HINDI pa magigising si Minnie, ngunit dahil sa kaingayan ni Vonie at Elijah ay tuluyan na siyang bumangon.
"Where's your Dad Von?"tanong ni Minnie sa anak matapos siyang makaupo at mahalikan sa pisngi ang bata. Kinandong pa niya."She have a visitor down there Mommy,"nakayukong sagot ng bata."Huh? Sino iyon?"tanong ni Minnie. Nagtaka siya kung sino ang magiging bisita ng asawa sa ganitong oras.Nagpunta muna siya sa banyo para makapaghilamos ng mukha. Bago tuluyan bumaba at tignan kung sino ang bisita ni Aevo. Sa kalagitnaan pa lang sa pagbaba niya ng hagdan ay nakita na niya ang likuran nito.Kahit hindi pa niya nakikita ang itsura nito ay likod pa lang ay nakikilala na niya ito."Hai Ivana! andiyan ka na pala,"maarteng saad nito na napatayo pa at naglakad palapit sa kanya."Bakit ka narito Chezka,"ang malamig niyang sabi. Tumalim din ang titig niya rito at mabilis na pinigilan ito sa gagawiMAAGANG nagising si Minnie para tumulong sa paghahanda para sa graduation celebration ng kapatid niyang si Monina. Nakitulong siya sa paglilinis ng bahay ng Nanay Alicia niya at ni Tatay Hermenio."Anak, maupo ka na lang... kami ng bahala ng mga kapatid mo ang maglilinis dito,"suway sa kanya ng matandang babae."Hayaan niyo na ako Nay, kahit dito man lang ay makatulong ako,"sabi ni Minnie."Si Ate talaga, malaki kaya ang naitulong mo sa pag-aaral ko at kay Mandy. Tatanawin namin malaking utang na loob ang lahat ng pagsasakripisyo mo sa amin para makapag-aral kaming dalawa at makatapos. Kaya ate, ang karagalan ko mamayang gabi inihahandog ko sa iyo 'yun!"malambing na saad ni Monina."Pinapaiyak mo naman ako, halika nga rito!"Lumapit naman ito kay Minnie at mahigpit siyang niyakap. Halos mag-iyakan sila sa maliit nilang sala."Pasali nga rin kami!"wika naman ni Mandy. Tuluyan lumapit ito at ang Nanay Alicia niya.
DAHIL sa halo-halong pakiramdam ay nakaramdam ng pagkahilo si Minnie."P-pwedi bang sa ibang araw na lang tayo mag-usap Aevo... please,"halos pabulong na sabi ni Minnie na napapikit pa at sumandig ng tuluyan sa pasimano ng katre kung saan sila nakaupo."Are you okay Minnie?"puno ng pag-aalalang tanong ni Aevo rito. Kita niyang napapikit ito at namumutla ang mukha."Okay lang ako, please iwan mo muna ako,"pakiusap nito."But..."si Aevo.Ngunit hindi na siya pinansin ni Minnie dahil tuluyan na siya nitong tinalikuran ng higa.Wala naman nagawa si Aevo kung 'di sundin ang gusto ng asawa."Nasa labas lang ako babe, kung may kailangan ka ay tawagin mo lang ako,"masuyong bilin niya rito.Tumango na lang din si Minnie at hindi na niya pinagka-abalahan tapunan ng pansin ang asawa. Nanatili siyang nakatitig sa sementadong pader ng Nanay Alicia at Tatay Hermineo niya."Mas okay ng g
DAMA ni Minnie ang malambot na labi ng asawa niyang si Aevo na umaangkin ng buong pagsuyo sa labi niya."I miss this babe, I miss you..."anas ni Aevo.Nakapikit lang si Minnie habang pinapabayaan niya ito sa ginagawang paghalik sa kanya. Alam niyang lasing lang ito kaya nasasabi nito ang mga ganoon sa kanya.Susulitin na lamang niya ang mga sandaling iyon. Dahil alam niya kinabukasan kapag nawala na ang pagkalasing nito ay tiyak niyang makakalimutan lahat ni Aevo ang mga mangyayari ngayong gabi.Unti-unti ay gumapang ang dalawang kamay ni Minnie sa batok ng asawa. Nanguyapit siya roon para lalong dumikit sa kanya ang katawan nito. Minasahe niya ang batok ng asawa, dahil sa ginawa niya ay lalong naging agresibo si Aevo sa ginagawang pag-angkin sa kanyang labing nagbibigay lang."Minnie oohh... Babe,"ungol ni Aevo sa pagitan ng paghalik nito sa kanya. Maging siya man ay nag-uumpisa na rin matangay sa ekspertong paghalik ni
