"THANK YOU, JANELLA," pormal na pasasalamat ni Mia sa sekretarya, pagkatapus dalhan siya nito ng kape. Ito ang nagugustuhan niya sa bagong sekretarya. Kahit hindi na niya ito inuutusan ay kusa na itong kumilos. Mabilis lang nitong makuha ang mga bagay na ninanais niyang ipagawa rito. At ang ikinatuwa niya ay araw- araw din siyang nagkakape na may laging pares. Paborito niya kasi ang croissant ewan niya lang pero mas gusto niya na marong pares ang kape niya. Siguro ay lahing pinoy na pinoy ang panlasa niya. Napapangiti siya nang gaya ng nakaraang araw ay hindi talaga nawawala ang croissant na laging kasama sa kape niya. Kasulukuyan siyang uminom ng kanyang kape nang biglang may tumawag sa phone niya. Nagtaka naman kung sino ito eh kung si Matthew ay kakatawag lang naman nito. Baka tumawag lang ito uli at di kaya'y may nakalimutan lang itong sasabihin. Hinala niya. Kinuha niya ito sa loob ng bag niya. Tiningnan niya muna kung sino itong tumatawag. Ah, si Merna pala'. sa isip niya.
MIA KINABUKASAN nang makauwi si Mia sa bahay nila. Buong araw at gabi na kasama niya ang kaibigang si Merna sa condo unit nito. Mabuti na lang at na- informed niya si Donya Tranquelina Delos Reyes kagabi. At tinawagan rin ng kanyang kaibigan si Manang Selma na sasamahan muna ang abuela sa mansiyon. Kaya panatag na rin ang kanyang pakiramdam na kahit papaano ay nakikita niya ang konting improvement sa nararamdaman ni Merna. Paminsan- minsan ay nakikita niyang ngumingiti na ito hindi tulad kahapon na para itong binagsakan ng langit sa sobrang lungkot.Dumeretso siya sa kanyang kuwarto upang makapagbihis. Kailangan niya pa rin pumasok sa opinsina ngayon. Dahil wala siya kahapon ng buong araw, titingnan niya lamang kung loaded pa ba ang schedule niya sa susunod na araw. "Ate Mia?" tawag ng kapatid niyang si Mickey pagkapasuk niya sa loob ng bahay. "O, Mickey ba't nandito ka pa, wala ka bang pasok ngayon?" "Meron Ate, pero mamayang hapon pa. Siya nga pala Ate, sa opisina ka ba natut
"DITO TAYO, dito tayo, Ate Mia." sunud sunod na hila ang ginawa sa mga kapatid ni Mia. Nasa loob ng mall sila ngayon, tinupad niya ang kanyang balak na ipapasyal ang kanyang mga kapatid at ang nanay. Ngunit hindi sumama ang kanilang ina, gabi na raw at malamig sa loob ng mall kaya ayaw nitong sumama. Dagdag pa na masakit pa raw ang kasu- kasuan nito buhat ng magpunta ito sa kantena. Ilang beses niya ng sinabi sa ina na huwag ng pumunta ng canteen dahil alam niyang hindi ito mapipigilang tumulong roon pero wala siyang magagawa. Nabo- bored na raw siya sa bahay. Minsan hiniling pa nito sa kanya na bibigyan ko na lang raw siya ng apo at ng hindi na siya mabo- boring sa bahay. Naipilig niya na lang ang ulo nang maalala ang sinabing iyon ng nanay niya. Kaya sila na lang tatlo ni Myra at Mickey ang lumabas at magkakasama ngayon. "Ate, halika dito. Tingnan mo oh, andaming sale." tawag ng mga ito sa kanya na nauna ng pumasok sa isang boutique ng mga damit. Kagagaling lang rin nila sa fo
MATTHEWNAKATANGGAP si Matthew ng isang invitation card mula sa kompanyang DG Clothing. Magpapadaos raw kasi ito ng isang malaking selebrasyon pagkatapus na maging success ang kanilang brand. At ang maging isa sa mga napipiling ikinokonsiderang international brand. At pasok din ang kanilang mga ginawang disenyo na isusuot ng mga modelo at irarampa sa international runway sa Dubai.These news came out after na magiging success ang photoshoot na ginanap mismo sa nabili niyang resort sa Boracay. Ang pinatayuan niya ng beach house ay doon rin nagaganap ang halos limang araw na photoshoot ng modelong kaibigan na si Therese.And these past few days, lagi niya rin nakakasama at nakakausap ang kaibigan lalo na at palagi siyang nandoon sa tuwing gaganapin ang photoshoot nito. Sinisiguro niya kasing maigi na maayos ang kinalalabsan ng lahat at maiiwasan ang anumang sirkumstansiya o problema na maaring mkaka disturbo sa project na ito.At ito na rin mismo ang nagbigay sa kanya ng invitation card
