KAKARATING lang ni Syrellie. Nagpaalam kasi siya sa boss niyang magha-half day lang siya ngayon. May inasikaso kasi siya kanina patungkol sa Business Permit ng negosyong plano niyang buksan sa syudad na iyon. Plano niya kasing magbukas ng Beauty Products Shop. Matagal na niya iyong pinapangarap magmula nang tumuntong siya ng college. Wala nga lamang siyang sapat na pera para ipangpuhonan. Kaya ngayong malaki-laki na ang naipon niya'y susugal na siya. Magtatayo siya ng sarili niyang shop. Si Tiyang Letty lang muna ang papakiusapan niyang mamalakad niyon, at magha-hire na lang siya ng Sales Agent or Beauty Consultant. At syempre pa, sisilip-silipin din niya ang negosyo niya pagkatapos ng trabaho niya kay Sir Dwayne. Hindi na muna siya magri-resign. Kumbaga part-time na lang niya ang negosyong itatayo niya.
"Sorry," hinging paumanhin sa kaniya ni Annedale nang makabanggaan niya ito sa lobby ng hotel. Isa itong Receptionist sa Hotel Solivaness na pag-aari ni Mr. Dwayne Solivan."HOW dare you do this to my fiancee!"Hindi alam ni Syrellie kung bakit iyon ang mga lumabas sa bibig niya. Gusto sana niyang bawiin ang mga sinabi, pero nang bahagya niyang balingan si Sir Dwayne na tila hirap na hirap tumayo ay nagbago ang isip niya. Naawa siya rito.Taas-noo niyang hinarap ang lalaki. "I and Si—I and Dwayne will be getting married next year. Kaya 'wag kang atat, Mr. Soli—Mister Who-You-Are!" Pinameywangan niya ito. Bigla ay lumabas ang tapang niya. Ang ayaw niya talaga sa lahat ay 'yong may taong nadedehado. Kaya kahit na ikapahamak pa niya ang pagtulong ay gagawin pa rin niya. Huwag lang siyang sapakin. Takot siyang mabugbog. Masakit kaya iyon.Nakita niyang bahagyang umangat ang kilay ng lalaki. Pinakatitigan siya nito. Waring may inaalala. Mayamaya pa'y nagliwanag ang mukha nito. Kumibot-kibot ang mga labi nito.Siya nama'y nagtaka sa reaksyon nito. Nagulat na lamang siya nang lumapit ito sa kaniya. Dumukwang ito. Iniatras n
"SO, YOU finally remembered me, huh!" Dumukwang ang binata sa kaniya. He stared at her with malice. "Pervert slut!"Syrellie's eyes grew wide-open. Bakit ngayon lang ba niya iyon napansin? Kaya pala kanina tinawag din siya nitong 'pervert slut' at kung anu-ano pa ang sinabi sa kaniya. Kaya pala napakapamilyar nito sa kaniya. Akala niya noong una ay dahil lang iyon sa rasong kamukha nito ang boss niya, pero hindi pala. Ngayon ay malinaw na sa kaniya ang lahat. Ito pala ang lalaking muntikan na sanang wawarak sa dignidad niya, na kung hindi siguro tumawag ang fiancee nito ay paniguradong may nangyari na sa kanila.Natuloy ba ang kasal nito? Marahil ay natuloy, hindi naman kasi siya nito ginantihan."S-Sir Dwight, ikaw pala 'yan." Kimi siyang ngumiti rito. Shit! Bakit ba biglang lumitaw sa balintataw niya ang gabing kung saan sinayawan niya ito at kinandungan. Hindi lang iyon, they even made out for Pete's sake!Bigla ay namula siya sa isiping iyon.
