Chapter 44 Anne pov Habang andito ako sa loob ng aking kwarto ay malalim akong mag-iisio ng mga bagay-bagay hanggang napag disesyonan ko na lang na magbihis. Dahil aalis muna ako pupunta sa OB-Gyne para sa monthly check-up naming ni baby upang isahan lamang ang labas ko sa bahay at di-diritso na lamang ako sa aking tina-trabahuan. Pagkatapos kong mag-bihis ay agad akong umalis sa bahay naglakad lang ako papunta sa gate dahil hindi naman kalayuan ito sa tinitirhan ko. Pagdating ko sa may gate ay agad akong binigyan ng snacks ang mga guard. Pagkatapos ay ang guard na mismo kumuha ng taxing sasakyan ko. Hindi nagtagal ay agad nan itong nakakuha pero nagtataka lamang ako dahil ang driver ng taxi noong sinakyan ko ay ito rin ang aking driver pero binawalang bahala ko na lamang ito. Sinabi ko sa driver na sa clinic ni Dr. Chavez. Agad naman itong pinatakbo hindi nagtagal ay agad kaming nakarating sa may clinic kaya agad aking nagbayad dito saka lumabas. Habang naglalakad ako pa
Chapter 48 Anne POV Paglabas ko nakita ko si Manong sa labas na parang hinihintay akong makalabas. Ningitian ko ito na parang walang nangyari man lang. "Iha, okay ka lang ba?" tanong niya sa akin na nag-alala. "Sinaktan ka ba nila?" dagdag nitong tanong. "Okay lang po ako, Manong. Salamat sa pagmalasakit mo," ngiti kong sambit. "Wag kang mag-alala, iha! Naniwala akong hindi mo magawa iyong. Sa loob ng tatlong buwan mong pagtatrabaho dito ay nakita ko kung anong klase kang tao. Sadyang may mga taong nakaka-angat sa atin na apak-apakan lamang tayo upang maging lalong makapangyarihan," malungkot nitong sabi. "Tama kayo, Manong. Pero hindi ako magpapa-api sa kanila, pero sa ngayon ay aalis muna ako dito. At sa mag krus muli ang aming landas ag sisiguraduhin kong lahat na kanilang ginawa ay pagbabayaran nila ng double," mahinahon pero may madiin na salitang binitiwan ko. "Mag-iingat ka palage, iha!" malungkot na sabi ni manong sa akin. Saka ako tuluyan na naglakad, ng
Chapter 49 Kinabukasan, maaga akong gumising dahil maghahanap ako ng trabaho para sa panganganak ko. Agad akong lumabas ng bahay at naglakad patungo sa labasan. Hindi nagtagal, may dumaan na taxi. Siguro ay doon din ito nakatira kaya dali-dali ko itong pinara. Nagpasalamat na lang ako dahil walang sakay. Pagkasakay ko, agad kong sinabi kung saan ako papahatid. "Sa Ayala City Mall po, kuya!" sabi ko sa driver. "Okay po, ma'am," sagot ng driver. Hindi nagtagal, dumating din kami doon. Binayaran ko ang pamasahe saka ako lumabas ng taxi. "Kakain muna tayo, anak, ha?" sabi ko sa sarili ko, habang iniisip ang aking dinadala. Pumasok ako sa isang fast food at nag-order ng makakain. Pagkatapos, naghanap ako ng mauupuan. Buti na lang at may nakita akong bakante kaya agad akong nagtungo doon at umupo. Nakatanaw ako sa labas ng glass wall at kita ko ang mga tao at sasakyan na dumadaan. "Here’s your order, ma'am," bigkas ng crew. "Thank you," sagot ko. "Welcome, ma'am," tugon niya. Ha
Chapter 50Someone's POV"Boss, nagawa na namin ang inyong inuutos. Nasa bahay na siya at ngayon ay sinusubaybayan namin lahat ng lakad niya. Kasalukuyan siyang kumakain sa isang fast food," sabi ni Jonas."Very good, Jonas. Sabihin mo sa kasama mo na gawin ang lahat para hindi mahanap ni Mr. Flod ang apo ko. At ang nagtangka sa apo ko ay bigyan mo ng leksyon na hindi nila malilimutan," utos ng boss."Copy, boss.""Kontakin mo si Lady Red. Sabihin mo na mag-report siya sa opisina ko.""Yes, boss.""By the way, Jonas, sabihin mo kay Angel na i-grocery niya si Anne at ipapadala ko ang ating OB-GYN na doktor para sila ang mag-alaga sa apo ko sa tuhod.""Copy, boss."Pagkatapos nilang mag-usap ng kanyang boss, agad niyang tinawagan ang kanyang partner na si Dark Angel, o a.k.a Angel."Hello, asawa ko," agad nitong sagot sa tawag ko."F*** you, Dark," sagot ko dito."Oh, I like it. Gusto ko hard ha," malandi nitong sabi."Umayos ka dyan, babae.""Ito naman, di mabiro. Alam mo naman na bori
