hinarap! Parehong tigmak ng luha ang aming mga mata at hindi ko na napigilan pa ang sarili ko! Mahigpit ko siyang niyakap! "I'm sorry, Anyana! Nagkamali ako! Patawarin mo ako!" umiiyak kong bigkas! Lalong nag-uunahan ang paglanda ng luha sa aking mga mata! Sobrang sikip na din ng dibdib ko dahil sa matinding emotion na aking nararamdaman ngayun! "Naging masama ako sa iyo! Kinain ako ng sobrang galit at selos dahil sa mga nangyari! Naging matigas ang ulo ko at kinalimutan ko ang friendship natin noon!" muli kong bigkas1 "Scarlett! Bakit kailangan nating pagdaanan ito? Bakit kailangan nating pagdaanan ito? Alam mo bang sobrang na-miss ko kayo? Minsan, pinangarap ko na lang na sana hindi na tayo lumaki
SCARLETT POVNAGING maayos naman ang pag-uusap namin ni Anyana kasama ng Daddy niya sa paglipas ng oras! Pagkatapos kumain ng lunch, sabay pa naming pinuntahan sa nursery room ang triplets at kitang kita ko ang tuwa sa mga mata ni Anyana habang pinagmamasdan niya ang mga bata!"Grabe....hindi ako makapaniwala! Ang galing...ang ku-cute nila!'" narinig ko pa ngang sambit niya habang hindi maalis-alis ang ngiti sa labi!"Of course....maganda ang Mommy, pogi ang Daddy natural lang na magaganda din ang mga babies!" proud namang sagot ni Draku na siyang dahilan kaya hindi ko mapigilan ang mapangiti! Naramdaman ko pa nga ang pag-akbay niya sa akin kaya hindi ko na din mapigilan pa ang sarili ko! Kaagad na din akong sumiksik sa katawan niya!"Eh, di kailangan pala silang sundan kaagad Dad! Para mas dumami ang lahi natin!" nakangiting sagot naman ni Anyana"Sure...basta tumulong ka sa pag-aalaga sa mga kapatid mo!'" sagot naman ni Draku kaya hindi ko mapigilan ang mapakurot sa tagiliran niya!
SCARLETT POV "THANK YOU!" mahina kong bigkas kay Draku habang pareho na kaming nakahiga sa ibabaw ng kama! Nakaunan ako sa braso niya habang nakayapos naman ako sa kanya! "Para saan ang thank you na iyan?" malambing niyang tanong sa akin! "SA lahat-lahat!" nakangiti kong sagot! "Lahat-lahat? Gaya nang?" malambing na sagot niya! Naramdaman ko pa nga ang paghaplos niya sa pisngi ko sa kasabay ng paghalik niya sa noo ko! "Una, sa pagiging mabuting ama sa mga anak natin! Pangalawa, sa pag-aalaga sa akin at pangatlo dahil bati na kami ni Anyana!" nakangiti kong sagot sa kanya! "Iyan lang pala eh! Maliit na bagay! Alam mo naman na walang mas mahalaga sa akin kundi ikaw at ang mga bata diba? Promise, lahat gagawin ko para sa iyo at para sa mga anak natin! Walang mas mahalaga sa akin kundi ang kaligayahan niyo, Sweetheart!" malambing niyang sagot! God! Sobrang sarap sa pandinig ng sinabi niya! Feeling ko ako na yata ang pinaka-maswerteng babae sa balat ng lupa! Nakausap ko nga
SCARLETT POV "KAILAN? Aba Kuya, linawin mo baka ang soon na tinutukoy mo ay may rayuma ka na! Bilis-bilisan mo at medyo malakas ang kumpetensiya!" natatawang wika ni Luke sabay sulyap sa tahimik lang na si Gino na naninigarilyo sa hindi kalayuan sa amin! Sa kanilang anim na magkakapatid si Gino lang ang hindi nakikihalubilo! Hindi ko nga alam kung bakit kailangan niya pang umattend ng binyag gayung halata naman na wala siyang balak ma maki-join sa mga kapatid niya! Actually, kanina ko pa sana siya gustong makausap pero hindi ko alam kung paano magpaalam kay Draku! Knowing Draku alam kong wala siyang tiwala kay Gino kahit na magkadugo sila lalo na at alam niyang bago niya ako naangkin si Gino talaga ang boyfriend ko! "No! Hindi ko mapapayagan iyan! Alam niyo kung anong ugali meron ako and of course, ngayun pa lang, itatali ko na sa akin si Scarlett!" seryosong bigkas ni Draku sabay bitaw sa akin! Hindi ko na lang sana papansinin ang susunod niyang gagawin pero ganoon na lang an
