Hello lovelies, sana nagustuhan niyo ang chapter na to. Salamat ng marami sa pagbasa.
Nakahiga si Jake sa loob ng private unit ng kanilang hospital ng pumasok si David. Sinulyapan niya lang ang driver/bodyguard, pero hindi niya ito kinausap. Binaling niya ang atensyon sa ginagawang report sa kanyang laptop. Hindi naman kailangang ma-confine ni Jake sa hospital dahil minor lang naman ang kanyang injury sa kamay. Subalit pinilit ng doctor na mag-pahinga siya kahit isang araw lang, upang mabantayan daw ng mga ito ang kanyang mental health. Pagkatapos nga naman ng ginawa niyang pagwawala sa loob ng kanyang opisina ay hindi niya masisisi ang mga ito. Pero sa halip na magpahinga ay nagpasya siyang magpadala kay Karen ng mga trabahong naiwan niya sa opisina. Minabuti pa niyang lunurin ang sarili sa pagtatrabaho upang maiwaglit sa isipan ang mga suliraning kinakaharap. Habang abala sa kanyang ginagawa ay napansin ni Jake na parang hindi mapakali si David. Kanina pa ito pabalik-balik ng lakad sa loob ng kanyang kwarto. “May sasabihin ka ba, David?” tanong niya sa driver/bo
“Tita, did Jake call?” tanong ni Yesha sa tiyahin na siya niyang kasama ngayon sa ospital. She was confined there already for almost three days. At sa loob ng mga araw na iyon ay hindi pa rin siya nawawalan ng pag-asa na pupuntahan at bi-bisitahin siya ni Jake, o di kaya naman ay tatawagan siya ng lalaki. She was still in-denial na balewala sila ng kanyang mga anak para rito. Hindi ganoon ang pinakita sa kanya ni Jake, kabaligtaran ng sinabi nito sa harap ng mga reporter. She felt how much Jake cared for her and the babies. Wala man itong direktang sinasabi sa kanya pero dinadaan naman nito sa gawa ang pagpaparamdam nito ng pagiging caring sa kanila ng mga babies niya. Damang-dama niya kung gaano sila kahalaga sa lalaki, kahit kailan ay hindi niya naramdaman na pakitang-tao lang ang lahat ng ginagawa nito para sa kanila. Kaya hindi pa rin niya mapaniwalaan na si Jake mismo ang nag-deny ng kanyang existence sa harapan ng media. Gabi-gabi pa rin siyang umiiyak kapag naiisip ang narinig
SIX YEARS LATER… “Pumpkins dahan-dahan lang sa paglalakad at may tulak si mommy,” saway ni Yesha sa dalawang batang naghaharutan habang naglalakad. Kasalukuyan niyang tulak-tulak ang trolley na karga ang kanilang mga maleta. Habang ang dalawang bata naman sa unahan niya ay masaya pang naglalaro at mabilis ang mga hakbang ng mga ito sa sobrang excitement na nararamdaman. Bagamat may tinutulak na gamit ay hindi inaalis ni Yesha ang tingin sa dalawang bata. “Aya Mae, we better stop playing. Mommy was tired, let's help her,” tawag ng batang-lalake sa kakambal. They were both playing ahead of their mother, at ng mapansin nitong napalayo na sila ng bahagya sa ina ay bigla itong huminto sa paglalaro at tinawag ang kapatid. “Okay,” mabait namang tugon ng batang babae na tinawag na Aya Mae ng kapatid. Lumapit ito sa batang lalake at saka ikinawit ang palad sa kamay ng kakambal, saka sila bumalik sa ina ng magkahawak-kamay, “Mommy, Jasper and I will help you,” saad ni Aya sa ina habang papa