Chapter 51Anne POVSobrang blessed ako dahil may mga taong tumulong sa akin, lalo na ang KAHITAS-AN na hindi ako pinabayaan sa pamamagitan ng mga taong nakapaligid sa akin at handang tumulong nang walang kapalit. Dalawang araw na pala ang lumipas mula noong kausapin ko ang aking Mama at sinabi ko ang aking kalagayan. Pati si Celyn ay tinawagan ko rin.FlashbackKinakabahan ako, hindi ko alam kung paano ko sasabihin ang kalagayan ko. Bahala na, kailangan na malaman niya na okay lang ang aking kalagayan.Ring ring ring."Hello?" sagot sa kabilang linya."Ma!" tanging bigkas ko lang."Anak, bakit ngayon ka lang tumawag? Asan ka ngayon? Tumawag si Celyn na umalis ka raw sa inyong tinitirhan na bahay," tanong ng aking ina."Ma, nasa private subdivision ako, S at T subdivision, at huwag kang mag-alala dahil okay lang ako. Nawala ako sa trabaho ko, Nay, dahil hindi ko na matiis ang mapagmata-pobreng ina ng amo ko. Pinag-usapan nila ako ng mga kwentong hindi totoo," sumbong ko dito.Biglang
Chapter 52Ina ni AnneAnnette's POV"Anak, Daniel!" tawag ko sa aking bunsong anak. "Hatid muna kita sa condo mo anak, bago ako pumunta sa lolo mo," mahinahon kong sabi."Ayos lang po ba, Ma?" sagot niya agad sa akin. "Na hindi kita samahan doon sa pupuntahan mo?" paninigurong tanong niya sa akin."Ayos lang anak, at saka ayaw ko na makita mo kung ano ang mga nasa paligid doon," pagpapaliwanag ko."Sige po, pero mag-ingat ka doon Ma, ha!?" wika nito."Oo naman anak," ngiti kong tugon.Hindi nagtagal ay nahatid ko na siya sa condo. Ito ay condo ko noong nag-aaral ako. Hindi ko ito ibinenta dahil dito ako minsan umuuwi galing sa trabaho hanggang nagpakasal ako.Hindi alam ng aking ama na may sarili akong condo kahit na ang aking asawa noon ay walang alam. Ang aking ama ay isang lider ng organisasyon na Dark Dragon at isa itong Mafia Lord. Kaya ako umalis at tinangay ko ang aking dalawang anak dahil ayaw kong maranasan ang gulo ng buhay.Nawalan na ako ng isang anak kaya ayaw kong mawal
Chapter 53Anne POVFast forwardTatlong taon na ang lumipas mula nang malampasan ko ang lahat ng mga pagsubok sa buhay ko. Ngayon ay tatlong taong gulang na rin ang aking anak, si Amara Grace. Siya ang nagbibigay sa akin ng lakas ng loob upang harapin ang hamon sa buhay. Alam ko na rin kung nasaan ang aking ama at nalaman kong may lolo pa pala ako. Laking tuwa ko nang malaman ko na may kakambal pala akong si Anna, na nakita ni Celyn sa isang restaurant matapos ang mahabang panahon.Ngayon ay nagtatrabaho ako bilang isang katiwala sa bar, at isa akong manager doon. Kasalukuyan ko ngayong tinatawagan si Miss Heart. Ilang ring pa lang ay sinagot na niya agad ang tawag."Hello Anne, may problema ba?" tanong niya agad sa akin."Wala naman, pero ipagpaalam ko lang sa iyo na last performance mo na ngayon sa bar," sabi ko."Ay oo nga pala, Anne. Buti at pinaalam mo. Ahhmmm, pwede ba akong humingi ng pabor? Pwede mo ba akong i-order ng pagkain? Nagugutom kasi ako," wika niya."Oh, akala ko ba
Chapter 54Dixon POVTatlong taon ko nang hinahanap ang dati kong secretary. Lahat ng magagaling na imbestigador at agent ay hindi siya matagpuan. Sabi nila ay may humaharang sa mga impormasyon.Andito kami ngayon sa isang bar. Sa tingin ko ay matagal na itong binuksan, maraming tao, karamihan ay mga lalaki. Hanggang may pumunta sa stage para tawagin ang magpe-perform. Doon ako napatingin bigla dahil ang babaeng matagal ko nang hinahanap ay dito ko lang pala makikita. Tinitigan ko siya, at mas lalo pa siyang gumanda. Hanggang tinawag ang magpe-perform sa stage. Lumabas ang isang babae na nakapagpukaw sa matigas na puso ng aming kaibigan. Hanggang nakita ko na tumabi siya kay Kesya. So magkakilala sila ni Kesya. Agad naman kaming pumunta sa pwesto nila. Nakita ko na bahagyang nagulat si Anne at nakatingin sa akin, biglang umiwas ng tingin. Hindi ko siya tinantanan ng tingin, baka mawala na naman siya. Hanggang natapos kumanta ang nagpapatibok sa puso ni Ryan at pumunta ito sa aming pwe