NAGTULOY ang mag-ina hanggang sa likod ng bahay nina Minnie. Ilang segundo rin na nakatitig lang sa payapang kapaligiran ang mga ito, tila ninanamnam nila ang bawat magaan na atmospera sa paligid."Natutuwa naman ako anak, Aevo, na binibigyan mo ng pagpapahalaga at pagmamahal si Minnie..."maya-maya'y naiusal ni Alyssa bumaling ito sa binata na matipid lang nangiti. Tuluyan lumanghap ito ng sariwang hangin."Pero anak... maari ba akong magtanong?"Dahil sa narinig sa ina ay bumaling ang pansin ni Aevo rito."Ano iyon Mom?""Totoo ba na... na may ibang babae ka,"wika ni Alyssa.Sa pagkakabigkas ng ina ay natitiyak niyang hindi ito nanghuhula lamang kung 'di may alam ito."Paano niyo nalaman?"Biglang nag-iba ang ekspresyon sa mukha ni Aevo. Hindi na kakikitaan ng ngiti ang labi nito, tumalim din ang tingin nito na piniling ibaling sa ibang direksyon."So totoo nga si Aizo ang nagsabi sa akin. Nakaus
HALOS mabilis lang ang ipinaghintay ni Minnie. Dahil wala pang kalahating oras ay dumating na si Nanay Alicia na namumugto pa rin ang mata.Agad niya itong nilapitan pagkapasok na pagkapasok pa lamang sa loob ng bahay nito."Nay maari ba tayong mag-usap?"tanong ni Minnie.Natigil naman sa paghakbang ito ng masuyo niyang hawakan sa braso si Nanay Alicia."Ano pa bang sasabihin mo, alam mo ba nang dahil sa asawa mo ay kamuntik ng namatay si Hermenio! Magpahanggang ngayon ay naroon sa hospital ang amain mo at hindi natin alam kung babalik pa sa dating kalusugan ito!"umiiyak na sumbat na ani ni Aleng Alicia."N-nay sorry po..."hindi na rin mapigilan mapaluha ni Minnie."Anong magagawa ng sorry mo! wala! dahil sa nangyari ay paralisado ang kalahating katawan ng ama mo. Sabagay, wala lang sa iyo 'yun dahil hindi mo naman tunay na ama ang asawa ko. Pati kami
NANATILI ang sulyap ni Minnie mula itaas ng bantay-bato. Halos isang taon na rin ang nakararaan ng maipanganak niya ng maluwalhati ang kambal niyang sina Adiole at Aziole.Pawang malulusog at magaganda ang dalawang prinsesa niya."Sis andito ka lang pala, kanina pa kaya kita hinahanap,"nasabi ni Carol sa kanya ng tuluyan itong makapanhik.Agad na pinunasan nito gamit ang likod ng palad nito ang noo nitong pinagpawisan dahil sa pag-akiyat."Baba na rin ako, bakit mo pala ako hanap?"Humarap siya rito."Ipinatawag ka lang ng Papa Hidalgo mo, alam mo naman iyon hindi mapakali kapag nawawala ka ng matagal sa paningin niya."Tuluyan napaupo si Carol sa tabi. Pinagmamasdan din nito ang paglubog ng araw."Ganoon, si Papa talaga."Naiiling si Minnie habang may mapait na ngiti sa labi. Bigla naman ang pagkalungkot ni Carol."Best friend tayong dalawa lamang dito, kaya ayos lang na ilabas mo ang lahat ng totoo mon
