Share

Chapter 13 (Dwight)

Penulis: Heaven Abby
last update Terakhir Diperbarui: 2024-03-13 08:45:39
"S-SIR Dwight?" nanlalaki ang mga matang bulalas ni Syrellie. Bigla ay nawala ang nakapagkit na ngiti sa mga labi niya. Bakit ito ang nasa swivel chair ng boss niya? Unang beses din niya itong nakitang naka-coat and tie with hair tied at the back. And she could say that he was oozing with authority and power. "B-Bakit ikaw ang nandito? Where's Sir Dwayne?" Nagpalinga-linga siya.

"You missed him already, huh!" Dwight sarcastically commented. "Sa tingin mo makakapasok siya ngayon sa tinamo niyang sugat at galos?"

Oo nga naman. Nakakahiya naman kasing magpakita roon si Sir Dwayne. Baka mamaya mapag-tsismisan pa ito ng mga empleyado na nabugbog-sarado ito. Hindi 'gaya ng lalaking nasa harapan niyang halos hindi nga yata halatang pumutok ang mga labi.

"Kung hindi mo ba naman kasi pinuruhan," wala sa sariling aniya. She rolled her eyes.

Naningkit ang mga mata ng binata. Kumibot-kibot ang mga labi nito, pero hindi naman nagsalita. Marahil ay nagpipigil lang itong mabulyawan siya. Naroon kasi
Lanjutkan membaca buku ini secara gratis
Pindai kode untuk mengunduh Aplikasi
Bab Terkunci
Komen (2)
goodnovel comment avatar
Heaven Abby
Thank you for always commenting, Ms. Charie. :) Baka every other day po update ko nito. May probs kasi ngayon si Author. :( 'Di ako makapag-concentrate masyado.
goodnovel comment avatar
Charie Ramos Garcia
hay grabe itong SI Dwight....kunwari pa Galit eh me gsto nman kay syrellie di lang maamin haha... more more update pa po please!!!!!!!!........
LIHAT SEMUA KOMENTAR

Bab terkait

  • CEO's DARKEST SECRET Series   Chapter 14 (Dwight)

    KINABAHAN si Syrellie sa nababanaag sa mga mata ni Dwight. Waring nakita na niya ang ganoong klase ng titig sa mga mata ng binata noong stag party nito kung saan nabuhay rin niya ang pagkalalaki nito.He didn't utter any word. He was just staring at her with full of passion and lusts.Hindi niya tuloy alam kung ano'ng susunod na gagawin. Gusto niyang kumaripas nang takbo, at iwan ito, but she froze while glaring directly at his eyes, too.Hindi rin niya maintindihan ang huli nitong sinabi sa kaniya kanina. Dwight told her two reasons why he hated her, pero hindi malinaw ang pangalawa. Naguguluhan siya.Nagagalit ba ito sa kaniya dahil binubuhay niya ang makamundo nitong pagnanasa? Ano naman ang ikakagalit nito, gayong halos lahat naman ng lalaki ay ganoon? Makakita lang ng sexy at magandang babae ay waring naghuhurumintado na ang nasa pagitan ng mga hita ng mga ito.Naalarma siya nang makitang kumilos ang binata. Akmang lalapit ito sa kan

    Terakhir Diperbarui : 2024-03-15
  • CEO's DARKEST SECRET Series   Chapter 15 (Dwight)

    DWIGHT'S FLASHBACK..."I SWEAR, I'll hunt you day and night if Maitha would cancel our wedding! I'm gonna make your life a living hell!" Puno ng gigil na hinimas ni Dwight ang pisngi ng babaeng kaharap. "I won't forget this fucking face of yours, pervert slut!" Walang lingon-likod niya itong iniwan. Pabalibag niyang isinara ang pinto.Derederetso siya sa parking lot pagkalabas na pagkalabas sa bukana ng kinaroroonang hotel. Agad siyang nagmaneho nang makapasok sa kotse.He was already tipsy. Marami-rami rin siyang nainom na alak kanina, kaya marahil pinatulan niya ang babaeng bayaran na iyon dahil na rin sa espirito ng alak.He heard his cellphone ringing. Agad niya iyong sinagot nang makitang si Maitha ang tumatawag. Ni-loudspeaker na lang niya iyon."Where are you? Bakit ang tagal mo? Are you coming to my condo to explain everything, Dwight?" Hindi pa nga siya nakakapagsalita ay ang sunod-sunod na nitong tanong ang bumungad sa kaniya."Yeah, I'm coming. I'm on my way, hon," masuyo ni