"S-SIR Dwight?" nanlalaki ang mga matang bulalas ni Syrellie. Bigla ay nawala ang nakapagkit na ngiti sa mga labi niya. Bakit ito ang nasa swivel chair ng boss niya? Unang beses din niya itong nakitang naka-coat and tie with hair tied at the back. And she could say that he was oozing with authority and power. "B-Bakit ikaw ang nandito? Where's Sir Dwayne?" Nagpalinga-linga siya."You missed him already, huh!" Dwight sarcastically commented. "Sa tingin mo makakapasok siya ngayon sa tinamo niyang sugat at galos?"Oo nga naman. Nakakahiya naman kasing magpakita roon si Sir Dwayne. Baka mamaya mapag-tsismisan pa ito ng mga empleyado na nabugbog-sarado ito. Hindi 'gaya ng lalaking nasa harapan niyang halos hindi nga yata halatang pumutok ang mga labi."Kung hindi mo ba naman kasi pinuruhan," wala sa sariling aniya. She rolled her eyes.Naningkit ang mga mata ng binata. Kumibot-kibot ang mga labi nito, pero hindi naman nagsalita. Marahil ay nagpipigil lang itong mabulyawan siya. Naroon kasi
KINABAHAN si Syrellie sa nababanaag sa mga mata ni Dwight. Waring nakita na niya ang ganoong klase ng titig sa mga mata ng binata noong stag party nito kung saan nabuhay rin niya ang pagkalalaki nito.He didn't utter any word. He was just staring at her with full of passion and lusts.Hindi niya tuloy alam kung ano'ng susunod na gagawin. Gusto niyang kumaripas nang takbo, at iwan ito, but she froze while glaring directly at his eyes, too.Hindi rin niya maintindihan ang huli nitong sinabi sa kaniya kanina. Dwight told her two reasons why he hated her, pero hindi malinaw ang pangalawa. Naguguluhan siya.Nagagalit ba ito sa kaniya dahil binubuhay niya ang makamundo nitong pagnanasa? Ano naman ang ikakagalit nito, gayong halos lahat naman ng lalaki ay ganoon? Makakita lang ng sexy at magandang babae ay waring naghuhurumintado na ang nasa pagitan ng mga hita ng mga ito.Naalarma siya nang makitang kumilos ang binata. Akmang lalapit ito sa kan
DWIGHT'S FLASHBACK..."I SWEAR, I'll hunt you day and night if Maitha would cancel our wedding! I'm gonna make your life a living hell!" Puno ng gigil na hinimas ni Dwight ang pisngi ng babaeng kaharap. "I won't forget this fucking face of yours, pervert slut!" Walang lingon-likod niya itong iniwan. Pabalibag niyang isinara ang pinto.Derederetso siya sa parking lot pagkalabas na pagkalabas sa bukana ng kinaroroonang hotel. Agad siyang nagmaneho nang makapasok sa kotse.He was already tipsy. Marami-rami rin siyang nainom na alak kanina, kaya marahil pinatulan niya ang babaeng bayaran na iyon dahil na rin sa espirito ng alak.He heard his cellphone ringing. Agad niya iyong sinagot nang makitang si Maitha ang tumatawag. Ni-loudspeaker na lang niya iyon."Where are you? Bakit ang tagal mo? Are you coming to my condo to explain everything, Dwight?" Hindi pa nga siya nakakapagsalita ay ang sunod-sunod na nitong tanong ang bumungad sa kaniya."Yeah, I'm coming. I'm on my way, hon," masuyo ni
