Share

Kabanata 101

Author: eveinousss
last update Huling Na-update: 2025-01-18 12:31:28

Talaga namang kakaiba at lumulutang ang tindig ni Gabriel kahit na nasa kumpol ito ng mga tao. Napakatangkad at masculine ang pangangatawan at kahit na nakatayo lamang ay napakalakas ng kanyang dating at karisma.

Halos hindi na huminga si Hara sa mga oras na 'yon. Tila ba ay kahit na tanaw niya na si Gabriel ay parang napakalayo nito sa kanya, parang may nag-iba rito o sadyang madalas lang siyang mag-iwas tingin rito para pigilan ang mga nararamdaman.

"Napaka-gwapo talaga." Mahinang anas ni Hara dahil nakasuot si Gabriel ng black suit at unat-unat ang kanyang necktie at ang pang-loob nitong longsleeve. Halos masamid siya sa sariling niyang laway nang makita kung paano itiklop ni Gabriel ang kanyang longsleeve at lumantad ang maugat nitong braso.

Habang pinapanood iyon ni Hara ay napahawak na lamang siya sa kanyang dibdib dahil dinig na dinig niya ang tibok nito. Nang mga nakaraang araw ay lagi nalang siyang nakakaamdam ng pagkakaba sa tuwing nababanggit si Gabriel. Hindi kaya ay ma
Patuloy na basahin ang aklat na ito nang libre
I-scan ang code upang i-download ang App
Locked Chapter
Mga Comments (5)
goodnovel comment avatar
Mavriahson Lambo
wala napng paikot ikot author nakakainis na daming pang kontabida ayaw konang stress pero nakakastress tigil mona ako...
goodnovel comment avatar
Rheenz Moreno
update na po
goodnovel comment avatar
Jenalyn Lipata
next episode plsss
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

  • CEO'S Proposal Turned Me Into His Mistress   Kabanata 102

    "Anong ibig mong sabihin?" Naguguluhang tanong ni Hara. Mukha siyang gulat at parang nawawala sa mga oras na yon. Ngunit sa totoo lamang ay may hinala siyang na-damage ang utak ni Gabriel matapos ang aksidente. Dahil paulit-ulit niyang sinasabi sa dalaga na hindi niya raw maintindihan, hindi maintindihan ang alin? "I'll give you some more time. Bumalik na tayo sa hotel." Malalim na saad ni Gabriel at inayos na ang upo sa driver seat. Ang pagkakabanggit niya ay parang walang gana.Kaya naman napa bukas-sara na lamang ng mata si Hara at gusto niyang mag-salita ngunit nahihiya siya. Gusto niyang tanungin si Gabriel tungkol sa kanilang kontrata. Kahit nahihirapan ay naglakas loob siyang tanungin na lamang nang diretso si Gabriel."Sir Gabriel, plano niyo na po bang iterminate ang kontrata? Sa totoo lang ay pwede niyo naman po sabihin saakin nang diretsahan. HIndi po ako tututol." Dahil kapag naterminate na ang kontrata ay matutulungan niya nang magbabalikan ang dalawa. Ngunit kabalik

    Huling Na-update : 2025-01-19
  • CEO'S Proposal Turned Me Into His Mistress   Kabanata 103

    Nang sila ay nakahiga na at magkatabi sa iisang kama ay naramdaman ni Hara ang malaking kamay ni Gabriel na nakadantay sa kanyang maliit na bewang. Rinig ni Hara ang steady-ing paghinga ng binata kaya panigurado ay tulog na ito. Wala siyang maisip ng kahit ano bukod sa isang bagay lamang, alam niyang tuloy para rin ang kanilang kontrata......Nang magising siya kinaumagahan ay wala na sa kanyang tabi si Gabriel. Kaya namanay agad na rin siyang bumangon at nakitang may iniwang agahan si Gabriel sa dining room.Ganoon na lamang ang kanyang gulat ng tumunog ang kanyang cellphone at nakitang si Sabby ang tumatawag."Hara! Hindi mo ba nabasa 'yong chat ko sayo kahapon?" Pag-uusisa nito at may halong excitement sa kanyang boses."Ah..Sorry, masyado kasi akong busy kahapon. Marami akong kailangang ayusin sa business trip." Pagpapaliwanag niya ngunit hindi siya pinatapos ni Sabby."Ang tinatanong ko kung 'yong lalaki bang tinutukoy mo kahapon ay si sir Gabriel Dela Valle?" Atat na tanong ng

