UMAKIYAT na nga si Minnie sa baby room ng kambal niyang anak na sina Adiole at Aziole. Naroon na rin si Vonie na napalitan na rin ng pajama.
"Hello mommy,"salubong nito sa kanya pagbukas pa lang niya ng pinto.
"Shhhh... baby, be quiet your siblings are in sleep,okay?"bilin niya sa anak.
"Sorry po Mom, sige po tatahimik na ako. But can you read me a goodnight story?"tanong nito na hinila siya papunta sa hinihigaan nilang mag-ina.
"Okay baby, gusto mo bang makarinig ng bagong kwento?"tanong ni Minnie na hinaplos pa ang ulonan ng anak.
"Of course mom, ano pong klaseng kwento?"tanong naman nito.
"Ito ay tungkol sa isang lalaki na matagal na nawala. Bago mangyari iyon ay may naiwan siyang asawa at mga anak, sa lumipas na araw, buwan at taon ay hindi nagbalik ang lalaki; ang ama ng kanilang tahanan. Ngunit, hindi pa rin naman nawawalan ng pag-asa ang a
KAHIT nanatili na wala pa rin maalala ang mister ni Minnie na si Aevo ay pumayag na itong bumalik sila sa mansyon na tinitirhan nila mula Maynila. "Hindi ko na ba kayo mapipigilan sa pag-alis?"tanong ni Don Hidalgo na sinusundan lamang ang anak sa paglalagay ng mga gamit ng kambal sa isang malaking maleta. "I'm sorry Dad, pero mas makakabuti siguro na bumalik na kami sa Manila para mas madaling bumalik ang alaala ni Aevo,"sagot naman ni Minnie. "Ganoon ba, kung wala na akong magagawa ay sana huwag niyo pa rin makalimutan na pumasyal dito sa Hacienda,"bilin pa nito. Napalapit naman si Minnie sa ama at hinawakan ang palad nito, "Don't worry Papa palagi ho kaming magvi-video calling sa inyo ni Vonie,"pampapalubag loob niya sa ama na napatango-tango naman. Hindi pa rin nawawala ang lungkot sa mukha nito. "Pa... please huwag na kayong malungkot. Pweding-pwedi na
NAKARATING naman sila ng matiwasay sa Manila, bagama't naipit sila mula sa ma-traffic na siyudad ay hindi naman sila na-bored dahil ilang ulit pa sila na nag-stop over sa tuwing magugutom ang mga bata.Kahit paano iyon ang unang labas nila mula ng mabuo ang pamilya nila."Sige na Candy, i-akyat niyo na ang mga bata at bihisan ng damit pambahay. Tatawagin ko na lamang kayo kapag tapos na akong magluto,"sabi ni Minnie sa yaya ni Vonie. Napagawi pa ang tingin niya sa anak ng umakiyat na lamang ito at hindi siya pinapansin. Kahit paano ay nalulungkot si Minnie. Hiling niya balang-araw ay muling bumalik ang pagka-bibo nito."Babe, saan ko ito ibaba?"tanong naman ni Aevo habang bit-bit nito ang mga maleta. Nagulat pa si Minnie sa biglang pagsulpot ng asawa."Ah, sa itaas ilapag mo lang doon, ako na ang bahalang mag-ayos mamaya,"sabi ni Minnie na matipid na nangiti. Mabilis na lumayo siya mula sa pagkakalapit nila ng asawa. Hindi pa rin siya kasi sanay.
