"Nagkaroon ka na ba ng karanasan sa isang lalaki?" Prangkang tanong ng kaibigan ni Hara. Nang lumalim na ang gabi, si Hara Perez na kagagaling lamang sa isang business trip na nakainom pa, ay dapat sana'y tulog na, ngunit sa tuwing siya ay pipikit ang mga salitang binitawan ng kanyang bestfriend na si Sabby ay nagsimulang gumulo sa kanyang isipan na para bang hinahabol siya ng mga ito. "Paano mo nasasabi na ganon nga ang pakiramdam sa isang salita lamang? Huwag ka nang mag atubili at lumandi ka sa isang gwapong lalaki habang bata ka pa. Pero kung hindi ka naman makahanap, matututunan mo ring gawin ito sa sarili mo. Huwag kang mahiya, marami akong iba't-ibang movies para tulungan kang madiskubre ang mga ibang bagay." Tukso pa sa kanya ng kaibigan at kumindat pa ito nang nakakaloko. 'Ano na nga ba ang sinabi ko sa kanya noon?' Bulong niya sa kanyang isipan. Dahil ang totoo naman ay wala pa talaga siyang karanasan. "Hindi ko na matandaan pa." Napapikit na lamang ito dahil hindi na ng
Kinaumagahan ay nagising si Hara at ang lalaking nasa kanyang tabi ay mahimbing pang natutulog. Ang makikisig nitong braso ay nakayakap sa kanya at prente itong natutulog sa kanyang leeg at may nararamdaman na konting kiliti. Para siyang teenager na kinikilig. Ang pagmamanhid at pamamaga sa pagitan ng kanyang mga hita ay nararamdaman niya na. Nang nawala na rin ang kalasingan ay bumalik na rin ang kanyang wisyo. Nawala na ang tama ng alak kaya ramdam niya na ang ginawa ni Gabriel sa kanya. ‘Ano ang kanyang ginawa?' Agad na nag-init ang kanyang mga pisngi nang maalala ang maiinit na tagpo sa pagitan nila kagabi. Naalala niya kung paano tumingin sa kanyang mga mata si Gabriel, na puno ng adorasyon at pagnanasa. '….Talaga bang may nangyari saamin ng CEO?' Mahinang tanong ni Hara sa kanyang isipan. Agad na nagbuhol-buhol ang mga ideya sa kanyang utak. Napahinto ang paghinga ni Hara. Agad siyang nagmadali at maingat na inalis ang sarili mula sa yakap ni Gabriel at nagmamadaling umalis s
Napakalakas talaga ng bunganga ni Sabby, nang sinabi niya iyon, dahil lahat ng tao sa hall ay napatingin, pati na rin si Gabriel. Napayuko na lamang si Hara dahil sa kahihiyang naramdaman. Sa kabutihang palad, sinulyapan lamang siya ng binata at umiwas agad ng tingin, umalis siya ng hotel na walang sinabing kahit ano. Nakahinga si Hara nang maluwag akala niya'y may eksenang magaganap. Nang nakaalis na ang lahat, lumapit si Sabby kay Hara na may kyuryusong mukha. Gusto sana siyang iwasan ni Hara kaso kilala niya ang kanyang kaibigan. Hindi ito titigil hanggat hindi niya nakukuha ang gusto niyang sagot. "Hoy? Bakit tinanong iyon ni Mr. Dela Valle?" Kyuryusong tanong ni Sabby sa kanya. Agad siyang nag-isip ng ipapalusot dahil wala naman siyang balak sabihin ang totoo. Nalilito si Hara. Akala niya ay may mga pasabog na balita, ngunit naging ganto lang pala. Isang malaking eskandalo ito para kay Gabriel kung may makakaalam ng nangyari kagabi. Nakahinga ng maluwag si Hara na para bang
