Chapter 12 Dixon POV Nagpahilot lang ako sa aking sentido ng nakita ko ang tambak na papeles sa aking table ni hindi naka arrange ang mga ito. Dagdag pa ang isang linggo akong walang tulog dahil sa paghahanap ng babaing nakasiping ko noong nakaraang linggo. Napapikit lang ako upang pakalmahin ang aking sarili at maalis ang babae nag lalaro sa aking isipan. Kahit na hindi ko maaninag ang kanyang mukha dahil sa kalasingan ay hindi hadlang upang malanghap ko ang kanyang amoy na hinahanap ko. Ang kanyang init na aking sinasabikan. "Ahhh, fuck! fuck! fuck!" sigaw ko. " Ms. Tuazon!" tawag ko dito. Ang magaling kong secretary na walang alam kundi maglandi. Ilang beses ko na ito ginalaw dito sa loob ng opisina ko. "Yes, Sir!" pang-akit nitong sabi. Ang kanyang ay mukha ay puno ng make-up at makapal na lipstick. Nakabukas ang dalawang butones sa damit nito at alam ko sinasadya. Habang papalapit ito sa akin na may pang-akit na tingin at puno ng pagnanasa. Pero hindi ito umipekto s
Chapter 13 Hanggang sa makarating kami sa VIP room at agad itong binuksan ang pintuan, bumungad sa aking ang apat na taong nasa loob ay natahimik at tumingin sa aking kanang kamay kaya't napa-kunot ang noo ko sa kanilang reaksyon. "Ah, sir, yung kamay ko po!" bulong ng aking secretary, kaya't agad kong naintindihan kung bakit sila natahimik at nakatingin akin. " Ehemm," tikhim ko. "Magandang araw sa inyong lahat, paumanhin at na-late kami ng dating," sabi ko sabay hila ng upuan at pinapaupo ko ang aking secretary na kanilang harapan saka ako umupo tabi ng aking secretary. "Mag-umpisa na tayo!" wika ko. Kaya't nag-usap kami tungkol sa business proposal nila, pinag-aralan ko ng mabuti ang kanilang sinasabi hanggang sa matapos ang aming meeting. " Salamat sa oras, Mr. CEO, mauna na kami," tanging tango lang ang aking sagot at nakita ko ang aking bagong sekretarya na inaayos ang mga papeles na kalat sa lamesa at pati na rin ang mga pinagkainan namin ay inayos niya. Napangiti ak
Chapter 14Anne POVNapakamot lang ako sa aking noo kung magpapaalam ba ako o hindi. 'Magpaalam ka, Anne! Baka kung hindi nagpaalam baka bukas sisante kana,' usal sa aking isip. "Hay, bahala na!" kaya agad akong kumatok upang magpaalam. Buti na lang ay good mode ang bago kong amo kaya agad nya akong pinayagan ngunit inutusan nya muna akong ipagtimpla sya ng coffee. Kaya agad kong sinunud ang kanyang utos pagkatapos kong mag timpla ay agad akong bumalik saka nilapag at umalis agad. Hanggang nakapasok ako sa elevator at agad din dumating sa lobby. Buti na lang at di na gaano karami ang nga employees nagsilabasan dahilan upang tuloy-tuloy ang labas ko. Pero hindi makaligtas sa aking paningin ang apat na kalakihan tumingin sa akin at parang nagtutulakan pa sila. Ngunit hindi ko na lang sila pinansin hanggang nakita ko si Manong agad akong nagpapaalam dito saka pumara ng taxi upang magpahatid sa subdivision kung saan ako nakatira. Habang nasa loob ako ng taxi ay hindi ko pa rin lubos