MATTHEWNAGISING SI MATTHEW sa sobrang sakit ng ulo. Napahawak siya rito habang nilinga ang paligid. Hindi pamilyar sa kanya ang kuwarto na 'yon. Saan ba ako? tanong niya na bahagyang napakislot dahil para siyang nahihilo. Naalala niya kagabi, hindi naman siya masyadong nalasing at kung bakit siya napunta sa kuwartong ito. Marahan siyang bumangon. Napamulagat ang kanyang mga mata nang makitang may babaeng nakahiga sa kamang kanyang hinigaan. Napabalikwas siya agad ng bangon at tiningnan kung sinong ang babaeng iyon pero nakatalikod ito sa kanya, kaya hindi niya makita ang mukha nito. Pilit niyang inaalala ang mga pangyayari kagabi. Pero kahit anong pilit niya ay wala talaga siyang maalala na may kasama siyang babae na pumasok sa kuwartong ito. Ang mas lalo niyang ikinagulat nang napagtantong tanging boxer lang ang suot niya. Nilingon niya ang babae at katulad niya ay wala rin itong saplot. Bigla nawala ang sakit ng ulo niya sa sobrang pagkabahala. Paano nangyarin may kasama siyang
BUMALIK SI Matthew sa beach house. Sa exclusive room niya. Masakit pa rin ang ulo niya kaya dumaan siya sa pharmacy kanina upang bumili ng gamot na paracetamol. Pagdating sa kanyang kuwarto ay dumeretso siya agad sa banyo at nilinis ang sarili. Masakit pa rin ang ulo niya sa kaiisip sa mga nangyayari. Hinding- hindi niya matatanggap na maaring may nangyari sa kanila ni Therese. Pero ang makitang wala silang saplot pareho ay ang mas ikinababahala niya. Wala pa rin siyang matatandaang eksena na isinama niya ang kaibigan sa isa sa mga room ng hotel na 'yon at mas lalong wala siyang matatandaan na kumuha siya ng isang kuwarto ng hotel. Pero paanong napunta siya roon. Sumasakit ang ulo niya sa kakaisip sa mga nangyayari. Hindi niya maatim sa sarili na magawa niyang magkasala sa relasyon nila ni Mia. No! hindi maaring malalaman ito ng kasintahan. Siguradong masasaktan ito kapag malaman nito ang mga nagawa niya. Kahit man sabihin na hindi niya ito sinasadya pero nangyari pa rin. Ngayon
MIABRAGGG!! Gulat na napahawak sa sariling dibdib si Mia nang biglang mabitawan ang basong hawak niya. Dumadagundong ang tunog sa kanyang dibdib sa matinding kaba. Hindi niya alam bakit siya biglang kinabahan. Naisip niya agad ang ina at mga kapatid. Nandito kasi siya ngayon sa opisina. Dito siya natutulog ngayon dahil sa dami ng kanyang gagawin kaya naisipan niyang mag oovertime. Kaya nong kumuha siya ng tubig dahil nauuhaw siya ay bigla na lang nabitawan niya ang baso kaya ito nabasag. Nagmamadaling kinuha niya ang kanyang phone sa loob ng kanyang bag at tumawag sa numero nila sa bahay. Nakailang ring lang at may sumagot na dito."H-hello!" tila inaantok pa na sagot ni Myra. "H-hello Myra, kumusta kayo diyan? si Nanay nasaan ba? Si bunso Mickey nandiyan ba?" sunud- sunod ang kanyang katanungan sa kapatid."Ate Mia? Bakit kayo napatawag eh mag aals dose na ng gabi, hindi ka pa ba natutulog?" sagot nito. "Basta sagutin mo muna ang tanong ko, okay lang ba kayo diyan? Wala bang n
NASA MAY TERASA ang mag inang si Nanay Maria at si Mia ngayon. Magkaharap ang dalawa at masinsinang nag-uusap. Kinabahan naman si Mia sa kung anu ang sasabihin ng ina sa kanya. Dahil minsan lamang itong magrerequest ng ganitong klaseng usapin. Parang ang seryoso ng Nanay niya ngayon. Hindi man lang nito magawang ngumiti sa kanya. At para bang may lungkot na nabanaag sa mukha nito. May problema kaya si Nanay? tanong ni Mia sa kanyang isipan. "Nay, Anu nga pala ang pag- uusapan natin ngayon?" pagbubukas niya rito ng usapan. Dahil batid niyang napakatahimik ng ina."Mia, Anak, huwag ka sanang mabibigla o magtataka sa mga itatanong at sasabihin ko sayo ngayon?" panimula nito.Bigla tuloy siyang na-curious. "Bakit ho 'Nay, Ano pala ang itatanong mo?"Napabuntung- hininga muna ito bago nagsalita."Kumusta kayo ni Matthew? kumusta ang relasyon ninyong dalawa?" tanong ng ina. Nagtataka naman siya kung bakit naitanong nito ang tungkol sa relasyon nila ni Matthew. Hindi naman nakakabigla yon