"Sige ma, kailangan ko na pong umalis." Pagpapaalam niya sa ina. Sa isip ni Hara ay hindi dapat siya kumalma lang pagdating sa trabaho dahil kailangang galingan ng doble para makalikom agad ng pera.Nang matapos makapag paalam sa ina ay agad siyang nag-book ng taxi papunta sa head office ng Dela Valle. Ilang beses pa lamang siyang nakapunta sa head office at ang isa na roon ay noong nagkaroon ng annual meeting. Nang makapasok siya sa hall ay isa lang ang masasabi niya, lahat ay napaka elegante. Ang mga naglalakihang crystal lamps na nakasabit lamang sa hall na tantya niya ay nasa libong milyong piso ang halaga. Ang buong paligid ay nagmistulang museo, may mga antiques na naka-display at mga orihinal na paintings na nakasabit pa.Nang matapos busugin ni Hara ang mga mata sa paglibot sa hall ay agad niyang inalala ang sinabing direksyon sa kanya ni Dana. Pinindot niya lamang ang 12th floor sa elevator ay nakarating na siya sa tamang floor. Nang siya ay makalabas sa elevator ay nakita
Ang tono na ginagamit ni Dana sa tuwing siya ay magsasalita ay napaka kaswal, para bang nakikipag-usap lamang ito sa mga kaibigan. Ngunit kahit na ganoon ay ramdam pa rin ni Hara ang agwat sa pagitan nila ni Gabriel. Sa tuwing matatapos ang pagsasalita ni Dana ay hindi na rin siya nagsasambit ng mga karagdagang katanungan bagkus ay kaswal niya lamang itong sinasabi pagkatapos ay ibang pag-uusapan na naman ang kanyang babanggitin. Minsan, ay naiisip ni Hara na marunong makiramdam si Dana kaya hindi nito pinapalalim ang anumang usapano sadyang marunong lang talaga siyang maging pormal sa lahat ng oras.Sawakas, natapos na rin ang kontrata at palihim na lumanghap ng hangin si Hara tanda na siya ay naginhawaan na sa sitwasyon. Tumayo na ito at nagpaalam, "Marami po salamat sa masigasig niyong pagta-trabaho, Lawyer Hernaez. Mauna na po akong aalis." Mabilisan niyang saad dahil para na siyang tinutusok sa kanyang kinauupuan. "Oh, bakit ka nagmamadali? Magigising na rin naman si Gabriel
Ilang beses na ring nakita ni Hara ang pinsan ni Sabby, kaya hindi na bago sa kanya kung makakasama siya sa kanilang lakad. Magkaibang-magkaiba ang ugali nila ni Sabby. Mature mag-isip ang pinsan ni Sabby at hindi paligoy-ligoy. Bata pa lamang ito nang maging physics proferssor sa isang kilalang unibersidad sa Pilipinas. Halata ring galing siya sa isang entelehenteng pamilya.Nang makarating si Hara sa entrance ng Cagsawa Ruins ay nakita niyang may babaeng nakatayo sa isang haligi na masiglang iwinawagayway ang kanyang mga kamay.Napailing na lamang si Hara at nahihiyang lumapit kay Sabby sa kalokohang ginagawa nito, "Sabby, ang daming tao, hindi ka ba nahihiyana pagtawanan ka nila?" Seryoso niyang tanong sa kaibigan ngunit hagikgik lamang ang naging sagot nito."Bakit naman ako matatakot kung marami ang mga tao! Ang kiniakatakot ko ay ang hindi kita makita noh!" Sagot ni Sabby habang humahagikgik at hinawakan niya ang baba ni Hara upang ituro ang taong kasama niya, "Siya pala 'yon