Chapter 15 Dixon POV Maaga akong pumunta sa aking kompanya dahil susunduin ko ang aking ina sa Airport mamayang 10 am. "Good morning, sir!" Bati ng mga employees habang dumadaan ako sa kanilang harapan, pero hindi ko ito pinansin habang ng lalakako ay may nahagip sa aking mga mata nag-umpukan na mga empleyado kong lalake at babae na humahanga sa bagong dating. Habang tumingin sa may entrance kaya agad akong lumingon at doon nakita ko agad ang aking bagong secretary na ikina-hanga ko sa kanyang suot kaya hagyang napa awang ang aking bibig. Sino ba namang hindi hahanga sa bago kong secretary, bukod na maganda na paka sexy pa ito lalo't isang hapit sa katawan ang suot nito at kitang-kita ang hubog nitong katawan. Napakuyom ang aking kamao naiinis aki sa nag bigay nitong uniform mas lalo akong naiinis nang may lumapit ditong lalake sa tingin ko ay nasa accountant department ito. Kaya agad ko itong tinawag upang hindi malapitan ng sinumang lalaking magtangkang magpakilala d
Chapter 16 Anne POV Pagkatapos akong hinatid nina Celyn at sa boss nito ay agad akong bumaba at nagpasalamat. Habang naglalakad ako ay maraming tumitingin sa akin kaya naiilang ako sa kanilang tingin. Hanggang may biglang nag salita at malamig na boses. Kaya agad akong lumingon pagtingin ko ay ang bago kong amo pala. Nagsasalita itong pagalit kaya agad akong namutla. Dahil hindi ko alam kong may nahawa ba akong mali, nanlalamig ako dahil sa paraan na pagtitig at para akong natutunaw at parang gusto nya akong sakalin o anuman. Hanggang tinawag nya ang aking pangalan kaya nag dali dali akong sumunod sa kanya. Iwan ko ba nakakatakot kaya ang mukha nya kung isa syang hayop ay naisasatulad ko sya sa isang Leon na handang lumapa sa akin. Bago pa naisara ang elevator ay nag iwan pa ito ng pababala sa kanyang employees. 'Nako mahirap palang galitin ito dahil kong magagalit ito sure ako bukas taob ang kaldero mo,' usal ko sa aking isip. Napa sulyap ako sa gawi ng aking amo, napa s
Chapter 17 Dixon POV Pagkatapos kong sunduin ang aking ina ay dumiritso kami sa mansyon namin, para agad itong makapahinga dahil bukas ay may pupuntahan daw kami at kailangang ay kasama ako. "Don't forget tomorrow, son!" pagpa-alala nya sa akin. "Mom! Ihahatid lang kita doon sa iyong puntahan bukas, dahil marami akong ginagawa sa office," bigkas ko. "No son, kailangan sumama ka sa akin dahil ipakilala ko sa iyo ang iyong magiging asawa. In the future," seryosong sabi nya sa akin. " What? Mom, sabi ko sayo na ayaw ko na pakialam ang aking buhay, at ayaw ko na diktahan ako kung sino ang maging kasama ko habang buhay," inis kong sabi dito. " Ako pa rin ang masusunod dito Dixon Stanley Flod, dahil anak lang kita at ayaw kong matulad ka sa iyong mga kaibigang na mga hampas lupa lang ang inaasawa," singhal nyang sabi sa akin. "Kaba nakalimutan mo rin mom, kung saan ka galing o ipaalala ko sayo na galing ka rin sa hirap. Hindi ka yayaman kung hindi ka nakita ni dad o min
Kabanata 18 Dahil sa aking inis sa aking ina, bumalik ako sa pagkahiga at pinikit ko ang aking mga mata. Bumalik sa aking alaala kung paano kami'y nagsaya lalo't sumunod ang dalawang kaibigan naming sina Klaus at Skyler. Napatingin ako sa aking relos pagkatapos kong idilat ang aking mga mata. "Fuck!" agad kong sinabi dahil alas diyes na pala. Kaya agad kong tinawagan ang aking sekretarya, tatlong ring lang ay agad niya itong sinagot. "Hello!" sagot sa kabilang linya. "Miss. Anne! Makinig ka sa aki—," hindi ko matapos ang aking sasabihin dahil bigla na lang ito nagsasalita na may halong inis ang boses. "Sir, buti na lang at napatawag kayo, naku sir, may dalawang babae dito na nag-aaway, at may isang babae na nagtanong kung nasaan kayo, naku sir, nagkagulo dito, nasaan po ba kayo sir, kanina pa nila ako pinagtataasan ng boses dahil nagalit sila ng pinalabas ko sa loob ng opisina n'yo,sir. Bigla na lang silang pumasok sa loob na kaya pinalabas ko agad kaya nagalit sa akin," i