PINAGMASDAN nga ni Minnie ang wala pa rin malay na lalaki na nasa kama ng isa sa silid ng mansyon ng Papa Hidalgo niya.Magpahanggang ngayon ay hindi pa rin mapaniwalaan ng babae na muling magpapakita pa ang asawa. Akala niya ay tuluyan na itong naglaho at hindi na magbabalik pa sa kanilang piling.Napalingon si Minnie sa may pinto ng marinig niya ang malakas na pagbukas ng pinto at pumasok mula roon si Alyssa. Kasunod nito ang kakambal ni Aevo na si Aizo. Nasa likuran din ng mga ito ang asawa nitong si Lauren at ang pamangkin na si Elijah."My son! Oh, gosh! so totoo nga narito at buhay pa ang anak ko."Maluha-luha si Alyssa na lumapit mula sa tabi ng hinihigaan ng lalaki na wala pa rin malay. Isang Doctor na ang tumingin sa asawa niya at sinabi naman nitong malayo sa kapahamakan ang asawa niya. Dahil bumagsak lang ito sa lupa, marahil aftershock na rin sa muntikan ng pagkakabundol dito."Yes Mom Aevo his alive, he came back f
UMAKIYAT na nga si Minnie sa baby room ng kambal niyang anak na sina Adiole at Aziole. Naroon na rin si Vonie na napalitan na rin ng pajama."Hello mommy,"salubong nito sa kanya pagbukas pa lang niya ng pinto."Shhhh... baby, be quiet your siblings are in sleep,okay?"bilin niya sa anak."Sorry po Mom, sige po tatahimik na ako. But can you read me a goodnight story?"tanong nito na hinila siya papunta sa hinihigaan nilang mag-ina."Okay baby, gusto mo bang makarinig ng bagong kwento?"tanong ni Minnie na hinaplos pa ang ulonan ng anak."Of course mom, ano pong klaseng kwento?"tanong naman nito."Ito ay tungkol sa isang lalaki na matagal na nawala. Bago mangyari iyon ay may naiwan siyang asawa at mga anak, sa lumipas na araw, buwan at taon ay hindi nagbalik ang lalaki; ang ama ng kanilang tahanan. Ngunit, hindi pa rin naman nawawalan ng pag-asa ang a
ONE YEAR LATERSAMO'T SARING mga bulaklak ang makikita sa buong paligid ng maliit na chapel na iyon sa San favian. Halos kumpleto na ang entourage, maging ang groom na nasa harapan ay nakangiti nang naghihintay sa kanyang napakagandang bride sa suot lang naman nitong wedding gown na simple man ang pagkakagawa ay bagay na bagay naman iyon dito.Dinig na dinig ang wedding song habang naglalakad ng mabagal ang babae palapit sa lalaking una at huli niyang mamahalin.Sa buong oras ng kasal ay naging matiwasay naman na nairaos. Pinili ng dalawa ang isang intimate wedding. Halos piling bisita lang din ang naroon at ang kanilang pamilya.Naglakad na lang sila hanggang sa reception ng kanilang kasal. Sa itaas ng burol, hindi naman na nahirapan ang mga bisita dahil may pinasadiya ng hagdan bato sa ibaba hanggang sa pag-akiyat.Napapaligiran ng naggagandahan bulalak na tanim ang itaas. Isang bungalow ang nag-iisang nakatayo. Maliit man ku
NAGING masaya na rin sina Minnie at Aevo na sa dinami-dami ng pagsubok na dinaanan nila ay pinanitili nilang matatag ang bawat isa.Isang CEO si Aevo sa malaking kumpaniya sa Maynila, kilalang masungit, gwapo pero may mabuting kalooban at si Minnie sa una ay nakilala bilang isang mahirap na babae na nangangarap makatagpo ng lalaking pinapangarap niya. Katulad ng mga romance novel na katha ni Babz07aziole ay naniniwala siya: balang-araw darating ang prince charming niyang magbibigay katuparan sa happily ever after love life niya.Mukhang dininig naman siya, dahil isang aksidenti man sila pinagtagpo ni Aevo ay hindi naman dahilan niyon para hindi umusbong ang tunay na pag-ibig sa pagitan nilang dalawa. Pero... mapapanindigan ba nila ito hanggang sa huli.MATAPOS ang kaguluhan sa pamilya nila ay pinili ni Aevo na magpatuloy bilang CEO ng Gimenez Telecommunication Company.Habang si Aizo ay piniling magp
