Chapter 89 Ang bawat minuto ng presentasyon ay tila isang oras. Sanay na ako sa ganitong mga sitwasyon—mga negosasyong mabigat, mga kliyenteng mahirap kausapin, at mga proyektong hindi maaaring magkamali. Ngunit ngayon, kakaiba ang tensyon. Siguro dahil alam kong si Anne, ang aking asawa, ang siyang maghahawak ng susi sa tagumpay ng proyektong ito. Nakaupo ako sa dulo ng conference table, tahimik na nagmamasid habang nagsasalita siya. Bilang CEO, kailangan kong maging matatag at pormal, ngunit bilang asawa, alam kong dapat kong itago ang paghanga ko sa kanya. Hindi lang dahil magaling siyang sekretarya, kundi dahil kahanga-hanga ang kanyang kakayahan sa harap ng ganitong sitwasyon. "Anne, ikaw na ang magpapaliwanag," sabi ko, mahigpit ang boses at may pormalidad. Sa ganitong mga oras, wala akong magawa kundi ang maging 'Mr. Dixon,' at hindi ang 'Mahal' na nakasanayan namin sa bahay. Habang nagsimula si Anne sa kanyang bahagi ng presentasyon, hindi ko maiwasang pagmasdan siya. Kit
Chapter 90 Anne POV Kinabukasan, muling bumalik ang nakagawiang takbo ng buhay. Nasa mansyon ako at naghahanda ng umagahan para sa mga kambal habang abala naman si Dixon sa kanyang trabaho sa opisina. Ang mga araw namin ay punong-puno ng responsibilidad, ngunit palaging mahalaga sa akin ang pagsisimula ng araw nang kasama ang mga anak ko. "Mom, nasaan ang lunchbox ko?" tanong ni Sitti, habang hinahanap ang kanyang bag. "Nasa mesa na, anak. Huwag mong kalimutan," sabi ko habang inaayos ang almusal. Si Stanley naman ay abala sa paghahanap ng kanyang sapatos. "Nakita mo ba, Mom? Hindi ko makita ang sapatos ko," pabirong reklamo ni Stanley, na parang sanay na sa kanyang pagiging makakalimutin sa mga gamit. Tumawa ako nang bahagya. "Nasa ilalim ng mesa, gaya ng lagi mong ginagawa," ngiti kong sabi. Nakahanap si Stanley ng dahilan para ngumiti. “Salamat, Mom. Hindi ko talaga alam kung ano ang nagagawa ko kung wala kayo dito," ngiting tugon ni Stanley sa akin. Pagkatapos ng ilang m
Chapter 91 Habang bumibiyahe kami pauwi mula sa restaurant, ramdam ko ang lamig ng gabi sa hangin. Ang mga bituin ay nagbibigay ng kaaya-ayang liwanag, at ang mga kalye ay tahimik, tanging mga ugong ng sasakyan ang maririnig. "Siguro, magandang ideya rin na maglaan tayo ng oras para sa sarili natin, paminsan-minsan," sabi ni Dixon, na tila nag-iisip ng malalim habang naglalakad kami. "Oo, agree ako. Minsan kailangan nating magpahinga mula sa lahat ng trabaho at mag-focus sa mga bagay na nagpapasaya sa atin, mahal!" sagot ko na may ngiti sa labi, habang tinutok ang aking tingin sa mga kalye na aming dinadaanan. Pagdating namin sa bahay, nakita naming tahimik ang paligid. Sigurado kaming mahimbing na natutulog ang kambal dahil sa pagod ito sa kanilang pag-aaral. Sa kabila ng lahat ng pagod, napawi ang stress dahil sa akin nararamdaman at dahil sa pagiging masaya na pamilyang mayroon ako ngayon. "Dad, Mom!" sambit ni Amara sa aming dalawa. "Mauna na po ako sa inyo magpahinga,