    Huling Na-update : 2025-01-19
  • CEO'S Proposal Turned Me Into His Mistress   104

    Dahil napakarami ng workload mula sa business trip na iyon, pinili lamang ni secretary Saez ang importanteng impormasyon para lamang i-veritfy ni Hara. Una, sa tinign ng secretarya ay marami nang na proyekto si Hara noon ay lahat ng iyon ay successful. Pangalawa, gusto rin niyang makasali ito sa NARO project para madagdagan ang credentials ni Hara at tuluyan nang mapo-promote sa head office.Nang makita ni Hara ang ga-bundok na brown envelopes na inabot ni secretary Saez ay naisip nang magpatingin ng mata sa ophthalmologist sa oras na sila'y makauwi ng Pilipinas. Nang maibigay ang mga papeles ay agad na nagsalita si secretary Saez. "Kailangan mong basahin nang mabuti ang mga iyan at huwag na huwag kang magkakamali. Kung may time ako pagkatapos ng trabaho ay pwede kitang matulungan para i-check ang mga nagawa mo." Palala niya kay Hara,"Tatandaan ko po iyan Mr. Saez." Malalim na huminga si Hara. Isinuot niya ang kanyang reading glass at inumpisahan nang basahin ang unang bahagi ng m

    Huling Na-update : 2025-01-22
  • CEO'S Proposal Turned Me Into His Mistress   105

    Noong una ay hindi niya iyon binanggit dahil gusto niya na lamang palipasin ang tungkol sa bagay na iyon. Dahil pagkatapos ng lahat, nang makita niya ulit si Hara ay nilunok niya ang kanyang pride at tinanggap na hindi magiging madali ang pagmamahal niya sa dalaga. Kailangan ng maraming oras at pasensya.Ngunit nang sawakas ay nai-open na ni Hara ang tungkol sa bagay na iyon, agad na napatuwid ng likod smula sa pagkaka-upo. "Bakit ka nag-desisyon na si Axel ang magpanggap bilang boyfriend mo nang hindi mo manlang ako tinatanong?" May tampo sa boses ni Gabriel na nahimigan si Hara. Parang nangatal ang labi ni Hara dahill hindi niya akalain na ganon ang magiging sagot ni Gabriel. "Napaka-busy mo noon, kaya bakit pa ba kita guguluhin sa isang maliit na problema lamang?" Kinakabahan niyang saad."Haraleigne! Ilang beses ko nang pinaalala sayo na kapag may problema ka, just tell me and I'll do my very best to attend them." "Ang pinaka-promblema ko ay hindi ganoon kadaling lutasin. Kapa

    Huling Na-update : 2025-01-22
  • CEO'S Proposal Turned Me Into His Mistress   Kabanata 106

    Kaagad namang nag-reply si Sabby na mas lalong nakabigat sa loob ni Hara. 'Nako, Hara. Normal lang iyan kaya bakit pa ba tinatanong? Obvious naman e. Tawag diyaan ay super inlove!'Bago pa makapag-reply si Hara ay may pasunod pa na mensahe si Sabby sa kanya. 'Sa tingin ko ay may mali sayo, Hara. Kaibigan mo ba talaga ako?''Oo naman.' Mabilis na reply ni Hara.'Sige, sabihin mo nga saakin. Sino iyang lalaking nagpapagulo sa tahimik mong puso? Huwag mo nang itanggi pa! Base sa mga sinabi mo at kung paano ka mag-react, halatang inlove ka sa kung sinumang lalaki na iyan.'Halos mamula ang mukha ni Hara. Inlove na siya kay Gabriel? Paano? Kailan? Kumunot ang kanyang noo at hindi alam ang isasagot sa nagtatanong na kaibigan. Ngunit ang unang ideyang pumasok sa isip ni Hara ay sin o ba siya para mahalin si Gabriel? Gayong may minamahal itong iba, kaya paano niya magagawang mag-isip ng ganoong bagay?Napatikhim na lamang siya at nag-tipa ng reply sa kaibigan. 'Curious lang naman ako kung