KAKABA-KABA si Minnie habang kumakain sila. Halos hindi na nga niya malunok ang pagkain na sinusubo niya. Paano ba naman kasi umiikot pa rin sa utak niya magpahanggang ngayon ang mga sinabi ng asawa niya. "Eat more babe, para hindi ka magutom mamaya." Paulit-ulit iyon sa isip niya, para na nga siyang mababaliw sa pag-iisip. "Is there any problem wifey?"tanong sa kanya ni Aevo. Marahil napuna nitong tamilmil siya sa pagkain niya. Isang ngiti naman ang ipinakita ni Minnie, "Nothing, I'm just tired."Tama iyon ang mas tamang sabihin niya para hindi siya nito kulitin makipag-sex mamaya. Napatango naman si Aevo, "Kung ganoon ay bilisan mo na ang pagkain para makaakiyat ka na babe, ako ng bahala sa hugasin mamaya,"sagot naman ni Aevo. Sa sandaling iyon ay nag-concentrate na lang siya sa kinakain. Matapos nga nilang makpag-dinner ay tinotoo ni Aevo na siyang maghuhugas ng
MAAGANG nagising si Minnie, ngayon ay babawi siya sa asawa niya. Dahil ito ang nagluto ng dinner nila kagabi at siyang naghugas din ng mga pinagkainan nila. Naisipan niyang sa ibang araw na lang siya pupunta sa Salon niya. Bumaba na siya para maghanda ng almusal nila, dahil wala pa rin silang stock ay nagluto na lang siya ng arozcaldo. Pagkain mahirap iyon, ipinagluluto lagi sila ng Nanay Alicia niya noong maliliit pa sila ng mga kapatid niya. Sa muling pagkaalala sa mga ito ay muli na naman naramdaman ni Minnie ng lumukob na lungkot sa dibdib niya. Ngunit mabilis niyang pinalis iyon. Saka na niya dadalawin ang mga ito sa La Buento del Corazon. Nasa Manila na kasi si Monina at may trabaho na rin habang si Mandy ay ga-graduate pa lang naman next year sa kursong Education din. Inilabas na niya ang naturang manok na inilagay niya sa microwave kagabi. Hihimay-himayin niya iyon para manipis ng karne na masa
KASALUKUYAN nagbabasa si Aevo ng mga filed dcument sa kanyang lapatop ito. Halos isang linggo na rin ang nakararaan magmula ng makabalik siya sa office at mga araw na nagdaan ay hindi naman siya nahihirapan. Nakaalalay kasi lagi si Aizo sa kanya, kaya kahit paano ay naging madali ulit sa kanya ang maka-adapt sa trabaho. Isang katok ang narinig niya mula sa pinto ng mga sandaling iyon. Tuluyan siyang sumagot para makapasok ng tuluyan ito. Alam niyang hindi kliyenti ang kumakatok kapag ganoon, kung hindi ang Lola Saifa o Ghad ay si Aizo naman. Hindi nga siya nagkamali dahil ang huli ang sumungaw sa may pinto. "Hello V, tapos ka na ba sa ginagawa mo?"tanong nito na tuluyan pumasok sa loob ng opisina niya. "Yeah I'm barely finishing, bakit may kailangan ka?"balik-tanong niya sa kakambal na nanatiling nasa monitor ang pansin. Hindi man la
MATAPOS nga ang pa-welcome party kay Aevo ay tila tuluyan nagbalik sa dati ang lahat sa pamilya nila."Babe, lagay mo ito."Utos ng babae sa plastic bag na hawak nito. Agad naman kinuha ni Aevo iyon at pinaglalagay sa refrigerator.Sa araw na iyon ay parehas silang nasa mansyon nina Aevo at Minnie. Kagagaling lang nila sa mall dahil ipinasyal nila ang mga bata na tuwang-tuwa sa mga pinuntahan ng mga ito.Pinaakiyat na nila ang mga ito para mapatulog na rin ang mga bata at para makapagpahinga. Habang silang dalawang mag-asawa ang naiwan sa kusina at nagsasalansan ng mga pinamili nila."Kung tapos ka na diyan Babe, mauna ka na sa taas at ako na tatapos rito,"wika ni Aevo.Ngumiti naman ang babae at tumango. Sinunod na nga niya ang sinasabi ng asawa niya at tuluyan nang umakiyat. Pinuntahan na muna niya ang silid ng mga bata nang makita ni Minnie na mahimbing ng natutulog ang