Chapter 19 Anne POV Nainis siya sa mga babae na nagkukumahog sa kanyang boss. Habang naglalakad ako magulo ang kanyang isipan hanggang sa makarating ako sa akin mesa at mag-ayos. Doon lang niya nakita nang maayos ang kanyang hitsura. "Mga buang, hindi talaga sila maganda. Pangit pa ang mukha, may makeup pa na parang inaplayan ng harina," inis kong bigkas. Ito ang aking sinasabi habang sinusuklay ang aking buhok gamit ang aking daliri. Hanggang sa maging seryoso ako sa aking ginagawa na hindi natapos dahil sa mga nangyayari. "Tsk! Iniwan tuloy ang trabaho ko. Mga hayop, dinamay pa nila ako sa kanilang landi trabaho. Hindi landi ang layunin ko dito. Mga buang," padabog kong inayos ang nagkalat sa aking lamesa. Hindi ko alam na naririnig pala ako ng mga kaibigan ng aking boss. Napansin ko na may tumikhim sa aking harapan kaya umangat ang aking ulo at doon nakita ko si sir Casper. Kaya't agad akong tumayo at nagbigay galang. "Magandang umaga po, Sir Casper at sa inyo rin,
Chapter 114 The Final Makalipas ang ilang buwan, naging opisyal na ang "Anne’s Light Foundation". Sa araw ng paglulunsad, napuno ng mga tao ang event hall—mga bata, magulang, at mga kaibigan. Si Amara, sa kanyang simple ngunit eleganteng damit, ay tumayo sa entablado, hawak ang mikropono. Iba na ang kanyang aura ngayon—matatag, puno ng kumpiyansa, at may bagong pag-asa. "Mahal ko si Mom," panimula ni Amara, nagpipigil ng emosyon. "Hindi madaling mawalan ng isang magulang, lalo na kapag sila ang ilaw ng iyong buhay. Pero natutunan ko na ang ilaw na iyon ay puwedeng ipasa sa iba—sa mga batang nangangailangan ng gabay at pagmamahal." Tumingin siya sa akin mula sa entablado, at alam ko na ang susunod na sasabihin niya ay hindi lamang para sa mga tagapakinig, kundi para rin sa aming. "Ang "Anne’s Light Foundation" ay hindi lamang para kay Mom, kundi para sa lahat ng mga batang nawalan ng magulang, upang ipakita na hindi sila nag-iisa. May pag-asa, at may mga taong handang mag-ab
Chapter 113 Dixon POV Habang pinagmamasdan ko ang proyektong inilunsad ng aming mga anak bilang alaala sa kanilang yumaong ina, si Anne, dama ko ang saya at pagmamalaki habang nakikita ko ang kanilang mga ngiti. Ngunit sa kabila ng mga ngiting iyon, hindi pa rin naitatago ng kanilang mga mata ang lungkot, lalo na ni Amara, ang aming panganay, na lubos na naapektuhan sa pagkawala ng kanyang ina. Samantala, ang dalawang kambal ay abalang masayang nakikipag-usap sa kanilang mga kakilala. Si Sitti, na likas na masayahin, ang laging nagbibigay liwanag at ngiti sa amin. Sa kabilang banda, ang kanyang kakambal na si Stanley ay mas malalim mag-isip at laging may malawak na pag-unawa sa mga nangyayari sa paligid. Siya ang nagiging sandigan namin, habang si Amara, mula nang pumanaw ang kanyang ina, ay naging mas seryoso at mas nagtuon sa lahat ng bagay. Si Amara ang pinakaapektado sa pagkawala ng kanyang ina. Mula noon, bihira ko na siyang makitang ngumiti. Naging seryoso ito sa trabaho
