Pasupport po, pa vote. Salamat.
Jefferson’s POVSobrang adik na ako sa kanya. Simula ng maangkin ko siya. Pakiramdam ko ay hindi na ako mabubuhay na hindi siya mahahalikan. Siguro naman ay okay lang iyon lalo at gusto ko na mag-work ang aming marriage."Ayan, natutunan ko nang patahimikin ka," sabi ko ng matapos kaming maghalikan. "At gusto ko ang ganitong paraan, kung alam mo lang," bulong ko sa kanya na may halong kapilyuhan. Hindi siya nakakibo at doon ko napatunayan na apektado rin siyang kagaya ko. At magandang sign iyon para sa akin. Hinila ko siya papunta sa kama para maupo.“Tungkol sa gabing iyon,” simula ko. Kailangan kong sabihin sa kanya iyon para malaman niya na mali ang kanyang iniisip. “Pinuntahan ko nga ang ex ko, pero hindi sa bahay niya kung hindi sa hospital. Nasa study room ako ng tumawag ang isang nurse gamit ang telepono ni Wendy at sinabing naroon nga daw ang babae dahil sa overdose. Kailangan kong pumunta doon dahil nag-aalala rin ako.” M*****a yata talaga ang babaeng ito dahil inikutan lang n
Celina“Kumusta ka?” tanong ng kaibigan kong si Xia nang sagutin ko ang tawag. Balak ko sanang tawagan siya kahapon, pero nakalimutan ko na dahil kay Jefferson. Dahil sa ginawa niya. I mean, namin pala.“Ayos lang ako. Pasensya ka na, hindi ako nakatawag kahapon. May inasikaso lang ako,” sagot ko.Si Xia ay kaibigan ko mula sa ampunan. Sanggang dikit kaming dalawa noon, at walang makapaghihiwalay sa amin. Hanggang sa may umampon na sa akin. At 'yun nga ay ang mag-asawang demonyo.“So, kailan matutuloy ang paglabas natin?” tanong niya. Simula nang kunin ako nina Daniel at Lalaine mula sa ampunan, hindi ko na siya nakita pa. Pero nang nasa kolehiyo na ako ay nagulat ako ng magkabanggan kami sa daan.Bakas ang pagtatampo sa kanyang mukha at ganon din ang kaligayahan sa muli naming pagkikita.Sinabi ko sa kanya ang lahat ng nangyari sa akin, maliban sa estado ko sa eskwelahan. Natatakot akong malaman ni Daniel na matalino ako tapos ay hindi na nila ako pakawalan pa.“Hindi ko pa alam. Mama
CelinaAng una ay noong lasing siya. Hindi ko siya pinigilan dahil asawa ko siya at wala naman akong nakikitang mali doon. Bukod pa roon, gusto ko rin siya. Ang amoy ng pabango niya noong gabing iyon, na humalo sa amoy ng alak, ay sobrang nakalalasing at gumising sa pagnanasa ko.Pagkatapos, ang pangalawa. Paano ko nga ba iyon makakalimutan kung nangyari iyon nang mabilis at walang pasabi?"Ano na naman ang iniisip mo?" tanong niya habang nakatingin sa akin. Bakit ba napapansin niya ang lahat tungkol sa akin?"Wala akong iniisip.""Eh bakit tahimik ka?""Ano namang mali kung tahimik ako? Bawal ba akong manahimik?""Ikaw si Celina, ang babaeng maingay at may nasasabay sa lahat ng bagay," sabi niya saka tumawa."Mag-drive ka na lang pwede ba!" asik ko, pero umiling lang siya at ngumiti.Dinala niya ako sa isang mall kung saan karamihan ng customers ay mayayaman."Huwag ka munang lumabas," sabi niya nang akmang bubuksan ko na ang pinto nang mai-park niya ang kotse. Lumabas siya sa driver’