    Huling Na-update : 2025-01-24
  • CEO'S Proposal Turned Me Into His Mistress   Kabanata 107

    "Opo naman, sir." Nakangiti na rin si Hara. "Personal na sinabi saakin ni sir Gabriel na kasama ka sa bagong project. You'll have your signature on it." Naguguluhan si Hara at hindi maintindihan ang klase ng pamamalakad ni Gabriel. Umalis siya nang biglaan at akala ngayon ng dalaga na galit si Gabriel sa kanya. Kaya bakit bigla na lamang itong pumayag na kasama si Hara sa proyektong iyon? "Dapat mong pasalamatan si sir Gabriel." Hindi manlang nakita ni secretary Saez ang pangangamba sa mukha ni Hara bagkus ay sinabihan niya lamang ito na huwag magsaya nang maaga at dapat niya munang pasalamatan ang CEO sa kanyang promotion. Tumango naman si Hara at itinago ang mga iniisip. "Naiintindihan ko po,sir Niel." Hindi nagtagal ay dumating na rin si Gabriel sa restaurant kasama ang mga importanteng tao sa business kanilang business trip. Seryoso pa rin ito. Sa kanyang pag-pasok ay maraming mata ang kaagad na sinundan siya hanggang sa siya ay tuluyang makapunta sa kanilang lamesa.

    Huling Na-update : 2025-01-26
  • CEO'S Proposal Turned Me Into His Mistress    Kabanata 108

    'Yong core technical diagram ng Larana Project.... Biglang naalala ni Hara na hiningi ni Dana sa kanya iyon noong nasa business trip sila sa Bicol. Ngunit tapat naman ito kay Gabriel kaya hindi kaya ni Dana ang ikalat iyon sa ibang kompanya. "Isipin mo mabuti, Haraleigne Perez. Bukod saakin at ikaw, walang ibang tao ang may kakayahang malaman ang diagram project. Kapag naisiwalat ang mg iyon, katapusan na nating dalawa. Naiintindihan mo ba?!" Bilang isang cooperative company, ang pagkakalat ng technical information ay napakalaking kasalanan sa investment industry. Sa oras na makumpirma nga iyon, wala nang sinuman sa business industry ang makikipag-cooperate sa Dela Valle. Kahit na sa RVL pa na branch ng Dela Valle ay madadamay sa scandal na iyon. Paano pa kaya siya na taong may kinalaman sa insidente. Paniguradong malalagay siya sa black list sa buong industriya. "Sinend ko po kay Attorney Hernaez ang technical drawing. Sabi niya po na gusto niyang gamitin iyon." Kinakabahang

    Huling Na-update : 2025-01-27
  • CEO'S Proposal Turned Me Into His Mistress   Kabanata 109

    "Si Atty. Hernaez po talaga ang humingi saakin ng technical diagram at sinabi niya na nag-aalala siya kaya gusto niya lamang itong makita. Kaya hindi ko na inisip pang maigi iyon." Paliwanag niya at umaasang may isang tao manlang ang maniwala sa mga sinasabi niya. Napahilamos na lamang ng mukha si Neil at litong tumingin kay Hara." Kahit pa na si sir Gabriel ang hihingi sa iyo non, kailangan mo pa ring isailalim sa technical process." At sinubukang kumalma nito. "At isa pa hindi pa naman kayo ganoong magkakilala ni Dana tapos sasabihin mo sa iba na fri-named up ka niya. May malalim na rason kung ganoon ang naisip mo, Hara." Napatingin sa malayo si Neil at para bang tinatansya ang mga bagay bagay. Malaki ang magiging kasalanan ni Hara sa oras na bibigyan siya ng hatol mula sa itaas.Ibinuka ni Hara ang kanyang mga labi para magsalita at magpaliwanag ngunit sa huli ay wala ring lumabas na salita mula roon.Hindi siya pwedeng magtiwala at basta-basta na lamang sabihin sa iba kung ano