Ang posisyon ng public relations sa investment bank ay maganda naman, pero sa totoo lamang, lahat ay naniniwala na lugar lamang ito para aliwin ang mga bisita. Mababa ang tingin ng ibang empleyado na nasa ibang departamento sa public relations. Napaisip si Hara. Iyon ang reyalidad. Sila talaga ang may pinakamababang posisyon sa kompanya. ‘Hindi ko inaakala na sa mata pala niya ay nabibilang ako sa ganoong kategorya bilang isang empleyado ng public relations. Naisip niya ba na ang nangyari kagabi ay kagagawan ni Manager Molina?' may pagdaramdam na isip ng dalaga. Ngunit ano nga ba ang magagawa niya isa lamang siyang hamak na empleyado. Iniisip siguro ni Gabriel na kagagawan ni Mr. Molina ang maling pag-text ni Hara sa kaniya kagabi at ang mga bagay bagay na pinagsasabi nito sa kanya. Ang mga salitang sinambit ni Gabriel ay naging dahilan upang uminit ang mga pisngi ni Hara. Dahil marami sila na naroon, pipilitin niya ang kanyang sarili na ignorahin muna ang kanyang pride sa sarili a
Ngunit ang kanyang tattoo ay mukhang matagal na, tila'y naka ukit na talaga ito sa kanyang balat kaya masasabing hindi na talaga bagong gawa ang tattoo-ng iyon. Tila panahon na ang lumipas. Kung tama man ang sinabi ni Sabby tungkol sa kasintahan ni Gabriel, malamang ay 0825 ang kaarawan ng babae! Napaka-espesyal naman niya. Alam naman ni Hara kung kailan ang kaarawan ni Gabriel, buwan ng Abril iyon. Yong chairman ng Del Valle Corporation at ang asawa nito na parehong magulang ni Gabriel ay Julyo ang buwan ng kanilang kaarawan. Malamang walang kinalaman din kay Hara ang numerong iyon. Dahil November 14 ang kanyang kaarawan. Wala sa kanilang apat ang numerong 0825. Kung iisipin nga naman, ang isang lalaking katulad ni Gabriel na napakalamig ng pakikitungo sa iba ay nakakagawa din ka-kornihan sa buhay, gaya na lamang ng pagpapa-tattoo niya ng kaarawan ng kanyang kasintahan. Talagang totoong in-love siguro siya sa babae. Hindi siya magpapa tattoo kung hindi niya mahal. Bigla tuloy naka
"Sabby, importante ito! Kaya mo bang gumawa ng paraan para makuha 'yong cellphone number ni Sir Gabriel?" Nablock na kasi ito ni Hara sa messenger at nag-quit na rin siya doon sa high school group chat nila at tanging si Sabby lamang ang taong may kakayahang tulungan si Hara. Napahilamos sa mukha si Hara nang wala sa oras tila ba'y hindi na siya nilalayasan ng problema sa buhay. "Sino?" Gulat na tanong ni Sabby. Nahalata ni Hara sa boses ng kaibigan na halos kabubunot lang nito galing sa kama dahil garagal pa ang boses nitong sumagot. "Gabriel Dela Valle..." alanganing ulit ni Hara na para bang ayaw niyang isipin pa ang problemang kinakaharap niya ngayon. She have so much in her plate. "Kung uso sa'yo nagsasalita o naglalakad habang tulog, itulog mo na lang ulit, ha." Sarkastikong sagot ni Sabby. Napapikit nalang si Hara, sana nga gano'n nalang kadali, hindi ba? "Sabby...." Paunang hayag ni Hara at gustong magdahan-dahan sa pananalita ngunit naputol ang litid ng kanyang pasen
Nag-isip si Hara ng ipapalusot. Ayaw niya ng offer sa kanya ni Gabriel. Heck, hindi siya bababa sa ganoong uri. "Sir Gabriel..." nag dadalawang isip pa siya kung gagawin ito ngunit kalaunay ginawa na nga niya. "May boyfriend po ako, Sir." Pagsisinungaling niya. Sino ba naman ang matinong babae ang papayag sa gusto ni Gabriel? Kahit naman gwapo ito at mayaman hinding hindi iyon papatulan ni Hara. Ngunit kung iisiping mabuti, maganda ang offer sa kanya ni Gabriel at simula nang siya ay ipinanganak, hindi manlang siya nakaranas ng magagandang bagay kaya hindi siya makapaniwala sa nangyayari ngayon. Isang CEO ang nag-aaya sa kanya ng kasal? Napaisip siya kung sinusubukan lamang ba siya nito o kailangan niya talaga ng marriage partner sa kung anuman ang rason niya. Ngunit kahit anuman iyon wala siyang balak na pumatol sa inaalok ni Gabriel. Kaya siya nagsinungaling na may boyfriend na siya para matigil na si Gabriel sa mga werdong pinagsasabi. Nang marinig ang mga salitang iyon mismo g
