Kinaumagahan, nang magising si Hara ay wala na si Gabriel sa kanyang tabi. May parte sa kanya na sanay na siya, sa tuwing may mangyayari sa kanila ay hindi niya na ito maaabutang nasa tabi niya.Agad na umikot ang paningin ni Hara sa kabuuan ng paligid nang makalabas siya ng kwarto. Sa living room ay may nakahanda ng breakfast at nabasa niya sa note na iniwan ni Gabriel sa gilid nito na may inutusan na siya para dalhin ang mga pagkain sa kanilang suite.'May pupuntahan akong charity ngayon. I'll let you know kapag tapos na' Nang mabasa ang katuloy sa note na sinulat ni Gabriel ay napatango na lamang si Hara. Marahil nga ay may iba pang mga bagay ang sadya nito sa Naga.Nang matapos na makaligo at makakain ng agahan ay agad niyang kinita si secretary Saez.Dahil dahil sa tapos niya nang mai-check ang mga impormasyon tungkol kay Alfonso Borromeo kahapon, ngayon ang kailangan niya na lamang na gawin ay magsagawa ng masusing imbestigasyon tungkol sa pagpatakbo ng NVL Corporation. Kahit
"Sinasabi ko na nga ba at bakit pamilyar ang pangalan na Haraleigne Perez?"Nakaramdam ng kaba si Hara dahil sa mga binabatong katanungan ni secretary Saez. Alam niya na hindi pwede humaba ang kanilang usapan na iyon ang topic. Kapag magkakalkal pa siya ay baka ang mga bagay na nangyari noong gabing iyon ay maaaring lumabas! Agad siyang nag-isip ng paraan kung paano ililihis ang usapan. Ayaw niyang malaman ng kahit sino ang tungkol sa nabuong kasunduan sa pagitan nilang dalawa ni Gabriel. Mas mainam na ang alam ng lahat na kaya mabait sa kanya si Gabriel ay dahil sa kanilang pagiging magkaibigan at magkaklase noon wala nang higit pa. "Siya nga pala Mr. Saez, tignan niyo po ang kanilang logo." Turo niya sa menu ng kanilang kinakainan at tuluyan nang nilihis ang kanilang usapan. ........Sa kabilang banda naman ay abala si Gabriel sa charity na kanyang pinuntahan. Ang charity ng mga Dela Valle kahit kailan man ay hindi kunwa-kunwari at talagang tumutulong ito sa mga batang mahihira
Nalilito si Hara kung ano ang gagawin niya sa mga oras na 'yon. Kaya naman ay napatigil siya at wala ideya kung ano ba ang nais na sabihin ni Gabriel. Matapos ang mahabang katahimikan ay nagsalita na rin ang binata."Hayaan mo na." Tipid niyang sagot. Nang makita niyang nagklakad na si Gabriel papunta sa cr gamit ang kanyang mahahabang biyas at binuksan ang pinto, ay gusto niya na sanang suminghap dahil nakaramdam siya ng ginahawa. Ngunit nag-salita ulit si Gabriel, "Lalabas ako at bibili ng condom mamaya." Kaya naman ay hindi nagdalawang isip si Hara na kontrahin ang sinabi ng binata, "Huwag!" Agad niyang pagpigil, "Ako na ang pupunta." Naisip niya na kapag siya ang pupunta sa supermarket na bibili ng mga bagay-bagay bilang isang assistant ay walang magsu-suspetsa ng kahit ano sa kanya, lalo na at babae siya ay walang gaano ang mag-iisip ng kung anu-ano.Ngunit kapag si Gabriel ang gagawa noon ay ibang usapan na! Paano na lamang kung may makakakita sa kanya na bumibili ng condom
