Chapter 58: Tuba/Lambanog Challenge Kina hapunan ay naghanda na ang lamesa sa labas, may kasama pa itong pulutan na tinatawag nilang nilagpang na manok. Bago sa paningin ko ang naturang pagkain, pero mukhang masarap naman. Sa amoy pa lang ay masasabi mong masarap ito. Hanggang may dumating na apat na kalalakihan na may dalang apat na galon. Pinagwalang-bahala ko lang ito hanggang nilagay nila ito sa mesa kung saan ang pulutan. Habang tinitingnan ko ito, nakita kong may lumalabas na bula. Siguro ay isa iyong dishwashing liquid. Hanggang tinawag na ako ng aking future biyenan na nakaupo sa mesa. Kahit nagtataka ako, pinuntahan ko pa rin ito hanggang nagsalin siya sa baso, puno, at binigay iyon sa akin. "Sandali lang, Mr. Santi, ano'ng gagawin ko sa dishwashing liquid na ito at bakit iba ang amoy?" tanong ko. Nakita kong nagpipigil siya ng tawa kaya napakunot ang noo ko. Balak ba nila akong lasunin? "Wag kang mag-alala, Mr. Flyod, dahil hindi 'yan lason," sagot niya. Nagsalin di
Chapter 59 November 12, birthday na ng aking anak at kasal din namin. Sinadya ito ng aking mahal para isahan na daw ang handa kaya lahat ng nasa Barangay ay imbitado. Siyempre, ang mga kaibigan ko at ang aking daddy na ngayon ay naka-sakay pa rin sa de-gulong na upuan pero malapit na daw itong makatayo. Nagpa-lechon ako ng sampu at anim ang nilapa, tatlong baka. Gusto ni Anne na simple lang pero gusto kong bumawi sa anak ko kaya sumang-ayon lang ito. Maganda ang paligid, bilib din ako sa mga taga-Bohol dahil lahat sila ay nagtutulungan. Kaya kahapon pa lang ay tapos na ang pagdekorasyon sa paligid. Mga taga-Bohol lang din ang nagprisintang magluto kaya wala akong pinuproblema. Ngayon ay ready na lahat. "Son, congratulations sa'yo. Sana ay mahal mo ng buo ang iyong asawa at anak o mga anak. Gusto ko ng maraming apo, son. Maibibigay mo ba 'yun?" "Opo naman, Dad. Malakas kaya ito," sabay turo sa aking alaga na ikinahagalpak nito ng tawa. Hanggang bumukas ang pinto at pumasok sina
Chapter 61 Amara, happy birthday, anak. Mahal na mahal kita," sabi ko habang nakangiti. "Salamat din sa inyong lahat na nandito ngayon. Ang inyong presensya ay sobrang halaga sa amin," dagdag ni Anne. "Ngayon, oras na para sa cake!" sigaw ng host. Agad na dinala ang malaking cake na may dekorasyong bulaklak at mga kandila. "Amara, halika rito at mag-wish ka na," sabi ko habang kinakalong si Danica. Nakangiti si Amara habang hinihipan ang mga kandila. "Happy birthday, Amara!" sigaw ng lahat. Pagkatapos ng cake cutting, bumalik ang lahat sa kanilang mga upuan at nagpatuloy ang kasiyahan. Habang nagmamasid ako, nakita ko si Casper na kausap ang kaibigan ni Anne. Mukhang seryoso ang kanilang usapan pero masaya akong makita na ginagawa niya ang lahat para ayusin ang kanyang problema. Lumapit si Klaus sa akin, "Mukhang maayos na ang lahat, Dixon. Proud kami sa'yo." "Salamat, Klaus. Hindi ko magagawa ito kung wala kayo," sagot ko. "Alam mo, kahit na anong mangyari, nandito
Chapter 62 Nagkatinginan kami ni Anne at agad na lumapit kay Celyn. "Ano bang nangyari, Celyn?" tanong ni Anne habang hinahaplos ang likod ng kaibigan. "Nakatanggap ako ng mga banta nitong mga nakaraang araw. Akala ko hindi nila tutuparin, pero kanina, may mga lalaking pumasok sa bahay at sinabing kukunin nila kami ng anak ko," umiiyak na sabi ni Celyn. Napatingin ako kay Casper na halatang nagulat at hindi makapaniwala sa kanyang naririnig. "Celyn, umupo ka muna. Kailangan nating malaman ang buong kwento," sabi ko habang tinutulungan siyang umupo sa isang upuan. "Casper, kailangan nating tumawag ng pulis," sabi ni Anne habang hinahanap ang kanyang telepono. "Sandali lang," sabi ni Casper habang lumalapit kay Celyn at sa kanyang anak. "Celyn, hindi ko alam na ganito ang nangyari. Patawarin mo ako," sambit ni Casper. Nagtaka si Celyn at napatingin kay Casper. "Casper, andito ka pala? Akala ko ba'y babalik kana sa Manila?" sabi niya habang umiiyak. "Sasabay na lang ako sa