    Huling Na-update : 2025-01-31

Pinakabagong kabanata

  • CEO'S Proposal Turned Me Into His Mistress   Kabanata 156 ex-wife

    Habang bumibili ng candy si Gabriel sa isang supermarket ay nakangiti siyang tinignan ni Neil na para bang natutuwa siyang tignan ang amo sa ginagawa nito. Nang makita iyon ni Gabriel ay agad niyang sinamaan ng tingin. "Sir, naghihintay pa rin po si ma'am Mira sa inyo. Hindi niya raw po uumpisahan ang meeting nang wala kayo." Pagpapaalala ni Neil. "Then let her. It's not me who will lose a job. Besides alam niya kung gaano ka-importante itong business trip na pupuntahan ko." Malamig na sagot ni Gabriel at pumunta ng counter para magbayad. Dinagdagan niya rin ng strawberries ang mga pinamili dahil bagay iyon sa mga bata. Nang palabas na sila ng supermarket ay napatawag si Nico at nagsabing naroon na raw siya sa lobby ng hotel. Nagmadali namang pumunta roon sila Gabriel at ganoon na lamang ang kanyang panlulumo nang hindi na makita ang bata. "Have you seen Ainsley?" Tanong niya kay Nico. "Sinong Ainsley?" At napakurap ito. "May Mira kana nga may Ains---""Shut up. She's a kid!" Ini

  • CEO'S Proposal Turned Me Into His Mistress   Kabanata 155 candies and lollipops

    Nang makarating sila sa isang hotel chain na pag-aari ng pamilya ni Sabby ay napili muna ni Hara na ayusin ang kanilang mga gamit habang inaantay ang email kung saang branch sila ng modeling company maa-assign. Samantalang si Jessie naman ay nanatili muna sa Manila habang wala pang go signal ang kanilang kompanya."Mommy! I want to go outside! I want candies and lollipops! Yehey!" Pangungulit sa kanya ni Ainsley. Inilapag muna ni Hara ang tinutupi niyang damit at pinagmasdang mabuti ang kanyang anak. Habang tumatagal ay nagiging kahawig na nito si Gabriel, lalo sa kapag naka-kunot noo ito. Minsan naisip niya na napakadaya dahil siya ang nagdala sa kambal ng siyam na buwan ngunit bakit mas naging kamukha pa nito ang ama."Ainsley Gabrielle Perez, anong sabi sa iyo ni mama? You eat fruits and vegetables. candiess and lollipops are not healthy for you baby." Ngunit nag-pout lamang si Ainsley. "I hope papa will spoil us with candies and lollipos!!" Litanya niya kaya natawa na lang si Ha

  • CEO'S Proposal Turned Me Into His Mistress   Kabanata 154

    "Sab?!" Gulat na tanong ni Hara at ilang beses pa itong napakurap para lamang i-check kung totoo nga ba ang nakikita niya sa kanyang harapan. Parang kailan lang nang nagkatawagan silang dalawa at sinabi lang nito na may balang siyang pumunta ng Switzerland."Miss me?! Surprise visit para hindi ka makapalag!" At niyakap ni Sabby ang kaibigan. Napatawa naman si Hara sa kaingayan ng kaibigan. Inaya niya itong pumasok sa loob at nagpanggap na mahihimatay si Sabby nang makita si Gunther na naglalaro sa living room."Hawig na hawig a! Hindi ako naniniwalang hindi mo naiisip si Gabriel! Pati si Ainsley may hawig sa kanya! Kaya sure ako na hindi ka pa nakaka-move on!" At kaagad itong tumakbo sa kambal.Nang makita ng kamabal ang kanilang tita Sabby ay agad nila itong niyakap."Tita Sabby you are so pretty na!" Maarteng saad ni Ainsley at umamba ng pagpapabuhat dito. "Nako Hara, sa loob ng limang taon para mo lang ding nakikita ang mukha ni Gabriel. Pero let's get serious here. Nakita ko kani

