May kakaibang pait na dumaan sa lalamunan ni Hara ngunit pinili niya pa ring sumagot."Sige." Tipid niyang sambit.Walang dapat ipagalalasi Gabriel dahil ayos lang naman kay Hara kahit hindi na ito bumalik kinagabihan bukas. Marami rin siyang bagay na kailangang ayusin lalo na sa kanyang ina na nag-aarlburuto tungkol sa lalaking ipapakilala ni Hara. Nang matapos siyang sabihan ni Gabriel tungkol sa kanyang mga utos ay tuluyan na itong pumasok sa cr. Samantalang humiga naman si Hara sa kama at humugot ng isang malalim na buntong hininga. Sa dami ng mga bagay na tumatakbo sa kanyang isipan ay para na siyang tatakasan ng bait.Isa pa ang ayaw niyang isipin ay ang pagpipigil sa kanya ni Gabriel na huwag munang umuwi sa Northwood hanggang alas dyes ng gabi. Habang nakatingin sa kawalan ay naisip ni Hara na bumili na lamang siya ng bahay dahil paano kapag nagkabalikan nang muli si Gabriel at Dana, natural na papalayasin siya. Kaya naman ay ayaw niyang manirahan sa kalyekung dumating man a
Hindi kaagad nakapag-isip ng sasabihin si Hara dahil hindi niya naman inaakalang sasabihin ito ni Axel. Hindi niya alam na ganoon kalalim ang pagseseryoso nito sa pag-papanggap. "Tawagin mo na lamang akong Axie, iyon ang itinatawag ng pamilya ko saakin." Nakangiting saad ni Axel kay Hara.Nang makabawi naman mula sa pagkagulat ay tumango kaagad si Hara na medyo nahihiya pa. Ngunit sa kanyang sitwasyon ay wala na siyang panahon para mag-inarte pa. Ayos lang naman kay Hara ang mga bagay na kahaharapin niya sa oras na matuloy ang kanilang pagpapanggap, mababawi niya rin naman ito. Kailangan niya lanag talagang suyuin ang kanyang ina para sa operasyon nito. Nang matapos na sundan ni Hara si Axel mula sa kanyang sasakyan ay napagtanto niyang napaghandaan talaga ng binata ang gagawing pagpapanggap. Tanaw ni Hara na hindi lamang naka-basket na prutas ang dala nito sa kanyang back seat ngunit marami ring kahon ng mga vitamins na mukhang mamahalin pa. Napakunot noo na lamang si Hara at napa
Sabay na naglakad sina Hara at Axel papunta ng ward ni Helena kaya naman ang dalawang bodyguard na nakatayo sa kaliwa at kanan ng pinto ay nag-atubili pang papasukin ang mga ito. Tila ba ay nahirapan sila at naguguluhan kung pipigilan ba ang pagpasok ng dalawa. Higit sa lahat ay hindi kilala ng dalawang bantay si Axel, na isa itong estranghero sa kanilang paningin kaya naman ay pumagitna si Hara upang ipaliwanag kung ano ang relasyon niya kay Axel.Napatikhim siya nang mahina saka humarap sa mga ito. "Boyfriend ko po siya." Malakas niyang saad. Alam ni Hara na maririnig ito ng kanyang ina mula sa loob kaya naman ay sinadya niyang lakasan ang boses. Samantalang ang nakatayong si Axel sa kanyang gilid ang hindi mapigilang umangat ang sulok ng kanyang mga labi na para bang kinikilig ito. Kaya naman ay nagtungo siya sa gilid ni Hara at bumulong sa tainga ngdlaaga. "Parang hindi ka nagpapakilala ng isang boyfriend. Para bang nag-uusap lang tayo tungkol sa kontrata at kulang na lang ay um