Third PersonWala ng sinabi pa si Celina tungkol sa sinabi ng kanyang asawa pero meron munting kislap ng pag-asa na maaaring maging maayos ang pagsasama nila in the future. Inimbitahan sila ni Noli na kumain since tanghalian na rin naman.“Pinapaalala ko lang, libre mo ‘to,” sabi ni Jefferson na ikinatawa ng kanyang kaibigan ng magsimula na silang kumain.“Kailan ka pa naging ganito ka kuripot? Normally ay ikaw pa ang mag-i-initiate na magbayad,” komento ni Noli.“Nang makasal ako sa kanya,” tugon ni Jefferson sabay ngisi dahil sigurado na siya na magre-react ang si Celina sa pagkakaturo niya dito. At hindi nga siya nagkamali.“At kailan naman kita tinuruan na maging kuripot, aber?” tanong ni Celina na may kasama pang masamang tingin.“Nang umalis ako at gumastos ka lang ng hindi lalaglas sa 25000 a month. Sigurado ako na iniisip mo na kukwentahin ko ang lahat ng ginagastos mo habang wala ako, kaya naisip ko na talagang kuripot ako,” tugon ni Jefferson na nakataas pa ang isang kilay ha
Samantala, gusto ni Jefferson ang tinitignan niya kaninang set ng kwintas at hikaw at inisip na babalikan niya iyon para bilhin at ibigay sa asawa.Naglibot pa sila, pumasok at lumabas sa iba’t-ibang store na wala namang binili na kahit na ano. Napaisip si Jefferson kung bakit ba nila ginagawa iyon ng wala naman pala planong bumili si Celina.“Kung meron kang magustuhan ay sabihin mo sa akin. Kanina pa tayo naglalabas masok sa iba’t-ibang store pero wala naman tayong binibili,” hindi na napigilang sabihin ni Jefferson.“Hindi ko naman sinabi na bibili tayo or may hinahanap ako,” simpleng tugon ni Celina habang patuloy ang paglilibot ng kanyang mga mata.“Kung ganon ay bakit natin ginagawa ito? Napapagod lang tayo sa paglalakad,” nalilitong tanong ni Jefferson.“Ito ang normal na ginagawa ng mga couple, ang mag window shopping. Kung may magustuhan ay bibili kung kayang bilhin,” sagot ni Celina.“Pinagsasawa lang natin ang mga mata natin sa mga bagay na magaganda at wala ka namang intens
JeffersonIto ang unang date namin at sobrang excited ako. Kung hindi lang nakialam ang kaibigan niya, mas naging maayos sana ang lahat. Sinabi na ni Celina na may date kami kaya dapat, kahit na anong offer ng asawa ko sa kanya na sumabay sa amin sa pagkain ay hindi niya tinanggap. Dapat ay nakatunog na siya na magiging third wheel lang siya at hindi maganda iyon lalo at kakarating ko lang galing sa ibang bansa after three long years.May something sa Xia na yon na hindi ko gusto kaya talagang sisikapin kong malaman ang ilang bagay tungkol sa kanya.Kasalukuyan na kaming nasa aming silid at naghahanda ng matulog si Celina ng maisipan kong kausapin siya tungkol kay Xia."Paano mo nakilala ang kaibigan mong ’yon?" tanong ko. Napatingin siya sa akin na kunot-noo."Hindi ako interesado sa kanya, kaya tigilan mo na ang kakaibang imahinasyon mo. Maganda ka, at wala siyang pwet na nakapaglalaway gaya ng meron ka, na kinaadikan ko," diretsong sabi ko, para lang ipaalam sa kanya na kung iniisi
"Alam mong may pasok ka pa," sabi niya sa boses na parang nang-aakit. Kakagising lang niya kasi at malamang ay iyon ang tinatawag nilang bedroom voice.Napabuntong-hininga ako dahil sa panghihinayang kaya kinailangan ko na siyang pakawalan. Pero bago yon ay pinisil ko ang kanyang matambok na pwet na talagang pinaglalawayan ko ng husto."Jefferson!" gulat niyang sigaw."Gutom ako, kaya bilisan mo na at ayusin ang sarili mo bago ako mawalan ng kontrol at ikaw na lang ang gawin kong almusal," sagot ko habang marahang itinulak siya papunta sa banyo. Nagsisimula nang mawala ang kontrol ko sa aking sarili, at kung makikita ko pa siyang hubo't hubad nang mas matagal, baka hindi ko na mapigilan.Mabilis siyang naligo, pagkatapos ay sabay kaming nag-agahan. Tinanong ko siya kung lalabas ba siya, pero ang sabi niya ay hindi kaya wala akong dapat ipag-alala habang nasa opisina ako. Umalis ako ng mansion at agad akong sinalubong ng aking mga sekretarya at assistant."Welcome back, Sir," bati ni Da