"Mr. Dela Valle?!" Halos hindi maitawid ni Hara ang pagsasalita sa kabang nararamdaman. Una ay dahil hindi niya inaasahan na makikita niya si Gabriel at ang mas malala pa ay tinawag niya pa ito. Pangalawa, alam ni Hara ni may namumuong teorya na naman sa isip ni Sabby. Bago pa makatugon si Hara ay alam niyang may nabuong katanungan na agad si Sabby. Ang biglaang pagsulpot ni Gabriel ay hindi talaga aakalain ng kung sinuman at hindi talaga kapani-paniwala na parang pagkapanalo sa grand prize sa lotto. Kahit hindi man tumingin si Hara sa kanyang likuran ay alam niya na ang ekspresyon ng kaibigan at hindi rin siya makakatakas kung magtatanong man ito. Ngunit mabilis mag-isip si Hara kaya naman ay pinakita nito ang mala-propesyonal niyang ngiti at dali-daling naglakad sa harap ng Mercedes-Benz. "Mr. Dela Valle, is there something about work?" Kalmado niyang tanong ngunit kabaliktaran sa kabang nararamdaman niya. Ngunit hindi sinagot ni Gabriel ang kanyang tanong at malamig lamang iton
Alam ni Hara na bihira lamang gamitin ni Gabriel ang ganoong tono lalo na kapag silang dalawa lamang ang nag-uusap, kaya naman ay alam niyang pinal na talaga ang desisyion ng binata at walang makakabali nun kahit si Hara pa. "Maraming salamat po, Sir Dela Valle." Pormal na saad ni Hara at bahagya siyang yumuko bilang paggalang sa CEO ng Dela Valle. ...Nang makarating sa kompanya ay dumiretso kaagad si Gabriel sa conference room at may pakiramdam si Hara na walang katapusang meeting ang magaganap sa buong araw. Nagprepara na rin si Hara. Kinuha niya ang kanyang bag at diretsong pinuntahan si secretary Saez. Nang makita niya ito sa personal ay napagtanto niya na kaya pala pamilyar ang kanyang boses nang marinig niya ito sa tawag! Siya iyong humarang sa kanya noon sa pinto at tumangging papasukin siya noong nasa BGC sila para tanungin kay Gabriel ang kontratang naiwan niya sa room 1501."Miss Perez." Marahang tumango si Neil Saez kay Hara. Tila ba ay hindi na ito nasurpresa sa presen
Kaya naman ay agad nag-isip ng paraan si Hara kung paano tumakas sa stiwasyong masakit sa kanyang mata. Ngunit bago pa siya makapaghanap ng pagtataguan ay agad siyang nakita ni Gabriel."Haraleigne." Tawag sa kanya ni Gabriel. Napakalalim ng kanyang boses, nakakahalina at marahan ang tono na kanyang ginamit. Gusto na lamang ipikit ni Hara ang kanyang mga mata dahil sa kakaibang nararamdaman. Kaya naman nang hindi umobra ang plano niyang magtago ay napalunok siya ng ilang beses at diretsong naglakad, "Mr. Dela Valle, Atty. Hernaez." Pormal niyang bati."Mauna na kami." Nagmamadaling sambit ni Gabriel nang makalapit sa kanila si Hara, at binuksan na nito ang pinto ng kotse at tuluyan nang pumasok sa loob. Matamis namang ngumiti si Dana kay Hara at winagayway pa nito ang kanyang kamay, "Alright. Ingat sa pag-drive! Gabriel, may pag-uusapan tayo once na nakabalik ka na galing business trip mo." Malambing niyang saad."Okay." Tipid na sagot ni Gabriel. Pumasok na lamang si Hara sa lo
Napagtanto ni Hara na totoo nga ang sinasabi ng kanyang kaibigan at hindi ito nakikipag-biruan tungkol sa sasabihiin ni Axel sa kanya. Muling nag-type si Hara ng mensahe para kay Axel.'May kailangan akong puntahan na buisiness trip bukas. Ngunit ibabanggit ko ang bagay na ito saaming head na si Mr.Molina sa oras na makakauwi ako. Sa totoo lang ay napaka-gandang proyekto ito, Axel.'Nang makalipas ang ilang minuto ay agad namang naka-tanggap ng reply si Hara sa ka-text, 'Pupunta ka rin ng business trip bukas?''Oo, sa Naga City ang punta ko.' Mabilis na tugon ni Hara. 'What a coincidence! Pupunta rin ako bukas sa Naga. Naimbitahan kasi ako sa University of Science and technology para mag-bigay ng speech. Kung hindi ka busy, ay pwede kang mag-sched ng appointment para masabi ko sa'yo nang detalyado ang tungkol sa proyekto.' Nang mabasa ni Hara ang reply ni Axel ay nagtaka siya. Hindi niya alam kung ang pag-iimbita ba sa kanya ni Axel ay dahil gusto niya talaga siyang makausap tungko