Masyado nang nalayo sa orihinal na usapan ang gagawing pagpapanggap ni Axel at Hara kaya naman ay labis itong ikinatakot ng dalaga. Na habang lumalayo sila sa napag-usapang gagawin ay mas lalong lumalaki lamang ang gusot na kakailanganin niyang ayusin pagdating ng araw. Napaisip siya kung saang lupalop ng lupa maghahanap si Axel ng dalawang taong magpapanggap na magulang nito. Hindi maiwasang isipin ng dalaga na habang tumatagal ang kanilang pagkukunwari ay mas lalo lamang mapapahiya ang kanyang ina, tila ay nilagpasan pa nito ang isang sikat ng bigating teleserye sa telebisyon. Nang makita ni Hara kung paano tumalikod at umalis ng ward si Axel ay halos gusto niya itong tawagan para pigilan sa napakalaking problema na gagawin nito. Nang mawala nang tuluyan si Axel sa landas ng kanyang mga mata ay nakasimangot niyang nilingon ang kanyang ina, "Mama, masyado ka naman po! May trabaho rin naman po ang mga magulang niya kaya paano po sila makakapunta rito kahit anumang oras?" Ngunit ma
Papunta na si Gabriel sa Hospital? Pupunta siya? Ibig sabihin ay makikita niya ang ginagawang pagpapanggap ni Hara at Axel! Hindi iyon maaari! Kaya naman ay halos mawalan ng lakas si Hara at muntik nang mabitawan ang kanyang cellphone. Dahil hindi mapakali ay agad siyang napatayo mula sa kanyang inuupuang sliya.Papaangat ng tingin si Helena sa anak dahil maski rin ito ay nagulat. "Anong problema?" Taka niyang tanong kay Hara na parang lumulutang ang wisyo."Wala naman ma. May si-nend lang saakin ang company leader namin at inutusan ako na may ilipat na data. Lalabas lang po ako saglit para tumawag sa kanya." Pagsisinungaling ni Hara at dali-dali itong lumabas.Hindi niya na rin pa inisip na tapunan ng tingin si Axel dahil sa pagmamadaling lumas ng pinto. Gusto niya na lamang lumipad palabas para lang makatawag kaagad kay Gabriel! Hindi siya pwedeng pumunta ng hospital! Masyado nang mahirap kung gagawa pa ulit ng kasinungalingan si Hara. Kung pupunta man siya ay sinong makakaalam ku
Mariing iling lamang ang sinagot ni Dana at idinuro si Hara."Nangyari ito dahil sa kanya! Naaksidente si Gabriel dahil sa kanya!" Ngitngit niyang sisi kay Hara.Halos sumigaw na si Dana dahil sa galit na nararamdaman at kung hindi pa ito pipigilan ni Nico ay parang gusto pang makipag-away kay Hara hanggang kamatayan. Sa mga oras na iyon ay nawalan si Dana ng pake sa kanyang imahe bilang isang elegante at kagalang-galang na babae. Bagkus isang sing bagsik na lion ang Dana na nasa harapan ni Hara sa mga oras na iyon. Agad na kinumbinsi ni Nico si Dana na umali na lamang roon dahil halos lahat tao sa hallway ay pinagtitinginan siya. Kaya naman ay buti na lamang ay napapayag niya itong kumalma at umalis na lamang.Nang makabalik si Nico ay nakita niya pa ring nakatayo roon si Hara at ang bakat ng sampal ni Dana sa pisngi nito ay kitang kita. Dahil sa kanyang maliit at malambot na mukha ay mas lalo siyang nagmukhang kaawa-awa na siyang dahilan kung bakit mas lalong nagalit si Nico."Baki
Ramdam ni Hara kung gaano kagulo ang kanyang utak sa mga oras na iyon, na para bang inihalo ito sa maputik na tubig kaya halos malabo ang lahat. Hindi siya makapag-isip ng kahit anong bagay, tila ba ay nawawala siya.Kahit na gulong gulo pa rin sa mga nangyayari ay mas pinili na lamang niya na lumabas ng hospital habang nakatulala sa kawalan. Ramdam din niya na namamaga ang kanyang mga paa dahil buong gabi siyang tumayo sa emergency room at pakiramdam niya ay parang sinugatan ang mga ito. Dahil sa walang tulog at magdamag na nakatayo lamang ay nahihirapang gumalaw si Hara kaya naman nang makakita siya ng isang kainan malapit sa hospital ay agad niya itong pinuntahan para mag-order ng kahit anong makakain, gusto niya rin kasing umupo at mag-relax muna.Kailangan niyang kumalma para makapag-isip nang maayos dahil mas lalo lamang siyang maguguluhan kung hindi niya uunahing ayusin ang kanyang sarili sa mga oras na iyon. Nang maka-order na si Hara ay agad namang lumapit ang taga ser