Unang araw ni Yesha sa bagong papasukan. Ayaw niyang ma-late at magkaroon ng hindi magandang first impression record sa bagong trabahong naghihintay sa kanya sa bansa. Maaga pa lang ay gumayak na siya upang pumasok. Bago pa man umuwi ng Pilipinas ay may trabaho nang naghihintay sa kanya. Ayaw din niyang magkaroon ng bad record at mapahiya si Alex. Ito kasi ang nagpasok sa kanya sa trabahong papasukan niya ngayon, gamit ang connection at impluwensya nito sa bansa. Nagawa siyang ipasok nito sa isang private university upang magturo. Sa tulong na rin ng kanyang credentials ay hindi naging mahirap para kay Yesha ang pag-a-apply sa University. Maganda ang offer sa kanya ng University kaya hindi rin nagdalawang isip si Yesha na kunin ang oportunidad na iyon dahil halos kapantay rin naman nito ang compensation niya sa dating pinagtatrabahuhan sa Ireland. Nag-boluntaryo naman ang pinsan niyang si Ben na ipag-maneho siya, pero siya na ang tumanggi dahil alam din niyang busy din naman ito sa
CHAPTER 39 “It’s Jake Mendellin!” Her hands remained glued at the open button of the elevator, she unconsciously shifted her weight from side to side. Just a mere sight of him makes her mind go blank. Parang may mga dagang nagsisi-takbuhan sa dibdib niya sa sobrang lakas ng tibok nito. “Thank–,” hindi nagawang ituloy ng lalaki ang sasabihin ng mag-angat ito ng tingin at mag-salubong ang kanilang mga mata. They were both nailed to the spot and words lost in Jake’s mouth when he sees her. Nanatili lang silang naka-titig sa isa’t-isa. Hindi alam ni Yesha kung totoo ba ang nakita niyang tuwa at lungkot na dumaan sa mga mata ni Jake, o namalikmata lang siya. Mabilis na naging blangko ang ekspresyon sa mga mata nito kaya nagdalawang-isip siya kung totoo ba ang nakita niya. Bumukas-sara ang bibig nito na parang may gustong sabihin sa kanya, pero hindi nito magawang ituloy. They remained staring at each other for God knows how long. Walang kahit sino man sa kanila ang nagtangkang magsalit
Natapos din sa wakas ang isa na namang araw ni Yesha sa trabaho. Since ng mag-simula siyang magtrabaho sa University ay hindi na niya muling na-encounter si Jake o kahit si David. Bagamat nalaman niyang si Jake Mendellin ang may-ari ng University na kanyang pagta-trabahuan ay itinuloy pa rin niya ang pumasok doon. She doesn't have a choice, she needs the job. Laking pasasalamat na lang at mukhang hindi nagla-lagi si Jake doon. “He is the heir of the Mendellin Empire, what do you expect? He had a lot of business to attend to, hindi lang itong University,” saad ng isip niya. Nang dahil sa hindi na muling nagpakita sa kanya si Jake ay nakahinga ng maluwag si Yesha. Nakapag-adjust siya sa kanyang trabaho ng walang kaba at alinlangan na muling mag-krus ang kanilang landas. It's been a week, and her week was fruitful, naging maayos ang takbo ng trabaho niya, and she was enjoying her job and starting loving it.“Good bye, Miss Valdez,” narinig ni Yesha na paalam sa kanya ng ilang estudyant
Namagitan ang katahimikan sa pagitan nila ni Jake, habang binabaybay ng sasakyan nito ang kahabaan ng Edsa. Ramdam sa paligid ang tensyon na namumuo sa kanilang dalawa. Kahit si David ay halatang nakikiramdam din sa kanilang dalawa, dahil maya’t-maya ang sulyap nito sa kanila sa rearview mirror. Hindi tinangka ni Yesha na tapunan ng tingin ang lalaking katabi. Aaminin niyang may galit pa rin sa puso niya, pero hindi rin niya maikaila sa sarili na napakalakas pa rin ng dating nito sa kanya. Being with Jake in one space makes her suffocated, ramdam na ramdam niya ang presensiya nito. He was awakening the feelings that she already buried deep within her heart by his mere presence. Mas kinatatakutan niya ang reaksyon ng katawan niya kesa sa galit na nasa puso niya. Yes, she was still angry at him, pero bakit parang natutunaw ito ngayon at hindi niya masumbatan ngayong kasama na niya ang lalaki?Maya’t-maya ang pagbuga ng malalim na hininga ni Jake, wari napaka-lalim ng iniisip nito, pero