Kita ni Gabriel kunug gaano ka-seryoso ang mukha ni Hara sa pag-uusap nila sa kanilang kasal na para bang nasa trabaho lang sila kaya naman ay napabuntong hininga ang binata at marahang tumingin kay Gabriel"Wait a litle longer, Hara." Malamlam niyang sambit.Marahil ay masyadong nag-aalala pa si Gabriel sa mga bagay-bagay. ...Nang sumunod na araw ay maaga silang sinundo ng assistant ni Gabriel para ihatid sa airport .Sa buong byahe nila ay kausap ni Gabriel ang mga sharholders, napaka-busy nito at umabot na sa punto na hindi manlang niyang magawang uminom ng tubig mula sa kanyang botted mineral. Nang makapasok na sila sa eroplano ay doon pa lamang nakuhang mag-pahinga nito at marahang sumandal sa kanyang assigned seat para magpahinga.Samantalang si Hara naman ay tahimik lamang sa gilid ni Gabriel at ginagamit ang pagkakataon para pag-aralan ang mga impormasyon na ibinigay sa kanya ni secretary Saez at habang lumalalim ang pag-aaral niya sa proyekto ay lumalaki rin ang pagdududa n
Nakakapanghina ng loob, iyon ang naramdaman ni Hara sa mga oras na iyon. Mas nakakapagod ang pakikipagtalo niya sa kanyang ina, kaysa sa pag-oovetime niya ng araw-araw sa trabaho.Nang makita ni Helena na dismayado ang anak ay napabuntong hininga na lamang iton. "Hara anak, alam ko naman na hindi ko dapat ipasa sayo ang mga phobia ko sa relasyon namin ng ama mo. Dahil mahirap mang tanggapin ay sa susunod na mga araw ay ikakasal na ka rin at magkakaroon ng pamilya na aasa sayo. Ngunit natatakot lang talaga ako anak, pakiramdam ko,lahat ng mga lalaki ay may ibang motibo." Malungkot nitong saad sa anak. Nang maalala ni Helena ang nakaraan niya, mabait at maginoo talaga ang ama ni Hara. Noon ay walang makitang kamalian si Helena kay Lucio kaya naman ay pinairal niya ang kanyang puso noon at hindi na nag-isip pa. Kaya habang buhay ang pagsisi niya dahil naging padalos-dalos siya noon. Napailing naman si Hara at hinawakan ang kamay ng ina. "Ma, huwag niyo pong sabihin ang mga iyan. Sa
Isang gabi bago ang operasyon ni Helena ay hindi muna natulog si Hara sa bahay ni Sabby bagkus nanatili siya sa hospital, sa piling ng kanyang ina. Gusto niya na naroon siya bago sumailalim ang kanyang ina sa operasyon. Gustong mni Hara na maramdaman ng kanyang ina na hindi siya nag-iisa at may sasama sa kanya sa lahat ng pagsubok na kahaharapin niya. Ayaw nang tumulad ni Hara sa knayang ama na inabandona sila maraming taon na ang nakalipas.Labis ding naiintindihan ng dalaga kung bakit napakahigpit ng kanyang ina sa kanya, dahil ayaw nitong masaktan siya. Ngunit minsan ay nakakasakal na rin ang ginagawa ng kanyang ina, dahil lahat ng ginagawa niya ay pinanghihimasukan ni Helena. Isa rin sa dahilan kung bakit sinamahan ni Hara ang kanyang ina ay dahil kahit pa sabihin nitong hindi siya natatakot sa gagawing operasyon ay nagsisinungaling lamang ito. Alam ni Hara kung gaanon ka-delikado ang operasyon na gagawin ganoon din si Helena. "Mama, sinabi saakin ng doktor kanina na malaki ang