SCARLETT POV "DON'T mind Gino! Ayaw na ayaw kong kinakausap mo siya!" seryosong sagot niya sa akin! Buong paglalambing na hinawakan ko naman siya sa kanyang kamay habang hindi ko inaalis ang pagkakatitig sa mga mata niya! "Why? Nagseselos ka ba? Draku, ikaw na ang mahal ko at hindi na mababago pa iyun kahit na kausapin ko si Gino ngayun! Don't worry, papayuhan ko lang siya as a friend or as a kapamilya and then tapos na!" nakangiti kong sagot sa kanya! "Bakit mo ito ginagawa? I mean, kung gusto mo, itatakwil ko si Gino! Hindi ko siya kikillaning kapatid kung may plano siyang guluhin ang pagsasama natin!" seryosong sagot niya! Hindi ko naman mapigilan ang matawa! "Ano ka ba? Alam mo, napaka-advance mong mag-isip." bigkas ko! "Hindi ko mapigilang mag-isip ng hindi maganda lalo na at alam kong hangang ngyun malaki pa rin ang pagkakagusto sa iyo ni Gino!" seryoso niyang sagot sa akin! "Pero wala na kong gusto sa kanya kaya wala na siyang choice kundi ang kalimutan ang kung an
SCARLETT POV MABILIS na lumipas ang mga buwan! SA sobrang abala sa paghahanda naming dalawa ni Draku sa nalalapit naming kasal feeling ko bigla na lang dumadaan at lumilipas ang mga araw! Mabuti na lang talaga at ready si Anyana na tulungan kami sa mga preparations. Kahit naman may mga wedding organizers kaming kinuha, hindi pa rin talaga biro ang oras na dapat kong ibuhos para masiguradong perfect ang lahat! "Imainge, may mas ikakaganda pa pala ang hitsura mo pagkatapos kang maayusan at maisuot iyang wedding gown mo?" nakangiting bigkas ni Anyana sa akin! Kasalukuyan akong nakatayo sa full body mirror at hindi ko din naman maiwasan na humanga sa sarili kong reflexion sa salamin! Bumagay sa akin ang wedding gown na suot ko na napapalamutian ng libo-libong swarovski crystals! Pinasadya pa talaga naming dalawa ni Draku ang susuutin kong wedding gown na ipagawa sa isang kilalang International designer! Well, ayos lang naman dahil sobrang willing gumastos ng bongga si Draku mat
ANYANA POV "I AM SORRY, Mr Atienza pero sa sitwasyon niya ngayun hindi namin maipapangako kung kaya niya bang mag-undergo ng another operation! May history na siya ng surgery noong bata pa siya dahil ipinanganak siyang may congenital heart disease." narinig kong bigkas nang kung sino! Ang alam ko si Daddy ang kausap niya kaya naman mas pinili kong matulug-tulugan! "Ano ang pwedeng gawin para madugtungan nang buhay niya? Willing akong gumastos ng kahit na magkano para maging maayos ulit ang puso niya, Doc!" narinig kong sambit ni Daddy! Hindi ko mapigilan ang mapakunot noo dahil sa narinig ko! "I am sorry, Mr. Atienza! Isa ito sa malaking side effect ng mga batang nagkaroon ng history ng congenital heart disease! Although, succesful ang surgery niya noon pero hindi ibig sabihin noon na kaya niya nang mabuhay hangang sa kanyang pagtanda! After so many years, dumadating talaga ang ganitong problema at hindi namin sigurado kung kakayanin pa ba ng pasyente ang mag-undergo ng another
ANYANA POV Ang kagustuhan ko pa rin ang nasunod kaya walang nagawa si Gino kundi pagbigyan ako! May kinausap lang siya na kung sino dito sa hospital pagkatapos noon pinayagan na akong makaalis sa kondisyon na kailangan kong makabalik para daw maobserbahan ako! Maraming test pa daw ang dapat gawin sa akin which is hindi ko na din pinagtoonan ng pansin! Hindi ko alam kung ano ang dahilan at kung bakit dalawang araw akong walang malay sa hospital pero dahil mas focus ang isipan ko sa mga nangyari kay Stephen, hindi na ako nagtanong pa kay Gino! Habang nasa biyahe kami, mas pinili ko na lang ang manahimik! Bago naman kami umalis ng hospital, nangako si Gino sa akin na didirecho daw kami sa kinaroroonan ni Stephen which is labis kong ipinagpasalamat! Hangang ngayun kasi pinilit kong kinukumbinsi ang sarili koo na hindi totoong wala na siya! Pero ang pangungumbinsi kong iyun sa sarili ko ay biglang naglaho lalo na nang mapansin ko na sa isang memorial chapel kami dumirecho! "Ano ang