Hindi alam ni Hara kung pagod lang ba talaga si Gabriel o ayaw lang talaga niyang lumabas at bumili ulit ng condom kinabukasan. Sa gabing iyon, ay isang round lang ang hiningi ni Gabriel sa unang pagkakataon. Ngunit kahit isang beses lang iyon ay sobra ang pagod ni Hara na hindi niya na kayang itaas ang kanyang braso para abutin ang leeg ni Gabriel.Nang matapos si Gabriel na maglinis ng kanyang katawan at mga kalat nila nang gawin iyon ay tuluyan na siyang nahiga sa likod ni Hara. Marahang namahinga ang kamay nito sa bewang ng dalaga. Pagod din si Gabriel at nang hindi tumagal ay narinig na ni Hara ang steady nitong paghinga, nangangahulugan na siya ay nakatulog na. Nag-antay pa ng ilang sandali si Hara bago dahan-dahang humarap kay Gabriel at gumawa ng distansya sa pagitan nilang dalawa. Kailangan niyang gawin iyon dahil kung hindi baka sa susunod na araw ay tatraydurin na siya ng sariling nararamdaman. Nasanay na siyang mamuhay mag-isa, mag-isang lumalaban sa buhay kaya hindi s
Uuwi siya sa kanyang pamilya? Sa mga Dela Valle? Kaya naman ang unang sumagi sa isip ni Hara ay ang mensahe ni Dana kay Gabriel, na tungkol sa ina nito. Kahit sino naman ay uuwi talaga kung may malubhang karamdaman ang magulang. "Hindi makakabuti saakin ang pagsama sa iyo." Prangka niyang saad. Dahil totoo naman iyon, nakakahiya kung sino talaga siya sa buhay ni Gabriel. Nakakahiya lalo na sa mga magulang nito."Wala naman mali, sasamahan mo lang ako. Kung ayaw mong bumaba, pwede mo naman akong antayin na lang sa sasakyan." Nang marinig ni Hara na literal na sasamahan niya lag talaga ito at kahit na hindi na magpakita ay nakahinga siya nang maluwag. "Sige, sabihin mo lang saakin kung kailan at para maiayos ko sa schedule ng trabaho." Marahang hayag ni Hara.Tumango naman si Gabriel. Habang pinapanood niyang kumalma si Hara, na sa itsura niya kanina na animo'y kaharap niya ang kanyang moral na kaaway, hindi alam ni Gabriel kung tama ba na dalhin niya si Hara sa kanyang pamilya
Tila hindi maipinta ang mukha ni Hara dahil sa biglaang tanong ni Axel. Hindi niya alam kung seryoso ba ito o nagbibiro lamang. "Ano?" Malamig niyang tanong. Masyadong biglaan ang kanyang sinabi at nabigla si Hara, dahil ang buong akala niya ay tungkol sa proyekto ang kanilang pag-uusapan. Bakit napunta sa kung papasaba siyang maging nobyo ng dalaga.Nang makita ang gulat na ekspresyon sa mukha ni Hara ay napatikom ng bibig si Axel, na parang nagsisi ito sa agresibong tanong. "Natakot ba kita." Hindi mapigilang tanong ni Gabriel."Medyo." Matigas at tipid na sagot ni Hara. Ang kanyang ngiti ay makikitaan ng ilang dahil hindi niya alam kung paano ang makipag-usap sa mga ganoong sitwasyon. Nang mapansin ni Axel na tahimik na talaga si Hara ay siya na ang bumsag ng katahimikan, "Pasensya na at masyado akong naging agresibo. Pumunta talaga ako rito ngayon para sa project na pag-uusapan natin. Ngunit naisip ko na pagkatuwaan ka kaya hindi ko na napigilan na magpbiro ng kaonti." Pali
Nakarinig ng mabigat na buntong hininga si Hara mula sa kabilang linya na para bang dismayado ito."Huli na. Ang napirmahang kontrata ay kailangan nang mamarkahan kasama ng appendix. Kailangan ko muna itong tignan bago makagawa ng final contract ang legal department. " Matigas nitong utas. Sa mapag-utos na boses ni Dana ay nababahala si Hara, na tila ba ay hindi niya itopinagkakatiwalaan, "Huwag ka nang magsayang ng oras Hara. Ang lawyer ng RCV ang nag-hihintay rito. Kaya isend mo na ang technical drawings sa email na isisend ko." Nang matapos na magsalita si Dana ay agad niyang binabaan ng selpon si Hara kaya napailing na lamang ito. Dahil alam na alam ni Dana kung paano gamitin ang kapangyarihan niya sa trabaho.Nang makalipas ang ilang segundo ay mag nagsend kay Hara ng email address sa kanyang selpon.Napaisip si Hara,kung sabagay nga naman ay chief lawyer ng mga Dela Valle si Dana kaya dapat ay hindi siya gagawa ng kahit anong bagay na malalagay sa panganib ang kompanya. Kaya
