BIANCA POV 'SABI ng Doctor mo, pwede ka na daw kumain ng mga light foods! Susubuan na lang kita!" nakangiting wika ko kay Daniel pagkatapos naming makausap ang Doctor niya. Nang sinabi ng Doctor na pwede na daw bigyang ng light foods si Daniel kaagad na din akong nagpabili ng makakain sa driver niya na nakaantabay lang sa labas ng hospital. Hindi ako nahihirapan na alagaan si Daniel lalo na at may mauutusan naman ako! "Ano iyan? Pagkain yata ng baby iyan eh!" reklamo niya naman sa akin. Hindi ko naman mapigilan ang matawa. "Wala kang choice kundi ang kainin ito! SA ngayun ito ang pinaka-the best mong kainin para lumakas ka kaagad! Bawal ka pa daw sa mga solid foods dahil baka mabigla ang tiyan mo!" nakangiti kong paliwanag sa kanya at inuumpisahan ko na isyang subuan. Nagiging cooperative naman siya at wala na akong narinig na kahit na anong reklamo mula sa kanya. Mabuti na din iyun...ayaw ko din na magdiskusyon pa kami dahil hindi niya gusto ang pagkain. Abala ako sa p
BIANCA POV SINIGURADO muna naming kalmado na si Anyana bago namin tinawagan si Mommy Sylvia para ipaalam na kasama namin si Anyana dito sa hospital Halata ang tuwa sa boses ni Mommy Sylvia nang malaman niya iyun kaya sinabi kong magpahinga na muna siya. Ako na muna ang bahala kay Anyana tutal maayos naman na ang kalagayan ni Daniel. Mabilis na lumipas ang mga araw. Sa wakas, pwede nang ilabas ng hospital si Daniel. Kung tuwa ang pag-uusapan wala na sigurong mas hihigit pa sa tuwang nararamdaman ng puso ko! Unti-unti na din kasing bumabalik sa dati ang kulay ni Daniel. Halos isang linggo din kami dito sa hospital at halos isang linggo din naming kasama si Anyana. Hinayaan na lang namin. Alam kong naghahap lang ang bata ng kasa-kasama at palaging nakakausap. Mukhang effective naman dahil sa ilang araw na kasama ko siya dito sa hospital, unti-unting bumabalik sa dati ang sigla niya. Nagiging masayahin na din siya at naririnig ko na ding tumawa. Lalo nga din siyang naging swee
BIANCA POV"PALIBHASA kasi epal, bida-bida at sipsip kaya tuwang tuwa si Lola sa iyo! Alam mo, mabuti pang umalis ka na lang eh. Hindi ka naman namin kapamilya para nandito ka!" ngayung araw ang ika-sixty years old na kaarawan ni Mommy Sylvia at dahil ayaw niya nang malaking celebration, nagpasya kaming magtipon-tipon nalang dito sa bahay niya.Kaya lang, mukhang hindi maayos ang gising ng anak kong si Scarlett dahil heto siya...inaaway na naman niya si Anyana. Hindi ko na alam kung ano ang gagawin sa batang ito. Pati yata anino ni Anyana kinamumuhian niya. Hindi talaga sila pwedeng magsama!"Bakit ka ba galit sa akin? Gusto ko lang naman na maging kaibigan ka Scarlett. Wala naman akong naalalang ginawang masama sa iyo para gawin mo ito sa akin." umiiyak na sagot ni Anyana . "Ikaw wala, pero ang Mommy Jeneva mo meron!' galit na singhal ni Scarlett kay Anyana na nagbigay sa akin ng matinding takot.Ayaw kong lumaki ang anak ko na may galit sa puso niya! Mukhang hindi niya pa rin nakal