    Terakhir Diperbarui : 2024-03-16
  • CEO's DARKEST SECRET Series   Chapter 16 (Dwight)

    "THANK you for your help, Syrell," ani Dwayne sa kaniya pagkatapos nilang maubos ang pagkain na in-order sa isang high-end restaurant na pinagdalhan nito sa kaniya.She sipped from the glass of wine. Hindi niya alam ang itutugon dito. Iyon kasi ang unang namutawi sa mga labi ng lalaki pagkatapos nilang kumain. Alam niya kung ano ang ipinagpapasalamat nito."S-Sir, honestly, masyado akong naguguluhan sa mga pangyayari. Palala nang palala ang sitwasyon, 'tapos ngayon pa lang tayo nakapag-usap.""I know, Syrell, and I'm sorry kung hindi agad kita kinausap tungkol dito. I admit, it's my fault.""Sir, paano na 'to? Marami nang nakakaalam sa hotel." Hindi niya na lang sinabing maraming nakaalam dahil na rin sa ginawa nito. Panay kasi ang padala nito ng bulaklak sa kaniya."Would you accept my offer, Syrell? I mean, the offer is still there. 'Di pa rin nagbabago. Five million plus five percent of my profit from dad's company once I get my shares

    Terakhir Diperbarui : 2024-03-17
  • CEO's DARKEST SECRET Series   Chapter 17 (Dwight)

    "WHAT a wonderful couple you two make. Congratulations!" Tumingin si Sofia sa kaniya, saka makahulugan nitong binalingan si Dwight na biglang nag-iba ang timplada ng mukha.Tumiim ang bagang ng binata, pero dagli ring nawala. Seryoso ang mukhang bumaling ito kay Dwayne. "Mauunahan niyo pa yata kami ni Maitha."Bahagyang napakunot-noo si Syrellie. Maitha? Parang pamilyar. Tila narinig na niya ang pangalang iyon. Saglit siyang nag-isip. Mayamaya pa'y naalala na niya. Si Maitha ang babaeng nakatakda nitong pakasalan dati. Hanggang ngayon pala ay may relasyon ang dalawa? Sobra nga yata ang pagmamahalan ng mga ito. Dahil kung hindi, tiyak niyang hiwalay na ang mga ito ngayon.Pero kaano-ano nito si Sofia? Bakit ito ang kasama ng binata sa engagement party nila ni Dwayne? Nasaan si Maitha? Ah, ewan. Bakit ba niya pag-aaksayahang isipin iyon? Narito siya para sa engagement party nila ni Dwayne, at hindi para pagkaabalahan ang ibang bagay."You two are in

    Terakhir Diperbarui : 2024-03-17
  • CEO's DARKEST SECRET Series   Chapter 18 (Dwight)

    NAGPAALAM si Syrellie kay Dwayne na pupunta lang ng restroom. She wanted to pee. Marami-rami kasi siyang nainom na cocktail drinks, pero hindi naman siya lasing. La Dolce Vita Spritz lang kasi ang ininom niya, mild lang kung tutuusin.She headed towards the restroom, she then peed. Lumabas siya pagkatapos, at akmang babalik na sa VIP lounge ng hotel nang magbago ang isip niya.She wanted to unwind. Gusto niyang mapag-isa, at makapagmuni-muni. Masyado nang marami ang iniisip niya nitong mga nakaraang buwan. Samot-saring alalahanin ang bumabagabag sa kaniya. Magpahanggang ngayon kasi ay tila mabigat pa rin sa loob niya ang nakatakdang pagpapakasal kay Dwayne. Hindi naman sa ayaw niya rito, pero kasi ay hindi niya ito mahal. Hindi naman niya puwedeng bawiin ang ipinangako niya rito. Baka sabihin pa nitong wala siyang isang salita. At isa pa, matutulungan niya hindi lamang si Dwayne na makuha ang mana nito, kundi pati na rin si Lance na makapag-aral sa gusto nitong kur

    Terakhir Diperbarui : 2024-03-18
  • CEO's DARKEST SECRET Series   Chapter 19 (Dwight)