CelinaSi Xia ay naging kaibigan ko mula nang dumating ako sa ampunan. Oo, binu-bully siya ng ibang bata noong una ko siyang makita, at naawa ako sa kanya kaya tinulungan ko siya at lumaban sa mga batang nang-aapi sa kanya.Hindi ako nagpapaapi at kapag may nanakit sa akin, sinisigurado kong makakaganti ako, dobleng sakit, dobleng pagdurusa. Yon ang inaabot nila sa akin.Simula nang sagipin ko si Xia mula sa mga bully, hindi na siya lumayo sa tabi ko. Tinawag namin ang isa't-isa na “partners” at sabay kaming napaparusahan at napapatawag sa opisina ng namumuno sa ampunan.Noong una, palagi siyang umiiyak, pero noong sinabi kong nandito lang ako para sa kanya, saka lang siya tumigil. Lagi ko siyang niyayakap tuwing natatakot siya. Para sa akin noon, kami ang lakas ng isa't isa.Inampon ako nina Daniel at Lalaine, at nangako ako kay Xia na madalas ko siyang dadalawin, dahil akala ko mahal at gusto talaga ako ng mga umampon sa akin. Pero dahil kabaligtaran ang nangyari, hindi ko siya nadal
JeffersonEnjoy na enjoy si Celina sa trabaho niya sa Arts and Crafts, at natutuwa ako na gusto niya doon. Akala ko kasi hindi niya magugustuhan, lalo na’t nag-away kami kamakailan lang.Pero mukhang dahil lang ‘yon sa nalaman niya na may kasama akong ibang babae sa araw mismo ng aming annniversary kung saan nag-effort pa siyang maghanda.Kung hindi lang dahil doon, tingin ko tatanggapin niya 'yung trabaho kasi related naman sa designing. Kinuwento niya sa’kin kung ano ang nangyari noong unang araw niya at inamin ko, nagselos ako. Dalawang araw akong nagdamdam kasi hindi niya sinabi sa lahat na asawa niya ako.Yung request niya na isama si Mr. Sunji sa project, medyo naguluhan ako noong una. Pero nung ipinaliwanag niya, doon ko lang talaga na-gets. Ayaw niyang may mag-isip na kaya siya napasama sa project ay dahil sa koneksyon niya sa’kin. Kaya pala niya muling inimbitahan si Mr. Sunji dahil gusto niyang patunayan na kaya niya ‘yon sa sariling sikap.Iniisip ko tuloy kung anong nangya
Celina“Hi, Celina.” Bati sa’kin ni Noris nang makita namin siya sa sala at mukhang hinihintay niya talaga kami. Nakatayo pa siya ro’n sa dulo ng hagdanan habang pababa kami.“Hey,” sagot ko naman habang sinulyapan ang asawa kong halatang wala sa mood. “Good morning,” dagdag ko pa. “Kumain ka na ba? Sumabay ka na rin sa ‘min,” aya ko habang nakatitig siya sa’kin na para bang gusto akong tunawin sa titig. Gusto kong matawa, pero nagpigil ako.“Sure,” sagot ni Noris sabay lakad papunta sa dining area. Nandito na rin lang siya, at hindi ko naman siya pwedeng paalisin, ‘di ba? Kakain lang kami, ‘yun lang ‘yon.“Anong ginagawa mo rito?” tanong agad ni Jefferson habang naupo kami. Inilagay niya ang itlog at bacon sa plato ko, gaya ng palagi niyang ginagawa. Dapat nga ako ang gumagawa no’n para sa kanya, pero gusto niya kasi na siya ang nag-aasikaso sa’kin sa ganitong paraan.“Wala lang,” sagot ni Noris, at napaangat ang kilay ko. Tumingin ako sa kanya, tapos kay Jefferson. Umubo ako nang ma