“Aaaahhh!” Claire’s shout echoed in the entirety of the house. Kasalukuyan siyang nagpapahinga sa kanyang kwarto. Galing siya sa kanyang Cebu tour ng ma-receive niya ang tawag na nakapag-pasira ng araw niya.Hangos namang pumasok sa loob ng kwarto niya ang kanyang inang si Clarisse ng marinig nito ang malakas niyang sigaw, kasunod nito ang ilang mga katulong, na marahil ay narinig din siya.“What? What happened?” nag-aalalang tanong sa kanya ng kanyang ina. Sinuyod nito ang kabuuan ng kwarto, checking on what was the cause of her scream.“Ma!” ingos niya sa ina. Napatingin siya sa mga katulong sa bandang likuran ng ina ng marinig niya na para itong mga bubuyog na nagbubulungan. Tiningnan niya ng masama ang mga ito. Nang makita ng mga ito ang nakamamatay niyang titig ay isa-isang nagsi-alisan ang mga ito. Narinig pa niya ang ilan sa mga sinabi ng mga ito.‘Nagda-drama na naman yata,’ anas ng isa sa mga ito sa kasamahan bago ito tuluyang tumalikod at lumabas ng kanyang kwarto.“I heard
Kakaba-kaba si Jake habang naghihintay sa harapan ng altar. Maya't maya ang pagpupunas niya ng gitla-gitlang pawis sa kanyang noo at leeg. Para siyang nilalamig na mai-ihi na ewan. Halo-halo na ang emosyong kanyang nararamdaman. Kanina pa siya pasulyap-sulyap sa suot na relo. Fifteen minutes na lang naman at magsisimula na ang seremonya, pero parang feeling niya ay napakatagal tumakbo ng oras.He seemed like a supermodel sa suot niyang ternong tuxedo na kulay dark blue at mayroong panloob na kulay cream na long-sleeved shirt, may pares din itong patterned blue na necktie na lalong nakapagbigay ng pormal na aura sa kanya. His hair was styled in slickback side part, na lalong bumagay sa kanyang squared-shaped na mukha. Lalong naging matikas ang kanyang dating na taliwas naman sa kanyang kabang nararamdaman. Wala siyang pakialam kung marami man ang humahanga sa kanya, iisang tao lang ang gusto niyang ma-impress sa kanya ngayon, and he is waiting for her like forever.Ito ang araw na pina
It has been three days since the accident happened, and still, Yesha is not waking up. The doctor said that she is already stable, at malayo na sa kapahamakan, but maybe because of the trauma on her head, kaya hindi pa rin siya nagigising. Ini-assure naman si Jake ng mga doctor na walang dapat ikabahala kahit na nasa state of coma pa si Yesha, malalaman lamang kung may komplikasyon ito kung sakaling magising na ang babae. Jake never left Yesha's side during those days, ayaw niyang umalis dahil gusto niyang pagkagising ng babae ay nandoon siya sa tabi nito. Even for a few seconds, ay hindi niya nilisan ang tabi ng dalaga. He put her in the suite room at the top floor of the Mendellin Hospital. Kung saan mas mabilis ang access nito sa lahat ng facilities ng hospital. She was attended by the best of the best in the medical industry. Pero magka-gayunman ay hindi pa rin magawang maniwala ni Jake sa mga ito na okay na si Yesha at ligtas na sa kapahamakan. Jake wanted to see her open her ey