  • CEO'S Proposal Turned Me Into His Mistress   Kabanata 153

    Nag-taxi na lamang si Hara pauwi sa kanilang bahay dahil hindi niya na mahanap si Jessie. Baka totoo ngang may kalaguyo siyang lalaki sa gabing iyon. Hindi niya lubos maisip na makikita niya si Gabriel sa Switzerland. Halos liparin niya ang kalahati ng mundo para lamang lumayo, ngunit tila ba ay pinaglalaruan talaga siya ng tadhana. Kung tama ang pagkakarinig niya ay may kinahuhumalngan na siyang babae. Mira Go, isang international model at advocate ng marine life. Napa-buntong hininga na lamang si Hara nang maasip ang pangako niya sa kanyang kambal. Sa kanilang ika-anim na kaarawan ay ipapakilala niya na ang mga ito sa kanilang papa. Ngunit paano niya gagawin iyon ngayong may babae nang nagugustuhan si Gabriel.Nang makapasok siya sa kanilang bahay ay agad siyang sinalubong ng kambal."Mama! We're have you been?" Tanong ni Gunther at dala dala pa ang bottle milk ni Ainsley."Mimi hug!" At umamba naman ng yumakap si Ainsley sa kanya.Kaya naman lumuhod siya sa dalawa at mahigpit na

  • CEO'S Proposal Turned Me Into His Mistress   Kabanata 152

    Five years later..."Jessie, mauna na ako mag-out. You'll stay late?" Tanong ni Hara sa ka-trabahong bakla na nakatungo na ang ulo sa desk. Hindi ito gumalaw kaya sinundot niya ang tagiliran nito. "Oy puking palaka ka Hara!" Gulat na sigaw ni Jessie. Napabungisngis naman si Hara nang marinig na naman ang balasubas na bibig nito. Nakita niyang napairap ang kaibigang bakla at napaayos ng upo."Mag a-out na rin ako no! May dilig ako mamaya kaya makikisabay ako sa'yo huwag kang nagmamaganda diyaan babaita ka." Maarte nitong saad at isa-isa nang pinagliligpit ang mga gamit. Nang makalabas sila ng company building ay napatingala na lamang siya mula sa kalangitan. "May snow na, Jess." At itinaas niya ang kanyang kamay upang saluhin ang maliliit na snowflakes."Hay sawakas! Makakagawa na rin ako ng snow penis!" Untag ni Jessie at naupo sa upang mag-ipon ng mumunting yelo sa daan. Agad naman siyang binatukan ni Hara nang totohanin niya ang sinabi at bumubuo ng hugis ari ng lalaki."Ang KJ mo

  • CEO'S Proposal Turned Me Into His Mistress   Kabanata 151.2 The Final vow 0825

    Akala ni Hara ay makakatulog siya sa gabing iyon ngunit hindi paulit-ulit siyang dinadalaw ng memorya niya kanina nang makita niya ang puso ng bata sa monitor. Napaiyak na naman siya dahil sa desisyon. Kinabukasan ay kasal na nila ni Gabreil at tuluyan na silang maghihiwalay ng landas. Kung pagtatagpuin man sila ng tadhana, hindi niya na masasabi kung parehas pa rin ba ang kanyang mararamdaman.Nagising siya kinaumagahan dahil sa malakas na tawag sa kanyang cellphone. "Hello, Ms. Perez. Ako po ang person in charge sa kasal narito na po ako sa labas upang sunduin po kayo. "Sige po. Give five minutes. Mag-iimpake lang po ako at pagkatapos ay baba na rin." Nang mapatay niya ang tawag ay mabilis siyang nag-impake ng gamit hindi niya na inabala pang mag-ayos dahil aayusan din naman siya mamaya. Hinayaan niyang bare lamang ang kanyang mukha.Nang makita niya ang itim na kotse sa gilid ng kalsada ay agad siyang naglakad papunta roon. Binuksan niya ang pinto at naupo, doon niya lamang napagt