Chapter 92 -karugtong "How about this place?" tanong ni Dixon, habang ipinapakita ang isang resort na malapit sa dagat. "Mukhang perfect para sa relaxation. May mga magagandang beach activities at spa services!" wika niya sa akin. Tumingin ako sa larawan ng resort at napansin ang mga paboritong amenities ko. “Mukhang magandang ideya yan, Mahal. Lalo na ang spa services—sana makapag-pamper tayo ng kaunti!" saad ko dito. "Great, it is settled then," sagot niya, na puno ng excitement. "Mag-book tayo ng reservation at planuhin ang mga detalye para makapaghanda na tayo!" masaya niyang bigkas. Matapos ang mahabang oras ng pagpaplano, natapos namin ang mga booking at nakumpleto ang mga detalye para sa aming trip. Ang bawat hakbang ng proseso ay puno ng saya, at nagbigay ito sa amin ng bagong layunin sa kabila ng aming hectic na schedule. Sa hapon, nagpunta kami sa opisina para sa isang seryosong meeting. Habang nagtatanggap kami ng mga updates mula sa mga project managers, ramda
Chapter 93 Dixon POV Maaga akong nagising kinaumagahan dahil ngayon ay kaarawan ng aking mahal na si Anne. Nais kong ipagluto siya ng espesyal na almusal. Linggo ngayon, kaya't plano naming maghanda ng isang sorpresa para sa aming reyna.Si Amara ang inatasan kong maghanap ng magandang restaurant kung saan namin gagawin ang sorpresa para sa kanilang ina. Samantala, ang kambal na sina Stanley at Sitti, na 13 taong gulang pa lamang, ang bahala sa pagpapatawa at pag-intertain upang hindi siya makahalata sa aming plano. Habang abala ako sa kusina, hindi ko maiwasang mapangiti habang iniisip kung gaano kaswerte ako na kasama ko si Anne. Hindi niya alam na may malaking sorpresa kaming inihanda, at tiyak kong magugustuhan niya ito. Pagkatapos kong ihanda ang paborito niyang almusal—omelet na may sariwang gulay at crispy bacon—tinawag ko ang mga bata para sabay-sabay kaming magdala nito sa kwarto. Narinig kong tumatawa na ang kambal sa sala, palatandaan na malapit nang magising si Anne
Chapter 94 Habang nagkakatawanan kami sa sala, biglang bumukas ang pinto, at pumasok si Daniel, kapatid ni Anne, may dalang maraming regalo. Agad kaming nagtinginan ni Anne, habang si Daniel ay ngumiti ng malapad at bumati ng, "Surpresa!" "Daniel!" sigaw ni Anne, agad na tumayo at niyakap ang kanyang kapatid. "Hindi ko akalaing pupunta ka rin!" "Alangan namang hindi," sagot ni Daniel, nakangiti at inabot ang mga dala niyang regalo. "Kaarawan mo, Ate. Alam kong hindi ako puwedeng mawala sa espesyal na araw mo." Nagmamadali siyang inilagay ang mga regalo sa mesa habang kami ay nagsisiksikan para buksan ang mga ito. May mga kahon ng paborito ni Anne na mga luxury skincare items, pabango, at ilang personal na gamit na alam ni Daniel na gustong-gusto niya. Hindi rin nawala ang maliit na kahon na naglalaman ng isang pares ng hikaw na ka-match ng kwintas na ibinigay ko kanina. "Huwag mo sabihing may kasabwat ka rin dito," biro ko kay Daniel habang sinasabi kong hindi ko inaasahan ang da
Chapter 95 Anne POV Nakatitig ako sa cufflinks na hawak ko. Hindi ko inasahan ang regalong iyon mula ama ng aking asawa. Ni minsan ay hindi kami nagkikita ng personal man lang, maliban sa mga anak ko. Ngunit ngayong gabi, tila binago ng pagkakataon ang lahat. Hindi lang ito isang simpleng regalo, para sa akin, isa itong simbolo ng pagtanggap niya bilang isang manugang at asawa sa kanyang kaliwang anak. Napansin ko ang mga titig ng lahat sa akin, at sa kabila ng dami ng tao sa paligid, parang kami na lang ni Papa ang nasa sala. Huminga ako nang malalim at ngumiti. "Salamat, Pa. Hindi ko ito makakalimutan," bulong ko sa sarili ko, bagaman alam kong narinig niya ito. Habang tumutuloy ang gabi, pinagmasdan ko ang mga taong malapit sa akin—si Mama, si Papa David, at ang mga kaibigan ko. Lahat ay masaya at abala sa kani-kanilang pag-uusap. Ngunit sa likod ng ngiti ko, hindi ko maiwasang balikan ang mga nakaraan. Ang lahat ng nangyari sa pamilya namin ay tila nagbabalik ngayon, ng
