Pasupport po. Maraming salamat.
Celina“Kumusta ka?” tanong ng kaibigan kong si Xia nang sagutin ko ang tawag. Balak ko sanang tawagan siya kahapon, pero nakalimutan ko na dahil kay Jefferson. Dahil sa ginawa niya. I mean, namin pala.“Ayos lang ako. Pasensya ka na, hindi ako nakatawag kahapon. May inasikaso lang ako,” sagot ko.Si Xia ay kaibigan ko mula sa ampunan. Sanggang dikit kaming dalawa noon, at walang makapaghihiwalay sa amin. Hanggang sa may umampon na sa akin. At 'yun nga ay ang mag-asawang demonyo.“So, kailan matutuloy ang paglabas natin?” tanong niya. Simula nang kunin ako nina Daniel at Lalaine mula sa ampunan, hindi ko na siya nakita pa. Pero nang nasa kolehiyo na ako ay nagulat ako ng magkabanggan kami sa daan.Bakas ang pagtatampo sa kanyang mukha at ganon din ang kaligayahan sa muli naming pagkikita.Sinabi ko sa kanya ang lahat ng nangyari sa akin, maliban sa estado ko sa eskwelahan. Natatakot akong malaman ni Daniel na matalino ako tapos ay hindi na nila ako pakawalan pa.“Hindi ko pa alam. Mam
CelinaAng una ay noong lasing siya. Hindi ko siya pinigilan dahil asawa ko siya at wala naman akong nakikitang mali doon. Bukod pa roon, gusto ko rin siya. Ang amoy ng pabango niya noong gabing iyon, na humalo sa amoy ng alak, ay sobrang nakalalasing at gumising sa pagnanasa ko.Pagkatapos, ang pangalawa. Paano ko nga ba iyon makakalimutan kung nangyari iyon nang mabilis at walang pasabi?"Ano na naman ang iniisip mo?" tanong niya habang nakatingin sa akin. Bakit ba napapansin niya ang lahat tungkol sa akin?"Wala akong iniisip.""Eh bakit tahimik ka?""Ano namang mali kung tahimik ako? Bawal ba akong manahimik?""Ikaw si Celina, ang babaeng maingay at may nasasabay sa lahat ng bagay," sabi niya saka tumawa."Mag-drive ka na lang pwede ba!" asik ko, pero umiling lang siya at ngumiti.Dinala niya ako sa isang mall kung saan karamihan ng customers ay mayayaman."Huwag ka munang lumabas," sabi niya nang akmang bubuksan ko na ang pinto nang mai-park niya ang kotse. Lumabas siya sa driver
Jefferson's POV"Marry her, and you will have all my shares in the company," sabi ni Dad na nakakapagpainit ng ulo ko. Alam naman niya na may girlfriend na ako pero heto siya at gusto niyang magpakasal ako sa ibang babae?Simulat simula ay hindi siya nangialam sa buhay ko lalo na sa lovelife ko. Lagi niyang sinasabi na tiwala siya sa mga desisyon ko at hinding hindi pakikialaman ang personal kong buhay. Pero heto sya ngayon singing different tune.“At kung hindi ako pumayag?” Syempre ay kailangan kong itanong iyon kahit na may palagay na ako kung ano ang magiging consequences. Confident akong tanungin siya dahil I know na alam niya ang capabilities ko at hindi dahil sa ako ay anak niya. “I-o-offer ko ito kay Noris.” Kulang ang salitang shock para ilarawan ang nararamdaman ko. Hindi ko ma-imagine ang bastardong iyon na namumuno sa kumpanya namin, kumpanyang pinaghirapan ko rin. Ganun ba siya kadesperadong maikasal sa kahit na sino sa amin ang kung sino mang babaeng iyon? “Alam mong i