    "TITO Dwight, thank you for this. I so love it," Euna said while holding the story book he gave her."You're welcome, Euna." Nginitian ni Dwight ang bata, saka ginulo ang buhok nito.Kasalukuyan siyang nasa mansyon ng mga Santiago. Binisita niya ang mga ito. Magmula kasi nang kupkupin niya at dinala sa Spain si Sofia noong nagka-amnesia ito at buntis pa man din ay hindi na ito naging iba sa kaniya. Itinuring na niya itong parang tunay na kapatid. Minsan ay tinutukso sila ng mga kaibigan niya, pero wala lang iyon sa kanila. Pinagseselosan nga rin ito ni Maitha, pero palagi naman niyang sinasabing wala silang relasyon ni Sofia, at pagtinging-kaibigan lang ang turing niya rito.Naaalala pa niya kung paano napunta sa puder niya si Sofia. Kababakasyon lang niya noon galing Spain. Noong gumaling kasi siya at nakalakad muli ay saglit siyang nagpunta ng Spain para asikasuhin ang naiwan niyang negosyo roon. Bigla namang nagkasakit ang kanilang ama ni Dwayne, kaya n

    Terakhir Diperbarui : 2024-03-19
  • CEO's DARKEST SECRET Series   Chapter 20 (Dwight)

    NANLALAKI ang mga matang napatitig si Syrellie kay Dwayne. Hindi niya inaasahan ang sinabi nito. Nakasulat na nga sa kontratang pinirmahan nila na bawal ang sex, pero may gana pa itong bulatlatin iyon hindi pa man nasisimulan ang matrimonya ng kanilang kasal. Ano kayang nakain nito? Mukhang hindi naman ito nagbibiro kung pagbabasehan ang ekspresyon ng mukha nito. Seryoso kasi itong nakatitig sa kaniya.She was about to open her mouth to contradict what he said nang magsimula nang magsalita ang officiant na magkakasal sa kanila. Seryoso silang napabaling sa harapan.The ceremony started. May mga sinasabi at itinatanong ang officiant na tinutugon naman nilang dalawa ni Dwayne.Namalayan na lamang niyang magkaharap na sila ng binata, at isinusuot sa isa't isa ang kani-kaniyang wedding ring. Kasabay rin niyon ay ang pagsasabi ng wedding vow nila.Naunang nagsalita si Dwayne. He stared at her, kaya naman napatitig siya sa mga mata nito."With

    Terakhir Diperbarui : 2024-03-20
  • CEO's DARKEST SECRET Series   Chapter 21 (Dwight)

    KINABUKASAN ay maagang nagising si Syrellie. Nakasanayan na kasi niya iyon simula pagkabata dahil na rin sa klase ng pamumuhay mayroon sila noon. Bawal silang tanghaliin ng gising sapagkat kailangan pa nilang kumayod.Iinat-inat siyang bumangon. Napansin niyang wala sa tabi niya si Dwayne. She roamed her eyes around. Wala rin ito sa couch ng kwarto.She heaved a sigh of relief, saka napangiti. Mabuti naman at hindi ito tumabi sa kaniyang matulog. At least, tumupad pa rin ito sa usapan na bawal ang intimate moments kapag sila lang dalawa.Bumaba siya ng kama. She wore her comfy slippers, she then peered at the wall clock. Pasado alas-kuwatro pa lang. Mamaya na lang siya maliligo. Magluluto muna siya. Hindi naman siguro masamang pakialaman niya ang kusina ni Dwayne. Tutal asawa naman na niya ito, kaya't nararapat lang na pagsilbihan niya ito kahit pa sabihing hindi naman totoo ang pagsasama nila.Itinali muna niya ang buhok, saka derederetso siyang

    Terakhir Diperbarui : 2024-03-21

Bab terbaru

  • CEO's DARKEST SECRET Series   Chapter 61 (Dwight)

    "CAN you please stay, Ellie...please...stay with me," Dwight muttered almost in whisper. Syrellie was caught off guard. Hindi niya alam ang itutugon. Oo, sinabi na sa kaniya ng binata dati na gusto siya nitong pakasalan. But there was more on what he said this time. Tila may kalakip iyong pagsusumamo na hindi lamang dahil sa mga anak nila kung bakit gusto nitong manatili siya sa tabi nito. Was it because he also felt the same way as her? Was it because he loved her, too? "D-Dwight..." Paano niya ba sasabihin ditong mananatili naman siya...mananatili siya hindi lang dahil sa mga anak nila, kundi dahil mahal niya ito, at napatawad na niya ito. She wanted to tell him how much she loved him. Pero natatakot siya. Hindi kasi siya sigurado sa nararamdaman ni Dwight para sa kaniya. Hindi siya sigurado kung mahal na ba talaga siya nito o tawag lang ng laman ang nararamdaman nito sa kaniya. Hindi niya pa rin nakakalimutan ang gabing kamuntikan nang may mangyari sa kanila. Ang mga sinabi ni