“Magandang hapon po, Sir,” agad na bati ng mga nakaka-salubong ni Jake na empleyado ng University. Halos lahat ng mga tauhan at professor na nadadaanan niya ay nagkukusang gumilid at yumuyukod bilang pagbati sa kanya. Ilag ang mga ito sa kanya, pero hindi pa rin maiwasan ng mga ito ang tingnan siya ng buong paghanga at kuryusidad. Hindi niya naman masisisi ang mga ito, dahil hindi naman siya araw-araw nakikita ng mga ito na naglalakad sa loob ng University. Bagama't nag-oopisina siya doon ay madalang siyang makita ng mga ito na nasa labas ng kanyang opisina o nakiki-salamuha sa mga empleyado. Kapag napunta siya ng University ay madalas sa private elevator niya siya dumadaan at sa private parking lot naman na nakalaan para lang talaga sa kanya, si David naghihintay sa lumabas kapag uuwi na siya. Kaya naman parang isang napakalaking oportunidad para sa mga empleyado na makita siya ngayong araw na naglalakad mula sa kanyang opisina patungo sa gate papuntang labasan. Wala ni isa man sa m
Kasalukuyang nagla-log out si Yesha ng lumapit sa kanya si Bret. Bahagya lang niyang sinulyapan ang lalaki. Nang matapos siyang mag log out ay ito naman ang sumunod. Kapansin-pansin ang hindi nito pag-imik at parang napaka-lalim ng iniisip. “Is there something wrong?” kapagdaka ay hindi napigilan ni Yesha na tanungin ang lalaki.“Huh?” saad nito sa kanya, mukhang nagulat pa ito ng magsalita siya.“You seemed out of yourself lately. May dinaramdam ka ba?” tanong muli ni Yesha dito. Hindi na niya napigilan ang sariling mag-usisa kay Bret, dahil halos ilang araw na niyang napapansin na parang may bumabagabag dito. She saw kung paanong lagi na lang nitong pinagse-self study ang mga estudyante nito, dahil hindi ito makapag-focus sa pagtuturo. His mind seemed elsewhere, parang lagi itong lutang. Hindi ito ang usual na Bret na nakilala niya. He was usually a jolly and fun guy, kaya kataka-taka para kay Yesha ang biglang pananahimik nito, at pagkawala ng pagka-kulit nito.“I-I am fine,” sag
Claire was lurking in the shadows. Bagamat may suot siyang wig ay pilit pa rin niyang itinatago ang mukha upang hindi siya makilala ng mga taong dumadaan. After all, mas sikat siya ngayon kesa noong siya pa ang mukha ng Valdez Clothing Line. Her face was on the most wanted person’s lists. Silang dalawang mag-ina, kung hindi lang dahil sa tulong ng kanyang lover na si Bret ay malamang wala silang maayos na mapag-tataguan.Being at the house the whole day makes her suffocated. Hindi din nakakatulong ang pagta-tantrum ng kanyang ina. Ang dating well composed na imahe nito at ang sharp na utak upang makapag-isip ng plano ay bigla na lang nag-laho. Her mom was like a kid these days, always whining.Their assets were all frozen, mula sa credit cards niya hanggang sa kanyang savings sa banko. Ang condo unit niya at apartment na nabili nung nasa poder pa sila ng kanyang Papa Romualdo ay naka-lock din. May mga mata ng pulis ding nakabantay sa lugar, kaya wala silang ibang matuluyan kundi sa ma
Unang araw ng paglabas ni Don Romualdo sa ospital. Jake made sure that everything was alright kahit na hindi ito kasama ni Yesha upang sunduin ang ama.Hindi katulad ng unang kita ni Yesha sa ama, ngayon ay mas malakas at mas masigla na ito. Don Romualdo can walk on his own now. Hindi na nito kailangang gumamit ng wheelchair at ng oxygen tank to help him breath. Malayong-malayo na ang itsura nito kesa noon. He looked the same as Yesha remembered him, before the accident happened. Although, medyo payat pa rin ito, pero mas maaliwalas na ang aura nito. “Are you going to stay with me at the house, sweetheart?” tanong ni Don Romualdo kay Yesha habang lulan sila ng sasakyan pauwi sa mansion nito sa Forbes. “The house is too big for me to live alone there,” saad pa nito.“I will, Pa. I need to prepare some arrangements first,” pahayag niya sa ama. “I need to talk with Tita Alice and Ben too, para mag-paalam sa kanila ng maayos,” paliwanag pa niya.“Thank you, anak. Even though I am a failu