Ibinigay na ni Gabriel ang kanyang apelyido kay Hara at ang legal confirmation sa kanilang kasal. Ang importanteng bagay na iyon ay matagal nang ibinibigay ng pamilya niya kay Dana dahil botong boto sila dito. Saksi ang kani-kanilang mga magulang sa paglaki nilang dalawa. Kaya mula pa noon ay pinapangarap na nilang magkatuluyan ang dalawa sa huli. "Huwag mo munang sabihin kay mama." Tipid na saad ni Gabriel at malamig na titig ang ipinukol kay Dana. Na para bang isang maling galaw lang ni Dana ay kayang kaya niya itong pabagsakin. Noon pa man ay laging iniisip ni Gabriel ang kondisyon ng kanyang ina, kaya hindi niya minamadali ang mga bagay bagay lalo na ang pagpapakasal sa babaeng mahal niya na si Hara.Ngunit alam niya rin sa kanyang sarili sa oras na hindi niya pa pinikot at ginipit si Hara ay malaki ang tyansa na hindi ito mapapasakanya kapag tumagal ang panahon. Kaya naman nang magkaroon siya ng pagkakataon para mapasa kanya ang dalaga ay hindi niya na ito pinakawalan anuman
Sa totoo lang ang labis na humahanga si Hara sa katangian ni Dana. Dahil handang lumapit ito kay Hara para lamang magtanong ng isang pang-private na bagay at hindi manlang ito nahiya. Talagang kapag nagmahal ka nga naman ay kayang gawin ang lahat para lang sa taong iyon kahit estado pa ng pagkatao ang nakataya. Mahal nga talaga ni Dana si Gabriel at handa itong gawin ang lahat para sa lalaking iniibig niya. 'Please...' Muling chat ni Dana na mas lalong nagpagulo sa isip ni Hara. Handang humingi ng tulong si Dana para lang kay Gabriel at iyon ang nakakagulat. Dahil kilala ni Hara si Dana bilang isang independent woman ay hindi ito nagpapakita ng kahinaan sa ibang tao at tanging kay Gabriel lamang siya titiklop. Sabagay si Gabriel Dela Valle na ang pinag-uusapan, ang lalaking palihim na minamahal si Dana sa loob ng mahabang panahon at ngayon ay mahal na rin siya ni Dana. Kaya sino ba naman si Hara para kwestyunin si Dana? Sino ba siya Hara sa buhay ni Gabriel? Hindi ba at isa lamang s
Hindi makapaniwala si Hara na nagawang tawagan ni Helena si Axel. Direkta niya itong tinawagan at hindi na ipinaalam kay Hara.Halos magdugtong na ang kilay ni Hara dahil sa labis na inis na kanyang nadarama. Parang may apoy na nagliyab sa kanyang dibdib at hindi niya kayang pigilan iyon!Dahil pakiramdam niya ay kinokontrol siya ng kanyang ina at pinapakialaman na masyado ang kanyang buhay. Alam naman niya na nag-aalala ang kanyang ina sa magiging kinabukasan ni Hara. Ngunit minsan ay sumusobra na ito at ang mga taong hindi dapat madamay sa gusot ng kanilang buhay ay nadadamay dahil sa kagagawan ng kanyang ina. 'Bakit tinawagan niyo si Axel na hindi manlang muna sinabi saakin? Sinabihan ko na po kayo diba na busy po siya pero tinawagan niyo pa rin. Pumayag lang siya para hindi ka po mapahiya!' Naiinis na chat ni Hara sa ina. 'Kinukwestyon mo ba ako, Hara?' Nagalit na rin si Helena sa anak dahil sa tabas ng mga salita nito.'Sa tingin para kanino ko ito ginagawa! Napakabilis mong ma
Ngunit bago pa makapagsabi ng paliwanag si Hara ay agad na pinatay ang tawag ni Gabriel. Kaya naman ay walang nagawa ang dalaga kundi mapayuko na lamang. Para bang ang relasyon nilang dalawa ni Gabriel ay parang bumalik sa lebel bilang isang CEO at isang mababang sekretarya lamang. Tila may naramdamang suntok mula sa dibdib si Hara nang maisip iyon, nasasaktan siya sa mga nangyayari ngunit wala siyang magagawa kung iyon ang nararamdaman ni Gabriel. Siguro nga ay tuluyan nang nagkaayos at nakabalikan si Gabriel at Dana kaya ganoon na lamang ang pakikitungo niya kay Hara, na parang wala lang sa kanya ito. Kung sabagay nga ay kailan ba nagkaroon ng halaga si Hara kay Gabriel? Hindi hamak na isa lang siyang bayarang babae nito para makuha ang ninanais na babae, si Dana. Nang matapos na patayin ni Hara ang kanyang computer ay nagawa niya na ring mag-shower at magpalit sa kanyang pajama ngunit sa hindi inaasahang pagkakataon ay umatake na naman ang kanyang insomnia habang nakahiga sa ka