Nasa kanyang trabaho si Sabby nang makatanggap siya ng tawag sa kanyang kaibigan na si Hara. Gulat din ito dahil sa garalgal ang boses nito habang nagsasalita sa kabilang linya. "Anong nangyari saiyo? Sinabi ng pinsan ko na hindi naman daw nalaman ni tita Helena ang tungkol sa pagpapanggap niyo?" Nag-aalalang tanong ni Sabby sa kaibigang nanghihina na ang boses sa tawag. "Walang kinalaman kay mama ito, Sabby." At nag-aalangan pang magsabi si Hara sa kabilang linya at parang naiilang itong magsalita ngunit sa huli ay nasabi niya na rin ang kanyang nais na sabihin, "Pwede bang....sa bahay mo muna ako tumira ng ilang araw? Maghahanap na agad ako ng bahay sa lalong madaling panahon. Siguro ay isang linggo mag mula ngayon!" At nagpalit ng tono si Hara para hindi mahalata sa boses nito ang labis na kalungkutan niyang nadarama. Napatigil naman si Sabby dahil sa narinig sa kaibigan. "Ayaw mo nang rentahan iyong tinutuluyan mo?" Nagtataka niyang tanong."Siguro ay hindi na." Matamlay na sag
Tawagin man siyang oa or malisyosa, ngunit nagdesisyon na si Hara na sabihin ang kanyang mga saloobin at linawin ang mga bagay sa pagitan nila ni Axel.Kaya naman nagulat at hindi makagalaw sa kinatatayuan si Axel nang tapatin siya ni Hara, tila ba ay sinampal siya ng katotohanan. "Wala akong pakialam, Hara." Buo at maitgas niyang sagot at naguguluhan siyang lumapit sa dalaga.Sa totoo lang ay mula sa unang pagkakita niya palang kay Hara ay napahanga na siya rito. Idagdag pa ang laging pag-puri ni Sabby rito ay mas lalo lamang na naging interesado si Axel kay Hara. Noon ay may long time girlfriend siya kaya naman hindi niya pinapansin ang ibang babae ngunit nang sila ay maghiwalay at gustong ireto ni Sabby si Hara sa kanya, inaamin ni Axel na interesado siya noong mga panahong iyon. Hindi lang kasi maganda si Hara ngunit mayroon siyang strong personality na ang kagayang lalaki ni Axel ay gustong protektahan ito sa lahat ng mga gagawin nitong desisyon sa buhay. "Ngunit may pakialam
Nakakapanghina ng loob, iyon ang naramdaman ni Hara sa mga oras na iyon. Mas nakakapagod ang pakikipagtalo niya sa kanyang ina, kaysa sa pag-oovetime niya ng araw-araw sa trabaho.Nang makita ni Helena na dismayado ang anak ay napabuntong hininga na lamang iton. "Hara anak, alam ko naman na hindi ko dapat ipasa sayo ang mga phobia ko sa relasyon namin ng ama mo. Dahil mahirap mang tanggapin ay sa susunod na mga araw ay ikakasal na ka rin at magkakaroon ng pamilya na aasa sayo. Ngunit natatakot lang talaga ako anak, pakiramdam ko,lahat ng mga lalaki ay may ibang motibo." Malungkot nitong saad sa anak. Nang maalala ni Helena ang nakaraan niya, mabait at maginoo talaga ang ama ni Hara. Noon ay walang makitang kamalian si Helena kay Lucio kaya naman ay pinairal niya ang kanyang puso noon at hindi na nag-isip pa. Kaya habang buhay ang pagsisi niya dahil naging padalos-dalos siya noon. Napailing naman si Hara at hinawakan ang kamay ng ina. "Ma, huwag niyo pong sabihin ang mga iyan. Sa