ANYANA POV Hindi ko alam kung ilang oras akong nawalan ng malay pero sa muling pagmulat ng aking mga mata ibayong katahimikan ang kaagad na sumalubong sa akin! Sumalubong sa paningin ko ang puting kulay ng paligid at nang ibaling ko ang aking tingin hindi ko mapigilan ang magtaka dahil sa mga nakakabit ng kung ano sa katawan ko! May nakakabit din sa akin na oxygen which is nakakapagtaka! HIndi ko alam kung ano ang nangyari sa akin pero hindi ko mapigilan ang muling pagpatak ng luha mula sa aking mga mata nang maalala ko ang nangyari kay Stephen! Sa kabila ng mga masasakit na nangyari sa amin, hindi ko alam kung kaya ko bang tangapin ang lahat pero isa lang ang sigurado ako, sobrang sakit sa puso na makita siyang isa nang malamig na bangkay. Pero totoo ba talaga iyun? Hindi kaya isang panaginip lang? Sana panaginip lang ang lahat! Kahit na gaano pa siya kasama hindi pa rin naman magbabago ang katotohanan na siya pa rin ang tinitibok ng puso ko! Sa naisip kong iyun dahan-dah
ANYANA POV "Ano ang nangyari? Bakit ka namumutla?" seryosong tanong ni Doc Alvin nang maabutan niya ako dito sa labas ng restaurant! Kakatapos lang namin mag-usap ni Amanda at nag-aabang na lang ako ng taxi para masakyan ko patungo sa hospital kung saan daw dinala si Stephen! "Sorry, kailangan kong makaalis! Si Stephen...naaksidente!" diretsahan kong sagot kay Doc Alvin! Napansin kong saglit siyang natigilan bago tumango-tango! "Okay...sa kotse ko! Sasama ako ng hospital!" seryosong sagot niya sabay hawak niya sa akin at inakay niya ako patungo sa kanyang kotse! Naging sunod-sunuran naman ako kay Doc Alvin! Pagkasakay namin pareho sa sasakyan, kaagad siyang nagmaneho! Sinabi ko pa nga sa kanya kung saang hospital dinala si Stephen at pagkatapos noon, naging tahimik na ako buong biyahe! Ramdam ko ang takot ko sa puso ko pero umaasa ako na sana ayos lang si Stephen! Kahit naman sinaktan niya ako ng paulit-ulit, hindi ko naman pinangarap na mapahamak siya lalo na at alam kong w
ANYANA POV Dahil sa ginawa ni Stephen kanina sa simbahan, nagpasya na lang kaming dalawa ni Doc Alvin na kumain sa restaurant! Lagpas na sa oras ng pagkain ng tanghalian at nag-aalburuto na ang tiyan ko sa gutom! Wala na din akong balak na pumunta ng reception party dahil mukhang nababaliw na si Stephen! Para bang wala na siyang kahihiyan at hayagan niya nang ipinapakita sa lahat kung gaano na kasama ang ugali niya! Kahit ako, nagulat din talaga sa ginawa niya kanina! Harap-harapan ba naman kung mangumprunta! Ano ba ang pakialam niya kung may kausap akong lalaki? Naikasal na siya lahat-lahat ang hilig niya pa ring makialam sa buhay ng may buhay! "Ano ang gusto mong kainin?" nakangiting tanong sa akin ni Doc Alvin! HIndi ko naman mapigilan ang mapatitig sa kanya! Sa halos isang buwan na nakilala ko siya wala man lang akong nakitang kahit na isang kapintasan sa ugali niya! Kapag magkasama kaming dalawa talagang ipinaparamdam niya sa akin kung gaano ako ka-special na malayong mal
STEPHEN POV Kasalukuyan akong nakatayo dito sa harap ng altar habang hinihintay ko ang aking bride na si Agatha pero imbes na sa kanya ko itoon ang buo kong attention, hindi ko mapigilan ang mapako ang paningin ko kay Anyana na isa sa mga bridesmaid! Kakatapos lang nilang mag-martsa at hinihintay na lang na matapos na mag-martsa ang aking bride para maumpisahan na ang seremonya ng kasal! HIndi ko alam kung tama ba itong naging desisyon ko na ituloy ang kasal naming dalawa ni Agatha gayung alam ko sa sarili ko na si Anyana pa rin ang nagmamay-ari ng puso ko! Kaya lang, masakit isipin na sa kabila ng mga effort na ginawa ko, paulit-ulit niya akong tinatangihan! Oo, kay lapit niya lang sa akin pero napakahirap niya nang abutin! Ang laki na nga talaga ng ipinagbago niya! Kagaya ngayun, ni hindi ko man lang nakikita sa mga mata niya na nasasaktan siya na ikakasal na ako sa iba! Para bang normal na lang sa kanya ang lahat na siyang lalong nagpakulo sa dugo ko! "Stpehen...stephen!"