"THANK you for your help, Syrell," ani Dwayne sa kaniya pagkatapos nilang maubos ang pagkain na in-order sa isang high-end restaurant na pinagdalhan nito sa kaniya.She sipped from the glass of wine. Hindi niya alam ang itutugon dito. Iyon kasi ang unang namutawi sa mga labi ng lalaki pagkatapos nilang kumain. Alam niya kung ano ang ipinagpapasalamat nito."S-Sir, honestly, masyado akong naguguluhan sa mga pangyayari. Palala nang palala ang sitwasyon, 'tapos ngayon pa lang tayo nakapag-usap.""I know, Syrell, and I'm sorry kung hindi agad kita kinausap tungkol dito. I admit, it's my fault.""Sir, paano na 'to? Marami nang nakakaalam sa hotel." Hindi niya na lang sinabing maraming nakaalam dahil na rin sa ginawa nito. Panay kasi ang padala nito ng bulaklak sa kaniya."Would you accept my offer, Syrell? I mean, the offer is still there. 'Di pa rin nagbabago. Five million plus five percent of my profit from dad's company once I get my shares
"WHAT a wonderful couple you two make. Congratulations!" Tumingin si Sofia sa kaniya, saka makahulugan nitong binalingan si Dwight na biglang nag-iba ang timplada ng mukha.Tumiim ang bagang ng binata, pero dagli ring nawala. Seryoso ang mukhang bumaling ito kay Dwayne. "Mauunahan niyo pa yata kami ni Maitha."Bahagyang napakunot-noo si Syrellie. Maitha? Parang pamilyar. Tila narinig na niya ang pangalang iyon. Saglit siyang nag-isip. Mayamaya pa'y naalala na niya. Si Maitha ang babaeng nakatakda nitong pakasalan dati. Hanggang ngayon pala ay may relasyon ang dalawa? Sobra nga yata ang pagmamahalan ng mga ito. Dahil kung hindi, tiyak niyang hiwalay na ang mga ito ngayon.Pero kaano-ano nito si Sofia? Bakit ito ang kasama ng binata sa engagement party nila ni Dwayne? Nasaan si Maitha? Ah, ewan. Bakit ba niya pag-aaksayahang isipin iyon? Narito siya para sa engagement party nila ni Dwayne, at hindi para pagkaabalahan ang ibang bagay."You two are in
NAGPAALAM si Syrellie kay Dwayne na pupunta lang ng restroom. She wanted to pee. Marami-rami kasi siyang nainom na cocktail drinks, pero hindi naman siya lasing. La Dolce Vita Spritz lang kasi ang ininom niya, mild lang kung tutuusin.She headed towards the restroom, she then peed. Lumabas siya pagkatapos, at akmang babalik na sa VIP lounge ng hotel nang magbago ang isip niya.She wanted to unwind. Gusto niyang mapag-isa, at makapagmuni-muni. Masyado nang marami ang iniisip niya nitong mga nakaraang buwan. Samot-saring alalahanin ang bumabagabag sa kaniya. Magpahanggang ngayon kasi ay tila mabigat pa rin sa loob niya ang nakatakdang pagpapakasal kay Dwayne. Hindi naman sa ayaw niya rito, pero kasi ay hindi niya ito mahal. Hindi naman niya puwedeng bawiin ang ipinangako niya rito. Baka sabihin pa nitong wala siyang isang salita. At isa pa, matutulungan niya hindi lamang si Dwayne na makuha ang mana nito, kundi pati na rin si Lance na makapag-aral sa gusto nitong kur
Hi! Pasensya po at masyadong natatagalan update ng story na 'to. Marami po kasing inaasikaso ang yours truly, pero tatapusin ko po ito. 'Yon nga lang, masyado pong mabagal ang update. :( 'Hope you understand. I'll be updating next week po. That's a promise. :) Salamat po sa kumakalampag sa comment section. Sana 'di niyo po ako awayin sa bagal ng update ko. Hehe!
