Kaya naman ay agad nag-isip ng paraan si Hara kung paano tumakas sa stiwasyong masakit sa kanyang mata. Ngunit bago pa siya makapaghanap ng pagtataguan ay agad siyang nakita ni Gabriel."Haraleigne." Tawag sa kanya ni Gabriel. Napakalalim ng kanyang boses, nakakahalina at marahan ang tono na kanyang ginamit. Gusto na lamang ipikit ni Hara ang kanyang mga mata dahil sa kakaibang nararamdaman. Kaya naman nang hindi umobra ang plano niyang magtago ay napalunok siya ng ilang beses at diretsong naglakad, "Mr. Dela Valle, Atty. Hernaez." Pormal niyang bati."Mauna na kami." Nagmamadaling sambit ni Gabriel nang makalapit sa kanila si Hara, at binuksan na nito ang pinto ng kotse at tuluyan nang pumasok sa loob. Matamis namang ngumiti si Dana kay Hara at winagayway pa nito ang kanyang kamay, "Alright. Ingat sa pag-drive! Gabriel, may pag-uusapan tayo once na nakabalik ka na galing business trip mo." Malambing niyang saad."Okay." Tipid na sagot ni Gabriel. Pumasok na lamang si Hara sa lo
Napagtanto ni Hara na totoo nga ang sinasabi ng kanyang kaibigan at hindi ito nakikipag-biruan tungkol sa sasabihiin ni Axel sa kanya. Muling nag-type si Hara ng mensahe para kay Axel.'May kailangan akong puntahan na buisiness trip bukas. Ngunit ibabanggit ko ang bagay na ito saaming head na si Mr.Molina sa oras na makakauwi ako. Sa totoo lang ay napaka-gandang proyekto ito, Axel.'Nang makalipas ang ilang minuto ay agad namang naka-tanggap ng reply si Hara sa ka-text, 'Pupunta ka rin ng business trip bukas?''Oo, sa Naga City ang punta ko.' Mabilis na tugon ni Hara. 'What a coincidence! Pupunta rin ako bukas sa Naga. Naimbitahan kasi ako sa University of Science and technology para mag-bigay ng speech. Kung hindi ka busy, ay pwede kang mag-sched ng appointment para masabi ko sa'yo nang detalyado ang tungkol sa proyekto.' Nang mabasa ni Hara ang reply ni Axel ay nagtaka siya. Hindi niya alam kung ang pag-iimbita ba sa kanya ni Axel ay dahil gusto niya talaga siyang makausap tungko
Kita ni Gabriel kunug gaano ka-seryoso ang mukha ni Hara sa pag-uusap nila sa kanilang kasal na para bang nasa trabaho lang sila kaya naman ay napabuntong hininga ang binata at marahang tumingin kay Gabriel"Wait a litle longer, Hara." Malamlam niyang sambit.Marahil ay masyadong nag-aalala pa si Gabriel sa mga bagay-bagay. ...Nang sumunod na araw ay maaga silang sinundo ng assistant ni Gabriel para ihatid sa airport .Sa buong byahe nila ay kausap ni Gabriel ang mga sharholders, napaka-busy nito at umabot na sa punto na hindi manlang niyang magawang uminom ng tubig mula sa kanyang botted mineral. Nang makapasok na sila sa eroplano ay doon pa lamang nakuhang mag-pahinga nito at marahang sumandal sa kanyang assigned seat para magpahinga.Samantalang si Hara naman ay tahimik lamang sa gilid ni Gabriel at ginagamit ang pagkakataon para pag-aralan ang mga impormasyon na ibinigay sa kanya ni secretary Saez at habang lumalalim ang pag-aaral niya sa proyekto ay lumalaki rin ang pagdududa n