Chapter 96 "Kayo naman, kambal, Sitti at Stanley? Nabalitaan ko na lagi kayong nangunguna sa klase. Natutuwa ako dahil sa mura ninyong edad na 13 ay marami na kayong natutunan!" bigkas ng ama ni Dixon, habang tinitingnan ang mga bata na nasa sulok ng sala, abala sa kanilang mga laro. Si Sitti at Stanley ay nagtinginan, halatang nahihiya pero sabay na ngumiti. “Salamat po, Lolo!” sabay nilang sagot, ang kanilang mga boses ay puno ng saya at pagmamalaki. “Anong mga subjects ang pinakagusto ninyo?” tanong niya, na may interes sa kanilang mga sagot. “Mathematics po!” sabik na sagot ni Stanley. “Gusto ko kasi yung mga puzzle at problem-solving.” “Sa akin naman po, Science!” ani Sitti, masigla. “Lagi akong naiintriga sa mga eksperimento at kung paano gumagana ang mga bagay.” “Magandang mga pili, mga apo. Ipagpatuloy niyo lang ang inyong mga pag-aaral. Ang kaalaman ay kayamanan na hindi ninyo mawawala,” payo ng ama ni Dixon. “Balang araw, magiging malaking bagay ang mga natutunan
Chapter 114 The Final Makalipas ang ilang buwan, naging opisyal na ang "Anne’s Light Foundation". Sa araw ng paglulunsad, napuno ng mga tao ang event hall—mga bata, magulang, at mga kaibigan. Si Amara, sa kanyang simple ngunit eleganteng damit, ay tumayo sa entablado, hawak ang mikropono. Iba na ang kanyang aura ngayon—matatag, puno ng kumpiyansa, at may bagong pag-asa. "Mahal ko si Mom," panimula ni Amara, nagpipigil ng emosyon. "Hindi madaling mawalan ng isang magulang, lalo na kapag sila ang ilaw ng iyong buhay. Pero natutunan ko na ang ilaw na iyon ay puwedeng ipasa sa iba—sa mga batang nangangailangan ng gabay at pagmamahal." Tumingin siya sa akin mula sa entablado, at alam ko na ang susunod na sasabihin niya ay hindi lamang para sa mga tagapakinig, kundi para rin sa aming. "Ang "Anne’s Light Foundation" ay hindi lamang para kay Mom, kundi para sa lahat ng mga batang nawalan ng magulang, upang ipakita na hindi sila nag-iisa. May pag-asa, at may mga taong handang mag-ab
Chapter 113 Dixon POV Habang pinagmamasdan ko ang proyektong inilunsad ng aming mga anak bilang alaala sa kanilang yumaong ina, si Anne, dama ko ang saya at pagmamalaki habang nakikita ko ang kanilang mga ngiti. Ngunit sa kabila ng mga ngiting iyon, hindi pa rin naitatago ng kanilang mga mata ang lungkot, lalo na ni Amara, ang aming panganay, na lubos na naapektuhan sa pagkawala ng kanyang ina. Samantala, ang dalawang kambal ay abalang masayang nakikipag-usap sa kanilang mga kakilala. Si Sitti, na likas na masayahin, ang laging nagbibigay liwanag at ngiti sa amin. Sa kabilang banda, ang kanyang kakambal na si Stanley ay mas malalim mag-isip at laging may malawak na pag-unawa sa mga nangyayari sa paligid. Siya ang nagiging sandigan namin, habang si Amara, mula nang pumanaw ang kanyang ina, ay naging mas seryoso at mas nagtuon sa lahat ng bagay. Si Amara ang pinakaapektado sa pagkawala ng kanyang ina. Mula noon, bihira ko na siyang makitang ngumiti. Naging seryoso ito sa trabaho