Celina's POV“Wala kang karapatang tumanggi, sa ayaw at sa gusto mo ay magpapakasal ka kay Jefferson Scott,” sabi ni Daniel. “Bigyan nyo ako ng magandang dahilan para pumayag ako sa kahibangan nyo.” sagot ko na may kasamang pagpipigil dahil nanggigil talaga ako sa kanya, actually, sa kanilang mag asawa. Adoptive father ko siya. Noong nasa ampunan ako ay gusto ko ng kahit na sinong maaaring kumuha sa akin doon.Nang dumating siya, kasama ang asawang si Lalaine para ampunin ako, pakiramdam ko ay ako na ang pinakamasayang tao sa mundo. Parang lahat ng kahilingan ko ay natupad, alam mo yon, parang iyon na ang katuparan ng lahat ng pangarap ko. Pero wala pa lang dapat ikasaya.Sila na yata ang pinaka worst na taong nakilala ko. Sa murang isipan ay inalila nila ako. Nagkaroon sila ng libreng katulong ng dahil sa akin. Ang mabuti na lang ay napwersa ko sila na patapusin ako ng pag-aaral sa kundisyon na gagawan ko sila ng pabor. At mukhang iyon ang gagamitin nila ngayon para mapasunod ako.“
Third PersonNagpunta si Celina sa Clandestine at pagpasok niya ng restaurant ay pinigilan siya ng waitress. “Excuse me, this part of the restaurant is off-limits,” sabi ng staff sa kanya na tinanguan lang ni Celina bago sinabing may reservation siya."Reservation under Mr. John Scott," Celina said, and the waitress glared at her na hindi niya nagustuhan kaya naman inikutan niya ito ng mga mata dahil pakiramdam niya ay parang minamaliit siya ng kaharap."If you are going to look down on me, you better look at yourself first. Remember what you are here for," she said. Ginabayan na siya ng waitress para papunta sa table kung nasaan ang kanyang kakatagpuin habang hindi naman makatingin na sa kanya ang staff dala ng hiya.Pagpasok niya sa private room ang nadatnan niya si Jefferson na simangot at mukhang madilim na ang mukha sa paghihintay sa kanya. Napangiti si Celina sa loob loob dahil nga nagawa niyang mapaghintay ang isang Jefferson Scott na ayaw sa mga late. Jefferson looked at her a
JeffersonNa-announce na ang kasal namin ni Celina at alam na rin ng buong kumpanya iyon dahil imbitado naman silang lahat. Gusto nilang malaman kung sino ang magiging Mrs. Scott at kung anong klase ng babae siya.Maganda ba? Matalino? Saang pamilya nanggaling? Inaasahan na nila na ang mapapangasawa ko ay ang pinakaeleganteng bride dahil ako ang groom. Ang kinikilalang most sought-after bachelor at isa sa pinakamayaman sa bansa.Dahil sa ang aking ama na isang strikto at kilalang metikuloso pagdating sa trabaho ang pumili sa kanya ay inaasahan na nila na mula ang aking mapapangasawa sa kilala at prominenteng pamilya. Pero kabaligtaran iyon ng katotohanan dahil mukhang wala sa bokabularyo ni Celina ang salitang prominente.Alam ng aking ama na hindi niya ako mapapayag sa kasalang ito kaya ginamit niya ang kumpanya kaya nawalan ako ng choice kung hindi ang makisama sa babaeng ito na napakataas ng tingin sa sarili.Nakakagalit isipin na parang isinantabi ng aking ama ang mga pinagpaguran
Third PersonNatapos ang kasal at naging satisfied naman ang lahat lalo na si John. Sa tingin niya, kunng umaarte lamang ang dalawang ikinasal ay hindi naging halata dahil sa tingin niya ay mukhang sincere ang dalawa. Busy ang matandang Scott sa reception dahil sa hindi mapukaw na mga pagbati mula sa mga guests pati na ang napakaraming bilang ng mga regalo. Kita ang kaligayahan sa lahat ng matapos ang pagdiriwang maliban kay Noris.Sa kanilang mansyon, nasa kanilang silid ang mga bagong kasal at naghahanda para sa kanilang pagpapahinga ng kumatok ang isa sa mga katulong. Sinundan ng tingin ni Celina si Jefferson na siyang nagbukas ng pintuan.“Sir, nasa labas po si Sir Noris. Lasing na lasing at binabasag ang lahat ng makita habang tinatawag po kayo,” sabi ng katulong. Tumingin si Jefferson sa asawa na naghihintay ng kanyang sasabihin.“I’ll be back, stay here,” sabi ni Jefferson na tinaguan lamang ng kanyang asawa. Naiwang nagtataka si Celina kung bakit tila gumagawa ng gulo si Noris