Hilaw namang napangisi si Josh, "Oh, sige." Nang mapansing may mali o parang naiilang ang dalawang taong kausap niya na si Hara at Gabriel ay hindi niya na napigilan pang magtanong sa mga ito, "Kayong dalawa ba?" Nahihiya nitong tanong. Matigas naman napailing si Hara, "Empleyado ako sa kompanya ni sir Gabriel." Mabilis na sagot nito bago pa maibuka ni Gabriel ang kanyang bibig para magsalita at baka kung ano pa ang kaniyang masasabi. "So, iyon pala!" At parang nabunutan ng tinik sa dibdib si Josh nang marinig iyon ngunit napatingin ito kay Hara na parang hindi naniniwala at may paghihinala.Noon pa man ay maganda na si Hara. Nang sila ay nasa junior high school pa lamang, kahit mag-suot ito ng lumang damit at ang buhok niya ay naka-tali lamang ng simple ay hindi pa rin maitatago ang maganda nitong mukha. Paano pa kaya ngayon na siya ay maayos at disente na ring manamit, isama pa ang kanyang mahabang buhok na mermaid wave at nakalugay hanggang kanyang balikat, may maganda at inose
Kaagad namang nag-reply si Sabby na mas lalong nakabigat sa loob ni Hara. 'Nako, Hara. Normal lang iyan kaya bakit pa ba tinatanong? Obvious naman e. Tawag diyaan ay super inlove!'Bago pa makapag-reply si Hara ay may pasunod pa na mensahe si Sabby sa kanya. 'Sa tingin ko ay may mali sayo, Hara. Kaibigan mo ba talaga ako?''Oo naman.' Mabilis na reply ni Hara.'Sige, sabihin mo nga saakin. Sino iyang lalaking nagpapagulo sa tahimik mong puso? Huwag mo nang itanggi pa! Base sa mga sinabi mo at kung paano ka mag-react, halatang inlove ka sa kung sinumang lalaki na iyan.'Halos mamula ang mukha ni Hara. Inlove na siya kay Gabriel? Paano? Kailan? Kumunot ang kanyang noo at hindi alam ang isasagot sa nagtatanong na kaibigan. Ngunit ang unang ideyang pumasok sa isip ni Hara ay sin o ba siya para mahalin si Gabriel? Gayong may minamahal itong iba, kaya paano niya magagawang mag-isip ng ganoong bagay?Napatikhim na lamang siya at nag-tipa ng reply sa kaibigan. 'Curious lang naman ako kun
Noong una ay hindi niya iyon binanggit dahil gusto niya na lamang palipasin ang tungkol sa bagay na iyon. Dahil pagkatapos ng lahat, nang makita niya ulit si Hara ay nilunok niya ang kanyang pride at tinanggap na hindi magiging madali ang pagmamahal niya sa dalaga. Kailangan ng maraming oras at pasensya.Ngunit nang sawakas ay nai-open na ni Hara ang tungkol sa bagay na iyon, agad na napatuwid ng likod smula sa pagkaka-upo. "Bakit ka nag-desisyon na si Axel ang magpanggap bilang boyfriend mo nang hindi mo manlang ako tinatanong?" May tampo sa boses ni Gabriel na nahimigan si Hara. Parang nangatal ang labi ni Hara dahill hindi niya akalain na ganon ang magiging sagot ni Gabriel. "Napaka-busy mo noon, kaya bakit pa ba kita guguluhin sa isang maliit na problema lamang?" Kinakabahan niyang saad."Haraleigne! Ilang beses ko nang pinaalala sayo na kapag may problema ka, just tell me and I'll do my very best to attend them." "Ang pinaka-promblema ko ay hindi ganoon kadaling lutasin. Kapa