CelinaNakakatawa talaga kung gaano karaming babae ang gustong agawin ang asawa ko. Aminin natin, pogi na, mayaman pa. Lahat ng hanap mo sa lalaking papakasalan, nasa kanya na.Pero nakakainis lang kasi parang sobra ang pagkagusto nila, tipong handa silang agawin siya sa akin. Excuse me? Never mangyayari ‘yon. Simula nang sabihin niyang mahal niya ako at sinabi ko ring mahal ko siya ay mas naging possessive pa ako sa kanya.Obvious na may gusto sa kanya ang sekretarya niya. Kaya dapat lang iparamdam ko sa kanya kung sino ang tunay na nagma-may-ari kay jefferson.Nag-away nga kami dahil sa kanya. Oo na, nagseselos ako. Kung hindi lang niya sinabi na kaya niya pinilit na magka-share sa architectural firm nna 'yon ay dahil sa akin, siguro hindi ko siya basta-basta mapapatawad. Sino ba naman ang hindi mata-touch, ‘di ba? Lahat ginagawa niya para sa akin. Gusto niya na maabot ko ang best version ng sarili ko.At isa pa, ang bawat haplos niya, grabe. Nakaka-addict. Wala pang lalaking nakapa
Pagkatapos ay dumiretso si Celina sa kanilang kwarto para mag-ayos at siguraduhing maganda siya. Wala siyang pakialam kung mainis man si Jefferson sa presensya niya mamaya basta makita lang niya ang sekretarya nito.Alas-onse na, at sigurado siyang aabot siya sa kompanya sa tamang oras, kaya hindi na niya inabala pang ipaalam kay Jefferson ang pagbisita niya. Para sa kanya, wala rin namang saysay iyon.Pagpasok niya sa kompanya, agad siyang binati ng lahat, at gumanti naman siya ng ngiti bago sumakay sa elevator. Sakto pa lang niyang pipindutin ang close button nang marinig niyang may humabol. Paglingon niya, si Daria pala."Ma'am Celina! I'm so glad to see you!" masiglang bati nito."Same here," sagot niya, saka napatingin sa hawak nitong takeout."Ah, para kay Sir Jefferson 'to," paliwanag ni Daria bago pa siya makapagtanong, sabay ipinakita ang lunch box. "Mukhang mamahaling lunch na naman ang kakainin ko ngayon!" dagdag nito, tuwang-tuwa, kaya napatawa na lang si Celina."Sure ka
Third PersonSobra ang naging pasasalamat ni Jefferson nang patawarin siya ni Celina. Talagang kinabahan siya na baka tumagal ang kanilang away dahil ito ang unang beses na nagkaroon sila ng hindi pagkakaunawaan.Nang maisip niyang nagseselos na ang asawa niya, isinumpa niya sa sarili na hinding-hindi na siya gagawa ng kahit ano na makakapagparamdam kay Celina ng insecurity. Kahit hindi niya makita ang dahilan para magselos ito dahil para sa kanya, si Celina na ang perpektong babae.Kinabukasan, pagdating niya sa opisina, agad niyang hinanap ang cellphone niya. Naguguluhan siya kung saan niya naiwan iyon, dahil alam niyang hindi siya umaalis nang wala ito."Sir," bati ng sekretarya niyang si Bree pagkapasok niya sa opisina. Tumango lang siya rito habang patuloy na kinakalkal ang mga drawer, umaasang aksidente niya lang itong nailagay doon."Yung cellphone n’yo, Sir," sabi ni Bree, kaya agad siyang napatingin dito. "Naiwan n’yo sa mesa ko nung isang araw at kahapon ng umaga ko lang nak
JeffersonNanlaki ang mga mata ko. Hindi ko inaasahan na ganito lang siya kasimple. Sobra ba akong nag-isip? Hindi, nakita ko ‘yon sa mga mata niya, masaya siya tuwing gumagawa siya ng mga disenyo. Ang layout ng country club ay sobrang ganda. Nang mahimasmasan ako, sinundan ko siya. Una akong bumalik sa kwarto namin, pero nang hindi ko siya makita, bumaba ako sa dining hall. Buti na lang at naroon na siya, kumakain ng almusal. Pagkaupo ko, inilapag ni Susane ang isang plato sa harapan ko. Tahimik akong naghintay, sinubukang hanapan ng tiyempo ang sarili ko para makipag-usap sa kanya. “Huwag mo nang subukan. Ayoko makipag-usap. Gusto ko lang ng katahimikan,” diretsong sabi niya bago pa man ako makapagsalita. Napabuntong-hininga na lang ako at nagdesisyong hayaang lumipas muna ang inis niya. Sana pagbalik ko galing trabaho, sasalubungin na niya ako ng isang mainit at possessive na halik. Habang kumakain, narealize kong ito rin pala ‘yung mga pagkaing nakita kong tinatago nina Susane