ANYANA POV Alas diyes daw ng umaga ang kasal nila Stpehen kaya alas otso pa lang nakapag-ayos na ako! Kailangan ko kasing ikondesyon ang sarili ko lalo na at hindi ko alam kung ano ang mararamdaman ko na makita ang lalaking iniibig ko na ikakasal na pala sa iba As usual, si Andrea nga ang maid of honor! Isa ako sa mga bridesmaids kasama si Amanda kaya kahit papano magaan ang loob ko na umattend sa kasal na ito! Kakatapos ko lang maglagay ng make-up nang marinig ko ang mahinang pagkatok ng pintuan ng aking silid! Dahil tapos naman na akong mag-ayos dali-dali akong naglakad patungo doon at hindi na ako nagulat pa nang bumungad sa harapan ko si Ate Divina "Senyorita..nasa ibaba po si Sir Stephen! Gusto daw po kayong makausap!" diretsahang bigkas niya! Hindi ko naman mapigilan ang magulat! Ano na naman kaya ang kailangan ni Stpehen? Himala yata...bakit ngayun lang siya nagpakita gayung halos isang buwan na noong iniwan niya ako sa isang hindi familiar na lugar at ni sorry wala m
ANYANA POV '"Doc Alvin! Ikaw nga...naku sorry hindi kaagad kita nakikilala!" nahihiya kong sagot sa kanya! "Ayos lang. Hindi naman required na maalala mo ako eh! So, kumusta....ang tagal ko ding walang naging balita sa iyo ah? Ano nga pala ng nangyari?" nakangiti niyang tanong sa akin! "Mahabang istorya eh!" nahihiya ko namang sagot sa kanya! Malaki pala ng utang na loob ko kay Doc Alvin dahil kung hindi sa kanya baka napahamak na ako! Walang hiyang Stephen na iyun! Hindi talaga mapagkakatiwalaan! Hindi talaga maganda na didikit-dikit ako sa kanya eh! Wala talagang magandang kahihinatnan kong patuloy akong magtitiwala sa kanya! "Okay....don't worrry, nasa maayos ka nang kalagayan! Kaunting pahinga lang at muli ding manumbalik ang lakas mo! By the way, alam na ng Daddy mo na nasa poder kita kaya wala kang dapat na ipag-aalala!" nakangiting sagot niya sa akin! Hindi ko naman mapigilan ang magulat "Alam ni Dad ang nangyari sa akin?" kinakabahan kong tanong "No! Sinabi ko la
ANYANA POV Halos tatlumpong minuto na akong naglalakad pero hindi pa rin ako nakakarating sa main road kung saan pwedeng makasakay ng taxi! Isang malayo at hindi pa tapos na subdivision ang pinagdalhan ni Stephen sa akin at parang gusto ko na tuloy siyang isumpa ngayun dahil sa ginawa niyang ito! Hindi ko alam kung ano ang tumakbo sa utak ni Stephen at kung bakit niya ako natiis na iwan! Pagod na ako at napansin ko pa ang pagdilim ng buong paligid! Nagbabadya na ang malakas na ulan kaya wala sa sariling napayakap ako sa sarili ko! Huminto ako sa paghakbang at nagpalinga-linga at hindi ko mapigilan ang makaramdam ng pagkadismya nang tuluyan na ngang pumatak ang malalaking butil ng ulan! '"Stephen, I hate you!:" galit kong sigaw! Hopeless, tumigil ako sa paghakbang at hinayaan ko ang sarili ko na mabasa ng tuluyan sa ulan! Hindi ko na din napigilan ang pagpatak ng luha sa aking mga mata! Bigla akong nakaramdam ng awa sa sarili ko dahil alam kong hindi ko ito deserve! Hindi ko n