BIANCA POV MASASABI ko na ako na yata ang pinaka-maswerteng babae sa balat ng lupa. Pagkatapos kong ipanganak ang bunso namin ni Daniel kaaagad na idinaos ang wedding namin. Naging maayos naman ang celebration. Double celebration ang naganap dahil itinaon namin iyun sa first birthday ng anak namin na si David Velasquez Buenaventura! Bunso na siya dahil si Daniel na din ang nagdecide na huwag nang sundan dahil sobrang nahirapan talaga ako noong ipinagbubuntis ko siya. After a year ng kasal naming dalawa ni Daniel, nagpakasal na din sila Amber at Arnold! Kasalukuyan akong umiinom ng tea dito sa garden habang pinagmamasdan ko ang limang taon na bunsong anak namin ni Daniel na abala sa kanyang mga toys nang marinig ko ang pagtunog ng aking cellphone . Dali dali kong sinagot iyun nang mapansin ko na si Daniel ang tumatawag. "Hello..Daniel, napatawag ka? Miss mo na kaagad ako?" malambing kong sagot sa kanya habang may matamis na ngiti na nakaguhit sa labi ko. "Kakaalis lang niy
BIANCA POV DAHIL talagang makulit si Amber at ayaw talagang papigil wala akong choice kundi ang daanan siya sa bahay nilang dalawa ni Arnold at samahan patungo sa bar kung saan ginaganap ang bachelor's party ni Kuya Cyrus!Hindi ko naman pwedeng pabayaan ang buntis kong best friend baka mapaanak ng wala sa oras sa kakaisip sa asawa niya! Hayyy naku...pati ako nadamay eh. Imbes na balak kong matulog ng maaga hindi na natuloy. Gusto ko pa naman sanang fresh ako mamaya pagdating ni Daniel. Dahil nabangit ni Kuya Cyrus kung saang bar ginaganap ang bachelorette party niya, hindi na ako na nahirapan pang hanapin iyun. Eksakto alas diyes ng gabi ang dating namin sa naturang bar at ayaw pa sana kaming papasukin ng bantay dahil siguro sa laki na ng tiyan ni Amber pero noong sinabi namin na nasa loob ang mga asa-asawa namin pumayag na din! Lalo na noong bangitin ko ang pangalan ni Daniel. Kilala si Daniel ng naturang bar dahil kaibigan niya ang may-ari nito. Ka business partner din sa i
BIANCA POV "Bianca, what is this? Anong ginagawa niyo dito?" natigil ako sa paghakbang nang marinig ko ang boses ni Kuya Cyrus! Naiinis ko siyang hinarap! "Ito ba iyung party na tinutukoy mo Kuya? Dapat pala hindi ko na pinayagan si Daniel na dumalo eh!:" naiinis kong sagot sa kanya. Natameme naman ito at halata sa mukha niya ang guilt habang hindi makatingin ng diretso sa akin. "Uuwi na ako at umayos ka Kuya ha? Kapag malaman ito ni Ate Maricar malalagot ka talaga!" gigil kong bigkas at itinuloy-tuloy ko na ang paghakbang palabas. Nasulayapan ko pa nga sila Amber at Arnold na galit din na nagtatalo! Sino ba naman ang hindi magagalit kung makita mo ang asawa mong may nakakandong na seksing babae? Kung kay Daniel katabi lang, mas matindi kay Arnold. Nakakandong talaga ang babae sa kanya na parang linta na nakalingkis. Duda talaga ako kung magkabati ba ang dalawang iyun sa loob ng isang linggo. Sa sobrang galit ba naman ni Amber, ewan ko na lang. Kay Daniel naman, ayos lang.