Kunot noong tumingin si Hara kay Gabriel, "Hindi ako takot kumilala ng tao, takot ako sa kakalat o sasabihin ng ibang tao tungkol sa relasyon natin." Diretsa niyang sagot.Dahil umpisa palang nang pumasok na si Gabriel sa mundo ng negosyo ay gumawa na siya ng pangalan niya, na matatandaan siya ng bawat empleyado, mga boss, and ng mga tao. Mula noon hanggang ngayon ay wala pa ring isyu tungkol sa kanya at kung mayroon man ay tungkol lamang sa relasyon nila ni Dana. Lalo na ngayon at nasa business trip ito at nag-dala pa ng isang babaeng assistant, kung may makakakita na malapit sa isat-isa silang dalawa ay magiging dahilan lamang ito ng pagkalat ng maling balita at masisira ang pangalan at reputasyon ni Gabriel. Naisip ng dalaga na lumayo na lamang sa kanya ngunit hindi sobrang layo sa kanila ni secretary Saez at baka mawala pa siya sa Naga. Nakita ni Hara kung paano tumigas ang ekspresyon ni Gabriel, "Wala kang dapat ikabahala sa relasyon natin." Kalmado niyang saad.Ngunit hindi
Hindi alam ni Hara kung ano ang mararamdaman niya. Dahil lumipas man ang taon ay hindi pa rin mawawala ang sakit sa sugat ng kahapon. Tila nga talaga ay napakaliit ng mundo! Matagal na nang huling makita niya ang kanyang ama kaya naman nang bago pa magbyahe si Hara papuntang Naga para sa business trip ay inaasahan niyang makikita niya ang kanyang ama o kahit manlang kamag-anak niya sa mga Perez. Ngunit hindi niya aakalain na makikita niya ito kaagad mula nang makarating siya.Ngayon ay napag-dugtong dugtong niya ang mga pagyayari sa hospital nang may nagbigay ng sulat sa kanyang ina.Kaya pala nag-uumpisa na namanng magparamdam ang babae ng kanyang ama at paulit-ulit na binabangit na naman ang tungkol sa pag-pirma ng divorce paper ng kanyang ina. Nakauwi na pala silang pamilya galing ng abroad at ngayon ay nag-ummpisa na namang manggulo. Napabuntong hininga siya dahil hindi ito magandang pangitain. "Sa tinngin mo pa ay gusto nang umalis ni Alfonso Borromeo sa NVL dahil mayroon tala
Akala ni Hara ay takot na aso lang na tumatahol ang kabit ng ama niya.Ag babaeng iyon ay gusto na maging legal na asawa kaya naman ay pinipilit niya si Lucio na makipag-divorce at ilang beses niya na itong ginawa ngunit hindi pa rin pumapayag si Helena na pirmahan ang divorce papers. At sinabi pang kahit kailan ay isa lamang siyang kabit na matatawag! Kahit pa man nasasaktan si Hara ay naiintindihan niya ang kanyang ina sa lahat ng oras. Kaya ito rin ang isa sa pinaka-rason kung bakit gusto pang lumaban ni Helena sa buhay, kung bakit gusto niya pang gumaling at mabuhay nang matagal kahit na siya ay labis nang nagpakababa para rito. Nagtatangis pa rin ang bagang ni Hara nang makapasok siya sa loob. Kaya naman nang makita siya ni secretary Saez na para bang galit ang ekspresyon ay mas pinili niyang hindi na lamang magtanong pa at nagpanggap na parang walang nangyari. Nang matapos ang kanilang dinner ay nakatanggap sila ng tawag at kailangan na nilang bumalik sa NVL. Siguro ay na a
Nang naging iisa ang kanilang titig ay napahinto si Hara sa pagsasalita na para bang nawalan ito ng ideya sa sasabihin. Kunot noong nakatingin si Gabriel, "Bakit ba lagi kang nangangamba sa kakayahan mo?" Malamlam nitong tanong. Napayuko na lamang si Hara, dahil sino ba ang hindi mangangamba? Sa dami nang palpak na proyektong nahawakn niya ay, nawalan talaga siyang kumpayansa sa sarili. "...Salamat pa rin po, sir Gabriel sa tiwala niyo saakin. Gagawin ko po ang lahat ng makakaya ko this time." Buong tapat niyang sambit. Walang siyang ideya kung ano nga ba ang binablak ni Gabriel lalo na sa mga werdo nitong ginagawa. Hindi niya aintindihan ang mga ito kaya naman ang tumugil na rin siya sa pag-iisip ng kung anu-ano. Kung hindi niya kayang mahulaan ang mga ito ay dapat lang siyang tumigil sa anumang hinahanap. Lalo na ngayon at nasa harapan niya na ang napakalaking biyaya, kahit anu pa man ang dahilan ni Gabriel sa mga bagay-bagay ay magandang bagay ito para kay Hara. Dahil ang inii