  • CEO'S Proposal Turned Me Into His Mistress    Kabanata 151.1 Revelation

    Linggo ay nakalabas na ng hospital ang ina ni Gabriel at pansamantala itong nagpapahinga sa kanilang villa. Naroon si Dana umaalalay kay Gia."Tita, you don't have to worry about Hara and Gabriel. Makikipaghiwalay na siya sa anak niyo. May isa pa po akong nabalitaan tungkol kay Hara." At ngumiti nang matagumapay si Dana. Lahat na ata ay sinabi niya kay Gia maliban na lang sa tinakbo sa hospital si Gabriel dahil na-alcohol poison ito. "What is it, hija? Mukhang marami kang good news saakin ngayon?" Nakangiting hayag ni Gia."Nasabi po saakin ni Nico na umamin daw si Hara sa kanya. Hindi daw po niya kayang magbuntis in other words shes' infertile. Nasaakin pa rin po ang huling halakhak. Ako pa rin po ang magbibigay ng tagapagmana kay Gabriel, tita Gia."Walang naging komento ang ina ni Gabriel at marahang inobserbahan ang asta ni Dana. Naisip niya na sobrang layo na nito sa dating Dana na nakilala niya noon. Napaka-bait, mahinhin, magpabigay at hindi sumasaya sa kahirapan ng iba. "All

  • CEO'S Proposal Turned Me Into His Mistress   Kabanata 150

    Habang namamahinga sa ward si Gabriel ay bigla namang humahagos na dumating si Dana. "Nico! Why you didn't tell me about Gabriel's incident?!" Angil niya. "Calm down! Alam mo naman si Gab. Ayaw niyang marami ang nakakaalam kapag may mga ganitong pangyayari.""Even so! Alam na ba ito ni Hara?""Oo. Kaaalis niya lang. At may sinabi pala siya saakin. It's a bad news for her but it is a good news to you."Napangisi si Dana nang marinig iyon at lumapit sa kaibigan. "Spill it."Napabuntong hininga muna sI Nico. "Baog si Hara. Hindi sila magkakaanak ni Gabriel. Iyon ang dahilan kung bakit siya nagpa-physical examination. Iyon din ang dahilan kung bakit siya nakikipaghiwalay kay Gabriel." "And you believed it?" "Oo. May doctor kanina na napadaan dito. Kinausap niya si Hara tungkol sa bagay na iyon."Napangisi na naman si Dana. Kung hindi magbubuntis si Hara ay wala na siyang po-problemahin pa. Dahil siya mismo ang magbibigay ng anak kay Gabriel, sila ang gagawa ng pamilya."Pupuntahan ko

  • CEO'S Proposal Turned Me Into His Mistress   Kabanata 149

    Kinabukasan ay maagang umalis si Hara sa Northwood papunta sa isang tagong coffee shop para doon kitain ang abogado ng kanilang pamilya at ang sekretarya ng kanyang lolo. Mayaman ang pamilya Perez ngunit dahil nga hindi naging maganda ang pagsasama ni Lucio at Helena ay nailayo si Hara sa angkan ng Perez.Mas pinili ni Helena na mamuhay sila malayo sa sakop at impluwensya ng lalaking nangloko at nang-iwan sa kanya. Kinukuha man ng mga Perez si Hara ay hindi pumayag si Helena. Hindi man sila kinikilalang pamilya ni Lucio, sa mata ng buong angkan nito ay sila Helena at Hara ang legal na Perez at sila ang may karapatan sa lahat lahat ng kayamanan ng mga ito. Tahimik siyang pumasok sa loob. Nakita niyang may kumaway sa kanyangg lalaki na kasing edad ng kanyang ama at may kasama itong babae na may katandaan na. "Good morning Ms. Perez. We are honored to finally meet the one and only heiress of Perez clan. We heard about Mrs. Helena Perez passed away, our deepest condolences, senorita."

Galugarin at basahin ang magagandang nobela
Libreng basahin ang magagandang nobela sa GoodNovel app. I-download ang mga librong gusto mo at basahin kahit saan at anumang oras.
Libreng basahin ang mga aklat sa app
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status