Chapter 55 Isang linggo na ang lumipas mula noong huli kong nakita ang mag-iina ko. Andito ako sa isang mataas na puno, ina-ambush ang sinasakyan nina Casper, Klaus, at ang aming pinuno na si Ryan, ang aming Mafia Boss at matalik na kaibigan. Narinig ko sa earpiece ko na may binaril si Ryan at sapol ang noo. "Walang hiya ka talaga, Boss. Shooter ka talaga, sapol sa noo," bigkas ni Klaus. "Tsk!" maikling sagot ni Ryan. Napansin ko ang kumikislap na bagay, kaya agad akong pumiwesto at inayos ang AWP (sniper). Sinilip ko ito sa telescope at nakita ko ang isang sniper sa taas ng puno. Wala akong inaksayang oras, agad kong kinalabit ang gatilyo kaya sapol sa noo at bumagsak ito. Ngumiti ako. "Ayon!" sambit ni Casper. "Binabawi ko na, Boss. Si Dixon pala ang shooter, pati bahay-bata ni Anne ay sapol, hahaha!" tawa ni Casper sa kabilang linya. "Gg..." maikling sagot ko sa earpiece. May dinugtong pa sila at kinitawa ko na lang. "Pero tinakasan at tinaguan, hahaha!" pang-aasar
Chapter 56 Paglapag pa lang sa naturang pribadong lapagan ng airplane ni Klaus, kinakabahan na ako. Mas kinakabahan pa ako kaysa noong sinampahan ko ng kaso sina Patricia. Kaya hate na hate ni Ryan ang pangalang Patricia dahil magkapangalan sila ng ex ni Ryan. Umalis ito at nangakong babalik upang magpakasal sila, ngunit mukhang malabo nang mangyari dahil may dumating na babaeng nakalaan kay Ryan na si Heart, na siyang nagpalambot sa pusong bato nito. "Andito na tayo, Tol. Bukas ng umaga mo na lang sila puntahan," sabi ni Klaus sa akin, pero naalala ko na Bohol lang ang sinabi ni Heart. "Hindi pala natin nakuha ang eksaktong address," ani ko dito. Natigilan ito sa pagbaba sa sinabi ko hanggang bumaling ito sa akin. "Wala ka bang tiwala sa akin? Ako kaya ang pinaka-talino sa inyong lahat," sabi ni Klaus, na isa palang hacker. Kaya tumango lang ako at sumang-ayon sa sinabi niya. "Bukas mo na lang sila puntahan. Doon muna tayo sa bahay ko magpahinga. Dahil mahabang suyuan 'to, Tol.
Chapter 57 "Mommy, siya ba talaga ang daddy ko? Walang halong biro?" tanong ng anak namin kay Anne, na may halong pagtataka at pag-aalinlangan sa kanyang boses. Tumango si Anne, pilit na ngumingiti sa kabila ng kanyang mga luha. "Oo anak, siya ang daddy mo," sagot niya. Lumapit ang anak namin sa akin, hawak-hawak ang kamay ni Anne. "Daddy, bakit ngayon ka lang dumating?" tanong niya, na halos mapaiyak na rin ako sa kanyang inosenteng tanong. "Anak, maraming nangyari pero nandito na ako ngayon. Pangako, hindi na ako aalis at lagi na kitang kasama," sagot ko, habang niyayakap siya ng mahigpit. Nakita kong unti-unting lumambot ang ekspresyon ni Anne. Alam kong mahirap para sa kanya ang lahat ng ito, pero umaasa akong mabibigyan niya ako ng pagkakataong itama ang mga pagkakamali ko. "Anne, alam kong mahirap itong lahat para sa'yo. Pero handa akong gawin ang lahat para mapatawad mo ako at para maging buo ulit ang pamilya natin," sabi ko habang tinitingnan siya sa mata. "Bigyan
Chapter 58: Tuba/Lambanog Challenge Kina hapunan ay naghanda na ang lamesa sa labas, may kasama pa itong pulutan na tinatawag nilang nilagpang na manok. Bago sa paningin ko ang naturang pagkain, pero mukhang masarap naman. Sa amoy pa lang ay masasabi mong masarap ito. Hanggang may dumating na apat na kalalakihan na may dalang apat na galon. Pinagwalang-bahala ko lang ito hanggang nilagay nila ito sa mesa kung saan ang pulutan. Habang tinitingnan ko ito, nakita kong may lumalabas na bula. Siguro ay isa iyong dishwashing liquid. Hanggang tinawag na ako ng aking future biyenan na nakaupo sa mesa. Kahit nagtataka ako, pinuntahan ko pa rin ito hanggang nagsalin siya sa baso, puno, at binigay iyon sa akin. "Sandali lang, Mr. Santi, ano'ng gagawin ko sa dishwashing liquid na ito at bakit iba ang amoy?" tanong ko. Nakita kong nagpipigil siya ng tawa kaya napakunot ang noo ko. Balak ba nila akong lasunin? "Wag kang mag-alala, Mr. Flyod, dahil hindi 'yan lason," sagot niya. Nagsalin di