Chapter 112 Stanley POV Ang araw na iyon ay puno ng kalungkutan, ngunit habang naglalakad kami palayo sa libingan ni Mom, isang pakiramdam ng responsibilidad ang bumalot sa akin. Si Sitti at ako, kami ang natitirang mga anak, at sa aking puso, alam kong kailangan kong maging haligi ng pamilya. Kailangan kong ipakita ang lakas, hindi lamang para sa sarili ko kundi para sa kanila. Habang naglalakad, nahulog ang aking tingin sa lupa. Ang mga alaala ni Mom ay bumabalik—ang mga tawa niya, ang mga payo sa buhay, at ang mga simpleng sandaling kasama siya. Saksi ako sa kanyang lakas sa kabila ng lahat ng pagsubok na hinarap niya. Pero ngayon, ang tanong ay; 'Paano ko siya mapapangalagaan sa kabila ng kanyang pagkawala?' “Stanley,” sabi ni Sitti, lumingon siya sa akin. “Anong iniisip mo?” “Iniisip ko kung paano natin maipagpapatuloy ang lahat ng ipinaglaban ni Mom,” sagot ko. “Kailangan nating ipagpatuloy ang kanyang mga pangarap.” Ngumiti siya ng mahina. “Oo, para kay Mom. Pero pa
Chapter 111 Sitti POV Ang araw ng paglilibing ni Mommy Anne, ay isa sa pinakamabigat na araw sa buhay ko. Sa kabila ng lahat ng nangyari, may mga bagay na tila hindi ko matanggap. Habang nakatayo ako sa tabi ng kanyang puntod, ramdam ko ang bigat ng bawat pagkilos at salita. Ang bawat mukha sa paligid ay nagdadala ng sariling kwento ng sakit at pagkawala, ngunit sa akin, ang sakit ay mas malalim. Nakita ko si Ate Amara sa tabi ng aming ama, hawak ang mga kamay nito, at alam kong kahit gaano kalalim ang kanyang sakit, nariyan pa rin ang katatagan sa kanyang puso. Pero sa akin, parang isang bagyong dumaan—wala akong nakitang liwanag. Ang lahat ng alaala namin ni Mom ay nagiging ulap sa aking isipan, parang mga larawan na unti-unting naglalaho. “Bakit ganito, Mom?” bulong ko sa sarili habang nakatingin sa hukay. “Bakit kailangan mo pang umalis?” Luminga-linga ako sa paligid, tila hinahanap ang sagot sa mga mata ng mga tao. Wala. Sila rin ay nababalot ng lungkot. Nakita ko ang m
Chapter 110 Amara POV Bata pa lang ako, alam ko na espesyal si Mom. Hindi lang dahil sa palaging mainit ang mga yakap niya o masarap siyang magluto—iba siya. Palagi niyang pinaparamdam sa amin na mahalaga kami, na kahit anong mangyari, andiyan siya para sa amin. Pero habang lumalaki ako, napansin kong unti-unti siyang nagbabago—ang mga ngiti niya, kahit totoo, ay may halong lungkot. Ngayon, alam ko na ang dahilan. Noong una kong nalaman na may sakit si Mom, hindi ako makapaniwala. Palagi kong iniisip na magiging masaya at buo ang pamilya namin magpakailanman. Hindi ko lubos naisip na maaaring mawala siya. Pero nang makita ko siyang humihina, doon ko napagtanto ang katotohanan. Napakahirap tanggapin na hindi lahat ng bagay sa mundo ay permanente. Sabi nga ni Mom noon, "Ang buhay ay parang isang libro—may simula at may katapusan, pero mahalaga kung paano natin isinusulat ang mga pahina." Nang mas maramdaman ko ang bigat ng kanyang sitwasyon, mas naging malinaw sa akin kung gaano s
Chapter 109 Dixon POV Wala nang mas masakit pa sa pag-alam na unti-unti nang nawawala ang pinakamamahal mong tao. Ang mga simpleng bagay na dati kong hindi pinapansin—ang mga ngiti ni Anne, ang kanyang mga kwento, ang kanyang mga yakap—ngayon ay nagiging kayamanang mahirap bitawan. Alam kong hindi ako handa, at kahit anong gawin ko, hindi ko siya kayang pigilan. Simula nang malaman ko ang tungkol sa sakit ni Anne, nag-iba ang pananaw ko sa buhay. Ang bawat araw, bawat sandali, ay tila binibilang ko na. Lahat ng ginagawa namin ay parang may halong lungkot, kahit na sinisikap kong gawing masaya ang mga natitirang araw namin bilang isang pamilya. Isang umaga, habang nasa veranda si Anne at nagmumuni-muni, pinanood ko siya mula sa loob ng bahay. Ang tahimik niyang pagmamasid sa mga ulap ay parang isang paalala na ang bawat sandali ay mahalaga. Hindi ko mapigilang mapaluha. Hindi ko gustong ipakita sa kanya ang takot ko, pero hindi ko na kaya ang bigat ng nararamdaman ko. Lumapit