NGINGISI-NGISING sumulyap si Annedale sa kaniya. Nasa mga mata nito ang panunudyo habang pinaglilipat-lipat ang paningin sa kanilang dalawa ni Dwight. Pagkatapos ng tila gigil na gigil na tinuran ng binata kanina ay agad siya nitong pinaupo sa bakanteng upuan ng inuukopahang cottage. Kahilera nila sina Byron, Yaya Melly at ang dalawang kambal. Katabi niya si Dwight habang nakakandong dito si Kelly. Si Kenjie nama'y napapagitnaan nila ni Yaya Melly. Sa harapan naman nila'y nakaupo sina Lance, Winford, Dwayne at Annedale. Nakakandong kay Dwayne ang anak nitong si Blue Thirdy. Bahagya niyang sinulyapan si Dwight. Hanggang ngayo'y nakakunot-noo pa rin ito, at tila hindi maipinta ang mukha. Ngumingiti naman ito kung kinakausap ni Kelly, pero agad ding nagiging seryoso ang mukha pagkatapos n'on. She sighed. Hindi niya akalaing may ganitong side pala si Dwight. Masyado itong possessive. Hindi niya tuloy maiwasang mapaisip kung gan'on din ba ito kay Maitha dati? "Kain ka na, Syrell. Ma
"MUKHANG nawili kayong mag-usap ng ex-husband mo?" said a cold voice from behind. Awtomatikong napabaling ang paningin ni Syrellie sa nagsalita para lang makita ang nakaismid na mukha ni Dwight. Tumutulo pa sa nasisilayan nitong balikat at dibdib ang tubig mula sa basa nitong buhok. Pinasadahan niya ito nang tingin. N*kahubad-baro ito at tanging trunks lang ang suot. She could see his broad shoulders, down to his hairy chest. Mula roon ay naglakbay ang paningin niya sa nakakapanggigil nitong abs hanggang sa nakaumbok nitong pagkalala... "Sight-seeing, huh? Sabagay, libre naman...lalo na kung ikaw..." She abruptly closed her mouth, saka napalunok. Hindi niya akalaing nakanganga na pala siya habang pinagpapantasyahan ang kumag. Kunwari'y kunot-noo niya itong tinitigan. She wanted to cover up the humiliation she felt. Shit! Baka kung ano pang isipin ni Dwight. Baka isipin nitong lumayo na ang diwa niya kakamasid sa perpektong katawan nito
NAKANGITING pinagmamasdan ni Syrellie ang mga anak habang nagtatampisaw ang mga ito sa tubig-dagat. Nakasampa si Kenjie sa balikat ni Lance, habang si Kelly nama'y sa balikat ni Dwight. Naghahabulan ang mga ito sa kung sino ang mauunang makapunta kay Byron. May premyo raw kasi ang lalaki. Hindi nga lamang niya alam kung ano'ng premyo ang sinasabi nito. Napapailing siya habang natatawang pinagmamasdan ang mga ito. Ang kulit-kulit kasi ni Byron. Atras ito nang atras, kaya naman hindi maiwasang magmaktol ni Kelly. Halos masabunutan pa nito ang ama sa panggigigil. Nakalugay pa man din ang mahabang buhok ng binata, kaya naman tawa siya nang tawa lalo na sa reaksyon ni Dwight sa tuwing masasabunutan ni Kelly. Hindi kasi maipinta ang mukha nito. Marahil ay nasasaktan sa pananabunot ng anak. "Mukhang enjoy na enjoy ka kakamasid sa kanila." Awtomatiko siyang napabaling sa nagsalita. Napangiti siya nang mapagsino iyon. It was Annedale. Kasunod nito si Dwayne n
Hi! Pasensya po kung 'di po ako nakakapag-update mga one week na. May probs lang po talaga at 'di makapag-concentrate. :( But I'll try to update this week po. That's a promise! :) 'Di lang po ako sure kung daily update gagawin ko. Nangangapa po talaga kasi ako ngayon. :( Marami po kasi akong iniisip. Salamat po pala sa mga kumalampag sa comment section. At least, nalaman ko pong may nagbabasa. Hehe! ;) Thank you also to my gem senders, commenters, readers and silent readers, lalo na po sa mga nagbibigay ng ratings. :) Much appreciated! This week po next update ko. :) Thank you and God bless! :)