Chapter 59 November 12, birthday na ng aking anak at kasal din namin. Sinadya ito ng aking mahal para isahan na daw ang handa kaya lahat ng nasa Barangay ay imbitado. Siyempre, ang mga kaibigan ko at ang aking daddy na ngayon ay naka-sakay pa rin sa de-gulong na upuan pero malapit na daw itong makatayo. Nagpa-lechon ako ng sampu at anim ang nilapa, tatlong baka. Gusto ni Anne na simple lang pero gusto kong bumawi sa anak ko kaya sumang-ayon lang ito. Maganda ang paligid, bilib din ako sa mga taga-Bohol dahil lahat sila ay nagtutulungan. Kaya kahapon pa lang ay tapos na ang pagdekorasyon sa paligid. Mga taga-Bohol lang din ang nagprisintang magluto kaya wala akong pinuproblema. Ngayon ay ready na lahat. "Son, congratulations sa'yo. Sana ay mahal mo ng buo ang iyong asawa at anak o mga anak. Gusto ko ng maraming apo, son. Maibibigay mo ba 'yun?" "Opo naman, Dad. Malakas kaya ito," sabay turo sa aking alaga na ikinahagalpak nito ng tawa. Hanggang bumukas ang pinto at pumasok sina
Chapter 61 Amara, happy birthday, anak. Mahal na mahal kita," sabi ko habang nakangiti. "Salamat din sa inyong lahat na nandito ngayon. Ang inyong presensya ay sobrang halaga sa amin," dagdag ni Anne. "Ngayon, oras na para sa cake!" sigaw ng host. Agad na dinala ang malaking cake na may dekorasyong bulaklak at mga kandila. "Amara, halika rito at mag-wish ka na," sabi ko habang kinakalong si Danica. Nakangiti si Amara habang hinihipan ang mga kandila. "Happy birthday, Amara!" sigaw ng lahat. Pagkatapos ng cake cutting, bumalik ang lahat sa kanilang mga upuan at nagpatuloy ang kasiyahan. Habang nagmamasid ako, nakita ko si Casper na kausap ang kaibigan ni Anne. Mukhang seryoso ang kanilang usapan pero masaya akong makita na ginagawa niya ang lahat para ayusin ang kanyang problema. Lumapit si Klaus sa akin, "Mukhang maayos na ang lahat, Dixon. Proud kami sa'yo." "Salamat, Klaus. Hindi ko magagawa ito kung wala kayo," sagot ko. "Alam mo, kahit na anong mangyari, nandito
Chapter 62 Nagkatinginan kami ni Anne at agad na lumapit kay Celyn. "Ano bang nangyari, Celyn?" tanong ni Anne habang hinahaplos ang likod ng kaibigan. "Nakatanggap ako ng mga banta nitong mga nakaraang araw. Akala ko hindi nila tutuparin, pero kanina, may mga lalaking pumasok sa bahay at sinabing kukunin nila kami ng anak ko," umiiyak na sabi ni Celyn. Napatingin ako kay Casper na halatang nagulat at hindi makapaniwala sa kanyang naririnig. "Celyn, umupo ka muna. Kailangan nating malaman ang buong kwento," sabi ko habang tinutulungan siyang umupo sa isang upuan. "Casper, kailangan nating tumawag ng pulis," sabi ni Anne habang hinahanap ang kanyang telepono. "Sandali lang," sabi ni Casper habang lumalapit kay Celyn at sa kanyang anak. "Celyn, hindi ko alam na ganito ang nangyari. Patawarin mo ako," sambit ni Casper. Nagtaka si Celyn at napatingin kay Casper. "Casper, andito ka pala? Akala ko ba'y babalik kana sa Manila?" sabi niya habang umiiyak. "Sasabay na lang ako sa
Chapter 63 Anne POV Fast Forward Kasalukuyan akong naglalakad sa kompanyang pinagtatrabahuan ko noon, pero ngayon ay may kaibahan na. Dati ay isa lang akong sekretarya ni Dixon Stanley Floyd; ngayon ay Mrs. Floyd na ako. Bawat madaanan kong empleyado ng aking asawa ay binabati ako. Kahit hindi ako sanay, nginingitian ko sila. Mag-iisang taon na ang aming kasal ngayon at apat na taong gulang na ang panganay namin. Ngayon ay unang anibersaryo namin kahit na nahihirapan akong maglakad dahil buntis ako sa kambal na lalaki. Gusto ko lang siyang makita kaya pinuntahan ko siya, hindi niya alam na pupuntahan ko siya. Kasalukuyan akong nasa elevator at nakasabay ko ang dati kong kasamahan. Nag-uusap kami hanggang tinanong niya kung ilang buwan na ang pagbubuntis ko kaya agad ko itong sinagot na pitong buwan na. "Sige, dito lang ako, Anne," sabi nito saka lumabas ng elevator. Nagpatuloy ako sa aking pupuntahan hanggang makarating ako sa opisina ni Dixon. Agad kong nakita ang kanyang s