Isang gabi bago ang operasyon ni Helena ay hindi muna natulog si Hara sa bahay ni Sabby bagkus nanatili siya sa hospital, sa piling ng kanyang ina. Gusto niya na naroon siya bago sumailalim ang kanyang ina sa operasyon. Gustong mni Hara na maramdaman ng kanyang ina na hindi siya nag-iisa at may sasama sa kanya sa lahat ng pagsubok na kahaharapin niya. Ayaw nang tumulad ni Hara sa knayang ama na inabandona sila maraming taon na ang nakalipas.Labis ding naiintindihan ng dalaga kung bakit napakahigpit ng kanyang ina sa kanya, dahil ayaw nitong masaktan siya. Ngunit minsan ay nakakasakal na rin ang ginagawa ng kanyang ina, dahil lahat ng ginagawa niya ay pinanghihimasukan ni Helena. Isa rin sa dahilan kung bakit sinamahan ni Hara ang kanyang ina ay dahil kahit pa sabihin nitong hindi siya natatakot sa gagawing operasyon ay nagsisinungaling lamang ito. Alam ni Hara kung gaanon ka-delikado ang operasyon na gagawin ganoon din si Helena. "Mama, sinabi saakin ng doktor kanina na malaki ang p
Ibinigay na ni Gabriel ang kanyang apelyido kay Hara at ang legal confirmation sa kanilang kasal. Ang importanteng bagay na iyon ay matagal nang ibinibigay ng pamilya niya kay Dana dahil botong boto sila dito. Saksi ang kani-kanilang mga magulang sa paglaki nilang dalawa. Kaya mula pa noon ay pinapangarap na nilang magkatuluyan ang dalawa sa huli. "Huwag mo munang sabihin kay mama." Tipid na saad ni Gabriel at malamig na titig ang ipinukol kay Dana. Na para bang isang maling galaw lang ni Dana ay kayang kaya niya itong pabagsakin. Noon pa man ay laging iniisip ni Gabriel ang kondisyon ng kanyang ina, kaya hindi niya minamadali ang mga bagay bagay lalo na ang pagpapakasal sa babaeng mahal niya na si Hara.Ngunit alam niya rin sa kanyang sarili sa oras na hindi niya pa pinikot at ginipit si Hara ay malaki ang tyansa na hindi ito mapapasakanya kapag tumagal ang panahon. Kaya naman nang magkaroon siya ng pagkakataon para mapasa kanya ang dalaga ay hindi niya na ito pinakawalan anuman
Sa totoo lang ang labis na humahanga si Hara sa katangian ni Dana. Dahil handang lumapit ito kay Hara para lamang magtanong ng isang pang-private na bagay at hindi manlang ito nahiya. Talagang kapag nagmahal ka nga naman ay kayang gawin ang lahat para lang sa taong iyon kahit estado pa ng pagkatao ang nakataya. Mahal nga talaga ni Dana si Gabriel at handa itong gawin ang lahat para sa lalaking iniibig niya. 'Please...' Muling chat ni Dana na mas lalong nagpagulo sa isip ni Hara. Handang humingi ng tulong si Dana para lang kay Gabriel at iyon ang nakakagulat. Dahil kilala ni Hara si Dana bilang isang independent woman ay hindi ito nagpapakita ng kahinaan sa ibang tao at tanging kay Gabriel lamang siya titiklop. Sabagay si Gabriel Dela Valle na ang pinag-uusapan, ang lalaking palihim na minamahal si Dana sa loob ng mahabang panahon at ngayon ay mahal na rin siya ni Dana. Kaya sino ba naman si Hara para kwestyunin si Dana? Sino ba siya Hara sa buhay ni Gabriel? Hindi ba at isa lamang s
Hindi makapaniwala si Hara na nagawang tawagan ni Helena si Axel. Direkta niya itong tinawagan at hindi na ipinaalam kay Hara.Halos magdugtong na ang kilay ni Hara dahil sa labis na inis na kanyang nadarama. Parang may apoy na nagliyab sa kanyang dibdib at hindi niya kayang pigilan iyon!Dahil pakiramdam niya ay kinokontrol siya ng kanyang ina at pinapakialaman na masyado ang kanyang buhay. Alam naman niya na nag-aalala ang kanyang ina sa magiging kinabukasan ni Hara. Ngunit minsan ay sumusobra na ito at ang mga taong hindi dapat madamay sa gusot ng kanilang buhay ay nadadamay dahil sa kagagawan ng kanyang ina. 'Bakit tinawagan niyo si Axel na hindi manlang muna sinabi saakin? Sinabihan ko na po kayo diba na busy po siya pero tinawagan niyo pa rin. Pumayag lang siya para hindi ka po mapahiya!' Naiinis na chat ni Hara sa ina. 'Kinukwestyon mo ba ako, Hara?' Nagalit na rin si Helena sa anak dahil sa tabas ng mga salita nito.'Sa tingin para kanino ko ito ginagawa! Napakabilis mong ma