Isang binata? Tila ay napakalaking katanungan ito sa isip ni Hara at kung sinuman ang ang binatang iyon ay napaka mapera niya naman! Nang makita ng ginang ang pagtataka sa maamong mukha ni Hara ay dahan-dahang tumaas ang kilay nito."Hindi mo talaga alam no! Akala ko ay ginagawa niya iyon para sa'yo!" May halong giliw sa pananalita ng ginang na para bang kinikilig ito.Dahil kung sakali, noon ay siya lang naman ang madalas na hindi kaagad umuuwi sa bahay tuwing matatapos ang evening self study kaya naman siya ay nagpupunta para kumain ng mainit na noodles na pantanggal na rin ng kanyang pagod mula sa buong maghapon. "Hindi po iyon para saakin." Sagot niya. Dahil napaka-impossible naman talaga na para sa kanya iyon. Wala rin naman siyang kilalang malapit sa kanya na mayaman at kayang magbayad ng malaking halaga.Nang matapos ang mahabang usapan sa pagitan ni Hara at ng ginang tungkol sa mga bagay na nagbago na sa kanilang paaralan simula ng siya ay nakapag-graduate na, ay agad na
Kaagad namang nag-reply si Sabby na mas lalong nakabigat sa loob ni Hara. 'Nako, Hara. Normal lang iyan kaya bakit pa ba tinatanong? Obvious naman e. Tawag diyaan ay super inlove!'Bago pa makapag-reply si Hara ay may pasunod pa na mensahe si Sabby sa kanya. 'Sa tingin ko ay may mali sayo, Hara. Kaibigan mo ba talaga ako?''Oo naman.' Mabilis na reply ni Hara.'Sige, sabihin mo nga saakin. Sino iyang lalaking nagpapagulo sa tahimik mong puso? Huwag mo nang itanggi pa! Base sa mga sinabi mo at kung paano ka mag-react, halatang inlove ka sa kung sinumang lalaki na iyan.'Halos mamula ang mukha ni Hara. Inlove na siya kay Gabriel? Paano? Kailan? Kumunot ang kanyang noo at hindi alam ang isasagot sa nagtatanong na kaibigan. Ngunit ang unang ideyang pumasok sa isip ni Hara ay sin o ba siya para mahalin si Gabriel? Gayong may minamahal itong iba, kaya paano niya magagawang mag-isip ng ganoong bagay?Napatikhim na lamang siya at nag-tipa ng reply sa kaibigan. 'Curious lang naman ako kun
Noong una ay hindi niya iyon binanggit dahil gusto niya na lamang palipasin ang tungkol sa bagay na iyon. Dahil pagkatapos ng lahat, nang makita niya ulit si Hara ay nilunok niya ang kanyang pride at tinanggap na hindi magiging madali ang pagmamahal niya sa dalaga. Kailangan ng maraming oras at pasensya.Ngunit nang sawakas ay nai-open na ni Hara ang tungkol sa bagay na iyon, agad na napatuwid ng likod smula sa pagkaka-upo. "Bakit ka nag-desisyon na si Axel ang magpanggap bilang boyfriend mo nang hindi mo manlang ako tinatanong?" May tampo sa boses ni Gabriel na nahimigan si Hara. Parang nangatal ang labi ni Hara dahill hindi niya akalain na ganon ang magiging sagot ni Gabriel. "Napaka-busy mo noon, kaya bakit pa ba kita guguluhin sa isang maliit na problema lamang?" Kinakabahan niyang saad."Haraleigne! Ilang beses ko nang pinaalala sayo na kapag may problema ka, just tell me and I'll do my very best to attend them." "Ang pinaka-promblema ko ay hindi ganoon kadaling lutasin. Kapa