Sawakas at nalagpasan ni Hara ang iilang mga bagay bagay sa kanyang trabaho. Nang matapos gawin ni Hara ang dapat na tapusin ay agad itong bumalik sa kanyang kwarto upang umpisahang ayusin ang mga gamit sa kanyang maleta. Sa kabutihang palad ay naging matiwasay ang business trip ngunit hindi lamang niya iyon pinapatungkol sa kung anong dahilan kung bakit nga ba nagalit si Manager Molina. Napapikit siya nang may naalala. Sinusubukang iwinawaglit ni Hara ang kanyang mga naiisip at sinusubukang huwag isipin ang napakagwapong mukha ni Gabriel ngunit ang kanyang makulit na imahinasyon ay hindi pinalagpas iyon. Napasuklay na lamang siya sa kanyang itim at mahabang buhok. Bago pa man kung saan saan mapunta ang mga iniisip niya ay agresibong tumunog ang kanyang cellphone sa ibabaw ng babasaging puting mesa. Nang makitang hospital number ang nakarehisro sa screen ng kanyang cellphone ay lakad takbo ang kanyang ginawa. Halos malaglag ang kanyang puso sa kabang nararadaman sa mga oras na
Nakakapanghina ng loob, iyon ang naramdaman ni Hara sa mga oras na iyon. Mas nakakapagod ang pakikipagtalo niya sa kanyang ina, kaysa sa pag-oovetime niya ng araw-araw sa trabaho.Nang makita ni Helena na dismayado ang anak ay napabuntong hininga na lamang iton. "Hara anak, alam ko naman na hindi ko dapat ipasa sayo ang mga phobia ko sa relasyon namin ng ama mo. Dahil mahirap mang tanggapin ay sa susunod na mga araw ay ikakasal na ka rin at magkakaroon ng pamilya na aasa sayo. Ngunit natatakot lang talaga ako anak, pakiramdam ko,lahat ng mga lalaki ay may ibang motibo." Malungkot nitong saad sa anak. Nang maalala ni Helena ang nakaraan niya, mabait at maginoo talaga ang ama ni Hara. Noon ay walang makitang kamalian si Helena kay Lucio kaya naman ay pinairal niya ang kanyang puso noon at hindi na nag-isip pa. Kaya habang buhay ang pagsisi niya dahil naging padalos-dalos siya noon. Napailing naman si Hara at hinawakan ang kamay ng ina. "Ma, huwag niyo pong sabihin ang mga iyan. Sa
Isang gabi bago ang operasyon ni Helena ay hindi muna natulog si Hara sa bahay ni Sabby bagkus nanatili siya sa hospital, sa piling ng kanyang ina. Gusto niya na naroon siya bago sumailalim ang kanyang ina sa operasyon. Gustong mni Hara na maramdaman ng kanyang ina na hindi siya nag-iisa at may sasama sa kanya sa lahat ng pagsubok na kahaharapin niya. Ayaw nang tumulad ni Hara sa knayang ama na inabandona sila maraming taon na ang nakalipas.Labis ding naiintindihan ng dalaga kung bakit napakahigpit ng kanyang ina sa kanya, dahil ayaw nitong masaktan siya. Ngunit minsan ay nakakasakal na rin ang ginagawa ng kanyang ina, dahil lahat ng ginagawa niya ay pinanghihimasukan ni Helena. Isa rin sa dahilan kung bakit sinamahan ni Hara ang kanyang ina ay dahil kahit pa sabihin nitong hindi siya natatakot sa gagawing operasyon ay nagsisinungaling lamang ito. Alam ni Hara kung gaanon ka-delikado ang operasyon na gagawin ganoon din si Helena. "Mama, sinabi saakin ng doktor kanina na malaki ang
