Share

Chapter 6- continue in Manila

Chapter 6

Iminulat ko ang aking mga mata nang biglang tumunog ang aking phone kaya agad ko itong tinignan kung sino ang tumatawag.

Bf-C Calling! ! !

"Hello!" paos kong wika dito.

" Hoy, natutulog ka pa ba, babae? 6 pm na 'ha!" sagot agad ni Celyn sa akin. Kaya agad kong inilayo ang aking phone sa aking tainga upang makita ko ang oras.

Mabilis kong tinignan ang oras sa phone ko at saka bumuntong-hininga muna ako bago nagsalita muli.

"Napasarap ang tulog ko, salamat sa pagtawag at paggising mo sa akin. By the way, bakit mo ako tinatawag?" tanong ko agad sa kabilang linya.

"Checking lang, wag magluto kasi BH ang dala ko, hehehehe!" sabay hagikhik nito sa kanilang linya.

"Sige, anong oras ka uuwi?" tanong ko dito.

Agad naman itong sumagot sa aking tanong. "Ten (10) pm!" laglag ang panga ko sa kanyang sagot.

"Ano ka ba, Celyn!" kunwaring nagmaktol kong sabi. "Umuungol na ang alagang dragon ng tiyan ko na si Celyn, kapag ten (10) pm kapa uuwi!" dagdag kong sabi.

Alam ko na biro lang -yun ni Celyn kaya sinakyan ko ang kanya biro. "We'll be there around 7:30 pm," tugon n'ya sa akin.

"Siguraduhin mo girl, ikakalat ko ang tsismis na umihi ka ng panty sa kolehiyo!" pananakot ko dito.

"Hoy! Okay, I'll be there by 7 pm, sige magpapaalam na ako sa aking Boss. Okay, bye!" sambit nito na parang nagdadalawang isip pang magsalita.

"Okay, bye, ingat ka!" tanging tugon ko.

Ibinaba ko ang telepono at saka agad akong tumayo para ayusin ang mga gamit ko sa closet. Hindi nagtagal ay natapos na ko na ang pag-aayos ng lahat na gamit ko ay umupo muna ako sa kama upang makapag-pahinga ng kaunti.

Tiningnan ko ang oras sa phone, six-trirty 6:30 pm na pala. Kaya agad naman akong tumayo at lumabas ng kwarto, na hindi alam ang aking gagawin, pumunta ako sa kusina para i-marinate ang lulutuin ko bukas ng umaga. Inilabas ko ang manok at beef, at agad kong sinimulan ang aking gawain.

Pagkatapos, inilagay ko ang marinated na ulam sa isang transparent na lalagyan at inilagay ito sa refrigerator bago linisin ang kalat. Hindi nagtagal ay din akong natapos kaya pumunta ako sa sala para manood ng TV.

Habang naghihintay sa aking kaibigan. Hindi ko maiwasang humanga sa isang matagumpay na negosyanteng nagngangalang Dixon Stanley Floyd na, sa murang edad, ay nakapagsimula ng sariling negosyo.

"Ang swerte mo, kahit mayaman ang mga magulang mo, may sarili ka pa ring negosyo. Ang swerte ng magiging asawa mo!" komento ko habang nakikinig sa balita.

"Hmm, parang maraming babae ang konektado sayo. Tsk! Kawawa naman ang magiging asawa mo kung hindi ka magtutuwid."

Saka pailing-iling ang aking ulo at iniba ko ang channel dahil bigla nalang ako nakaramdam ng paninikip ng aking dibdib sa narinig ko sa balita. Sa pag-ikot ko sa mga channel, sa wakas ay nakita ko ang paborito kong cartoon, sina Tom at Jerry. Nakatuon ang aking mata sa panonood at pagtawa na lang ako mag-isa, na ikinagulat ko nang may biglang nagsalita ng malakas sa aking tainga.

" Nasa bahay ako!"