TULUYAN inilapag ni Minnie ang tray na naglalaman ng inihanda niyang meryenda sa kaibigan si Carol. Lumuwas ito pa-Maynila dahil meron itong binili sa Divisoria. Nagkataon naman na isang sakayan lamang ang papunta sa mansyon nila."Mukhang masaya ka ngayon bff?"puna ni Carol nang mapagmasdan nito ang nagniningning na mata ng kaibigan si Minnie. Maging ang magagandang ngiti sa labi ay hindi nakaligtas sa paningin nito. Nasa sala sila ng mansyon nila."Pati iyon napansin mo,"nahihiyang wika naman nito na agad nag-iwas ng tingin dahil patuloy siyang pinagmamasdan ni Carol."Bakit ba, you look amazing! masaya ako para sa iyo best friend. Kasi matagal-tagal din na hindi kita nakitang ganiyan.""Oo nga bff, para pa rin akong nanaginip ba. Akala ko hindi ko na maibabalik sa dati ang masaya kong pamilya. Pero heto, unti-unti nagiging maayos na. Kahit paano nagiging kasundo na rin ni Aevo si Vonie dahil nag-e-effort ito. Habang ang kambal namin ay kilala na
HALOS gabi na rin ng dumating si Minnie sa mansyon nila. Nang ipasok niya sa garahe ang kotse niya ay pansin na niyang patay na ang lahat ng ilaw sa loob. Naglakad na siya papasok habang bit-bit pa niya ang ilan sa mga pinamili niya sa mall na nadaan nila kanina ni Carol. Sa pagkaalala na sobrang saya ng bestfriend niya dahil sa panlilibre niya rito ay kahit paano ay masaya na siyang napaligaya niya ang kaibigan. Isusuksok na sana ni Minnie ang duplicate key niya sa keyhole ng main door ng biglang magbukas iyon at makita niya ang seryusong mukha ni Aevo. "B-babe! nakakagulat ka!"usal niya. Tuluyan na siyang pumasok si Aevo naman ang nagsara ng pinto. "Bakit ngayon ka lang, saan ka galing?"ang malamig na tanong ng lalaki habang pumapanhik sila sa hagdan. "Nagpunta ako ng Salon V, sinamahan ko si Carol, ginabi ako dahil hinatid ko pa si
ONE YEAR LATERSAMO'T SARING mga bulaklak ang makikita sa buong paligid ng maliit na chapel na iyon sa San favian. Halos kumpleto na ang entourage, maging ang groom na nasa harapan ay nakangiti nang naghihintay sa kanyang napakagandang bride sa suot lang naman nitong wedding gown na simple man ang pagkakagawa ay bagay na bagay naman iyon dito.Dinig na dinig ang wedding song habang naglalakad ng mabagal ang babae palapit sa lalaking una at huli niyang mamahalin.Sa buong oras ng kasal ay naging matiwasay naman na nairaos. Pinili ng dalawa ang isang intimate wedding. Halos piling bisita lang din ang naroon at ang kanilang pamilya.Naglakad na lang sila hanggang sa reception ng kanilang kasal. Sa itaas ng burol, hindi naman na nahirapan ang mga bisita dahil may pinasadiya ng hagdan bato sa ibaba hanggang sa pag-akiyat.Napapaligiran ng naggagandahan bulalak na tanim ang itaas. Isang bungalow ang nag-iisang nakatayo. Maliit man ku
NAGING masaya na rin sina Minnie at Aevo na sa dinami-dami ng pagsubok na dinaanan nila ay pinanitili nilang matatag ang bawat isa.Isang CEO si Aevo sa malaking kumpaniya sa Maynila, kilalang masungit, gwapo pero may mabuting kalooban at si Minnie sa una ay nakilala bilang isang mahirap na babae na nangangarap makatagpo ng lalaking pinapangarap niya. Katulad ng mga romance novel na katha ni Babz07aziole ay naniniwala siya: balang-araw darating ang prince charming niyang magbibigay katuparan sa happily ever after love life niya.Mukhang dininig naman siya, dahil isang aksidenti man sila pinagtagpo ni Aevo ay hindi naman dahilan niyon para hindi umusbong ang tunay na pag-ibig sa pagitan nilang dalawa. Pero... mapapanindigan ba nila ito hanggang sa huli.MATAPOS ang kaguluhan sa pamilya nila ay pinili ni Aevo na magpatuloy bilang CEO ng Gimenez Telecommunication Company.Habang si Aizo ay piniling magp