Jefferson *** Flashback *** "Let's break up," sabi ko pagkasakay na pagsakay ni Wendy ng sasakyan. Napamaang siya na tila hindi makapaniwala sa narinig, takang taka. “What? Babe, ano bang sinasabi mo? Hindi iyan magandang biro ha…” tugon niyang tila kinakabahan matapos na lubos na maunawaan ang sinabi ko. Hindi ko sigurado kung tama bang ganon ang reaksyon niya, hindi ba dapat ay malungkot siya kaysa mukhang kabado? “Sinasabi mo lang yan dahil hindi ako pumapayag sa mga gusto mo. Fine, let’s fuck here in your car. Alam kong matagal mo na itong hinihiling kaya sige, subukan natin. Basta huwag ka lang magbibiro ulit ng ganyan, ha?” dagdag pa niya kasunod ang tangkang pag-upo sa aking kandungan pero pinigilan ko siya. "I'm going to marry someone Dad had arranged for me," sabi ko. Hindi ko na rin naman iyon maitatago dahil lalabas at lalabas nga rin ang balita. "What? He knew we were dating, why would he do that?" Wendy asked, crying. “Ni minsan ay hindi niya ako kinausap para palayu
CelinaAng una ay noong lasing siya. Hindi ko siya pinigilan dahil asawa ko siya at wala naman akong nakikitang mali doon. Bukod pa roon, gusto ko rin siya. Ang amoy ng pabango niya noong gabing iyon, na humalo sa amoy ng alak, ay sobrang nakalalasing at gumising sa pagnanasa ko.Pagkatapos, ang pangalawa. Paano ko nga ba iyon makakalimutan kung nangyari iyon nang mabilis at walang pasabi?"Ano na naman ang iniisip mo?" tanong niya habang nakatingin sa akin. Bakit ba napapansin niya ang lahat tungkol sa akin?"Wala akong iniisip.""Eh bakit tahimik ka?""Ano namang mali kung tahimik ako? Bawal ba akong manahimik?""Ikaw si Celina, ang babaeng maingay at may nasasabay sa lahat ng bagay," sabi niya saka tumawa."Mag-drive ka na lang pwede ba!" asik ko, pero umiling lang siya at ngumiti.Dinala niya ako sa isang mall kung saan karamihan ng customers ay mayayaman."Huwag ka munang lumabas," sabi niya nang akmang bubuksan ko na ang pinto nang mai-park niya ang kotse. Lumabas siya sa driver
Celina“Kumusta ka?” tanong ng kaibigan kong si Xia nang sagutin ko ang tawag. Balak ko sanang tawagan siya kahapon, pero nakalimutan ko na dahil kay Jefferson. Dahil sa ginawa niya. I mean, namin pala.“Ayos lang ako. Pasensya ka na, hindi ako nakatawag kahapon. May inasikaso lang ako,” sagot ko.Si Xia ay kaibigan ko mula sa ampunan. Sanggang dikit kaming dalawa noon, at walang makapaghihiwalay sa amin. Hanggang sa may umampon na sa akin. At 'yun nga ay ang mag-asawang demonyo.“So, kailan matutuloy ang paglabas natin?” tanong niya. Simula nang kunin ako nina Daniel at Lalaine mula sa ampunan, hindi ko na siya nakita pa. Pero nang nasa kolehiyo na ako ay nagulat ako ng magkabanggan kami sa daan.Bakas ang pagtatampo sa kanyang mukha at ganon din ang kaligayahan sa muli naming pagkikita.Sinabi ko sa kanya ang lahat ng nangyari sa akin, maliban sa estado ko sa eskwelahan. Natatakot akong malaman ni Daniel na matalino ako tapos ay hindi na nila ako pakawalan pa.“Hindi ko pa alam. Mam