Chapter 108 Anne POV Masaya ako na kasama ko ang aking mahal sa buhay—ang aking asawa, si Dixon, at ang aming tatlong anak. Bawat halakhak ni Amara, ang aming panganay, ay nagbibigay ng kakaibang saya sa aking puso. Sa kabila ng kanilang paglaki, nananatili ang respeto ng kambal, sina Sitti at Stanley, sa kanilang nakatatandang kapatid. Nakikita ko sa kanilang lahat ang mga mabubuting tao sa hinaharap—mga anak na magpapasaya sa amin ni Dixon. Sa kabila ng kahinaan ng aking katawan, hindi ko ito pinapahalata. Ayaw kong mag-alala sila sa akin. Pinili kong itago ang aking sakit upang hindi sila mag-alala o magdalamhati. Alam ko na ang aking oras ay limitado. Ngunit sa bawat araw, sinusulit ko ang bawat sandali, ginugugol ang natitirang oras kasama ang mga pinakamahalaga sa aking buhay. Sa bawat ngiti ni Dixon, ramdam ko ang kanyang pagmamahal. Hindi man niya diretsong sabihin, alam kong nararamdaman niyang may mali sa akin. Minsan, mahuhuli ko siyang nakatingin nang matagal, ti
Chapter 107 Sitti POV Mula nang magdesisyon kaming umuwi, ang puso ko ay puno ng excitement. Hindi ko maikakaila ang ligaya na dala ng muling pagkikita sa aming pamilya. Habang ako’y natutulog, naisip ko ang mga alaala ng aming kabataan—mga picnic, beach trips, at mga bonding moments na kasama ang aming mga magulang at kapatid. Pagkagising ko sa umaga, sabik akong nag-ayos ng mga gamit. “Stanley, anong oras tayo aalis para sa beach trip?” tanong ko, habang nag-aayos ng mga swimsuit at towels. “Siguro mga alas-dos, para hindi masyadong mainit,” sagot niya. Habang nag-aalmusal, pinagmamasdan ko ang aming mga magulang na masayang nag-uusap. Ang kanilang ngiti at tawanan ay nagbibigay ng init sa aking puso. “Gusto ko sanang ilabas ang mga lumang litrato natin mamaya, para balikan ang mga alaala,” mungkahi ko. “Magandang ideya yan! Masaya siguro ‘yun,” tugon ni Mom, sabik na naghahanap ng mga album. Matapos ang almusal, nagsimula na kaming maghanda para sa beach. Ang mga bata, tula
Chapter 106 Stanley POV Mula nang nag-video call kami ng aming mga magulang, puno ng saya at excitement ang aming puso. Nais naming surpresahin sila sa aming pagbabalik sa Pilipinas. Ang mga alaala ng mga pamilya namin ay nagbibigay ng inspirasyon sa amin, at ang mga plano namin ay unti-unting bumubuo. “Stanley, excited na ako! Kailangan nating maging maayos ang lahat,” sabi ni Sitti habang nag-aayos ng aming mga kagamitan sa suitcase. “Oo, dapat tayong maging tahimik tungkol dito. Gusto kong makita ang kanilang mga mukha kapag nakita nila tayo,” tugon ko, punung-puno ng kagalakan. Habang nag-iimpake, naisip ko ang mga bagay na nais naming ipahayag sa aming mga magulang. Matagal na rin kaming wala sa Pilipinas, at ang pagkakataong ito ay tila isang regalo. Ang mga pagmamahal at alaala mula sa mga nakaraang taon ay muling bumabalik sa akin. “Anong mga pasalubong ang gusto mong dalhin?” tanong ni Sitti habang naglalagay ng mga damit. “Baka magdala tayo ng mga sweets at del