ANYANA POV WALA akong balak na lumabas ng room ko dahil alam kong nasa labas na naman sila Scarlett at Stephen! Linggo ngayun at kapag mga ganitong araw walang mintis ang ginagawa nilang pagdalaw kay Lola Sylvia na ngayun ay nakikipaglaban sa sakit na cancer. Ang bilis talaga lumipas ng mga taon! Naalala ko pa nga noong bata pa ako na buhay prinsesa ako sa piling ng dati kong kinikilalang ama na si Daniel Buenaventura. Ang nag-iisang anak ni Lola Sylvia. Hangang ngayun patuloy pa rin akong hinahabol ng nakaraan! Hangang ngayun nahihiya pa rin ako sa mga nangyari. Makasalanan ang aking Ina at hindi ko kilala ang aking ama. Tanging si Lola Sylvia lang ang nagiging kakampi ko sa pagdaan ng mga taon! Although alam ko naman na mahal ako nila Tita Bianca at Tito Daniel pero hindi pa rin mawawala sa puso ko ang guilt at hiya sa kanila. Hiya na ako ang nagshoulder dahil sa kagagawan ng taong mismong nagluwal sa akin sa mundong ito. Si Mommy Jeneva. Matagal na siyang patay pero hanga
ANYANA POV Mabilis na lumipas ang mga oras. Sa wakas natapos din ang buong maghapon! Nakaalis na ang mga bisita lalo na sila Scarlett! Hindi talaga ako mapalagay hangat nasa paligid lang siya! Sa tuwing tumitingin ako sa kanya nakikita ko ang galit sa kanyang mga mata. Kinabukasan, maaga pa lang nakagayak na ako para pumasok ng School. Simula noong tumuntong ako ng eighteen years old, hinayaan na ako ni Lola Sylvia na magkaroon ng sariling sasakyan kaya naman nakakapasok ako ng School na ako lang! Na hindi na kailangan ng driver Sa mga ganitong pagkakaon, kahit papaano nakakaramdam ako ng kalayaan. Kahit papano, may alam din akong gawin. Iyun ay ang ipagmaneho ang sarili papuntang School at kung day off naman ang driver namin at biglaang kailangan dahil sa hospital si Lola Sylvia...pwede na akong magdala patungo doon! In case of emergency maasahan na ako sa mga ganitong bagay. Lalo na at sa araw-araw na lumilipas, palala nang palala ang sitwasyon ni Lola Maayos naman akong
SCARLETT POV SIX YEARS LATER YES, ganoon kabilis ang paglipas ng taon! Anim na taon ang mabilis na lumipas pero parang kahapon lang nangyari ang lahat! Wala na sila Scarlett at Stephen at nandito pa rin ako ngayun! Nakatayo sa harap ng kanilang puntod at kakatapos lang mag-usal ng maiksing panalangin! Sariwa pa rin ang sugat sa puso pero kailangan tangapin ang katotohanan na wala na sila! Na kailangan nang mag-moved-on dahil iyun ang nararapat! Alam kong tahimik na din naman sila! Na masaya na sila kung nasaan man sila naroroon! Sayang nga lang dahil hindi naging masaya ang naging buhay nila noong nandito pa sila sa mundong ito pero sana, kung totoo man ang reincarnation, magiging masaya na sana sila sa susunod nilang buhay! Kahit kailan, mananatili sila sa puso ko! Hinding hindi ko sila makakalimutan! Wala sa sariling napatitig ako sa larawan ni Anyana! Napakaganda niya talaga! Buhay na buhay ang ngiti sa kaniyang labi! Sayang nga lang at hindi siya lumaban! Alam kong m
DRAKU MONTEVERDE ATIENZA RESIDENCE SCARLETT POV "YAYA, kumusta ang mga bata? Tulog na ba sila?" seryosong tanong ko sa isa sa mga yaya's ng mga anak naming dalawa ni Draku! Tanghali na at hindi ko alam kung bakit kanina pa ako hindi mapalagay. Hindi din maalis-alis sa isipan ko si Anyana! Sobra kasi talaga akong naaawa sa kalagayan niya ngayun! Alam kong masyado nitong dinamdam ang biglaang pagkamatay ni Stpehen pero hindi lang naman siya ang nagluluksa! Buong pamilya namin ay nagluksa din sa biglaang pagpanaw ng kakambal ko at hangang ngayun hindi pa rin matatangap ng mga magulang ko na wala na siya! IYun nga lang, dumagdag pa talaga sa dagok ang muling pagkakasakit ni Anyana! Sa hindi malamang dahilan, napag-alaman ng mga Doctor nito na lumulaki na naman pala ang puso ni Anyana which is hindi magandang senyales! Kaparehong kapareho ang kondisyon ng sakit niya noong bata pa siya! Wish ko lang na sana malagpasan niya lahat iyun! Hindi ko alam kung kaya pa bang tangapin nami