Jefferson’s POVSobrang adik na ako sa kanya. Simula ng maangkin ko siya. Pakiramdam ko ay hindi na ako mabubuhay na hindi siya mahahalikan. Siguro naman ay okay lang iyon lalo at gusto ko na mag-work ang aming marriage."Ayan, natutunan ko nang patahimikin ka," sabi ko ng matapos kaming maghalikan. "At gusto ko ang ganitong paraan, kung alam mo lang," bulong ko sa kanya na may halong kapilyuhan. Hindi siya nakakibo at doon ko napatunayan na apektado rin siyang kagaya ko. At magandang sign iyon para sa akin. Hinila ko siya papunta sa kama para maupo.“Tungkol sa gabing iyon,” simula ko. Kailangan kong sabihin sa kanya iyon para malaman niya na mali ang kanyang iniisip. “Pinuntahan ko nga ang ex ko, pero hindi sa bahay niya kung hindi sa hospital. Nasa study room ako ng tumawag ang isang nurse gamit ang telepono ni Wendy at sinabing naroon nga daw ang babae dahil sa overdose. Kailangan kong pumunta doon dahil nag-aalala rin ako.” M*****a yata talaga ang babaeng ito dahil inikutan lang n
Third PersonHindi gaanong nakatulog si Jefferson noong isang gabi dahil pinagmasdan lang niya ng maigi ang asawa na tila himbing na himbing. Hindi niya rin nagawang mag-focus sa ibang bagay tungkol sa kumpanya dahil nakatuon lang siya sa kagandahan ni Celina na inaamin naman niyang na-miss niya ng husto.Pero kahit gano’n, maaga pa rin siyang nagising. Sanay na ang katawan niya sa pagbangon nang maaga kahit pa gabing-gabi na siya natutulog. Hindi rin ito nagbago kahit noong nanirahan siya sa Miami, na labing tatlong oras ang agwat sa oras sa Pilipinas kung saan sila nakatira.Hinintay niyang magising si Celina, at habang ginagawa iyon ay dumiretso siya sa banyo para maligo. Pagkalabas niya, sakto namang nagising ang kanyang asawa at agad na napatingin sa direksyon ng banyo kung saan siya lumabas. Nanlaki ang mga mata nito at napasigaw."Bakit nandito ka at bakit ganyan ka kahubad?!" sigaw ni Celina.Hindi siya pinansin ni Jefferson at dumiretso sa walk-in closet. Noon lang napagtanto
Third PersonDinala ni Jefferson si Celina sa kanyang silid at nagdesisyong hindi na siya hahayaang makalusot sa kanyang pagtatanong. Gusto niyang manatili sila sa iisang kwarto at mamuhay tulad ng isang normal na mag-asawa. Pagod na siyang umiwas sa kanya gayong alam naman nilang wala na silang magagawapa dahil kasal na sila.Noong umalis si Jefferson, inisip at inasahan niyang baka mabuntis si Celina dahil sa nangyari sa kanila. But it didn't happen, na pinanghinayangan niya. Akala niya, iyon ang magiging dahilan para bumalik siya at manatili sa tabi nito.Minsan, sinasabi niya sa sarili na gusto lang niyang gawin ito dahil sa nalaman niya tungkol kay Wendy. Gusto niyang ituon ang atensyon kay Celina dahil niloko siya ng dati niyang kasintahan.Pero sa kabilang banda, ipinagtanggol niya ang sarili. Seryoso siyang ayusin ang lahat sa kanila. Kaya pinili niyang makipaghiwalay kay Wendy at tinanggihan ang alok nitong maging kabit niya. At mabuti na lang, ginawa niya iyon."Bakit mo ako
CelinaHinalikan niya ako sa harap nina Noris at Daddy John. Gusto ko sanang tumutol, pero nakita kong ngumiti ang matanda kaya hinayaan ko na lang. At teka, kumindat ba siya sa akin? Anong problema niya? Kanina lang narinig ko siyang pinag-uusapan ang divorce na parang wala akong pakialam. Ngayon naman, hinahalikan at kinikindatan ako. Ang nangyari kanina sa office ko, isang quickie? Anong laro ang ginagawa niya?Pagkababa ko ng kotse, dumiretso ako sa kwarto at agad nilock ang pinto, ang buong akala ko ay susunod siya. Pero hindi. Ang tanga ko para isipin na pagkatapos ng isang mabilisang round, magiging mas malapit kami gaya ng inakala ko noong unang beses.Masama ba ang umasa? Gusto ko lang naman ay magkaroon ng masaya at normal na buhay may pamilya. Hindi naman niya siguro ikamamatay kung talagang sikapin niya na magkasundo kami lalo at ayon na rin sa kanya noon ay ayaw niya ng divorce. Tapos maririnig ko siyang pinag-uusapan ang tungkol doon as soon as makabalik siya dito sa Pili