HALOS hindi pa nakakahuma sa kabiglaan si Minnie matapos siyang pakawan ng lalaki sa isang makapagil hiningang halikan!"Hindi na mahalaga iyon babe, ang importante ngayon andito na ako. Bumalik na ako, I have a goodnews for you... ikakagulat mo ang ibabalita ko," wika pa nito na may ngiti sa labi.Kahit na tangay na tangay siya sa paghalik at presensiya ng lalaki ay hindi pinayagan ni Minnie na maging marupok sa harap nito."Kung sino ka man, please... umalis ka na. Alam ko na ang lahat na nagpanggap kang Aevo n-na ikaw si Gideon Laurzano. Kamuntik mo nang mapatay si Aizo mabuti na lang at nakaligtas siya!" Tuloy-tuloy na wika ni Minnie."Ano bang sinasabi mo, ako ito si Aevo ang asawa mo. Umamin na ang totoong Gideon na nagpanggap siyang ako, ginamit niya ang karamdaman ko babe. Nagka-amnesia ako at mula sa umpisa ay plinano lahat ng nakakatanda naming kapatid na si Gideon ang gagawin
AGAD na binuklat ni Aizo ang DNA test result niya at sa lalaking nagsalin sa kanya ng dugo. Ang pinaghihinalaan niyang kakambal at tunay na Aevo Gimenez.Halos manginig nga ang kamay ni Aizo at maluluha habang pinagmamasdan ang hawak-hawak na papel: Na nagpapatunay na siyang nagpakilalang Gideon Laurzano noong una ay si Aevo nga talaga!"A-anong resulta apo?" Ang hindi mapakaling tanong ni Lola Saifa.Napatingin naman si Aizo sa kanyang abuela at abuelo na naghihintay din ng sasabihin niya. Kita rin sa mga mukha nila ang labis na tensyon."Yes Lola Saifa... Lolo Ghad... totoo nga siya si Aevo!" Halos isigaw ni Aizo ang mga sinabi.Wala rin pagsidlan ng katuwaan ang dalawang matanda matapos na marinig ang sinabi niya. Maging ang asawa niya na tahimik lang na nakaupo sa tabi ng mga ito ay nakangiti ngunit kasabay na umiiyak ito."Siya nga ang apo natin,
TULOG na tulog na si Minnie sa mga sandaling iyon. Hating-gabi na at sobrang napagod si Gideon sa ilang ulit na nagpaangkin sa kanya ito.Paalis na siya nang naalimpungatan ito. "Uuwi ka na ba?" tanong ni Minnie na kinusot-kusot pa ang mata na tuluyan napabangon mula sa kama."Yeah I have to go, may mahalaga akong pupuntahan. Just always take care okay, kayo ng mga bata." Matapos sabihin iyon ni Gideon ay hinalikan pa siya sa labi. Hinaplos pa nito ang pisngi niya bago ito tuluyan lumabas sa pinto na binuksan nito ng gabing iyon.Hindi aakalain ni Minnie na iyon na ang huling araw na makikita niya ang lalaki. Dahil nabalitaan niya ng sumunod na araw na nagkaroon ng engkuwentro at barilan sa loob ng mansyon ng Lolo Ghad at Lola Saifa.Lahat ng iyon ay nalaman niya mismo sa bibig ng bayaw niyang si Aizo na dinalaw niya mula sa hospital kung saan ito na-confine."Hindi ko aakalain na ibang Aevo pala ang kas