HALOS hindi pa nakakahuma sa kabiglaan si Minnie matapos siyang pakawan ng lalaki sa isang makapagil hiningang halikan!"Hindi na mahalaga iyon babe, ang importante ngayon andito na ako. Bumalik na ako, I have a goodnews for you... ikakagulat mo ang ibabalita ko," wika pa nito na may ngiti sa labi.Kahit na tangay na tangay siya sa paghalik at presensiya ng lalaki ay hindi pinayagan ni Minnie na maging marupok sa harap nito."Kung sino ka man, please... umalis ka na. Alam ko na ang lahat na nagpanggap kang Aevo n-na ikaw si Gideon Laurzano. Kamuntik mo nang mapatay si Aizo mabuti na lang at nakaligtas siya!" Tuloy-tuloy na wika ni Minnie."Ano bang sinasabi mo, ako ito si Aevo ang asawa mo. Umamin na ang totoong Gideon na nagpanggap siyang ako, ginamit niya ang karamdaman ko babe. Nagka-amnesia ako at mula sa umpisa ay plinano lahat ng nakakatanda naming kapatid na si Gideon ang gagawin
AGAD na binuklat ni Aizo ang DNA test result niya at sa lalaking nagsalin sa kanya ng dugo. Ang pinaghihinalaan niyang kakambal at tunay na Aevo Gimenez.Halos manginig nga ang kamay ni Aizo at maluluha habang pinagmamasdan ang hawak-hawak na papel: Na nagpapatunay na siyang nagpakilalang Gideon Laurzano noong una ay si Aevo nga talaga!"A-anong resulta apo?" Ang hindi mapakaling tanong ni Lola Saifa.Napatingin naman si Aizo sa kanyang abuela at abuelo na naghihintay din ng sasabihin niya. Kita rin sa mga mukha nila ang labis na tensyon."Yes Lola Saifa... Lolo Ghad... totoo nga siya si Aevo!" Halos isigaw ni Aizo ang mga sinabi.Wala rin pagsidlan ng katuwaan ang dalawang matanda matapos na marinig ang sinabi niya. Maging ang asawa niya na tahimik lang na nakaupo sa tabi ng mga ito ay nakangiti ngunit kasabay na umiiyak ito."Siya nga ang apo natin,
TULOG na tulog na si Minnie sa mga sandaling iyon. Hating-gabi na at sobrang napagod si Gideon sa ilang ulit na nagpaangkin sa kanya ito.Paalis na siya nang naalimpungatan ito. "Uuwi ka na ba?" tanong ni Minnie na kinusot-kusot pa ang mata na tuluyan napabangon mula sa kama."Yeah I have to go, may mahalaga akong pupuntahan. Just always take care okay, kayo ng mga bata." Matapos sabihin iyon ni Gideon ay hinalikan pa siya sa labi. Hinaplos pa nito ang pisngi niya bago ito tuluyan lumabas sa pinto na binuksan nito ng gabing iyon.Hindi aakalain ni Minnie na iyon na ang huling araw na makikita niya ang lalaki. Dahil nabalitaan niya ng sumunod na araw na nagkaroon ng engkuwentro at barilan sa loob ng mansyon ng Lolo Ghad at Lola Saifa.Lahat ng iyon ay nalaman niya mismo sa bibig ng bayaw niyang si Aizo na dinalaw niya mula sa hospital kung saan ito na-confine."Hindi ko aakalain na ibang Aevo pala ang kas