ANYANA POV DALAWANG linggo ang matulin na lumipas na wala akong ibang ginawa kundi ang magkulong sa loob ng aking kwarto kapag araw at sa gabi naman makikita ako sa garden na tahimik na nagmumuni-muni! Araw-araw din ako kung dalawin ni Daddy para masiguro ang kaayusan ng kalagayan ko! Minsan na din akong dinalaw ng mga Uncles ko sa bahay na ito at masasabi ko na masaya ako dahil ramdam ng puso ko kung gaano ako kahalaga sa kanila! Nakakalungkot isipin na alam ko sa sarili ko na hindi na ako magtatagal! Sa bawat araw na nagdaan, ramdam ko na lalo akong humihina! May mga pagkakataon pa nga minsan na nahihirapan na akong bumangon sa umaga at kaunting galaw lang naghahabol na din ako sa aking paghinga! Dinadalaw din ako ng Doctor ko pero wala na akong energy pa para magtanong kung ano na ba ang sitwasyon ko! Ramdam ko din naman na alam na nilang lahat na alam ko na din kung ano man ang sitwasyon ko ngayun pero kagaya noon, wala talagang ni isa sa kanila ang gustong mag-open up tun
ANYANA POV 'ARE you sure, ayos ka lang dito?" seryosong tanong sa akin ni Daddy! Ayaw niyang pumayag na lumabas ako ng hospital pero wala na din silang nagawa pa nang ako na mismo ang nagpumilit pa! Ayaw man nilang direktang sabihin sa akin ang kalagayan ko alam ko sa sarili ko na kaunting oras na lang ang natitira sa akin at ayaw kong sa hospital ako bawian ng buhay! Pasalamat na lang talaga ako dahil narinig ko ang pag-uusap nila ng Doctor ko dahil mukhang wala talagang balak si Daddy na sabihin sa akin ang tunay kong kalagayan! '"Okay, sasamahan ka nila Ate Divina at Manang Grasya sa bahay na ito! Kung bakit naman kasi gusto mo dito gayung mas palagay ang loob ko kung doon ka na lang muna sa bahay namin titira!:" seryosong sagot ni Daddy! Wala sa sariling inilibot ko ang tingin sa paligid! Nandito kami sa bahay kung saan ako lumaki at nagdalaga! Ang bahay na minsang tinirhan namin ni Stephen noong nagsasama pa kami! Ang bahay na ipinamana sa akin ni Lola Sylvia Buenaventura
ANYANA POV "I AM SORRY, Mr Atienza pero sa sitwasyon niya ngayun hindi namin maipapangako kung kaya niya bang mag-undergo ng another operation! May history na siya ng surgery noong bata pa siya dahil ipinanganak siyang may congenital heart disease." narinig kong bigkas nang kung sino! Ang alam ko si Daddy ang kausap niya kaya naman mas pinili kong matulug-tulugan! "Ano ang pwedeng gawin para madugtungan nang buhay niya? Willing akong gumastos ng kahit na magkano para maging maayos ulit ang puso niya, Doc!" narinig kong sambit ni Daddy! Hindi ko mapigilan ang mapakunot noo dahil sa narinig ko! "I am sorry, Mr. Atienza! Isa ito sa malaking side effect ng mga batang nagkaroon ng history ng congenital heart disease! Although, succesful ang surgery niya noon pero hindi ibig sabihin noon na kaya niya nang mabuhay hangang sa kanyang pagtanda! After so many years, dumadating talaga ang ganitong problema at hindi namin sigurado kung kakayanin pa ba ng pasyente ang mag-undergo ng another