"Ay, kabayong malaking itlog!" tumalon pa ako sa sofa. Pero tinawanan lang ako ni Celyn kaya sinamaan ko ito ng tingin. Tumigil ito sa pagtawa at saka iniabot sa akin ang dala niyang pagkain. Mabilis kong kinuha iyon at pumunta sa kusina para ihain.

Pagkatapos kong ihain ay tinawagan ko ito para kumain pero busog na busog daw sya, kaya sa huli ako na lang ang kumain.

Nang matapos ay naghugas na ako ng pinggan at pumunta sa sala dahil may balak kaming pumunta sa dating tirahan ni Celyn para kunin ang mga gamit nito.

Hindi nagtagal ay agad kaming nakarating sa tinitirhan dati ni Celyn.

"Hoy Celyn, bakit ngayon ka lang" tanong ng isang binata habang nakatingin sa akin.

"Ay, oo nga kasi dumiretso kami sa bago kong tirahan!" sagot naman ni Celyn dito.

"Oh, I see, by the way, sino yang kasama mo?" tanong nito kay Celyn.

"Siya?" sabay turo sa akin. " Kaibigan ko pero may asawa at anak yan!" ngising wika nito.

Na ikinakamot sa ulo ng binata dahil sa sinabi ni Celyn kaya agad akong nakasinagot.

" Naku, akala ko nakita ko na ang para sa akin!" wika nito.

Napakamot na lang ako ng ulo at sinulyapan si Celyn. Naintindihan naman niya ko kung ano ang nais kong iparating, kaya dali-dali kaming umalis at pumasok sa isang gate, ito siguro ang apartment na tinutuluyan nito.

"Pasok ka Anne, maupo ka lang dyan, kukunin ko lang mga gamit ko!" sabi ni Celyn.

"Tutulungan na lang kita, para mabilis matapos!" tugon ko.

" Sigurado ka ba?" sambit nito.

"Syempre naman," agad kong sagot.

"Okay, para mabilis akong matapos!"

Kaya agad kaming umakyat sa itaas upang simulan na ang pagligpit sa gamit nito. Nasa kalagitnaan kami ng pagliligpit ay biglang tumunog ang phone nito, kaya sinagot nito ni Celyn saka ni loudspeaker ito kaya narinig ko ang taong nagsasalita doon.

"Hello!" bati sa aking kaibigan.

"Nasaan ka?" tanong agad sa kabilang linya.

Napahinto ito sa kanyang liligpit dahil hindihindi sa taong tumawag at mukhang hindi inaasahan na tatawag ang Boss nito sa kanya, kaya napatingin sa akin at tumawa.

"Boss, ikaw pala!" sagot nito.

"Where are you, woman?" tanong nito nanparang galit pa.

"Andito ako sa dati kong apartment, Boss! Bakit Boss?" tanong naman ni Celyn dito.

Pero agad rin kami ng tingnan dahil walang sumagot doon tanging 'tot tot tot' lang ang aming narinig.

"Tingnan mo ang bastos ng lalaking 'yon. Tsk!" usal ni Celyn kaya agad akong napataas ng kilay sa inasta nilang dalawa.

"Baka may ginawa kang kasalanan sa kanya kaya ganoon lang -yun!" sabi ko dito saka pinapatuloy ang pagliligpit.

"Wala 'ha!" sagot nito agad kaya agad ko itong tiningnan kong magsasabi ba ito ng totoo.

Ngunit agad din iyong umiwas ng tingin kaya agad akong nagduda sa kanya pag-iwas ng tingin. Alam ko na ayaw n'ya sabihin sa akin kong anong ginawa nya kaya nanahimik na lang ako.

Hanggang nagsalita ako. "Celyn may ipagtapat ako sayo?" sabi ko dito.

"Ano -yun?" tanong n'ya agad sa akin.

"Nakipag six ako sa taong hindi ko kilala!" pagtatapat ko dito.

"Anooo!?"

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status