Dahil napakarami ng workload mula sa business trip na iyon, pinili lamang ni secretary Saez ang importanteng impormasyon para lamang i-veritfy ni Hara. Una, sa tinign ng secretarya ay marami nang na proyekto si Hara noon ay lahat ng iyon ay successful. Pangalawa, gusto rin niyang makasali ito sa NARO project para madagdagan ang credentials ni Hara at tuluyan nang mapo-promote sa head office.Nang makita ni Hara ang ga-bundok na brown envelopes na inabot ni secretary Saez ay naisip nang magpatingin ng mata sa ophthalmologist sa oras na sila'y makauwi ng Pilipinas. Nang maibigay ang mga papeles ay agad na nagsalita si secretary Saez. "Kailangan mong basahin nang mabuti ang mga iyan at huwag na huwag kang magkakamali. Kung may time ako pagkatapos ng trabaho ay pwede kitang matulungan para i-check ang mga nagawa mo." Palala niya kay Hara,"Tatandaan ko po iyan Mr. Saez." Malalim na huminga si Hara. Isinuot niya ang kanyang reading glass at inumpisahan nang basahin ang unang bahagi ng m
Nang sila ay nakahiga na at magkatabi sa iisang kama ay naramdaman ni Hara ang malaking kamay ni Gabriel na nakadantay sa kanyang maliit na bewang. Rinig ni Hara ang steady-ing paghinga ng binata kaya panigurado ay tulog na ito. Wala siyang maisip ng kahit ano bukod sa isang bagay lamang, alam niyang tuloy para rin ang kanilang kontrata......Nang magising siya kinaumagahan ay wala na sa kanyang tabi si Gabriel. Kaya namanay agad na rin siyang bumangon at nakitang may iniwang agahan si Gabriel sa dining room.Ganoon na lamang ang kanyang gulat ng tumunog ang kanyang cellphone at nakitang si Sabby ang tumatawag."Hara! Hindi mo ba nabasa 'yong chat ko sayo kahapon?" Pag-uusisa nito at may halong excitement sa kanyang boses."Ah..Sorry, masyado kasi akong busy kahapon. Marami akong kailangang ayusin sa business trip." Pagpapaliwanag niya ngunit hindi siya pinatapos ni Sabby."Ang tinatanong ko kung 'yong lalaki bang tinutukoy mo kahapon ay si sir Gabriel Dela Valle?" Atat na tanong ng
"Anong ibig mong sabihin?" Naguguluhang tanong ni Hara. Mukha siyang gulat at parang nawawala sa mga oras na yon. Ngunit sa totoo lamang ay may hinala siyang na-damage ang utak ni Gabriel matapos ang aksidente. Dahil paulit-ulit niyang sinasabi sa dalaga na hindi niya raw maintindihan, hindi maintindihan ang alin? "I'll give you some more time. Bumalik na tayo sa hotel." Malalim na saad ni Gabriel at inayos na ang upo sa driver seat. Ang pagkakabanggit niya ay parang walang gana.Kaya naman napa bukas-sara na lamang ng mata si Hara at gusto niyang mag-salita ngunit nahihiya siya. Gusto niyang tanungin si Gabriel tungkol sa kanilang kontrata. Kahit nahihirapan ay naglakas loob siyang tanungin na lamang nang diretso si Gabriel."Sir Gabriel, plano niyo na po bang iterminate ang kontrata? Sa totoo lang ay pwede niyo naman po sabihin saakin nang diretsahan. HIndi po ako tututol." Dahil kapag naterminate na ang kontrata ay matutulungan niya nang magbabalikan ang dalawa. Ngunit kabalik
Talaga namang kakaiba at lumulutang ang tindig ni Gabriel kahit na nasa kumpol ito ng mga tao. Napakatangkad at masculine ang pangangatawan at kahit na nakatayo lamang ay napakalakas ng kanyang dating at karisma. Halos hindi na huminga si Hara sa mga oras na 'yon. Tila ba ay kahit na tanaw niya na si Gabriel ay parang napakalayo nito sa kanya, parang may nag-iba rito o sadyang madalas lang siyang mag-iwas tingin rito para pigilan ang mga nararamdaman. "Napaka-gwapo talaga." Mahinang anas ni Hara dahil nakasuot si Gabriel ng black suit at unat-unat ang kanyang necktie at ang pang-loob nitong longsleeve. Halos masamid siya sa sariling niyang laway nang makita kung paano itiklop ni Gabriel ang kanyang longsleeve at lumantad ang maugat nitong braso. Habang pinapanood iyon ni Hara ay napahawak na lamang siya sa kanyang dibdib dahil dinig na dinig niya ang tibok nito. Nang mga nakaraang araw ay lagi nalang siyang nakakaamdam ng pagkakaba sa tuwing nababanggit si Gabriel. Hindi kaya ay ma