Dahil napakarami ng workload mula sa business trip na iyon, pinili lamang ni secretary Saez ang importanteng impormasyon para lamang i-veritfy ni Hara. Una, sa tinign ng secretarya ay marami nang na proyekto si Hara noon ay lahat ng iyon ay successful. Pangalawa, gusto rin niyang makasali ito sa NARO project para madagdagan ang credentials ni Hara at tuluyan nang mapo-promote sa head office.Nang makita ni Hara ang ga-bundok na brown envelopes na inabot ni secretary Saez ay naisip nang magpatingin ng mata sa ophthalmologist sa oras na sila'y makauwi ng Pilipinas. Nang maibigay ang mga papeles ay agad na nagsalita si secretary Saez. "Kailangan mong basahin nang mabuti ang mga iyan at huwag na huwag kang magkakamali. Kung may time ako pagkatapos ng trabaho ay pwede kitang matulungan para i-check ang mga nagawa mo." Palala niya kay Hara,"Tatandaan ko po iyan Mr. Saez." Malalim na huminga si Hara. Isinuot niya ang kanyang reading glass at inumpisahan nang basahin ang unang bahagi ng m
Nang sila ay nakahiga na at magkatabi sa iisang kama ay naramdaman ni Hara ang malaking kamay ni Gabriel na nakadantay sa kanyang maliit na bewang. Rinig ni Hara ang steady-ing paghinga ng binata kaya panigurado ay tulog na ito. Wala siyang maisip ng kahit ano bukod sa isang bagay lamang, alam niyang tuloy para rin ang kanilang kontrata......Nang magising siya kinaumagahan ay wala na sa kanyang tabi si Gabriel. Kaya namanay agad na rin siyang bumangon at nakitang may iniwang agahan si Gabriel sa dining room.Ganoon na lamang ang kanyang gulat ng tumunog ang kanyang cellphone at nakitang si Sabby ang tumatawag."Hara! Hindi mo ba nabasa 'yong chat ko sayo kahapon?" Pag-uusisa nito at may halong excitement sa kanyang boses."Ah..Sorry, masyado kasi akong busy kahapon. Marami akong kailangang ayusin sa business trip." Pagpapaliwanag niya ngunit hindi siya pinatapos ni Sabby."Ang tinatanong ko kung 'yong lalaki bang tinutukoy mo kahapon ay si sir Gabriel Dela Valle?" Atat na tanong ng
"Anong ibig mong sabihin?" Naguguluhang tanong ni Hara. Mukha siyang gulat at parang nawawala sa mga oras na yon. Ngunit sa totoo lamang ay may hinala siyang na-damage ang utak ni Gabriel matapos ang aksidente. Dahil paulit-ulit niyang sinasabi sa dalaga na hindi niya raw maintindihan, hindi maintindihan ang alin? "I'll give you some more time. Bumalik na tayo sa hotel." Malalim na saad ni Gabriel at inayos na ang upo sa driver seat. Ang pagkakabanggit niya ay parang walang gana.Kaya naman napa bukas-sara na lamang ng mata si Hara at gusto niyang mag-salita ngunit nahihiya siya. Gusto niyang tanungin si Gabriel tungkol sa kanilang kontrata. Kahit nahihirapan ay naglakas loob siyang tanungin na lamang nang diretso si Gabriel."Sir Gabriel, plano niyo na po bang iterminate ang kontrata? Sa totoo lang ay pwede niyo naman po sabihin saakin nang diretsahan. HIndi po ako tututol." Dahil kapag naterminate na ang kontrata ay matutulungan niya nang magbabalikan ang dalawa. Ngunit kabalik
Talaga namang kakaiba at lumulutang ang tindig ni Gabriel kahit na nasa kumpol ito ng mga tao. Napakatangkad at masculine ang pangangatawan at kahit na nakatayo lamang ay napakalakas ng kanyang dating at karisma. Halos hindi na huminga si Hara sa mga oras na 'yon. Tila ba ay kahit na tanaw niya na si Gabriel ay parang napakalayo nito sa kanya, parang may nag-iba rito o sadyang madalas lang siyang mag-iwas tingin rito para pigilan ang mga nararamdaman. "Napaka-gwapo talaga." Mahinang anas ni Hara dahil nakasuot si Gabriel ng black suit at unat-unat ang kanyang necktie at ang pang-loob nitong longsleeve. Halos masamid siya sa sariling niyang laway nang makita kung paano itiklop ni Gabriel ang kanyang longsleeve at lumantad ang maugat nitong braso. Habang pinapanood iyon ni Hara ay napahawak na lamang siya sa kanyang dibdib dahil dinig na dinig niya ang tibok nito. Nang mga nakaraang araw ay lagi nalang siyang nakakaamdam ng pagkakaba sa tuwing nababanggit si Gabriel. Hindi kaya ay ma