HANGGANG sa paglaki niya ay nangibabaw ang hinanakit niya sa Ama. Kahit nang mamatay ang ina niya ay hindi nagpakita si Gustav, pakiramdam ni Gideon ay tinalikuran na siya ng mundo sa mga sandaling iyon. Dahil sa walang-wala siya at nasa edad benti lamang siya noon ay kinailangan niyang mangutang sa isang loan shark ng pampalibing sa ina. Maging ang pagkakautang niya sa ospital kung saan na-admit ng ilang Buwan ito ay kinailangan niyang mabayaran para mailabas niya ito noon. Umabot din iyon ng isang milyon, natapos man ang pagpapalibing ng ina ay hindi natapos-tapos ang paghahanap niya ng paraan para mabayaran ang lahat ng utang niya kay Don Quixote isang Intsik na nagpahiram sa kaniya ng malaking halaga.Iba't ibang trabaho ang pinasukan niya, hanggang sa dumating na makilala niya si Don Vladimir ang ama ni Shamcey. Binigyan siya nito ng isang trabaho na hindi aakalain ni Gideon na siyang magsasalba sa kanya sa lahat ng pinagkakautangan niya: Ang maging bayaran mamatay
NANLALAKI ang mata niyang tinitigan ang lalaki. Takot na takot siya habang pinagmamasdan pa rin itong nakatitig din naman sa kanya."P-papatayin niyo ho ba ako mister?" ang maiiyak na tanong ni Gideon na sinalsal ng kaba ang dibdib.Isang manipis na ngiti ang pumunit sa labi ng lalaki at saka ito humalakhak ng walang humpay.Hindi alam ni Gideon kung bakit ganoon ang naging reaction nito. Muli na naman niyang sinubukan na buksan ang katabing pinto ng kotse. Nagbabakasali siyang makakatakas siya!"Natutuwa ako sa iyo alam mo ba, dahil diyan sasamahan mo akong mag-dinner," wika nito na nakatitig pa rin sa kanya.Binalingan niya ito at nakita naman ni Gideon na walang halong biro ang nasa mukha ng lalaki.Kaya kahit kabado pa rin ay nanahimik na lang si Gideon sa kanyang kinauupuan, habang hinihintay ang bawat sandali na sakay siya ng mamahalin kotse ng la
MARAHAS na binuksan ng nagpanggap na Aevo ngunit totoong Gideon Laurzano sa totoong buhay ang pinto ng roof dect ng apartment kung saan siya nagtago sa kasalukuyan. Hangga't mainit pa rin ang mata sa kanya ng lahat. Sinindihan niya ang switch ng m bombilya na patay-sindi."Puny*ta talaga!" pagmumura ni Gideon. Pabagsak siyang naupo sa kama niya na iniigkasan ng spring dahil sa lumang-luma na iyon at sira-sira pa.Kahit saan ka tumingin, ay makikita ang kalumaan ng buong silid. Ang mga kurtina na nakasabit ay puti pa ang dating kulay, ngunit dahil sa matagal ng nakasabit na ang huli pang gumamit sa silid ay naroon na iyon. Dahil sa tatlong taon na nawala siya roon ganoon na rin katagal iyon doon.Halos napuno na ng alikabok at ang ilang mga gamit ay hindi nakaayos sa tamang lagayan.Agad kumuha ng t-shirt si Gideon sa lagayan at pinunit iyon para may maipangtapal siya sa bala ng baril na tumama sa kan
TULUYAN hinila ni Aizo ang manggas na suot ng lalaki na humahalak lang."Halika! sa labas tayo mag-usap de punggal ka!" mataas ang tinig na sigaw ni Aizo. Mabilis naman niyang nahila ito sa labas ng mansyon.Isang suntok muli ang ipinadapo niya sa mukha nito." 'Yan lang ba ang kaya mo, dapat ganito ka sumuntok!" Dahil sanay sa pakikipag-basag ulo ito ay walang-wala sa kanya ang pagsusuntok sa kanya ni Aizo.Sinipa muna niya ito sa sikmura kaya sumadsad sa semento ito. Hindi ito nakatayo sa lakas ng impact niyon."Hindi ko aakalain na mabilis mong madidiskubre na hindi ako si Aevo. Matalino ka talaga, kaya mas may karapatan ka na maging CEO ng company ni Dad," nakangising sabi nito na hinila si Aizo palapit." Pero alam mo hindi ko papayagan pa na may isa sa inyo na umagaw sa lahat ng kayaman na para sa akin lang dapat. Ako ang panganay sa atin kaya ma