Jake was sitting quietly at the balcony ng kwartong ginamit nila ni Yesha. Nag-timpla siya ng kape bago lumabas doon. The truth is ayaw pa sana niyang bumangon at iwan ang napaka-gandang nilalang na natutulog sa kama. He keeps staring at Yesha’s sleeping form, and wondering how lucky he is, seeing her in this vulnerable and beautiful state. She was sleeping soundly, bahagya pa ngang naka-nganga ang labi nito. Habang nakatitig sa labi nito ay muling sumagi sa isipan niya ang matamis at mapangahas na halik na pinagsaluhan nila kagabi. Kung hindi niya pinigilan ang sarili ay hindi niya alam kung hanggang saan sila napunta.He groaned lightly, and shook his head to let out the naughty thoughts that were starting to form in his mind. Bahagyang gumalaw ang dalaga at dahil doon ay tumambad sa kanya ang napaka-kinis na balikat nito. His eyes automatically travelled to the bare skin that was exposed in his eyes, nahinto iyon sa may puno ng dibdib ng dalaga na bahagyang naka-labas din dahil sa
“Love wake up, we are here,” banayad na tinig ang bahagyang naririnig ni Yesha na pumupukaw sa diwa niya. Umungol lang siya pero hindi niya minulat ang mga mata. Ayaw pa niyang gumising dahil napakaganda ng panaginip niya. Inayos pa niya ang sarili sa pagkakasandal hanggang sa maging komportable siya. “Love, kapag hindi ka pa gigising bubuhatin na kita,” saad ni Jake malapit sa tenga ni Yesha. He slightly chuckled dahil tanging ungol lang ang isinagot dito ni Yesha habang inayos pa ang sarili sa pagkakasandal sa balikat ng lalaki.Sa naalimpungatan na diwa ni Yesha ay narinig niya ang binulong ni Jake sa kanya. Nang dahil doon ay bigla siyang napa-dilat. Her mind was haze with sleepiness, kaya hindi niya mawari kung ano ang unang nakita niya. When her foggy eyes cleared ay bigla siyang napa-upo ng maayos ng ma-realize niyang ang side view ng magandang mukha ni Jake ang nakikita niya. Saka lang niya napag-tantong nakasandal pala siya sa balikat ni Jake. Biglang namula ang mukha ni Yes
Lumipas ang mga araw at linggo na walang naging balita ang lahat lalong-lalo na ang mga kapulisan kung saan nag-tago ang mag-inang Clarisse at Claire. Walang mahagilap na trace ang mga pulis kung saan ang mga ito matatagpuan. Naglaho na lang ang mga ito bigla na parang bula. Ayon naman sa mga pulis ay siguradong hindi makakalabas ng bansa ang mag-ina, dahil sa mayroon ang mga itong hold departure order na isinampa din ni Jake upang masiguro na mahuhuli ang mga ito, at hindi makapunta sa ibang bansa.Sa kabilang banda naman ay naging mabilis ang pag-galing ni Don Romualdo. In a few days ay muling bumalik ang sigla nito at unti-unting nakakabawi ang kalusugan sa gabay na rin ng mga health experts ng hospital ni Jake. Meron na rin itong sariling bodyguard at private nurse na si Jake mismo ang nag-rekomenda. Napagpasyahan ni Yesha na kapag tuluyang gumaling na ang ama ay ipakikilala niya ito sa mga anak. She didn’t told her father yet about the kids, naghihintay siya ng tamang panahon u