Chapter 112 Stanley POV Ang araw na iyon ay puno ng kalungkutan, ngunit habang naglalakad kami palayo sa libingan ni Mom, isang pakiramdam ng responsibilidad ang bumalot sa akin. Si Sitti at ako, kami ang natitirang mga anak, at sa aking puso, alam kong kailangan kong maging haligi ng pamilya. Kailangan kong ipakita ang lakas, hindi lamang para sa sarili ko kundi para sa kanila. Habang naglalakad, nahulog ang aking tingin sa lupa. Ang mga alaala ni Mom ay bumabalik—ang mga tawa niya, ang mga payo sa buhay, at ang mga simpleng sandaling kasama siya. Saksi ako sa kanyang lakas sa kabila ng lahat ng pagsubok na hinarap niya. Pero ngayon, ang tanong ay; 'Paano ko siya mapapangalagaan sa kabila ng kanyang pagkawala?' “Stanley,” sabi ni Sitti, lumingon siya sa akin. “Anong iniisip mo?” “Iniisip ko kung paano natin maipagpapatuloy ang lahat ng ipinaglaban ni Mom,” sagot ko. “Kailangan nating ipagpatuloy ang kanyang mga pangarap.” Ngumiti siya ng mahina. “Oo, para kay Mom. Pero pa
Chapter 111 Sitti POV Ang araw ng paglilibing ni Mommy Anne, ay isa sa pinakamabigat na araw sa buhay ko. Sa kabila ng lahat ng nangyari, may mga bagay na tila hindi ko matanggap. Habang nakatayo ako sa tabi ng kanyang puntod, ramdam ko ang bigat ng bawat pagkilos at salita. Ang bawat mukha sa paligid ay nagdadala ng sariling kwento ng sakit at pagkawala, ngunit sa akin, ang sakit ay mas malalim. Nakita ko si Ate Amara sa tabi ng aming ama, hawak ang mga kamay nito, at alam kong kahit gaano kalalim ang kanyang sakit, nariyan pa rin ang katatagan sa kanyang puso. Pero sa akin, parang isang bagyong dumaan—wala akong nakitang liwanag. Ang lahat ng alaala namin ni Mom ay nagiging ulap sa aking isipan, parang mga larawan na unti-unting naglalaho. “Bakit ganito, Mom?” bulong ko sa sarili habang nakatingin sa hukay. “Bakit kailangan mo pang umalis?” Luminga-linga ako sa paligid, tila hinahanap ang sagot sa mga mata ng mga tao. Wala. Sila rin ay nababalot ng lungkot. Nakita ko ang m
Chapter 110 Amara POV Bata pa lang ako, alam ko na espesyal si Mom. Hindi lang dahil sa palaging mainit ang mga yakap niya o masarap siyang magluto—iba siya. Palagi niyang pinaparamdam sa amin na mahalaga kami, na kahit anong mangyari, andiyan siya para sa amin. Pero habang lumalaki ako, napansin kong unti-unti siyang nagbabago—ang mga ngiti niya, kahit totoo, ay may halong lungkot. Ngayon, alam ko na ang dahilan. Noong una kong nalaman na may sakit si Mom, hindi ako makapaniwala. Palagi kong iniisip na magiging masaya at buo ang pamilya namin magpakailanman. Hindi ko lubos naisip na maaaring mawala siya. Pero nang makita ko siyang humihina, doon ko napagtanto ang katotohanan. Napakahirap tanggapin na hindi lahat ng bagay sa mundo ay permanente. Sabi nga ni Mom noon, "Ang buhay ay parang isang libro—may simula at may katapusan, pero mahalaga kung paano natin isinusulat ang mga pahina." Nang mas maramdaman ko ang bigat ng kanyang sitwasyon, mas naging malinaw sa akin kung gaano s
Chapter 109 Dixon POV Wala nang mas masakit pa sa pag-alam na unti-unti nang nawawala ang pinakamamahal mong tao. Ang mga simpleng bagay na dati kong hindi pinapansin—ang mga ngiti ni Anne, ang kanyang mga kwento, ang kanyang mga yakap—ngayon ay nagiging kayamanang mahirap bitawan. Alam kong hindi ako handa, at kahit anong gawin ko, hindi ko siya kayang pigilan. Simula nang malaman ko ang tungkol sa sakit ni Anne, nag-iba ang pananaw ko sa buhay. Ang bawat araw, bawat sandali, ay tila binibilang ko na. Lahat ng ginagawa namin ay parang may halong lungkot, kahit na sinisikap kong gawing masaya ang mga natitirang araw namin bilang isang pamilya. Isang umaga, habang nasa veranda si Anne at nagmumuni-muni, pinanood ko siya mula sa loob ng bahay. Ang tahimik niyang pagmamasid sa mga ulap ay parang isang paalala na ang bawat sandali ay mahalaga. Hindi ko mapigilang mapaluha. Hindi ko gustong ipakita sa kanya ang takot ko, pero hindi ko na kaya ang bigat ng nararamdaman ko. Lumapit