Ibinigay na ni Gabriel ang kanyang apelyido kay Hara at ang legal confirmation sa kanilang kasal. Ang importanteng bagay na iyon ay matagal nang ibinibigay ng pamilya niya kay Dana dahil botong boto sila dito. Saksi ang kani-kanilang mga magulang sa paglaki nilang dalawa. Kaya mula pa noon ay pinapangarap na nilang magkatuluyan ang dalawa sa huli. "Huwag mo munang sabihin kay mama." Tipid na saad ni Gabriel at malamig na titig ang ipinukol kay Dana. Na para bang isang maling galaw lang ni Dana ay kayang kaya niya itong pabagsakin. Noon pa man ay laging iniisip ni Gabriel ang kondisyon ng kanyang ina, kaya hindi niya minamadali ang mga bagay bagay lalo na ang pagpapakasal sa babaeng mahal niya na si Hara.Ngunit alam niya rin sa kanyang sarili sa oras na hindi niya pa pinikot at ginipit si Hara ay malaki ang tyansa na hindi ito mapapasakanya kapag tumagal ang panahon. Kaya naman nang magkaroon siya ng pagkakataon para mapasa kanya ang dalaga ay hindi niya na ito pinakawalan anuman
Sa totoo lang ang labis na humahanga si Hara sa katangian ni Dana. Dahil handang lumapit ito kay Hara para lamang magtanong ng isang pang-private na bagay at hindi manlang ito nahiya. Talagang kapag nagmahal ka nga naman ay kayang gawin ang lahat para lang sa taong iyon kahit estado pa ng pagkatao ang nakataya. Mahal nga talaga ni Dana si Gabriel at handa itong gawin ang lahat para sa lalaking iniibig niya. 'Please...' Muling chat ni Dana na mas lalong nagpagulo sa isip ni Hara. Handang humingi ng tulong si Dana para lang kay Gabriel at iyon ang nakakagulat. Dahil kilala ni Hara si Dana bilang isang independent woman ay hindi ito nagpapakita ng kahinaan sa ibang tao at tanging kay Gabriel lamang siya titiklop. Sabagay si Gabriel Dela Valle na ang pinag-uusapan, ang lalaking palihim na minamahal si Dana sa loob ng mahabang panahon at ngayon ay mahal na rin siya ni Dana. Kaya sino ba naman si Hara para kwestyunin si Dana? Sino ba siya Hara sa buhay ni Gabriel? Hindi ba at isa lamang s
Hindi makapaniwala si Hara na nagawang tawagan ni Helena si Axel. Direkta niya itong tinawagan at hindi na ipinaalam kay Hara.Halos magdugtong na ang kilay ni Hara dahil sa labis na inis na kanyang nadarama. Parang may apoy na nagliyab sa kanyang dibdib at hindi niya kayang pigilan iyon!Dahil pakiramdam niya ay kinokontrol siya ng kanyang ina at pinapakialaman na masyado ang kanyang buhay. Alam naman niya na nag-aalala ang kanyang ina sa magiging kinabukasan ni Hara. Ngunit minsan ay sumusobra na ito at ang mga taong hindi dapat madamay sa gusot ng kanilang buhay ay nadadamay dahil sa kagagawan ng kanyang ina. 'Bakit tinawagan niyo si Axel na hindi manlang muna sinabi saakin? Sinabihan ko na po kayo diba na busy po siya pero tinawagan niyo pa rin. Pumayag lang siya para hindi ka po mapahiya!' Naiinis na chat ni Hara sa ina. 'Kinukwestyon mo ba ako, Hara?' Nagalit na rin si Helena sa anak dahil sa tabas ng mga salita nito.'Sa tingin para kanino ko ito ginagawa! Napakabilis mong ma
Ngunit bago pa makapagsabi ng paliwanag si Hara ay agad na pinatay ang tawag ni Gabriel. Kaya naman ay walang nagawa ang dalaga kundi mapayuko na lamang. Para bang ang relasyon nilang dalawa ni Gabriel ay parang bumalik sa lebel bilang isang CEO at isang mababang sekretarya lamang. Tila may naramdamang suntok mula sa dibdib si Hara nang maisip iyon, nasasaktan siya sa mga nangyayari ngunit wala siyang magagawa kung iyon ang nararamdaman ni Gabriel. Siguro nga ay tuluyan nang nagkaayos at nakabalikan si Gabriel at Dana kaya ganoon na lamang ang pakikitungo niya kay Hara, na parang wala lang sa kanya ito. Kung sabagay nga ay kailan ba nagkaroon ng halaga si Hara kay Gabriel? Hindi hamak na isa lang siyang bayarang babae nito para makuha ang ninanais na babae, si Dana. Nang matapos na patayin ni Hara ang kanyang computer ay nagawa niya na ring mag-shower at magpalit sa kanyang pajama ngunit sa hindi inaasahang pagkakataon ay umatake na naman ang kanyang insomnia habang nakahiga sa ka