"May kotse si sir Gabriel sa Hong Kong. Kaya ibibigay ko na lang sa'yo ang susi kapag dumating na tayo doon." Parang may pumitik nang malakas sa dibdib ni Hara nang marinig iyon, totoo nga talagang makikita niya na si Gabriel, hindi na imahinasyon o pananginip, this is so fucking real. "Pero sir Saez, hindi po ako ganoon kagaling mag-drive. Baka maibangga ko lang ang kotse ni sir Gabriel." Huling subok ni Hara at nagbabasakaling magbago ang isip ni secretary Saez at siya na lang ang susundo kay Gabriel.Lihim na napangiti ang sekretarya at napataas ng kanyang kilay. "Huwag kang mag-alala, ms. Perez. Maraming kotse na nakaparada sa garahe ni sir Gabriel sa Hong Kong. Kaya kung may mabangga ka man, walang makakaalam. Kung kaya mo pa ngang ilipat ang ownership, makakabenta ka pa." Napangiwi na lamang si Hara dahil hindi niya alam kung ano ang unang gagawin. Kung bubuntong hininga ba muna siya dahil masyadong mayaman talaga si Gabriel o malulungkot dahil hindi talaga tumalab ang kanya
Napataas ng kilay si Hara sa ginawa ng kaibigan. "Bakit? Hindi ba lahat ng mga gagong lalaki ay nakakairita?" Nagpamewang naman si Sabby at hinarap ang kaibigan. Haynako Hara. Alam mo mayroon at mayaroong araw na ang mga babaerong lalaki ay mapapagod na sa pakikipaglaro. Mas gugustuhin na lang nilang mag-settle down sa iisang babae dahil tapos na silang magpakasaya sa buhay binata. Kapag nangyari 'yon ay loyal at magmamahal na silang totoo dahil tapos na silang mag-buhay binata. Pero ito ang sinasabi ko sa'yo, kapag may minamahal nang babae iyang lalaking naka-one night stand mo, maniwala ka saakin hinding hindi ka niya kayang mahalin nang lubos.""Kahit gaano ka pa kaganda at kahit gaanong pagmamahal pa ang ibigay mo sa kanya, masasaktan at masasaktan ka lang. Hindi mo iyon matatakasan, iyon ang reyalidad." "Halos mangatal ang labi ni Hara sa mga pangaral ng kaibigan. Alam naman ni Hara na walang alam si Sabby sa kanila ni Gabriel ngunit tumpak na tumpak talaga sa kanya ang mga
"Si Hara at ako ay mag-asawa. Baka nakakalimuntan mo." Mariin ang bawat pagbigkas ni Gabriel sa mga salitang binanggit niya. Kahit na hindi masaya si Gabriel sa mga nangyayari sa kanila ni Hara ay hinding hindi niya ito hihiwalayan dahil alam niyang nakaaligid kay Hara si Axel. Galit lang siya sa dalaga dahil masyadong pabaya ito sa kanilang kasunduan at sa kanilang kasal. Hindi manlang naiisip ng dalaga ang nararamdaman niya. "Huh! Ikaw lang naman ang nagseseryoso sa kasal niyong dalawa." Prangkang hayag ni Axel at wala na siyang pakialam pa kung masaktan ang kaibigan dahil gusto niya lamang itong magising sa katotohanan. "Nagdala siya ng lalaki sa kanyang ina at ipinakilala na boyfriend niya at kaya mo siyang patawarin? Hindi mo manlang makita si Dana na lumipad agad agad rito sa Pilipinas para lang makipag-negotiate sa kontrata kahit na kaka-opera palang niya. Hindi mo ba makita kung paano niya hawakan ang tyan niya dahil masakit pa ang sugat niya? Hindi ka manlang naantig doon