  • CEO's DARKEST SECRET Series   Chapter 60 (Dwight)

    "WHAT are we doing here, Dwight?" namamanghang tanong ni Syrellie. Agad niyang inilibot ang paningin sa lugar kung saan siya dinala ng binata. Nasa kabilang daku sila ng dalampasigan. Kung hindi siya nagkakamali ay isa iyong bukal. Malapit kasi sila sa kinaroroonan ng bundok. Sa tantiya niya'y private property iyon. Mukha kasing walang ibang tao roon, kundi sila lamang dalawa. May namataan din siyang nakasulat na "Private Property" sa 'di kalayuan. "Let's go." Dwight held her hand. "Where are we, Dwight? Can't you see it's private property? Baka pagalitan tayo ng may-ari." She didn't receive any response, bagkus ay inakay lamang siya nito paakyat sa mabatong bahagi hanggang sa matunton nila ang pakay. "Wow!" hindi niya napigilang bulalas nang eksaktong makaakyat sila sa tuktok na bahagi niyon. Sa ilalim ng kinaroroonan nila ay ang malinaw na tubig. Mukhang masarap magtampisaw roon. Namamanghang inilibot niya ang paningin. Nasa mga mata niya ang paghanga. "If you wanted to swi

  • CEO's DARKEST SECRET Series   Author's Note

    Hi! Pasensya po at masyadong natatagalan update ng story na 'to. Marami po kasing inaasikaso ang yours truly, pero tatapusin ko po ito. 'Yon nga lang, masyado pong mabagal ang update. :( 'Hope you understand. I'll be updating next week po. That's a promise. :) Salamat po sa kumakalampag sa comment section. Sana 'di niyo po ako awayin sa bagal ng update ko. Hehe!

  • CEO's DARKEST SECRET Series   Chapter 59 (Dwight)

    NGINGISI-NGISING sumulyap si Annedale sa kaniya. Nasa mga mata nito ang panunudyo habang pinaglilipat-lipat ang paningin sa kanilang dalawa ni Dwight. Pagkatapos ng tila gigil na gigil na tinuran ng binata kanina ay agad siya nitong pinaupo sa bakanteng upuan ng inuukopahang cottage. Kahilera nila sina Byron, Yaya Melly at ang dalawang kambal. Katabi niya si Dwight habang nakakandong dito si Kelly. Si Kenjie nama'y napapagitnaan nila ni Yaya Melly. Sa harapan naman nila'y nakaupo sina Lance, Winford, Dwayne at Annedale. Nakakandong kay Dwayne ang anak nitong si Blue Thirdy. Bahagya niyang sinulyapan si Dwight. Hanggang ngayo'y nakakunot-noo pa rin ito, at tila hindi maipinta ang mukha. Ngumingiti naman ito kung kinakausap ni Kelly, pero agad ding nagiging seryoso ang mukha pagkatapos n'on. She sighed. Hindi niya akalaing may ganitong side pala si Dwight. Masyado itong possessive. Hindi niya tuloy maiwasang mapaisip kung gan'on din ba ito kay Maitha dati? "Kain ka na, Syrell. Ma

  • CEO's DARKEST SECRET Series   Chapter 58 (Dwight)

    "MUKHANG nawili kayong mag-usap ng ex-husband mo?" said a cold voice from behind. Awtomatikong napabaling ang paningin ni Syrellie sa nagsalita para lang makita ang nakaismid na mukha ni Dwight. Tumutulo pa sa nasisilayan nitong balikat at dibdib ang tubig mula sa basa nitong buhok. Pinasadahan niya ito nang tingin. N*kahubad-baro ito at tanging trunks lang ang suot. She could see his broad shoulders, down to his hairy chest. Mula roon ay naglakbay ang paningin niya sa nakakapanggigil nitong abs hanggang sa nakaumbok nitong pagkalala... "Sight-seeing, huh? Sabagay, libre naman...lalo na kung ikaw..." She abruptly closed her mouth, saka napalunok. Hindi niya akalaing nakanganga na pala siya habang pinagpapantasyahan ang kumag. Kunwari'y kunot-noo niya itong tinitigan. She wanted to cover up the humiliation she felt. Shit! Baka kung ano pang isipin ni Dwight. Baka isipin nitong lumayo na ang diwa niya kakamasid sa perpektong katawan nito

  • CEO's DARKEST SECRET Series   Chapter 57 (Dwight)