Chapter 108 Anne POV Masaya ako na kasama ko ang aking mahal sa buhay—ang aking asawa, si Dixon, at ang aming tatlong anak. Bawat halakhak ni Amara, ang aming panganay, ay nagbibigay ng kakaibang saya sa aking puso. Sa kabila ng kanilang paglaki, nananatili ang respeto ng kambal, sina Sitti at Stanley, sa kanilang nakatatandang kapatid. Nakikita ko sa kanilang lahat ang mga mabubuting tao sa hinaharap—mga anak na magpapasaya sa amin ni Dixon. Sa kabila ng kahinaan ng aking katawan, hindi ko ito pinapahalata. Ayaw kong mag-alala sila sa akin. Pinili kong itago ang aking sakit upang hindi sila mag-alala o magdalamhati. Alam ko na ang aking oras ay limitado. Ngunit sa bawat araw, sinusulit ko ang bawat sandali, ginugugol ang natitirang oras kasama ang mga pinakamahalaga sa aking buhay. Sa bawat ngiti ni Dixon, ramdam ko ang kanyang pagmamahal. Hindi man niya diretsong sabihin, alam kong nararamdaman niyang may mali sa akin. Minsan, mahuhuli ko siyang nakatingin nang matagal, ti
Chapter 107 Sitti POV Mula nang magdesisyon kaming umuwi, ang puso ko ay puno ng excitement. Hindi ko maikakaila ang ligaya na dala ng muling pagkikita sa aming pamilya. Habang ako’y natutulog, naisip ko ang mga alaala ng aming kabataan—mga picnic, beach trips, at mga bonding moments na kasama ang aming mga magulang at kapatid. Pagkagising ko sa umaga, sabik akong nag-ayos ng mga gamit. “Stanley, anong oras tayo aalis para sa beach trip?” tanong ko, habang nag-aayos ng mga swimsuit at towels. “Siguro mga alas-dos, para hindi masyadong mainit,” sagot niya. Habang nag-aalmusal, pinagmamasdan ko ang aming mga magulang na masayang nag-uusap. Ang kanilang ngiti at tawanan ay nagbibigay ng init sa aking puso. “Gusto ko sanang ilabas ang mga lumang litrato natin mamaya, para balikan ang mga alaala,” mungkahi ko. “Magandang ideya yan! Masaya siguro ‘yun,” tugon ni Mom, sabik na naghahanap ng mga album. Matapos ang almusal, nagsimula na kaming maghanda para sa beach. Ang mga bata, tula
Chapter 106 Stanley POV Mula nang nag-video call kami ng aming mga magulang, puno ng saya at excitement ang aming puso. Nais naming surpresahin sila sa aming pagbabalik sa Pilipinas. Ang mga alaala ng mga pamilya namin ay nagbibigay ng inspirasyon sa amin, at ang mga plano namin ay unti-unting bumubuo. “Stanley, excited na ako! Kailangan nating maging maayos ang lahat,” sabi ni Sitti habang nag-aayos ng aming mga kagamitan sa suitcase. “Oo, dapat tayong maging tahimik tungkol dito. Gusto kong makita ang kanilang mga mukha kapag nakita nila tayo,” tugon ko, punung-puno ng kagalakan. Habang nag-iimpake, naisip ko ang mga bagay na nais naming ipahayag sa aming mga magulang. Matagal na rin kaming wala sa Pilipinas, at ang pagkakataong ito ay tila isang regalo. Ang mga pagmamahal at alaala mula sa mga nakaraang taon ay muling bumabalik sa akin. “Anong mga pasalubong ang gusto mong dalhin?” tanong ni Sitti habang naglalagay ng mga damit. “Baka magdala tayo ng mga sweets at del