Ngunit bago pa makapagsabi ng paliwanag si Hara ay agad na pinatay ang tawag ni Gabriel. Kaya naman ay walang nagawa ang dalaga kundi mapayuko na lamang. Para bang ang relasyon nilang dalawa ni Gabriel ay parang bumalik sa lebel bilang isang CEO at isang mababang sekretarya lamang. Tila may naramdamang suntok mula sa dibdib si Hara nang maisip iyon, nasasaktan siya sa mga nangyayari ngunit wala siyang magagawa kung iyon ang nararamdaman ni Gabriel. Siguro nga ay tuluyan nang nagkaayos at nakabalikan si Gabriel at Dana kaya ganoon na lamang ang pakikitungo niya kay Hara, na parang wala lang sa kanya ito. Kung sabagay nga ay kailan ba nagkaroon ng halaga si Hara kay Gabriel? Hindi hamak na isa lang siyang bayarang babae nito para makuha ang ninanais na babae, si Dana. Nang matapos na patayin ni Hara ang kanyang computer ay nagawa niya na ring mag-shower at magpalit sa kanyang pajama ngunit sa hindi inaasahang pagkakataon ay umatake na naman ang kanyang insomnia habang nakahiga sa ka
Wala pa ring naging reaksyon si Hara sa mga narinig mula kay Gabriel. Dahil baka kinakausap lamang nito ang kanyang sarili. Nadala na si Hara sa pag-aassume mula sa binata at mali na umasa siya rito dahil kahit anong gawiin niya ay kay Dana pa rin uuwi si Gabriel.Agad siyang napatikhim nang may nabasa siyang 'noted' na chat ng kanyang mga kasamahan sa meeting room. Kaya naman ay nagchat din siya doon at isinend ito sa group room. Nakahinga siya nang maluwag nang makumpirmang hindi pala para sa kanya lang ang mga sinabi ni Gabriel. Tumagal ang meeting hanggang ala una ng madaling araw, kung saan ay inaantok na ang lahat maliban kay Gabriel, ang president host ng meeting. Ngunit na kahit sila ay inaantok na, walang may lakas ng loob na humikab o magpakita ng pagka-antok sa buong meeting. At nang sa wakas ay mag-anunsyo na ng summary ang sekretarya nito at opisyal nang tinapos ang meeting ay nakahinga nang maginhawa si Hara at papatayin sana ang kanyang camera para makapagligpit at
Nakagawa ng detalied report si secretary Saez tungkol sa mga asensong nagawa ng NARO Corporation at nagsagawa rin ng malalim na research tungkol sa finance, mga gagawing proyekto at ang mga shareholders na nagbabago bago ng posisyon kada taon. Pinag-aralan din ni secretary Saez ang mga kasalukuyang technological development ng NARO.Sa kalagitnaan ng meeting ay biglaan niya na lamang narinig ang kanyang pangalan."Si Ms. Hareleigne Perez na galing sa investment banking department ay katatapos lamang magproposed ng proyekto tungkol sa mga makabagong kotse ng RVP Company. Napasa na rin iyon sa head office para ireview. Binasa ko na rin iyon at kapag totoo nga ang mga impormasyon, nasa linya ito ng mga kakailanganin natin." Pormal na pagbabalita ng investment director na may importanteng posisyon sa Dela Valle Coporation. Mula sa likod ng camera ay marahan namang tumango si Gabriel at itinaas pa ang kilay, "secretary Saez, pag-aralan mo ng mabuti aang tungkol diyaan." Malamig niyang u