NAGUGULUMIHANAN si Syrellie sa ikinikilos ni Dwight. Ano ba’ng pinagsasasabi nito? Bakit parang sobrang sweet naman nito sa kaniya ngayon? At ano'ng sinasabi nitong expression of desire and love? May pagmamahal na ba ito sa kaniya? “D-Dwight, why are you telling all these to me? Ibig bang sabihin—” “Mama! Papa!” Magkapanabay silang napabaling ni Dwight sa kambal, kasunod n’yon ay ang awtomatiko niyang paghiwalay sa binata. But Dwighht didn’t allow her, instead he gripped her waist and pulled her closer to his body. Nasa bungad ng pintuan ng kumedor ang kambal, at akay-akay ni Yaya Melly. Hindi pa ang mga ito nakakaligo. Ang gusto kasi niya’y siya ang nagpapaligo sa mga anak kung nasa bahay lang naman siya at walang ginagawa. “Good morning, babies!” nakangiting bati ni Dwight. Pinangko nito si Kelly nang lumapit ito sa ama at nagpakarga. Habang si Kenjie nama’y humalik sa kaniya, saka nito nilapitan ang ama para mahalikan din. That wa
BUHAT sa kinaroroonang silid ay malayang pinagmamasdan ni Dwight si Syrellie na kasalukuyang nasa harden ng mansyon. N*kahubad-baro siya at tanging boxer briefs lamang ang suot. Komportable kasi siyang matulog kung wala siyang saplot sa katawan.Masyado pang maaga pero agad na nagtungo ang dalaga sa harden para diligan ang mga halaman. Mula pa noong nagpapanggap pa lamang siya bilang Dwayne ay napapansin na niyang mahilig ito sa mga halaman, lalo na ang mga namumulaklak.Sa nakalipas na tatlong araw buhat nang kamuntikan nang may mangyari sa kanila ng dalaga sa veranda ay naging maayos naman ang pagsasama nila. Hindi na siya nito inaangilan. Iyon nga lang, hindi pa rin sila nito tabi kung matulog. Sa kuwarto pa rin ng mga anak nila natutulog ang dalaga.God knows how he yearned to cuddle her in his arms while she's asleep. He wanted to kiss her and make love to her, but damn, he couldn't! Ilang gabi na ba siyang nagpipigil para lang hindi ito mapakialaman? He usually sneaked into the t
"OH..." SYRELLIE moaned when she felt Dwight caressed her breasts. Kasabay niyon ay ang tila uhaw na uhaw nitong paghalik sa mga labi niya. Halos mapugto ang hininga niya sa paraan ng paghalik nito. Naroong s*psipin nito ang dila niya at panggigilang kagatin. Pero imbis na masaktan ay tila nasasarapan pa siya sa paraan ng paghalik nito sa kaniya.Naramdaman ng dalagang iginiya siya ni Dwight sa medyo may kalakihang patio table ng veranda. She felt the cold steel of the table on her exposed legs. Maikling shorts lang kasi ang isinuot niya nang mga sandaling iyon. Hindi naman kasi niya akalaing pupunta rin ang binata ng veranda kung saan siya naroon."Ellie..." Dwight mumbled. Saglit nitong pinakawalan ang mga labi niya, he then trailed his lips on her flawless white neck. Habang ang mga kamay ng binata'y malayang sumasamba sa katawan niya–partikular sa magkabila niyang dibdib."Oh... Dwight..." Hindi pa man sila nangangalahati sa ginagawa ay tila sinisilaba
SYRELLIE drew a deep breath. Kasalukuyan siyang nasa veranda ng mansyon at nagmumuni-muni. Hindi siya makatulog. Samot-saring isipin ang inaalala niya nang mga sandaling iyon. Pasado alas-dyes na ng gabi. Alam niyang nahihimbing na ang mga kasama niya sa mansyon, pero heto siya't dilat na dilat pa rin.Alam na niya ang rason ni Dwight kung bakit siya nito ipinagtabuyan noon. Sinabi na nito ang lahat sa kaniya kagabi pagkatapos na makaalis ni Dwayne. Right after Dwight kissed her gently on the lips ay agad silang nagtungo sa veranda. Ikinuwento nito sa kaniya ang lahat-lahat. Mula nang magkaroon ito ng erectile dysfunction, maging sa mga plano nito sa kaniya. He even asked for her forgiveness. Aminado itong mali ito sa pagpapanggap na ginawa para lamang gumaling. Aminado itong hindi dapat siya nito ginamit para sa pansarili nitong interes.Nang pakiramdaman niya ang sarili habang humihingi ito ng tawad ay wala siyang makapang hinanakit rito. Bagkus ay nagpapasalamat