JeffersonSobrang naging mahirap para sa akin ang tatlong taon ko sa Miami. Kahit ayaw ko man, hindi ko pa rin mapigilang ma-miss si Celina. Pinagsisisihan ko na may nangyari sa amin noong gabing bago ako umalis, dahil pakiramdam ko, iyon ang dahilan kung bakit hindi ko siya matanggal sa isip ko.Kahit masaya ako na binigyan niya ako ng pagkakataong makasama siya, hindi ko pa rin maintindihan kung bakit siya umalis sa kwarto ko kinagabihan at iniwan ako. Inaasahan kong magiging totoo ang kasal namin sa lahat ng aspeto, pero sa ginawa niya, naisip kong baka hindi pa iyon ang tamang panahon.Nanatili ako sa Miami at ginawa ang lahat para mapalago ang negosyo bago ako bumalik. Araw-araw, gusto kong lumipad pabalik ng Pilipinas, pero pinigilan ko ang sarili ko. Kailangan kong bigyan siya ng pagkakataong maging independent. Nalalaman ko ang lahat ng tungkol sa kanya kay Daria. Paminsan-minsan, tinatanong ko ang aking assistant kung ano ang ginagawa niya o kung nahihirapan ba siya.Kontento
Celina"Pagod ka ba?" tanong ng tinig ng lalaking hindi ko nakalimutan kahit tatlong taon na ang lumipas. Dahan-dahan kong iminulat ang aking mga mata at nakita siyang nakasandal sa hamba ng pinto ng opisina ko.Gusto kong tumakbo papunta sa kanya, pero naalala kong iniwan niya ako kinabukasan matapos naming gawing ganap ang aming kasal. Kaya, sa halip, ipinikit ko muli ang aking mga mata at sinubukang pakalmahin ang tensyong bumibigat sa aking ulo. Pagdilat ko, tiningnan ko siya."Bumalik ka na pala," sabi ko nang walang emosyon. I didn't want to sound bitter kahit iyon talaga ang nararamdaman ko noong sandaling iyon. Pumasok siya at umupo sa upuang nasa harapan ko."May problema ka sa report noong nakaraang buwan," sabi niya, hindi nagtatanong. Sigurado akong sinabi na ni Daria sa kanya ang nangyari kaya hindi ko na inabalang ipaliwanag pa."Kakauwi mo lang?" tanong ko na lang sa kanya."Oo," sagot niya."Ganoon ka ba ka-apura na pagdating mo pa lang, trabaho agad ang nasa isip mo?"
Third PersonNagising si Celina at natagpuan ang sarili niya sa tabi ni Jefferson, na mahimbing pa ring natutulog. Hindi siya makapaniwala sa nangyari sa kanila. Dahan-dahan siyang bumangon mula sa kama dahil mahigpit pa siyang yakap ng kanyang asawa. Ayaw niya itong magising dala ng hiya sa nangyari sa kanila ng nagdaang gabi.‘Ilang beses ba naming ginawa iyon para sumakit at manghina ang katawan ko?’ tanong niya sa sarili habang palabas ng kwarto ni Jefferson at dali-daling bumalik sa sariling silid.Dahil sa sakit ng katawan ay hindi pa niya kayang maglinis ng katawan, kaya minabuti niyang bumalik na lang muna sa pagtulog. Ngunit habang nakahiga, iniisip niya kung ano ang sasabihin kay Jefferson kapag nagkaharap sila mamaya lamang.Ang paghaharap nila ay nagbigay sa kanya ng kaba at alinlangan kasama na ang tanong saa kanyang isipan. Iiwan pa rin ba siya nito kahit na may nangyari na sa kanila? Dahil sa matinding pagod, hindi niya namalayang nakatulog na siya, umaasang sa pagmulat