"May kotse si sir Gabriel sa Hong Kong. Kaya ibibigay ko na lang sa'yo ang susi kapag dumating na tayo doon." Parang may pumitik nang malakas sa dibdib ni Hara nang marinig iyon, totoo nga talagang makikita niya na si Gabriel, hindi na imahinasyon o pananginip, this is so fucking real. "Pero sir Saez, hindi po ako ganoon kagaling mag-drive. Baka maibangga ko lang ang kotse ni sir Gabriel." Huling subok ni Hara at nagbabasakaling magbago ang isip ni secretary Saez at siya na lang ang susundo kay Gabriel.Lihim na napangiti ang sekretarya at napataas ng kanyang kilay. "Huwag kang mag-alala, ms. Perez. Maraming kotse na nakaparada sa garahe ni sir Gabriel sa Hong Kong. Kaya kung may mabangga ka man, walang makakaalam. Kung kaya mo pa ngang ilipat ang ownership, makakabenta ka pa." Napangiwi na lamang si Hara dahil hindi niya alam kung ano ang unang gagawin. Kung bubuntong hininga ba muna siya dahil masyadong mayaman talaga si Gabriel o malulungkot dahil hindi talaga tumalab ang kanya
Napataas ng kilay si Hara sa ginawa ng kaibigan. "Bakit? Hindi ba lahat ng mga gagong lalaki ay nakakairita?" Nagpamewang naman si Sabby at hinarap ang kaibigan. Haynako Hara. Alam mo mayroon at mayaroong araw na ang mga babaerong lalaki ay mapapagod na sa pakikipaglaro. Mas gugustuhin na lang nilang mag-settle down sa iisang babae dahil tapos na silang magpakasaya sa buhay binata. Kapag nangyari 'yon ay loyal at magmamahal na silang totoo dahil tapos na silang mag-buhay binata. Pero ito ang sinasabi ko sa'yo, kapag may minamahal nang babae iyang lalaking naka-one night stand mo, maniwala ka saakin hinding hindi ka niya kayang mahalin nang lubos.""Kahit gaano ka pa kaganda at kahit gaanong pagmamahal pa ang ibigay mo sa kanya, masasaktan at masasaktan ka lang. Hindi mo iyon matatakasan, iyon ang reyalidad." "Halos mangatal ang labi ni Hara sa mga pangaral ng kaibigan. Alam naman ni Hara na walang alam si Sabby sa kanila ni Gabriel ngunit tumpak na tumpak talaga sa kanya ang mga
"Si Hara at ako ay mag-asawa. Baka nakakalimuntan mo." Mariin ang bawat pagbigkas ni Gabriel sa mga salitang binanggit niya. Kahit na hindi masaya si Gabriel sa mga nangyayari sa kanila ni Hara ay hinding hindi niya ito hihiwalayan dahil alam niyang nakaaligid kay Hara si Axel. Galit lang siya sa dalaga dahil masyadong pabaya ito sa kanilang kasunduan at sa kanilang kasal. Hindi manlang naiisip ng dalaga ang nararamdaman niya. "Huh! Ikaw lang naman ang nagseseryoso sa kasal niyong dalawa." Prangkang hayag ni Axel at wala na siyang pakialam pa kung masaktan ang kaibigan dahil gusto niya lamang itong magising sa katotohanan. "Nagdala siya ng lalaki sa kanyang ina at ipinakilala na boyfriend niya at kaya mo siyang patawarin? Hindi mo manlang makita si Dana na lumipad agad agad rito sa Pilipinas para lang makipag-negotiate sa kontrata kahit na kaka-opera palang niya. Hindi mo ba makita kung paano niya hawakan ang tyan niya dahil masakit pa ang sugat niya? Hindi ka manlang naantig doon