ANYANA POV Ang kagustuhan ko pa rin ang nasunod kaya walang nagawa si Gino kundi pagbigyan ako! May kinausap lang siya na kung sino dito sa hospital pagkatapos noon pinayagan na akong makaalis sa kondisyon na kailangan kong makabalik para daw maobserbahan ako! Maraming test pa daw ang dapat gawin sa akin which is hindi ko na din pinagtoonan ng pansin! Hindi ko alam kung ano ang dahilan at kung bakit dalawang araw akong walang malay sa hospital pero dahil mas focus ang isipan ko sa mga nangyari kay Stephen, hindi na ako nagtanong pa kay Gino! Habang nasa biyahe kami, mas pinili ko na lang ang manahimik! Bago naman kami umalis ng hospital, nangako si Gino sa akin na didirecho daw kami sa kinaroroonan ni Stephen which is labis kong ipinagpasalamat! Hangang ngayun kasi pinilit kong kinukumbinsi ang sarili koo na hindi totoong wala na siya! Pero ang pangungumbinsi kong iyun sa sarili ko ay biglang naglaho lalo na nang mapansin ko na sa isang memorial chapel kami dumirecho! "Ano ang
ANYANA POV Hindi ko alam kung ilang oras akong nawalan ng malay pero sa muling pagmulat ng aking mga mata ibayong katahimikan ang kaagad na sumalubong sa akin! Sumalubong sa paningin ko ang puting kulay ng paligid at nang ibaling ko ang aking tingin hindi ko mapigilan ang magtaka dahil sa mga nakakabit ng kung ano sa katawan ko! May nakakabit din sa akin na oxygen which is nakakapagtaka! HIndi ko alam kung ano ang nangyari sa akin pero hindi ko mapigilan ang muling pagpatak ng luha mula sa aking mga mata nang maalala ko ang nangyari kay Stephen! Sa kabila ng mga masasakit na nangyari sa amin, hindi ko alam kung kaya ko bang tangapin ang lahat pero isa lang ang sigurado ako, sobrang sakit sa puso na makita siyang isa nang malamig na bangkay. Pero totoo ba talaga iyun? Hindi kaya isang panaginip lang? Sana panaginip lang ang lahat! Kahit na gaano pa siya kasama hindi pa rin naman magbabago ang katotohanan na siya pa rin ang tinitibok ng puso ko! Sa naisip kong iyun dahan-dah
ANYANA POV "Ano ang nangyari? Bakit ka namumutla?" seryosong tanong ni Doc Alvin nang maabutan niya ako dito sa labas ng restaurant! Kakatapos lang namin mag-usap ni Amanda at nag-aabang na lang ako ng taxi para masakyan ko patungo sa hospital kung saan daw dinala si Stephen! "Sorry, kailangan kong makaalis! Si Stephen...naaksidente!" diretsahan kong sagot kay Doc Alvin! Napansin kong saglit siyang natigilan bago tumango-tango! "Okay...sa kotse ko! Sasama ako ng hospital!" seryosong sagot niya sabay hawak niya sa akin at inakay niya ako patungo sa kanyang kotse! Naging sunod-sunuran naman ako kay Doc Alvin! Pagkasakay namin pareho sa sasakyan, kaagad siyang nagmaneho! Sinabi ko pa nga sa kanya kung saang hospital dinala si Stephen at pagkatapos noon, naging tahimik na ako buong biyahe! Ramdam ko ang takot ko sa puso ko pero umaasa ako na sana ayos lang si Stephen! Kahit naman sinaktan niya ako ng paulit-ulit, hindi ko naman pinangarap na mapahamak siya lalo na at alam kong w
ANYANA POV Dahil sa ginawa ni Stephen kanina sa simbahan, nagpasya na lang kaming dalawa ni Doc Alvin na kumain sa restaurant! Lagpas na sa oras ng pagkain ng tanghalian at nag-aalburuto na ang tiyan ko sa gutom! Wala na din akong balak na pumunta ng reception party dahil mukhang nababaliw na si Stephen! Para bang wala na siyang kahihiyan at hayagan niya nang ipinapakita sa lahat kung gaano na kasama ang ugali niya! Kahit ako, nagulat din talaga sa ginawa niya kanina! Harap-harapan ba naman kung mangumprunta! Ano ba ang pakialam niya kung may kausap akong lalaki? Naikasal na siya lahat-lahat ang hilig niya pa ring makialam sa buhay ng may buhay! "Ano ang gusto mong kainin?" nakangiting tanong sa akin ni Doc Alvin! HIndi ko naman mapigilan ang mapatitig sa kanya! Sa halos isang buwan na nakilala ko siya wala man lang akong nakitang kahit na isang kapintasan sa ugali niya! Kapag magkasama kaming dalawa talagang ipinaparamdam niya sa akin kung gaano ako ka-special na malayong mal