HANGGANG sa paglaki niya ay nangibabaw ang hinanakit niya sa Ama. Kahit nang mamatay ang ina niya ay hindi nagpakita si Gustav, pakiramdam ni Gideon ay tinalikuran na siya ng mundo sa mga sandaling iyon. Dahil sa walang-wala siya at nasa edad benti lamang siya noon ay kinailangan niyang mangutang sa isang loan shark ng pampalibing sa ina. Maging ang pagkakautang niya sa ospital kung saan na-admit ng ilang Buwan ito ay kinailangan niyang mabayaran para mailabas niya ito noon. Umabot din iyon ng isang milyon, natapos man ang pagpapalibing ng ina ay hindi natapos-tapos ang paghahanap niya ng paraan para mabayaran ang lahat ng utang niya kay Don Quixote isang Intsik na nagpahiram sa kaniya ng malaking halaga.Iba't ibang trabaho ang pinasukan niya, hanggang sa dumating na makilala niya si Don Vladimir ang ama ni Shamcey. Binigyan siya nito ng isang trabaho na hindi aakalain ni Gideon na siyang magsasalba sa kanya sa lahat ng pinagkakautangan niya: Ang maging bayaran mamatay
NANLALAKI ang mata niyang tinitigan ang lalaki. Takot na takot siya habang pinagmamasdan pa rin itong nakatitig din naman sa kanya."P-papatayin niyo ho ba ako mister?" ang maiiyak na tanong ni Gideon na sinalsal ng kaba ang dibdib.Isang manipis na ngiti ang pumunit sa labi ng lalaki at saka ito humalakhak ng walang humpay.Hindi alam ni Gideon kung bakit ganoon ang naging reaction nito. Muli na naman niyang sinubukan na buksan ang katabing pinto ng kotse. Nagbabakasali siyang makakatakas siya!"Natutuwa ako sa iyo alam mo ba, dahil diyan sasamahan mo akong mag-dinner," wika nito na nakatitig pa rin sa kanya.Binalingan niya ito at nakita naman ni Gideon na walang halong biro ang nasa mukha ng lalaki.Kaya kahit kabado pa rin ay nanahimik na lang si Gideon sa kanyang kinauupuan, habang hinihintay ang bawat sandali na sakay siya ng mamahalin kotse ng la
MARAHAS na binuksan ng nagpanggap na Aevo ngunit totoong Gideon Laurzano sa totoong buhay ang pinto ng roof dect ng apartment kung saan siya nagtago sa kasalukuyan. Hangga't mainit pa rin ang mata sa kanya ng lahat. Sinindihan niya ang switch ng m bombilya na patay-sindi."Puny*ta talaga!" pagmumura ni Gideon. Pabagsak siyang naupo sa kama niya na iniigkasan ng spring dahil sa lumang-luma na iyon at sira-sira pa.Kahit saan ka tumingin, ay makikita ang kalumaan ng buong silid. Ang mga kurtina na nakasabit ay puti pa ang dating kulay, ngunit dahil sa matagal ng nakasabit na ang huli pang gumamit sa silid ay naroon na iyon. Dahil sa tatlong taon na nawala siya roon ganoon na rin katagal iyon doon.Halos napuno na ng alikabok at ang ilang mga gamit ay hindi nakaayos sa tamang lagayan.Agad kumuha ng t-shirt si Gideon sa lagayan at pinunit iyon para may maipangtapal siya sa bala ng baril na tumama sa kan
TULUYAN hinila ni Aizo ang manggas na suot ng lalaki na humahalak lang."Halika! sa labas tayo mag-usap de punggal ka!" mataas ang tinig na sigaw ni Aizo. Mabilis naman niyang nahila ito sa labas ng mansyon.Isang suntok muli ang ipinadapo niya sa mukha nito." 'Yan lang ba ang kaya mo, dapat ganito ka sumuntok!" Dahil sanay sa pakikipag-basag ulo ito ay walang-wala sa kanya ang pagsusuntok sa kanya ni Aizo.Sinipa muna niya ito sa sikmura kaya sumadsad sa semento ito. Hindi ito nakatayo sa lakas ng impact niyon."Hindi ko aakalain na mabilis mong madidiskubre na hindi ako si Aevo. Matalino ka talaga, kaya mas may karapatan ka na maging CEO ng company ni Dad," nakangising sabi nito na hinila si Aizo palapit." Pero alam mo hindi ko papayagan pa na may isa sa inyo na umagaw sa lahat ng kayaman na para sa akin lang dapat. Ako ang panganay sa atin kaya ma