Wala pa ring naging reaksyon si Hara sa mga narinig mula kay Gabriel. Dahil baka kinakausap lamang nito ang kanyang sarili. Nadala na si Hara sa pag-aassume mula sa binata at mali na umasa siya rito dahil kahit anong gawiin niya ay kay Dana pa rin uuwi si Gabriel.Agad siyang napatikhim nang may nabasa siyang 'noted' na chat ng kanyang mga kasamahan sa meeting room. Kaya naman ay nagchat din siya doon at isinend ito sa group room. Nakahinga siya nang maluwag nang makumpirmang hindi pala para sa kanya lang ang mga sinabi ni Gabriel. Tumagal ang meeting hanggang ala una ng madaling araw, kung saan ay inaantok na ang lahat maliban kay Gabriel, ang president host ng meeting. Ngunit na kahit sila ay inaantok na, walang may lakas ng loob na humikab o magpakita ng pagka-antok sa buong meeting. At nang sa wakas ay mag-anunsyo na ng summary ang sekretarya nito at opisyal nang tinapos ang meeting ay nakahinga nang maginhawa si Hara at papatayin sana ang kanyang camera para makapagligpit at
Nakagawa ng detalied report si secretary Saez tungkol sa mga asensong nagawa ng NARO Corporation at nagsagawa rin ng malalim na research tungkol sa finance, mga gagawing proyekto at ang mga shareholders na nagbabago bago ng posisyon kada taon. Pinag-aralan din ni secretary Saez ang mga kasalukuyang technological development ng NARO.Sa kalagitnaan ng meeting ay biglaan niya na lamang narinig ang kanyang pangalan."Si Ms. Hareleigne Perez na galing sa investment banking department ay katatapos lamang magproposed ng proyekto tungkol sa mga makabagong kotse ng RVP Company. Napasa na rin iyon sa head office para ireview. Binasa ko na rin iyon at kapag totoo nga ang mga impormasyon, nasa linya ito ng mga kakailanganin natin." Pormal na pagbabalita ng investment director na may importanteng posisyon sa Dela Valle Coporation. Mula sa likod ng camera ay marahan namang tumango si Gabriel at itinaas pa ang kilay, "secretary Saez, pag-aralan mo ng mabuti aang tungkol diyaan." Malamig niyang u
Nang makauwi na si Hara sa bahay ni Sabby ay nagmamadali na itong pumasok at wala na rin siyang oras para manlang uminom ng kahit kaonting tubig. Agad niyang inayos ang mga materials na gagamitin para sa meeting. At dahil nga may bagong task na naman ang natoka sa kanya tungkol sa NARO Corporation para sa kanya ay biglaang desisyon iyon ng head office. Dahil bago lamang sa kanya ang proyekto ay mababaw pa lamang ang kanyang pag-iintindi ukol rito, kaya naman ay kakailanganin niya talaga na makinig nang mabuti sa dadaluhang meeting mamaya-maya. Nang matapos na ihanda at ayusin ang lahat ng gagamitin sa meeting ay naisip niyang maupo na sa kanyang upuan at nag-umpisa na ring buhayin ang computer. Tuluyan nang nakapasok si Hara sa meeting interface ng kompanya. Kita mula sa kanyang screen title ng meeting at oras nito.20:00 Channel One Technology Development Project Meeting. Main Meeting Person: Gabriel Dela ValleHabang pinagmamasdan ni Hara ang mga letrang nasa screen ng kanyang c