Wala pa ring naging reaksyon si Hara sa mga narinig mula kay Gabriel. Dahil baka kinakausap lamang nito ang kanyang sarili. Nadala na si Hara sa pag-aassume mula sa binata at mali na umasa siya rito dahil kahit anong gawiin niya ay kay Dana pa rin uuwi si Gabriel.Agad siyang napatikhim nang may nabasa siyang 'noted' na chat ng kanyang mga kasamahan sa meeting room. Kaya naman ay nagchat din siya doon at isinend ito sa group room. Nakahinga siya nang maluwag nang makumpirmang hindi pala para sa kanya lang ang mga sinabi ni Gabriel. Tumagal ang meeting hanggang ala una ng madaling araw, kung saan ay inaantok na ang lahat maliban kay Gabriel, ang president host ng meeting. Ngunit na kahit sila ay inaantok na, walang may lakas ng loob na humikab o magpakita ng pagka-antok sa buong meeting. At nang sa wakas ay mag-anunsyo na ng summary ang sekretarya nito at opisyal nang tinapos ang meeting ay nakahinga nang maginhawa si Hara at papatayin sana ang kanyang camera para makapagligpit at
Nakagawa ng detalied report si secretary Saez tungkol sa mga asensong nagawa ng NARO Corporation at nagsagawa rin ng malalim na research tungkol sa finance, mga gagawing proyekto at ang mga shareholders na nagbabago bago ng posisyon kada taon. Pinag-aralan din ni secretary Saez ang mga kasalukuyang technological development ng NARO.Sa kalagitnaan ng meeting ay biglaan niya na lamang narinig ang kanyang pangalan."Si Ms. Hareleigne Perez na galing sa investment banking department ay katatapos lamang magproposed ng proyekto tungkol sa mga makabagong kotse ng RVP Company. Napasa na rin iyon sa head office para ireview. Binasa ko na rin iyon at kapag totoo nga ang mga impormasyon, nasa linya ito ng mga kakailanganin natin." Pormal na pagbabalita ng investment director na may importanteng posisyon sa Dela Valle Coporation. Mula sa likod ng camera ay marahan namang tumango si Gabriel at itinaas pa ang kilay, "secretary Saez, pag-aralan mo ng mabuti aang tungkol diyaan." Malamig niyang u
Nang makauwi na si Hara sa bahay ni Sabby ay nagmamadali na itong pumasok at wala na rin siyang oras para manlang uminom ng kahit kaonting tubig. Agad niyang inayos ang mga materials na gagamitin para sa meeting. At dahil nga may bagong task na naman ang natoka sa kanya tungkol sa NARO Corporation para sa kanya ay biglaang desisyon iyon ng head office. Dahil bago lamang sa kanya ang proyekto ay mababaw pa lamang ang kanyang pag-iintindi ukol rito, kaya naman ay kakailanganin niya talaga na makinig nang mabuti sa dadaluhang meeting mamaya-maya. Nang matapos na ihanda at ayusin ang lahat ng gagamitin sa meeting ay naisip niyang maupo na sa kanyang upuan at nag-umpisa na ring buhayin ang computer. Tuluyan nang nakapasok si Hara sa meeting interface ng kompanya. Kita mula sa kanyang screen title ng meeting at oras nito.20:00 Channel One Technology Development Project Meeting. Main Meeting Person: Gabriel Dela ValleHabang pinagmamasdan ni Hara ang mga letrang nasa screen ng kanyang c