Chapter 63 Anne POV Fast Forward Kasalukuyan akong naglalakad sa kompanyang pinagtatrabahuan ko noon, pero ngayon ay may kaibahan na. Dati ay isa lang akong sekretarya ni Dixon Stanley Floyd; ngayon ay Mrs. Floyd na ako. Bawat madaanan kong empleyado ng aking asawa ay binabati ako. Kahit hindi ako sanay, nginingitian ko sila. Mag-iisang taon na ang aming kasal ngayon at apat na taong gulang na ang panganay namin. Ngayon ay unang anibersaryo namin kahit na nahihirapan akong maglakad dahil buntis ako sa kambal na lalaki. Gusto ko lang siyang makita kaya pinuntahan ko siya, hindi niya alam na pupuntahan ko siya. Kasalukuyan akong nasa elevator at nakasabay ko ang dati kong kasamahan. Nag-uusap kami hanggang tinanong niya kung ilang buwan na ang pagbubuntis ko kaya agad ko itong sinagot na pitong buwan na. "Sige, dito lang ako, Anne," sabi nito saka lumabas ng elevator. Nagpatuloy ako sa aking pupuntahan hanggang makarating ako sa opisina ni Dixon. Agad kong nakita ang kanyang s
Chapter 64 Nagising ako sa ingay na naririnig ko. Tinanong nila si Dixon kung anong nangyari sa mukha niya dahil may bakas ng kamay doon. Hindi ko muna binuksan ang aking mga mata; gusto kong marinig ang mga sagot ng aking asawa. "Nasampal po, Ma," sagot ni Dixon. "Ano? Sino ang nagsampal sa'yo?" tanong ni Mama. "Si Anne, Ma. Ewan ko ba, bigla na lang niya akong sinampal nang ginising ko siya dahil nanaginip ata at pinagmumura pa ako. Ako daw ang dahilan kung bakit nawala ang kambal," paliwanag ni Dixon. "Ah, baka masama ang kanyang panaginip," sabi ni Mama. Bahagya akong umungol para mabaling ang kanilang atensyon sa akin. "Hmmmm..." "Anak, gising ka na pala," sabi ni Mama. "Misis ko, may gusto ka bang kainin? Sandali at kukuha ako ng makakain para sa'yo," alok ni Dixon. "Ipag-hain mo siya ng mainit na sabaw, anak," utos ni Mama kaya dali-dali itong umalis para bumili ng pagkain ko. "Kumusta ang pakiramdam mo, anak?" tanong ni Mama. "Okay lang po ako, Ma. Medyo m
Chapter 65 Dixon POV Lumipas ang mga buwan at agad naming bininyagan ang kambal. Pinangalanan namin sila na John Stanley at John Sitte. Ang mga kinuha naming ninang ay sina Kesya, Alexa, at Celyn af Heart. Samantalang ang mga ninong ay sina Klaus, Skyler, Casper, at Ryan. Ngunit hindi umuwi si Kesya dahil ayaw niyang makita si Skyler. Ang hindi alam ni Skyler ay buntis muli si Kesya nang umalis ito sa bansa. Sa araw ng binyag, nagsimula ang seremonya sa simbahan. Habang naglalakad kami papunta sa altar, naramdaman ko ang kakaibang saya at pagmamalaki. Ang aking mga anak ay bininyagan na, at sa wakas, nakumpleto na ang aming pamilya. Pagkatapos ng seremonya, nagtipon-tipon kami sa isang maliit na pagtitipon para ipagdiwang ang okasyon. Masaya ang lahat, ngunit napansin ko ang kawalan ni Kesya. Alam kong may dahilan siya, pero hindi ko maiwasang mag-alala. Habang abala ang lahat sa pakikipag-usap at pagbati, lumapit sa akin si Alexa. "Dixon, alam mo ba kung bakit hindi umuwi si
Chapter 66 "Oo, Anne. Nakakatuwa na makita ang lahat ng mga kaibigan at pamilya na nagtitipon-tipon para sa binyag ng kambal," sagot ko. "Nakakatuwa rin na makita ang suporta nila para kay Skyler at Kesya. Sana ay maayos na nila ang lahat," sabi ni Anne. "Oo, sana nga. Kailangan nilang mag-usap at ayusin ang kanilang mga problema para sa kanilang anak," sagot ko habang hinahawakan ang kamay ni Anne. Tahimik kaming nagmuni-muni ng ilang sandali, nagpapahinga mula sa mahabang araw. Alam kong marami pa kaming haharapin, pero sa bawat pagsubok, kasama ko si Anne at ang aming kambal na anak, at iyon ang pinakamahalaga sa lahat. "Anne, salamat sa lahat ng suporta mo. Hindi ko magagawa ang lahat ng ito kung wala ka," sabi ko habang tinitingnan siya sa mga mata. "Salamat din, Dixon. Magkasama nating haharapin ang lahat ng pagsubok. Para sa ating pamilya at alam ko na kaya-kanyang mo lampasan ang lahat na mga ito," sagot ni Anne habang niyayakap ako. Habang yakap-yakap ko si Ann