Jefferson Kinaumagahan, nagising ako at agad na tumingin sa tabi ko sa kama pero wala si Celina. Napalinga ako sa paligid at tinawag siya, pero walang sagot. Kinabahan ako at dali-daling lumabas ng kwarto, nag-aalalang baka iniwan niya ako. Hinanap ko si Susane. "Nakita mo ba si Celina?" tanong ko. "Nasa study room," sagot niya. Agad akong nagmamadaling pumunta roon. Nakalock ang pinto, at hindi siya sumasagot kahit anong katok ko. Kinuha ko ang spare key at binuksan ito. Napatingin ako sa usual niyang pwesto sa office table at chair ko pero wala siya. Nandoon lang ang drawing tablet niya. Napansin ko na bukas ang pinto ng verandah kaya lumabas ako, at doon ko siya nakita. Doon lang ako nakahinga nang maluwag. Paglingon niya sa akin, sinamaan niya ako ng tingin bago muling bumalik sa pagpinta sa harap niya. Mukhang galit pa rin siya. "Maaga pa, kumain ka na ba?" tanong ko. Sinubukan kong gawing casual ang tono ko, pero pakiramdam ko hindi ako naging convincing. Kinakabahan ako na
Jefferson"Celina, please naman, ayusin na natin 'to. Ayokong matulog na galit ka sa’kin. Please, ‘wag mo namang palakihin ‘to," sabi ko, pilit na pinapalambot ang boses ko, pero hindi niya ako pinansin. Sa halip, bigla siyang tumayo mula sa kama, at matalim akong tinitigan, parang punyal na tumatarak sa dibdib ko ang tingin niya. "Akala mo pinalalaki ko lang ‘to?" Ang tinig niya’y puno ng hinanakit na ayaw ko sanang maramdaman niya para sa akin. "Hindi ‘yon ang ibig kong sabihin," mabilis kong sagothabang pilit ko siyang inaabot upang mayakap ngunit mabilis din siyang umiwas. "Gusto ko lang pag-usapan natin ‘to. Masama ba ‘yon?" Tumawa siya, mapait at walang bahid ng saya. "Sige, ano? Ano’ng gusto mong sabihin?" Napalunok ako. "Gusto kong humingi ng tawad." Hindi niya ako sinagot agad. Tila sinusukat niya ang katapatan ko,halata naman din sa itsura niya na talagang nasasaktan siya. "At sa tingin mo, dahil lang sa isang sorry, magiging okay na lahat? Matutulog tayo nang parang wa
Jefferson Ang trip namin sa Miami ay naging sobrang laking tulong sa relasyon namin ni Celina. Para kaming nagkaroon ng bagong simula. Mas bukas, mas totoo. Pagbalik namin, mas naging malapit kami sa isa’t isa. Mas mainit, mas matindi. Minsan, siya pa mismo ang nag-iinitiate, at gustong-gusto ko ‘yun. Wala nang awkwardness o pag-aalinlangan sa pagitan namin. Kapag magkasama kami, para kaming dalawang taong walang ibang mundo kundi ang isa’t isa. Kaya niyang makasabay sa akin at alam kong hindi lang ito tungkol sa pisikal na aspeto. Mas malaya na siyang magsalita, mas naipapahayag na niya ang nararamdaman niya, at gano’n din ako sa kanya. Hindi na namin kailangang magtago ng kahit ano. Habang lumilipas ang mga araw, nagiging mas wild at creative ang mga lambingan namin, at mas lalo lang akong nae-excite sa kanya. Hindi ko akalaing mararamdaman ko ulit ito. Ang ganitong klase ng pagmamahal na may halong kasabikan, respeto, at matinding pagnanasa. Hinahayaan niya akong gawin ang gust