    NAKANGITING pinagmamasdan ni Syrellie ang mga anak habang nagtatampisaw ang mga ito sa tubig-dagat. Nakasampa si Kenjie sa balikat ni Lance, habang si Kelly nama'y sa balikat ni Dwight. Naghahabulan ang mga ito sa kung sino ang mauunang makapunta kay Byron. May premyo raw kasi ang lalaki. Hindi nga lamang niya alam kung ano'ng premyo ang sinasabi nito. Napapailing siya habang natatawang pinagmamasdan ang mga ito. Ang kulit-kulit kasi ni Byron. Atras ito nang atras, kaya naman hindi maiwasang magmaktol ni Kelly. Halos masabunutan pa nito ang ama sa panggigigil. Nakalugay pa man din ang mahabang buhok ng binata, kaya naman tawa siya nang tawa lalo na sa reaksyon ni Dwight sa tuwing masasabunutan ni Kelly. Hindi kasi maipinta ang mukha nito. Marahil ay nasasaktan sa pananabunot ng anak. "Mukhang enjoy na enjoy ka kakamasid sa kanila." Awtomatiko siyang napabaling sa nagsalita. Napangiti siya nang mapagsino iyon. It was Annedale. Kasunod nito si Dwayne n

  • CEO's DARKEST SECRET Series   Author's Note

    Hi! Pasensya po kung 'di po ako nakakapag-update mga one week na. May probs lang po talaga at 'di makapag-concentrate. :( But I'll try to update this week po. That's a promise! :) 'Di lang po ako sure kung daily update gagawin ko. Nangangapa po talaga kasi ako ngayon. :( Marami po kasi akong iniisip. Salamat po pala sa mga kumalampag sa comment section. At least, nalaman ko pong may nagbabasa. Hehe! ;) Thank you also to my gem senders, commenters, readers and silent readers, lalo na po sa mga nagbibigay ng ratings. :) Much appreciated! This week po next update ko. :) Thank you and God bless! :)

  • CEO's DARKEST SECRET Series   Chapter 56 (Dwight)

    NAGUGULUMIHANAN si Syrellie sa ikinikilos ni Dwight. Ano ba’ng pinagsasasabi nito? Bakit parang sobrang sweet naman nito sa kaniya ngayon? At ano'ng sinasabi nitong expression of desire and love? May pagmamahal na ba ito sa kaniya? “D-Dwight, why are you telling all these to me? Ibig bang sabihin—” “Mama! Papa!” Magkapanabay silang napabaling ni Dwight sa kambal, kasunod n’yon ay ang awtomatiko niyang paghiwalay sa binata. But Dwighht didn’t allow her, instead he gripped her waist and pulled her closer to his body. Nasa bungad ng pintuan ng kumedor ang kambal, at akay-akay ni Yaya Melly. Hindi pa ang mga ito nakakaligo. Ang gusto kasi niya’y siya ang nagpapaligo sa mga anak kung nasa bahay lang naman siya at walang ginagawa. “Good morning, babies!” nakangiting bati ni Dwight. Pinangko nito si Kelly nang lumapit ito sa ama at nagpakarga. Habang si Kenjie nama’y humalik sa kaniya, saka nito nilapitan ang ama para mahalikan din. That wa

  • CEO's DARKEST SECRET Series   Chapter 55 (Dwight)

    BUHAT sa kinaroroonang silid ay malayang pinagmamasdan ni Dwight si Syrellie na kasalukuyang nasa harden ng mansyon. N*kahubad-baro siya at tanging boxer briefs lamang ang suot. Komportable kasi siyang matulog kung wala siyang saplot sa katawan.Masyado pang maaga pero agad na nagtungo ang dalaga sa harden para diligan ang mga halaman. Mula pa noong nagpapanggap pa lamang siya bilang Dwayne ay napapansin na niyang mahilig ito sa mga halaman, lalo na ang mga namumulaklak.Sa nakalipas na tatlong araw buhat nang kamuntikan nang may mangyari sa kanila ng dalaga sa veranda ay naging maayos naman ang pagsasama nila. Hindi na siya nito inaangilan. Iyon nga lang, hindi pa rin sila nito tabi kung matulog. Sa kuwarto pa rin ng mga anak nila natutulog ang dalaga.God knows how he yearned to cuddle her in his arms while she's asleep. He wanted to kiss her and make love to her, but damn, he couldn't! Ilang gabi na ba siyang nagpipigil para lang hindi ito mapakialaman? He usually sneaked into the t

Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status